Matatanda na sila

Image of flyfishing in Montana, from the movie, A River Runs Through It

Sinulat ni Maclean ang nobelang A River Runs through It  pagkapag-retiro/ movies.netflix.com

Matatanda na sina Norman Maclean at Frank McCourt noong sila ay magsulat at nang mailathala ang kanilang mga nobela. Si Maclean ay 74 noong mailimbag ang akda nyang A River Runs Through It, tungkol sa fly fishing sa Montana noong 1920s. Maganda ang naging pagtanggap ng mambabasang publiko sa nasabing nobela at kalaunan, ginawaan ito ng isang pelikula sa Hollywood. Si Brad Pitt ang gumanap na bida, si Robert Redford ang director at naipalabas ito noong 1992. Isa ito sa mga pelikulang natatandaan ko, napakaganda ng cinematography.

 

Si McCourt man, nagturo rin muna ng mahigit tatlong dekada at pagka-retire niya at 65, saka pa lang inatupag ang pagsusulat. Tungkol sa buhay nila noon sa Ireland at sa mga unang taon ng kanyang pamilya sa Amerika ang nobela niyang Angela’s Ashes. Masigabo ang naging pagtanggap ng publiko  sa istorya ng buhay ni McCourt – sa Amerika at sa buong mundo. Ang ashes nga pala sa pamagat,  tumutukoy sa abo ng sigarilyo ni Angela – ina ng may-akda. Parating namomroblema si Angela sa asawa nyang lasenggo at kung paano niya itatawid sa lamig at gutom ang mga anak  – sa tuwing darating ang winter sa Ireland. Ang nasabing aklat ay ginawaan din ng pelikula, ipinalabas noong 1999.

 

Winter in Ireland for a poor family, from the movie, Angela's Ashes

Ang pinakamalaking suliranin nina McCourt noon, paano lalabanan ang lamig sa mabagsik na lungsod/ widescreenworld.blogspot.com

 

Sa Ingles na blog, isa sa paborito kong blogger, si sorrygnat. Kung magsulat siya sa blog, parang 30s lang… Sa totoo, siya ay 74 taong gulang, babae, may asawa (kasal sila for 28 years, di ko lang alam kung may naunang relasyon) at may dalawang aklat nang nailimbag sa kanyang pangalan. May kakambal nga pala si sorrygnat, babae rin. Nagtuturo ang author-blogger ng writing class sa isang local community sa U.S.. Marami siyang lugar na napuntahan at tinirahan, sa loob at labas ng Amerika – kung ilang taon din si sorrygnat  tumira sa USSR. Mahusay siyang magsulat, isang wordsmith… Subalit, kai-kailan din lamang na-publish ang dalawa niyang libro. Kumbaga, for the greater part of her life, siya ang halimbawa ng writer na magaling, pero hindi published.

 

Ikinukwento nya ang mga ito sa kanyang posts – paanong parang ang tagal bago siya naging at home sa sariling katawan, katauhan at bago natagpuan ang sariling lugar… Hindi naman daw sila mahirap noon. Graduate sa Harvard ang kanyang ama. Pero noong bata sya, nag-World War II at di sila na-spare sa uncertainties of the period. Nakapag-aral pa rin si sorrygnat at sa Ivy League pa nga yatang eskwelahan. Pero, maraming naging liko ang buhay niya at ng kanyang kakambal. Ang huli ay naunang pumanaw, dahilan upang lalong maging mabigat ang mga dalahin ni sorrygnat. Maraming mga taon daw niyang binata at pinagdusahan ang isyu ng naunang pagpanaw ng kakambal. Ngayon, in her sunset years, ngayon pa lang daw ang paglaya ng kanyang sarili. It has taken me long to learn the dance, sabi nya… May lalabas  pala siyang dalawang libro ngayong taon, sa pagkaalam ko…🙂

 

 

May isa pa akong paborito – si yearstricken. English teacher siya sa Texas, early 60s, may asawa, Irish migrant din sa Amerika at unpublished pa. Mahigit 30 years na siyang nagtuturo at napakahusay ng kanyang panulat. Ang mga sulatin nya – poetic, lyrical, pared down sa barest essence ang mga salita… Kahanga-hanga ang usage at construction ng kanyang mga akda. Bloggers na nasa grad school o may multiple Ph.D. ang marami sa nagbabasa sa site ni yearstricken  (lola nyo lang yata ang hindi). Ang nakakabilib, very poignant ang istorya ng buhay ng nasabing guro… Half siblings ang marami sa kanyang mga kapatid, ang isa ay nasentensyahan sa death row at kwento nya, may isang abortion ang Nanay nyang hanger lamang ang ginamit sa sarili… Sa madaling salita, si yearstricken ang halimbawa ng interesting at mahusay, pero aloof na blogger…

 

Kwentong atin-atin lang, ahihi. Minsan, na-curious si yearstricken at dumalaw sa English blog ng lola nyo. Kung ilan yatang posts ang binasa nya. Pag-uwi sa sariling bahay, gumawa ng posts – apat na sunud-sunod, haha… Sabi nya, sentimental raw ang mga sulating nabasa(referring probably to Off to a Place), may sprinkle ng sarcasm (marahil, ito ang post ukol sa Valentines) at sa pangkalahatan ay iyakin o maudlin,’ ahaha.  So, ang tatlo niyang posts, ukol sa sentimentality at etymology ng word na maudlin.’ Ahaha, pramis – totoo ‘to…🙂  Ang pang-apat niyang post, parang reconciliatory na – isang sentimental ding komposisyon… Ay, nalungkot me noon – ang gaganda ng posts nya at ang dami ng bloggers na sumakay sa bandwagon. Nilait nila ang sentimentality at ang di-pinangalanang blogger dito, ahaha.

 

So, ano ang ginawa ng lola nyo? Noong una, wala. Ilang linggo muna ang pinalipas bago pa gumawa ng parang sagot – Reading through My English Sentiments ang pamagat ng post. Doon ko ipinaliwanag sa kanya, di naman English major ang lola rito, haha. Tapos, may kasunod, hihi, ang The origin of my so-called sentiments. Doon ko naman ipinaabot sa idol blogger – dirt poor din kami dati, na hindi lang sya ang nakaranas ng hardships sa buhay, ahaha… So, anyway, ano ang nangyari sa munti naming hidwaan? Hala, nag-comment siya sa Reading through, oo. Yon na… Di na siya nag-comment pa uli. Pero, nagbabasa at nagko-comment pa ang lola nyo sa site ni yearstricken at sinasagot naman niya ng maayos. Ang alam ko, nagbabasa pa rin siya sa aking English site – lurker, ahihi… In short, may isang episode na nagkatagpo ang matataray.😉 Basta, idol ko pa rin sya at aabangan ko ang kanyang libro. Chances are, mas maganda pa ‘yon kaysa sa Angela’s Ashes.🙂

 

48 thoughts on “Matatanda na sila

  1. wow, may fan kang sikat at bigtime, ikaw na ang pang-international ang level😀 meron pa pala akong at least 40 years para i-master ang craft ko sa pagsusulat at baka makapag-publish din ako ng libro hehe, gandang gabi, ate san

    • hello, RP… ako ang fan nila, sira…🙂 OA ka, 40 years, a? papaabot ka rin ng 74? ahaha, antagal. teka, pwede ka na sigurong gumawa ng art/illustration coffee table book in two or three years time. umpisahan mo na at nang maabutan ko pa ang release, haha.😉 gandang gabi – gabi pa ryan ‘no…

      • pero kung naglu-lurk sila sa blog mo ng secret eh fan mo na rin sila, ayaw lang nila ipahalata😀 kapag gumawa ako ng illustration coffee table book eh baka ihagis lang nung editor yung book proposal, kasama yung coffee, pati na yung table🙂

      • ah, si sorrygnat, nagbabasa at nagko-comment sya talaga. naka-follow rin… si yearstricken, sumisilip pag minsan, ahaha. ngeh, di ko sya fan, ang taas ng standards nya – teacher na teacher, hehe.

        OA kang manlait ng sarili, kapatid. magagaling kaya works mo? ang pag-iisipan mo ngayon ay theme or running thread sa illustrations mo, hehe. good night!🙂

  2. Nagkatagpo ang matataray…
    Paano kaya kayo pipigilan kung harapan na tarayan.. Hihi… (hindi naman naman kayo magsasabong sigurado db ^_^)

    Ikaw na talaga San! Idol! ^____^
    ‘wag ka magbabago, mataray na humble hihi
    Good night!

    • hello, froggy… ahaha.🙂 a, hindi, di ako kikibo kung sakali… teacher sya and much older pa. isa pa, parang ang istikto nya – no-nonsense, haha…. papakabait lang ako at titingin sa kanya…😉

      ay, sus, tama naman sya – sentimental ang naunang batch ng posts and maudlin’ din, haha. yon lang, reactive ang ginawa nya – four consecutive posts? medyo overkill, di ba? considering na unang dalaw nya sa site… and yes, medyo ruthless ang palitan sa comments – parang walang merit ang compositions, whatsoever. medyo meron naman, nai-argue ang points sa mga akda…🙂

      i guess, mataas ang expectations nya sa bawat blogger na nagdi-dare mag-comment sa site nya. parang ‘yon… di nya akalain maybe na may isang sing-amateur ng lola mo. or, inisip nyang nasa grad school din ako? whehehe. basta… 🙂

      salamat! and good day po… ^_^

  3. Bilang isang aspiring novelist, na-inspire ako ng blog mong ito, Saliw. Actually, sinusimulan ko na ang draft ng unang nobela ko, kaso puro false starts. Kung minsan naman, feel ko masyadong sentimental ang mga pinagsusulat ko, haha! Minsan din, naiisip kong ilusyon lang ang pagiging manunulat ko at mas mabuti pang maging panadero o sastre na lang.
    Sa palagay ko, ang isa mga advantage ng pagsulat tungkol sa iyong kabataan pag matanda ka na ay ang objectivity. Pag masyado ka pang malapit sa isang pangyayari, marami ka pang mga bagay na hindi nakikita. Kadalasan, nakikita natin ang Big Picture kapag ilang taon na ang lumipas mula nang maganap ang isang pangyayari.

    • hello, Rafael… maigi napadaan ka uli. sumilip ako sa site mo at na-insecure, ahaha . parang site ni geronimo na English at mas mahahaba ang laman, shaks. btw, buti ka, decided na that’s what you would want to do – to be a novelist. sana, naging sastre na lang ako, whehe. ^^

      oo, yun nga siguro. masyado pang malapit sa karanasan, di pa maikwento ng malinaw. hey, salamat sa mahabang opinyon, ha? daan ka uli minsan…🙂

    • hello, pusang maalam… teacher sya sa grammer, hehe.😉 sa site nya, ako lang ata ang may comments na mali-mali ang grammar, as in… tapos, Irish siya. by reputation, sour ang disposition nila as a people kasi, hard ang life nila, yon…

      and, lastly, sad nga ang life nya. di sya nagkaanak so, nag-ampon silang mag-asawa. naging nurse ang adopted child nila, married na rin ngayon. may posts sya every so often about her adopted daughter’s child. pero ang isa sa moving posts nya ay ang tungkol sa barrenness. ayon….🙂🙂

      • Ah. I see. Enlightening. Hindi ko po alam ang detalyeng ‘yon tungkol sa mga Irish. Thanks Ate San!
        Kaya po pala. Malungkot po ata talaga ang ganun.

        Correction po. Eto po dapat: *pusang maalam sa kalokohan.🙂

      • a, gano’n ba, glad to share that bit… may mga kasabihan about the potato blight, victims usually ay Irish people saka, about Irish farming and also about their proclivity to drink, ahaha.🙂 kalokohan talaga, senga?😉

    • hello, Cheese… hula, hula – Confucius? hehe. ah, basta, marami naman sa famous philosophers, matatanda na nang makapagsulat at makapagbahagi ng wisdom, ‘ika nga. medyo modern phenomenon (20th and 21st century)ang bata pa, nakakapagsulat na at nakakagawa na ng libro. probably because, elite lang ang nakaka-avail ng education noong lumang panahon. recently, mas bukas na sa mas marami ang pagsusulat at pagsasabi ng opinyon since mas marami na rin ang nakakapag-aral. ayon yata… regards🙂

    • hello, Pot! kaway din…hala, sa english site ‘yon, int’l ang roaming creatures sa english speaking world, uu… ^^ ayon, may i sumbong me, may nang-away sa kin don, hehe… on the other hand, hindi pa sila bigtime sa published world – yon ata ang point – magagaling sila and yet, di pa known.

      regards and good day, Potski.🙂

      • may umaaway pa sa iyo ang bait-bait mo na? nasaan na yan ng makurot sa singit.. ehehehehe.. hindi daw maiiwasan magkaroon ng “haters”.. sabi nga nila, you can’t please everybody.. just take it as it is… pero kung harsh yung mga words nila, just delete their comment… magsasawa din sila.. san!! *kaway-kaway* kamusta ka na?

      • haha, me, mabait? ask them…😉 o, basta, yong “away,” andyan ang kwento – sa 2nd to the last and last paragraph, hehe. ayos na naman, tsika na kami kung tutuusin. medyo reactive lang si titser, hihi.

        hala, kokonti ang napi-please sa viewpoints ng lola mo, hihi. wala namang harsh comments, so far. sa Tagalog sites, di naman sa comments nila pinapadaan kundi sa social networking sites. i would appreciate it kung sa comments para naipapaliwanag ang points baga. yon…

        ayos lang, buhay pa naman. salamat po. hala, ma-problema ka? ikwento mo pag may time na. meanwhile, do not lose your cool. smile pa ren.🙂

  4. mabuti ka pa kilala mo yung mga gusto mo as in may particular. ako kasi parang nakadepende sa babasahin na mababasa ko. parang sa music din, nakabase ako sa result ng arts at hindi sa artist na parang bad din in away.

    may kakilala akong parang si year… noong una initindi ko then hindi ko na mapigilan nagbabanggaan na talaga kami pero umabot din sa point na immune na lang ako sa mga kabagayan nya sa buhay. In the end, na-appreciate ko naman yung ibang part ng pagkatao nya. siguro nga may isang part lang sa pagkatao ng isang tao. astig ang mga gusto mong writers. ako kasi since favorite ko ang little women at mga ibong mandaragit, ipinalagay at iniisip ko na idol ko na sila louisa may alcott at amado hernandez. sa isang libro nila na nabasa ko para bagang nakontento na ako sa style nila. hehehe

    kailangan ko pa siguro magbasa-basa ulit ng novel.

    • hello, uli…a, medyo seasoned reader na ang lola mo rito, medyo speed reader na rin, hehe. sa umpisa naman yata, wala pa talagang paborito at sinusubaybayan. katagalan, nakakabuo ng patterns ang brain at pagdamdam and doon nasi-sense kung sino o alin ang ka-align or hinahangaang manunulat. so, pagtagal, masi-sense mo rin kung kanino ka kiling or paticular…🙂

      a, di naman yata maiiwasan ang cyberconflicts. mas maganda kung may ibang means other than digital para ma-lessen ang tension between bloggers at mare-align ang expectations on both sides. that is, kung ready sila/kayo na magkakalinlanan ng mas malapit, ahaha.

      ay, oo, nabasa ko rin sina l.m. alcott and a. hernandez. magagaling ang mga akda nila. nalaliman ako sa Tagalog ni ka amado, hihihi. oo, kapatid, read more and more. maganda yon!🙂

    • hello, Enad… salamat sa pagdaan uli, ha. at sa pagbabasa. ay, you will. over time, matatagpuan mo ang mga hinahangaan mong manunulat basta dadalasan mo ang pagbabasa sa sites ng iba, hehe.🙂 happy weekend….

  5. Haha! Ang kulit at nagkaron kayo ng matalinong pagpapalitan ng idea ni yearstricken. Hakhak. Babasahin ko nga yun. Nasa cuponhold ba yun? Grabe nainspire siya sayo, apat na sunud-sunod!!! Hakhak. Malakas ka makaimpluwensya!

    • hello, batopik… makulit nga. although, i wouldn’t say that our exchange was matalino, ahaha. maybe, na-frustrate lang sya sa mga nabasa nya and nag-react in a mindless way, kumbaga. reactive din, for somebody na may edad na, hihi. but she really writes well and sobrang pait ng dinanas ng pamilya nya. must be the reason why medyo mabilis kumulo ang bumbunan nya, hehe.🙂

      • Bugso ng damdamin lang pala yon. Akala ko naman parang yung ginagawa minsan ni 25pesovupnoodles na reply reply sa entries.. Pero sa bagay, prof din siya di ba? Hakhak. Mahilig magpuna. Ay! Generalization! Hakhak.

      • yes, bugso, hihi. i guess, na-disappoint sya sa content ng site ng lola mo rito, hehe. perhaps, inisip nyang self-actualized na ang blogger. ay, sus, ang layo… saka, di naman dat com ang site ko, whehe, meaning, wala pang pagkilalang isa na itong brand at may image na to live by. ayon…🙂

    • hello, sir Jalal Michael… it’s a pleasure to read your poems and to learn about your views. so glad you visit every now and then and bother to read the posts here via google translate. many thanks and warm wishes, too.🙂 ~ San

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s