Karahasan at Kapayapaan

 

Mailap ang kapayapaan, iyan ang sabi. Pangkaraniwan naman ang karahasan, isa pang sabi. Hinahanap at inaasam natin lagi ang una. Iniiwasan natin parati ang huli. Anupa at sa madalas, hangad nating lahat ang payapang buhay…

 

Image of a bird signifying peace

World peace ang madalas nating hiling – kalahating biro, kalahating totoo. / peacenext.org

 

Gusto natin ay buhay na hanggang maari, puno ng pagmamahalan, pag-uunawaan, pagbibigayan at paggalang. Subalit ang totoo, ang mga tao ay ipinanganak na magkakaiba – sa timpla ng katawan o temperaments, sa sirkumstansya sa buhay, sa mga hilig at nais. Sa mga gustong puntahan, abutin, kamtin – hindi tayo pare-pareho. O, maaaring sabihin, ang mga tao ang mga nilalang na magkakapareho, pero magkakaiba rin.

 

May isang ka-blog na nagtatanong – bakit raw hindi marami ang tumitindig laban sa karahasang nagaganap sa paligid? Bakit nga ba mas madali o mas simple ang manahimik sa mga ganitong isyu at pagkakataon? Sa bigla, maaring sabihing dahil sa takot o sa pag-iingat. Maari rin namang pag hindi na binanggit, hindi na lalaki pa ang usapin. Huwag pansinin – baka sakaling mas mabilis na lilipas. Pag-usapan sana ang mas magagaang bagay, mas kaiga-igaya…

Sa mga pelikula, ang tema lagi ng ganitong usapan ay protection of homes and way of life. Parating may isang payapang pamayanang biglang guguluhin ng isang conflicted na tao, isang character – siyang gugulo ng patas at routines na nakasanayan na. Siya ang gugulat, magpapalabas ng mga tanong at magtutulak sa mga taong andoon – suriin ng minsan pa ang values na kanilang nilakihan at nakagawian.

Ganoon din naman palagi ang underlying theme ng mga pelikulang tungkol sa gera o digmaan. Ang sabi lagi ng mga nananakop – ang expansion of territory and power ay kailangan – para maisustina ang lifestyle at luho ng sarili nitong mamamayan. Tila isang given – kapag lumaki at lumakas na ang isang bansa o nasyon, hindi maiiwasang magdagdag siya ng lugar at mga sakop na gagalawan. Ang madalas na napagbabalingan ay mga bansa at taong higit na maliliit at mahihina. Might makes right, ang tradisyunal na paliwanag.

 

Sa loob ng ating pamamahay, mayroon itong kahawig. May kasapi ng pamilyang nais ay mas masarap lagi ang kanyang pagkain, mas magagara ang kanyang pananamit, mas komportable at maraming laman ang kanyang kwarto – kanya ang mas magandang sound system. O, dili kaya, mas malaki ang kanyang allowance, mas marami siyang budget na panggimik. Kung hindi, magwawala siya o magtatampo. Kung minsan din, hindi lamang isa ang miyembrong ganito sa pamilya. Kung minsan, sila ay atin nang nababansagan – black sheeps, bullies o family terrorists.  Sila yaong kasaping kukunin ang gusto – sa anumang paraan.

Ang academic term na madalas gamitin para ilarawan ang nabanggit – impunity. Ang ibig sabihin nito ay walang habas at walang konsiderasyong kilos o salita, hindi inaalintana ang maaring epekto o kahihinatnan ng kilos o sabi – sa iba. Ang impunity ng kilos, lalo pa pag may weapon o kasangkapang gamit, kadalasang nagreresulta sa karahasan at pagkamatay, pagkadamay ng mga di-kasali at pananahimik sa mahabang panahon ng mga nakasaksi. Ito ay maaring magdulot ng bigla at mabigat na takot, hindi maialis na kaba at pangmatagalang pagkabahala – sa mga taong nakabatid ng marahas at malupit na ginawa. Muli, para saan? Para makuha ang gusto ng isa o ng ilan – sa paraang kakaunti o walang pagsasaalang-alang sa iba.

 

Noong unang panahon – panahong ang mga tao ay sa yungib pa nakatira, umaasa sa biyaya ng mga puno at ilog – kalakaran ang paggamit ng hubad na dahasAng kalupitan ay itinuturing noong isang virtue, isang positibong pagpapahalagang nangangahulugan ng tapang at kahandaang harapin ang mga hambalos at atake ng elements, sa napakalupit din namang natural surroundings… Iyon din ang panahong sabi sa cartoons, ang lalaki raw pag may naibigang babae – hahatawin o tatakutin lamang niya ng club, hihilahin sa buhok at iuuwi na sa kanyang kweba… Sabi rin, sa paglaot natin sa mas modernong setting, masuyong panliligaw at seduction na ang mas katanggap-tangap na pamamaraan ng human mating. Iwas na raw sa dahas…

Sa pormal na mundo ng diplomasya, kapayapaan na rin ang umiiral na tenet. Hindi na katanggap-tanggap ang open aggression sa pagitan ng mga bansa – ligawan na rin ang uso. Ligawan ng mga bansa sa pamamagitan ng trade agreements, treatises, loan grants and aids – ginagawa sa mga pulong na madalas tawagin ay summits… Kapalit ito ng ilang karapatan – magtayo ng negosyo, manirahan o magtrabaho ang kanilang mga mamamayan o magkondukta ng military excercises sa isang parte ng teritoryo – ng isang bansang dayo.  Sabi, ang panahon daw ng raw and naked use of force – lipas na. Sabi…

 

Kung ating lilimiin, sa family setting man, sa lipunan o sa mas malaking mundo ng ugnayan ng mga bansa, ang usapan pa rin ay containment of desires – mga pagnanais ng tao. Katanggap-tanggap bang ang isang may malaki at biglang ninanais – igiit ang gusto kailanman at sa anumang paraang maibigan at kaya? Wala nang marami pang salita o usap-usap, basta… Kukunin ang gusto sa lalong madaling panahon, pasusukuin ang kaharap – dahas ang mananalita. Tingnan na lamang kung sino ang mananaig, kaninong panig ang igugupo at kaninong bahagi ang mas maraming iiyak.

Sa ating sariling lipunan, tila napakataas pa ng ating pagpapahalaga sa aggressive types. Hangang-hanga tayo sa mga taong siguradung-sigurado sa kanilang mga gusto at hindi, kung paanong tila nakukuha nila ang bawat maibigan. May isang bandang hindi na natin gaanong pinapansin – sinu-sino ang tinapakan, ginamit o inapi ng mga taong iyon para sila ay makarating sa luklok ng tagumpay. Bilib na bilib tayo – sa dami ng kanilang salapi, taas ng posisyon, high profile na mga relasyon, alahas at mamahaling gamit – parang kaybilis at kaydali lamang nilang makuha, kumpara sa kakayahan ng karaniwan… May tawag tayo sa kanila – fast rollers, womanizers and lords. Sabi natin, sila ang mga taong go getters – by club or any other means, ‘ika nga, nakukuha nila ang kanilang gusto…

 

Image of a luxury car

Mataas ang pagpapahalaga natin sa mga taong nasa fast-lanes, mga taong alam ang gusto nila sa buhay/ adelaidenow.com.au

 

Iyon lang, ang kaparehong mga tao rin, kung ating mapapansin – tila sila ang gun-wielding, gun-trotting sa ating lipunan. Kung di man sila mismo ang may bitbit na baril, mayroon silang body guards o goons. Gawi nila ang magpasunod, against the will ng kaharap… Ang baril ay pwersa – concentrated force. Tila ito ang makabagong club o malaking piraso ng kahoy na panghataw – para makuha ang pagsunod o kooperasyon ng sinuman. Maaring itong iputok at ikamatay ng isa, ng ilan o ng marami… Kung hindi naman, ipantakot para sumunod sa nais ang kaharap o katunggali. At pamilyar tayo rito – sa naririnig, napapanood at nababasa nating balita ukol sa traffic altercation na nagkamatayan, sa pagwawala ng isang lalaki sa loob ng isang subdivision o sa panloloob ng mga armadong sindikato sa bangko. Hubad na dahas, kung tawagin.

Sabi ng iba, proteksyon daw mula sa lawless elements ang pagkakaroon at pagsasanay na humawak ng baril. Sa isang lipunang mataas ang pagpapahalaga sa harapan, tahasan at walang habas na pagkuha ng sariling gusto, unahan lamang daw iyan… May sinasabi ring responsible ownership daw ng baril – para sa mga taong propesyunal at disiplinado, may iniingatang posisyon at sa mga nasa hazardous na hanapbuhay. Ang pagkakaroon daw ng baril ay para itaboy o para pangimiin ang ibang taong armado rin, upang di sila basta-basta galawin. Pag-iingat lamang daw, iyon ang sabi…

 

Subalit ako ay nababahala sa panukala ng ilang armasan pa ang mas marami. Napakarami na ng may baril dito sa atin – rehistrado man o hindi. May rehistro man o wala, tila pareho pa rin ang epekto – magsabog at magtanim ng takot sa sinumang makaka-engkwentro nito. Sabi ng iba, iyon daw may properties at may mga iniingatan, obligadong magkaroon ng sariling proteksyon – sa anyo ng baril. Ang nakakakaba, karamihan sa mga may dalang baril, tila may inordinate amount of desire sa katawan – matindi ang pagnanais nilang manaig sa kapwa – sa iba’t ibang pagkakataon. Ang iba namang hindi, tila unti-unti ring nakaka-develop ng ganoong tendency. Ang mahirap sa baril, wari ay  sinumang nakakahawak nito, nahihirapan nang ito ay bitawan  o mabuhay nang wala nito…🙂

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Kamakailan lamang ay naglathala ang inyong lingkod ng isang tula sa English blog, isang akdang humihiling para sa kapayapaan, In The Fields of Hate I Wandered ang pamagat. Hindi ko na ilalagay ang link dahil tila marami ang kablogs na nagulat, nalungkot at naapektuhan nang ito ay mabasa. (Isa lamang yata ang Pilipinong ka-blog na naka-appreciate at napahanga, hala pa). Sabagay, mabigat nga naman ang mensahe…🙂

Pero dito ko sasabihin, compassion ang hinihiling ng nasabing akdang tula. Hindi iyon pagtataguyod sa mindset ng isang criminal, kundi pagkilala sa blackness in the human heart. Isang pagsasabing marahil, kaya may mga massacre at maramihang pamamaril, sapagkat kulang pa ang pagtataguyod natin ng kapayapaan sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Na ang isang lipunang totoong kumakalinga, may kakayahang unti-unting tunawin ang galit na namumuo sa dibdib ng taong pakiramdam ay wala siyang halaga sa lipunan. Ang taong naduwag na sa dami ng pagkabigo, dapat ay tukoy at inaantabayanan ng mga tao sa kanyang paligid.

Sabi, ang mga tao raw na palaging nagnanais manaig sa pamamagitan ng dahas at lakas ng baril ay matatapang. Matatapang sila sa isang banda, sapagkat hindi nila alintana ang posibleng kahinatnan ng marahas na kilos – sa sarili, sa pamilya at sa lipunan. Sa kabilang banda, tila kailangan din ng tapang noong  mga nagnanais na magtaguyod ng kapayapaan. Tapang – sapagkat hindi madali ang lumapit, makipag-usap at payapain ang taong ang dibdib ay nabubuhay sa galit at takot – taong nakakaramdam lamang ng kapayapaan pag may hawak nang baril.🙂

 

Peace poster

Sa mga lipunang kakaunti ang ligalig at kaba ng mga tao, maging mga pulis ay wala nang dalang baril./ voiceseducation.org

 

Happy weekend, ka-blogs!🙂

 

18 thoughts on “Karahasan at Kapayapaan

  1. maganda ang pagkakalahad tungkol sa kaharasan.. pero ang tanong, paano natin poprotektahan ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay kung ang paligid natin ay nababalot ng karahasan? <– nakikigulo lang.. hi san!! *kaway-kaway* kaya nga ako, give love, not war… ayaw ko ng dahas.. masakit eh…

    • ahaha, salamat, Pot… keeping peace begins at home but goes beyond nga yata… inequality of opportunities and injustices – dahil sa mga ‘yan, we know not secure enough ang protection that we work for in our own families. so both – strive for culture of peace at home and outside. also, work for better and more prosperous na society – mababawasan siguro ang violence. ^^

      sakit nga ng dahas. mas maigi ang may consent, he he. happy weekend na, Pot! have a blast…🙂

  2. Pingback: Kelangan Natin ng Kontrol | The Pinoy Site

  3. sa totoo lang, matapos ang nangyari sakin, parang gusto ko nang magbitbit ng armas. yung sinlaki lang ng palad ko. hindi para makasakit ng kung sinuman nang walang sapat na dahilan pero para maproteksyunan ang aking sarili. masama na ang panahon ngayon… minsan, naisip ko na ring gumanti ng masama laban sa masama pero pinipigilan ko ang aking sarili. sabi nga ni Mama, masyado na naman akong nag-iisip ng kung anu-ano…😆

    things are getting better, san. sana sa’yo rin😀 magandang araw! ^^,

    • hello, Leeyo… natutuwa naman ako at nag-comment ka. may istorya ka nga pala ng close encounter with criminals, nga pala… alam mo, ako man, ilang beses nang nadukutan, naholdap at na-slash-an ng bag dito sa MM. and every time such incidents happen, napa-praning me, feeling ko, hindi safe. parang isa o dalawang linggong palinga-linga lagi at kinakabahang maigi. ayon…

      but then, over the years, medyo naka-adjust na rin, medyo natanggap ko nang features yaon ng big city living, from time to time – nahoholdap, hehe. usually, ibinibigay ko agad ang hinihingi. parang sa ‘kin, desperate ‘to/sila kaya yon ang hanapbuhay, hehehe. saka, ayokong mamatay that way, hihihi. hindi naman sobrang laki ng nawawala, kung tutuusin. yong fear generated ang malaki, hehehe.

      still, ayokong mag-endorse ng open aggression and naked force. masyadong costly, ‘ika nga. ang violence, ilagay na lang natin sa ‘ting art-art, hehehe. ^^

      good to hear that… medyo okey rin naman dito. salamat sa pagdaan, ‘py weekend!🙂

      • “ang violence, ilagay na lang natin sa ‘ting art-art,” gusto ko yang idea na yan😄

        tama ka, yung fear generated yung malaki. sabi nga ni mama, hayaan ko na lang daw. at least, buhay pa akong nakauwi. bumawi na lang daw ako pag may trabaho na. *sigh*

        happy weekend din!🙂

      • ahaha, kasi, lahat naman tayo, may violence sa loob. ang artistry daw is by nature violent, sabi. kaya may art and sports para may paglagyan ang ating violent tendencies.🙂

        yes, your life is not worth no’ng danger na openly makipag-struggle ka sa lawless elements. tapos, delikado pa ang attitude – ang pagtinging “unahan lang iyan.” it is better to believe na positive ang human nature than ‘yong kabila, kapatid.

        there’ll be better days, sure. have a good week, Leeyo🙂

  4. Halos lahat ng mga balita sa TV Patrol karahasan, barilan, ambush, tapos meron ngayon yung sa Algeria. Grabe! Hindi ko alam point ko haha. At hindi ko din alam kung anong pinaglalaban ng mga gunmen at mga armado. Hakhak.

    Sa tingin ko nasa kalooban/ugali pa rin naman ng tao kung paano niya gagamitin ng wasto ang mga armas niya.

    • hello… a, sa abs-cbn naka-subscribe… a, medyo issue at global level ang proliferation of arms – loose firearms – problema ng governments sa countries, siyempre… by statute or law, dapat soldiers and police lang ang armed, di ba? the question is, paano at saan nakuha ng criminals, syndicates and ordinary people arms nila? kung di registered, likely sa leaks or black market (meaning, may rogue soldiers and policemen)… ^^

      ay, dear, i beg your indulgence. wala dapat baril ang ordinary citizens… sinumang makahawak nito has a hard time putting it down. and a gun is always there – to kill or exact compliance na otherwise, di ibibigay. it is force…. pag marami nito, parang institutionalized violence – promotes war freak culture – riots, crimes, war… just my thoughts… warm regards.🙂

    • hello, Russel Ray… thank you very much for swinging by and reading several posts. and, liking them, too. thanks, very much… so glad you enjoyed your visit. do come over again sometimes. warm regards…🙂 ~ San

  5. Pingback: sa mga ka-blogs na nang-ookray… | doon po sa amin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s