Ang lumang kalye ng Arroceros

 

Ang lumang kalye ng Arroceros sa Maynila ay may bago nang pangalan – Villegas Street. Sa ngayon, mas alam ito ng mga tao bilang kalsadang bungad o pasukan ng SM Manila… Pero bago ang pagkakaroon ng nasabing mall, Arroceros ang tawag sa kalyeng iyon – bago pa man ako ipinanganak. Pag galing sa Mendiola Area, ito ang kalye pagkababa ng Ayala Bridge, pakanan. Pag dineretso ito ng lakad, ang dulo ay ang City Hall ng Maynila, palabas na sa pinakapangunahing kalsada ng lunsod ng Maynila, ang Taft Avenue. Sa kanto naman ng Ayala Bridge mismo, San Marcelino Street ang kalyeng nag-i-intersect sa Arroceros, kalsadang kinatitirikan ng Philippine Normal University (PNU) at sa banda roon pa, ng Adamson University.

 

SM Manila is located at corner Concepcion and Villegas streets. The latter was formerly known as Arroceros.

Ang higanteng mall sa Maynila ay nasa kanto ng dating Arroceros Street at Concepcion Street, lakad lang mula sa LRT Central Station/ skyscrapercity.com

 

Kilala ang Arroceros noong araw pa man. Una, dahil katabi ito mismo ng munisipyo ng punong kapital ng bansa. Ikalawa, sa kalyeng ito andoon noon ang headquarters, gym at recreation center ng YMCA, kahilera mismo ng Manila City Hall. Katapat naman ng YMCA building, punong tanggapan ng GSIS. Dalawampo’t limang taon na ang nakakaraan o mas maaga pa, pag-aari na ng GSIS ang building na pinag-oopisinahan nito ngayon sa Pasay at kinalalagyan din ng Philippine Senate. Pero, sa Arroceros Street nag-o-opisina noon ang GSIS, sa kung anong dahilan. Bukod sa may mga nagtitinda ng binalatang hilaw na mangga, banana que at nilagang mais sa Arroceros Street, may Ever Department Store din noon sa lugar, oo.

 

Image of Arroceros Street corner San Marcelino, in Manila

Ang San Marcelino ang unang intersection sa Arroceros Street, bago pa ang kanto ng Concepcion Street na kinatatayuan ng SM Manila ngayon/ panoramio.com

Iyon yata ang pinakamaganda at medyo sosyal na Ever na nakita ko, hahaha. Doon iyon noon sa kantong-kanto mismo ng Arroceros, pagkaliko galing sa Ayala Bridge. Pataas o elevated ang nasabing department store, pagkapasok sa establishment ay may escalator na bubungad sa shopper para makaakyat para magtingin o mamili. Dahil medyo kubli at may mga tanim na halaman sa palibot, parang pribado at ekslusibo ang ambiance ng Ever-Arroceros. Mukhang mga maykaya at may sinasabi rin ang marami sa mga namimili roon noon. Paglabas naman ng Ever, lakad-lakad ng kaunti paunahan, GSIS building na…

 

Noong panahong bagong salta ako sa punong lungsod, ang mga kapatid kong mas matatanda, sa Sta. Mesa pa nakatira. Pag hindi sa Cubao o Greenhills ang punta namin, ahaha, puro pa-Maynila na ang mga lakad – Recto, Sta. Cruz, Quiapo at Arroceros. O, kaya, sa Harrison Plaza o sa Quad Mall sa Makati – parehong sa Manila area pa rin ang daan – dadaan ng Quiapo o kaya Arroceros. Kaya, medyo buo pa sa isip ko ang itsura ng huli. Tanda ko pa ang mga nagtitinda ng sedula pagkalampas na pagkalampas ng YMCA building. Pero higit pa, tanda ko ang Arroceros dahil may dalawang taong naglalagi ako noon sa YMCA, kasama ang mga unang kaibigan sa Kamaynilaan. Naglalaro kami ng bowling doon. Duckpin pa, ahaha. Oo, ‘yong pins at bola na mas maliit. Pag baguhan nga pala sa larong ito, mas mainam mag-umpisa sa bolang magaan.

Ang YMCA ang isa sa natatandaan kong maganda sadyang laruan ng bowling. Ilan na rin lang noon ang establishments na duckpin pa ang bowling Β – sa Farmers sa Cubao, sa lumang building ng UP Alumni Association sa loob ng Diliman campus at sa Discovery building sa Sta. Mesa. Mayroon din yata sa Pasay, pero di ko lang napupuntahan at napaglalaruan. Ang mga mas kilala at mas may pangalang laruan gaya ng Celebrity Sports Plaza sa Diliman, tenpin na noon ang gamit. Pati ang mga andoon sa Timog, Katipunan at sa Greenhills. Mas mura din nga pala ang bayad sa duckpin dahil ang turing ay laro ito ng amateurs. May bowling lanes nga pala sa siyudad sa lungsod namin sa probinsya, pero wala pa kaming budget sa recreation noong andoon pa ako. Pagtuntong sa malaking lunsod, noon ko medyo sinulit, haha – sa UP Alumni at sa Arroceros…

 

Arroceros then and now look almost the same. The present mall at the area must have taken over where the old YMCA building was located.

Halos ganito na rin ang itsura ng Arroceros, 25 taon ang nakakaraan. Kung di ako nagkakamali, nasakop ng mall ang lugar na dating kinatititrikan ng YMCA building/ skyscrapercity.com

 

Madalas kami ng mga kaibigan kong makikita noon sa YMCA. Pag weekdays, ang nakakalaro namin sa bowling, judges sa Manila Regional Trial Court, haha. Siguro, nagsasawa rin sila minsang Β sila-sila lang ang magkakalaban kaya pinapatulan nila ang mga baguhan sa laro. Mababait sila sa amin, mga neneng kaming mapuputla at payat, hihi… May ilang pagkakataon ding ang kalaban namin, ang grupo nina Dindo Fernando, bago siya pumanaw. Si Dindo pala, drama king sa pelikulang Pilipino, 80s. Siyempre, noong una, starstruck pa kami sa kanya. Noong madalas na namin syang nakikita, di na kami naiilang. May isang beses palang natalo namin ang grupo nila, hihi. Inilibre kami ni Dindo, ang saya… Iyon ang kalakaran noon sa YMCA – ang matalo, manlilibre ng Sprite. Kami na ang nailibre ng artistang pagkaganda ng mata, hihi…πŸ˜‰

 

Image of a part of Arrceros Park, a few steps from the LRT central station and a short walk fro the mall

Kuha ng isang bahagi ng Arroceros Park, ilang hakbang mula sa LRT Central Station at kaunting lakad mula sa SM Manila/ flickr.com

Anyway, may LRT Central Station na rin noon sa lugar, katatayo lang nang time na ‘yon. Andoon na rin noon ang Arroceros Park pero iba pa ang itsura nito sa ayos ngayon. Dati, medyo parang munting gubat lang ang parke (hindi maintained) at may mga parte namang imbakan at tapunan ng mga katabing tanggapan. Pagdaan ng mga taon, magkakaroon ng isyu sa lungsod ng Maynila kung aalisin ba ang park at iko-convert na lamang sa pagiging commercial land. Sa pagkaalam ko, marami ang tumutol. Noon nakilala ang “ladies” ng Maynilang Β nag-depensa sa parke. Nagkaroon ng resolusyon ang lungsod para panatilihin ang kapirasong gubat sa gitna ng lungsod. Kaya hayon, sa ngayon, nadidiligan at naaalagaan Β ang Arroceros Park, ang immediate view sa likod ng Metropolitan Theather sa Lawton.

 

Hindi ko alam kung kailan eksaktong napalitan ang pangalan ng kalye ng Arroceros at naging Villegas Street. Siyanga pala, si Antonio Villegas ay dating mayor ng lungsod mula 1962 hanggang 1971, sakop ang panahong itinuturing na golden age ng Maynila. Sa kanyang panunungkulan naipatayo ang Quiapo at Lagusnilad underpass, ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila(PLM), ang Ospital ng Maynila at maging ang rebulto ni Andres Bonifacio sa Plaza Lawton.

 

Image of the old Arroceros street in Manila during the Spanish period

Ito ang imahe ng kalye ng Arroceros sa lunsod ng Maynila noong panahon ng mga Kastila/ tumblr.com(old manila’s account)

 

Mga kapatid, from memory lang itong kwento ko. Dagdagan nyo sana, kung may alam din Β – luma man o bago… Maraming salamat sa pagdalaw. Β Magandang pasko sa ating lahat!πŸ™‚

 

52 thoughts on “Ang lumang kalye ng Arroceros

  1. wala akong alam sa maynila, iwan mo kong mag-isa at paniguradong hindi ako makararating sa destinasyon. uuwi na lamang akoπŸ™‚

    ang ganda ng maynila noon ayon sa mga lumang larawan nito. at ang kalye nga ng arroceros, noong panahon ng kastila ay parang vigan (hindi pa ko nakakarating doon😦 ).

    ayan napalitan pala ng pangalan. ang tanging alam ko sa lugar na iyan ay ang city hall, siguro mga dalawang beses pa lang ako nakararating diyan.

    magandang araw po sa inyo.πŸ™‚

    • hello, Alvin… talaga? interesting na lugar ang Maynila, kapatid. hindi ka rin maliligaw pag nasanay na. maliit lang ang City of Manila sa land area, kung tutuusin… ^^

      ahaha, parang Vigan nga siguro ang Arroceros. commercial district daw ito noong Spanish times. pero unlike Calle Crisologo, hindi sya na-preserve, sayang… pagdagsa kasi ng migration sa MM, sa city of Manila pa rin nag-landing ang marami. considerable number ang nag-squat sa area lalo pa at malapit ito sa several universities and major government offices. ayon…

      hala, kung nakarating ka na sa Manila City Hall, chances are, lumakad ka na sa Arroceros. doon ang side ng munisipyo na may lakaran ng tao.

      magandang hapon sa iyo. salamat sa pagdaan at malugod na pagbati ng Pasko…πŸ™‚

  2. baka naman sinadya ni ginoong dindo na magpatalo para may dahilan syang maglibre ng mga naggagandahang chicks, este, kadalagahan na kagaya ninyo heheπŸ˜€ hello san, gandang post…pwede sa wikipedia hehe

    • hello, Patriot… ahaha, sana nga, gano’n kami kaganda, nyek… hindi, e. nag-improve yata ang batting average namin that time, enough para maka-tsamba, haha. previously, talo nila kami, syempre, hihi… btw, shortly after, papanaw ng bigla si Dindo F. sikat sya no’n, btw… ^^ ahihi, salamat. napaghahalata tuloy, ancient creature na ang lola mo, maryosep.πŸ˜‰ Merry Christmas…

  3. Mawawala si froggy sa Maynila. Iyan ang lugar na maliligaw ako! Hehehe iwas ako ng iwas dyan noon, tapos nung nag-ayos naman ng mga papeles papunta rito, lahat halos dyan sa lugar na yan dapat pumunta… Susmi! Buti na lang may LTR/MRT (hahahha station ang hinahanap ko!)
    *sa totoo lang di ko na alam kahit pagpunta yta ng luneta lalo n ng city hall at intramuros (maynila pa ba ang mga lugar na ‘yun? ^_^) pasensya naman…. Nabubuhay sa mrt/lrt hehehe

    • hello, froggy… ahaha, pagbalik mo rito at gusto mong pumasyal sa Manila area, sasamahan kita. btw, dyip-dyip lang tayo at lakad pag minsan, ha… punta tayo ng Mla. City Hall tapos, across lang noon ang Intramuros at kapitbahay lang ang Luneta, ahihi. ay, pinaganda na nila ang Luneta, improved na, parang labada, hehe. may fountain na maganda, three months ago ko lang na-discover, aksidente pa… ilang years from now ka pala uuwi? hehehe… regards at ingat…πŸ™‚

      • Sige. Lakad at dyip, masaya un. =) pwede ba daanan ang manila zoo, planetarium, at nayong pilipino ( bukas pa ba ang mga yon? ^_^) humirit pa noh. Basta ‘wag bike ha, di marunong ei hehehe
        Naku! Kelan na ba ako makakauwi? Malalaman pa sa isang taon…

        Magandang araw!

      • ahaha, may turista, hihi. pwede ang Planetarium, doon din lang ‘yon sa may Luneta. ang Manila Zoo, pwede rin, isang sakay lang, sa may Harrison Plaza na ‘yon. about 30 mins away kasi, matrapik… ang Nayong Pilipino, malapit na sa airport, kapatid. pwede tayong punta ro’n if may dalang sariling sasakyan. pag wala, hiwalay na lakad na. best syang puntahan pag nag-duty free ka, hehehe. pinaganda na rin nga pala ‘yon, medyo mas malinis na…

        btw, my suggestion is, pag Manila ang lakad, Manila lang muna… okey na mag-Arroceros then Luneta then dinner sa Intramuros, ahaha.πŸ™‚ medyo leisurely na gala na yon. isang cluster lang ang magandang puntahan sa isang lakad, matrapik kasi, hihi…. iginawa talaga ng itinerary, ‘no? basta, ang Intramuros, may pagka-dinner date na type ng lakad, pwede ring group lakad especially for ofws, ahaha.

        sige, tour guide mo me, hakhak… gandang araw!πŸ™‚

      • Akala ko katabi lng ng luneta ang nayong pilipino… =) di pala.
        Maganda din daw ang ocean park… =}
        Harrison plaza, sikat ‘yon noon. Nadaanan ko minsan ng naligaw hehehe. Sabi ko babalikan ko di ko n maalala kung saan hihi.. Pati yang ever n malaki n dindayo ng tao… Dami kayang sale( mas mura kumpara sa malalaking mall) dyan sa manila pag magpapasko….

        Tsk tsk traffic nga pala mauubos na ang oras! Kita kitz! *mukhang sa totoong pagkikita mahihiya n ng husto hehehehe (kailangan ba ng pasalubong? Hihi)
        SINGIT: kung ikaw ang tatanungin anong souvenir ang naiisip mo galing sa holy land? Survey hehehhe napapaisip kaming lahat dito…πŸ™‚

        …nagpapasaway n nmn hehehe

      • ahaha, hindi e.πŸ˜‰ punta tayo sa luneta, maganda na sya.

        kalapit lang ang Ocean Park, been there noong kabubukas pa lang. aircon ang loob at maganda naman. medyo at par na raw sa Ocean Parks abroad, sabi ng sibling at nephews kong been to other OPs na. pero, sus, medyo mainit sa lobby ng Ocean Park. situated kasi sa tabi mismo ng Manila Bay, open na open sa direct sunlight. guided tour sya so, at least 3 hrs for OP alone ang kailangan, dear.

        haha, ang dami mo palang gustong puntahan. you’d need about a week sa MM. hala, mag-check in ka na sa isang hotel or pension house to be able to reach all the places, hihi.

        teka, ilan na lang ang Ever na bukas pa, sadly. ang Ever-Commonwealth ang alam kong meron pa. medyo malayo yon, sa may pa-Fairview na, kapatid. di ko alam ang Ever-Monumento, kung bukas pa…

        btw, may bago kaming napuntahan ng sister ko last week.. sa Divisoria, 999 ang tawag. katabi sya ng famous na 168 (bilihan ng mura). in fairness, mas bago, mas maluwag at mas malinis na old-type of pamilihan than 168. mura din ang mga tinda. yon lang, mabilis akong mainip sa mga ganoon kasi, enclosed structure. after two hours, gusto ko nang umupo at mag-meryenda, haha. tapos, sa SM na mamili, hakhak.

        uwi ka muna tapos saka tayo gawa ng itinerary, hihi.πŸ˜‰

  4. Buti pa pag binabasa, na-enjoy ko ang Maynila haha… Last memory ko ng Maynila na na-enjoy ko talaga ay noon pang 1992, sa kadahilanang bata pa, curious at unang gala ko non sa nasabing lungsod. Pagbalik ko ulit noong kaya ko na ang bumyaheng mag-isa, susme, ubos sa taxi ang pera ko hahaha.. No’ng mga sumunod na balik, sundo’t hatid na ako lagi ng kamag-anak, yoko na magkipag-sapalaran sa lugarπŸ˜›

    pero noong nilalakad papeles ko, napilitan ring lumusong ulit sa lungsod ng mag-isa, may dala na akong mapang highlighted ang mga lugar na kailangan kong puntahan.. ganon paman, nahirapan parin ako haha.. di talaga ako mabubuhay jan (buong manila) feeling ko lang talaga. sa mga gaya kong nasanay sa payak na uri ng buhay sa probinsya, parang masyadong kumplikado lahat jan… lalo na ang byahe literally at ng buhay mismo.

    buti nalang may mga ganitong nababasa, mas simple, mas naiintindihan… from the point of view mismo ng nakaranas na ng mismong buhay-maynila..

    salamat kapatid… at pwede bang pasali sa lakad nyo ni Crazyfrog? haha..

    happy 12-12-12 palaπŸ™‚

    • haha, kakatuwa ang mga kwento mo, kapatid na biag… nai-imagine ko. a, naman kasi, acquired taste ang pagtira sa big city, palagay ko. kahit saan yata… tapos, ang MM pa, ang berserk ng pangitaing lungsod, ahaha. brutal, naked, impersonal and seemingly ruthless, as in…^^

      bakit, tingin mo ba, naka-adjust ang lola mo sa big city scenes? ahaha, bakit kaya ang unang site ko ay tungkol sa buhay kanayunan? naman… sanayan siguro, pabilisan ng reflex at kung paano mag-adjust… to a large extent, nakatulong na may mga nauna akong kapatid na nakatira at nakipag-sapalaran sa MM. tapos, yong mga naging friends, eventually. they helped me learn the ropes around the huge and confusing city, somehow…

      pero, as I remember, tatlong taon na ako noon sa big city, medyo feeling lost pa rin… feeling alienated, somehow. i remember that the first five years here, i would be taking long walks pag nakakakita ako ng long avenues na di matao, ini-imagine kong foothpaths sa bukid, haha. tapos, i also used to take long rides sa bus, end to end, ang baliw lang. pinapanood ko lang ang eksenang lungsod – gaano kabilis, kagulo at kaligalig, hihihi.

      sa makati, nag-work ako briefly. for some reason, di ako maka-adjust sa phase ng lugar at mga tao. madalas pa rin ako sa makati but i have this feeling, di yata ako bagay sa lugar…

      ahihi, sige, gala tayo nina froggy.πŸ™‚ sana, di ako mataba sa time na ‘yon para makapaglakad ng husay, hihi… hope things are well on your end. Magandang Pasko.πŸ˜‰

  5. tama po, acquired taste nga ang pagtira sa lungsod.. siguro mabubuhay rin naman kung wala ng choice haha.. I must say, Manila is one of a kind. at kung ang bawat lungsod ay may sariling language nga as what Elizabeth Gilbert said, feeling ko “survival of the fittest” ang babagay sa Maynila.. feeling ko lang naman hehe..

    sa totoo lang, medyo eng-eng lang rin talaga ako when it comes to traveling, naligaw-ligaw na ako many times but most of the time nae-enjoy ko yung experience. sa maynila lang ako medyo nagpi-freak-out pag naliligaw na haha..

    having said that… you are a true survivor and so are the rest of the folks na minsan ring naging dayuhan jan and made it through..πŸ™‚

    it’s getting crazy cold narin dito, pero sa awa ng Dios, weather is pretty much normal.

    happy Christmas rin powπŸ˜‰

    • ahaha, oo nga yata… yes, some people get used to it, though. hala, may category rito sa site na Maynila:Serye. it’s about the City of Manila bilang kakaibang lungsod among the cities sa MM. pag may time ka, do read the Sta. Mesa series. medyo inspired writing ‘yon, hehe.πŸ˜‰

      ‘lam mo, i don’t really know if i have survived it. more than 20 years na akong nakisalamuha sa MM pero feeling ko, small-town person pa rin, nyehehe. part of the reason yata why i started a blogsite about rural living was to come to terms with that side of me, to discard the small-village mentality within me and to be a bit more adjusted to a structured city life, parang…

      nakow, madalas din akong naliligaw pero bihirang nagpi-freak out. parang pag-i-explore na rin, kumbaga. problema ko lang pag naliligaw na mali-late sa pupuntahan. otherwise, i take down notes mentally and tinatandaan ang mga eksena at paligid, hihi. may pagka-writer weird ata talaga ang lola mo rito. ^^

      hindi malamig dito sa MM, oddly. sa probinsya, yes, ang ginaw… btw, gusto kong pumunta ryan. several years back, nag-try din me and i passed the requirements naman pero bandang dulo, kinabahan ako sa lamig at sa prospect na mag-isa sa malayo, hihi. recently, i’ve been rethinking about it, nyehehe. enjoy the season and its cheers, kapatid!πŸ™‚

      • sige po, dadaanan ko yan one of these days… salamatπŸ™‚

        being able to stay there for 20 years and actually excel sa larangang napili mo is already a great accomplishment, knowing Manila, medyo mahirap at marami ang ka-kompitensya.

        maganda nga rin maligaw2 if walang appointment na pupuntahan. the excitement of not knowing what to expect, the surprise of discovering certain places unexpectedly… is just awesome. ako nga rin may kung anong weird stuffs na iniisip sa tuwing bumibyahe ako, lalo na yung mga long hour trips.. the manila-ilocos road (10-12hrs by bus), para ko na syang diary haha.. saya lang, namiss ko tuloy lalo umuwi..

        about coming here, why not? the cold ang the ‘being alone’ away from home is nothing compared to surviving manila (opinion ko lang hehe). but I must say, dapat walang pagdadalawang-isip kung gusto mong makipag-sapalaran dito, otherwise madi-distract ka talaga sa mga ‘what ifs’..

        I guess may mga konting pagbabago na sa mga requirements and processing.. check mo sa http://www.cic.gc.ca

        sana nga, magtagpo landas natin sa streets ng Vancouver balang arawπŸ™‚

      • ahaha, salamat. no pressure there, btw…

        a, di naman nag-i-excel, patatawarin. i’ve written a few important ones daw, sabi and have organized certain projects na parang may sense naman, hihi. but kung pag-i-excel, malayo pa siguro… malayo pa sa success na sinasabi, hakhak.

        btw, you’re from the north, dear? medyo gala ako ryan dati, from baguio pataas… pati sa mga islands mas malapit na sa Taiwan, haha. kalalayo… ano ‘yon, parang TY ng mga nagpapasulat sa lola mo. kaka-miss ang pansit cabagan, sarap…πŸ˜‰

        a, dati ang may pagdadalawang-isip. this time, parang that’s what makes sense na. pero, ginawin talaga ang lola mo and i have thyroid problems, pati…

        pero like ko ang sabi mong those are nothing compared to surviving Manila, hehe. makapag-apply nga uli. pero, shaks, di na siguro same ang makukuha ko sa point system.πŸ˜‰

        thanks for the info. will check that out, dear.πŸ™‚ ang sosyal mo, sa Vancouver ka! sa outskirts and suburbans lang ang iniisip ko, whehehe. good day!

      • taas naman ng standard mo sa salitang ‘success’ whehehe… accomplishment parin yan, ako nga magising lang at makabangon ng maaga, tinuturing ko ng accomplishment eh..πŸ˜›

        am not really from north… but both of my parents don ang roots nila.. nagagawi lang ako don pag nagbabakasyon at pag dinadalaw tatay ko. I was born and actually grew up sa southern part ng Mindanao.. di pa ako nagawi sa unahang bahagi ng baguio at hanggang pagudpud palang ako sa pa norteng route… sarap talaga magliwaliw lalo na pag sponsored ahehehe..

        nakow, kung ginawin ka dito kana sa Vancouver… dito na yata ang pinaka ok ang temperature sa buong Canada. -10 lang ang extreme cold na naranasan ko so far dito while sa neighboring province (Alberta) naka -22 na sila sa ganitong panahon hehe..

        kaya na yan pag andito kana… sus, kaw pah!

        cheers!πŸ™‚

      • ahaha, ganoon ba ang tunog? ah, with my recent spate of problems, sobrang baba na ng definition ko ng success, hakhak. ayon, yong sabi mo, makabangon lang at makagising, maka-toothbrush, hihi. seriously, nag-iiba-iba siguro ang definition of success natin over time, feeling ko lang…

        ayon, oo nga, taga-Mindanao ka. hindi ko pa explored ang bandang Mindanao. sa North and the Visayas, mas nagala ko na. masarap pag sponsored, hihi pero masarap din naman pag sariling expense, parang turista lang, ahaha.

        talaga, sa Vancouver na medyo warm? btw, ikaw ‘tong mahusay, parang nakapag-adjust ka na somehow… hindi ko ma-imagine ang lamig pag nagni-negative na, as in… ^^

        shaks, sabi mo, e. ajah, ajah, fighting!πŸ˜‰

  6. Ramdam ko ang nostalgia sa iyong mga salita kahit di ako masyadong familiar sa lugar. Napapadaan lang ako noon dyan kapag trip kong magliwaliw. Kahit luma na ang Maynila, may kakaiba parin syang karisma sa tuwing aking binibisita. Muli ko iyong naramdaman sa pagbasa ng iyong alaala na nakakapagbigay kahit papaano ng ngiti.πŸ™‚

    • hello, June… Merry Christmas, kapatid!πŸ™‚ ahaha, nostalgic ba? ah, kasi pag napupunta na ako ro’n recently, sm manila na ang bubungad agad at matao na masyado and commercialized, as in… e, yong YMCA bldg na ikinukwento ko, mababang building lang sya, american type ng building, wooden ang sahig tapos style na may porch pa. basta…πŸ˜‰

      ay, correct – Manila has a certain mood and feel to it, ba’t nga ba? salamat at napangiti ka… hope you are well. thanks sa pagdaan.πŸ™‚

  7. Wow ang galing naman ng memorya ng ale. Bigla tuloy na naglakbay ang aking isipan sa panahon na nagpaikot-ikot ako sa mga paligid na iyan. Hindi mo yata nabanggit ang dalawang establismento mula GSIS hanggang sa makarating ng tuloy papuntang Quiapo….ang PVAO at ang parang military barracks na structure….na parang may nag-oopisina na DepEd yata. At tama ka may Ever dun sa kalye na iyon na malapit sa GSIS.

    Maligayang PasKo rin po!!!! nakaka miss ang nagkakaroling….

    • hello, Lolo… kakatuwa, finally, dumaan na kayo uli…πŸ™‚ a, naalala ko lang ho ang lugar kasi recently, nakailang punta kami ng sisters ko sa Manila area. may dalang sasakyan and each time, nagkakamali si driver sister sa pagliko, naba-bog down kami sa Arroceros area, haha, di nya alam lagi ang maniobrahan at kung saan-saan kami nag-i-end up, hakhak.

      salamat ho for the added info, Lo… di ko ho alam na PVAO and Dep Ed yoon, pasensya na. pero, yes, marami nga ho akong nakikitang veterans sa area noon at meron nga hong structure na parang barracks. hihi, ang sama nyo…πŸ˜‰ tama ho, ba – parang sosyal na Ever ‘yon? hihihi.

      ay, sows, magkaroling kayo sa mga Pinoy households dyan, hihi. Magandang Pasko po.πŸ™‚πŸ˜‰

    • ahaha, oks lang, kapatid. ganda naman ng boses mo, narinig ko na… ikaw na ang parating in love, believe na me, ahaha.πŸ˜‰ btw, nakita ko na si rico J in person, a long while ago. ube ba naman ang suot na americana, shaks. kumusta? magandang pasko sa iyo! ikaw na ang may kayakap…πŸ˜‰

  8. mukang namimiss ng isa riyan ang mga lugar na kahit papano ay humubog sa kanya. lalalala…

    Mali ang hula mo. nauna ka magkaroon ng post kesa sakin. hahahaha

    MErry Christmas ulitπŸ™‚

    • hihi, ang kulit, tourist guide sa Arroceros. oo nga, no? ma-kompetensya ang tourist guides sa tapat, sa Intramuros, hehe. tara, exchange gift. ano palang i-e-exchange natin – mga salita? hahaha.

      ang ganda ng last post mo. anlagay, di ka pa inspired magsulat nown…πŸ˜‰

      • hakhak. puro salita na lang hahaha. ang hirap pala pag virtual friends lang, pati yung regalo intangible. hakhak.

        ay tenkyu po. hakhak. kapag wala palang laptop, nakakabuo ng mala-balagtas na entry. pero pigang piga na utak ko nun. haha. parang pag gumagawa ka ng mga sulating pormal sa hayskul o pamproject, parang ganun, pilit lang na may maipost hakhak.

      • anlagay, pwede mong gawing tangible i.e., in the form ng bars-bars ng chocolates, hihi. gusto ko ang almond na coated, limang kahon, hihihi. tutal, borderline diabetic ang lola mo at feeling ko, sandali na rin lang ang ilalagi, hihi.

        a, talaga? ay kalalim, e… kalalim mong magmahal, kapatid. kawawa, slash that, maswerte ang tatamaan ng iyong pagtatangi, hakhakhak. seryosong pag-iisip sa paksa ng pag-irog err, pag-ibig? kakasakit nga ng ulo. sino ba ang naka-imbento ng unrequited love na yan? hihihiπŸ˜‰

      • borderline pa ng pagkadiabetic. saws. hakhak. oi wag ka magsalita ng ganyan, bata ka pa.. wala ka pa sa kalahati. matagal pa yan! hehe. basta ate email mo sakin address mo, i-stalk kita. hakhak.πŸ˜„

        hahaha! kawawa. pero nung binasa ko ulit, feeling ko para sa akin haha kung paano ko tinatanggap ung mga tao. parang ganun. pero ewan ko ang moody ko magsulat hirap pala maging makata. hakhak.

      • ahaha, lampas na ako sa kalahati, kapatid. diabetes, cancer, heart attack – alinman dyan, anytime, hakhak. kaya gumawa na ako ng blogs, para may marker, somehow. madali kasing makalimot ang mga tao ngayon. it’s the times, i’d hazard…πŸ˜‰

        ahihi, talagang kakambal ng pagsusulat ang anguish and agony – before and after. minsan pati during, hakhak… binasa mo ba dati ang post ditong Kayo Po ang Pipili? ikinwento ko ro’n ang journey sa paggawa ng tula – paano pinipiga ang wala, ahaha. you’re on your way to a writing path, dear. write on!πŸ™‚

  9. PS. Ang gara, kalaban sa bowling ang mga judge ng regional trial court, pati na rin artista. Wow! Bigtime na big time! Diba ikaw din yung may utang kay (composer/song writer nakalimutan ko ang pangalan–gary granada ba?) tapos nung ibibigay mo na ang bayad e, nakalimutan na niya at parang friends na lang kayo? Tama ba pagkakaalala ko o sa ibang blog yun? Hehe.

    • haha, oo, RTC judges and artista, kami na… mukha kasi kaming harmless no’n. di pa naman nila alam how we would turn out later on, na potential menace kami sa lipunan, hihi.πŸ˜‰ a, oo, ako nga ang nangutang kay gary g. tapos binackslap-backslap nya no’ng nagbabayad. he found me naive. nakikita na naman nya ako from way before, tanda nya ang face. akala nya siguro, typical manwawatutri ang lola mo, hahaha.πŸ˜‰ cool si gary, btw, makulit sya…

      • haha potential menace! buti nang natalo niyo sila one time, hindi nila sinabing “see you in court”. hakhak joke. di na naglilista ng utang si gary g, makikiutang nga ako dun para libre na. hakhak.

      • ahaha, pangmasang laro yon no’ng late 80s, kapatid… noong sina Paeng Nepomuceno at Tito Sotto pa lang ang naglalaro, pang-mayaman, hahaha. pero nag-trickle down na sya over the years, naging part na ng buhay-opisina ng mga tao by the 80s. unang exposure ko sa laro was elem pa yata – sa mga ate ko at bfs nilang may inter-office competitions.

        btw, ang mahuhusay noon were sina Tito Sotto and Redford White – sa tenpins, ha? sa Celebrity Sports Plaza ang best bowling lane noon. Naka-permanent doon (dati) ang scores nila sa games – mga perfect ang set or one to three mistakes lang. para na rin silang si Paeng, medyo hindi tao, haha.

        btw, mas mura pati ang duckpins, afford ng mahihirap, hakhak… pero, yes, these days, kokonti na bowling alleys – di ako masyadong nakaka-afford nito. mahal sya ngayon, hihihi…πŸ˜‰

  10. mahina ang memorya ko sa ganitong bagay. wala pa ang SM Manila nung nag-aaral ako sa Adamson. Nung nagkaroon na ng SM Manila, hindi ko na maalala kung anung meron dun dati. Kung ano ang itsura ng lugar na yun dati.

    • ahaha, sa AdU ka pala nag-aral. may friends ako from there, matatagal na nga lang, hihi. Eng’g students sila. tanda ko pa ang itsura ng Sn. Marcelino – karaming kainan sa gilid. tapos, pag from Taft naman ang daan, may long walk mula sa Masagana Mart. ahaha, tama ba? btw, kailan lang naman ang SM Manila, kung tutuusin… happy weekend and happy yuletide season.πŸ™‚

    • ahaha, that’s alright, Ren… it’s just a post telling ancient tales about the old Arroceros street now called Villegas. On the same street stands SM Manila today.

      Magandang Pasko sa iyo. Sana ay maging puno ng kasiyahan ang iyong yuletide season, pati na rin ng pamilya mo.πŸ™‚πŸ˜‰

  11. san!! *kaway-kaway* tanda ko pa ang YMCA.. jan ako dati nag aral ng swimming at karate.. daming memories jan.. maganda tong post mo. brings back memories ika nga.. ehehehehe.. napansin ko lang.. iba ang pag “hihi” mo kapag naglalaro kayo ng duckpin ah.. may pagkakikay… ehehehehehe

    • Pot! kaway-kaway… ahaha, ikaw na ang may birthday pag pasko, ang galing! sana ay nalasing ka at sumaya… hala, ikaw pala ‘tong dapat gumawa ng post about Arroceros…. ahehe, na-enjoy ko ang bowling noon. ngayon, kokonti na ang bowling lanes at ang mahal na rin, hihi. di na rin ako ganoon kahusay (dati nakakatsamba)… Merry Christmas, Pot. enjoy the yuletide season.πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s