Anu-ano pa ang mga kwento?

 

Hello, ka-blogs!  Ang hilig nyo pala sa inside story, ahaha, senga?🙂 Medyo nagtataka ang lola nyo rito, sabi madalas ay ang hahaba raw ng posts ng lola at ang dami-daming kwento. Pero, hayon, nagtatanong pa rin pala ang marami kung anu-ano ang mga kwento sa likod ng mga kwento. Ano ba talaga – maraming kwento o kulang at kulang pa rin ang wento? Ahaha, naitatanong lang… ng taga-kwento.  Hihihi, ayon lang…🙂

 

Image of a person telling a story before a group one moonlit evening

Kasali sa buhay ng tao ang magkwento at makinig ng mga kwento/ robinheyden.wordpress.com

Ano palang gusto nyong ikwento ko, this time? Tungkol pa rin sa mga tula? Pambihira, naikwento na yan dati…  O, basta, ang Sa mga siwang at pagitan, ang title ay galing sa isang post ni ivanlabayne, isang blogger from Baguio City na wari ko, isang writer. Nag-comment siya rito – sa Babatiin Ko ng Ngiti at sa page na Para Saan ang Awit?. Bale, ang wento, may English post siya noon, ukol sa spaces and distances… Natuwa ang lola nyo at iyon ang pinick-up para sa title ng tulang inspired ng video ni Tristan Prettyman, ex-girlfriend ng singer na si Jason Mraz. Tungkol ‘yon sa sentimyento ni girl na si guy ay moving on na, samantalang siya ay nasa kumunoy pa ng hinagpis over their break-up, huhu… Siyanga pala, ang Sa Mga Siwang at Pagitan lang yata ang tulang inilathala ko sa blog, within 24 hours matapos maisulat…

 

Ang kwento sa likod ng mga tulang nakahanay sa  Kayo po ang pipili ay eto – dyaran… Hihi, biro lang. O, basta, ang anim doon, humigit-kumulang, inspired or triggered ng mga sulatin ukol sa pag-ibig nina themathteacheralsoreads at ljsdeleon. Parehong titser ang dalawa, mahuhusay magsulat at nagba-blog in English and Tagalog. Btw, halos kalahati lang ng edad ng lola nyo ang edad ng dalawang bloggers. Pero hayon, ang kanilang mga tula, so right on… Moving, parang ramdam ang panaghoy sa loob. Pagkabasa sa poems nila, parang gusgustuhin mo ring mag-nurse ng wound, mag-wallow sa sama ng loob at pakalunod sa despair, ahaha. Sa pitong tulang inihanay sa Kayo po ang pipili, ang Labis Ang Pangamba lang ang dati pang naisulat at hindi influenced by ljsdeleon and mathteacher…

 

Teka, marami yata ang sumisilip sa Nalilito, Nagugulo at sa Buti Pa, Buti Nga. Gusto kong isiping mabenta sila dahil magagaan silang mga piyesa. Yes, they are supposed to be light read poetry. Btw, alam ko, uso ang mag-presuppose na ang mga tula ay pahiwatig sa ka-blog – ang saya lang…  Sa banda ryan, tutulungan ko na kayo para di na mahirapan, hihihi… Mga kapatid, pag nagsusulat ang lola nyo ng posts na inspired, triggered or influenced by a ka-blog or his or her work, sinasabi ko mismo roon sa tao. Ganoon din pag ang isang ka-blog ang pinatutungkulan sa isang sulatin – alinman sa sinasabi ko sa ka-blog o kung di kami nagkakausap, sa isang kaibigan niya…

 

So, pag may nabasa kayong post banda rito at feeling nyo, parang parinig o pahiwatig kay ganitong ka-blog, ang payo ko, tanungin nyo siya mismo, oo. Pakitanong nyo kung sinabi ko sa kanya – sa comment, sa email, sa chat o sa offline message – kung related o may kinalaman sa kanya ang sulatin – in any way. Kung sabihin ni ka-blog na hindi, better believe na hindi… Alam nyo kung bakit? I have made it my practice na i-inform ang sinumang ka-blog na pinatutungkulan sa post. Iyon ang aral na nakuha ng lola nyo mula sa unang nakasamaan ng loob na ka-blog. At malalim na leksyon iyon, ahaha – mga limang baranggay lang yata ang umaway at nag-boycott sa lola nyo dahil doon. Ang pagkaalam ko, ang iba sa kanila, hanggang nitong huli, gumagawa pa ng posts para okrayin ang lola rito. So, some lesson yon, kumbaga… ^^

 

Anyway, as I have explained before, suloy lang ng tulang Salansan ang Nalilito, Nagugulo. Ang pinaghalawan pa rin ng tula – ang love series ni bagotilyo. Ang concept behind Nalilito, ang sabi ni ka-blog na pansinin lang ng kaunti, 10 times ang epekto sa pobreng kinikilig. Ayon… Ang Buti Pa, Buti Nga, ang kwento ay iyong kwentong nasa ilalim ng post. Ang dagdag, same day na-conceptualize ang Buti Pa, Buti Nga at ang tulang Salansan… Kung mapapansin nyo, pareho sila, conceptwise – young love that didn’t quite work out in the end…

 

Ano pa, hmnn… Ayon, sana, sana lang, makita ng ka-blogs na kung nakasulat ang lola nyo ng  Salansan, hindi naman siguro imposibleng makagawa ng tulang singgaan ng Buti Pa, Buti Nga at ng Nalilito, Nagugulo… Sanayan din, mga kapatid. Kumbaga, once you got into the groove na tumula-tula, hindi na siya sobrang hirap. Hindi pa rin siya madali, pero hindi na mahirap… And, as I’ve said before, I would appreciate it kung may feedbacks through the comment section. Kahit hindi na compliments, ahihi. Sa panahon ngayon, lalo pa sa Pinoy audience, very cautious or sparing pagdating sa purihan, ahaha. Oo, medyo ganoon yata… Buti na nga lang at naisipang mag-blog sa English, hehe, doon ang lola nyo nangangahoy ng compliments, lol. Pero ma-appreciate ko ang feedbacks, pramis.  ^_^

 

Image of an ad announcing a corner to be a story-telling venue

Pwedeng may mga interesting na kwentuhang maganap sa isang munting sulok/ labs.openviewpartners.com

 

Mabanggit ko nga pala, ang tulang Wala kang binitiwang pangako, opposite ng post na buwan ang saksi – conceptwise… Sa dalawang posts na iyan,  gusto ko sanang mai-pin down ang romantic love as we know it…😉

 

 

Magpa-plugging pala me, kung di nyo mamasamain, ahaha. Ang latest post sa DPSA, ukol sa nosebleed concept na zero-sum game. Nakow, big time concept yaan sa Economics at sa economists, whehe… Ayon lang, di ko sure if I did justice sa diskusyon… Anyway, sabi sa zero-sum game – ang loss ng isa, gain ng iba at ang gain ng iba, loss naman ng isa. Ayon, bale, iisang buslo lang ang pinagkukuhanan – either or – kung daraaanin sa logic. Sabi, ang isang tao raw para maging better off sa buhay, magagawa lang niya iyon by making somebody worse off. Ganoon ka-harsh, naman… So, ang success raw ni Juan, failure ni Pedro at ang failure ni Juan, success naman ni Pedro — parang ganoon…

 

Anyway, nauna ko na yaang i-illustrate sa English blog, sa write-up na Atmospheric Pressure, kung may nakabasa sa inyo … Kumbaga, iyon ang literary rendition ng concept. Mahirap kaya?😉 Oo, mga kapatid, pang-level ni John Nash ang ideya, patatawarin…  Oo, naalala ko, dumurugo ang bawat hole and pore ko no’ng dini-discuss yon sa klase. May quadrants-quadrants ba naman? Ahaha… Anyway, ang gusto ko lang yatang sabihin, tingin ko, hindi nag-a-apply sa writing ang zero-sum game. Yon lang…😉

 

* Pasensya naman, bumalik sa mahaba ang post, hehe. Dapat siguro, press statement ang itinawag ko rito, ‘indi post, hihi. Salamat sa pagbabasa. Hopefully, maiksi na uli ang kasunod at… magaan lang.🙂

 

51 thoughts on “Anu-ano pa ang mga kwento?

    • ay, sus, naghanap ang isa ryan, patatawarin. ikaw ‘tong mahusay maghabi, bah… 😉 ahihi…. si Cup. paano ba ilalarawan ang mga akda ng isang mamang bihasang kumwento at magpa-charming? ang hirap yata…🙂 basta, naa-appreciate ko, kapatid, ang pana-panahon mong pagba-backread – dito at sa dpsa. salamat ng marami. isang araw, gagawan kita ng pambobola, whehe. kind regards🙂

      • aba’y syempre, gels lang ba ang naghahangad ng maalayan, kami rin mga boys ah, hehehe. naku aabangan ko iyan (araw at gabi), basta yung seryoso ha, yung tatagos at pupukaw sa aking puso’t isipan ha. aysus, nakaka-uhaw naman talaga ang mga talinghaga at tugma lalo pa’t ito’y isang alay (na walang malisya ha).

    • hello, kiko… oo, kainaman ka, inaagiw ang bahay mo, walang nagwawalis, hihi. ayos naman, buhay pa po. marami pa ring ka-problemahan, nadagdagan pa, shaks lang… e, di, ikaw na ang busy…😉 hope things are well, warm regards…🙂

  1. Naks, at talagang may milya-milyang paliwanag ang pagkakasulat sa bawat post, Ate San😉 It only goes to show, na bawat kuwento ay talagang may pinaghuhugutan hehehe.

    Dumaan lang para mag-iwan ng ngiti at hug haha!

    • hello, ms. N… nakakatuwa naman pag dumadalaw ka.🙂 hala pa, as much as possible, ayaw kong naglalathala ng posts of this nature – parang may pagka-self indulgent ba? e, minsan, ang dami-daming kwentuhan so, napipilitan me to clear things up. kesa kung saan-saan mapunta ang usapan at suppositions, ayon… ^^ salamat sa ngiti and hugs back, kapatid.🙂 happy weekend!

    • hello, batopik… ahaha, o, e, ikaw rin naman, various ang sources ng posts mo – merong lamp post, may blue sky, gray sky, pedestrian lane at nanahimik na escalator… mga ganyan, hakhak.😉 nice.

      ah, kasi, sa writing, may kanya-kanya tayong pinagkukunan ng isusulat, hindi iisa lang ang panggagalingan… unlike sa buhay na one has to walk all over people to reach the top, hehe. at halimbawa, pag pangit ang naisulat mo, hindi ibig sabihin, gaganda na ang maisusulat ko, ahaha. and, pag pangit ang naisulat ko, hindi ibig sabihin, makakagawa ka na ng magandang entry, hihihi. ayon…🙂

    • hello, lipadlaya… sorry naman, kapatid. di ko agad ito nakita…🙂 o, e, magsulat ng kwento sa likod ng mga kwento – why not, choc nut? am sure, magaganda ang mga kwento mo, as in…🙂 btw, ba’t mo alam na ginagawa yon pag walang maikwento? ahihi, ikaw na…😉 actually, ang isa pang purpose, kasi wala akong FB and other social networks online. feeling ko, some ka-blogs would want to hear about the backdoor stories – may pagka-personal… parang pagpapakilala na rin?🙂

  2. wowowee(este wowowillie na pala). Salamat naman sa special mention ng isa kong blog na puro kakolokohan/kaemohan na themathteacheralsoreads. Hindi nyo po alam kung gano kalaki ang ngiti sa labi ko ngayon, Ate San.
    Ang totoo po nyan, isa rin kayo sa inspirasyon ko sa pagsulat. Parang laging ang dali sa inyong mag-isip ng sasabihin. mahirap po ata iyon.
    Salamat po ulet at nabanggit kami ni Brader ljsdeleon. haypayb, Ate San! Maligayang Weekend!

    • hello, pusang makulit… pasensya na, ha, i haven’t been around the past few days, now lang ang response.🙂 hala pa, totoo namang ang blogs nyo ni LJ ang puno ng madamdamin at nakakadalang mga panulat – what to do, eh?

      e, di ayon, gumawa ng something similar, pero hindi singlalim at singtalino, ahaha. hindi ako geek or scholarly or mabuting estudyante noong araw, kapatid. pero kayong dalawa, you sound like mga studious, curious and clever na nilalang,and these traits show up in your writings and touch people like me, hihi. ayon… salamat for sharing, for the compositions that resonate, that move…🙂

      ahaha, mas matanda na lang me na di hamak kesa sa inyo, maybe… hindi madali, anokaba… easy reading daw means hard writing, sabi. haypayb! happy week sa iyo, titser na pusa… regards🙂

      • ay nako. haha. natuwa naman ako sa second paragraph. Siguro nung high school medyo masipag pa ako. Masipag ako mag-aral noon. Noon ako nahilig magbasa. Pero hindi naman ako tipong geek or scholarly. Tamang pasa lang ng homework. Gawa ng projects. Recite konte. Sinisiguradong hindi babagsak. Pero far from being geeky. way way far.🙂 Medyo class clown din ako noon kahit na ako ang class president.
        Pero nung college, wala na. Yun ang ibang usapan na. Lukutoy kasi mga kaklase ko kaya petiks mode na lang. Haha Medyo tamad ako nung college pero naka-survive pa rin naman.
        Salamat sa napakagandang paglalarawan, Ate San. This is the first time in my entire life that somebody used “moving” and “resonating” to describe my writings. Thank you po.🙂

      • ahaha, di ka pa masipag at studious ng lagay na yan, e, no?😉 naaliw ako sa word na lukutoy, hihi.

        you sound academic somehow. at least, somebody who knows the fundamentals kundiman trained sa classics, ahaha. may edge ka na sa writing, kapatid. tapos, math pa ang discipline mo so, sanay sa precision. isa iyon sa magandang puhunan sa pagsusulat. bale, dadagdagan mo na lang ng practice at sipag, ahihi. happy midweek, kapatid na Caloy.🙂

      • talaga naman. malapit na akong magpakain ng virtual pansit sa blogosphere sa mga sinasabi mo. Thanks po. Wow. Di ko naisip na makakatulong ang pagtuturo ko ng Math sa hilig ko ring ito. Thanks for making me realize that.
        Will do, maam. Kapag may tsansang magsulat ay pipilitin ko po talagang isingit. Tapos may mga pagkakataon na rin minsan na bigla na lang akong dadatnan ng ideyang isusulat. Sana maging husay nyo rin po ako.:)

      • hello, pusang maalam… oo, gano’n, kapatid. our discipline or field helps a lot in our writing. parang nagiging part ng writer’s tools and standards na rin…🙂

        i have several favorite authors who are doctors – william carlos williams, anton chekhov, among others… there’s this blogger who’s a fave of mine – nadia. she’s a medical doctor by profession although one could hardly detect it from her free-flowing accounts in her food and travel posts. ayon, mga gano’n, hehehe. good day!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s