Kwento-kwento muna

 

Hello, mga ka-blogs! Pasensya, napatagal na walang posts… Busy-busyhan ang dramarama ng lola nyo, hahaha. Anyway, wala pa rin akong gaanong time at wala rin sa hulog para mag-edit ng mga dati nang naisulat o gumawa ng bago, pambihira… So, ayon, kwento-kwento muna. Huntahan na lang… ^^

 

image of the book cover of Grace Paley's book, Little Disturbances of Man

Sabi sa isang review, mas maganda pa raw ang isa niyang akda, ang Enermous Changes at the Last Minute/ betterworldbooks.com

Ano bang meron banda rito? Shaks, wala yata, kakahiya… A, yon pala, kwento ko na lang ano’ng binabasa ko – libro ni Grace Paley, isang American author.ย The Little Disturbances of Man ang pamagat. Koleksyon ito ng short stories. Magaling, ang husay nyang magsulat, as in, kakabilib… Iba ang handle nya sa bawat istorya, nakakamangha. Katulad ng maraming makabagong may-akda, realism din ang approach nya. Ang kaibahan, hindi masyadong masakit o nakakagasgas ng damdamin ang istilo nya. Parang portrayal of life as it is, as it unfolds, kumbaga…

Late ko nang nadiskubre ang author, sayang. Halos dalawang taon pa lang ang nakakaraan simula noong una kong masalubong ang mga sulatin nya. Ang alam ko dati, mas kilala siya bilang poet, feminist na may strand na socialist ang kanyang pananaw. Ang unang libro niyang nabasa ko, koleksyon ng mga tula –ย Fidelity ang pamagat. Ang husay din niya roon. Matapos yaong basahin ng lola nyo, nakagawa rin sya ng dalawang tula, haha… Ang trying hard lang, as in. Nailimbag pala ang mga iyon sa DPSA – ang Dito at Akala Natin. Itinulak at impluwensyado ni Lola Grace Paley ang mga nasabing likha.

Ganoon siya kahusay, tipong mapapatula at mapapasulat ka rin pagkatapos mong basahin ang kanyang mga isinulat, hihi… Anyway, sa pagkaalam ko, hindi lang ako ang naapektuhan niya ng ganoon. May mga nabasa na akong write ups tungkol sa published authors sa U.S. na nagsasabing si Grace Paley ang pinagkuhanan nila ng sipag at inspirasyon. Mayroon pa ngang isa na ang kwento, kaya raw siya naging makata dahil noong araw, isa-isa nyang kinokopya sa sulat-kamay ang mga tula ni Grace Paley, ahaha. May mas adik pa pala sa akin… Pero sa pagkaalam ko, ilang libro na ang nailimbag ng nasabing may-akda at sikat siyang author sa America. Hayon…

 

Anyway, ganito… Ang kwento, gaya ng nasabi ko na sa About Page, hindi halos ako nagbabasa in the last two years. Medyo break ang lola nyo sa pagbabasa. O, di ba, ang weird lang? Oo, siguro, mga limang libro lang ang nabasa ko sa loob ng dalawang taon, simula nang mag-blog. Pero, mahigit isandaang libro pa rin ang nabili ko for the duration, hehe… Bale, ang deal namin ng sarili kong ewan, I’ll use my time for reading para mag-blog, ahaha. Medyo marami na kasing nabasa ang lola nyo, kung tutuusin. Ordinarily, nakakabasa ang lola nyo ng 10 to 12 books sa isang buwan, ganyan ka-adik… Mga walo roon, fiction, ahaha.

Weird, sa paningin ng pamilya ko at ng ibang tao, as in. Pero sa mga kaibigan at kakilala kong mahihilig ding magbasa, ayos lang… Ang pagbabasa, sa karanasan ko, sanayan din. Pag sanay na, nagiging speed reader na somehow at mabilis na ring mag-pick up ng ideas, parang… So, anyway, conscious decision on my part na mag-break muna sa pagbabasa. Less inputs, kumbaga at mag-output muna. Mag-practice magsulat sa pamamagitan ng blog, sumubok sa creative writing na sinasabi… Matagal na ang lola nyong nagsusulat, mahigit 20 taon na. Pero, karamihan sa mga iyon, mahirap sabihing malikhain – dry, factual and technical ang kadalasan. Kung ma-emo man ang marami sa nabasa nyo rito sa blog, siguro dahil marami sa mga naisulat ko so far, walang gaanong emosyon.

Ayon, na-enjoy ko naman ang break sa pagbabasa at naaliw naman ako sa pagba-blog, haha. Iyon lang, kai-kailan, na-realize kong nami-miss ko na rin pala ang written words ng iba (na hindi blog at di sa computer binabasa) so, nagbasa nga uli – ng Grace Paley. Ay, sobra siyang nakakatuwang basahin, sulit… Ang isa pa nga palang paborito kong kwentista, si Alice Munro, Canadian short story writer. Marami sa mga aklat niya, nabasa ko at sobrang masaya ako pagkatapos. Ang husay rin ng ale, ang galing niya sa nuancing at pag-recreate ng lumang era. Ang style nya, parang ang kwento, nangyayari mismo sa harapan ng nagbabasa. Ganoon…

 

Pero gaya nga ng naikwento ko na dati pa, ang pinaka-paborito kong nobela, Their Eyes Were Watching God, na isinulat naman ni Zora Neale Hurston, isang anthropologist na black. Sakali, balang araw, kung magsusulat ako ng nobela, gusto ko sana, parang Their Eyes… Ahaha, ang ambisyosa lang… Anyway, di naman masamang mangarap, sabi…๐Ÿ˜‰

 

image of Genvova Edroza Matute, professor and award-winning writer

Karamihan sa mga kwento niya ay may pitik ukol sa kabalintunaan ng buhay/ varsitarian.net

Ikinwento ko na rin sa DPSA, ang paborito kong local authors, sina Genevova Edroza-Matute at Kerima Polotan-Tuvera. Mahuhusay silang manunulat, as in… Si Edroza- Matute, professor siya ng ilang dekada sa Philippine Normal College (college pa lang noon) at naging pinakamataas ring pinuno ng nasabing eskwelahan, hanggang ย ito ay naging university na… Sa pagkaalam ko, may mga naisulat siyang textbooks. May isa akong nabasa, nakita ko lang sa sale ng UP Press… Hindi ko talaga malilimutan ang Ang Kwento ni Mabuti, short story ni Gng. Matuteng nanalo sa patimpalak. Iyon ang kwentong nagturo sa akin ng sinasabing poignancy in writing. Tungkol yaon sa isang batang estudyante na nawe-weiduhan sa guro nyang may expression na “mabuti” o kaya, “mabuti naman.”

Si Polotan-Tuvera naman, isang manunulat, features writer siya sa magazines, ย panahon ng Martial Law, sa Philippine Free Press at sa Graphic yata. May mga panahong nagtuturo rin siya sa unibersidad. Ang mga kwento nya, in English. Karamihan sa mga iyon, serialized pa, ahaha. Uso ‘yon noong araw – ang mga kwento, inililimbag by installment. Kaya, kailangang talagang mahusay ang pagkagawa para kaabang-abang, ahaha… Middle class stories ng isang asawa at nanay ang marami sa mga naisulat ni Polotan, paano sinu-survive ang domestic scenes. So, yon, siya ang natatandaan kong may mga kwento ng pag-aalaga at pagpapalaki ng anak, challenges ng pagtuturo ng gerunds and infinitives at kwentong girl bonding ng mga aleng nagsipag-tabaaan na nang mag-asawa, hihihi. Ayon.

 

Anyway, boring ang mga kwento ko, pasensya na (parang ako lang, haha). The last two weeks pala, medyo I took time din na makinig-kinig ng music at manood pag minsan ng TV, as in… Iyan ang excuses ng lola nyo ba’t walang bagong posts, hihi. Ordinarily, hindi ako mahilig manood ng TV. Hala, pwede ang lola nyong isang linggong hindi nagbubukas ng telebisyon. Tapos, sa music, mga dalawa o tatlong beses isang buwan lang ako nakikinig-kinig, ganyan. Pero lately, mas madalas na, hahaha…

A, ang isa ko pa palang kwento, na-virus attack pareho ang SSA at DPSA nitong last ten (10) days, hindi nakakaaliw … Dati, less than 10 spams sa loob ng isang linggo kung magkaroon. Aba, lately, nireregaluhan ang lola nyo ng hundreds sa isang araw. Gusto yata, career-in ko ang unspamming, hahaha… ย Wala, di lang pinansin. Wala pa yatang 200 ang nadi-delete ko, bahala sila…

 

image of a typewriter being used to write stories

Pag minsan, nauubusan din ng maiisulat/onesourcetalent.com

 

Anyway, hindi ko na alam paano tatapusin ang walang ka-torya-toryang istorya, haha…ย Wala pa rin nga pala akong bagong post sa DPSA, kainaman na… Kung magagawi kayo ro’n, basahin nyo na muna ang Sa Aking Paninginย –ย pinaka-mushy, pinaka-cheesy sa lahat ng nailimbag ng lola nyo, haha. May mga mas cheesy pa, actualy… Pero sus, ba’t ko naman ililimbag? Hihihi… Teka, para sulit naman ang pagtityaga ninyo till this part, ikwento ko na rin – ang taong tinatalakay sa nasabing post, ang unang pagsintang purorot ng lola nyo… Org mate ko sya noon, six footer na mama, ang unang yumakap-yakap sa akin freely, haha (Pweh ba? Pweh?). Ah, hindi nya ako girlfriend. Ang GF nya no’n, orgmate din namin.

Anyway, sexy ang mamang ‘yon. Wala pa ring beer belly ang mokong, married with kids na at may sama pa rin yata ng loob sa akin, shaks lang. Nag-uusap naman kami pag nagkakasalubong. Pero till now, di pa rin sya tumitingin pag magkausap kami, haha. Hang delinquent lang… Kagalang-galang siyang nilalang, pag makikita nyo… Siya rin nga pala ang isa sa andoon sa ba’t mo nga ako iniwan?, pangalawa sa istorya – iyong umiiba ng daan, hakhak. .. After all these years, nakukuha pa rin nyang maggalit-galitan, ang tatanda na namin… Likely, iyon ang dahilan bakit si orgmate pala ang nag-inspire ng ganoon kakesong lathalain. Sa conscious part ng sarili ko, ang alam ko, matagal ย na syang nalimutan. Oo, pramis, isang century na kaya ang nakakaraan? ^^

 

Pero ‘yon, since talipandas ang blogging as an activity, kung sinu-sino ang ini-extra, hahaha… Anyway, noong sinusulat ko ang post, hindi ko rin naman alam na siya pala iyon…ย Sa akin kadalasan, isa o dalawang linggo pa pagkalathala ng post bago ko mai-place kung sino ang taong nag-trigger, nag-inspire o nagtulak sa panulat, lalo pa kung cheesy, haha.

 

Kayo, alam nyo ba pala agad habang nagsusulat kung sino ang pasaway na nagtulak sa inyong panulat?

ย 

Ay teka, sino nga pala ang paborito nyong author?๐Ÿ˜‰

 

38 thoughts on “Kwento-kwento muna

      • si watsuki ang gumawa ng rurouni kenshin (samurai x), at si grant morrison naman sa ilang x-men at batman comics hehe nagustuhan ko si dostoevsky nung highschool kasi parang magkautak kami dati pero nagbago na ‘ko ehehe…musta na pala yung mga virus sa blog mo? di ba ‘ko mahahawa? (takip ng bibig at ilong)

      • ah, di ang huhusay nila, as in… may books din sila or essay collection on their works? usually very insightful pag ang artist or creative na ang nagsulat about their concept ng cartoon work… ^^

        ang big time sa Lit ng HS mo, may dostoevsky na agad, ahaha. estrangement, alienation ng individual sa sarili ang works nya kaya malalim and vaguely religious, hehe. dapat di ka muna dostoevskyish – young professional and newly married ka, aha… o, positive outlook dapat… sa art na lang ang touch ni fyodor, hehe.

        di ko pa alam kung contagious ang viruses, kung air-borne o hindi, hwahaha. ano sila, galing sa e-forum ng gma tv, pinoy tv etc. parang naka-copy furnish ng chats/conversations doon.๐Ÿ˜‰

      • graphic novels lang ang alam kong ginagawa nina morrison at watsuki, except kay miller…si dostoevsky talaga ang idol ko nung HS kasi naiintindihan ko yung pilosopya na inilalagay n’ya sa katha n’ya…mabuti na lang at wala pang blog nung HS ako at malamang eh tungkol sa anarkiya ang naging tema ng blog na ‘yun haha

        nagbagong buhay na nga ako at interesado na lang ako ngayon kung paano mapapakain ng gulay ang anak ko๐Ÿ˜€

        mabuti at hindi contagious ang viruses ng iyong blogs hehe subukan mo yung super anti-spyware para sa pc mo, libre lang๐Ÿ™‚ pupurgahin n’ya yung malicious programs na maaaring nakatago sa iyong pc๐Ÿ˜‰

      • a, sige, hahanapin ko ang graphic novels nila, baka sakaling i-sale sa National, haha. darkness of the human soul ang menu ni dostoevsky, tama ba? pero, ang galing nya, as in. ang medyo hawig nya ang topics, si Joseph Conrad, another Russian, haha. ang Russians talaga, mahihilig sa grim and dark, hihi. anarkiya talaga?๐Ÿ˜‰ hey, may post ako rito sa SSA, Walang Bukas, title.

        ahaha, mas life-like at mas mahihirap na ang concerns mo ngayon, kapatid. hakhak. balitaan mo ako pag success na.๐Ÿ˜‰

        o, sige, paano at saan nakukuha ang super anti-spyware. matagal na akong di napupurga errr, nakakapag-purga pala, hihi… hello, patriot๐Ÿ˜‰

      • heto ang link para sa anti-spyware- http://download.cnet.com/SuperAntiSpyware-Free-Edition/3000-8022_4-10523889.html

        quickscan ka lang once every 2 to 3 days at magugulat ka sa dami ng mga naa-accumulate nating spyware o trojan programs sa pag-surf lang ng internet๐Ÿ™‚

        magaling talaga si fyodor dahil writer, preacher, philosopher, psychoanalyst yun na hinalo sa isang utak…sa talino n’yang ‘yun, namatay pa rin s’yang mahirap, ang lupet lang talaga ng buhay๐Ÿ˜ฆ di ako pamilyar kay conrad hehe

      • salamat dito, ha… talaga, geometric progression ang pagdami? shaks! ako pa naman, ma-google, hihi. teynks.๐Ÿ™‚

        a, oo, probe nga into the human soul – kasama ang dirts, slime and grime – hihi, ang ginagawa nya sa kanyang novels. hindi yata sya kasi aristocrat, unlike Tolstoy na sadyang may wealth and social standing… saka, ano, society seldom rewards the literati and the artists, e.. hindi lucrative ang writing as a profession.

        si Joseph Conrad, Russian din by descent pero English ang in-adopt nyang citizenship. magaling din sya, sea voyage ang marami sa works nya. karami rin ng inside look sa human soul, hehehe.

        may isa pala akong write-up sa DPSA, Dantay, inspired by one of Conrad’s works, hayon… peruse his works, pag may time ka… a, magkakabarkada sila nina fyodor sa list ng great writers of the 20th century, sabi…๐Ÿ™‚

  1. wala yata akong kilala doon sa mga nabanggit mo na authors maliban kay Matute at yung kwento niyang Paglalayag sa Puso ng Isang Paslit (Tama ba ang pamagat?)
    Pero paborito ko si Bob Ong at Lualhati Bautista. Hindi ako mahilig magbasa ng English maliban na lang doon sa mga librong sikat ni Dan Brown at J. K Rowling. Yung ibang libro, ewan ko, inaantok ako, hahaha.
    ganun ka pala magsulat? yung tipong after few days mo pa nalalaman kung sino yung nag-inspire sa yo? weird lang, hahaha. ganyan siguro kapag emotions talaga ang ginagamit sa pagsusulat.
    ako, kasi, kumukuha ako ng pira-pirasong karanasan ng isang kakilala tapos idadagdag ko dun sa isang karanasan ng isa pa. Yan, ganyan ako nagbubuo ng kwento,
    at natawa ako sa “talipandas ang blogging activity”..

    • hello, lipadlaya… ahaha, siguro kasi, di sila ganoon kasikat dito sa atin. A, Paglalayag sa Puso ng Isang Bata (pero mas maganda ang sa iyo – paslit, parang mas poetic, hihi). magaling si Matute.๐Ÿ™‚

      wala pa akong nababasang Bob Ong, sadly. hamo… Lualhati Bautista, check. i have read most of her works. how about Edgardo Reyes? mahusay rin sya, mas bago-bago than Amado Hernandez and Lope K. Santos. pero may hawig ang kanilang mga panulat – temang pagbabalikwas, hehe.

      ini-scan ko pa lang ang works nina Dan Brown and J.K. Rowling. parang easy read and maraming hooks. hahaha, iyon daw ang tawag, kapatid, hooks. para mag-turn ka ng next page… i have read several JK Rowling essays and speeches, though. saka ko na babasahin ang Harry Potter… ^^

      haha, weird ba? medyo ganoon, e… sabi naman kasi, ang pagsusulat daw, interplay ng conscious and subconscious natin. ang conscious, para sa informative na content and methodical na approach while ang subconscious, para sa spontaneous and creative part of it, sabi… ^^

      sabi, sa blog writing, malaki ang part ng subconscious, in the sense na ito ang naglalagay ng “landi,” sa panulat. that must be why it is “talipandas.” hihihi.

      hala, mas conscious part ang dominant pag nagsusulat ka? ahaha, pero natutuwa ako sa mga hirit sa christmas tree post mo, hehe.

      hope the rest of the week will be good to you and your loved ones. regards๐Ÿ™‚

    • hahaha, ang akda ay tungkol talaga sa yakap.๐Ÿ˜‰ hihi, apparently… ang style nya, kinukuha muna ang dalawang kamay (ko), ilalagay sa lower back nya, saka mantitig ng matagal bago mam-bear hug. ma-style din, hakhak.๐Ÿ˜‰

      yes, maayos naman, pinipilit, hahaha. hope things are well on your end. salamat sa pagdaan๐Ÿ™‚

  2. TALIPANDAS! Hakhak. Ayeee. Bat naman siya galit sayo? Teka, ano pinapanood mo, ate? Panoorin mo Emily Owens, MD. Kaso ongoing pa siya.. Palabas ata yan dyansa ETC, kung ano mang channel nun, every tuesday daw. Hakhak. Ang tamad ko na rin magbasa, puro na lang ako nood. At sinabi mo pa yang spammers, at puro Tagalog pa. Haha. Ako nga inempty spam ko na, nakakainis yung ibang spam na nakakalusot napupunta sa comments. Hakhak. Paborito kong author na Tagalog si Jun Cruz Reyes saka Allan Derain. Pero paborito kong basahin e mga essay (?), nagpublish ang PDI ng Young Blood, series of essays (?) mula sa Philippine Daily Inquirer. Wahakhak. Parang pinakilala ng guro ko sa Journalism si Gng. GEM, pero hindi pa ako nakakabasa maski isa ng libro niya. Hakhak. Wala lang.๐Ÿ˜„

    • haha, talipandas nga kasi…๐Ÿ˜‰ a, di niya nagustuhan ang sumunod kong set of friends, didn’t like the company i kept ba? ahaha… hala, kung ano lang matyempuhan, medyo nawala ko na ang dating regularly inaabangan sa tv. sige, hahanapin ko ang Emily Owens na yan. may phase ata ang hilig hilig sa panonood, feeling ko lang… oo, tama ka, sus, nakakapasok sa comments ang ibang spams, kaasar… :c a, oo, nagbasa rin ako ng J.C. Reyes but i have to read Allan Derain’s works pa… check, meron din ang lola mo ng Young Blood na book ng PDI. may favorite essay ako ro’n, naks… hanap ka ng books ni GEM, magaling sya… hope you are well, dear. mag-post ka na, hehe๐Ÿ˜‰

      • Ngi. Ganun. Grabe naman siya. Ah, si Allan Derain, isang libro lang ang nabasa ko sa kanya, yung Iskrapbuk. Hakhak. Nakakatuwa lang basahin. Nakakatuwa mga kwento sa Young Blood sayang nga e hindi ko nadala mga libro ko dito. Hilig ko pa noon magbasa at magexplore ngFilipino authors. Kaso lang naging abala sa school noong kolehiyo, halos accounting at law books minsan philosophy. Nakakaloka! Hakhak. Pag umuwi ako ng Pilipinas bibili ako ng libro ni GEM hakhak. Wala kasing free pdf e. Hakhak. Kamusta naman ate, midweek na. Hakhak.

      • hello, batopik… a, may point din naman sya. yong new friends kasi, gano’n pala parents nya kaya ayaw nya for me… kumbaga, deeply personal… sana lang, sinabi nya’t di sya basta nagalit and later on, nagwala…

        on the other hand, humaba hair ko ro’n, hihi. i suppose, he really cared and wanted the best for me, inilalayo nya ako sa tingin nya, kapahamakan, naks… after malimbag post, that’s when i realized, medyo traumatic pala ang experience. abrupt ang paghihiwalay and he took it badly for years. kasaklap… about 10 years after pa, saka kami nagkausap – yong hindi sya tumitingin, hihi. ang closest friend kong lalaki, bff nya… ang saya, di ba?

        hmn, mukha ngang ang dami mong nababasa, parang… e, medyo ganon ata talaga, eclectic pa readings pag early 20s. later on pa masisinop, maybe… why, yong Iskrapbuk daw ang best work ni Derain…oo nga, may bayad e-copy ng works ni GEM at medyo mahal. ahaha, weekend na ritow… keep cool, kapatid. cheers!๐Ÿ˜‰

  3. Kung si salbehe lang ang nagkwento na ka – orgmate niya.. iisipin ko na orgy ang sinasabi niya, pero ikaw yan san, kaya ibang org yan sinasabi mo, madami paring gwapitong isda sa dagat, alam ko naman na lapitin ka ng bagets, hindi ko sinasabi cougar ka ha… dahil mukha ka pang bata kaya lapitin ka pa ng bagets. o sya napaka cheesy naman ng kwento sa huli (hindi ko binasa lahat๐Ÿ˜› ) ingat ang more posting to cum.. este to come pala

    • hello, kiko… haha, sobra mo na ba akong kilala? kainaman na… oo, religious org yon, kiko, sa religious org ko sya ka-grupo, as in… marami ngang gwapings and gwapito sa dagat at sa lupa, hahaha. pero, mas sanay na akong tumitingin lang. hindi mo nga sinasabing cougar, hini-hint mo lang, damuho ka… fyi, may nagkakamali pang magpayong sa lola mo at marami pang samaritans na naghahatid sa akin, haha… mas matangkad at mas pogi sa iyo ng 7 times ang cheesy guy na ikinwento ko sa taas. baka ma-crush-an mo pa, pag nakita mo, hakhak. regards, regards…๐Ÿ™‚

      • hihi, aminado ang damuho… hala, alam din nila maybe na suplada ang lola mo, haha. well, mostly nga sila ay pogi kaso, di yata sapat… palagay ko, mas character talaga ang premium, kokonti ang meron no’n, ahaha. feeling ko lang…๐Ÿ˜‰

        actually, may mga nagustuhan ako before na di pogi at all pero sus, may asawa… ayon. mahirap na, as in…

        well, pag di masyadong matangkad, makisig, obligadong maging mabait, hihi… or, magkunwari man lang, hakhak. matanong nga misis mo,lol.๐Ÿ˜‰

        have a good weekend, kiko…๐Ÿ™‚

  4. Ayan nabasa ko na din๐Ÿ™‚ Actually wala ako fave na author e, depende nalang kung sino at ano ang hype ngayon. haha conformist? Pero since nabanggit mo Ate San yang mga author na yan, I’ll try to read it (pag inambunan ng oras ni Lord haha) sabagay short stories naman yan, Kahit paunti-unti siguro. Ang galing, Dami mo na pala nabasa Ate San, at grabe yung passion mo sa pagbabasa na 12books a month. Ilang pages kaya yun kada isa? Haha. Sobrang bookworm!๐Ÿ™‚ Nakakahiya na tuloy magsulat. Wahaha.

    Ehem. Nostalgic yung last part a. Uyyyyy.โค Hahahaha.

    • hello, Rhence… ahaha, haba kasi, daming wento kunwari… oo, ba? merong copy ng works nila sa booksale. kapatid, hindi ako masyadong normal sa dami ng nabasa,sadly…

      200 to 350 pages maybe… pero, as i said, sanayan din – 3 books a week. noong college sa peyups, andami na ng readings – hindi makatao, pramis…

      pagtagal, parang sanay na ring mag-process ang utak, yata. yon ay kung may natitira pa, haha…

      a, hindi, sulat ka lang, ba’t ka mahihiya? write on, write your own. kanya-kanya yan… cheers!๐Ÿ™‚

      nostalgic, hmnn… papansin lang sigurong pumili ng topic, haha.

  5. may pinaghuhugutan ka rin pala san.. ehehehe *kaway kaway* ikaw na.. yiheee!! may love triangle dito o.. ehehehehe.. babasahin ko nga yan sa DPSA… author? hmmm.. pasensya na.. hindi ako nagbabasa ng libro.. yung tatay ko ang sobrang hilig sa pagbabasa.. kung titignan ninyo ang bahay namin, parang may tindahan kami ng mga lumang libro tulad ng sa recto.. hiniling ko na sana ay nagmana ako sa tatay ko pero sa kasawiang palad.. hinde eh… hi san!! *kaway kaway* ikaw na ang busy.. sa panonood at pakikinig.. eheheheheh

    • hello, Pot… ay, kalalayo kamo ng pinagkukuhanan, sa tinamaan ng lekat. ahaha, wala kaming love triangle noon. kaibigan ko rin ang gf nya at mabait sa akin. malambing at medyo malanding nilalang si guy – turing kapatid raw ang pagyakap, holding hands at titig nya sa ‘kin, hahaha. since bata pa ang lola mo noon, naapektuhan, ahihi.

      haha, kakatuwa, ang father mo ang mahilig magbasa, as in… ano kasi, i was rather sickly as a child kaya nasanay na nagbabasa… sa family rin namin, walang masyadong mahilig – sa mga kapatid or sa pamangkins, sayang… hala, di na uli ako nakanood last week, sana this week, magkapanahon. ikaw rin, kinig-kinig ka, it helps relax, ahaha. have a pleasant week, kaway-kaway…๐Ÿ˜‰

      • hi san!! *kaway kaway* ahh wala ba.. kala ko kasi may love triangle.. parang teleserye lang.. maharot pala si guy… baka naman super friendly lang siya talaga.. ehehehehe..

        uu ang tatay ko mahilig magbasa.. hanggang ngayon nagbabasa pa rin siya.. 70 na yun ha..

        sickly? as in hikain? kaya di ka nakakatakbo takbo sa labas? pero ok na rin yun at nahilig kang magbasa…

        oo nga… music ang nakakapag parelax sa akin.. kaya lang gusto ko yung mga tugtog na mellow.. nakakrelax eh.. ehehehe..

        ingat ka palagi san!! *kaway kaway*

      • ahaha, wala. pero chickboy sya, malandi baga. in fairness, malapit kami talaga noon sa isa’t isa, parang gf na rin ang turing nya. and nagalit sya talaga ng malalim for years, ayon…

        oo, ganoon talaga ang mahihilig magbasa – parang di makahinga pag di nakakapagbasa, hihi…

        a, wala akong hika, kapatid. basta, 0 to 7 years, makatira-tira ako sa ospital. masamang damo so, nabuhay, shaks…๐Ÿ˜‰ hala, bumigat na lang kaya tamad nang tumakbo…

        kumusta ka na, kapatid? musta ang beauty mo? salamat sa pagdaan, ha… ingat ka ryan, Pot๐Ÿ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s