Pagkikilanlanan

 

Kumusta, mga ka-blogs? Medyo matagal ring di nakapagsulat ang lola nyo rito – dalawang linggo? Haha, oo, medyo abala ako sa pagkukunwaring abala, patatawarin…🙂

 

Poster illustrating the shit cycle in life

Sunud-sunod at patung-patong daw ang ligalig at lungkot sa buhay

Pasensya na, may munti akong problema mula noong nai-restore na ang DPSA. Oo, medyo mahirap ang dalawa ang sites sa Tagalog. Kahit pa medyo mabilis nang magsulat, hindi pa rin yata ganoon kadali ang mag-mintina ng dalawang blogs. Kung napansin nyo, puro reblog ang ginawa ng lola nyo sa DPSA sa loob ng dalawang buwan, hahaha. Ang pinag-iisipan ko, alin sa SSA at sa DPSA ang pananatilihin, kainaman na…

Mas mataas ang Stats na nagi-generate ng DPSA, kumpara sa SSA at kahit idagdag pa ang Stats  sa English site ng lola nyo. Ang dilemma ko, personally, mas preferred ko na ang SSA – mga eksenang lungsod at nagtatalakay sa mga pangyayari sa kasalukuyan… Kung tutuusin, parehong  time-consuming at walang bayad ang pagsusulat sa dalawang sites (hahaha).

 

Pero sabi ni ka-blog na makabayan, last December, “Magtira ka naman ng isang Tagalog, pambihira.” Naikwento ko kasi sa kanya sa email, iniisip kong blog na lang sa English ang ituloy. Tutal, English writer naman talaga ang lola nyo (declared ito sa DPSA page) at mas marami pati ang pang-ookray na nakukuha ko sa pagsusulat sa Tagalog, kesa sa appreciation. Hay, buhay…

Sa ngayon, ang resolution ko so far, to keep both sites – salitan na lang muna ang pagsusulat. May linggong sa SSA may ilalathala at may linggong sa DPSA.  Hanggang kaya, ha… Hindi ko rin masabi…🙂

 

Tingin ko, marami-rami ang naku-curious sa mga sinusulat ng lola nyo. Ayon lang, hindi naman artista ang inyong lolang sanay sa intriga… Isa pa, kako nga, wala itong bayad. Maski kape kapag nagsusulat, hindi naman libre, ahaha. Pero ayon, ang daming alingasngas at di sa comments pinapadaan kundi sa mga huntahan sa social networks, patatawarin… Siguro, ang tanong — sino baga itong napakaraming pinagsasabi gayong hindi naman sikat? Hahaha, hindi talaga. Isang malaking trying hard lang…

Ayon, my views tend to be strong, unusual and non-traditional…  Pero malikhain ang marami, hindi ko itatanggi, hahaha, at kahit paano, kayang tumindig bilang well-considered, kundiman, educated opinions. Ang pagiging malikhain, isang bagay na hindi ko na-achieve sa pagsusulat na hindi sa blog. Pinakamarami pa rin sa naisulat ko so far – office letters, reports and solidarity messages. Marami-rami ring position papers at mga talumpati ang nagawa. Sa kalakhan, sa pagsusulat ng mga ganyan nahubog ang writing skills dito…

 

Ang mga tulang nabasa nyo sa SSA, hindi outbursts of the moment o pagpapahiwatig sa kung sino. Haha, ang sayang mag-isip ng ka-blogs, pambihira… Karamihan sa mga iyon, naisulat ng mas maaga kaysa sa panahong inilathala. Bahagi sila ng exploration ng lola nyo – tingnan ang iba’t ibang aspeto ng pag-ibig at conceptual level. Pwede naman, di ba? At maaayos naman ang mga likhang akda, I humbly think, ahaha. Kung may mga tanong pa rin, silip kayo pag may time sa Hello, World article – ipinaliwanag ko roon ang context ng mga tula-tula.

Sa totoo lang, ang dami kong nababasang magagandang tula at essays ng mga ka-blogs na mas bata pang di hamak kesa sa akin, di nga… Noong nag-guest post ang DPSA kay Superlolo,  nag-usap kami sa email… Naikwento ko sa kanya ang ugnayan ng nasyunalismo at romantisismo sa panitikan at sa philosophical thought… Na kako, magkasabay lumago ang romantic at nationalist movements sa kasaysayan – lalo na sa Western setting. Nabanggit ko rin, interesado akong tingnan ang romanticism sa Philippine context – may naisulat nang romantic poems and essays at balak kong dagdagan pa – sa SSA.

 

Image of two chickens discussing creativity source

May ugnayan daw ang mga hirap na dinanas at ang pagiging malikhain – sabi. / ieet.org

Kaya inilalathala ko ang iba bilang posts – nais  sanang kumuha ng feedbacks sa mga ka-blogs at compliments na rin, hahaha. Naghahanap ng compliments ang nagsusulat dito, di ba halata? Hehehe. Basta, sa akin nyo sabihin, huwag sa grapevine… Pag close na tayo sa comment section, pwede na tayong magkakwentuhan sa email, hihi… At nagsi-send din ako ng picture, oo. Ayon, pag may picture na, doon na kayo matakot properly, hahaha.

 

Sabi-sabi, para raw sa libro kung magsulat ang lola, kaya asiwa ang marami sa ka-blogs. Tanggap ko, mga kapatid. As of now, limitasyon yaan ng aking panulat… Kumbaga, ang dami pang kailangan para gawing mas welcoming, mas conversational at mas popular ang tunog ng mga panulat. Bawasan ang pagka-isnabera ba? Oo, hahaha. Naparami  kasi ang nabasang Foreign Affairs journal noong nasa college, di nga… Lima ang subjects ko noong International Relations. Pag basa ng basa ng mga gano’n, parang nai-imbibe na rin… So, ‘yong mga English-English na parang elegant (para lang, haha) na nababasa nyo sa mga sulatin, doon galing. Oo, saka sa works ni Nick Joaquin. Shaks na ‘yan.

 

Sa pagkaalam ko, marami-rami ang nagbasa ng page na Awit, Laban at Pag-ibig – doon daw may mga namangha at natakot na ka-blog, sus. Totoo, mabilis at tuluy-tuloy ko lang yaong naisulat. Hindi iyon magic, nais kong ibahagi sa inyo – lalo pa sa mga interesadong magsulat sa pangmatagalan. Noong iyon ay sulatin, nakapagsulat na ang lola nyo ng higit sa isandosenang posts na blog about blogging sa DPSA. Kumbaga, parang summing up na lang ang ginawa  sa nasabing page write-up. At ito ang gusto kong sabihin sana – over time and through constant practice, nagma-mature ang mga sulatin natin. Nasasanay ang utak sa organization of thoughts, hayon… So, take heart, mga ka-blogs, walang magic.😉

 

May isang banda rin nga yatang generational ang pagsusulat. Dito sa WordPress, sa pagkaalam ko, ang contemporaries ng lola nyo, sina HaringIbon at KritikongKiko. Pareho silang engineers sa Middle East, interesting at may content ang kanilang mga akda at, matatalas, sabihin na natin. Sa isang banda, nasa edad na sila – may mga karanasan na sa buhay, may observations nang naisubi at may mga pananaw nang nabuo, ‘ika nga… Ang isa pa, si PinoyTransplant, isang lung doctor na nasa Iowa, mas matanda yata siya sa amin ng limang taon. Kung papansinin natin – fluent si Dok sa English at Tagalog, may content at very lyrical ang kanyang mga likha – for somebody na nasa propesyong quantitative sciences. Bulakeno siyang lumaki sa Sampaloc, Maynila…

Let me take the liberty of analyzing their writings some… Napansin ko, common thread sa mga sulatin nila ang pagpupugay sa mga gawi at kasanayan ng mga tao sa lugar na kanilang nilakihan, ang longing for home at ang mga patak ng kapaitan – sa pangyayaring sila ay nagtagumpay at kinilala sa propesyon – pero hindi sa sarili nilang bayan… Kung madalas kayong magbabasa sa sites nila, mapapansin ninyo rin ang mga ito marahil. May optimism din – minsan ay hayag at minsan ay padaplis lamang – na isang araw, ang success na kanilang natagpuan sa lupang dayuhan, maiuuwi nila at kayang pangyarihin sa lupang tinubuan… May hawig ang kanilang sentiments sa writings ng earlier batch ng professional Filipinos na nanirahan sa abroad noong 70s at 80s – sina Kerima Polotan, Winnie Monsod, Dr. Cabral at iba pa. Nagsi-uwi sila sa Pilipinas…

 

Ang lola nyo rito, nagkaroon na rin ng ilang pagkakataong magtrabaho sana at manirahan sa abroad, several years back – sa Canada, sa Middle East (Qatar) at  sa Europa (London and Dublin). Ahaha, may employers na sana ako roon, may pag-o-opisinahan, kainaman na… Bandang huli at palagi, nananaig sa akin ang paniniwalang “Hindi, may lugar ako rito (Pilipinas).” At pilit ko lagi iyong pinaninindigan, kahit sabihin pang wala namang pera, glamor at gaanong freebies sa mga naging trabaho ko, so far.  Mas marami lagi ang sabon at adrenalin rush na nakukuha, hahaha. Wala pang lovelife, madalas na computer screen at libro ang kasama. Nabubuhay madalas sa dami ng meetings, nagpapalaki ng bilbil, haha, at nagbabasa o gumagawa ng reports. Nitong huli, pinaglilimian ko nang mali ang naging pagpapasya – na tila ang tama ay umalis…

Kaya tulad ng kina Haribon, KritikongKiko at PinoyTransplant, may mga pait rin kayong mararamdaman sa mga panulat dito – baka mas marami pa. Ang sentimyento ng isang nangatawang hindi talikuran ang pamilya at bayang nilakihan, kumpara sa sentimyento ng ibang maagang nagpasya – sa dayuhang lupa matatagpuan ang pag-asenso, pagkilala at kinabukasan. Tila pare-pareho lang kami ng mga kasabayan – may kinikimkim at nais patunayan. Maaaring sila, ang gustong sabihin – tama ang naging pag-alis, hindi iyon pagtalikod at mayroong pangarap na isang araw – babalik at magiging ganap. Sa bandang akin, maaring gustong ipaabot – tama ang naging paghimpil pero malaki ang kapalit ng katapatan sa pansariling buhay at sa katuparan ng mga pangarap.

 

Kung tutuusin at sa isang banda, ang usapan pa rin – pagsunod sa bahaghari…🙂

 

Image of trees in the forest, representing the wild corner of our dreams

Bawat isa raw sa atin ay nangangarap na maging ganap/ personaldevelopmentmaster.com

 

Maganda at Masaganang Bagong taon, ka-blogs!🙂🙂🙂

 

18 thoughts on “Pagkikilanlanan

  1. as usual, you do not fail to amuse me, not only entertain but deeper than that since you are so natural and down to earth. by the way, paano kaya ang maging ganap?babalik at magiging ganap as you said.

    “I slept and dreamt that life was joy. I awoke and saw that life was service. I acted and behold, service was joy.” – Rabindranath Tagore

    madaming kahulugan ang pagiging ganap, sa hierarchy of needs ni Maslow – self actualization, but going beyond yourself is above that “transcendence” like what Warren Buffet and Bill Gates are doing in their philanthropic works. Kaya ang pagiging ganap in a Filipino is as simple as having raised their children well with college education or contributing something to society. offering life so that others may live me pagka bayani but utmost service and joy. Like Christ dying in the cross saying, “naganap na” – the fulfillment of His purpose in becoming flesh and suffering for ours sins.

    have a nice week ahead Ms. SSA.

    • ahaha, thank you, Ms. S. medyo madugong paksa nga po ang pagiging ganap, hehe. tanungin ho kaya natin ang OFW bloggers – sa mga panulat nila madalas mararamdaman ang ganyang mithi….

      salamat ho sa quote. sabi nga po sa Buddhist belief, in doing things for others daw nandoon ang katuparan ng isang tao. pero ano ang others at ano ang self? saan nagtatapos ang self at saan nag-uumpisa ang others? ahaha, that is, to put things philosophically…

      marami nga ho, sabi ni Lolo Abraham Maslow… basic raw ho muna ang existence – food, shelter and warmth. saka pa lang ang kasunod – exploratory… na kung unmet ang basic, mahihirapang i-achieve ang kasunod, ang pag-i- explore… tapos, may ilan pang kasunod na mas mataas – before dumating sa yugtong self-actualized na ang isang tao, ‘ika nga…

      transcendence – interesting ho lagi itong topic sa philosophy – ang pag-rise above the earthly and mundane existence and going beyond and above the basic instincts of man. sa literature ho, ang term dito, nobility. na isa raw ho sa functions ng literature is to ennoble – to make man rise above the ordinary; to see beauty and art and to work towards achieving and living it – in life…

      philanthropy nina Warren Buffet and Bill Gates – very commendable and admirable po, but not for everybody, am afraid. when somebody has reached that level of wealth, fame and privilege, parang malinaw nang ang kasunod is to do things for the less fortunate in society, for others…

      otherwise, what would be left is conspicuous spending and crazy lifestyle ala Michael Jackson (self-destructive) and others who got to the pinnacle of success and ended up collecting fleet of cars, harem of women and costly mansions. kumbaga, Buffet and Gates opted for the more sensible option – ibalik ang grasya sa lipunan at mundo that enabled them to do extraordinary feats… ^^

      gaya ho ng nasabi nyo, may iba-iba pang pakahulugan ang mga tao, ang mga Pilipino sa pagiging ganap o fulfilled… depende po yata sa kung gaano kalaking slice ng mundo at buhay ang na-encounter ng isang tao. maaring sa isang tagabukid na nakatuntong sa bayan, fulfillment nya na ang makapag-asawa at ang anak nya later, mapag-aral sa bayan… maari ring simpleng makapagtayo ng isang tindahan sa isang baryong one hundred years nang commercially isolated. kumbaga, parang achievement na iyon – unang makapagtayo at maka-maintain ng isang tindahan sa isang malayong lugar.

      halimbawa po, sa gaya ninyong nagtapos sa AIM at nakapagtrabaho na at nakaikot sa iba’t ibang regions ng bansa (at nakapag-abroad na rin), palagay ko (pasensya po, am taking liberty here), hindi ho fulfillment ang umuwi sa may inyo at magtayo lang ng sari-sari store? ahaha, medyo ganoon po yata…😉 your pagiging ganap would likely require more, i guess…🙂

      thank you for your felt interest in the topic, ms. S.😉 have a good one, too…. ^_^

  2. Aking itinuturing na karangalan na maitampok sa iyong pagsulat. Maraming salamat po.

    Malaki ang aking respeto sa mga taong pinandigang manatili sa ating bansa, kahit mayroon silang pagkakataon na mangibang bayan, dahil sa pagmamahal nila sa ating bansa. Saludo po ako sa inyo – mga tunay na bayani ng kasalukuyang panahon.

    • hello, Dok pinoytransplant… hala, walang anuman po.🙂 sana, i did not step on anything sa pagtalakay ko sa inyo rito – panulat, karanasan, pananaw… ^^

      salamat po… pero ako, malaki ho ang paghanga ko roon sa maaagang umalis sa bayan para habulin ang kanilang mga pangarap sa malayong lugar. at lalo na ho roon sa mga bumalik para dito i-practice at isabuhay ang anumang natutunan nila sa paglabas ng bansa. commendable sila… ^^

      on the other hand, i think – those who stayed and those who left – are two sides of the same coin. pareho lang silang nangangarap ng bukas na mas maganda at maipagmamalaki…🙂🙂

  3. haha at nasusubukan na ang kasipagan ng pagba-blog,, mahirap talagang magmintina ng blog, sa kaso mo, dalawa plus may English blog ka pa… Ikaw na.. at nakaka-guilty lang dahil mas madalas ka pa ring mag-update kaysa sa aming isang bahay lang..
    kung tutuusin kasi, nakakatuwa yung dalawang tagalog blog mo, parang tumatawid ng kalsada. sa kabila ay yung buhay sa bukid tapos sa kabila ibang setting (lungsod na) pero parehong atake ang gamit- detalyado lahat. Kumpleto sa research, sa karanasan. Parang hindi nauubusan ng ideya. Pati mga discussion sa comment, andun ang repleksyon ng matalinong blogger. Saktong-sakto pa ang mga pictures at pati mga caption – titindig mag-isa.
    Paminsan-minsan, sumisilip ako sa English blog mo, pero umuuwi akong nosebleed at may kurot ang puso.. parang iyun yata ang pinakapersonal mo na blog.. ang lalim ng bokabularyo..
    ayun.. magandang araw ulit..

    • hello, lipadlaya…ay sus, sabi sa iyo, di ako masipag mag-blog masyado. sa pagsusulat, medyo… but blogging, iba pa yata – medyo mataas na antas ng sociability ang required no’n, haha… hala, kung nag-a-update man ng mas madalas, it must be because of writing din, not so much the blog… kung mahilig talaga sa blogging, naka-network sana ang sites, may nagbo-volunteer na gagawa. hala, di ganoon kasipag ang lola mo, hihihi.

      salamat ng marami. dito man lang sa blog, magmukha akong matalino, hehe. tali-talinuhan lang yown! engot ako sa totoong buhay, kapatid.

      natutuwa akong kamo’y dumadalaw ka sa English site. medyo mas at home ako ro’n – di gaya sa Tagalog sites na nagsi-share na nga, alaga pang buskahin… doon, mas maraming warm and thoughtful na feedbacks ang nakukuha ng lola mo. pero, sabi, ganoon talaga – as a rule, hindi ka ipa-patronize ng mga kababayan mo – itatatwa ka pa. ^^

      ahaha, sabi kasi ng teacher namin sa public speaking noong third year HS- dapat daw, that time, may 20,000 words na kaming alam – isulat, bigkasin at gamitin. baka naka-quota na me, hahaha. ^^

      salamat at regards sa ‘yow!🙂🙂

  4. naku saliw ang hirap talaga mag maintain ng dalwang blogsite. pero sa tingin ko kung san ka mas komportable gumawa at mas maluwag mong nailalahad ang mga saloobin eh yun na lang un piliin mo. Pero its a matter of time management and discipline kaya naniniwala ako na kahit 3 o lima pa yan blogsite mo yakang yaka mo yan..hehehe…pero both sides are outstanding! wala talaga ako masabi sa mga posts mo, award talaga…good development na rin pala ang ginagawang changes ng wordpress may separation na rin ng tagalog at ingles…enjoy your day😉

    • hello, Myr… ahaha, may kahirapan nga, kapatid. kasi, may duty na mag-bloghop sa bawat isang site. ahaha, mas komportable akong maghayag dito sa ssa. ayon lang, nadi-discomfort ko lang ‘ata ang ibang ka-blogs na lurkers sa mga isinusulat… :c hala, may mga kakilala nga akong 3 to 5 ang sites, medyo nakakamangha. di ko pa yata carry ang ganoon. kasi, may certain message and package din ang bawat isa and requires concentration and pagdamdam baga? hayon…

      salamat sa pagdaan at sa pagtangkilik, as usual. ha, di ko pa alam ang separation na ‘yan ng WP – paano? have a pleasant day…🙂

  5. Nakakasiyang isipin na ang iyong pagba-blogging ay nakatawid na ng mga ilang henerasyon (tama ba?), kahanga-hanga pramis. Lalo pat ang iyong pagiging kubli, sapagkat ako’y nababahala kung paano ko mapananatili ang pagiging kubli sa aking tambayan sa oras na ako’y magpasyang “humigop na ng mainit na sabaw”, lalo sigurong magiging bihira ang aking pagba-blog. hmmm.

    Maiba naman, kung dumating ang puntong kelangan mo ng magpasya kung ano ang mananatili Filipino ba o ingles, sana’y maikonsidera mo rin ang karamihan sa iyong mambabasa, (pero depende pa rin talaga sa ating sariling interes kung bakit tayo nagsusulat, depende kung kanino natin ito iaalay, depende kung kanino natin gustong pumukaw, at depende kung saan tayo masaya), sa ganitong dahilan tanging ikaw lamang ang nakaka-alam. Nais ko lamang na sabihin sa iyo na ang iyong mga panulat ay maaaring pumukaw para sa mga henerasyon ng mga kabataang di natin alam ay may posibilidad na maging mga leader para sa kinabukasan. At di maikaka-ila na ito’y maaring pumukaw rin sa mga “future writers / or poet” ng ating sariling wika. Kaya sa iyong pagpapasya sana’y maging maingat, mahusay at mainam, pagkat nasisigurong sa iyong desisyon ito’y may kaakibat na “trade-off”.

    Pahabol, sana’y huwag mong alisin ang pagkakataon ng ating mga kababayan (lalo pat ang mga kabataan) na makabasa ng iyong mga kathang naglalaman ng mayayaman na wikang Filipino. Ako man sa henerasyon kong ito, ay nakakapulot mula sa iyong pagkahahabahabahabahabang (nlex to sclex) katha ng mga salitang Filipino na sa buong buhay ko’y di ko pa narinig at naisulat (alam mo yan). Salamat.

    isa pang pahabol, alam mo ba ang dahilan kung bakit sa aking blog ang titulo lang ng katha ang may translation ng salitang ingles, yun ay marahil sinadya kong gawin upang kung may sinumang banyaga na matisod o mapukaw sa katagang hiram (ingles translation), ay kaka-ilanganin pa nilang ipa-translate sa isang Pinoy ang buong katha para madama at maintindihan ang layon ng bawat linya sa katha.

    (sigh naku, lumabas na naman aking pagiging “reactive” kumpara sa pagiging “pro-active”, na hayagan mong sinabing “provocative”, kung iyong maaalala)

    smile…

    siya nga pala anong kahulugan ng salitang ito, “pinaglilimian”, na ginamit mo sa linyang ito, “Nitong huli, pinaglilimian ko nang mali ang naging pagpapasya – na tila ang tama ay umalis…”

    • hello, Cup… hala, long time no see…🙂 at hihigop ka na ng mainit na sabaw? kailan? saan? pwede bang mag-lurk sa okasyon? hihihi… pambihira, two generations lang – gen ng mga kapatid ko at gen ng mga pamangkin. dalawa lang naman…

      karamihan ng mga mambabasa sa dpsa, nagsi-search via google. dpsa ang pinakamataas ang stats – ang articles do’n, sadyang formatted and written as informative. mas nakakapaghayag ako sa ssa, though. sa English site, mas doon ko naman nagagawa ang higit na leeway since mas kabisado ko nang magsulat sa wikang banyaga, ahaha. andoon ang mas hifalutin’ na ideas, ahihi.

      nlex to slex talaga ang abot? patatawarin… palagay ko, doon naasiwa ang ibang ka-blogs – sa range na ipinapakita sa mga sulatin… on my part, iyon naman ang nais kong i-demonstrate – na pag matagal nang nagsusulat, may nadi-develop na range. at di iyon masama… ^^

      future generation? posterity ang isa pang tawag… medyo ganoon nga, para sa mga pamangkin. but the sites get flaks from bloggers as old as my pamangkins. sabagay, parang mga pamangkin ko na rin sila, haha.

      pinaglilimian means contemplating, kapatid. salamat sa mahabang comment….😉 good day!🙂

  6. Ah, nakaka-relate ako sa sintemyento de asukal mo hahaha. Ako rin dati ay may ilang nagtiwalang kumpanya sa ibang bansa. Pero sadyang duwag yata ako haha. Bukod sa idealistic ako dahil nga bata pa, yung tipong, “Dito sa bansang Pinas ako magsisilbi” ang naging prinsipyo ko, hindi ko rin kasi nais na lalo pang lumayo sa pamilya ko. Siguro, dahil na rin ito sa maaga kong pagkawalay sa kanila. Kaya ang naging hakbang ko ay lumapit naman sa kanila pagkatapos ng pag-aaral ko. Or, talagang duwag lang ako haha.

    Sa ngayon, in all honesty, dinadalaw din ako ng “what if” tumuloy ako sa mga lugar na iyon? Marahil, may anak na siguro akong blue o kaya’y green ang mga mata ahahahahaha!

    • hello, Ms. N… natuwa naman ako at napadaan ka, may comment pa.🙂 hala, oo, kasama na ang karuwagan doon – takot sa lamig at ibang paligid at tao – at pati pride yata, haha. nagpi-feeling-feelingang may lugar sa pinas kahit di naman masyadong maipagmamalaki ang nasabing lugar, sus…🙂 and yes, malaking consideration ang family – kung iiwan o hindi. pati ang idealism na sinasabi mo – ang maniwalang one (tayo) can make a difference here, haha. di naman sure.😉

      ahaha, ganyan din sinabi ng friend ko before no’ng di ako tumuloy sa europe – pinorfeit ko raw ang chance na magkaanak ng red ang buhok at green or blue ang mata, hahaha. ang saya… 😉🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s