Sa sangandaan ng buhay

 

Sa sangandaan ng buhay

kita’y nagsalubong

Binati mo ako

ng tawang malutong.

 

image of a car in a crossroad

Sa sangandaan ng buhay, kita’y nagsalubong. Ikaw ay laging pasulong/ birchcreektrading.blogspot.com

 

Munting pangungumusta

buhay nasaan na?

Magkikita tayo muli

pupuntahan kita.

 

At ang mga munti mong kaway

tanong sa buhay-buhay

Ikinasiya kong tunay

tila baga, mga munting alay.

 

Tayo’y magtatawanan

magkukwentuhan

Malayo sa hinagap

isang araw – may iwanan.

 

image of a couple in deep embrace

May kakaibang lugod at saya ang magmahal at mahalin din/ bethtrissel.wordpress.com

 

At kung paglalayo

sing-ilap din ng pagtatagpo

Hindi akalain o kinuro

sandaling ikaw – maglalaho.

 

Ano nga ang sabi

ang dakilang aral?

Ang magmahal

ay para sa hangal.

 

Ang umasa ng kapalit

para lang sa iilan.

Hindi patas ang laban

kaya nga, may digmaan.

 

Tinatanong sa sarili

ang umasa ay anong silbi?

Babalik ba ang dati

ang doon ay paparini?

 

Itataboy na lang ng hangin

mga lungkot at panimdim

Tatanungin ang buwan

kung tunay ang damdamin.

 

Sa sangandaan ng buhay

kita’y nagsalubong

masigla ka’t parang pasulong

animo’y sasakyang de-gulong.

 

Maya-maya ika’y nagpaalam

mag-aayos kamo ng bubong

Dagli akong sumang-ayon

kahit Β di pa naman – tag-ulan noon.

 

Image of two roads intersecting

Pagkakataon ang dahilan ng pagtatagpo. Pagkakataon din ang dahilan ng paglalayo?/ http://www.visualphotos.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa sangandaan ng buhay

kita’y nagsalubong.πŸ™‚

 

63 thoughts on “Sa sangandaan ng buhay

    • hello, RP… ahaha, sana lang…πŸ˜‰ luma na ‘to, last year pa. isa sa 7 poems enumerated sa Kayo po ang pipili (July 2012 post). hindi sya napili ng readers kaya di na-publish then… ang winner, ang poem na Salansan. love and despair ang selection of poems. e, tamad me magsulat these days, hehe, so i-post.πŸ™‚ ‘kaw, musta ang lablayp? hello, hello!

    • hello, froggy… salamat sa pagdaan, miss you banda rito, hehe. ei, di ba pag salansan, ibig sabihin, maayos at masinop? naman…πŸ˜‰ saka, if i remember correctly, iyon ang tulang pinili mo, hakhak. marami ka ring comment do’n, paano ba ‘yan? hihihi.πŸ™‚ umuulan dito ngayon, yihee… goodnight, dear.πŸ™‚

    • as rough as my English is.. i tried translating it outright. as in outright..
      no harm i guess.. apologies for San for the misinterpretation.. but the text that you will read as translation may not be appropriate.. at least i try for one of your fan (Ren) here.. hahahahaha..
      stay pretty..

      —-
      Crossroads
      by SSA

      At the crossroads of life I met you
      You say Hi with your sweetest smile.

      How am I, you ask is all that it takes.
      To see you again, i need not second guess.

      And when your enthusiasm for all sorts of things unwind.
      Life questions that summer brings, seems like an offering to the mind.

      Oh with endless laughter and endless chat
      Seems like goodbyes are nowhere in sight.

      Now as if goodbye is as ancient as the wind.
      Never in my heart see that suddenly, gone you will be.

      What did that great master of life say.
      To love is a bane, and boon like the hay.

      To wait for reward for such a small gain.
      Makes life unrewarding like a war in the rain.

      Asking myself what does waiting serve me.
      Will the past haunt, or welcome me to be.

      Will the wind just blow my lonely heart for thee.
      Nor the moon will set free, truth be told to me.

      At the crossroads of life I met you
      The happy you, riding free like a car in the wind.

      Soon you say goodbye to fix yourself for me like an heir.
      Happy I will be to know your return is not in the air.

      • hello, Cocoy. salamat sa iyong magandang pagsasalin, sana mabasa ni Ren. ang galing, di ko naisip na pwedeng ganoon ang tunguhin ng tula pag sin-romantic mo ang nag-translate, haha. teynks.πŸ™‚

        try ko rin i-translate isang araw. i have doubts, though, if i’ll come near sa sweetness ng verses mo. hopeless ka, kapatid. nasabi ko na ba ‘yon?πŸ˜‰ stay happy…

      • haha, ang bait ni Cocoy, ano?πŸ™‚ ahaha, it’s a sad poem. it’s about despair, dear… hala, ba’t nga ba? siguro kasi, poems depict the longings in the human heart in distilled form na. hello, Ren…πŸ™‚

    • hello, biatch… ahihi. ang daling mainlab ng isa ryan. ei, do’n sa inyo maraming love fictions. mas maganda ang mga habi ro’n pati… hmn, paano? sa experience ko, pili ang serendipity encounters na masaya pa me pag nagkasalubong muli. or, at least, usually, wala nang kilig. yon. ahihi, dyan ka malulungkot.πŸ˜‰ salamat sa pagdaan.

  1. Hi San! Hinuhugot ko ang emotion kung saan-saan lang para makatapos ng libro o storya. Dati kasi ay hirap makagawa dahil nakalimutan ko na kung paano nga ba yung feeling na yon (ayos). Kaya, ayan, nag suspense na lang ako hahaha! (Ang susunod na pinapapa-PROJECT sa akin ay mahihirapan akong kunan talaga ng emotion. PRAMIS! hahaha)

    Para sa contest b to dapat? Kung alam ko binoto ko to. Di kasi ako active din dati. Pramis maganda to pero may mga tanong sa huling pagkikita na naiwan sa readers.

    • hello, lovely biatch… hala, kakatuwa ngang magbasa sa may inyo, parang various and varied ang sources – may sa mills and boon, may sa classic women lit, may tagalog pocketbooks, may coffetable, may galing sa pagkainip sa meetings, may sa tsismisan ng mga amiga, haha. basta, napansin ko, parang gano’n. parang ang husay mong mag-concentrate para hulihin at isatitik ang isang istorya, yown naman…πŸ˜‰ kaya mo ang project, feeling ko lang, hakhak…

      a, hindi. Kayo Po ang Pipili was a post where matapos tsumika ng mahaba, pinapili ang readers ng isang ipa-publish sa pitong tula enumerated. a, may patikim pa pala (one stanza of every poem) in the post, hawi sa tabing ng mga tula. ang tulang Salansan ang nanalo noon, hehe.

      hahaha, oo na, medyo poignant ang huli, kapatid. tingnan mo sa tags, pag gustong mahuli ang subtexts, hihi. good day, dear.πŸ™‚

  2. Sige tingnan ko mamaya pag-uwi sa bahay yung iba. Sayang di ako umabot ano.

    Oo nga pala. Mahirap ang susunod na project kasi ang gusto nila ibato sa akin ay…EROTIC! hahaha! Pakape-kape lang ako sa isang tabi sabay erotic ang binato. Kabwisit. Baka mawalan ako ng kliyente pag nagkataon. Have a good day.

    • ah, oks lang, July 2012 pa yown… hahaha, erotic! naman kasi, sa avatar pa lang, sa tags, bombastic na. so, panindigan mo yan, sister. habang nagkakape ka, magmasid-masid ka sa paligid at gawan mo ng wento ang mga nakikita mo ro’n, ahihi. maraming characters na masasalubong, malay ba naman nilang sila na pala ang bida sa creations mo, haha. ginawa ko na ata yan minsan, habang nakatambay sa may gloria jeans sa galleria, yong malapit sa gym? pramis, ang daming material… ang sama ko, don’t talk to me – i usually spell trouble, hehe. cheerio!πŸ˜‰

    • ahihi, hwag mong ipahalata (although, alam ko, mahirap yon, haha). o,e, di ba nga at maharot ang avatar kaya kako, malamang ang simple mo in person, hala…πŸ˜‰

      hey, dapat daw, hindi ka bloghopping. billable hours daw ang kino-consume mo.πŸ˜‰ paalala lang, peace!πŸ™‚

    • uyy, si Potpot… hello, naiba ang avatar ng isa ryan, ahaha. musta po? hala pa, iyan ang ibinoto mo noong july 2012, remember? kasi kamo, alam mo ang sangandaan sa caloocan, hihi.πŸ˜‰ kaway… ^_^

      • korek!! yan nga.. ehehehehe.. kaya nga it rings a bell.. ehehehe.. nagpalit ako kasi masyadong mahalay na yung gravatar ko, ehehehehe… hi san!! *kaway-kaway* all is well?

      • hihi… o, may napulot ka ba sa plot nito? dali, gawan mo ng similar, pero may comedic touch – you pah… well naman, teynks. medyo iba lang ang mga pinagkakaabalahan. ako pati ay ginagawa ang lahat para makatakas sa init, hehe. ikaw, musta?πŸ˜‰ indi naman mahalay avatar mo. ah… etong ipinalit, mukhang bait-baitan, hihi.πŸ˜‰

      • mabait naman ako talaga ah.. mukha ba akong hoodlum? hindi naman ah… hihihi.. sige, subukan ko gumawa na sangandaan ang tema.. goodluck naman sa akin.. ehehehe.. musta ka na san? *kaway-kaway* hope you’re doing ok..

      • naman… not hoodlum, mas parang mug shot, hakhak. peace, kapatid, hihi.πŸ˜‰ actually, may mga nagawa ka nang posts na parang ganyan, whehe. gawa ka uli, excited na me. kaway-kaway. okey-okey, medyo sanay na sa init, kahit paano, hehe. warm regards.πŸ™‚

    • hello, ‘Lo… ahaha, oho nga, no? btw, mas hopeful yata ang song na somewhere down the road kesa sa tula above, paano ba ‘yan? hehehe. hala pa, marami nga ho at sari-sari ang nasasalubong sa paglalakad at paglalakbay. malay nyo? ahihi. shaks lang…πŸ˜‰

      mainit pa rin ho, matrapik at maingay dahil sa kampanya, pambihira. wala pa ho akong listahan ng mga iboboto, patatawarin. hope things are well ho dyaan.πŸ™‚

      • Oo nga dahil sa iyong tula ay mukhang sa ibang bansa na siya bumili ng bubong na para ngang walang pag-asang bumalik dahil sa hindi naman yata na uulan sa lugar…dahil sa mahabang panahon ng tag-init…..at suhestiyon ko na umasa pa rin na babalik at makakasalubong ang bumili ng bubong. ummmm….tama malay natin….

        at parang masaya naman kapag may kampanyahan….kay raming tao yata palagi…

        Ihanda na ang listahan…sana pag-isipang mabuti…para sa ating mga at magiging apo…sana mga bago naman na mga matitinong pulitiko ang mahalal.

        Okay lang dito San….pwede nang isang tshirt na muli ang suot.

      • haha, sa ibang bansa talaga? kayo, nadugtungan nyo na ang kwento, ang kulit lang…πŸ˜‰ metaphor lang ho ang bubong, Lo… pero feeling ko, alam nyo naman, ahaha. kayo na ang romantic, may paasa-asa pang babalik, shaks na yan. sa tula na lang ho, Lo. past na yon…πŸ˜‰

        hala, nakakainis ho ang kampanya, parating ma-trapik. hindi pa rin naman naipapaabot ng candidates kung ano ang platforms nila… parang puro processions lang at posters, puro pop songs na kinabitan ng kanilang pangalan. porke ba catchy ang jingle nila, worth na silang umupo? sus! haha, nag-reklamo…

        wala pa rin hong listahan. ang hirap hong magbuo. alam nyo naman, karamihan sa kumakandidato, ando’n for the prestige and the perks, haaayy…πŸ˜‰

        enjoy spring and have relaxing, fun time.πŸ™‚ salamat ho sa pagdalaw…

      • Haha…romantik nga…masarap magmahal at may nagmamahal…lalo na kapag nakikinig ako ng mga kundimang musika natin….yan ang tema palagi….pag-ibig…palaging di nawawalan ng pag-asa.

        Haha…tunay na entertainment na lang ba ang pulitika?

        Salamat at Enjoy din sa nakakainggit na Pinoy summer.

      • ahihi, umaming romantic. hanyo, minsan ay may masasalubong kayo ryan sa sangandaan ng san francisco, ahaha.πŸ˜‰ totoo na kayong hihimig uli ng pag-ibig, ayiiiπŸ™‚

        a, e, para hong ganoon, sa dami ng jingles sa kampanya, haha.

        hala, ang init pa rin ho. sabagay, maganda ang araw, maiingit nga kayo, hahaha. cheerio!πŸ˜‰

  3. sa sangandaan ( totoong may lugar na ganito sa QC sa pagkakaalam ko) buhay na ito. marami kang makikita, makakasagupa, makakasama, makakaharot, mamahalin at palalayain. Kung ano man ang lungkot na nararamdaman o hapding nararanasan. tandaan na sa sangandaan may mga bloggers na pakembot-kembot lang. isa na dyan si sa saliw. hehehe

    mkahirit na lang ata ang huling mga linya ko. mabuhay sa iyong tula. like it!

    • hello, hoshi…. true, may lugar talagang sangandaan ang tawag, yis… ay nakow, di mo me masyadong maasahan sa kembotan, hakhak. pero like ko ‘yong sabi mo – mahalin at palayain ang sarili sa kaproblemahan. matuto ng kaplastikan sa buhay at i-inhabit ang fantasy world (uso ata ‘to ngayon, hehe). i should ignore more things, palagay ko…πŸ™‚ salamat at na-like mo ang tula. cheers!

  4. Pingback: Swatch | thelovelybiatch

  5. daming comment!. nahuli ako sa balita matulog sa pansitan..πŸ™‚
    ang ganda.. Kaya nga idol kita eh…

    balikan ko ito ulit basahin ko muna ung ping back ni Atty.

    • hello, binky… ayos lang, di naman aalis ang post. nakow, tumaba ng instant ang atay kow… teynks.πŸ˜‰

      ay, sige. mas intense ang kay atty., hehe. sya na ang may dugtong na wento, kainaman na… see you around, hope things are well. salamat po sa pagdaan.πŸ™‚

    • haha, hello, biag… hala, more than a year ago pa sinulat ang poem. ta’s published as post several months later pa… may post dito, Kayo Po ang Pipili, about 7 poems i wrote way back. Sangandaan was among the selection. mas poem of irony and despair ata sila than pag-ibig, hehe.πŸ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s