Tila hindi nawawala

 

Hello, mga ka-blogs! Nais kong magpasalamat sa lahat ng sumilip, nagbasa at tumunghay sa likhang-akda, Mga Tahi at PasoPanauhing Lathala mula sa Doon Po sa Amin. Tila hindi ito nawawala sa listahan ng posts na sinilip ng pinakamarami. Maraming salamat.🙂

 

Gaya ng naikwento, ito yata ang pinakamaipagmamalaki sa lahat ng posts na naisulat. Halos 24 years ang hinintay, bago naisulat ang mga isipin at saloobing nasa panulat. Ang akda ay tungkol sa romantic thoughts – ano ang lugar ng pag-ibig sa buhay ng tao. Marami sa mga ideyang nakapaloob sa sulatin ay hiram lamang — sa mga may-akdang pinangalanan sa ibaba ng write-up.

 

Image of a 19th century man standing before a cliff

Magkasabay sumibol at lumago ang  romantisismo at nasyunalismo bilang mga kilusan. Kailangan daw daanan ang romantic phase bago makamit ng individual ang holistic na pananaw sa mundo at buhay/ http://www.barnesandnoble.com

 

Dati, hindi ko maisip na darating sa puntong mahuhuli at maisusulat rin ang mga isinaad sa panulat. Kung ilan din ang anthologies of romantic literature na binasa sa maraming taon. Nangangarap, isang araw, maisasatitik ang mga pira-pirasong ideyang nakalap… Sa Les Miserables – ang buhay ay malupit at ang gabi ay para sa pangangarap, pananangis at pagtalilis. Sa Frankenstein – walang sinsakit ang mawalan ng mahal sa buhay, gagawin ng tao ang lahat para sa kanyang minamahal. Tumimo ang mga iyon sa loob at ipinangako noon – akin silang isusulat  sa sariling paraan, wika at pag-intindi.

 

image of a countryside in America

Ang romantisismo ay nananawagan ng pagbalik sa kalikasan at paniniwala sa kabutihan ng tao o humanity. Ito ay pag-aaklas laban sa rasyunalismo subalit may mga wisik ng Judeo-Christian beliefs/ http://www.artsjournal.com

Ang mga ideya sa talatang nag-uumpisa sa “Saan galing ang mga sakit at pag-iwas?,”  gayundin ang mga nasa talatang nag-uumpisa sa “Bibihira raw ang taong walang kinikimkim”  at pati  ang sa bahaging “Subalit ang araw-araw na pamumuhay raw ay tila walang-katapusang pakikihamok,” ay hindi originally sa akinI guess, I read them somewhere, a long time ago… English, French and German literatures ang marami sa pinaghalawan. Ang Les Miserables at ang The Red and the Black ay  mga kinikilalang lathalain para sa pagtataguyod ng nasyunalismo sa Europa, gitna ng 1800s. Ang una ay nanawagan ng pag-aaklas, ang ikalawa ay tumuligsa sa di pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan.

 

Ang maituturing na sadyang akin, ang huling apat na talata sa Mga Tahi at Paso. Ang crucial point, sa wari, ang talatang “Ngunit pinipilit nating maging masaya.”  Naroroon ang make-over – ng taong napaso at sugatan. Doon naganap ang pagpaling, ang pagbabagong pangako ng akda. Ito rin ang bahaging pinakamatagal at paulit-ulit ang editing – para mai-render sa graphical manner ang papel ng pag-ibig – to enable the individual to turn things around. Dahil sa pag-ibig, kakayanin niyang ibahin ang takbo ng mga pangyayari… Ang pinilit kamtin sa akda – vivid imagery – ma-itsurahan at ma-imagine ng nagbabasa ang process of transformation.

 

Image of  Eponine in the poster of Les Miserables

Sabi ng romanticism, ang pag-asa raw ng tao ay sumisibol sa mga gabing tigib sa ligalig at lungkot/ theamyspalding.com

Kung isasalin sa Tagalog, ang Les Miserables ay maaring tawaging Silang Mga Kapus-Palad. Sabi ni Victor Hugo, may-akda, ang nobela ay kanyang sinulat para imulat ang mga tao sa epekto ng ignorance and misery. Na saanman daw mayroon ng mga ito, hindi malayo ang magkaroon din ng injustice and despair. Applicable pa rin yata ito sa ngayon… Lalo pa rito sa atin – laganap pa ang kahirapan, kagutuman at naglipana ang mga bata at babaeng gala sa gabi para may ipantawid ng gutom. Nais ng nobelang silipin ang mga motibasyon ng tao – what drive them to despair, what egg them on to hope? Tila sila pa rin ang mga tanong na itinatanong natin sa kasalukuyan…

 

On a personal note, natutuwa akong may significant number ng ka-blogs na interesadong alamin, kahit paano, ang special menu ng manunulat dito… Parang Note to Self  ang sulatin,  isang  pangungumbinsi mismo sa sarili – dapat pa ring ipagpatuloy ang pakikihamok sa buhay –  gaano man ito kasakit, kapait at karami ang hatid na lungkot… Ikinagagalak kong marami ang na-curious, nais makabatid, kahit paano – what despairing events took place here, what gives me hope and what are the things that drive me to write…🙂

 

 

Muli, maraming salamat. Maligayang Linggo ng Pag-ibig sa lahat!🙂🙂🙂

 

14 thoughts on “Tila hindi nawawala

    • hello, cheese… a, yes, romanticism ang underlying philosophy, kumbaga. love and despair ang theme ng movie… ahaha, mahirap ngang intindihin ang musical pag di nabasa ang book, hehe. tsaka, sa musicales, people suddenly blurt out into a song with very little provocation, hihihi.😉

      may paborito ka or naibigang musical movie?🙂 salamat for dropping by, good day…😉

  1. hindi ako palabasa ng mga sulating ingles. Nahihirapan akong umintindi sa totoo lamang.🙂

    hindi ko matandaan kung nasilip ko ang iyong akda na iyon.

    maligayang araw ng mga puso🙂

    • hello, alvin… ahaha, hindi? marami ring magaganda, sanayan rin, kumbaga… btw, Les Mis is an excellent read, ire-recommend ko…🙂 pati ang Frankenstein, kapatid…

      hala, basahin mo isang araw, pag di ka busy, hehe. salamat, happy valentines din!😉

  2. Tila hindi nawawala… Ang kirot? Kasali na ata ‘to sa life cycle. Hehe. May isang araw na magfaflashback, tapos biglang may kurot sa puso. Aw. Pero alam mo naman sa sarili mong “dapat pa ring ipagpatuloy ang pakikihamok sa buhay” Minsan alam mo, pero mahirap i-execute.. Basta, kapit lang. Hehe. Ang seryoso.

    • hello, batopik… natuwa ako sa comment mo, sa ‘yong interpretation ng post, haha. tila hindi nawawala ang promise of healing ng love – yon naisip ko no’ng ginawa ‘to. ang sa iyo, iba… ikaw na, malalim and rich kang mag-interprete, ahihi. usually, mas malalaki ang real life problems ng lola mo kesa sa sakit na dala ng pag-i-pag-ibig. oo, yown… pero, ikaw na, hahaha. aliw…😉🙂

      • ahaha, artistic ka lang sigurong mag-isip – more creative and deeper than the lola here, hihi. paano ba, paano natin ire-relate ang inference mo, hmnn… malalaki ang problems ng ate mo these days. in the past na considerably mas maliliit and mas manageable sila, di pa nangyaring mas nanaig ang sakit ng pag-ibig, hehe. i doubt kung ngayong in a tighter fix, love or lack of, will be able to pull me down, hehe. or, push me up, for that matter…

        pero ganito, sa romantic philosophy, love promises to be the solution to human ills – o, di ba? kumbaga, man’s desire to get out of the rut will push him to overcome the banality of his existence. ano daw? hehe.

        dapat, maybe, may makita ang lola mong pag-ibig that will look bigger than her present problems. or will promise to be the solution, hakhakhak. ngayon pa lang, am telling you, i see no such in the offing, hehe.

        i hope may naipaliwanag ako. good day, batopik! 🙂

    • hello. bagotilyo… como estas tu, senorito? como estas?😉 hala, nagbabasa ka ng assignment, huh?

      ahaha, talaga? pakinggan mo rin sa selection ang broadway version ni lea salonga. alin ang mas magandang rendition…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s