Mga Talunang Mandirigma: Mga Taya Para sa Bukas o Mga Bayaning Hindi Makikilala?

 

(Comment to CupNoodle’s post: Mga Mandirigma)

 

hello, Cup… natutuwa ako sa talas at pagkamalikhain ng iyong mga salitang habi na walang pangambang pumuri sa mga simulaing tingin ay marapat alayan ng mga taludtod … hinihingi ang iyong pasensya  at lalo, sa iyong mambabasa – isang milya ang inabot nireng comment …🙂

 

lagi, marapat hangaan yaong mga may niyayakap na simulain – lalo silang laang magbuwis ng lakas, dunong at maging ng buhay para rito – maging sila man ay pinuno ng gangs na buong-tapang na binubuno ang bangis ng lungsod at mga elemento, yaong mga nagtataguyod ng sa paniniwala ay ancestral rights to a domain o, yaong nangangarap ng isang bansang nagkakaisa ang mamamayan tungo sa pambansang buhay na sumusulong at umuunlad,  kundi man napakasagana. saanmang grupo sila kabilang, tila isang version ng bukas ang kanilang itinataguyod… ^^

 

sa tao, wari ay hindi agad-agad dumarating ang puntong handa siyang ibigay ang lahat-lahat para sa inaasam na mithi. ito ay maihahalintulad sa pagkatagpo ng tunay na pag-ibig – handa ang umiibig na maglaan at magbubo. kahit pa, ang simulain ay posibleng mabigo… isa yata itong antas ng kamalayang hindi naaabot agad-agad at ng lahat… wari, may critical point para dumating dito ang isang tao – a certain maturity in life, experiences and perspective. ^^

 

maybe, just maybe, a point where he attains a certain commitment – yet also, a certain vulnerability – to go on ahead and fight it out. a matter of faith, as you put it… the attempt maybe crude and instinctive or maybe learned and sophisticated, maybe blinded or well-guided… ^^ it might end up in disgrace and shame, it may lead to death, or, it may indeed deliver the promised better future… nonetheless, a certain admiration maybe due those souls who endeavored to take the plunge and stake their lives and time for a cause they consider worthy – tumaya sila para sa hinaharap na kanilang nababanaag…

 

Image depicting a place where a soldier has fallen

May mga bumabagsak sa laban/ cpkake.deviantart.com

 

maari sigurong sabihin, in sweeping terms – all those who fight do so to assert their ideals of tomorrow – mga bagay na para bukas, kamo nga… engaging in a battle requires courage, ito man ay maliitang pagtatangka, hiwalay at di popular na initiative o bilang bahagi ng isang kilusang itinataguyod ng marami…

 

ang digmaang inilunsad sa napakatagal na panahon nina Francisco Dagohoy at Macario Sakay noon – nabibilang sa tinatatawag na millenarian movements – considered by most historians as crude, disparate, ill-equipped and their war objectives – hark back to a past and life of long ago (ibalik ang pre-colonial, tribal life and ways).

 

matatapang sila kung sa matatapang, matitikas at palaban… subalit kung susuriin, tila nakasulat na di magwawagi (pwedeng sandaling makatsamba) ang kanilang laban… ang papel ng mga munting kilusang nakipaghamok, gaya ng sa kanila, tila maa-appreciate lamang pag tiningnan ang kabuuang lakad ng pakikibaka ng mga Pilipino tungo sa pagbubuo ng bansa (collective journey of a people towards nationhood).

 

tila hindi instant ang pagbubuo ng nation…  isa itong prosesong pinapanday ng maraming shared pains, triumphs and challenges, over a long and considerable period, ng isang grupo ng tao that have chosen and continuously choose to live together – under one flag, one set of law, one leadership (pati one currency, haha) – with a common vision of tomorrow because they have spent and shared a common and cherished past… kung ibabalik natin sa halimbawa ng pag-ibig, nationhood is the marriage proper – each party must contribute consciously to make it work continuously. and, totoong binding, ahaha.😉

 

i guess, guess lang, ha… the recent events in Sabah, point to certain important issues in Philippine history, sa nation-building natin… remember that Mindanao was never conquered by the colonizers (Spanish and American)?  while it can be said that most of the collective formations in the Southern parts then were either tribal (datus) or federative (sultanates) and nowhere near nationhood yet (in terms of scale, organization, machinery and scope) still – they remain potent yet unresolved parts of Philippine history… kumbaga, aborted ang organic formation ng social and political structures ng society natin, overtaken ng colonization by foreign entities na nations na, in the complete sense… sa gayon, paano at saan ilulugar sa present independent republic natin ang displaced elites of pre-colonial days?

 

there are several indications – medyo patchwork ang pagka-integrate ng Mindanao sa economic, political and social life ng bansa… over the decades, maraming stages ng pangungumbinsi, panggigyera and cooptation ang ginawa ng government national leadership sa Mindanao elites and people (na may kanya-kanyang ideologies, machineries and armed followings). in a way, kita – sa dami ng private armies, “small kingdoms” and cults doon… while the rest of the country carry on like we were a people united, solid and progressive – tuloy lang ang clan wars and seemingly pre-modern, if not, “tribal” mode of governance in certain parts of Mindanao… pasaway na opinyon, ipagpaumanhin… ^^

 

relatedly, kadikit pa rin (and more important) ang peace question sa South – bringing to the fold the armed groups that do not recognize the Philippine nation and the government’s mandate to govern the country… it appears that the Sabah event was precipitated by the developments (or lack of) in the economic and legal battle between and among parties (the lessor and the lessee) but fueled by “nationalistic” sentiments… things seem to have taken a new turn with the “invasion” and the resultant death toll that has gotten the governments (Phils and Malaysia) involved and has earned  the attention and concern of the world.

 

sa gayon, kung usaping nationhood and nationalism ang nasa dashboard – sentiments and welfare ng Sabah residents ang foremost consideration, palagay ko… sila ang mga nakatira sa isla, buhay nila ang nakasalang at kinabukasan nila at mga anak ang nagagambala at pwedeng tuluyang masira o mawala… i suppose, this must be seriously considered by the Filipino government, the Malaysian government and also, by us – mga nananalig na matapos ng may katarungan ang madudugong pangyayari…

 

wari, higit sa sentimyento ng mga kagyat na sumugod na contingents at kamag-anak (sabihin mang nakapanlulumo, nakakagalit at nakakaawa ang sinapit nila), higit sa sentimyento at palagay ng Filipinos na wala sa Sabah (kahit pa galit na galit sila/tayo sa manner and treatment of the Malaysian forces sa sultanate contingents) at, higit sa sentiments ng Malaysians na nagki-claim ng island (whether as a sovereign right or right bilang isang umuupa ng property).

 

ang mga nakatira sa Sabah rin ang magpapasya kung alin ang kinikilala nilang pamahalaan at bansang kinabibilangan – itinuturing ba nila ang sariling nasasakupan at tagasunod ng sultanate, ng bansang Pilipinas o ng Malaysia? sa aling  panig nila ibibigay ang kanilang loyalty at pagtalima, sakaling dumating sa puntong kailangan na nilang mag-armas to defend their homes? sa aling pwersa  sila papanig? … ^^

 

strictly speaking, ang Sabah island ay hindi  bahagi ng “claim” ng Pilipinas as sovereign territory ng bansa as provided for and contemplated in the UNCLOS. as I said, the issue appears to be a question of introducing amendments to a lease agreement that is apparently and in many senses, may merit(pagtataas ng upa o tuluyang pagbebenta ng oil-rich na isla). matatandaang ang upa sa isla magpahanggang-ngayon ay $1, 600 lamang kada taon, gapatak ng tunay na value ng ari-arian at mga kinikita ng Malaysia mula rito. ang nasabing halaga ay posibleng makatarungan at fair-market value noong huling dekada ng 19th century, panahong inumpisahan ang lease at panahon ding “potential” pa lamang ang langis at mga minerals na tinatayang mayroon ang isla. mahigit isang daang taon ang nakalipas at matapos ang bilyong dolyares nang kinita ng isla, outdated na at masyadong unfair ang lease agreement na tali pa sa mga lumang kalagayan at provisions.

 

it seems, ang Sabah question ay isang pribadong transaction na tila connected o nagmumukhang related sa “ancestral domains” question or territorial question ng bansa natin – in the sense na patuloy na ina-assert and unresolved sa kasaysayan ng Pilipinas – ang pwesto ng old sultanates at ang role nila sa current governance of the country… kumbaga at sa isang banda, may room para i-exploit ang questionable aspects ng authenticity and solidity ng nationhood ng Pilipinas – ang gray areas ng history ng bansa natin… sa munti kong palagay, diplomatic push, top level lawyering or intervention mula sa Phil. government ang reasonable na asahan at hilingin ng Sabah owners – hindi military support o pagtatanggol sa isang tila loosely planned military take-over of the island… ^^

 

kung kinikilala ng old sultanates ang leadership ng national government as a duly-constituted and rightful government of the Philippines, hiningi sana nila ang basbas at protection nito bago sumugod sa teritoryong ipinapa-lease nila… sa isang banda, habang leased pa ang isang property, hindi legal or moral or at the least, hindi magandang tingnan – biglang sugurin ang lugar at gambalain ang peace and quiet at buhay mismo – ng mga nakatira (na lahing Pilipino rin naman). kahit sabihin pang sultanate heirs ang rightful owner ng isla… ^^

 

tila walang solid arguments ang iba’t ibang camps against the sultanate’s ownership of the island. and, wala namang panig na nagko-contest nito actively prior to Sabah stand-off… ang  itinatanong – ang kawastuan ng biglaang pagtungo roon ng pwersang armado, tantamount to precipitating or starting a war between Phils and Malaysia.. ^^ in the first place, kung bahagi ng bansa ang old sultanates, bakit sila privately and independently armed – gayong di sila part ng country’s armed forces?🙂 ang reason na nahahagilap – malaong hinayaan ng government natin – most of the clan chiefs and politicians in Mindanao, may kani-kaniyang army, may kakayahang maglunsad ng atake o pag-aaklas… ^^

 

against this backdrop, wari ay andiyan ang negligence o kahinaan ng Phil. government –  di nito natukoy ang temperature ng sultanate leadership pushing for and seeking the island lease(contract) amendment, gayundin ang level ng frustration and anticipation ng constituents and followers nila… na after decades of waiting, handa na pala sila – to act militarily – on their demands… to defy the odds, kahit pa may estimate naman siguro ang “mga mandirigma” at kanilang mga pinuno – ang liit ng tsansang manalo sa armed resolution of the issue…

 

conscious dapat ang gobyerno na “hot issue” ang usaping Sabah, that potentially it could erupt into an armed conflict and tempt both Philippines and Malaysia into a war or damage their diplomatic relations… and it did happen – with dire, bloody and explosive consequences… siguro, pagdamdam na rin ng ating gobyerno (na kinapos) — alam ng government national leadership — malaon nang sentimyento yaon ng mga elderly ng Mindanao at mga nasasakupan nila … ^^

 

sa isang banda, baka frustrated or desperate na ang sultanate heirs and followers – ipinangako na nila sa kanilang mga apo na isang araw, after decades of hoping, praying and wishing – maitataas ang upa sa isla o tuluyan na itong maibebenta sa Malaysia – sa maayos na presyo… sa gayon,  mai-enjoy or mari-regain na nila ang mas magandang kinabukasan at katatayuan sa lipunan. it must be remembered – sila ay old elites, proud clan and group and historically, kinilala sa mas luma pa nating lipunan at kinikilala pa sa mga lugar at pamayanang kanilang nasasakupan, magpahanggang ngayon…🙂

 

kapatid, matatapang kung sa matatapang ang mga sumugod sa Sabah at pati ang mga naninindigan and holding their place doon. at lagi, nakapanghihinayang ang mga buhay na nangawala at posible pang mawala… hindi tinatawaran ang buhay at sakripisyo ng mga nagbuwis na at naniniwalang nasa katwiran ang simulaing kanilang ipinaglalaban at ng mga kasamahan nilang andyan pa at handa ring magbubo ng pawis at dugo. subalit, may mga pakikipaglaban at digmang hinog at mayroon ding hilaw pa… pag ang huli, alinman sa tingnan ang mga nag-alay  bilang collateral damage ng laban o unsung heroes of the struggle…🙂

 

sa ngayon, wala tayong nararanasang open wars of aggression, maliban sa war threat na galing sa bansang Tsina kaugnay ng West Philippine Sea claim. wala ring domestic or internal war na tahasang humahati sa mga mamamayang Pilipino – maliban sa mahigit apat na dekadang gera ng kaliwang grupo at ng armado nitong yunit – ang NPA, ang dating MNLF na wari ay nanghina na at ang MILF na kasalukuyang nasa negotiating table, kaharap ng gobyerno at ang mga hiwalay na armadong grupo sa parteng Mindanao. perhaps, it can be said, walang gerang malapit at nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng karaniwang Pilipino sa kasalukuyan.

 

sa gayon, di kataka-taka, sakaling “romantic” ang dating ng expedition ng Sultanate forces na lumanding sa munting isla sa Sabah noong Pebrero. kung aalalahanin, Prinsipe ang tawag sa namuno ng expedition at ang panawagan nila ay pagbabalik  sa “glory days” ng kingdom, noong panahon pa ng Bornean trade. alalahaning lumipas pa ang dalawang linggo, bago sila in-assault ng Malaysian forces – wari, binigyan  ng bansang Malaysia ng palugit ang grupo at ang pamahalaan ng Pilipinas… may mga nagsasabi, naipit kapwa ang Malaysia at ang Pilipinas sa nangyari, sapagkat ang una ay instrumental sa ongoing peace talks ng gobyerno with the MILF. may mga nagsasabi rin, inakala ng Malaysia na dahil sa papel nila bilang broker sa ating domestic na usaping pangkapayapaan, matatabunan na ang issue ng “claim” sa Sabah.

 

maaring sabihin, may mga mandirigma at may mga mandirigma… warriors – mga sinanay, pinanday at sumalang sa digmaan at pagkapanalo ng pwersang kinabibilangan ay binigyan ng posisyon at rango sa pormal na military organization, duties and responsibilities , uniporme,  insignia at armas na issued ng pamahalaan, maging ang huli man ay munti o malaking kaharian sa isang lumang panahon o, makabago at hinalal na gobyerno sa kasalukuyang panahon… may mga mandirigma at sundalo ring pagkapanalo sa digma ay inagaw ang kapangyarihan mismo sa namumuno.  ang bayoneta o baril na dati nilang ginamit para ipagtanggol ang mga mamamayan ay kaparehong armas na ginamit din para ang mamamayan ay kanilang supilin at takutin – mga mandirigmang naging diktador… sa iba’t ibang panig at yugto, ang kasaysayan ay puno ng mga tulad nila … ^^

 

sa kabilang banda, may mga mandirigma ring bahagi ng mga di-nagtagumpay o nalupig na pwersa at sa gayon ay itinala ng kasaysayan bilang mga “rebelde” o “taong-labas.” mayroon ding napatay ang pinuno o nawalan ng command at sa gayon ay naitulak para maging upahang sundalo o “mercenaries” ng iba’t ibang pwersa at organisasyon. may mga muling bumalik sa kanilang hometowns upang doon mamuhay at sa huli ay makikilala bilang lasenggong war veterans. mayroon ding mga napapasama sa grupo ng pirates and brigands – noon man at ngayon… anupa at iba iba ang kapalaran ng mga “mandirigma,” matatapang at handang magsakripisyo – at one time or another – naging bahagi ng isang simulain at organisasyong may mithin at pangakong magandang bukas. ^^

 

maaaring sa mga kabataan, lalo pa sa mga di nakaranas ng gera, anumang paglaban – lalo pa pag handang mag-alay ng buhay ang mga kabahagi – kahanga-hanga at “noble” ang dating ng pagtatangka – sabihin mang ang mithiin ay tila isang amateurish at desperadong pagbabalik sa isang malayo ng nakalipas o isang rasyunal at pinag-isipang pag-aalay para sa isang dakilang pakikibakang may pangako ng mas makatarungan at mas masaganang bukas… ang Sabah “invasion” ay isang episode na magpapatunay – ang mga munting kaharian ng nakalipas ay maari pang mag-inflict ng damage sa “nations”  deemed and recognized, formally and at international level, to be settled and “homogeneous” republics.

 

sa ganang akin, mahirap sabihing ang biglaang pagsugod sa Sabah ay angkop, nasa lugar, pinaglimiang mabuti and, promoting nationalism and collective welfare of the Filipino people… kahit sa biglang tingin, maaring pagkamalan o ipagpalagay na ganoon ang mga bagay-bagay… ^^ kung may isa pang nabubuksan ang issue, bukod sa nanganganak ng maraming miron and instant, excited nationalists, ito marahil ay ang katotohanang fragile ang nationhood ng ating bansa at sa gawing Mindanao, tila malayo pa ang kapayapaan… kung ang nasabing pangyayari ang magbubukas ng pinto para masusing tingnan at resolbahin ang gray areas ng ating kasaysayan, baka sakali nga, ang mga nagsakripisyo at nag-alay sa Sabah nitong Pebrero at Marso, 2013 ay maituring na “mga taya para sa bukas.”🙂

 

peace at pag-unawa sa lahat ng mga kababayang di kapareho ang saloobin at di-umaayon…🙂 pasensya na sa pasaway at ubod ng habang opinyon, kapatid… salamat sa moving at romantic mong post at sa ibinigay mong pagkakataong magbahagi…🙂  gandang araw, Cup. 

 

22 thoughts on “Mga Talunang Mandirigma: Mga Taya Para sa Bukas o Mga Bayaning Hindi Makikilala?

  1. hmmm, kelangan ko pa ba magkomento? ang totoo syempre natuwa ako sa pag-kawing (link) ng aking mumunting tula rito, hehehe. alam kong minsan lamang ito mangyari, kaya lulubus-lubusin ko na ang pag-ngiti, hehehe. kinakabahan pa ako habang nagbabasa (iba pala feeling) daig pa nanalo sa isang pakontest, pramis.

    SNP, di ko na bibigyan pa ng diin ang ilan sa iyong mga ASTIG na linya sa itaas baka mapuno comment box mo, wari pampelikula rin. narito na lamang ang mga kapansin-pansin at tila binigyan mong lubos ng kahalagahan, dahil natunghayan ko sa bawat ideyang iyong inilatag wari kaakibat ang mga bagay para sa kinabukasan:

    “tila isang version ng bukas ang kanilang itinataguyod…”

    “tumaya sila para sa hinaharap na kanilang nababanaag…”

    “all those who fight do so to assert their ideals of tomorrow”

    “with a common vision of tomorrow”

    “mga taya para sa bukas.”

    parang sa simpleng pamumuhay natin, lagi at nasa isip natin hindi lamang ang ating kinabukasan, bagkus ay lalo pa, para sa kinabukasan ng mga MAHAL natin sa buhay, di ba?

    p.s. iba talaga kapag naramdaman mo ang palahaw o panaghoy ng isang katha, may parteng mangungulit sa iyong kaisipang nakahimpil at maghahangad na ito’y iyong maihayag na walang sinumang makakapigil.

    p.s.s kailangan ba talaga ako ang unang mag-comment? hehe

    • hello, Cup… aba, siyempre, must na i-link sa pasaway at nakakapukaw mong tula ireng pagkahabang akda. paanhin, do’n nag-umpisa? ahihi.🙂 ei, ba’t ka kakabahan, sent you an advanced copy, kapatid… sana, di iniligaw ng kalapati… ^^

      lahat yatang paglaban, paggigiit ng interpretation ng tao ng kung ano ang bukas – in general sense… kumbaga, isang pagsasabing di sapat kung ano mayroon sa kasalukuyan… sa kabilang banda, lahat din yatang pagtatanggol – paggigiit sa pananatili ng kasalukuyan, na dapat itong ipagpatuloy hanggang bukas, ahaha. ^^ sabi, lahat daw ng digma o gera, alinman sa para panatilihin ang way of life ng isang grupo ng tao o para ipagtanggol ang way of life ng kabila namang grupo. so, struggle lagi – kaninong way of life ang i-impose, kanino ang buburahin, kanino ang mananatili, sabi…🙂

      logically, ang well-placed sa kasalukuyan, no, no to rocking the boat, hehe. ang mga nasa di maganda ang kalagayan, mas may interes na palitan ang kaayusan sa kasalukuyang aba o mababa ang kanilang kalagayan… ang mga nasa maayos na, parating kiling sa pagtutuloy ng kung ano ang mayroon at naumpisahan na. parang ganoon… ^^

      lahat ng tao, for the most part, geared sa kapayapaan, i suppose… maliban sa ilang sobrang taas ng hanap na thrill sa buhay, hehehe. generally, nais natin ay peace… peace times daw allow for building, creativity and blossoming – ng individual na tao at ng civilizations, sabi… kumbaga, they give a person the opportunity to live, love and grow with one’s family, friends and community – na siya namang mahalaga, kamo nga…

      but the same logic din wari ang nagpo-propel sa tao to go into war – pag naramdaman nya nang threatened ang way of life niya, ng kanyang pamilya at pamayanan, he would pack his things and sling a gun over his shoulder… kahit pa, it would mean being separated sa family nya at mga taong mahahalaga sa kanya – still, the objective is to defend or pursue a way of life.

      so, it happens, sa buhay ng tao, one day, war comes knocking at his door… mayroon din naman, nakakabingi at nakakarindi ang peace, a person would go out and seek or start a war. kumbaga, disturb the peace, so that a new tomorrow could be started or at least, ma-pave ang way para rito…

      ayon, mga gano’n… ahaha, i hope related ang mga pinagsasabi ko. salamat at happy weekend!🙂

  2. Pingback: Mga ManDirigMa ( the warrior ) | 25pesocupnoodles

  3. parang isang bombang sumabog ang muling paghahabol ng Pilipinas sa Sabah. Dekada ’60 pa nang simulan ito at, batay sa datos, lumilitaw na hindi Malaysia ang dapat magmay-ari ng naturang teritoryo…Mula sa rehimen ni Cory Aquino, Fidel Ramos, Erap Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at masasabing hanggang ngayon sa rehimen ni P-Noy, parang binuhusan ng tubig at lumamig ang usaping ito sa Sabah. ..sana magkaroon ng isang masusing balangkas ang pamahalaan kung paano nila mareresolba ang kinakaharap na krisis ukol dito….Kaway ” kaway!…😉

    • hello, Myr… salamat sa pagdaan at sa masiglang comment, kapatid. ang ganda ng term mo, masusing balangkas para maresolba, angkop at tumpak…🙂

      may few points ako, parang trivias baga, about the issue —

      > ang Sabah or North Borneo ay land grant or parang gift ng hari ng Borneo sa Sultan of Sulu na tumulong mag-defend sa kingdom ng Borneo noon. Kingdom of Borneo ay malaki at kinikilala noong military, naval, trade and industrial(din) power sa Pacific

      > that time, pag binigyan ng land grant, di lang property ang ibinibigay kundi pati ang mga taong nakatira – the right to rule, exact obedience, collect taxes and fees sa mga tao – sovereign rule ang tawag (parang representative ng king). and usually, may kasamang title ang grant, kaya ang Sultan of Sulu, was also in effect, the King of North Borneo. Jamalul Kiram II, father of J. Kiram III, actually ruled Sabah for 42 years (sa lumang panahon, kingdoms are inherited o ipinapasa sa heir).

      > that time, when the property (Sabah island) was leased (1878), for commercial/exploration purposes, both Philippines and Malaysia were not yet (in existence as) countries or nations. they were still both colonies of imperial powers. Phils was under Spain and Malaysia [was not yet called by that name] was under Britain – as geo-political entities, they were then considered provinces (of their empires).

      > may pasaway na inuman, err, meeting ang Britain, Germany and Spain noong 1885 (may papel, known as Madrid Protocol) where Spain removed its claim pertaining to/ceded North Borneo to the British Crown

      > excluded daw ang Sabah Island sa sakop ng teritoryo ng Pilipinas sa Treaty of Paris (dokumentong nagpapasa sa Pilipinas sa US mula sa kamay ng Espanya)

      > may time, 1915 yata, when the American governor of the Phils. made the Sultan of Sulu relinguish his sultanate and dependencies (may kasulatan din ito, hindi kasama sa ini-relinguish ni J. Kiram II ang North Borneo) and agreed to become subject or part of the Phil. country/nation.

      > when Phils was under the American rule, nag-send ang government ng delegation sa London on two formal occasions, reminding the Crown that North Borneo is still part of Phil. territory (at hindi bahagi ng property ng Crown)

      > sa 1935 Constitution ng Pilipinas, sa bahaging dini-define ang territory ng bansa, kasali ang Sabah Island sa ating baseline

      > In 1946, Britain still annexed North Borneo as part of Crown territory – pasaway! kaya noong bigyan ng independence ang Malaysia, kasama ang North Borneo sa “territory” na ibinigay sa what is now known as Malaysia

      > ang legal contention between Kiram clan and the Malaysian government is if the Sabah Island has been “granted and ceded” (Malaysian interpretation) or “leased or mortgaged” (Kiram heirs’ interpretation). mas may weight ang sa Kiram’s, whehehe. * feeling ko lang…

      > ang 1963 referendum sa pagkakaroon ng Malaysian federation, where sumali ang Sabah residents, initial moves iyon sa pagbubuo ng country ng Malaysia (recent decades lang naging country ang Malaysia formally, late kaysa sa Pilipinas). pag modern interpretation ng nations-nations, may weight ito, self-determination ang tawag ng Malaysia. although, am not sure if that is correct in the Political Science sense or would apply in the specific case. pero, may gano’n… ^^

      > pagkabuo ng Malaysia as a country, mas doon na humilig ang buhay ng Sabah residents – doon nagbabayad ng taxes and permits, bomoboto at kumukuha ng suporta, not sa Kiram ruler…

      > actually, ang biggest argument ng Malaysia is its armed force which is touted as among the highly-budgeted, modern and capable armed forces in Asia (along with China, India, Pakistan and the two Koreas) and the world… sa International Relations, ang mighty is righty, shaks lang.^^

      pasensya naman, ang dami pala ng pahabol, whehe. sana, makatulong… happy Sunday, Myr!🙂

    • hello, RP… summer na rito pero maulan nitong weekend at sobrang init din, hehe. ay, basahin mo, kapatid – ‘kaw kaya ang nagtulak para mailathala ‘to, haha…😉 pero, yun, kokonti ang nagbabasa, title pa lang, napapatakbo na ang readers, hihi. ^^

      btw, oks ba ang pic? hehe, madrama?😉 warm regards…

  4. Briliant post .The picture tells the story of wars no one can win.Thank you for liking my post (You were created beautiful) My best regards.Jalal

    • hello, sir Jalal… thank you for coming by and trying to make sense of it from google’s translation…🙂 it’s about the Sabah question. the Sabah Island or North Borneo was a gift of Borneo’s king to a Philippine sultan (tribal federation chief) in 19th century, as a token of gratitude… the island is located in what is now known as Malaysia. it’s been leased to a British syndicate. when the group of islands under British protectorate was granted independence in the 60s, the Royal Crown included Sabah as part of their territory. the sultanate’s heirs now want to reclaim their right over the island…

      it’s a bit tricky as both Philippines and Malaysia were not nations or countries yet, in 19th century. you’re right, sir… the write-up asks the readers to take caution in agitating for a war – it’s a case no one will win, as you aptly put… many thanks for the visit, warm regards.🙂

    • bagotilyo, hello… pasensya, linisin mo muna ang keyboard, kapatid. pati monitor na rin, ahaha… pag yumaman na lola mo, bibilhan kita ng bago, ahihi.😉 hala pa, madugo talaga ang usapang Sabah, ano ka ba, bruho… tamo at nagkakapatayan. at di simpleng patayan, ha? shaks na yan… ^^

      mawi-witness mo, iba’t ibang types of warfare – may tribal: pugot-ulo, may guerilla: ambush sa kadawagan, may atop the hill na palitan ng mga putok: style WWII at may modern, high-tech din…

      nakita mo sa TV gaano ka-state of the art ang weaponry and know-how sa gera ng Malaysia, kapatid? kaya nilang i- annihilate ang buo-buong probinsya – medyo gano’n lang ang arms power nila, shaks…

      sa Kiram heirs nga ang Sabah island. pero, kaya ba ng Pilipinas na i-assert na subject nito ang Kiram group and thus, sa Philippines ang Sabah by historic right? ayon… hah, madugo nga.😉

  5. hello, ate san. pasensya na sa tinagal-tagal ng comment kong ito🙂 akala ko marami akong masasabi tungkol sa isyung ito pero wala pala masyado hehe…

    ang masasabi ko lang ay sang-ayon ako sa stance ng pamahalaan sa isyu ng sabah (maliban lang dun sa parang pinabayaan nilang mangamatay ang maraming taga-sunod ni kiram). kay kiram lang talaga ang sabah at s’ya lang ang may isyu sa malaysia. unfair sa buong pilipinas na madamay sa problema n’ya. hindi naman yata nakinabang ang pilipinas nung mga panahong maayos ang relasyon ni kiram sa malaysia.

    pero dapat pa rin i-extend ng pamahalaan anumang tulong na kaya nitong ibigay kay kiram at sa mga nasasakupan nito para sa mga humanistic na kadahilanan.

    • hello, R.P… a, ayos lang naman, maski medyo late. basta, may comment -always better, tsos.😉

      ahaha, talaga? approved din sa ‘kin, di nagpaka-macho si Pinoy and his advisers, na di nagpadala sa kantyaw ng mga humihirit na i-engage agad militarily ang Malaysia. na hindi nya agad iwinasiwas ang kung anumang pwedeng iwasiwas, ahihi…😉

      but then, parang nahihinaan ako sa handling nila ng negotiation with the Kiram group. saka, parang too late. tila di nila na-sense na armed ang group na pumunta and with plans to attack militarily? it would have been different kasi kung pumunta ang grupo doon as an expedition, warm bodies lang, parang yong ginawa nina Walden Bello sa islang ikini-claim natin against China, sa West Phil. Sea…iba kasi pag armed. gera ang ibig sabihin pag ganoon… ^^

      tingin ko, the President’s arms were tied – sa usapin ng pagsi-save sa mga sumugod sa Sabah… kung humakbang noon ang presidente para i-rescue ang Kiram followers, gera na ang ibig sabihin – on both sides… that time, sa pagkaalam ko, may option na ang Malaysia to officially declare a war against the Philippines – na mukhang di nito ginamit… ^^

      the moment nag-declare ang Kiram group, they would hold their place sa Sabah, pwedeng pag-attack ng Malaysia sa group, sabay na nitong ini-launch ang kanyang aerial and navy forces – against the Philippines… and the international community (meaning other national governments), walang magagawa but to condone the military action, kundiman i-approve. ayon…

      ahaha, paano ba? the Sabah island is a question of war spoils, kapatid… usapan ng mga pa- matchong lider, ahaha. di ba at pinag-inuman na, 1885 pa, ng imperial powers? tapos, pagpasok ng US as our new imperial power, the US governor of the Phis. tried to secure the island kaagad, nailagay sa baseline ng Phils sa 1935 Constitution and the subsequent Constitutions.

      ahihi, sana nga, ganoon kadali to wash our hands off the Sabah affair and the sentiments of the Mindanaons, RP… tila hindi…🙂 kadikit kasi ito ng Mindanao question and if we actually pursue the subject to its logical conclusion, slicing the territories ang kasunod, so it seems…. may territorial integrity laging pinoprotektahan and sine-secure once na nation-state na, formally… and it seems, all the post-WWII govts of the Philippines, lahat ng umupo sa pwesto, they tried hard na manatiling buo – na part ng Phils ang Mindanao… otherwise, civil war ang scenario, kapatid. bloodbath, am afraid…

      uhmn, actually, hindi malaki ang amount ng lease ng Sabah, maski noon pa. at sa tinubong lugaw ng British North Borneo syndicate until it became a company already, very tenuous ang naging lagay ng Kiram sultanate… billions of dollars na ang kinita sa isla… even in 1960s noong kinuha ng Brit govt island para ibigay sa Malaysia, ang naging basis ng pagpayag ng company was, kumita na ito ng more than enough, ahaha.

      trivia: the company retained its business name even after the British govt took back the territory to be given to Malaysia. ang central office nito now is in Malta and is said to be one of the richest oil and gas exploration companies in the world, with diversified interests na… may line of business itong kamukha ng sa google, say?

      it’s a valid claim, eh… but then, one has to have the military strength and the resources (pambayad sa de-kampanilyang abogado) to pursue it to its desired end, since it involves nations na – governments… am guessing, ang glitz ng Kiram group, ang succession sa kingdom nila noong late 50s, pagkamatay ni J. Kiram II. nagkaroon ng lull sa pagpapalit ng pinuno ng kaharian, problema ng kingdoms lagi, ahaha.😉 since then, dependent na sila sa attention and support na ibibigay ng legitimate government ng Pilipinas. tapos, half-hearted rin naman ang loyalty na naibibigay nila sa pamahalaan (laging may sariling armed group).

      medyo considerable resource and territory ang Sabah, kapatid… maybe, kaya marami ang nag-a-argue for its retention as part of the Philippines, as a matter of historic right… may pride ding kasama – proof na fierce and palaban ang lahi, kumbaga. premyo ito sa katapangang ipinakita sa digmaan noong luma pa nga lang na panahon, panahong uso pa ang kahari-kaharian, ahaha. ^^

      sama ako sa pag-extend ng tulong at suporta ng ating pamahalaan sa Kiram followers for humanistic consideration… kawawa sila and kanilang mga pamilya.🙂

      pasensya ka na sa mahaba at nosebleed na reply, ha… medyo kumplikado talaga ang isyu. mahirap pa-simplehin, simplistic ang lalabasan, parang…🙂 warm regards…

  6. Pingback: may mga paborito | doon po sa amin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s