Ang taong nagdaan…

 

Hello, mga kapatid… Masaya at masaganang bagong taon sa ating lahat…πŸ™‚ Sana ay mas mabait ang 2013. Pati tayo, sana mas magbait, hihihi.πŸ˜‰

 

Image of children with horns, welcoming the coming new year in the Philippines

Sana ay puno ng kasiyahan ang papasok na taon… / remate.ph

 

Sa totoo lang, kabusyhan lahat at tanging yaong mga walang lovelife ang may pagkakataong umupo sa harap ng computer at mag-check ng mga kaganapan online, haha. Ang sama…πŸ˜‰

 

Anyway, bago ako mag-pack ng mga gamit pauwi sa probinsya, naisip kong magta-type ng kung anu-ano muna, hihihi. Napansin ko, uso ang year-end assessments at mga listahan ng accomplishments and resolutions among bloggers. Ang siste, bibihira akong gumawa no’n pag katapusan o umpisa ng taon. Ewan ko ba, hindi ko nakasanayan… O, di kaya, ginagawa ko ang gayon sa ibang buwan at pagkakataon.

Pero dahil nakikigaya ako, e, di, gow! Para mas masaya pati, hahaha. Mahihirapan ako rito, pramis… Sobrang trying ang 2012 para sa akin. Actually, nagulat akong umabot din pala ako sa dulo, hahaha. Ganoon siya kahirap. Ang daming pagsubok, pahirap at pasakit, sabi nga… One of the haziest years sigurong napagdaanan ko, parang di talaga makita kung paano lalabas sa kinaroroonan. And for the most part, at kung paano rin ako nakilala ng marami – para raw laging may solusyong nahahanap – mabigat man o komplikado ang sitwasyon. Not in 2012, sadly… Na-survive din naman. Barely, hahaha.πŸ˜‰

 

Somehow, nakatulong ang pagsusulat sa blogs. Dito ko naihinga kahit paano ang mga kinukuyom sa loob, ang mga di-mahuling pakiramdam at mga pag-iisip na hindi maibulalas sa kaharap o katabi. Dito ko rin nailagay ang pagka-malikhain, kahit papaano. Dati kasi, mayroon akong sports activities and creative endeavors palagi. Hindi sila mailugar nitong mga huling panahon. So, anuman ang creative at energetic kunwari na napapag-isipan ng lola nyo, sa blogs nailagay. In many ways, naging katuwang at kasama ang blog… And for that am thankful. Natutuwa akong di tumigil sa pagba-blog, kahit pa naisara noon ang DPSA.

Pero may mga napuntahan pa rin naman sa buong taon. Hindi nga yata pwedeng tumigil na lang ang buhay kahit pa puno ng lungkot at ligalig. Iikot pa rin ang mundo – kasama man ako o hindi… gugulong pa rin ang buhay. Tataas pa rin ang mga bilihin, maluluma pa rin ang mga gamit, magkakaroon uli ng bagong models ng gadgets – gustuhin ko man o hindi, may pambili man ako o wala, naiintindihan ko man ang sabi sa manual nito o hindi. Ang isang constant feature sa taon, isang madalas makapagpasaya sa akin – ang pangatlo naming apo sa pamangkin. Ayon, sya ‘yon… She never fails to bring us cheers and confusions, hehe. Makulit at malikot sya – buhay na laruan at pang-aliw namin sa pamilyang magulo, whehehe.

 

Anyway, saan-saan ba ako nagawi ng 2012?

 

Hongkong – Pumunta kami rito ni kapatid second week of February para maglaro sa Disneyland at gumala-gala, mag-sample-sample ng noodles at mag-picture-picture, hahaha. Ang lamig, tail-end pa no’n ng winter nila. Sa tuwing pabalik na kami sa hotel, parang refuge talaga ang tingin ko sa batcave namin, hihihi. Masasarap ang breakfasts namin doon, iyon ang isa sa naaalala ko sa trip na ‘yon. Cool rin ‘yong nakipagkita sa amin ang isang friend ni sister na Hongkong local, nakipag-dinner and coffee sya sa amin isang hapon. Tapos, ipinasyal nya kami nang gabi. Multi-lingual siyang bata and exposed sa iba’t ibang culture, pero ang simple at ang pleasant nyang kasama.

UP Fair – Parang tradisyon na sa amin ni kapatid na pumunta rito. Wala lang, nakasanayan na lang – makikinig sa mga banda, magri-reconnect sa mga kakilala, sa org mates at sa mga kaklaseng hiraman ng notes noong araw, hahaha. Hindi college friends ang kasama ko rito, usually, kundi friends ni kapatid. Bandang September to December pa kasi ang usual na pagkikita-kita namin ng college friends… Pag nag-u-UP Fair pala, pagkakataon na naming makabili ng anik-anik na matagal nang pinaghahanap, haha, at ng souvenirs and items na may tatak ng UP, haha. Loyal… Nananalo nga pala ako ro’n ng Angry Bird na lagayan ng cellphone, o, di ba?πŸ˜‰

Bicol – Nakarating din ako for the first time, hahaha. Ang tagal nang ang daming nag-aaya sa aking pumunta pero parati akong nalalayuan. Ang unang beses, matagal na – para mamundok, hahaha. Hindi ako na-delight at na-excite sa prospect, na-frustrate ang unang pagkakataong makatuntong ng Bicol. Sumunod, ang father ng bayaw kong parati akong inaaya sa kanila – all expense paid, hihihi. Ayoko, nahihiya ako – hanggang sa pumanaw na sya…

Ang lahat ng sumunod pang imbitasyon, galing na sa politikong naka-trabaho ko Β o sa kapamilya nila. Siyempre, nahihiya rin ang lola nyo – walang natuloy do’n. Itong huli, kaya na-engganyo ako, pumasok sa isip ko ang ideyang sumakay ng tren na pang-malayuan, haha, ang kulit. Ayon, di naman natuloy, nag-eroplano pa rin. Pero at least, natuloy ang pagkikita namin ng Mayon, ‘yong sabi ng titser namin noon sa NatSci – live, up close and life-size, ahaha.

Baguio – Bibihira ang taong hindi ako nagba-Baguio. Usually, work-related na mga lakad. Pero nitong mga huling taon, nadiskubre naming masarap mag-Baguio nang walang seminar o presentation, haha, kaya sinusubukan naming mag-Baguio pana-panahon na walang aasikasuhin at walang alalahanin – pasyal-pasyal, bili-bili at kain-kain lang. Ikot-ikot sa malamig na lugar para mag-chill at hindi maalaala ang mga suliraning di-natatapos.

Tagaytay – Sa isang taon, medyo madalas kaming mag-Tagaytay ng mga kapatid at pamangkin – weekend getaway type na lakad. Mas madalas, pag summer. Ginagawa namin ito pag may mga problemang pwede at kaya pang pag-usapan. Since ang pamilya namin madalas, may sangkatutak na ka-problemahan, every so often, magta-Tagaytay. Paliligawan ang mga bata roon para makapag-usap ang adults, over coffee. Siyempre, maraming picture-picture with the pamangkins and bonding-bonding sa kanila. Saka, dumadaan sa kainan ng bulalo at bilihan ng mga prutas.

 

Image of Taal lake in Southern Philippines

Kaiga-igaya lagi ang tanawin ang look ng Taal/ ilovegoingplaces.blogspot.com

 

Intramuros – Si kapatid, mahilig bumili ng coupons online – sari-sari, hahaha. Anyway, isa sa nabili nya, dinner sa isang kainan sa Intramuros. Ayon lang, ang hirap isingit at nakailang reset bago kami finally natuloy. Kasama namin ang nakatatandang kapatid – sisterly act, bale. The year before, may isang lakad na kaming parang ganito rin – dinner naman sa Intercon, masaya yon. Pinag-tripan namin ni Ate si nakababatang kapatid, hihihi. Curiously, wala kaming dala maski isang camera noon, kaya naging masaya ang nasabing lakad (feeling namin). Medyo masaya rin itong dinner sa Intramuros, ilang beses si kapatid naligaw-ligaw sa pagda-drive, hahaha. Nakapasyal tuloy kami sa Maynila and got reacquianted with the place, ‘ika nga. Hindi nag-tantrums si Ate, haha. Mahirap siya usually Β i-please sa mga kainan, siya itong mahusay magluto…

Nasugbu, Batangas – Hahaha, ang layo nito pag sa Metro Manila manggagaling, mahigit isang oras pa, after ng Tagaytay. Long drive kung sa long drive, kainaman na. Pero, summer this year, sa kagustuhan naming maipasyal ng malayo si apo sa pamangkin, with matching swimming, ayon, balik kami ng Nasugbu (gaya ng nakaraang taon). Sulit naman, nag-enjoy naman ang bata… Iba nga naman ang ambiance – countryside na manicured ang grounds, haha. Siyempre, daan pa rin sa kainan ng bulalo, hahaha. Naligaw pa pabalik, ang saya lang. Iyon yata ang gabing kakaiba ang buwan, ayon…

Taylor Dayne concert – Sa MOA Arena ito ginanap. Magaling ang singer. Throw back to the 80s na concert artist si Taylor, pero mahusay pa rin syang kumanta at mag-perform. First time kong nakanood sa MOA arena pati… Β Mas maganda pa ring arena ang Araneta Dome, para sa akin. Kailangan lang sigurong i-renovate, hahaha.

Thailand – Matagal na kaming may planong pumasyal sa Bangkok na madalas napo-postpone. This time, natuloy kaming pumunta. Yon lang, di sa Bangkok, kundi sa kalapit na mga lugar nito. Ang ganda… At least ako, nagandahan ako – parang Pilipinas na mas malinis at mas maayos, ang sama ko…πŸ˜‰ Natuwa ako, mas mura ang mga bilihin nila roon kaysa sa atin at ang gagalang ng mga tao. Mas magaling tayong umintindi at magsalita ng English kesa sa Thais. Napansin ko, kamukha natin sila, pero mas malinis silang tingnan at mas polite, hihihi.

Tears for Fears concert – Ginanap ito shortly after ng pananalasa ng nagpi-feeling-feelingang bagyo na si Habagat. Late ako sa concert na ‘to at ang dahilan – di pa ako tapos magligpit ng mga kalat ng baha sa garahe, kainaman na. Galit na galit sa akin si sister, natapos na ang front act, wala pa rin sa Araneta ang beauty ng lola nyo… Feeling ko, lampas sa habambuhay dadalhin ni kapatid ang galit sa pagka-late kong ‘yon at nauunawaan ko naman sya. Ako nga naman ang dakilang fan ng Tears for Fears tapos ako pa itong si late? Naman… Anyway, naabutan ko pa rin ang first song nila, ang swerte lang…The concert was great! Ayon ‘yong concert na 10 minutes na yatang tapos, wala pang umaalis sa mga upuan at ang mga tao, hoping na baka pwede ang Β paulit-ulit na extension, hahaha.

 

Anyway, hanggang dito na lang muna – baka sapakin nyo na ako sa haba ng kwento, hahaha. Ang last quarter ng taon, karamihan sa mga pinuntahan,Β mga kainan at pasyal pa rin… Malaki kasi kaming pamilya at malalaking tao rin (at least, malalapad at mabibilog) ang aking mga kapatid at pamangkin, hahaha. Madalas ang kainan sa amin and oftentimes, sa mga oka-okasyon kami nagkikita-kita. O, kaya, kanya-kanyang gawaan ng lakad para may excuse na maisama ang latest naming apo sa pamangkin, hihihi. Pag sinabing kasama si apo, ang dami lagi sa aming nagsisiratingan, haha.

Kilala nga pala ang Tears for Fears sa mga kanta nilangΒ Shout, Sowing the Seeds of Love, Mad WorldΒ atΒ Everybody Wants to Rule the World. Ayon bale, staple ng 80s ang mga bandangΒ Tears for Fears, The Police (at vocalist nitong siΒ Sting) at pati na rin ang Chicago (at ang vocalist nitong siΒ Peter Cetera). Bata ang lola nyo nang 80s at nag-teenager din sa dekadang yaan… May naisulat na nga pala ako dating sanaysay – Makulay at Madamdaming 80s – nauna pang naisulat kaysa sa Lumalakad ang Balita,Β isang sulating nailathala na sa DPSA. Hayaan nyo, pag nagka-time na mag-type at mag-edit, ilalathala ko rin ang nasabing essay dito sa SSA. Hopefully, makatulong itong maunawaan nyo ang laman at paraan ng aking pagsusulat, sakaling may interesado, ahehe… Medyo ganoon talaga ang 80s – ma-drama, ma-content at maligalig, ahaha.πŸ˜‰

 

Sana, ang darating na taon, maging masagana at mabait sa atin. At sana rin, we will be stronger, if not wiser and fairer… Kablogs, wishing you all the best in 2013!πŸ™‚πŸ™‚πŸ™‚

 

Image of a fruit tray for the new year

Nawa ay masagana at puno ng kulay ang darating na taon para sa atin/ blog.mangotours.com

 

39 thoughts on “Ang taong nagdaan…

  1. …napapaisip si froggy kung anu-ano ba ang nangyari sa taong ito. Wala yta akong maalala sa bilis natapos ng taong 2012πŸ™‚

    Bumisita ang nanay ko sa pamilya nya sa Bicol ngayong pasko. Kaya naaala ko ang sabi mo n malaking pamilya ( madami silang mgkakapatid) Nkita ko ang mga larawan nila. Wala na kaming magpipinsan doon ( nasa malalayo na kasi), puro apo na sa tuhod ang mga kasama nila…. Nakakamiss lang ang pagsasama-sama… tulad ng bonding ng family mo.^_^

    happy new year sa inyo saliw!
    nawa’y mas mabuti nga ang hatid ng papasok na taon sa ating lahat… God bless!

    • ahaha, para ngang laging ang bilis, hano? saka, parang ang hirap ng year-end reckoning na sinasabi. tapos, may resolutions pang uso. e, di ba, ang resolution needs resolve? ahaha.πŸ˜‰

      ayon lang, habang nagsisitanda ang mga tao, inevitable yatang maglayo-layo at kanya-kanyang buhay. at medyo mahirap – nasanay tayong mga Pinoy sa family structure and habits na extended-extended, hahaha. masaya pag maraming mga bata, itatabi muna ang alitan ng mga matatanda,πŸ˜‰

      kakatuwang naka-reconnect si Mama mo sa folks nya. puro apo na sa tuhod talaga? hihihi…

      salamat sa well-wish at bati. Maligaya at masaganang bagong taon, froggy! ingat lagi…πŸ™‚

    • ahaha, a few years from now, makakapasyal ka rin do’n – lapit lang naman… hey, baka nga nagkasalubong tayo sa up fair? anong kulay ng blouse mo no’n? heheπŸ˜‰ happy, happy new year, Rhence…πŸ™‚

      • o, see? ikaw nga yon, hehehe.πŸ˜‰ most likely, pupunta kami… usually, friday ng Valentines week (around that time ‘yon, senga?). pero ang mas gusto kong balikan doon, this time, ‘yong Live Aids – pamilyar ka? stand up commedy produced by Mass Com students – bandang March yon. hello, Rhence… cheers!πŸ™‚

      • Nako di ko alam yun. Nakikicelebrate lang kasi kami sa UP, di naman kami taga UP hahahahah. Pero mukang maganda nga.πŸ™‚ Ate San, pwede magtanong? Nagtapos ka sa UP? Ano tinapos mo dun?πŸ™‚

      • sina Tuesday, Ate Glow at mga makukulit sa mass com usually ang may pakulo ng live aids. mas nakakatawa sila ro’n than sa tv… 150 to 250 ata ticket pag student, try nyo, ahihi… sows, ilang beses ding niece and nephew ang naisama ko sa up fair, taga-pup rin. tuwa naman sila… one time, tuesday ata kami pumunta… e, di raw sila uuwi until di naririnig ang kamikaze at parokya, patatawarin. 315 na yata tumugtog .. the next day, may pasok me – hilong-hilo, hahaha. A.B. po ang tinapos, katagal bago nag-graduate, hahaha. ba’t mo naitanong pala… hello, Rhence, happy new year uli…πŸ˜‰

      • Sige ittry namin! Update mo ko about dun sa Live aids a! Para maiba naman kesa puro banda. Haha. Pinanuod din namin at PNE at Kamikaze! Siguro talaga nakita na kita non. Haha.πŸ˜€

        Wala lang po. To know you better lang. Hihi.πŸ˜›

      • oo, masaya ‘yon, hahagalpak kayo ng tawa. bandang march yon, kapatid. malamang, nagsalubong na tayo – baka sa bilihan ng inihaw na mais?πŸ˜‰ hahaha. btw, censored namang mag-joke ang kamikaze. pero, masaya…

        ahaha, nakita kitang dumaan sa english site, tama ba. ala pa akong bagong post saanman. busy-busyhan pa.

        a, may kwentong college pala ako sa dpsa – Nagsasawa ang title noong isa at Dekadente naman ‘yong isa pa… in case interested ka malaman gaano ka-delingkwenteng estudyante ang lola mow… good day, Rhence.πŸ™‚

    • ah, malaki kasi ang family namin, Myr, so medyo maraming lakad. saka, gano’n talaga pag tumatanda, hihihi. salamat… oo, ba, sama ka. happy new year, kapatid. masaya sana ang 2013.πŸ™‚πŸ™‚

      • ay, sus, mapupuntahan mo ang mga yan eventually. why not?πŸ˜‰ ahaha, yon lang, hindi na singsaya ang buhay pag tumatanda even with all the pasyal and the dining-out, kainaman na…Happy, happy New Year! ingat and keep well, kapatid…πŸ™‚

    • hahaha. siyempre…πŸ˜‰ actually, may iba pa akong concerts na napuntahan last year, wari ko… sige, pagtawanan, as in… hello, batopik girl. have a prosperous and busy new year. weee!πŸ˜‰πŸ™‚

      • mahilig ka pala pumunta sa mga concert.. ah sa bagay, may mga entry ka tungkol sa musika. bat hindi ko naisip yon! hakhak. ang cool mo talaga! hakhak. kaya nga e, prosperous and busy new year all year round. hakhak. mukhang busy ka ngayong mga araw ah.. enjoy enjoy! wag masyadong pastress.πŸ™‚

      • ahaha, di masyado, not as often as i’d like to – about 3 to 5 concerts a year lang – sa gen ad pa, hihihi. hindi ko afford or maski pa may pambayad, mahinayangin rin ako, hehehe. busy ‘tong start ng year, thanks. ahaha, salamat. i hope i don’t get sick pero parang feeling ko, i will be the coming days, nararamdaman ko. siyet, makapag-vitamins nga (parating nag-e-expire lang ang mga binibili ko, shaks). good night po…πŸ˜‰

  2. mahirap nga palang magrecall ano-ano ginawa. Happy Holidays Ms. SSA. ako nakapost sa fb from Jan to Dec kaya mahirapan ako isulat sa DAMI ng adventures at work in 2012 saka ayaw ko na balikan para isulat, pero nagagaya ako sayo, ikaw kaya inspiration ko in writing, pag tinatamad ako post kahit ano, naalala kasi kita at yun… salamat sa inspirasyon , one to recall for 2012, sa mga comments mo at pagtingin sa aking posts, aba’y malaking bagay sa akin yun. most of the times my fb page is my journal kaya bihira na blog ko but post ko rin. tonight kasi ay nabagbag na naman ang aking damdamin sa isang ina na nagbenta ng anak. nahuli ng pulis sa mall at dinala dine sa amin for examination. di ba nakakalungkot ang hirap ng buhay. pito anak walang asawa, susmaryosep, ano na lang ang buhay kelangan magbenta ng anak to survive.

    sanay nasa mabuti ka lagi Ms. SSA. Manigong bagong taon!πŸ˜€

    • hello, Ms. S…. happy new year ho.πŸ™‚ kayo na ang masipag sa work, active na nanay at may time pang mag-blog at mag-FB, ahaha, hala, inspiration? inaykupooo… salamat ho. i enjoy visiting your site po, ang dami nyo laging pics, pics na parang musings na rin, haha. mahirap nga ho ang buhay, marami ang hikahos at desperado… :c

      salamat ho for the well-wish. Manigong Bagong Taon din!πŸ˜‰πŸ™‚

  3. Sa totoo lang, kabusyhan lahat at tanging yaong mga walang lovelife ang may pagkakataong umupo sa harap ng computer at mag-check ng mga kaganapan online, haha. Ang sama…

    —- ganun ba talaga? yahahahhaha

    Happy New Year Ate SanπŸ™‚

  4. Manigong Bagong Taon, Ate ! * My Mom told me that. * But what does Manigong mean, anyway ?

    Anyhow, I hope you have a prosperous 2013. Achhh ! We’re getting old, huh. I can feel it. Come to think of it, we were born in the last century. How cool is that.

    Cheers !

    • Masaganang Bagong Taon, Ren! Manigo means prosperous…πŸ™‚

      Thanks, I hope so, too, hehe. Ah, I am old and ageing by the minute… But know what, I don’t take it seriously. It’s people around me that make an issue out of it. I am young and you’re even younger, let’s think of it that way, dear. Yeah, cool! Warm regards and thanks for the visit…πŸ™‚

    • hello, kiko… happy new year!πŸ™‚ cool ba? di ko rin alam… anyway, alam mo ba ang tawag sa generation natin? slackers, slackers daw tayo, as in…πŸ˜‰ di ko rin alam kung totoo. what dya think?

      ahaha, sana, nakanood ka rin. may edad na sila pero magaling pa ring kumanta at tumugtog.πŸ™‚

  5. hello, ate san…hindi ko namalayan agad ang post na ito. hindi ko matandaang ipinaalam ni manong WP sa akin.

    eniwei, ang saya naman ng iyong 2012 at ang daming napuntahan. may dalahin ka pa ng lagay na iyan ha? gusto ko rin magawa iyan balang araw (ang makapamasyal sa iba’t ibang lugar sa loob at labas ng bansa).

    tanong ko lang, binalak mo ba talagang mag-NPA dati?πŸ˜€ yun ba yung ibig sabihin ng “mamundok”?

    sana balang araw din ay malagpasan ng mga pinoy ang kalinisan at ka-polite-an ng mga thai. isang masaganang bagong taon sa ating lahat ngayong 2013πŸ˜‰

    • hello, RP… ayos lang, andito ka naman ngayon, yun ang importante…πŸ™‚

      ahaha, maraming napuntahan, oo. ang mga kaproblemahan ang dahilan ba’t every so often, kailangang mag-R & R, ayon… i hope this year, mag-i-ease up ang mga problema. o, kung di man, i will have the fortitude to accept them – na ganoon sila kabibigat and still carry on and be decisive enough to do what needs be done. ahaha, pasensya na at napa-englishin na naman.πŸ˜‰

      hala, di ko binalak na mag-NPA. but i was being recruited, uso iyon noon…kami ng friend ko, we both declined. katwiran nya, allergic sya sa mga damo (makinis syang ale) at ako naman, clumsy – ayaw mabagsakan ng baril sa paa, hahaha. later, we would both do NGO work and later still, govt service, ayon…

      ahaha, sana nga. may makakalat din silang lugar at sulok, kapatid. pero, di singdumi ng sa atin, hahaha. sana nga… happy and prosperous new year!πŸ™‚πŸ˜‰

  6. hi san!! *kaway-kaway* ikaw na ang dora the explorer ang peg! ahahaha dami mong napuntahan ah… saya saya naman.. sensya na late ako mag comment.. daming ginagawa sa trabaho.. tinambakan kami eh.. ehehehehe hahabol ako.. pramis!! ingats!!

    • hello, Pot… kaway-kaway. pasensya na, di ito nakita ni dora the explorer, hehe. ay, sows, okey lang, alam kong ika’y busy at nag-iipon lagi ng pan-tuition, haha. ikaw na ang masipag na tatay. ingat sa work and don’t forget your baon, hehe. regards…πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s