Ang Kwento ni Eva

 

Hello, mga ka-blogs! Maligayang linggo ng Kwaresma sa mga kapatid na Katoliko and happy holidays sa mga kapatid na Islam at iba ang paniniwala…πŸ™‚

 

Image of a woman in high heels, out to ply her night trade

Mahirap daw sabihin kung sino ang nagpuputa at ang hindi/ http://www.timeslive.co.za

Dahil sa Katolikong paniniwala, bida si Magdalena, ang prostitute na iniangat ni Jesus sa paningin ng mga tao noon, kwentuhan ko kayo ng bahagya tungkol kay Eva Peron. Siya ang naging pinakasikat na First Lady ng Argentina, ikalawang asawa ng dating presidenteng si Juan Peron.

 

Sa kasaysayan ng mundo, tatlo ang babaeng naging sikat dahil sa kanilang lavish na pamumuhay at pananamit – si Marie Antonette ng France, si Eva Peron ng Argentina and our very own, dyarann, si Imelda Marcos.πŸ˜‰

Sila yaong mga asawa ng mga pinuno ng bansa, naniwalang bahagi ng kanilang papel bilang kilalang public figure ay ang mamuhay ng sagad sa luho – tungkulin raw nilang bigyan ng “escape” ang mga mga tao, lalo pa yaong mahihirap.

 

Image of a young Evita Duarte

Larawan ni Evita bago pa siya napangasawa ni Juan Peron/ commons.wikimedia.org

Anyway, si Eva ay panganay sa limang anak sa labas ni Don Juan Duarte. Parang iyong isa nating senior na Senator. Out of wedlock na anak ng mayaman, nakaranas ng discrimination at kahirapan early in life. Sabi, pag ganoon daw ang background ng isang tao, nagiging very driven, later in life… ^^

Ganoon ang nangyari kay Eva. Naglayas siya at 15, pumunta sa metropolis, sa Buenos Aires. Ito ang sentro ng cosmopolitan life sa South America noon. Si Eva ay isang aspiring actress at radio personality. Pero dahil mabangis ang lungsod, ang sabi ay kumabit at nanggamit raw muna ng marami-raming boyfriends si Eva, bago siya naka-break sa mundo ng radio, by her mid-20s.

 

 

Noong sila ay magkakilala, si Juan Peron ay 48 na, habang 24 pa lang noon si Eva. Isang dating middle level mitary officer si Peron at Minister of Labor noon. Sa isang gathering ng mga artista at radio personalities sa park, nagkakilala ang dalawa. Pinakasalan ni Peron si Eva nang sumunod na taon. Inasikaso raw at pinakialaman ni Evitang maiangat ang popularity ni Peron, sapat para makatakbo at manalo ang huli, bilang presidente ng Argentina.

 

Kapwa makisig ang mag-asawang Peron at bagay silang tingnan

Larawan ng Unang Pamilya ng Argentina sa isa sa mga pampublikong pagtitipon noong 1940s/ allwomenstalk.com

Passionate and combative – iyan ang description ng mga tao kay Eva. Ngunit maganda rin daw siya, maputi at totoong flawless, ahaha. Mahusay raw siyang mag-communicate sa mga karaniwang tao at ang main audience niya – ang “descamisados” or, the shirtless ones.

Masipag daw si Eva at sa kanyang efforts, well-attended parati ang mga assemblies at gatherings in support of Juan Peron. Kumbaga, siya ang nag-umpisa ng parang people power noong 1940s, panahong lugmok at lugami ang karamihan ng mga tao sa South America…

 

Sumikat ang Argentina sa international scene noong si Eva ang First Lady ng bansa. Mayroon siyang famous na paglalakbay, “Rainbow Tour,” kung saan nakipag-meet siya sa mga pinuno at dignitaries ng Europe, suot ay magagarbong damit – dinisenyo ng pinakasisikat na designers sa mundo.

Ang Evita ay Spanish dimunitive ng pangalang Eva, hiniling ni Evang iyon na lang ang itawag sa kanya ng mga tao. Siya ang isa sa pinakapopular na personality na nag-grace sa history ng Argentina. During her time, para siyang living legend – representative daw ng mga nag-umpisa sa ibabang umangat.Β Kung sa ngayon, maituturing si Evita na isang pop icon…

Mid-20s lamang si Evita nang maging first-lady. Bago pa siya mag-30, marami na ang kanyang na-accomplish, lalo pa sa itinayo niyang foundation. Β Hindi siya well-liked sa high society ng Argentina, dala marahil ng kanyang background. Sabi rin, nakikiaalam daw siya Β sa inner workings ng gobyerno ni Peron. Ang true-to-life fascination daw ni Evita ay si Che Guevarra – lider ng mga rebelde sa kapitbahay na bansa.

 

 

Sa musical movie na Evita ni John Lloyd Webber noong 1996, si Madonna ang gumanap na Evita at si Antonio Banderas naman, gumanap na Che Guevarra. Sa video na na-feature sa post na Mahalin, 32 noon si Evita, panahong nadiskubreng siya pala ay may cancer. Noon din niya nalaman – totoo pala siyang minahal ni Juan Peron, ang makisig na presidente ng Argentina.

 

Sabi ng iba, manggagamit daw na tao si Evita, kaya ang bilis niyang nakarating sa pinnacle ng success. Sabi pa ng iba, siya raw ang “pokpok” na pinakamataas ang narating sa buhay at sa gayon ay nakabili ng respectability sa mundo. Kung sikat si Evita noong nabubuhay pa, mas sumikat pa siya noong siya ay namatay na. Maski ang kasalukuyang presidente ng Argentina, na isa ring babae, bow rin sa mga na-accomplish ng “local girl done good” na si Evita.

Nagbilang raw ng mga naging kasintahan si Evita. Natuklasan naman niya ang kahulugan ng pag-ibig noong siya ay 32. Pumanaw siya noong 1952, sa edad na 33. Noon din naganap ang pinakamalaking funeral march sa kasaysayan ng bansang Argentina.πŸ™‚

 

Larawan ng libing ng Unang Ginang ng Argentina na si Evita Peron, 1952

Si Evita Peron ang tanging Argentinian na nabigyan ng full state honors sa kanyang libing, kahit di siya presidente ng bansa/ http://www.fanpop.com

Β 

* Para sa live performance ni papah Antonio, please click here. Song performance, I mean…πŸ˜‰ Kaho-holy Week lang, try nating magpakabait, hihi.πŸ™‚

 

34 thoughts on “Ang Kwento ni Eva

  1. Hello Ate SanπŸ™‚

    hihihi…ang galing…ngayon ko lang nalaman yan dahil hindi ko napanood ang palabas ni Madonna noon. Care ko ba sa history nung bata pa ako hi hi hi, ang alam ko lang ay lagi kong naririnig sa radyo ang kantang ‘don’t cry for me Argentina” ako naman nakikikanta lang din hihi

    nako may pagkakaabalahan akong panoorin sa weekend….

    • hello, aisa…πŸ™‚ oo, bata ka pa nga siguro no’n, hihi. it’s alrighty, now ‘lam mo na. kumusta sa disyerto? holy week dito, kapatid. am waiting sa pag-alis namin – gagala, ahaha. cheers sa iyo.πŸ™‚

      • hihihi….eto…..medyo malamig lamig pa din ng konti ang buhangin…nag dessert safari kami kagabi kaya napuno ng malamig na buhangin ang sneakers ko…anyways hihihi….

        hindi rin naman ramdam ang holy week dito hehehe….

        enjoy sa paggagala! IngatzπŸ™‚

      • hello, aysabaw… hala, naunang naggala ang isa ryan. nagbitbit lang ng souvenir ang sneakers, hehe.

        ahaha, salamat. nakow, kakainit ng gala namin, as in… buti, di kami na-heat stroke, hihi…πŸ™‚

        happy weekend!πŸ˜‰

      • hehe desert safari pala (hindi dessert) toinks….hi hi hi…malapit na din ako makauwi….mararamdaman ko na ang Pinas ayeeee….ingat ingat dyan! Happy Weekend!

      • ahaha, di ko na napansin, aysa.. hamo na.:) at talagang pauwi ka? yehey! matutuwa ang mga kapitbahay at kamag-anak mo, hehe. ay, family mo pala muna, hahaha.well, happy for you, kapatid. makikita mo na uli ang cubao na dual personality na, hakhak. may parteng dati pa rin at may parteng sowsyal na, ahihi. this month na ba? ingat and have fun…πŸ™‚

      • hihihi…excited na nga ako….nakuuuuuuu…oo matutuwa mga ibon at kalabaw sa may samen pati mga manok pansabong…hihihi

        ay makikita ko na din ang Cubao na yan ulit…hahahah

  2. Elementary pa yata ako nung una kong nakilala si Evita dahil sa kwento ng kaibigan kong si Ron. Sabi ng teacher niya sa high school inihalintulad nga si Evita kay Imelda. Salamat sa maraming info Ate San.
    Mahilig ako sa musical kaya matagal-tagal ko na ring gustong mapanood ang Evita. Di ako makapaniwala na hangang gayon di ko pa napapanood. Baka it’s about time.πŸ™‚

  3. very historic at talagang mahuhusay ang pakakasaliksik mo kay ms evita peron ah…hehehe..Dont cry for me Argentina, actually diyan ko talaga siya mas lalong narecognize. way back in my4th year of high school, ms peron is familiar na talaga sa kin sa kin nga pagkakatanda talaga isa nga siya sa may masaganang pamumuhay ng maybahay na pangulo ng argentina. Sa panahon ngayon, parang wala pa ako nakikitang sumusunod na parang ganyang first lady parang siya na ata ang huli….happy easter kapatidπŸ˜‰

    • hello, Myr… hala pa, di na naka-research, from memory na lang ‘ata… noong bata pa ang lola mo, hilig kanta-kantahin ang don’t cry for me argentina, di naman naiintindihan.πŸ˜‰ favorite designer daw ni Evita si Christian Dior… nauna si Evita as maluho at mabonggang First Lady. mas recent ang ating si Madam, ahihi. so, sa memory ng mundo, mas fresh pa ang ating Unang Ginang, shaks lang. ^^

      salamat sa pagdaan at sa comment, happy easter din!πŸ™‚

  4. At dahil jan may natutunan nanaman ako. Haha. Teka may na miss out po ba ako basahin. Ano nangyari sa kanila ni Juan Peron? Bat hindi nagprosper yung relasyon nila?

    • ahaha, at dahil dyan, natutuwa na naman ako, Rhence…. wala ka naman atang na-miss. maybe, pakinggan mo na lang songs sa Mahalin post, pag di ka busy, hehe.

      a, namatay si Evita, was how their relationship ended… kumbaga, in her dying days, n’on na-realize ni Evita – pwede naman palang totoong may magmahal sa kanya. i guess, for most of her life, she didn’t believe na pwedeng magkaganoon. kaya raw siya “user” and mahilig mag-project, for most of her life, sabi. feeling unloved and unappreciated, kumbaga. ^^

  5. She skimmed cream off rancid milk. She was indeed like Imelda Marcos, according to my parents. Imelda Marcos though said, she wasn’t like Peron because she wasn’t a prostitute like Evita.

    • ahaha, rancid milk talaga?… hmnn, listen to Antonio Bandera’s (Che Guevarra’s) songs to Evita in the musical, he castigates her and her ways fair enough, I guess….πŸ˜‰ hah, Imelda Marcos was like Evita, not the other way around. ahaha, si Imelda ang copycat…

      asus, at saan nag-meet sina Madam at ang gallant president-to-be natin no’n? sa after event ng isang beauty pageant, if I am not mistaken… ^^ you do the Math, dear, ahihi.πŸ˜‰

  6. Hindi ko kilala si Evita o Eva na yan. Akala ko nung una, pagkabasa ko ng title post na ito, si Eba? Asawa ni Adan. Nyahaha! Ang poor ng knowledge ko sa history e. Ang bilis niya marating ang success at ganoon rin kabilis ang pag-alis niya sa mundong ito. I loved this post =)

    • ahaha, totoo syang tao, oo. mas sikat sya than Imelda, actually… kasi, truly popular sya among the poor in Argentina. and, tamang-tama ang pagka-phrase mo, kapatid. fast rise and fast na buhay din – oo nga! taga-fast lane sya, bale, heheπŸ˜‰ thanks for the appreciation and the comment, ha…

  7. ayos sa info, i like it. dati ko pang gustong-gusto mapanood ang evita pero parang dead poet society lang kailan lang naisakatuparan. makahanap nga ng ORIGINAL vcd nito ng ma-collect na rin hehehe. parang collection ko na kasi ang dance, super hero and musical film. at fave ko noon si antonio banderas.

    noon apektado ako sa background ng isang tao. ngayon parang hindi na masyado. parang ang tinitingnan ko na lang ang kung ano ang magandang nagagawa nya. aanhin mo ang magandang background, wala rin naman.

    • hello, hoshi…musta? ay, sige, bukod sa papable si Antonio Banderas sa movie, haha, doon nya naipakita ang theater background nya at kanyang singing prowess, hoho. although feeling ko, balbas-sarado ang totoong Che Guevarra. clean-shaven naman si Antonio, ba’t gano’n? hehe.

      nice points you raised about a person’s background. in a way, totoo… meron ngang ang ganda ng background, katagalan, puro biases and narrow-minded naman, hahaha. salamat sa pagdaan.πŸ™‚

  8. dami ko na namang natutunan sa iyo san.. ikaw na talaga ang master story teller.. winner! *kaway-kaway* bakit kaya ang tao, laging binabalik ang nakaraan? parang may halong inggit… hay.. ganun ata talaga ang buhay… kahit maganda na ang ginagawa mo, may pilit na hihila sa iyo pababa…

    • hello, Potski… salamat, may naibahaging konti sa ‘yo… *kaway-kaway* Pot, wala akong panama pag usapang story telling, ala pa – ikaw ang master do’n, ahihi. di nga…πŸ™‚

      di me naiinggit kay Eva Peron – kahit pa nakarami sya sa limitadong sandali, hahaha, tapos flawless sya, tapos, naging pinakasikat na First Lady ng 20th century – hindi ah?πŸ˜‰ why, we’re on equal grounds… kaya ko ring makasilo ng singkisig ni Juan Peron, hakhak. biro lang… ^^

      a, ganto… nagmamadali, no’ng Mar 28, paalis… pero needed magka-post, hihi (baka tamarin me during the holidays)… ang ginawa, nagsulat na lang about Eva – elaboration ng post na Mahalin. kokonti ang nag-comment do’n, although marami-raming nakinig sa videos. ayon…

      in fairness, kapatid, medyo notorious talaga ang pwesto ni Evita sa history, ahaha. she really captured the imagination of the downtrodden masses, ‘ika nga… sa psychology, iyong type na nakuhang i-manipulate ang popular opinion – in support of a violent regime. dictatorship ang pamumuno ni Juan Peron, e… but Evita, she made despotism look good… hahaha, ayon… ^^

      salamat sa pagdalaw muli. hope you are well…πŸ™‚ ang inittt, Pot… ^_^

  9. “user”, “digger”, “pok2x” or whatever misnomer they could tag in her name. But she truly displayed the real meaning of “girl power” that men could not resist (asus, hinabol pa ang ‘resist’). Hello, hello!

  10. Akala ko din si Evang asawa ni Adan. Ang galing mo magkwento ate, parang close kayo n i Evita. Hakhak. Mapanood nga din yang Evita. Hello ate, mag backread muna ako sa blog mo. Hakhak.

  11. Pingback: sa mga ka-blogs na nang-ookray… | doon po sa amin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s