Pasok ka… sa mundo ko

 

Bakit tayo nagsusulat ng observations, opinions, musings at nagpapansin sa blog? Bakit hindi tayo mamuhay na lang ng tahimik – away from the peering, leering and gossiping public eye? Tsos!πŸ˜‰ Bakit kailangan pang ikwento sa bawat maparaan, walang magawa at sa sinumang interesado – ang mga anik-anik ng ating buhay? Importante ang ating sasabihin, dapat pakinggan? Kabawasan Β sa sangkatauhan pag di narinig ang ating istorya? Ows? May maidadagdag tayo sa laksa-laksang impormasyong bumubulusok sa paningin, sa pandinig at sa pakiramdam ng madla? Ah, eh, wala lang… Pasaway, naglalagay ng mga ganyang tanong, pasensya naman…πŸ™‚

 

Image of a giutar, leaves and the horizon

May kanya-kanyang awit tayong pinakikinggan, pinatutugtog at sinasaliwan sa ating blogs/ http://www.deviantart.com

Katunayan, sabi – huwag maglagay ng tanong sa unahang bahagi ng blog post – kung hindi rin lang naman sikat at importanteng tao si blogger… E, yun nga – going against the grain ang dramarama ng bloggers, kasama na ako. Raising an objection, pointing to something unnoticed or calling attention to something funny or unusual – madalas nating alibi, ahihi. Nakaka-suffocate ang mainstream, umi-indie ang marami – nag-i-stake ng chance sa two-minute fame na uso … O, e, bakit? Hindi naman bawal, di nakakataba at di rin daw immoral. Btw, medyo nakakataba – at least, nakakalaki ng bilbil at nakakalapad ng pwet… But that’s beside the point, hehehe. Or, at least, part of the territory unless, trip mo ang magsulat ng blog ng nakatayo… Sabagay, pwede rin, hakhak.

 

O, bat tayo nagba-blog? Di nga… Kasi raw, feeling natin, ang daming unsaid. O, di ba? Β Saan nakasulat, tayo ang annointed para magsabi sa publiko, sa madla, sa santinakpan – ito at hindi iyon ang mahalaga at dapat na pag-usapan? Wala naman, hindi ko naman napag-alamang nakasulat ito anywhere, ahihi. Teka, may nakasulat, senga? Hahaha, wala… With the advent of internet, naiba raw ang mode of interaction, of communication, ng mga tao… Bigla na lang, pwede nang kausapin ng diretsahan ang buong mundo. O, di ba? Ang galing! Ayon lang, milyon tayong mga gustong magsalita sa harap ng madlang pipol at kausapin ang sangkatauhan, ahaha. Hey, world, this is my story! Once upon a time…Β  Hay, ang saya-saya — kanya-kanyang mikropono para i-address ang mundo – sa sari-sariling websites, hehehe…πŸ˜‰

 

Come to my world, another way to put it. Sabi ng isang blogger, “Please come under my rock. ” Tila bahay-bahayan – pwedeng mag-anyaya sa blog para ipakita ang bagong laruan, kakaibang insektong nasalubong at shell na napulot natin… Parang kalaro o kapitbahay lang ang bawat nating iniimbita sa pribadong espasyo. Dito tayo gumagawa ng usap, kwento at mga sariling pauso, hihi. Na para bang dito, pansumandali nating natatakasan ang mabibilis, nakakagasgas at nakakalitong mga kaganapan. Sabi, ang riyalidad sa blog ay Β lapat, manageable at mas kayang panghawakan… At least, Β pag dito Β ka nagtanong, “Ba’t nga maalat ang tubig-dagat?,” di iisiping baliw ka. Weird lang. At marami naman ang weird sa blog sphere, sabi…πŸ˜‰

 

Dito, pwede tayong magmukhang smart – kahit na tayo pa ang pinaka-engot na nag-grace sa balat ng earth… Pwedeng assertive, kahit pa ikaw o ako, ang pinakamalaking pushover at doormat na naitala Β sa tanang buhay, ahaha.πŸ™‚

 

 

Ang post na ito ay sagot sa Hoshi’s Blog Life Contest” ngΒ kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com

39 thoughts on “Pasok ka… sa mundo ko

  1. Maraming salamat sa pagsali sa saliw ng awit a.k.a doon po sa amin!

    Tunay ngang ang blog ay isang malaking imbensyon para sa mga taong naghuhumiyaw pero hindi makapagsabi. at, oo ang blog ay parang baluarte kaya siguro si hoshi ay may hoshilandia. hahaha. makabanggit lang.

    Mabuhay!

    • hello, hoshi… walang anuman, natuwa ako no’ng isinulat ko ang entry, bah. and hey, salamat for inviting me to join, kapatid. it’s my pleasure to participate, ahem, ahem.πŸ˜‰

      yes, maraming gustong sabihin ang mga tao ngayon – whether may makikinig or wala, hahaha. whether may papansin o wala, shaks na ‘yan… mabuhay ang iyong blogging at dalawang sites!πŸ™‚

  2. Pingback: Blogging is exposing who you are « kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI

  3. Naging katanungan yan noon at hanggang ngayon naman. Bakit nga ba tayo may blog o nagba-blog?

    Iba’t ibang dahilan, iba’t ibang shit (sorry po sa word), iba’t ibang anik anik, iba’t ibang pananaw, iba’t ibang hangad. Nasa tao, indibidwal o grupo na may layuning nais ipamukha sa mundo. Maaring kayabangan, maaring kumalap, mag-parami, magbahagi, sumikat, kumita.

    Pasok ka sa mundo ko, baka nga doon may sagot kang makuha..πŸ™‚

    • hello, alvin… yes, dating tanong, tanong pa rin sa ngayon… btw, itinatanong ni hoshi – sali ka kaya? hehe.

      oo, iba’t ibang shit nga, sinabi mo pa. e, what the hey. let’s play it out, let’s tackle things sa ating mga sulatin. may kanya-kanya naman tayong kwento at paraan ng pagkukwento – so masaya…πŸ™‚

      sa mundo mo ay maraming characters, hihihi. karaming reyalidad doon, shaks na yan.πŸ™‚ kind regards, kapatid. salamat sa pagdaan.πŸ™‚

  4. sabi nga, ang henerasyon natin ngayon ang pinaka-opinionated… pero sa tingin ko, dati na tayong opinionated na mga tao, inilalabas lang sa mga inuman, saklaan, kutuhan, pagupitan… dati nang nandyan ang paghahangad nating mag-express ng nalalaman, natural lang na dalhin natin ito sa cyberworld. wala lang, opinyon lang po hehe. parang therapy din ang blogging eh hehe

    • hello, RP… ahaha, pinaka-opinionated ba? di naman siguro. kamo, dati pa – sa inuman, saklaan, kutuhan at pagupitan, ahaha (ang cute ng line-up). so, naturally, mag-i-spill over sa cyberworld. in a way, true, especially yong sa inuman and pagupitan, hihi. pero i doubt if blogging ang mga nasa kutuhan and saklaan – parang sa saklaan at kutuhan pa rin sila, hakhak. ^^

      pasaway na opinyon – literate and wired population ang blogging. so, mundo sya ng mga may pinag-aralan or relative literacy and with means – people who think that their opinions matter, or should matter… especially ngayong sobrang dami ng dumarating na info, yong sinasabing kumikipot raw ang public space and blogging is an assertion kundiman revolt, ng mass against mainstream journalism and press release ng traditional institutions – informal channels versus formal daw….

      oo, panlabas ng steam ng public na feeling stifled daw, sabi… sa akin, yes, may pagka-therapy ang blogging. sa ‘yo rin?πŸ™‚

  5. at maraming salamat sa parating pag-anyaya para pasukin ang iyong mundo… o ang mga mundo mong nilikha dito sa blogosphere.. iniisip ko nga kung gaano karami ang mga blogero, siguro ganyan din karami ang dahilan kung bakit nga ba tayo nagba-blog. pero mas masarap pakinggan ang sabihin wala lang, parang mas malalim, hehehe.

    • hello, lipadlaya… maraming salamat rin sa pana-panahong pagdalaw at pagsilip sa mga mundo ko, kapatid… ahaha, ang ganda ng point mong kung gaano karami ang bloggers, ganoon din karami ang dahilan bakit blogging ang mga tao. ang ganda… a, yes, blogging dahil wala lang may mean that blogging for these people means everything, hehehe.πŸ™‚ gandang araw!

  6. Ano’t ano pa man ang mga dahilan natin masaya akong natagpuan ko ang mundo mo dito sa blogsperyo.

    andami nga ring nagsasabi parang hindi daw ako yung nagsusulat ng mga ginagawa ko. Ganun siguro ako ka “crazy” sa totoong buhay kesa sa blogworld. hahaha

    parang nainspire tuloy akong sumali. sana mawala na ang kasabawan (lagi na lang)πŸ™‚

    • hellow, bagotilyo… ahaha, salamat at nagkatagpo ang ating mga landas dito sa blog…πŸ™‚

      hala, bale maloko ka sa totoong buhay at tunog-disente sa blog, hihi. hmn, that’s interesting, kapatid. tingnan natin pag nag-meet tayo, hihi. btw, ako rin yata, puro simangot at bungisngis sa totoong buhay pero nagkukunwari ring neat and disente sa blog, bwahaha. oh, well…πŸ˜‰

      sali ka na. am not buying that sabaw-sabaw fb status or peg mo. pweh, bumenta na yan, hehe. btw, basahin mo pala ang post dati rito – ang pansariling boses o marka ng manunulat. regards…πŸ™‚

  7. Si John Green na author, nagboblog at nagsusulat ng libro habang naglalakad sa treadmill desk. Hakhak. Oonga, escape daw ang pagbblog. Pwede kang maging kahit na sino, kahit di naman talaga ikaw..Pero baka parte yun ng pag-eexplore nila sa sarili nila? Ewan. Kanya-kanyang dahilan lang. Hihi.

    • hello, batopik… pasensya, kapatid, na-skip ko ire…πŸ™‚ hmn, mai-google nga sino si John Green. nakow, di ako updated sa authors these days, pasensya po… pero, ang cool nya, habang nagti-tread mill, hahaha. pag minsang nagti-tread mill ako, could do nothing but run after my breath, hehehe.

      hmn, escape ang blogging. but then, may dugtong pa rin sa totoong buhay, i guess… mahirap yata if puro pagpapanggap at ibang-iba sa real life ang content ng blog. may honesty requirement sa blogging. otherwise, may repercussions din sa writing output and sa katauhan and buhay ni blogger, tingin ko… but you’re right, sistah – we’re here for different reasons, seasons and durations, hihihi. kaya exciting mag-blog…πŸ˜‰ hope you’re okay. magandang araw…πŸ™‚

  8. Tsk, kehaba na nang tugon ko nawala pa.
    Anyway, anu na nga ba yun?πŸ™‚
    Ang gusto ko sa mga paskil mo ay kaya mong gawing laid-back ang mga seryosong topic. Nagiging candid ka without being foolish. Kaya mong paghaluin ang patawa at sense in a subtle way na bigla na lang akong mapapatawa at mapapaisip. Ganito rin ang nakikita ko sa post na to.
    Napakaspontaneous na kung ano ang nasa isip mo, yun na yun, na minsan iniisip ko di ka na yata nagproofread which is amazing kasi di nawawalan ng sense at may invisible outline na di mahahalata hanggat hindi pinagtuonan ng pansin.
    Gusto ko rin yung video…swak na swak sa post mo.
    Ang blogging ay isa ngang mundong pwedeng pasukin na nakakaasiwa at first pero makakasanayan sa tagalan… in the end maraming surprises at perks na di natin inakala nung una nating tambad sa pintuan nito.πŸ™‚
    (Dami ko na namang sinabi… why can’t I just be the clueless and funny one?πŸ™‚ )

    • hello, June… pasensya ka na, may problema yata ang portals ng site ko from time to time. medyo madalas mangyari, sagot ko sa comment, di napa-publish. hanap ako ng hanap, hihi.πŸ™‚

      ahaha, gano’n? salamat, kapatid… baka ngayon-ngayon na rin lang nagkaroon ng spontaneity ang writings ng lola mo, dati wala… formal, stiff and boring lang, hakhakhak. i guess, para sa mga gaya kong tuod, haha, dinaan na lang sa practice at sa pagtingin-tingin how other (cool) people do it…

      lagi kong tinatandaan ang sabi ni Garrison Keillor sa essay nyang How To Write A Letter – write your way through it daw – grammatical errors, thought meanderings, useless ponderings and all. kasi raw, kilala at mahal ka na ng taong sinusulatan mo, ahaha. makes sense, di ba? kumbaga, let’s assume na mahal tayo ng ating readers, hihihi. and you’ll find your way through your writings in the end daw.

      http://karrvakarela.blogspot.com/2005/07/how-to-write-letter.html

      if it would help any, ang isa ko pang ginagawa no’ng 20s pa lang, hinahanap at binabasa ko ang pinakapangit na writings ng mahuhusay na authors. oo, ganoon ka-flip, haha. bukod sa they become humanized sa paningin ko – nagkakamali rin pala sila, poor din pala silang mag-organize ng thoughts pag minsan, hindi rin pala nila alam ang lahat, hahaha – nakikita ko rin paano sila magtahi ng points, paano nila iwinawasto ang weaknesses and ini-improve over time ang writings nila. yon…

      natuwa ka rin sa video? aliw… i really like it. btw, the singer, si Amy Grant, nagkaanak with Peter Cetera (formerly of Chicago band). may songs rin silang duet dati. hihihi, may trivia…πŸ˜‰

      amen sa mga sinabi mo about blogging. ditto…πŸ™‚ yessir, wish natin – we’re the clueless and funny one. hamo, over time, ma-a-achieve din natin yan, pramis…πŸ™‚ salamat sa comment, good day…πŸ™‚

  9. Its nice to hear from you ,Thank you for liking my post( Sharing..The Pinnacle)Be well.jalal

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s