mga ayaw at gusto sa pasko

 

Para sa mga bata raw ang pasko. Para sa matatanda raw naman ang gasto, sabi… May s nga pala. Gastos – marami yon, ahaha.😉

 

Image of Filipino children merry-making during Christmas

Pagmamahal at pagbibigayan daw ang mensahe ng pasko kaya malapit ito sa puso ng mga bata/ tlcmama.multiply. com

Oh, well, it makes sense naman yata. Siyempre, pag bata pa, puro laruan at regalo ang ibig sabihin ng pasko. Mga bigay-bigay, bagong damit, kasama sa pag-alis-alis at larong up to sawa, hahaha. Saka, practice-practice magmano, para kasiyahan ng mga ninang at ninong – marami ang i-aginaldo, shaks na ‘yan… Saka, paano magmukhang polite at may manners (at masabihang maganda, hihihi) para makarami ng bago at malulutong na pera – galing sa matatandang natuwa dahil sa pangkalahatan ay lumaki ka na, haha, kainaman na… Saka, pagkain – sari-sari, sa iba’t ibang bahay…😉

 

Pag matanda na, siyempre, iba na. Pressure na ang kahulugan ng pasko, whehehe. Magreregalo pa ba sa mga ka-opisina? Baka pwedeng hindi na… Makikita pa ba this year si ganito at ganyang inaanak? Sino nga ‘yong taon-taon ay idinadaan sa bahay? Hehe, walang ligtas… May reunion ba ang college barkada this year? May exchange gift pa ba? Pwede bang pumunta ng walang bitbit? Pwedeng Red Ribbon na lang o maghahanap pa ng regalong mukhang pinag-isipan? Ang siste, wala nang time at ang hirap nang bunuin ng traffic pag nag-second week na ng December. Ay, listahan? Shaks, may listahan pa ba this year? Hindi ba pwedeng pass na lang muna?😉

 

~~~ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Ang mga ayaw ko sa kapaskuhan –

 

1. Ma-traffic, maski yata saan.

2. Ilan lang ang ATM na nagwo-work o may lamang cash. Malalayo pa.

3. Mahirap makahanap ng grocery o supermarket na maluwag…

4. Maraming dumarating na tao lagi, marami rin ang tumatawag.

5. Parang hindi nauubos ang mga hugasin, kainaman na…

 

Image of dishes piling up on the sink

Parang kakambal na yata ng okasyon ang mga hugasing di matapus-tapos/ colourbox.com

 

6. Laging may nakakalimutang bilhin, naaalala lang last minute…

7. Nagtatanungan ang mga tao parati kung gagawa pa ba ng salad.

8. Kulang lagi ang tomato sauce, sa kung anong dahilan.

9. Kinakapos lagi sa pabalat tapos, napapabili ng maraming naiimbak lang.

10. Kung kailan tapos nang magbalot ng mga babalutin, saka may nag-o-offer na pwede siyang tumulong…

 

Image of a christmas present in a nice box

Pag maganda ang balot, tyak gustong buksan agad/ fulltwist.net

11. Gustong buksan ng mga tao ang box na maganda ang balot o pagkakagawa ng ribbon.

12. May gusto kang regaluhan na hindi mo naasikasong bilihan at may hindi ka balak na bigyan, pero siya pang nauuna, haha.

13. May makikipadala raw ng papasko sa probinsya. Mas marami pa sa regalo namin ang ipapabitbit nya, shaks na ‘yan.

14. May regalong pinagdudahan mo kung magugustuhan ng pagbibigyan. Tapos, tama ka – di nga nagustuhan, hihi.

15. Dumarami bigla ang mga bata, di alam kung saan nanggagaling. Kulang lagi ang perang nadudukot sa dami ng mga nakabukas-palad, shaks. Parang gusto kong magsuot ng tshirt na may nakasulat, “Walang Pera.” Actually, totoo naman, hihi.

16. Nakakataba ang kulang-kulang na tatlong linggong ‘yon. Yun na.

17. Ramdam na ramdam na wala nang pondo pagkatapos at may mga utang pa, shaks. Pero at least, tapos na, hahaha.😉

 

Ang mga gusto ko sa kapaskuhan –

 

1. Parang maraming pera ang mga tao, hahaha.

2. Parang lahat ay willing na gastusin ‘yon, haha uli.

3.  Maraming batang nakabihis na pang-alis – handang sumayaw, kumanta at mag-perform para may pambili ng kwitis, watusi at iba pang bagay na dahilan ng pag-iyak-iyak  nila, maya-maya lang…

4. Maraming dumarating na tao lagi, marami rin ang tumatawag.

5. Parang parating may niluluto sa mga kusina ng mga bahay-bahay. Hindi lang masabi kung kailan maluluto at maiihain, ahaha.

6. Madaling gumawa ng lakad at magyayaan palabas.

7. May mga bagong jokes akong natutunan. Hindi ko ipinapahalatang mga luma pa rin ang alam ko, whehe.

8. Legitimate activity ng mga nasa bahay ang panonood ng movies – marathon.

9. Parang tumatalas ang pang-amoy sa mga niluluto ng kapitbahay, hahaha.

10. Parang mura ang ham, kahit hindi.

 

Image of a ham for Filipino Christmas table

Sa mga Pinoy, kailangang may hamon pag pasko kung may pambili rin naman, sus…/ themagazine.ca

 

11. Parang masarap mamili ng prutas basta nasa labas, hahaha.

12. Nagdi-Divisoria taon-taon para masabing nakapag-Divisoria na at hindi pa matao masyado/sobrang dami na ng tao, hahaha.

13. Nakakahanap ng oras para magsusukat ng mga damit at mag-usap-usap tungkol sa uso kahit pa busy at wala nang time ang peg, hihihi.

14. May taong nakakaalaala sa iyong hindi mo naisip na naaalala ka pa. Susulpot o magpaparamdam bigla, out of nowhere.

15. Pag nakauwi na sa probinsya ang magsisi-uwi, biglang lumuluwag ang mga kalsada sa malaking lungsod- parang ibang lugar, haha.

16. Naba-brush up ang cooking skills na kinakalawang na. Hah, the last time you checked, pagbabalat na lang ng carrots at paghihiwa ng sibuyas ang alam mong alam mo, hihi.

17. May goodwill ka pa palang naitatago, akalain mo yon? Ang alam mo, crispy bills lang ang iyong ini-stash, ahaha. Chocolates, pag minsan…

18. Nagkukunwari ang mga pamangkin kong nagbabasa sila sa blogs ni Tita.😉

 

Image of poinsettia plants, a staple on Christmas season

Parating may halamang poinsettia kapag kapaskuhan/ apps.rhs.org.uk

 

Maligayang Pasko sa ating lahat! Hugs, mwah, mwah! May embrace pa…😉🙂

 

46 thoughts on “mga ayaw at gusto sa pasko

  1. ugali na yata sa atin ang ipagdiwang ang pasko sa kahit na anong paraan basta masabi lamang na naghanda tayo para sa okasyong ito. Kahit na ang mga taong kapus palad, sinalanta ng bagyo, kinalimutan ng lipunan, nagagawang magdiwang ng pasko, may konting pagkaing pagsasaluhan. Ang importante, magkakasama sa pag gunita ng kapaskuhan.

    Noong isang araw lang, nagpunta ako sa SM dasma, kadaming mamimili.. ang haba ng pila sa gift wrapping. at sa grocery, aabutin ka ng syam syam sa dami ng mga nakapila sa pagbabayad sa counter. Naisip ko bigla, ganito ba ang walang pera? Teka, blue basket lang ako ha🙂

    Pag tinanong ang mga bata, ano ang pasko? Bagong damit.. Bagong laruan.. BIrthday ni papa jesus.. Pag tinanong ang mga matatanda, ano ang pasko? Gastos, gastos, gastos, (pero nakangiti naman)

    Sama sama tayo sa pagdiriwang ng pasko. (alam na🙂 )

    Maligayang pasko sa iyo🙂

    • hello, Alvin… ay, ang taas ng pressure na maghanda at sumunod sa mga nakagawian dito sa atin pag pasko. tradisyon nga kasi… saka, Christmas spirit na rin – generousity at feeling Sta Claus lang, hihi.😉 may isang part din sigurong na-imbibe na ang commercial aspect ng okasyon, paanhin…

      ay, sus, huwag kang pumila sa gift wrapping section pag kapaskuhan. chances are, mamamatay ka sa inis at boredom, hahaha. oo, lalo pa pag ang sinusundan mo, lima pala ang ipapabalot, hakhak. kahit walang pera, nagkakapera pag christmas season na. sadya… ^^

      kung alam ko lang na naiiba pala ang pasko pag natanda, nagpakabata na lang ako forever, hihi. on the other hand, masarap din ang feeling – nagkukunwari kang marami kang pera at bigay-bigay kang akala mo’y sadya kang mapera, hakhak. di nila alam, later, walang laman ang ATM mo.😉

      Maligayang Pasko sa iyo, Alvin… pati sa mga mahal mo.🙂

    • ahaha, masaya? pasko na? salamat….🙂 shaks, pasko na nga. lagi na lang akong hindi handa for the season, kainis. pero at least, sa post, parang masaya, hehehe. mas maligaya at masayang pasko sa iyo, kapatid. may you enjoy the blessings and cheers of the season…🙂

  2. san kaya meron nito?

    “15. Dumarami bigla ang mga bata, di alam kung saan nanggagaling. Kulang lagi ang perang nadudukot sa dami ng mga nakabukas-palad, shaks. Parang gusto kong magsuot ng tshirt na may nakasulat, “Walang Pera.” Actually, totoo naman, hihi.”

    • hello, kayds… ahaha, may magic pag xmas season, hehe. mas malakas at kaakit-akit din ang kaway ng mga bilihin, hihihi.😉 seriously, ang tawag do’n sa economics – liquidity. it means cash flow, mas mataas CF ng economy pag year-end… happy christmas sa iyo! at sa mga mahal mo…🙂

  3. Ang hirap pumili ng favorite sa listahan mo. Lahat kasi sapul eh.😀
    Eto na lang.
    Sa mga ayaw mo, favorite ko ang “14. May regalong pinagdudahan mo kung magugustuhan ng pagbibigyan. Tapos, tama ka – di nga nagustuhan, hihi.” Sobrang tawa ko dito nung unang basa.😀
    Sa mga gusto mo, favorite ko ang “18. Nagkukunwari ang mga pamangkin kong nagbabasa sila sa blogs ni Tita. ;)” Minsan pag may okasyon samin at may nagmemention tungkol sa blog ko, lumalaki ang atay ko. Aba akalain mo, nagbabasa sila ng blog ko? hehe.

    • hello, June… salamat sa laging pagdaan. ahaha, di ba gano’n naman nga, may regalong di nagugustuhan? ‘yon lang, kasi feeling mo, pinag-effort-an so, dapat ma-appreciate na rin, hihi. actually, nasi-sense mo na rin namang parang hindi ‘yon ang best na ibigay do’n sa tao pero, hala, sige ka pa rin, haha… what to do?😉

      hala, maigi ang relatives mo at nagbabasa sa iyong blog. sa akin, nagkukunwari lang sila pag nakikita nila ako, hakhak. kainaman na…😉 Maligayang Pasko sa iyo at sa mga mahal mo.🙂

  4. Paskong-pasko ang simoy ng hangin dito a… Totoo yung mga nasabi mo… ang daming pera ng mga tao pag Pasko. Kahit saang mall/palengke/ukay-ukay.. ang daming namimili.. Sinong nagsasabing naghihirap ang Pinas?
    Ayun, nakakamiss yung mga ganyang eksena sa Pilipinas.. Dito kasi sa Qatar, me pasok ako ng araw na yan… at kung mapuyat dahil sa Party, i- SL na lang.. hehehe

    Merry Christmas sa buong pamilya mo!!!

    • hello, Lipadlaya… ahaha, sinabi mo pa. noong isang gabi, pumunta ako ng SM, hahabol sana sa pagbabayad ng bills (hindi umabot, hihi). tapos, nagkamali me, shaks… napadaan ba naman ako sa shoe section ng mga bata? suskupo, may dagat ng tao – dinaig pa ang palengke sa oras ng pagbababa ng mga banyera ng isda, patatawarin. it’s a good thing i got out of there alive, hihi…

      hala, oo nga, may pasok daw sa Middle East ang Christmas day, sayang. pero di ba, Pinoys have their own get together – inuman at potluck? idinadaos rin kahit paano, sabi… saka, pustahan, may christmas decors rin kayo dyan.😉 Maligayang Pasko sa iyo, sa pamilya mo.🙂 Cheers!

  5. Naku San naunahan mo ako sa ganitong malaPaskong poste. Naisip ko kasi kung ano na nga ba ang nami-miss ko sa limang taon na wala ako sa Paskong Pinas. Salamat at halos ay naikuwento mo ang mga pakiramdam at nangyayari sa bawat araw patungong Pasko at araw ng Pasko ng isang Pinoy.

    Kahit sabihing punong-puno ng traffic at kagastusan ang Paskong Pinoy ay tunay namang nakakamiss sa katulad kong yan ang nakasanayang at taong-taon na inaasahan kapag panahon ng Kapaskuhan lalo na nung andyan pa ako.

    Yung mga nabanggit mong ayaw at gusto ay para sa akin parte na ng ating Paskong Pinoy kaya hinaharap ko siyang lahat at dinidiskartehan na lang….parte lahat ng kasayahang Pinoy.

    Nasasabi ko yan kasi kumpara dito sa aming kinalalagyan ngayon ay talaga namang parang daraan lang muli ang Pasko. Sa totoo lang eh hinahanap ko lahat ang mga nabanggit mong ayaw at gusto dito sa panahon ito.

    May simbang gabi(5am to 6pm) nga pero pagkatapos ay uwian na…wala naman kasing mga kakanin sa labas ng simbahan….at dahil malamig ay talagang uwian na talaga.

    Hinahanap ko rin ang mga batang nagkakaroling….na kahit mali-mali ang wording ng kanta ay masaya pa rin…..na pagkatapos mong magbigay ay may kantang….”ang babait ninyo….”

    Wala rin ang kabi-kabilang kainan….malamang sa isang kamag-anak lang ang kainan at pagkatapos ay uwian na rin.

    Nami-miss ko ang mga namamasko sa aming probinsya….naghahanda kami bago umuwi ng mga malulutong ng mga bagong papel na pera…para sa mga batang namamasko.

    Ummmm yan na muna at kumakain na ako ng malaking espasyo….pero salamat sa…Hugs, mwah, mwah! May embrace pa…miss ko rin yan sa Pinas(y)….hehe

    Maligayang Pasko po!!!!

    • hello, Superlolo… ano’ng naunahan? gawa rin kayo,as in… kanya-kanya namang experience yaan, kanya-kanyang kapalpakan, hihi, at kanya-kanyang saya rin – bakit ba?😉 hala, five years na kayo ryan? ay, sus, mami-miss nyo nga ang kapaskuhang Pinoy. sabi sa inyo, mag-organize kayo ng caroling among Pinoys dyaan – para kalog at masaya, hahaha.😉

      ah, kasi , Lo, mas feel nila ryan ang Thanksgiving than Christmas, hano? di gaya dito sa ating kina-career ng lahat ang kapaskuhan, patatawarin.🙂 kumbaga, social thing sa atin ang pasko samantalang sa Western tradition, parang private affair lang ang celebration. parang naiintindihan ko kayo, iba nga… ^^

      pero, parang maganda rin naman ho ang white christmas? cold and freezing nga lang, ehehe…

      ayon ang mami-miss nyo – ang mga kumakanta ng sa may bahay ang aming bati, jingle bells at ang pamimigay ng crispy bills sa namamasko. pwede nyo hong ipadala ang bills dito, hahaha at kakantahan ko kayo ng “ang babait ninyo!” hehehe.😉

      iba rin nga ho yata ang paskong Pinoy. Maligayang Pasko sa inyo at sa mga mahal nyo sa buhay!🙂

  6. Tama ka sobrang dami ng tao at sobrang sikip ng traffic ngayong kapaskuhan, lalo na dito sa Maynila. Pero wala pa ring kasing saya para sa akin kaysa sa Pasko dito sa Pilipinas. Maligayang Pasko sa inyo! Bumabati, Pinoytransplant.

  7. yun din yung gusto ko sa pasko satin eh yung tipong nagluluto ang lahat… tapos amoy na amoy muna halos nandun na yung nguso mo sa kaldero kakasinghot lol.. pinaka ayaw ko din yung sabi mong “14. May regalong pinagdudahan mo kung magugustuhan ng pagbibigyan. Tapos, tama ka – di nga nagustuhan, hihi.” ai grabe yan.. dapat naman na aappreciate dba? xa NA ngang niregaluhan xa pang di magugustuhan yung gift.. uber naman yun lol… MERRY CHRISTMAS poh!!! Sali ka sa contest ko,…

    • hello, Jeniffer… oo, di ba parang kakaiba ‘yong parang puro may nakasalang na niluluto sa bahay-bahay? parang makakakain kayo anytime? ahihi. about regalong di nagugustuhan, parang ganoon yata talaga. ang hirap na rin kasing mag-isip at mamili pag xmas season na – ang daming reregaluhan at sabay-sabay – kainaman na… on the other hand, di ba may gifts din tayong natatanggap na di rin natin gusto, hahaha. teynks for the invite sa contest, pass muna me. Merry Christmas, kapatid. Cheers!🙂

  8. Haha pinakapaborito ko sa listahan mo ay yung hugasin di na maubus-ubos hakhak. Nakakaaliw tawa ako ng tawa habang nagbabasa. “Parang mura ang ham” HAHAHA. Nakakamiss na magPasko sa Pinas, ibang iba kasi sa ibang bansa. Pero carry lang. Hakhak.

    • hello, batopik… ahaha, e, paano? karami nga laging hugasin pag bandang pasko, sa totoo lang. parang mura ang ham kasi ang daming naka-display at ang daming may bitbit, as in…😉

      at talaga naman, nami-miss nya Pasko sa Pinas (uwi muna, hehehe). may snow naman kayo ryan – white na christmas for real, hihihi. Magandang Pasko sa iyo, kapatid at sa mga mahal mo sa buhay.🙂 Hugs and cheers! ~ Ate San

  9. kanina galing ako ng mcdo at boxoffice . Kala mong libre ang pagkain sa haba ng pila. Parang andami ngang pera ng mga tao pag pasko.

    Bihira kami mag noche buena o maghanda pag pasko. Pag new year lang hindi pwedeng walang handa.

    14. May regalong pinagdudahan mo kung magugustuhan ng pagbibigyan. Tapos, tama ka – di nga nagustuhan, hihi. <– ano pa nga ba? hindi na ata mwwla to. wahhahaha

    Merry christmas ulit . Pangatlong merry christmas ko na to ate susan . lolz

    • hello, bagotilyo… ahaha, at box office talaga? baka libre nga, huh?😉

      o, sige, sa New Year na lang ako punta sa inyo, hihi…

      usually, regalo mo ‘yon sa taong walang regalo sa iyo, ahihi. wala syang regalo pero may expectation na sobrang ganda ng regalo mo sa kanya, haha. at mamahalin pa,hihi. ^^

      merry christmas pa din. ay, okey yon – you ensure that it’s happy, hahaha.😉

  10. Totoong nakakataba nga Ate San. Haha. Minsan nalang e. Hmmm. Natawa ko sa last, “Nagkukunwari ang mga pamangkin kong nagbabasa sila sa blogs ni Tita. ;)” Haha. Ang uutak na ng mga bata ngayon a! Haha. Merry christmas Ate San. Advance happy new year na din🙂

    • hahaha, paanong di tataba? panay ang panlilibre sa yow, kapatid, hahaha. oo, nagkukunwari talaga ang mga maldito’t maldita, patatawarin… Merry Christmas and Happy New Year din.🙂 natutuwa ako sa pagdaan mo. keep well, Rhence…😉

      • Sabagay. Ang swerte ko talaga ngayong taon, ang ge-generous ng mga tao! Lalo na sila Mama at Papa sa gadget. Alam ko kasi wala sa budget nila yun e, pero binigay pa din nila. Yieeee!🙂

        Hahaha. Eh effective naman ata ang strategy ng mga bata e. Sige lang sa pagbasa ng blog ni tita!😀

  11. Ha ha ha ansaya naman nito Ate San :p

    7. Nagtatanungan ang mga tao parati kung gagawa pa ba ng salad.

    8. Kulang lagi ang tomato sauce, sa kung anong dahilan.

    1. Parang maraming pera ang mga tao, hahaha.

    2. Parang lahat ay willing na gastusin ‘yon, haha uli.

    oo nga naman🙂

    • ahaha, naaliw ka? e, masaya naman nga usually ang paskong Pinoy. marami parating tao at maraming frenzy, bukod sa gastos, ahaha.

      oo, parating issue ang salad, as in… it’s a woman thing, i suppose… aba, talaga namang parang unlimited ang kaperahan pag pasko, patatawarin…😉

      happy yuletide, Aisa. Hope the new year will bring you more blessings. ingat dyan sa UAE.🙂

  12. ahehehe ramdam na ramdam kasi dyan ang kapaskuhan. Maingay sa kalsada, busy busyhan ang mga tao ahehehe

    At ang salad issue na walang katapusan. yung iba taon taon gumagawa ng salad eh hindi pa rin ma perfect ung timpla heheheh

    Anyways, happy new year jan sa inyo….salamat po Ate San

  13. Aba aba aba, parang ako lang ang nagsusulat ahh. ay, mali pala mas magaling ka sa pagsusulat, pero ito ang gusto kong style, de numero… happy new year san sana sa darating na taon makatagpo mo na ang ka -org mo.. lol

    • hello, kiko… pasensya na, this comment escaped me, pasensya naman…🙂 uu nga, may number, parang post lang ni kiko, hahaha. salamat, kapatid. sana ay magkatotoo ang wish mo for me…😉

    • kaway-kaway, pot… oo, pag nag-mid 30’s nararamdaman ng unti-unti ang gravity, mas mahilig umupo, hakhak. thanks, medyo busy ang start ng year. gusto ko pang magtutulog, hehehe.

      ingat ka rin dyan, kapatid…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s