Gumuguho

 

May mga mundong gumuguho

may mga kahariang nawawasak

may mga pangarap na naaanod

may mga prinsipyong isinusuko.

 

image of ruins in the Corregidor Island in Bataan, Philippines

Anuman daw tibay ng istruktura ay tinatamaan din sa gera at iginugupo ng panahon/ members.virtualtourist.com

 

May mga destinasyong di nararating

may mga kahapong di mabalik-balikan

may mga kasalukuyang di-mapanghawakan

may mga bukas na di-maaninag.

 

 

 

May mga buhanging hinahabi

may mga sinulid na tinutuntungan

may mga islang pinagkakabit-kabit

may mga tulay, para raw malayo’y lumapit.

 

image of the Buntun Bridge in Cagayan province in Northern Philippines

May mga tulay para ang malalayo ay mailapit/ pinoyadventurista.com

 

May mga taong para laging may hinahabol

mayroon ding sa maghapo’y sapat na ang isang sakol

may mga di humihinto at di lumilingon

may nagmamaang-maangan, di raw alam saan paroroon.

 

 

Ang lasing ay nagwawala sa daan, gumegewang-gewang

nagsusulat naman ng mensahe iyong taong hangal

ang baliw na si Sisa, palaging ginagawang bida

natuloy ba ang piging na marangya, inilibing ba si Ibarra?

 

image of a drunk man swaying on the street

Gumegewang ang lakad ng lalaking lasing sa daan/ blogs.thenews.com.pk

 

22 thoughts on “Gumuguho

  1. parang kilala ko ang political figure na nagtrigger sa yo ng tulang ito, siya ba si A?
    masaklap nga ang pagguho, pero anu’t anuman kailangan pa rin nating tumayo. Masarap isipin mula din sa guhong iyan, bubuo tayo ng isang mundo na mas matatag kaysa una…

    • hello, lipadlaya… kilala mo? haha, ikaw na. oo, yong unang pic nyang lumabas na naka-braces.

      hala, kanyang mundo ang gumuho, hehe. ang atin yata ay dati nang ruins, haha. pero like ko yong sabi mong buo uli ng bago. mabuhay ka, kapatid. salamat sa pagdaan and happy Sunday๐Ÿ˜‰

    • hello, Ren… ahaha, kakatuwa naman at dumalaw ka uli. yes, dear, masarap gumawa ng Filipino poetry – challenge. try mo, one summer break – English or Filipino – pagsubok ang makagawa ng tula. salamat sa pagdaan at sa pag-appreciate. regards…๐Ÿ˜‰

    • hello, kiko… salamat sa pagdaan uli. pasensya kung malalim, kapatid. ano kasi, ang pic ng tulay sa itaas, Cagayan river sa North, second biggest river ng Pilipinas, kundi ako nagkakamali. iyan ang dahilan ba’t malalim. saka, malapad din – nakapag-boat ride na ako ryan, hihi…. hey, kumusta na?๐Ÿ˜‰

    • eh, sus, ba’t kailangang malalim? Gumuguho, last year naisulat – during the time na kasasara pa lang ng DPSA. siyempre, masama ang loob ng lola mo noon, haha. malalalim mostly ang naisulat November last year, hindi ko ip-in-ublish. samutsari lang ang early posts dito sa SSA, hehe.๐Ÿ˜‰

    • hello, AJ… salamat sa pagdaan. pasensya na kung magulo, ginulo ko talaga, kapatid, hahaha. shaks, gano’n ang sabi sa huli? di ko alam masyado ang meaning, basta kako dapat graphic at medyo dumadagundong ang dulo, nyahehe. ^^ thanks for dropping by and for the comment.๐Ÿ™‚

  2. isang malungkot na katotohanan, kaibigan. magaling!๐Ÿ™‚ *clap clap

    “May mga taong para laging may hinahabol

    mayroon ding sa maghapoโ€™y sapat na ang isang sakol

    may mga di humihinto at di lumilingon

    may nagmamaang-maangan, di raw alam saan paroroon.”

  3. Hello Ate San!
    Salamat at di mo nalimutan ang pusa.

    Salamat rin at dinala mo ako sa gawing ito ng blog mo. May paniniwala rin ako na minsan, mas mabuting gumuho ang lahat upang makabuo ng panibagong mundo! ๐Ÿ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s