Nakita mo na ba ang ulan?

 

Di nga, nakita mo na? O, basta yan ang tanong doon sa kantang narinig namin ni kapatid sa Sunset Cruise noong isang gabi. Kinakanta ni Manong Coast Guard habang patapos na ang dinner at pabalik na ang cruise sa Manila Bay. Sobrang natuwa si sister, isang dekada nya na atang di naririnig ang kanta. Noong una, aliw lang kami sa playlist, parang puro 70s music yata? Akala pa namin, record talaga. Shaks, si Manong pala – long playing songer sya, bale.

Ang mga natatandaan kong kinanta rin nya – Hotel California, Will You Still Love Me Tomorrow, mga sobrang lumang songs ni Barry Manilow at mga kantang alam ng mga ate namin, haha.  50s na nga pala ang aming mga ate. So, sure ako, 70s songs ang repertoire ni Manong Coast Guard, haha. Parang nag-time travel lang. Ayos naman syang kumanta, di naman masakit pakinggan. Nakakaaliw rin ang cruise, medyo mabagsik lang ang amoy ng madilim na tubig ng Manila Bay.

Doon pala pumupunta ang munting barko sa may bandang MOA, sa may ferris wheel. Bale, iyon pala ang highlight ng cruise, pag nasa MOA side na. Doon may view para sa picture-picture, haha. Huwag kayo, maganda kaya ro’n? Oo, simula noong madiskubre ko ang baywalk o promenade ng MOA mag-iisang taon na ang nakakaraan, naka-pitong punta na yata ako para manood doon ng sunset. Mag-isa lang, ay sus. Sa tuwing may kasama sa MOA, sa loob kami ng mall – sa kainan o sa Imax Theater. Wala akong kilalang singbaliw ko para mag-sunset viewing, as in… Basta ako, nagagandahan doon.

So, noong gabi ng cruise, namasdan ko ang MOA, not from the baywalk, kundi sa kabilang perspective, aliw. Kami ang nasa bay, minamasdan ang promenade at mga tao roon. Iba rin nga pala, tatanawin ang parehong eksena sa kabilang dako, kakatuwa… Doon pala kami sa taas na deck ng munting barko, para sa mga nagdi-date, haha. Medyo taka lang kami – ba’t ang mga mesa sa lower decks, siyang may linen habang  ang nasa upper deck na supposedly para sa nagdi-date,  hubad na monoblock tables and chairs lang? Siyempre, napansin ‘yon – kapansin-pansin, hihi.

Aliw pala ako lagi sa small boat ride, maski saan. Ang cruise ship ride, as in malaking barko, di masyado. Naiinip ako pag lumampas na sa tatlong oras ang paglalayag… O, basta, ang Manila Bay Sunset Cruise, ang istasyong sakayan, katabi lang ng pantalan ng Corregidor Cruise, sa may Folk Arts Theater. Pinoy menu pala ang dinner – may pansit bihon, haha. Happy!😉

 

 

 

 

* Ka-blogs, may tanong pala ako – paano nagpapaliit ng You Tube attachment sa screen, sa post? Hindi ako marunong, pasensya na. Sana, may sumagot, hehe. And, salamat.

 

** Wala nga palang masyadong kinalaman ang kwento sa mga kanta, ahihi. Wala ring issue sa ulan. Basta, mabigat ang previous post, relax muna tayo ng konti… Magandang araw sa ating lahat! :)😉

 

46 thoughts on “Nakita mo na ba ang ulan?

  1. Sa wakas! Ngayon lang ako uli nakakita ng ulan… Winter na dito malamig na ^_^ nakakamis ang pagpatak ng tubig mula sa kalangitan hehehehhe

    Wow, cruise ship ride…
    Sunset din sa moa ang sinasadya ni froggy doon. Dahil nakakapagod mag ikot sa laki ng mall na iyon. Doon sa may bay lagi nagpapahangin..
    Hallo saliw. Happy weekend sis..

    • Ahaha, winter na dyaan? shaks, ang aga… hala, sa ibang bansang may four seasons, late this month pa or early Dec. nakakatuwa naman, maagang winter. ^^

      ahihi, cruise ship na rin ‘yon. malayo sa fancy cruise ships na panturista, tanda na ang ferry. older pa siguro ang vessel kesa sa kapitan nito, hehe. pero, pwede na rin…

      second the motion sa di-makatarungang size ng MOA, hehe. di pa ako nagta-try ikutin ang kabuuan no’n, haha… lab ko rin, magpahangin at tumanaw ng paglubog ng araw sa moa. bano lagi sa changing of the colors ng sky ….😉 salamat sa pagdaan, happy weekend rin, froggy. hugs!

  2. Wow naman! Ako alam ko yung Hotel California at mga kanta ni Barry Manilow at Rod Stewart! Jan ako lumaki sa mga kantang yan dahil sa papa ko. Haha. Love ko din ang sunset! Kaso never ko pa na-try sa MOA. Ma-try nga.😀

    • hello, Rhence… haha, e, di alam mo rin ang Temple of the King and Total Eclipse of the Heart? ahaha. songs na kinakanta ng mga banda noong araw at ibinibirit ng katatayan sa videoke sessions? ahihi… oo, punta ka sa bandang likod ng MOA, may bridge going to baywalk, sa promenade. maaga-aga, 5pm sunset these days – try mo para sa mga simpleng kaligayahan… magsama ka para di ka ma-OP sa sweethearts na loving-loving, hihi …😉

  3. Hi! Yung small boat, yun ba yung kulay puti? Yun kasi nakikita ko noon sa dating baywalk, matagal na yun. I also enjoyed watching sunsets alone sa MOA baywalk noon. One time kasama ko si mama. Sya lang kasi kaya kong dalhin dun na pwede ring mag-enjoy sa view at di ququestion sa trip ko.🙂

    Ngapala, try mo to… to change the size of the embedded or linked video from you tube, you can try editing the last part of the short code. Visit this link from wordpress for the original info: http://en.support.wordpress.com/videos/youtube/

    Di ba may lalabas na shortcode sa editing page pag nag-link or nag-embed ka ng video from you tube? You can try adding ( &w=320&h=240 ) sa end part. You can change the numbers for your desired size.

    Example:
    To specify the width and height explicitly:

    To specify the width only:

    • OOps sorry!, The example were supposed to be just links and not the actual video. Just edit my comment na lang to remove the video because it may eat up the bandwidth of your page. Sorry ulit.

    • hello, June… yis, small boat na puti. ferry lang sya, actually. 200 to 250 passengers ang kasya. pero okey naman, seated kayo na parang nasa restaurant habang nahahanginan at nagvi-viewing ng buildings sa paligid ng Manila Bay. pero at least, naka-uniform ang Coast Guards so feeling secure rin naman ang ride. try mo minsan, pwede ka palang bili ng ticket online. yon lang, luma na ang ferry, older pa sa akin at pati ang crew, parang sistemang sinauna pa, hehe.^^

      maraming salamat sa pag-aabalang i-share ang tip sa You Tube attachment.🙂 ita-try ko later… ahaha, natutuwa talaga akong nag-comment ka.😉 happy weekend!

  4. bakit ang ikli ng post? walang masyadong challenge hehe, joke😀
    balang araw, malilibot ko rin yang MOA na yan at susubukan ang cruise.
    magkano yung bayad sa libot at tsibog?

    tungkol sa pagpalit ng youtube attachment, isang link lang per video ang pwede mo i-attach.
    kung kaya’t hindi pwedeng sa isang video screen eh multiple music videos ang ipe-play.
    kagaya ng ginawa mo sa itaas, tatlong link = tatlong video screen

    pero pwedeng gumawa ng sunud-sunod na videos kung ise-save ito bilang isang video file.

    kung gagawa din siguro ng playlist ng mga gusto mong i-play na video, baka maging posible ang mulitple videos gamit ang isa lang na video screen. pero teorya lang ito at di ko pa nasubukan hehe

    nakatulong sana itong magulo kong sagot ehehe

    • hello, patriot… ahaha, iniksian ko para ma-disappoint ka.😉 … nakow, good luck sa paglilibot. naka-half day ka na, wala pa sa one-fourth ng MOA mall ang nararating mo, hihi. ang cruise, piliin mo ang maaga, 5pm para aabot ka talaga sa sunset, kapatid. bili ka sa online, may discounts na about 200 pesos. may additional P100 per fax pag sa upper deck pala. ^^

      libre ang libot sa moa, ahehe… flipflops or rubber shoes at energy lang ng mga binti ang puhunan, hakhak. ang tsibog, depende sa kakainan nyo at sa dami ng kasama (at request, hehe). may jolibee don pero at least an hour ang waiting time, haha. pag sa mga dencio’s or gerry’s grill na, mga 2500 to 3000 pag lima kayo, may drinks na ‘yon…

      pag sa medyo high-end like burgoo o mga ganoon, mag-ready ka ng 5000, haha. masarap ang salad do’n (salad na pangmayaman, hakhak) at di tipid sa olive oil and olives (hehe). pag may wine at lulubusin nyo na ang pagkukunwaring sanay maging sosyal, dagdag ka pa ng 2thou, hehe… mcdo na lang kaya? 1hr din ang waiting time, wala pang maupuan (haha, pinapasaya lang kita). ^^

      salamat sa tip sa pagpapalit ng video, kapatid. ita-try kong magbutinting nyan, this weekend. maligayang weekend sa yow…😉

  5. maganda talaga ang choice of songs ni Manong ah, ako man ay di nabuhay sa mga panahong iyon pero sa ngayon ako’y lubos na naaliw sa mga kantang nabanggit. masarap di lamang sa aking pandinig maging sa aking pakiramdam din. ang ilan diyan ay tunay na nakaka- in Love. pramis.

    • oo, cool si Manong. long playing talaga, haha…😉 alam mo, kulang na lang sa 70s ambiance sa ferry ride na ‘yon – ang kalendaryo noong araw! feeling mo talaga, na-transport ka sa lumang era. parang OFW – umalis noong 1978 tapos, bumalik sa Pinas ng 2012. pagbalik mo, preserved lang ang paligid and mood no’ng time na umalis ka, ahaha. ang sama ko…😉

      nakaka-in love? ay, sya, mag-sunset cruise date na rin para sa music and personally ma-meet si Manong.😉 happy weekend!

    • hello, Myr… oo, kapatid, maghapon ko nga atang pinapakinggan kahapon ang Have You Ever Seen the Rain? ahaha. parang nakaka-sway-sway? hihi.

      ang cruise ride, P645/person ata sa regular price pero pag sa online, may discounts. parang P399 na lang… tapos, may additional na P100 pag sa upper deck. bale, P500. pero may dinner na ‘yon. magdagdag ka pala ng onti para sa drinks – P75 (di inclusive, e). siguro, prepare ka ng P700 per person na budget para safe, ahihi.😉 good luck sa date, kapatid🙂

    • ahaha, masarap ngang maligo sa ulan, kikoman. alaala mo dati, sa dpsa, may post akong pangako ng tag-ulan? ahaha, andoon ang panliligo sa ulang wento… pakinggan mo pala songs sa itaas, puro about the rain. magaganda, as in… btw, kumusta ka and family, kapatid?🙂 ay, malalaki pa rin ang problema rito, sus. but yesterday, i found myself singing, as in singing, ahaha.regards dyaan…😉

  6. Ang saya! hihihi, parang masayang i-experience ‘yang cruise na ‘yan…magkano ate at nang makapag-yaya sa mga friendly-friends minsan😉

    hellowie!

  7. hello Ms. SSA, love ko rin yang ulan, baka pinaglihi ako sa palaka at gusto kong kumokak pag pumapatak na ulan. salamat sa idea kung saan maganda ang sunset. hahanap ako ng kasama para matuloy yung nakaka in love na nababasa ko sa comments mo.😀

    nandito na naman ako sa malayong bayan at sa unang pagkakataon ay nacancel flight ko Sunday due to bad weather, yun pala dapat kong asahan sa Bancasi airport from November to December, walang siguradong flight.

    sana ma try ko din yang cruise along Manila Bay dyan din kami dumadaan going to corregidor. pero hindi kasing ganda ng description mo, may singer pa, yung experience ko.

    have a nice week ahead, mine started today ha ha ha😀

    • hello, Ms. S… ay, maganda naman ho talaga ang tag-ulan, wala nang pali-paliwanag pa, ahaha. basta, i-enjoy… oho, after na masira ang baywalk doon sa malapit sa US Emba in Manila, sa may MOA na napapadpad ang aking beauty para doon magmasid-masid… punta rin kayo, isang araw…

      hala, ako na ho ang geographical idiot pero kailangan ko pang i-google ang bancasi, ahaha. sana, makarating rin ako dyan sa malalayong parte ng Mindanao – ganda siguro…

      a, oho, kakatuwa rin yong experience, medyo sinauna. magaling si Manong kumanta… tapos ho, mukhang bagay ang ride para sa isang catching up session. ayon, haha.

      have a good week ho, dyan sa interesting though may kalayuang lugar na kinaroonan nyo. warm regards😉

  8. Sosyal nagcruise! Di pa ako nakakapagcruise, hakhak. Wag ka uupo dun sa babang deck baka matapunan ka nung nasa upper deck. Hakhak. Grabe di ko alam itsura nun. Magoogle nga. Ignorante. Puro rain yung title ng kanta mo dyan ate, grabe naaalala ko pinapatugtog to dati sa bahay tuwing linggo. brings back the old times chos! hakhak. nasagot na ni rp kung paano magpaliit ng youtube video. wala lang. hakhak. namiss ko magbloghop. hello, ate san!

    • hello, batopik… haha, di naman sosyal ang sunset cruise, ayos lang. di sya kagaya ng cross country cruise – yon ang sosyal, ahaha. ah, parang okey din sa lower deck, tipong pampamilya or pambarkada. next time, doon namin balak pumwesto… a, mukha lang syang ferry except may tables for dining and uniformed ng ayos ang crew…. ay, super gusto ko noong araw ang crying in the rain, pinapapatugtog ko, pag feel mag-senti, hakhak… teka, may bagong post ka, kapatid?🙂 cheers!

      • magkano yung cruise na yon? makaexperience lang hakhak. wala nga akong bagong post ate, nangangamote hahaha! go and plant camote. hahaha. saka naaaliw ako magbasa-basa lang muna. nakakaaliw hakhak.

      • P500 plus extra exp., about P700 per person, dear. okey na rin lalo pa pag wala namang masyadong ini-expect. may isa pa, ang Corrigidor Cruise – farther and will need a day for it. P3thou naman yon pero pag discounted, less than P2thou, ata. you can try that.

        ahaha, basta, antay ko next makulit mong post. happy blog hopping!😉

  9. hi san!! *kaway-kaway* nakapag cruise na ata ako dati diyan.. sinama ako ng nanay ko at tatay ko nung nagda-date pa sila… so hindi pa uso ang MOA noon kaya umiikot lang yung cruise sa manila bay.. talagang ang napansin ay yung monoblock sa upper deck.. ehehehe ikaw talaga… madami ka bang nakitang mga magsing irog dun sa kabilang ibayo nung tumatanaw ka? enjoy naman!! at pansit talaga ang menu.. ehehehehe…

    • hullow, Potski! haha, isinama ka talaga nina Nanay at Tatay? aliw… malamang, iyon pa rin yown… pero mas okey na ngayon, may mabi-view na MOA, hehe… sana, sana, medyo linisin nila ang tubig. sabagay, medyo magastos maglinis ng industrial wastes. pero, sa ibang bansa, ang gaganda ng tubig nila sa major harbors at tourist spots, tipong masarap talagang mag-boating? o, kaya, ‘yong mala-Boracay na may environmental fee para pagtungo, anlinaw ng tubig! hehe, sa CDO ang nakita kong pinakamalinaw na tubig-dagat, btw… ^^

      hala, sa upper deck ng ferry maraming nagdi-date, as in…naisip ko, ba’t walang nag-date sa akin do’n noong araw? hihihi… sa MOA baywalk, mas families or magba-barkadang namamasyal ang marami… may pansit, yo and may ubod ng kawayan, hehe. pinoy dinner…🙂

      salamat at gumawi ka uli rito. good day.😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s