Kung anu-ano lang…

 

Hello, ka-blogs! Sana ay restful ang Linggo ninyo…๐Ÿ™‚

 

Magagaan lang muna ang kwento natin para masaya. Magkukwento lang muna ang inyong lingkod ng kung anu-ano lang, hahaha…

 

Ano ba? Hmnn… A, ayon, pag naglalagay ang lola nyo ng YouTube video ng kanta sa posts, ย iyon at iyon lang din ang music na pinapakinggan nya sa loob ng isa hanggang dalawang linggo, ahaha. Baliw ba? Oo, medyo ganoon talaga.๐Ÿ˜‰

Naaalala ko, noong unang nagkaroon ng casette tape (casette tape pa noon) ng kanta ni Lea Salonga, ten days ko yatang pinapakinggan, haha. Pagkakarating sa gabi, iyon at iyon, kainaman na… Iyon yata ang album nyang marami sa kanta, cover ng songs ni Ric Segreto? Oo, ayon…

Tapos, noong nagkaroon ako ng Sting (CD na yata ‘yon), mga dalawang linggo – iyon lang ang pumapailanlang na musika sa aming bahay at bakuran. Parang gusto akong saktan ng housemates noon, haha. Pero, ayon, they survived that phase naman, haha.๐Ÿ˜‰

 

Image of green leaves after the rain

Malinaw na berde ang mga dahon matapos paliguan ng ulan/ http://www.fanpop.com

Sa blog, ang pinakamatagal ko yatang pinakinggan, ang YouTube video ni Rod Stewart sa kanta nyang Have You Ever Seen The Rain? – mga three weeks, haha. Mahilig talaga ang lola nyo sa kantang may ulan-ulan, ahaha.

Saka, natuwa ako sa vid noon, naka-Americana si Rod Stewart, haha. Ang mga napanood kong MTV nya noong araw, ang get-up nya – alinman sa hubad or bihis-punk – hindi ko gaanong nagustuhan. Isang kanta lang yata niya ang na-appreciate ko dati, maski sikat na sikat siya noong 80s.

 

Ah, eto… Napansin ko, ang dami pala sa ka-blogs nag-view ng post na ulan sa puso at iba pang mga tila walang saysay na panimdim. Haha, kung tama ang nakuha ko sa grapevine (alam nyo naman ‘yang grapevine, karaming sekreto), kasi raw ay may pagka-sensual, ahaha. Paano ba? Ano’ng kwento?

 

Image of vine leaves being rained upon

Madalas ay mahiwaga at nakakabighani ang mga proseso ng kalikasan/ bluebutterfliesandme.wordpress.com

Said post, isa sa attempts kong mag-describe ng nature and its processes. Sa DPSA, ilan ang sinulat ng lola nyong posts tungkol sa panahon… Hilig ko ang paksa at laging pinagtatangkaan – the changing of the seasons. Pakiramdam ko, artistic and creative ang paglalarawan sa kalikasan – pagpapalit-palit nito at pagbabago. ‘Yon.

 

Sakaling na-appreciate nyo ang akda, salamat. Kung may mga na-intriga pero naasiwang mag-comment, salamat pa rin. Kung mapapansin ninyo, may kaugnayan ang akda sa posts na Tag-araw, Tag-init, Unang Patak ng Ulan sa Mayo at Pangako ng Tag-ulan. Karugtong pa rin…

 

Ang pamagat ng post – ‘yon ang sinadya, ahaha. Giliw ako sa salitang panimdim – hindi ko na naririnig na ginagamit ito ng mga tao sa ngayon. Ang rain in one’s heart naman, galing pa rin sa kanta ni Ric Segreto* na kinanta ni Lea. ย Oo, may ganto iyon sa lyrics, ” like a sturdy tree that’s seen a thousand seasons…”

Bago pa iyon, may nauna nang sinulat ang lola nyo tungkol sa ulan sa English blog, Atmospheric Pressure ang title. Ahaha, rain lang ang ibig sabihin ng atmospheric pressure… Ay kasi, baduy ang original title ng post – Hold the Rain, Bring On the Pain. Noong ipa-publish na, naisip ko, palitan ng something na parang profound? Hakhakhak, ang sama… Ayon, parang bumagay naman ang pamagat sa article. Usapang ulan, patatawarin…

 

Senga pala, if you find ulan sa pusoย intriguing, worth na pag-usapan, laitin at anupaman, bahala kayo, mga kapatid… Time nyo ‘yan, effort nyo at kwentuhan nyo, ahaha. Hindi ko kayo sasawatain. Malalaki na kayo and of age na rin – tama?๐Ÿ˜‰ Isa pa, ang nature, andyan na – pilit ko lang inilalarawan sa mga panulat. Kung nakakataas ng kilay o mahalay ang dating ย – ย sa kalikasan nyo po ihain ang reklamo. I, thank you.๐Ÿ˜‰๐Ÿ™‚

Kung agree kayo sa mga sinasabi sa posts, pwede nating pag-usapan sa comments, ย hala pa. Kung hindi naman, keep it to yourself, haha. Ang sama talaga… Pwera biro, pwede nating pag-usapan. Basta, let’s promise that we will keep the discussion clean.๐Ÿ™‚

 

Sa kabilang banda, gan’to… ย Of age na ang lola nyo rito. Unmarried, oo. Pero, mahabaging langit, surrounded ang lola nyo ng married na family members, friends and colleagues. Technically, mababa lang ang inabot ng lola nyo sa sex, as in… Pero ang tenga at consciousness ng lola nyo, hindi na chaste, am sorry…๐Ÿ™‚๐Ÿ˜‰

So, ‘yon, bibihira ang slip of the tongue sa sensual contents ng posts; conscious ang lola nyo pag inilalagay ang mga ‘yon. Pero, as I said, pwede nating pag-usapan, if that is your pleasure. Pwedeng artistry and creativity ang ating excuse, haha.๐Ÿ˜‰ Peace!

 

Image of a woman playing in the rain

May kakaibang lungkot at sayang dala parati ang ulan/ http://www.artifacting.com

 

By the way, ang kauna-unahang blog nga pala ng lola nyo, ‘yong ginawa noong 2007, may word na rain sa pangalan. English blog ‘yon, oo. Ayon lang, hindi ko na mabuksan, haha.

 

Hope you are well… Keep on writing!๐Ÿ™‚

 

* Kay Basil Valdez pala ang original ng Let The Pain Remain. ^_^

 

14 thoughts on “Kung anu-ano lang…

  1. ~rain, gently falls, whenever you, say goodbye.. may naaalala lang ako kapag ulan ang pinag-uusapan… at wala akong pinaghuhugutan ha. .ehehehehe.. HI SAN!! *kaway-kaway* how’s your day?

    • ahaha, yan ang paborito mong rain song, Pot? ako, mas gusto ko yata, “buhos na ulan, huhumn, lunuring tuluyan….” actually, di ko kabisado ang lyrics, haha. gusto ko ‘yon, ilalagay ko sana ang YouTube vid sa ulan sa puso post…. ahaha, alam ko, may cover nyan si donna cruz. in the old days, medyo nalait ng husto ang kanta (haha, ang sama).๐Ÿ˜‰

      pag senti na rain song, mas gusto ko ang sa Aha – Crying in the Rain? inilagay ko yata sa post na Nakita mo na ba ang ulan? ahaha, ba’t ka defensive, ano’ng kwento mow? ayos naman, teynks. ikaw, musta? kwento ka…. have a great week, kapatid๐Ÿ™‚

      • hindi naman.. nung binabasa ko lang yang post mo, yan ang naisip kong kanta… sikat kasi yan nung medyo bata-bata pa ako…ayoko ng “tuwing umuulan at kapiling ka” iba kasi ang naiimagine ko dahil napanood ko yung video ni K Brosas…

        hindi ako defensive ah.. nagpapaliwanag lang.. ehehehehe ok naman ang weekend ko, food trip nung linggo at korean drama series marathon noong linggo.. kaya masakit ang mata ko ngayon habang nagtatrabaho.. ehehehehe..

        ingat palagi san!! enjoy the week!! *kaway-kaway*

      • a, gano’n ba? kasi sa min, kanta ng lasing ang rain gently falls kaya di sya masyadong mataas sa ranking ko, whehe… ay, di ko alam na nag-video ng “tuwing umuulan at kapiling ka” si k. brosas. haha, riot? naging bastos?๐Ÿ˜‰

        ay, gusto ko ring mag-food trip. at matagal na meng di nagma-marathon ng koreanovela o anumang dyapeyks na dvd, whehe.

        rest ka mamaya. eat properly and bumawi, hehehe.๐Ÿ™‚

    • hello, Cup… ahaha, maikli? mahaba pa rin. in the coming days, gawa ako ng sing-iksi lang ng buwan ang saksi, hamo… hala pa, taglish dito sadya. punta ka sa dpsa, bukas na ‘yon – dami roong Tagalog na akda, hihi… smile ka rin, good day.๐Ÿ™‚

  2. Oo nga, madalas na lang gamitin ang panimdim, parang sa kanta ko na nga lang naririnig iyon. Hakhak. Wala akong mareply. Nakakaalis ka magkwento kahit kung anu-ano lang. Pabasa ning iba mong entries! Hakhak.

    • hello, batopik… oo, haha, ginamit ko na ang panimdim sa isang post sa dpsa… saan, saang kanta may ganyang word… e, kasi, violence ba naman ang topic ng previous post? puro lurks tuloy ang nakuha, hakhak… kumusta ka na? working gear na working gear si jack the dull boy, hehe.๐Ÿ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s