Personalan daw ang politika dito sa atin…

 

Ka-blogs, let’s talk shop. Let’s talk politics pala, hihi…πŸ˜‰

 

Image of a candidate in the Philippines during a motorcade

Mas gusto nating mga Pinoy na nahahawakan at nakikita ng malapit ang ating mga opisyal/ dalje.com

Personalan daw ang politika dito sa atin. Hindi raw based on platforms or based on merits ang pagtakbo para sa isang posisyon. Hindi pa… Hindi rin daw nahahalal ang mga kandidato dahil sa husay nilang tumrabaho o sa pagkaka-kabisa nila sa mga lokal o pambansang isyu. Usually, name recall daw ng mga taong bumoboto sa pangalan ng politiko ang nagti-tip ng timbangan. So, alinman daw sa nananalo ang kandidato dahil sa luma, pero tanda pa ng mga tao ang apelyido niya Β o ng Tatay niya o kaya – popular, charming at personalized ang kanyang dating sa mga tao, ahaha. Β Kaya, na-coin ang term na PBA (politika, basketbol at artista) para ilarawan ang preoccupation o libangan ng mga tao rito sa atin. Ang political culture na rin, siguro…

 

Pero tingin ko, may dagdag na, nitong mga huling halalan. Naihahalal na rin pati ang mga dating rebeldeng military officials, ahaha. Naka-tatlo na tayo ng Senador na yaan ang background. Feeling ko, feeling lang, dahil may side tayong mga Pinoy na mahilig sa underdog – ang rebeldeng nag-mutiny at di-nagtagumpay, sa Senado ilagay (practice lang po sa rhyming, haha). On the other hand, parang hope for reforms rin siguro ang pagboto natin sa tulad nila. Sabagay, dati nga, may Senador tayong artista’t magsasabong ang background. Meron ding action star na pagiging action star lang talaga ang alam – may matanda at bata, ahaha. Sabagay, dito sa atin, marami ang artistang naihahalal sa pwesto. Kunsabagay, hawig naman ang politika at pag-a-artista –Β Β kapwa sila pinilakang tabing.πŸ˜‰

 

Ang ganitong Β kalakaran, hindi raw unique sa atin… Sa Europe, ang kahawig natin ang politika, Italy. Ahaha, para ring dito – makukulay at characters ang mga politiko roon, mayroon ding backslapping na tinatawag at may backroom deals din, Β ‘ika nga… Β Sa Latin America, ang pinakakahawig naman sa politika Β ng Pilipinas Β – Mexico. Ang paliwanag yata – pareho tayo ng Mexicans na nasakop ng mga Espanyol sa matagal na panahon. So, para ring dito Β – sa page one ng dyaryo nila – nakalagay kung ano ang kinain sa breakfast ng Presidente, sinu-sino ang mga bisita at kausap niya at, ano ang latest development sa kanyang lovelife, ahaha. Oks ba? May kapareho tayo, hehe.

 

Image of Philippine president, Noynoy Aquino

Mas komportable tayong alam natin ang mga detalye ng buhay ng public officials natin, maging ang kanyang lovelife/ http://www.philstar.com

 

Ayon nga, dapat unang ma-meet ng kandidato ang personal expectations ng constituents than the professional ones, hano? Β Dapat maka-identify tayo sa kanyang itsura, background at pati tunog nya, hala pa. Pag hindi, malabo si aspiring politiciang mahalal at suportahan ng tao. Katunayan, karamihan sa nagiging Presidente natin, may itsura at makikisig, pramis. Ang exception lang yata rito ay ang dalawang babaeng Presidente at ang presidente sa kasalukuyan. Gusto natin, hanggang maari, presentable ang ating Presidente – pang-display, kumbaga. Hindi ko rin masyadong talos kung bakit. Importante siguro sa atin ang deportment ng isang public official. Mas maigi yata pati para sa botante sa atin Β – bongga at extravagant ang pinuno. Or, at least, medyo kumukuti-kutitap. Tila gusto natin, bedazzling ang ating leader, ahaha.

 

Mga ka-blogs, kung hindi pa kumpleto ang listahan nyo ng 12 Senador, hihilingin ko – idagdag nyo sana si Risa Hontiveros. No. 13 na siya noong 2010 election, maigi at sinubukan nya uli ngayon. Kung tulad ng sabi sa surveys, di pa rin siya papasok sa Top 12, sayang naman. Baka bumalik uli siya sa private sector… Minsan lang may gaya ni Risa – knowledgable and articulate sa maraming Β issues ng bansa, dedicated magtrabaho at concerned sa welfare ng kababaihan at mahihirap na nanay. Bibihira ang ganoon – may caliber and commitment. Yun lang, mestisa sya, hindi patok sa grassroots ang looks nya, kumbaga…

Si Risa ang isa sa kilala kongΒ legislator na alam ang ins and outs ng tariffs, trade and agriculture issues ng Pilipinas, kabisado ang iba’t ibang panig at anggulo ng peace question ng bansa at maging ang defense and security question natin…πŸ™‚ In public, mas nakilala sya dahil sa Reproductive Health issue, sa Generics Law at sa mga isyung karapatang pangkababaihan.

 

Kung mauupo si Risa sa Senado, malamang, considerably less ang oras at resources na gugulin nya para magpaganda, haha, compared sa ibang aspiring candidatesΒ  – ang taas ng chance na sa papogi at paganda mapupunta ang kanilang time and efforts… Matagal na rin si Risang nakikihalubilo sa urban poor leaders, nakikinig sa mga hinaing ng marginalized sectors at nakikipag-usap sa farmers and fisherfolks, Β sa iba’t ibang probinsya… At ang notable sa kanya, listening type si Risa… Gracious na tao, if there is one.Β Sayang, kung hindi si Risa Hontiveros mahahalal…Β :)

 

Image of candidate for the Senate, Risa Hontiveros

Pag sa beauty pageant, sabi natin – beauty with substance. Pag sa public service, hindi?/ halalan.up.edu.ph

 

Ang trade, peace and defense issues ang posibleng kaharapin natin, in the coming years. Mas maigi kung may authority on the said issues na nasa Senado.

 

Ating tinuan ang pagboto para makapag-upo tayo ng matitinong opisyal, ahaha.πŸ˜‰ Maraming salamat, ka-blogs. Happy holiday!πŸ™‚

 

38 thoughts on “Personalan daw ang politika dito sa atin…

  1. aysus..nothings new sa ating pulitika..napaka oldskul..trapo kung maituturing..sa totoo lang ayokong paniwalaan na matalino na ang mga pinoy sa pagpili ng iboboto…eh bakit ang dami paring nakakalusot sa ating gobyerno?….kailan kaya magiging mulat ang atiing mga kababayan sa pagpili ng dapat ihalalal sa puwesto? haysss….helo sayo ssa at happy weekend..;-)

    • hello, Myr… paano ba? personalan yata ang politika natin sa Pinas kasi, marami ang sobrang mahihirap ang buhay sa ating mga kababayan. marami pa rin pati ang nakapag-aral man, hikahos sa daily lives… kaya ‘yon, anuman ang fantasies, wishes and longings ng mga tao, sa public figures nila iyon ihinahanap ng katugunan. kumbaga, may pagka-fantasy world, escape ang adoration ng folks natin sa public figures.

      oo, medyo gano’n. halimbawa, ang maiitim – they find comfort sa pangyayaring maitim din at native na native ang itsura ng ating vice- president, ahaha. ang pango, nakaka-identify sa kandidatong pango, hohoho. o, kaya, kabaligtaran. ang botanteng walang confidence sa sarili, gustung-gusto nya ang kandidatong napaka-confident magdala ng sarili. ang walang yaman, feel iboto ang kandidatong sobrang yaman at extravagant. ayon yata…πŸ™‚ happy Labor Day sa iyo!πŸ˜‰

      • hehe. well said kapatid. ewan ba sana nga mabago na ang mentalidad ng ating mga kababayan sa pagpili ng mga kandidato. sana bago nila isulat sa balota yung susunod na mamumuno ng ating bansa ay pagisipan nilang mabuti..ah basta ako….hagedorn lang at brother edi..hehehe…nagpromote pa! well goodluck at happy holidayπŸ˜‰

      • hello… salamat. sana pahinga ka today, Myr. masyado ka atang masipag, hehe.

        palagay ko, di lang mentality yon. big part of it, kasi hirap ang marami sa buhay kaya madaling goyoin at lansihin ng mga politikong nagkukunwaring para sa tao sila, yown…

        ah, charming pareho sina hagedorn and brother eddie. but i guess, si hagedorn, mas cut out na for executive positions, hindi sa legislative (at national level pa). lawyer naman ata sya (tama ba?), so may aral… pero, mas bagay na sya as governor or head siguro ng isang agency… si brother eddie, mas okey sa akin that he remains as leader of his flock, his group. pwede naman sya and mukhang capable na maging Senator but likely, he’ll find the tasks, duties and routines in the Senate very different, ahaha. i admire him, nanonood ako’t nakikinig sa program nya sa tv, yun,oh!

        oiii, isama mo si Risa sa lista mo, haha. mabait yon, tisay lang, hihi. kilala sya ni brother Eddie, magkasabay sa Congress sina Rep. Risa and Rep. Joel (anak ni bro edi na congressman dati, party-list din at in-appoint ni PNoy as TESDA head). alam ko, mataas ang respeto ni Brother Eddie kay Risa -alam nya paano tumrabaho at gaano ka-dedicated sa plight ng maliliit. sa pagkaalam ko, hehe. good day!πŸ™‚

  2. “…ang rebeldeng nag-mutiny at di-nagtagumpay, sa Senado ilagay” That is so good, it should be printed on t-shirts!πŸ˜€

    The Pakistani people are also about to hold elections, and trust me, it’s more or less the same there. What I mean is that most of the people vote emotionally not intellectually.

    • haha, thanks! ay, Nadia, pangarap ko ‘yan, makapag-business ng t-shirts na witticisms ang nakasulat.πŸ˜‰

      talaga, election din sa Pakistan? ay, parang masaya…. marami ring hawig Pakistan and the Philippines as Third World countries, maybe… e, saan kaya tayo hahanap ng intellectually-motivated pol. decisions, gayong downtrodden buhay ng mas marami?πŸ™‚ i mean, it’s hard to expect rational decisions from people who are saddled with so much problems on daily bases. what do you think, ahaha. hello, holiday rin kayo ryan?… regards poπŸ™‚

    • hello, RP…. teynks, kapatid.πŸ˜‰ haha, parang yong ginagawa sa mga mestisang artista sa telenobela, mini-make-up-an ng charcoal? ang kulit… e, mestisa talaga si Risa, parang fierce-looking? sa stereotype perception, intimidating. sa malapitan, hindi naman… di sya primadona or throwing her weight around. matyaga pati syang makinig at pangiti-ngiti lang. di sya confrontational… saka, nakikita ko rati family nya, pati cousins – mapuputi sila, matatangkad pero di loud, gaya ng ibang mayayaman sa Pilipinas, ahaha. basta, may breeding na tao si Rep. Risa, gano’n ko sya nakilala.πŸ™‚

  3. I think Risa’s far better than the other female candidate. Or maybe bias na ako kasi may β€œturn off” factor na about the other candidate. Okay, the comparison is unjustified. Siguro ganito na lang, Risa’s better than those lavishly positioned in the survey. And we have to admit that surveys, albeit paid wittingly, plays a strong impact to voters. Dapat may blog din ako patama sa ibang kandidato pero wag na lang. Mapagalitan na naman ako. From the last I’ve heard, she’s already in the 12th place, kicking out Gordon. Sayang naman si Gordon. At any rate, konting sipa pa para parehong pasok si Risa and Gordon. Wag naman yung magagaling ang nakalambitin at matitira na naman ang mga sikat na makunat.

    • hello, biatch… hala pa, mas magaling si Risa than most, haha. ang sama ko yata.πŸ˜‰ pero, maski i-compare sa ibang nakaupo na or sa ibang secure na pwesto sa Top 12…. tungkol sa isa pang female contender, Tatay nya magaling but sya, ‘indi wari (ahaha. walang track record ). candidacy nya, shows capital rito sa atin sikat na apelyido… ang family nila, striking wari while the iron is hot… ‘bagay, di naman sila lang, marami na ang nauna. yon lang, parang sagad naman pag gano’n… (ahaha, peace). but then, ilan kandidato sa Senate that the only claim is the apelyido ng Tatay? walang track record sa public service, wala rin sa ibang aspects, pero nagki-claim na may puwang sila sa hearts, minds and loyalties ng voters? aaahhh.πŸ˜‰

  4. Dalawa pa lang sa listahan ko…. si Mitos Magsaysay at Greco Belgica.
    Dagdag ko na si Risa Hontiveros dahil may tiwala ako sa judegement mo Ate San.πŸ™‚
    Nagdadalawang isip ako sa kanya dahil sa connection niya with Penoy. Pero sige na nga.
    Nagiisip pa rin ako ng idadagdag sa League of Possible Losers sa halalan pero winner sakin.πŸ˜€

    • hello, June… hala, dadalawa pa. ang hirap gumawa ng listahan ‘no? mas marami ang di-kilala at ang kaduda-duda ang motibo sa mga politiko, haha.πŸ˜‰

      hmn, ba’t si Mitos… hmn, di ko sya napapanood sa tv lately, ma-observe nga, manonood na nga ako ng tv… hmn, na-observe ko si Rep Mitos at work, sa Congress. makilos sya, decisive at mukhang maraming gustong ma-accomplish… but then, i doubt her her “pro-masses” stance, ahaha. she strikes me as mayamanin, parang gano’n… personally, okey sya – masayahin, matawa and maraming kwento, medyo kikay… ^^ parang gano’n impression ko.

      si Belgica… ay pogi, haha. ganoon ko sya naaalala. councilor sya dati, sa Manila yata (di naman ako tagaroon). nito ko na lang sya uli nakita and running nga raw as Senator. ewan ko if okey sya, di ko nagustuhan ‘yong stance nya sa Sabah issue – pa-macho.πŸ™‚ hamo, aalamin ko kung ano ang platform nya…

      hmn, Risa and Pnoy. nagkasama sila sa Congress dati – last term ni Pnoy as congressman ng Tarlac (deputy speaker for Luzon sya no’n) and first term naman ni Risa as party-list rep. ang alam ko, si PNoy, bilib kay Risa and they got to work together on several issues and legislation. medyo nagtaka nga ako dati, di binigyan ng posisyon ni PNoy si Risa (as head ng isang agency sana). on the other hand, okey na rin.

      ay, eto… some people cast doubts on Risa because of her connection with Ronald Llamas (PNoy’s adviser and former head of Akbayan, Risa’s party-list). but then, i had the chance to see them both (Ronald and Risa) before. and i would say, Rep. Risa can and pretty well hold her own. soft si Rep. Risa pakinggan, but firm din, tingin ko…

      salamat, kapatid, for considering my endorsement…πŸ™‚πŸ™‚

      • Wala pang stand si Mitos Magsaysay na di ko sinang-ayunan. Very rational at calm sa mga debate. Assertive pero di arrogant. Yung tipong sumisigaw na kaharap niya, siya smile parin pero binubugbog na niya sa mga sagot kalaban niya. Sa senado kasi tingin ko dapat isip ang nangingibabaw at di emosyon. Wala akong nakikitang strikingly new sa mga plataporma niya, halos pareho lang sa iba pero kung papipiliin ako sa kanila, siya na.

        Tsaka Ate San kung papipiliin ako between sincerity at results. Sa pangalawa na ako. Kasi nga di ka naman magiging pulitiko kung di ka artistahin. Lahat naman sila umaakting. Ang sincerity never mo malalaman kung totoo or hindi or if ever, too late na. Ang results pwede mong ma quantify at may significant effect satin.

        Ayoko ko rin sa ‘masa’ culture na yan, yang kulturang yan ang inaabuso ng mga pulitiko at sa tingin koy dahilan ng paghihirap ng ating bansa.

        Gusto ko si Greco Belgica dahil pang senado ang mga adhikain niya. Gusto ko yung flat tax na gusto niyang ipatupad. Napanood ko rin stand niya about Sabah, I’d take that as decisiveness. Mas gusto ko yung pulitikong may bayag ( at may buhok hehe ).
        Ang di ko lang gusto kay Belgica ay ang kanyang religious affiliation. Mas gusto ko yung pulitikong may secular humanist views when it comes sa pulitika (tingin ko pasok dun si Risa). Sa ganoong angulo alam ko pagsisihan ko ang ibang laban niya balang araw pero I’d take my chance on him kasi tingin ko magaling siya.

        Maghahanap ako ng mga pulitikong maghahangad ng Constitutional Change kasi nga flawed maxado ang ating Constitution na ginawa ni Cory Aquino sa sulsol ng mga elitista nagluklok sa kanya at nagpagawa ng mga laws that would encourage oligarchy at isa na dun ang proliferation of political dynasty.

        Kita mo kanina, ayaw ni Kalbo madaliin yung pag-alis ng contractualization kasi mawawalan ng investor. at small-scaled businessmen lang din ang nandito sa Pinas. Kasi nga tanga ang ating Constitution. Dahil nga sa 60/40 na hatian ng capital at kita mahihirapan talgang kumuha ang Pilipinas ng investors at rather lumalabas ng bansa and ating manpower.

        Bwisit yung mga pari na nagpadala ng diocesan letter para humarang sa charter change noon kesyo mawawalan daw tayo ng identity at maghahari ang mga dayuhan sa bansa natin. Mga pari kasama ng mga elitistang engot (hindi naman lahat) ang mga nagpapapkasasa sa yaman habang ang iba ay nagugutom o di kayay nagtititis mawalay sa pamilya may maipakain lang.So walang dayuhan dito kasi tayo ang nagpadala ng manpower sa kanila. ang wisyo eh parang naging factory na tayo ng slaves para ipadala sa ibang bansa…deym.πŸ™‚

        Haha dami ko nang nasabi ah… mabuti dito at alam kong ikaw lang magbabasa nito hehe.
        Have a great day Ate San.

      • hello, June… salamat for your lengthy but well-argued comment. ahaha, kakatuwa.πŸ™‚

        a-argue rin me, if you don’t mind, ahaha… ayon nga, di ko napapanood si Rep. Mitos recently sa tv. if she’s as good as you say, e, di okey. ganto naman ang sa ‘kin… ang kuha ko sa kanya, medyo uppity. e, may resources at pangalan family nila. isa pa, professionals and wealthy na rin mga kahalubilo nya, all along. pero, kanyang apelyido is Magsaysay, a surname that is associated with being makamasa. Magsaysay as being the pro-masses guy, is a myth (peace) – a myth na bumenta sa grassroots through the decades. so, if Rep. Mitos is playing along the line na Magsaysay is pangmasa, that she is pangmasa, baka hindi… to me, she seems efficient, no-nonsense and medyo mataray (as most professionals are), haha. yon…

        anyway, may sense si Rep. Mitos magsalita, true. but likely, it’s still her apelyido that will carry the day for her. haha, ang sama ko (peace)… di pa nga based on merits ng kandidato ang halalan dito sa atin. to her favor, parang masipag and may sense si Rep Mitos and her looks is pangmasa compared kay Rep. Risa, for example, (mukhang elite) haha. it hardly matters sabihin ko or ninumang makamasa si Risa, hahaha. oo nga ‘no?

        yes, kapatid, it’s still about identification ng constituent-voter sa candidate leader… maybe, some leaders come forward before their time? … ^^

        ay, June, aalamin ko pa lang ang kay G. Belgica, ha… his pronouncements, so far, strike me as too populist – tila nagki-cater sa sentiments ng babang-baba ng population, parang… for elaboration on the Sabah issue, kindly refer sa previous post here – Mga Talunang Mandirigma – pag may time ka…πŸ™‚ about his proposed flat tax scheme, tingnan ko pa… kung tutuusin, sa pagkaalam ko, VAT na ang closest to a flat tax scheme sa modern world. yun lang, ang naging adoptation nito sa Pilipinas – masyadong compromised – ang daming loopholes, ang daming palusot. i’ll see if candidate Greco is saying something new, relevant and timely, ahihi. as for his bayag and buhok, well, pogi pa rin sya, ahaha (peace).πŸ˜‰

        gusto ko pala sabi mo about Constitutional Change, about opening up Philippine trade and commerce to foreign ownership, not as tied as they are, today… pangarap ko rin yaong mga foreigner ang mag-a-apply ng trabaho rito and not the other way around, ahihi. maganda visiong yaan, pero matagal pa siguro matutupad… ^^ factory tayo ng slaves – ahaha, you put the truth so bitingly, kapatid…

        i guess, oligarchy pa nga mayroon tayo sa ngayon and it is reflected in our laws, our way of life and our belief system as a people. but then, kung titingnan naman natin, ano kalagayan ng marami? hirap, lugmok, api at mangmang pa… gustuhin man nating maging as scientific, as modern and as “proper” as the rest of the world, hindi pa yata kaya… karamihan sa ating mga kababayan ay tribal pa ang pamumuhay – may communities pa tayong nabubuhay sa pagpapastol lamang ng hayop, takot na takot pa ang mga tao sa tikbalang at may mga sumasamba pa sa ispirito ng bundok at mga puno. i guess they are still too vulnerable sa manipulations of the wealthy, educated and calculating members of our elite, those who have appointed themselves as rulers of this kingdom – in the electoral arena or otherwise.πŸ˜‰

        marami akong natutunan sa yong comment, salamat.πŸ™‚ gandang hapon din, June.

  5. Hi San,
    Tama ka personalan nga ang politics sa pinas, hindi lang personalan, pang pamilya pa lol.
    Isang dahilan ng isang OFW bakit ayaw na niyang bumalik sa inang bayan, dahil dyan sa mga politiko na ayaw ng bumaba sa pwesto.
    Anyway hindi ko alam na fan ka pala ni Risa, kung makakaboto ako iboboto ko siya kasama si ka Teddy at wala ng iba. Gaya ng mga nakaraan kong post tuloy parin ang aking katanungan…
    Kailan magbabago ang Pilipinas?

    • hello, Kiko… tama ka, pampamilya talaga ang politics sa Pinas. kung gusto mong i-verify, punta ka minsan sa Congress, lalo pa during SONA – everybody who is considered somebody sa Pilipinas, nasa halls ng Congress on that day, ahaha. mag-aama, mag-asawa, magkakapatid at magpi-pinsan sila, ahihi (peace). ^^ meron pa’ng other women, hoho. true, may gano’n…

      hmn, if you get to meet Risa, siguro mai-impress ka rin. may pagka-quiet sya. marami syang alam pero di basta sisingit or mamba-bash ng kausap, may pagka-gano’n… ang na-meet kong parang ganyan din, si Adel Tamano (dating spokesperson ng opposition) and si Gibo. para silang mga taong may pinag-aralan. medyo anak ng Dyos, haha, pero magagalang…πŸ™‚

      hmn, okey naman si Teddy. mukha bang makakapasok na sya this time? mas maganda yata ang showing ng group nila sa election noong 2010 than this year. hala, di ako updated sa mga kaganapan.

      hah, hirap ng tanong mo. ikaw muna sumagot. hamo, isang araw, gagawan ko yaan ng post.πŸ˜‰

  6. sa totoo lang, nalulungkot ako sa estado ng politika sa atin… tama ka san, masyado tayong tumitingin sa “face value” at mahilig tayo sa mga “underdog” na nakakalimutan natin na importante sa mahalal ay ang makapagpatupad ng maayos na batas para sa ikabubuti ng ating bansa… kung minsan ay napapa-iling na lang ako sa mga choices ng mga tao sa atin.. hindi pa ata tayo politically ready… nawa’y mabago ang mentalidad natin…

    pasensya na naging seryoso sagot ko.. medyo nalulungkot ako para sa ating bansa.. pero hindi pa huli ang lahat.. pwede pa…

    sayang at di ako makakaboto this time, walang weekend voting… haaayy..

    hi san!! hope you are well!! ingat ka palagi!! *kaway-kaway*

    • hello, Pot… naaliw talaga ako sa pic mong panggulat sa reader, hihihi. at nagsuot ka talaga ng bowling pin costume? ikaw na – ang tuwa siguro ng mga kasamahan mo habang binabato ka ng bowling ball, hakhak. sa susunod, outfit naman ni Barney, ha… ang cool mo, wala me masabi.πŸ™‚

      ei, hwag ka na malungkot, yon pa lang ang abot ng banana republic natin, ba’t ba? ahaha.πŸ˜‰ seriously, as i said, medyo mahirap mag-expect ng “rational” political choices and decisions from our folks na hirap sa buhay and kulang pa sa exposure sa public life, ‘ika nga… sabi, as a country improves – economically, education-wise and culturally, nagma-mature din daw ang pagpili ng mamamayan sa mga lider at tumataas – nagiging rational – ang standards ng public service… e, sa ngayon, hindi pa, kamo nga… hindi pa platform-based, di pa based on performance….

      hmnn, maaring tayo, may kaunti nang pinag-aralan, medyo mas exposed na sa modern and organized society, ‘ika nga, mas madali na para sa atin – makita ang pagkukunwari ng mga kandidato sa likod ng masiglang handshake and fake smiles… sa common folks, hindi naman ata gano’n… masaya na sila pag nadalaw ng kandidato sa lugar nila minsan, inabutan ng kalendaryo and goodies and inakbayan, ahaha. pangitang-pangitang sabik sa recognition and participation ang folks natin. masaya na sila, makita lang up close ang candidate – makita kung pango ba sya o malapad noo o magandang maglakad… hwag na muna ang platform. yown…

      hala, sayang kung di ka makakaboto, kung di kayo bibigyan ng time to vote, naman…πŸ™‚

      hello, Pot.πŸ™‚ hope you are even better. mag-iingat sila sa ‘yo, hahaha. kaway-kaway … ^_^

  7. Akala ko nag-iisa ang pilipinas sa pangingialam ng lablayp ng mga pinuno at pagpost nito sa dyaryo at sa kung saan saang pang media platform. lol

    Ngayong botohan sisikapin kong hindi iboto ang mga kandidatong nagtatago lamang sa likod ng pangalan ng kanilang mga ama/ina. Patunayan muna ang sarili.πŸ™‚

    kamusta na ba ang buhay buhay ate susan? botohan na! hahha

    • ahaha, di tayo nag-iisa, kapatid – sa kababawan at pagkapakialamero, naman. lol…πŸ™‚ yun nga, di pa platform-based ang ating politics, mas kiling pa tayo sa tsismisan using modern paltforms, nyahaha.πŸ˜‰

      hala pa, may listahan ka na ng iboboto? me, wala pa, shaks na ‘yan. likely, di ako makakabuo ng 12 senators. or, maglalagay ako ng names na maski di mananalo, mukhang maayos na kandidato.

      eto, buhay pa, salamat. marami pa ring dapat ayusin, marami pang magulo (lalo na ako, haha). ikaw, musta… hope things are well, teynks for dropping by.πŸ™‚

  8. Oo nga. Sa Pilipinas sobrang big deal ng pulitika.. Dito sa Canada, election season din, pero hindi ko ramdam kasi hindi masyadong nangangampanya ang mga kandidato. Di rin masyadong televised.. Saka walang patayan. Hakhak. Magaling yang si Risa, maski dati nung nakikinig ako sa RockEd Radio, may isang beses na guest siya, matatas magsalita saka mahusay alam na alam niya sinasabi nya.. Hehe.

    • ahaha, gano’n ata talaga… when lots of people have less in life, plenty of fuss about sa politika. kumbaga, doon man lang, maiparamdam ang presence ng mga wala sa buhay… ayon lang, di kahusayan ang karamihan sa mga kandidato, hakhak at di rin naman kahusayan ang ibinoboto. ahihi, patas lang?πŸ˜‰ oo, cool si Risa, may pagka-ate ang type ng personality nya. hanggang maari, inaalam nya muna, bago sya magsasalita about an issue. btw, citizen ka na ba ryan o pwede ka pang mag-absentee voting, ahehe… teynks sa pagdaan, batopik.πŸ˜‰

  9. tahaha…ngayon ko lang nakita itong post na ito dahil malamang nasa Pilipinas ako ng mga panahong ito at wala akong access sa internet. Hmmmm….kamote na naman ang eleksyon…hindi na talaga ako boboto..hahahaha….hindi ba pwedeng parang kolehiyo na lang ang pagpasok sa senado? may requirements at may entrance exams para masaya…suggestion lang tahahaha

    • hellowie… ay, election period ka naandito? ala pang internet sa may inyo, ala pang lines, ehehe. kamote ? hehehe. ba’t naman, e, mas lalaki ang tsansa ng kamote candidates pag ang boto ng mga gaya mo, isinubi, ahaha… ganda ng suggestion – electoral college ang tawag dyaan, meron nyan sa ibang mga bansa, kapatid. kamukha sya ng college na nag-e-elect ng Pope? parang gano’n, tahaha. kaway-kaway, aysabawπŸ˜‰

      • may internet naman na po sa amin…kami lang ang walang koneksyon tahahaha….nagtitipid kame eh….mmmmm…..electoral college? diba mas maganda kung mag eentrance exam na lang para makapasok sa senado? para walang makalusot na bobo…aypss…..foul….

      • hahaha, tipid talaga? e, wala ka kasi roon… am sure kung andoon ka, may broadband na sa inyo, sa bahay mismo, hehehe. ah, tama, medyo mahirap ang procedures and requirements para maging miyembro ng isang electoral college, mahirap pa sa exam, hahaha. kumbaga, parang sinasala bago maging member na pwedeng mag-elect at ma-elect, yon… yung kamo, walang nakakalusot na kamote or bobo or unqualified, hahaha.

        pero ganito, mostly ng countries na may electoral college, parliamentary ang system of government nila, hindi direct voting gaya sa atin na one person, one vote (popular or direct voting in a democratic set-up). mostly ng countries na parliamentary ang system, industrial or post-industrial countries na, meaning malaki at malapad ang middle class base, marami ang educated members at hindi na sobrang layo ng gap ng mahihirap at mayayaman. ahaha, medyo ganyan, kapatid. glad you brought up the idea of an alternative. good day po…πŸ™‚

      • tahaha…ang galing naman ng electoral na yan…magandang sistema yan…hindi ko alam na may ganyang sistemang nag eexist tahahah…pero ok sana iyan para masala talaga yung mga papasok sa pulitika at hindi palakasan ang sistema…nu ba yan…wa na ko masabi

      • ahihi. ay, mabuti naman nga pag nasasala para maganda-ganda ang mga kandidatong pagpilian. lam mo, yan dahilan ba’t marami-rami na rin ang nag-a-advocate ng parliamentary system para sa Pilipinas. ayon lang, parang matagal pa bago yan maging swak dito sa atin. kailangan ng mas maraming may regular na income at mas may pinag-aralang constituents para mag-work sa atin ang parl system. know why? sa ganyang sistema, fused ang legislative function at executive function. bale, ang tagagawa ng batas, sya ring tagapagpatupad – ang laking power no’n…

        na-appreciate ko nga ang points na ini-raise mo, kapatid. salamat and good day.πŸ™‚

      • tahaha…napapa research tuloy ako sa google kung ano ang parliamentary system…(tsk tsk sana pinagbutihan ko ang pag-aaral sa Sibika at Kultura)

        hindi na nga kinakaya ng powers ng utak ko…tahaha…basta, hindi na ata ubra sa atin ang democratic govt. tahaha….

        papasimplehin ko na lang para di ako ma nosebleed ha Ate San, tahahah…kapag iniisip ko na ang Pilipinas ay magkakaroon ng gobyernong katulad ng sa England….iniisip ko kung uubra kaya? Medyo iba kasi ang takbo ng utak ng mga Pinoy tahaha pakiramdam ko lang naman…parang kelangan ata ng iron fists para mapaayos ang Pinas…teka Ate San…recess muna…dumudugo utak ko…hahahahahah

      • ahaha, napa-google sya, pasensya naman. eh, wala pang sibika at kulturang subject no’ng time namin. social studies ang tawag, ahaha. english, di ba?πŸ˜‰

        lam mo, maraming nag-iisip din na ganyan – civilians man, govt official or soldiers. mas dictatorship daw ang bagay sa atin, ahaha. in a way, may point – tayo lang, Pilipinas ang for so many decades, democratic country sa SEA. the rest, puro dictatorship… ‘yong iba, kailan na lang nag-adopt ng democracy as framework ng gov’t…

        i guess, malayo pa tayo sa England, history wise and governance wise, kapatid. much older civilization ang English people, mas matagal at mas mahaba ang tinahak na nila. noong 1100s, formation na ng towns sa kanila whereas sa atin, 1500s pa lang nag-umpisa ang pagkabuo ng mga bayan-bayan. at sa ilang piling lugar pa lang…

        matagal din ang panahon ng gera sa English people – several hundreds of years, within and without England. doon sa without, ahaha, 800 years ang pananakop ng Inglatera sa Ireland (kaya malaki ang sentimyento ng Irish against the English), di pa kasali ang sa Welsh people and two other nearby colonies na sa ngayon, officially, part ng territory ng United Kingdom. basta, napanood mo ba ang movie na Braveheart? ahaha, ayon… tapos, di pa kasali ang colonies ng British sa Asia, Pacific, Africa and sa Europe mismo… kumbaga, bahagi ng strength ng British as a nation ang panggegera at pagko-colonize sa mahabang panahon. tapos, dumaan ang English folks sa period na nagpupugot-ulo ng hari, as in. beheading talaga, para ring sa France…

        pasensya ka na, kehaba ng sagot… anyway, what am saying, malaki rin ang pinuhunan ng industrial, modern and parliamentary governments sa ngayon bago nila na-attain ang strength, civility and professionalism na ating nakikita at ina-admire (at kinaiingitan, hihi) sa ngayon. dumaan din muna sila sa barbaric, corrupt and may malalang nepotism na stage, bago sila naging what they are today.

        ang sa atin, kaya democratic ang political shell natin as a country, dahil iyon ang ipina-adopt sa atin ng Americans. iyon ang pinag-e-eksperimentuhan, pinagdudusahan (hihi) at mini-make the best use of, natin.

        ahihi, pinadugo ko ang iyong ilong at tenga, kapatid? ire ang tissue, kaway-kaway…πŸ™‚

      • tahaha…naisip ko lang na dictatorship muna dapat ang gawin sa Pinas ngayon. y? iisa lang naman ang nakikita ko sa mga Pinoy sa ngayon. Kulang sa disiplina. Mayaman, mahirap, may pinag-aralan o wala. Hindi ko naman nilalahat syempre meron pa ding matino, kaso in general eh medyo ganyan ang nakikita ko.

        Sa simpleng bagay lang na pagtawid sa hindi tawiran at pagtapon ng basura kung saan saan eh nako. Democratic nga, gaya ng America pero hindi natin dapat igaya ang ating bansa sa America (tahaha). Iba kasi ang naging interpretasyon naten (sa palagay ko lang) sa ibig sabihin ng salitang demokrasya eh. Para bang naabuso na? At wala ding takot na gumawa ng masama. Bakit? Hindi naman na sila natatakot sa pulisya at sa gobyerno, parang masyado kasing maluwag.Saka isa pa, sa napapanood sa tv na ginagawa ng ibang mga “taong gobyerno” na nangungurakot, nandaraya at kung ano ano pa….ano ang bakas na iniiwan nito sa mga taong nanonood? Hindi naman lahat ng nagbubukas ng TV ay may tamang pang-unawa sa napapanood nila.Sa tingin ko din ay tulad ng pamumugot ng ulo sa England, hindi nga lang ganyan ka barbaric, eh higpitan muna at tindihan ang parusa sa mga may sala. Para magkaron ng takot ang mga tao na gumawa ng masama. Hindi naman talaga ako pro sa dictatorship, pero sa ngayon mukang iyon lang ang paraan para tumino ang mga Pinoy. Medyo hindi pa kasi tayo ganoong “sibilisado” in a way para sa tinatawag na demokrasya.

        Isa pa, dapat patibayin muna ng gobyerno ang mahigpit na sistema, palakasin ang sandatahang lakas at ipatupad ng mahigpit yung batas. Una para makuha nila ang respeto ng sambayanang Pilipino, gayon din ang respeto ng ating mga neighbors at ng iba pang mga bansa. Yun na lang incident 2 years ago na na hostage ang mga Hongkong Nationals sa loob ng tourist bus sa Maynila. Katawa tawa talaga dito ang naging tingin nila sa atin. Sana naman ay mula doon sa pangyayaring iyon, ay pinagigihan na ng ating sandatahang lakas ang training para hindi na maulit yon.

        Oo napanood ko ang braveheart at bukambibig din yan ng aking boss at ang history ng British, Irish and Scottish nations. Tahaha, Briton si Boss at mahilig sa history kaya pati ako, nakakapakinig. Instant world history lesson sa umaga habang nagkakape.

        Tahaha…anu ba yan…nosebleed na naman

      • hello, aysabaw… hmn, dictatorship was what we had during the Marcos era. mas umunlad ba tayo at mas naging disiplinado ang mga tao noon? hindi ko sure, kapatid. but then, sa pagkaalam ko, the last woman president entertained the idea before. may strong republic syang concept, remember? pero di itinuloy… thing is, usually, requisite ng dictatorship ang popular na personality – charismatic – ng leader which, she wasn’t, didn’t have… ayon, yata…

        disiplina sa pagtawid. tama, basic ng civil obedience na di magawa-gawa ng mga Pinoy at di rin yata naiintindihan kung para saan – ang pagsunod sa kalakaran para sa kaayusan ng lahat. ang kabilang mukha, yong kamo ay impunity ng mga nasa poder at may pera sa paggawa ng liko, sa pag-apak sa karapatan ng iba at harap-harapang krimen at pangungurakot. there seems to be a tacit understanding sa pagitan ng ruler and ruled that the laws are there to be circumvented, not followed… hmn, paano ba? medyo diniscuss ko yata yaan sa post sa english na blog, doon sa comparing thailand and the phils (kinder and gentler series). ahaha, doon nga ata…

        hmn, about the hostage of the HK nationals at Quirino, paano ba? that seems to be about frustration sa justice system with impunity rin, sa paghawak ng baril. in a way, a case of rogue policeman, trying to exact justice by and with a gun. alam mo, sister, hindi iyon first time… marami nang nauna, hindi lang foreigner ang biktima. dati, hinostage ang control tower ng airport, di ba? saka ‘yong mga bata sa field trip noong engineer na sya mismong nagpi-finance ng local daycare center? marami-rami ang incidents na ganyan sa atin.

        while isang pwedeng tingnan ang ability and preparedness ng police force natin in dealing with hostage situations, isa pa rin sigurong dapat silipin is why are these people, responsible and may posisyon sa gobyerno/pribado at may naabot na rin naman sa buhay at lipunan, nagre-recourse pa sa dahas? napa-frustrate at nagwa-wild? i guess, i suppose, kasi, nararamdaman nilang kulang ang institution, ang wheel of justice at ang efficiency ng buracracies natin… kumbaga, marami pang kulang para paandarin at pagtiwalaan ang kakayanan ng lipunan, institutional mechanisms and people therein – na solusyunan ang mga problema. ayon yata…

        ahaha, at Brit si boss? nakow, makwento siguro sya. ang Brits pa naman, may pagka-dry ang humor, ahaha. good luck naman sa pagkakape. btw, may racist undertones and biases din sila, di lang ipinapahalata or halata kasi, Brits usually speak in whispers, ahaha. ayaw nila ng wild, parang di dumaan sa tumultuous ang history nila and once upon a time, binubuo rin sila ng barbaric tribes, hehehe. btw, atin-atin lang ‘yaan, ha.πŸ˜‰ ‘py Sunday!πŸ™‚

      • tahahaha…medyo masakit na talaga ulo ko sa pinag-uusapan naten Ate San pero andami kong natututunan….babasahin ko ulit yan mamaya or bukas tahaha…pag fresh na utak ko para ma-internalize ko haha…at para makapagcomment ulit…

        Nga pala si Boss ay Brit, Brit sya dahil sa passport well actually dahil din ang mga forefathers nya ….pero originally South African sya….(the more reasons daw na maging racist sya kasi ang linya nya “I’m a white South African racist” sabay tawa…tahahaha…at oo talagang makwento sya dahil mahilig sya sa history at current events kaya ako naman si nganga…napipilitan tuloy manood ng balita para maintindihan ang mga kwento nya..haha

      • at kahit ata nasa Pinas ako di pa din ako magpapakabit ng internet…24hours kasi yung kapatid ko na naglalaro ng online game ewan kung ragnarok ba yun o dota..tahaha…di ako makasingit

      • ay, pang-record, level 22, hihi. ang mga nakapaligid at kakilala rito, at least level 100 naman, ahaha.

        btw, snake lang ang cellphone game na nilaro ko no’ng araw. ang score? ahihi, tumataginting na 26, tahaha.πŸ˜‰

      • tahahaha…noon tulo waway lang ako sa pakikinood ng snakes…kasi high skul ako nung nauso ang nokia…wala akong pambili tahahaha….nakikinood na lang ako

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s