Doon Po sa Amin, balik-tanaw – kakwentuhan, tagasubaybay at iba pa

 

Nais kong pasalamatan ng taos-puso ang lahat ng sumubaybay, sumuporta at dumalaw sa Doon Po sa Amin. Pati ang mga nakisilip at inalam kung ano ang mayroon banda roon, ahaha. Kayo ang nagpatunay na ang isang ilusyunadang pagtatangka ay pwede palang magkatotoo – magkaroon ng buhay at sigla. Kayo ang luya, bawang at asin sa gulay na bulanglang, ahaha…

 

image saying thank you

Kung wala kayo, paano na?🙂 / graphicshunt.com

 

Nakakatuwang marami-rami rin ang naabot ng DPSA, isang site na pang-niche market, kumbaga. Sabi ng kapatid ko dati, archaic raw ang napili kong paksain sa blog at dapat daw, masaya na ako sa tuwing may tatlong sisilip  sa isang araw. So, noong lampas 30 na ang views per day sa site, ibinalita ko sa kanya (with matchingHah, you didn’t think i could do it? haha).

Sa paglipas ng mga buwan, nag-multiply ng mas maraming beses pa, umabot sa antas na ni sa hinagap, hindi ko naisip aabutin… Ang DPSA din ang nagpasipag sa aking magsulat. Sa non-blog writing, hindi ganoon ang enthusiasm ng lola nyo. Abot sa deadlines  madalas, o, kung minsan, mas maaga pa nga. Pero, sa sarili, alam kong hindi ako masyadong challenged.

 

Noong nagsulat na sa DPSA, doon ko naramdamang I have to go beyond the usual sa pagsusulat  – sa variety, sa range at pati sa dexterity, kung mayroon. Ayon… Salamat ng marami sa inyo.🙂 Nilagyan nyo ng asim, alat, tamis  at pati konting pait ang DPSA, nagkalasa, naman… Naging mas masaya at puno ng pagsubok. Iyon bang pakiramdam na, “Aba, may nakaka-relate, may naaaliw din, as in… ”

And, at some points, ginawa nyo ring miserable, nakakakaba at nakakatakot ang mag-blog, haha. Nasabi ko, “Ba’t ko nga ba naumpisahan ito? Dati naman ay tahimik lang ang aking buhay, haha. Saka, appreciated na naman ng friends ko ang aking pagsusulat, proud na sila sa ‘kin.” Hihihi. Pero, iba pa rin ang may virtual friends, parang may nag-e-egg on na magsulat at mag-share ng mga kwentong di mo naman binalak i-share at all, ahaha. Di nga…

 

Anyway, matuwain ako kaya karamihan sa mga nakalista, nag-subscribe ako sa site nila – nag-follow… Hayon, anim sa kanila, polite enough para i-follow back ang inyong lingkod, ahaha. And I appreciate that, honestly and deeply… Iyong mga hindi, para sa akin, mas magagaling kayo. Hala, patunayan nyo yan, in the coming days, ahaha…

Teka, pag sinabi ko bang shy ang lola nyo rito, maniniwala kayo – shy na madaldal, meron ba no’n? Malamang hindi. So, sabihin na lang natin, suplada ako in person, hehe. Noong estudyante pa, ang madalas ko lang kinakausap at kinakawawa, ang seatmates, as in… Saka, yong masisipag na hiraman ko ng notes para i-Xerox, ahaha. Ang sama ko… Anyway, pag nakakasalubong ko sila semesters and years after, dinaig pa namin ang best friends, ahihi.

Hindi talaga ako ang tipong popular in real life. Nala-lab na lang nila ako, pag naging groupmates kami. Doon lang nagkaka-change of heart… Sa work, na-a-appreciate ang lola nyo pag nakasama na sa projects, sa seminar at sa workshop-workshop, ganyan. May pagka-grim and determined akong nilalang, up close. Mukhang tambay lang, kung sa itsura, oo.

Pero, nagko-contribute ang lola nyo, naggi-give back, ‘ika nga. Hindi puro papansin o kabig lang ng pakinabang. Bibihira pati ang instances na nagpi-free ride. The rare times that I do, tiyak ko sa inyo, may malalim at compelling na dahilan. Ayon.

 

Simple lang akong mag-expect sa ka-blogs. Isang beses ka lang na dumalaw sa site,  sisilip na ako sa site mo. Pag makita kong maganda ang site, ipa-follow ko agad (nag-follow man ang ka-blog o hindi). Sa akin, mahirap makahanap ng magagandang sulatin at ng magagaling na magsulat. So, the moment na may makita akong ganoon, susuportahan ko agad. Ayon…

Isa pa, di ako maramot sa like at sa comment. Alam nyo ‘yan… Kahit pa suplado o parang hermitanyo ang blog, haha, maglalike pa rin ako at magko-comment (basta pwede) once na naantig o nakuha ang interes ko ng inyong sulatin. Ang iba, kinakabahan yata o naasiwa sa ginagawa ko. Ganito – hindi ako sa inyo curious (suplada nga ako, di ba? hihi) – kundi sa isinulat o sa ideya nyo. Ayon.

 

image of a message on the wall, saying i like it

Hindi mahirap para sa akin ang magsabing nagugustuhan ko ang likha/ carmen-ky.blogspot.com

 

Pero, polite din, usually, somehow, haha. Isa sa mga una kong tinitingnan ay ang About page ng site, parang SOP sa akin. Mas madalas, nagla-like din ako ro’n at pag tila approachable ang blogger, comment…  Anyway, alam nyo na rin – I am 15, 10 and 5 years older than most bloggers, oo.  So, bagaman madaldal sa comments at generous sa pagla-like, hindi na ako masyadong tuned in sa eyeball-eyeball, pasensya po.

Medyo conservative  din. Tipong naiisip kong kitain sa personal ang ka-blog – one year pa, simula makagaanang loob. Kadalasan, balak ko, 2 to 3 years pa… Hindi ako masyadong makabagong nilalang. Isa siguro sa dahilan, ang dami ko nang na-meet na tao, as in… Isa pa, sa edad ko, hindi na gaanong adventurous. Panghuli, alam kong ang mahuhusay magsulat, kadalasan – komplikado, may pagka-pribado at medyo maliligalig na tao – sa totoong buhay, ahaha.😉

So, tingin ko, it takes time to build trust on both ends enough para talagang maglapit at magkilanlanan pa ng mas seryoso. Anyway, ako lang naman… I mean, I have nothing against those bloggers who believe and observe otherwise. Ayon.

 

Naniniwala akong dapat suportahan ang pagsusulat sa pangkalahatan at sa partikular, ang pagsusulat sa blog. Bakit? Sapagkat naniniwala ako sa informed choices. Para sa akin, ang pagsusulat ay pagpapatalas sa abilidad ng taong mag-isip, gumawa ng mas matino at maging intellectually honest sa buhay, sa abot ng kaya…

Masigla kadalasan ang comments ko sa posts para i-rehistro  ang  suporta. Pag may nagustuhan lang akong isang paragraph, isang sentence o kung minsan, isang salita lamang sa post, nila-like ko na… Naniniwala akong dapat i-encourage ang paghahayag at pagka-malikhain ng tao. Sa akin, isang mechanism ang like para sabihin, “Sige, lumikha ka pa. Darating din ang panahong mahahanap mo ang iyong boses, bibilis ang takbo ng iyong panulat at magsasalita ka sa harap ng marami ng hindi kinakabahan o nahihiya.” Ayon.

 

Partial ba ang lola nyo  sa ilang ka-blogs? Oo, naman. Siyempre, hindi naman monotonous, uniform and standard ang mga ugnayan natin. May mga itinuturing na higit, ‘ika nga… Heniwey, sinu-sino ang ka-blogs na higher in my esteem? Hehehe. Sa pagsusulat sa pangkalahatan – sa lalaking ka-blog, si taympers. Hwag nyo nang tanungin kung bakit, hihi. Sa babae, si joyo. Hwag nyo na ring tanungin, ahaha…

Sa pagsusulat sa blog (as bloggers, bale), sina narsmanang, otep at hoshi. Sina manang at otep, kasi seasoned bloggers sila, five years na silang blogging when I met them and they started at what, 17? So, para sa akin, sila talaga ang marurunong sa larangang ito… Si hoshi, iyong blog nya ang nakita kong diversified and changing palagi to suit the perceived demands of readers

Sa prose, hinahangaan kong mabuti ang panulat ni lipadlaya, as in… Bihasa siya sa paggamit ng wikang Tagalog at may hagod lagi ang kanyang mga habi. Sa philosophical content ng mga sulatin (may gano’n? hehe, mayroon), si aninipot – may pagka-sage ang aleng ito… Sa artistry, partial ako sa kakulitan nina duking at sphere – may engineering touch ang karamihan ng kanilang mga likha.

 

Special mention ko sina banjo at haribon. Throughout the lifespan ng DPSA, kanila iyong maraming ramdam na comments, tila pinag-isipan munang maigi. At na-appreciate ko, salamat… Malaki rin ang utang na loob ng blogger dito kina bagotilyo at limitsandhorizons, mga nakilala nang mga huling buwan ng DPSA sa ere, hihi. Dahil sa kanilang mga sulatin, naipirmi ko at nabuo ang concept ng pag-ibig.

Ahaha, oo, sila ‘yon… Kay limits, sa kanya galing iyong pag nagmahal, love with your all, naks. Kay bagotilyo naman, iyong pag nagmamahal, nawawalan ng sense of proportion ang isang tao at paanong pag nasaktan – tila ayaw maampat ang bleeding, hahaha. Peace, mga kapatid…😉 Hindi man party mode ang kanilang love life, pero sa kanilang sulatin ko nabanaag – paano magmahal ng totoo…

May special place pala sa blogger dito si metaporista – ang ka-blog na kauna-unahang nakatuklas sa DPSA at nagpabatid sa aking hindi pala sariling mundo ang  virtual na bakuran doon sa amin, ahaha. Wala nang palitan, pwesto nya ‘yon, anupaman ang mangyari…

 

Maraming-marami pang ibang ka-blogs na sumuporta, dumaan at nagbasa sa DPSA, hindi man nakalista ang pangalan ng sites sa ibaba. Pasensya na, kulang sa time para magbuklat ng emails at balikan isa-isa – paano at gaano nyo tinangkilik at itinaguyod ang mga ideyang nakapaloob sa DPSA at paano nyo rin pinasaya ang blogger dito, as in… Maraming salamat, mga kapatid

Siyanga pala, batid ko, kulang na sa 10 sa mga nakalista ang ka-blogs  na sumubaybay pa, hanggang dito sa Sa Saliw ng Awit (SSA) at lalo pa sa English na blog ng lola nyo. Siyempre, mas maigi sana kung nagtuluy-tuloy na magkakasama tayo. Pero, iyon nga, hindi naman maaring pilitin… Masaya na ring at some points – nakasama ko kayo, naka-ututang dila at ang promding bahagi ng ako, na-appreciate ninyo. Thank you. Natutuwa akong nakilala ko kayo, kahit paano. By the way, chances are, nagbabasa pa rin ako sa sites nyo…

 

Siyanga pala, chronological ang pagkahanay sa mga sites sa ibaba, according  sa panahong nakakilala ko, ng DPSA – kayo – sa blogosphere. Mga ka-blogs, sa darating na mga araw na lang ang link, ha. Pag mas marami nang oras, pramis… At labindalawa lang muna ang nalagyan ng kwento at paglalarawan, pasensya muna sa iba, ha… Pipilitin kong mapunuan, sa mga susunod na araw. Basta, alam nyo naman kung paano tayo nag-relate.

Sabi ko nga, minsan kayong dumating at pinasaya nyo ang aandap-andap kong buhay, hihi… Muli, maraming-maraming salamat sa mga nakadaupang-palad at nagtaguyod sa DPSA. Mabuhay kayo!🙂

 

image of a bird saying thank you

Minsan kayong dumaan at pinasaya nyo ang paglalakbay. Salamat. / myniceprofile.com

 

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

 

metaporista – naligaw  siya sa post na Walang Bait at nag-iwan ng comment tungkol sa sinaing na napabayaan nyang nasunog at paanong nabigyan siya ng magulang ng reward na hampas ng tabo, hihi… sinulatan ko dati si metaporista sa email at tinanong paano mag-upload ng pictures sa post. sumagot siya, as in – nagpaliwanag paano at kung di ko pa raw makuha, magkita kami at tuturuan nya ako. natutunan ko na ang mag-upload, di na kami nag-meet up. just the same,  naisulat ang mala-tulang sanaysay,Tuturuan Kita – para kay metaporista at sa iba pang mga nagturo sa akin – appreciate the gesture.

salbehe – na-a-appreciate ko ang posts nyang bukod sa funny at papansin, focused palagi at may border. bibihira ang nakakapagsulat ng ganoon, sabihin ko sa inyo… paborito ko sa mga naisulat niya, Usap Tayo, Gibo, iba sa usual nyang ikinukwento para kay salbe ang post sa DPSA na Bahay-bahayan, luma at bago, isang ma-dramang blog about blogging na sabi ay pag kagalit natin ang mundo, nagri-retreat tayo sa ating pribadong sulok, sa ating bahay-bahayan.

narsmanang –  cool ang gravatar nya at nakakatuwa ang tagline so, hinanap ko ang may-ari… her site did not disappoint – magaganda ang mga retrato, may pagka-self-effacing ang blogger at hindi nakakainip basahin ang kanyang posts. paborito ko sa mga naisulat nya,  tungkol sa mamang nagtatanong sa kanya paano maglaglag ng sanggol at ang post nyang personal stand sa issue ng reproductive health – isa  sa pinakamagandang blog about the issue na nabasa ko. may post rin nga pala sya, picture series ng mga bagay na nasa loob ng kanilang bakuran, Promdi ang title. ay, sus, parang equivalent na ng saikatlo ng laman ng DPSA ang post na iyon, pramis…

aninipot – bukod sa mahusay ang kanyang kamay, malalim mag-isip ang blogger na ito. bata pa, pero parang matanda kung mag-isip, ahaha, and she’s able to put those complex thoughts into words… pag binabasa ko ang musings nya, naitatanong ko sa sarili – anong edad ko ba naisip ang mga ganoong saloobin. tapos, anong edad ko na nakayang isatititik? hindi kasing-aga ng kay ani, that’s for sure… nabigyan nya na rin ako ng coffee paintings, sinamahan pa nya ng handwritten note. ahaha, cool, di ba? anyway, may post sya minsan, nagtatanong kung maari bang pagkatiwalaan ang ka-blog ng kanyang mga kwento. sinagot ko yaon  sa isang post sa DPSA, Ang Iyong Kwento ang pamagat. itinulak yaon ng panulat ni ani…😉

duking – sa dinami-dami ng ka-blogs, sa kanyang dambana ako unang nanikluhod at nag-alay ng mga insenso at bulaklak, haha. nakakainis ang galing niyang gumuhit. makukulit ang posts nya – laging puno ng imagery. sinauna madalas ang nilalaman kanyang mga kwento – folksy –  at, pag modern setting, tila pambabalahura sa makabagong kultura, ahaha… anyway, lantaran at kapos sa hiya kung mag-comment ako sa site nya. isang araw, napilitan na siyang sulatan ang kanyang fan at sabihang bawasan ng konti, ahihi…

pitong akda ang aking naisulat, one way or the other, impluwensyado o triggered ng posts o sinabi ni duking – apat yata ang nailathala – sa DPSA at sa SSA. ang halimbawa, post nya sa baryang pag-ibig, isang pagmamahal na naalangang magbigay ng lubos. ini-stretch ko pa further ang argument sa tulang Paano?, post ukol sa isang naparalisa ng karanasan at walang kakayahang umibig…

joyo – nagkukwento man sya tungkol sa kaopisinang ang hinang rumamdam, sa showbiz happenings na tsaka o tungkol man sa pag-ibig na nagpaasa lamang – puno ng damdamin palagi ang panulat ni joyo... pili ang mga salitang kanyang ginagamit, may sequence ang presentation ng ideas at well-edited ang piyesa sa kabuuan. may bago laging jologspeak o gayspeak akong natutunan sa kanya, ahaha, at angkop na angkop ang pagkagamit nya  – poised and nuanced. para pati akong nag-aaral ng Biology at Anatomy sa kanyang mga sulatin, parang trademark nya na – sasabihin nya kung aling muscle, aling tendon, aling nerve, o anumang bahagi nya ang naapektuhan at nagri-react sa mga pangyayari, hahaha… awed ako sa galing ni joyo at itinuturing kong kakaiba ang panulat nya.

nadia – blogger siya sa UAE at sa English na Freshly Pressed ko siya natagpuan. hindi lang niya sinagot ang iniwan kong comment sa post,   dumalaw rin siya sa DPSA at nag-comment din, patatawarin… ikinuwento nyang nag-aral at tumira siya sa Pilipinas sa loob ng 10 taon at natutuwa siya sa DPSA dahil practice-an nya ng Tagalog, haha… sharp and witty ang aleng ito, malakas ring mang-alaska, hehe. reklamo nya madalas, palalim daw ng palalim ang mga Tagalog words sa posts ko, pinarurusahan ko raw ang mambabasa. reklamo rin yata iyon ng marami, hehehe, pero si nadia, diretso nyang sinasabi sa akin, as in… ang posts nya pala, in English – magaganda lagi ang narrative, puno ng puns at ang huhusay pa ng mga kuhang larawan… pero ang mas na-a-appreciate ko at ramdam – considerate, thoughtful and concerned siyang ka-blog. mabilis syang makakagaanan ng loob.

banjo – gifted sa pagsusulat ng fiction ang blogger na ito. malawak at malayo ang nararating ng kanyang imahinasyon at kaya niyang i-render sa panulat. sa kanyang site mo makikita ang mga local mythical characters, ang mga nilalang sa fantasy lands, ang mga demonyo at tikbalang sa panaginip at maging ang konsensyang ayaw magpatulog… hindi ko pa masyadong kilala si ka-blog as a person, sa comment section lang kami nagkakapalitan. pero, iyon nga, gifted siya… at gaya nga ng nasabi ko na, mahilig syang dumalaw, magbasa sa DPSA at mag-iwan ng pinag-isipang comments. siya ang alam kong isa sa mga nagba-backread sa site… pareho pala kaming Tagalog ng mamang ito, parehong promdi at parehong humihirit ng social commentaries sa posts, hihi.

beeftapa – siya ang isa sa ka-blog na malambing, iyon ang impression ko. maski sa pagsusulat, may pagka-ganoon din yata… may mga naisulat syang nostalgia pieces at posts na pumapag-ibig na sobrang nakaka-touch. parang sincere ang panulat nya. may pagka-sentimental wari, pero madalas ay nakakadala at nakaka-antig basahin… nakakatuwa, medyo kakaiba kasi, engineering ang profession nya. sa stereotype na pagtingin, hard discipline equals hard and exacting person, pero hindi… noong makausap ko sya sa chat, ang kulit nyang magtanong at ang tipid namang sumagot, ahihi… hula ko, mahilig syang magpadama, as in. kadalasan, puro toinks ang hirit nya… peace.

pulubingprinsipe – mahusay magsulat ang ka-blog na ito. hindi ko na mabalikan ang site nya, hindi kasi sa WordPress, sayang… pero siya ang isa pa sa natatandaan kong loyal na nagbabasa sa DPSA at madalas din ako noong dumalaw at mag-comment sa site nya. promdi rin ang kanyang background, tipong marami siyang pangarap at sa blog nya ikinukwento kung paano nya isa-isang tutupdin ang mga iyon… natatandaan ko, minsan nyang ikinwento sa post ang dagat sa may kanila at pinamagatan  niya yata iyong Doon Din Po sa Amin – maganda ang kanyang pagkakwento, sa pagkaalaala ko… isa rin si ka-blog na hayagang bading at tanda ko pa, nag-request siyang sana, ikwento ko sa DPSA ang mga bading sa kanayunan noong araw… natutuwa ako sa kanya, he sounds honest and purposeful

jecmendiola – artistic ang young blogger na ito. marami naman sa ka-blogs ang artistic at pangita sa mga isinusulat at iginuguhit nila, pero si jec ang nakilala ko (kahit paano) na kakaiba –  laking-lungsod siya at laki sa hirap ang background. parang siya ay patunay na kahit kapos sa buhay, pwede rin palang ma-cultivate at mag-thrive ang sining sa isang tao… so, ayon, she’s oozing with art, ‘ika nga… makikita mo iyon sa entries nya, sa mga larawang  ipino-post nya – kuha gamit ay cellphone camera lang naman (oo, inirereklamo ko ito) pero dinaig pa ang mga kuha ng professional photographers na kumpleto sa gamit – at sa mga komposisyon niyang karamihan, melancholic pero ang gaganda… she’s got the attitude, ‘ika nga. and, she wears it…  siyempre, subjective ako – fan, e… maraming naisulat si jec na masarap balikang basahin – mababanaag mo roong mahilig magbasa ang sumulat, maraming pinagdadanan sa buhay at maraming mga gustong maabot, pero hinahanap pa kung paano…

kritikongkiko – ahaha, siya ang blogger from Abu Dhabi na mahilig gumawa ng listahan. makabagong journalist ang tipo nito, as in… sinusunod ng panulat nya ang tenet na huwag pahirapan, butasin ang silya at i-delay ang mambabasa. ang huli ay palaging nagmamadali, mainipin at maraming mas exciting na gawin, kaysa sa magbasa…  so, ang tatak ng mga sulatin nya – to the point, interesting at nagre-resonate sa readers, dahil common and ordinary enough ang mga karanasang inihahain. pero, dahil summing-up ang format, madalas ay nag-o-offer din ang mga iyon ng matatalas na observations sa buhay-buhay…

parang ganito, matatapos mong basahin ang post nya sa loob lamang ng limang minuto o mas maiksi pa at, nakapag-comment ka na rin noon, haha…  ayon, itong blogger na si kiko, exact opposite ng blogger dito, hihi… pero, mahilig syang magbasa sa DPSA, dahil promdi rin daw sya.  siya rin yata ang ka-blog na pinakamadalas kong kausap at pinakamarami kaming logged in hours sa YM – wala naman kaming seryosong pinag-uusapan, haha. nahinto lang ang gawaing iyon matapos nyang makita ang pic ng lola nyo. natakot ang mokong, sarap lang kutusan… definitely and absolutely married si ka-blog na kiko. just a minor detail, hehe…😉

 

otep

taympers

dhang

lambing

gnehpalle02

keekaye

sphere

superlolongpinoy

greenbellpepper

haring ibon

lipadlaya

hoshi

kulisap

bagotilyo

angtambaynasimyr

renxkyoko

aubu

limitsandhorizons

 

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

 

52 thoughts on “Doon Po sa Amin, balik-tanaw – kakwentuhan, tagasubaybay at iba pa

  1. Hindi ako natakot sa iyo… he he he .. ikaw yata ang natakot saketch, lol.. thank you for including me sa mga batikang bloggers… matagal tagal na akong walang post dahil sobrang busy me.
    salamat and chat to you soon

    • hahaha, natakot nga yata ako sa burly, once-a-young-man na nakita ko, hehe. hala, di naman listahan ng mga batikan – listahan yan ng malalakas ang loob at questionable ang tastes, haha. ikaw na ang busy, kiko… regards sa abala-abalahan😉

    • ahaha, pasensya naman, kapatid. haba nga at medyo matagal ‘to in the making… kaya ko ipinablis ang hindi ito ang kwento, para sana magka-time na ‘to’y matapos- with links sana. ayon, di pa rin, sows… hala, sana nga may mapulot ka kahit paano. salamat sa dalaw, ha…😉

  2. Haaaaaaaiiiiiiiisssssssssttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttt………………. nawawala ako sa ere!!!!!

    miss you sis!!!!!!

    backread ako pag nakaayos na ang kiddos …. at naayos ko na rin ang buhay ko hihihihi🙂

    pasulpot sulpot lang muna ako🙂

  3. xD ang haba napapakamot ulit ako at napapainom ng tea at dahil jan kwekwentuhan kita ng ngyari kanina:

    Frend: Alam mo nasa Synagogue na si Jon.
    Sphereq: Ah talaga! san ang Synagogue? lugar ba to? diba nasa bible to? diba parang simbahan to? teka naghudyo na ba si Jon?
    Frend: Teka lang! ang gulo mo hinahanap ko din kung nasaan ang synagogue! lalo mong pinagulo ang sitwasyon!

    Ate Charo, hanggang ngayon hindi nya pa ako binabalikan sa mga tanong ko, nagulo ko ba talaga lalo ang sitwasyon? ano sa tingin mo?

    nagmamahal,
    sphereq

    • hello, anne… xD napakamot din ako ng ulo. isip ko, baka hindi talaga yon ang kwento ni sphereq… hehe…

      ah, eh, tingin ko, gan’to dapat sagot mo kay Frend –

      a). ah, talaga? (finished na, wala nang kasunod na serye ng tanong)
      b). o, tapos? …
      c). that’s interesting… (tonong pa-cool, kayang-kaya mo yon)

      ayon, may “sitwasyon” pala, haha. tapos, tanong ka pa ng tanong, naman… ano pala sabi ni Ate Charo, ilang tanong ba ang allowed? hehe ^_^ salamat sa pagdaan at sa kwentong magulo😉

  4. wow na-mention pala ako rito. Salamat-salamat! ako rin naman ay natutuwa sa iyong pagiging aktibo sa blog world. marami akong nare-realize at nangingiti kapag nababasa ko ang mga posts at comments mo.

    mabuhay!

    • aba, siyempre naman, english pa nga, haha. biro lang, di ko alam i-word sa tagalog ang sinabi ko sa itaas, hihi… basta, magaling ang blogs mo, hwag ka nang umapila.😉

      mabuhay ka rin at ang dynamic duo mong sites, kapatid…

  5. Walang anuman at Salamat din sa iyo San. Isang karangalan ang mapabilang sa iyong listahan.

    Pasensiya ka na San. Like ko naman lahat ng sinusulat mo kaya lang sabi ko kailangan kong mag bigay ng komento at mag like kaya lang ayun nalalampasan na ako dahil nadagdagan na naman ang basahin sa sipag mong magsulat ng malanobelang mga poste…hamo at sisipagan ko na ang pagbabasa at para maka komento na rin.

    At salamat din sa iyong patuloy na pagbisita sa aking munting bloghay…tunay na nagiging isang inspirasyon(sa inglis at ating wika) ka para mapagbuti at magpatuloy sa mundo ng blogosperyo. Alam mo naman minsan ay parang nawawalan yata ng bagong ilalathala ang lolo…hehe.

    Isang ehemplo ka sa mundo ng blogosperyo kung paano magsulat at makihulabilo sa mga ibat-ibang ugali ng mga blogero at blogera.

    Salamat po talaga palagi sa iyo dyan.

    • salamat din po, Lolo. nakakatuwa hong nasalubong ko kayo at naandito pa kayo hanggang sa SSA.

      ahaha, pinapahirapan ko ho ba kayo sa haba at dami ng babasahin? pambihira nga naman…dito ho sa SSA, marami-rami naman ang posts na maiiksi. yon lang, parang ang feedback ay malalalim daw or at least, nalalaliman ang readers. ayon…

      a, siyempre, kakatuwa hong pumunta sa may inyo – ang gaganda lagi ng pics. at meron kayong thoughtful posts o compositions. perspiration ho ata ang lola rito, hindi inspiration, whehehe…

      hala pa naman, lahat naman tayo ay ehemplo at nagsi-share at nakikihalo sa magulo at masayang mundo ng blogosperyo, sabi… example ho ng mahahabang posts ang sa ‘kin, haha…

      maraming salamat din ho. nalulugod akong na-a-appreciate nyo ho ang dpsa at ssa. teynks😉

  6. Wala ka talagang kupas..whew!…sa totoo lang mas kami ang dapat magpasalamat sa mga panulat mo na ibinahagi dito sa blogosphere…Tunay talagang katangki tangkilik lahat ng iyong obra dahil punong puno ng sangkap at putahe na masarap balik balikan. Medyo natawa ako sa bahagi na sinabi mo na hindi ka mahilig sa eyeball-eyeball…laftrip ako ng bahagya, may pagkakonserbatibo ka nga. Anyhows, mapa DPSA or Saliw ng awit, isa ako sa patuloy na susubaybay at mananatili ka pa rin isang inspirasyon sa pagsulat….happy weekend😉

    • hello, Myr… salamat ng marami. ahaha, mas matanda naman akong di hamak sa inyo, mas marami na sigurong laman ang basket sa dami na rin ng mga nasalubong, hihi. pero, mas marami akong natutunan sa bloghopping, lalo sa bloggers na bata – they have a different way of seeing things, ‘ika nga. iba rin ang paghahayag nila…

      ahaha, natawa ka? nito na rin lang siguro… dumaan din ang years na club hopping kami ng friends ko at marami ring nami-meet na friends ng friends ng friends, haha. as one ages, nababawasan… salamat lagi sa suporta, pagtangkilik at sa kind words… happy weekend, kapatid!😉

  7. ayun o… isa na namang kahanga-hangang post…. hindi ko alam ang unang gagayahin ko sa ‘yo. Yung galing mong magsulat o yung kasipagang mag blog o yung dalas mong mag blog hop. Kainaman,… ang totoo, madalas nga kitang makitang mag like at magcomment (at hindi basta-basta comment a) sa bahay-bahay ng mga binanggit mo. Yan din kasi ang madalas kong puntahan… Hindi nga lang ako nagpaparamdam… Kaya, ihingi mo ako ng pasensya sa kanila… kung merong ghost reader, ako yun, hahaha…
    ikaw ay isang halimbawa ng dapat ipinagpapatayo ng rebulto bilang ulirang blogger. Bukod sa magaling ka, hindi ka pa madamot sa pag-appreaciate sa gawa ng iba. Mas marami pa sanang mahawa sa kahusayan mo…

    • ahaha, ang dami naman no’n, baka mag-blush ako? nyehehe… hindi mo pwedeng gayahin ang galing, kanya-kanya ‘yon (at mas magaling ka pati…). a, oo, medyo naging masipag nga akong magsulat dahil sa blog. iyon, sulat lang ako ng sulat (sulat-kamay) ng walang malinaw na intent kung ilalathala ba ang mga iyon o hindi, kung pam-blog ba… dahil sa blogging, kaya ganon…

      a, di ko feel ang comments na “nice post” at saka “good read.” masyadong safe, halatang may masabi lang, haha. actually, may pagka-idea person talaga kasi ang lola mo, hihi. ayon…

      oo nga yata, di yata ako madamot sa ganyan. pero minsan, meron ding ang ewan – nag-iwan ka na nga ng about 15 comments sa site nila, over a spread of four months, halimbawa, tapos, ni minsan di naisip ni ka-blogs na silipin ang site mo, hahaha. artista? ahaha, bahala sila… ^^

      salamat sa magandang comment. magandang araw lipadlaya, have a fun weekend!😉

  8. wow, nais ko rin ma-follow ang iyong mga sinusubaybayan, ang ilan sa kanila ay akin na ring natagpuan. hahanapin ko ang iba pa. magandang umaga. sigh naku ayaw kong ma-guilty sa kadalasang pagdalaw sa iyo ng walang bakas, hmmm. ito lang ang masasabi ko, kadalasan si cup ay naglilibot ng di naka-log-in, lala pa pag sa mga pagkahahaba-habang mga obra gaya ng sa iyo. E ang totoo ikaw lang ang mayroong ganyan, hehe, kaya sa malamang sa iyo ko lamang ginagawa iyon. at di man ako mag-iwan ng bakas, ang iyong obra ay akin talagang binibigkas (ang dahilan ay di ko maaring ihayag dito).

    • ahaha, gayon ba? hello, Cup… oo, mahuhusay sila, karamihan, mas senior bloggers kaysa sa ‘kin. hala pa, naiintindihan kita somehow… noong bago ako sa blog, the first seven (7) months, through google search ko pinupuntahan ang paboritong sites. di ko pa alam na clickable pala ang URL sa comment – ang talino lang, hehe….

      pwede namang maiiksi ang mga isusulat. yon lang, less comments and less readers pag gano’n – nalalaliman daw ang ka-blogs sa pinagsasabi ko, hahaha. ano’ng gagawin, mas matanda na ang lola mo and has a different way of seeing things maybe. kung i-dilute ko naman ang content, para kong niloloko ang sarili ko… saka, ginagawa ko na ‘yon sa non-blog writing – ang magpalabnaw, hehe…

      salamat sa pagdaan at pagbabasa… ikaw na ang pansabayang bigkas, hehe. happy weekend😉

      • fyi, sa aking minsanang pagsulyap, pagbukas ng “reader portion”, makikita ang mga bagong katha (ang “summary”), kapag nakita ko na “less than 400 words”, akin itong papasadahan, hehe. at kung sumobra naman sa 400 “words”, akin itong lalagyan ng “bookmark”, at isasa-alang-alang na mabalikan muli, hihi. “that is why” ok ba?

      • ahaha, salamat for this, Cup… nagbabasa rin ako once a week through the Reader. hindi ko ginagawa ang mag-bookmark, though… alam kong hindi ako masyadong reliable sa pagbalik-balik, hehe. alam kong ang mga ipinangako kong babasahin some other time, kadalasang di ko na nababasa, hehe. ang sama ko…

        anyway, habang tumatagal, padami ng padami ang kailangang basahin, medyo maraming naiiwang backlog… anyway, ako, hangga’t maari, i try na mabasa ang posts ng mga pina-follow ko at saka ‘yong masisipag ding mag-comment dito sa SSA.

        hey, salamat and have a good week ahead🙂

  9. WoW ! Yay ! Thank you for the shout-out, Ate ! ! pero, how come I don’t get your emails ? I’m supposed to be following you ! Do you know I have subscribed to you ? So I thought you weren’t updating so much. Tapos, do you know I have 4, 600 emails right now ? I accumulated that since my trip to Europe…. one month ! ! I can’t cope. I don’t want to delete because I really read all the emails , mostly subscriprtions ! ( about 70, ha ha ha )

    • hello, Ren… no problem, tanda ko, sa dpsa pa kita na-meet… hey, as i said before, you are getting my posts and can read them via the Reader page…. hala, that’s one truck full of mails, haha. mine is mga 2876 lang siguro. speaking of emails, i have at eight (8) that i should have written two weeks ago and am nowhere near to writing one. i’m a bad one myself, hehe.

      thanks for dropping by, dear and for always leaving a trace… have a sunshiny weekend…😉

  10. Siguro mga 10minutes ang tinagal nang pagbasa ko nito. Hahaha. Pag nagbabasa ako ng post mo Ate San, feeling ko magkaharap tayo. Sobrang full of emotions. Natuwa ako dun sa line na “Iyong mga hindi, (hindi nag-follow back) para sa akin, mas magagaling kayo. Hala, patunayan nyo yan, in the coming days, ahaha… ” – ANG PAGBABANTA. HAHA =))

    Naku nakakainggit naman at ang dami niyo nang naging virtual friends dito🙂 Mabuhay ang iyong blog! =)

    • hello, Rhence…natutuwa ako everytime na nagko-comment ka – galing…ahaha, madada talaga ako sa totoong buhay, kapatid. pero, yun ay doon sa mga kinakausap ko na talaga. sa mga hindi, matipid lang ang bitiw ng lola mo (ang sama ko).😉

      haha, hindi naman banta ‘yon. nahuhusayan naman ako sa kanila talaga. pero, advise kasi, pag nag-follow sa iyo lalo pa pag nagko-comment, i-follow back mo. e, they have their reasons siguro for doing otherwise. ayon lang… hala, katamtaman lang ang dami… ang friends mo, mas darami pa as you go along, tamo… salamat sa masiglang comment ha, and have a happy week 🙂

      • Ba’t po kaya natutuwa? Ano meron po? Hahah. Nako thanks much! Haha!
        Ako din tahimik sa mga hindi pa kilala. As in sobra. Pero sa katagalan, nagugulat sila na hindi pala talaga ko tahimik. Nagbago daw ako, pero ang totoo ganoon talaga ko. Haha.
        Pero totoo medyo nakakainis nga yung mga hindi nagfollow back. Hahahah!
        Sana nga marami pa akong maging kaibigan here.😉

      • ah, eh, kasi, doble na yata or more ang edad ko sa iyo, Rhence. pero you are cool enough to comment – i like that. yong iba raw kasi, nahihiya or naasiwa kasi nga, mas matanda na akong blogger kesyo, mas marami nang alam – sus… sa akin, sa blogging may parang premise ng equality among bloggers. parang pare-pareho lang na may gustong sabihin irrespective of age, status, education, alam sa pagsusulat, etc. so, basta polite enough, nagpapakataong kumakatok sa bakuran/pintuan mo, papasukin at kakausapin mo. sa kabilang banda, kung ikaw naman ang kumakatok at nagtatao-po sa bakuran at bahay ng iba, you expect na kakausapin at papansinin ka rin naman. kumbaga, maging polite sa isa’t isa. after all, di pa naman natin talaga alam kung sino si blogger at ano ang agenda at motivations nya in going into blogging. we might as well start by being nice and polite. ayon lang…

        salamat for coming back and have a good week ahead, kapatid.😉

  11. Nakakakonsensya na hindi ako nagcocomment, o nag-co-comment back. Pakiramdam ko pinaparinggan mo ako, at some point, kahit na generalized ito. HAHAHA. Natutuwa ako pag nagkukwento ka ng mga alaala mo sa eskwela, kahit na pahapyaw mo lang dito nabanggit. Wala lang. Pakiramdam ko kasi mas nakikilala ng mga tao ang kanilang sarili sa mga panahong sila’y nasa paaralan. Hakhak. Wala lang. Napansin ko lang. Hemingway highway, naalala ko dati noong dpsa, dun ko naclick blog ni jkulisap, bagotilyo, metaporista, vajarl, at sago’t gulaman.. Basta yung mga yon. Kaso di pa ata nauso sa wp noon ang follow, kaya hindi ko na sila natrack, at saka ang tamad ko noon magbloghop saka magcomment. Hahaha. Sabi nga, pag nagbloghop, mas maraming followers o site stats na makukuha. The more the merrier. Hakhak. eyeball eyeball hahahaha! Meron dati, parang bloggers meet up, parang workshop ata yun, tapos makikita si matt mullenweg, yung gumawa ng wordpress. Pero hindi ako nakapunta. Katamad. Hahahahaha. Saka ang weird… Mas gusto ko ang anonymity sa mga gravatars at usernames. Pero opinyon ko lang yon. hakhak.

    • haha, di kita pinaparinggan, hakhak. sabi naman, sa blogging, whatever floats your boat daw… kumbaga, sinasabi ko lang ang para sa akin, di ko naman pinipilit ‘yong iba, nasasakanila…

      ah, oo, masaya ang college days – both the early and the recent, noong returning stud lola mo. masasayang parte ng buhay, even nagwo-work na rin that time. yong mga nagiging seatmates kong OA sa pagkatahimik, bago mag-end ng sem, naturuan ko na paano kumwento, haha…

      ah, oo. pumupunta nga sina kulisap, bagotilyo and metaporista. pero sina vajarl and sago’t gulaman, di sila nagbabasa sa DPSA. pumupunta ako sa sites nila before at nagbabasa, though…baka sa blog ni eloiski mo sila nakita, feeling ko lang. btw, masipag ako rating magbasa sa site ni eloiski, barkada mo pala sya. magaling ang art-art nya saka, makulit… hoho nga, may hawig kayo, ba’t di ko naisip na posibleng magka-barkada kayo? oo, pareho kayong out of the box & flippant in an artistic kind of way? basta, parang gano’n, hehe…

      oo naman, mas maganda pag nagba-bloghop kesa sa naglalagay lang ng post, tapos (medyo corny pag itong huli)… hindi ako masyado sa pagkuha ng stats o followers, tama lang… kasi, kung gusto kong marami , iko-connect lang sa social networking sites ang blog, for sure dadami. but i haven’t…

      sa kabilang banda kasi, i have an idea naman na medyo strong ang views ko so, di ganoon kalaki ang chance na maging popular, tangkilikin ng marami. naiilang daw ang iba, ang iba, takot, haha.

      hey, ano yon, WordPress Camp… i think there is one right now? the 2012 WP camp. inisip ko nga dating pumunta for this year… ayon lang, wala ring katsokarang blogger na alam kong andoon so, hindi ko na rin nailugar. pero, inisip kong um-attend… usually, nakakatuwa at nakakatulong ang ganoon, sa experience ko, ha…

      mas okey ba pag anonymous? depende rin… mahabang diskusyon yaan at iba-iba ang pananaw, haha. i think, eventually, in the end, magdi-disclose na rin si blogger. that is the point behind blogging, to make something or someone known to the public. ayon…pero, para sa akin, until and unless handa na si blogger mag-disclose, maging transparent sa kung sino sya, hayaan lang muna ng ka-blogs at readers. kumbaga, huwag pilitin or i-preempt. call iyon ng blogger when and how. ^^

      salamat sa marami at makulit na opinyon, batopik. have a good week!😉

      • hindeee! pinipilit mo akoooo!!! hahahaha. joke lang, ate.😄 bini-BI mo yung seatmate mo. Kino-conserve niya ata laway niya e. Awu. Hakhak. Di ko na matandaan, basta magkakakonekta..pero feeling ko kay jkulisap ko nabasa sina vajarl at sago’t gulaman. kasi noong mga panahong yun, pasulyap-sulyap, tas konting post na lang din ako. hehe. anyway, hardcore yun si eloiski magbloghop saka magcomment. Mas masipag payun sa langgam.oo, makulit din yon, siya na ata pinaka-naging close friend ko sa virtual world. hehe.

        ah, oo nga. dati naaalala ko samga comments, may isa at isang magcocomment na nosebleed din daw pala ang Filipino. Nalulunod na sa wikang Filipino. Haha. Ako din nga e, nanonosebleed sa pagtagalog mo. Yung iba inugoogle ko pa. Haha! Oo yun ‘yon. WP Camp nga, saka may bayad. E wala akong pera. Hahaha! Awu! So nag-attend ka na ng mga ganoong klaseng workshop? Oo, tama ka na naman sa mga sinabi mo. Syempre minsan nakakapagal na rin magtago.

      • haha, bini-BI ko nga sila. wala namang nag-reklamo, haha. actually, naging ka-close ko ang marami sa kanila even years after, maski saan kami magkita. ayon…

        lab ako ng mga ‘yon, whehehe. mukha raw ang lola mong matalinong tanga, independent na helpless at madaldal na shy, hakhak. names lang nila ang nalilimutan ko pero faces nila at tsika, hindee…

        haha, hardcore ba kayo? hindi naman siguro. artistic lang, ma-angsts at makukulit, hakhak. o,e, dapat magkita kayo – kindred spirits naman pala, sus… ^^

        pasensya naman kung napapa-google kita. actually, di ko rin naman alam na alam ko pa ang words na ginagamit ko sa posts until magsulat na. mas English na rin kasi ang environment ko, ang binabasa at pati mag-isip, hahaha. parang ikaw lang? hakhak.

        may bayad nga ang WP Camp. pero hindi na ‘yon mahal, less than half na siguro ng actual workshop cost. sina-subsidize nila ang ganoon, sa pagkaalam ko (and usually, may sponsors din). mas maganda pag nakaka-attend ng mga ganoon, palagay ko.

        salamat sa pagbabalik para mangulit, kapatid. shaks, nakakaubos din ng oras ang sumagot ng comments, hehe. ang dami kong ibang dapat ginawa, patatawarin.

        have a good week ahead, batopik. teynks😉

      • hala hindeeee!!! hardcore lang sa pag-bbloghop saka magcomment, saka si eloiski lang di ako karamay. honga at sha! di na ako magdadaldal. hakhak. gawin na ang dapat gawin!😄

  12. san!! *kaway kaway* kung naabutan ko dati ang DPSA, marami akong matututunan, pero sa malamang, hindi mo ako makikitang magcomment dahil kadalasan ay lurker lang ako karamihan sa mga site ng iba nating ka-blog… ngayon lang ako nagdadaldal kasi nga yung gusto kong purihin at pasalamatan ang taong may gawa ng post dahil may ibang aspeto na nakakarelate ako o di kaya ay may punto siya sa kanyang pinapaksa… nakakatuwa at nakakabilib… pasensya na nga pala uli at para akong kabute na pasulpot-sulpot lang.. madaming pinagkakaabalahan ang beauty ko.. eheheh alam mo naman ang trabaho dito sa japan.. kailangan mahigit 8 hrs ang gilingan.. ehehehe… miss na kita san!! mabuhay ka!! more power!! wag lang sa kili-kili ha.. ehehehehe *kaway kaway*

    • hello, Pot…oo nga, na-miss pala kita. kasi naman nga, reyna ka ng gilingan, hehe. hope maayos ang relasyon nyo ng iyong pimp at mababait ang costumers, hakhak. mabuhay ang iyong trade, kapatid!😉

      huli man daw at magaling, magaling pa rin, hehe. alam mo, dati ko pang nakikita ang gravatar mong burly-moustached man ang pic, haha. tapos, naku-curious ako, ang iiksi ng yong comments. sa experience ko, ang maiiksi at safe ang comments na bloggers, makukulit sobra ang posts at riot kung humirit sa sariling bahay, haha. ayon, di ako nagkamali… pagsilip ko roon sa may inyo – isa ka ngang pugante, nagpapasok ng epektos sa backdoor at isang incurable na smuggler, ahaha. ayon… hope things are alright for you, kapatid. have a good week ahead…😉

      • hi san! *kaway kaway* maiksi lang ako mag comment kasi nahihiya ako at natatakot… kasi nga, hindi ko kayang pantayan ang mga mahuhusay na nagboblog.. kung baga yung self confidence ko ay medyo low at that time.. pero unti-unti ko rin kinakapalan ang pagmumukha ko para makakilala ng mga bagong kaibigan sa mundo ng internet… sa totoo lang, kaya lang ako ng blog dati ay para makaiwas sa lungkot na dulot ng pagkakalayo ko sa pamilya… eto ang naging outlet ko para malibang… at dito ko rin masasabi na naging “makapal” ang pagmumukha ako dahil natutuwa ako kapag may naliligaw sa blog ko at natutuwa sa mga kalokohan ko.. kung baga, nakapag bigay ako ng panandaliang ngiti sa mga dumaraang bisita… salamat din pala sa iyo at medyo nagiging nobela na rin ang mga comment ko.. kahit walang kwenta, ay napagtitiyagaan mong basahin at sagutin… bilib na ako sa powers mo.. ikaw na san! ehehehehe! salamat uli kaibigan! ingat ka palagi! have a a great week!! 5 days to go, weekend na!!

      • hello, Pot, kaway-kaway…😉 hala, nag-change na rin ang season dyaan? lumalamig na? sensitive pa naman ang skin ng bata ryan, hahaha… amoy-pasko na rito pero mainit, hakhak…

        hala, you’ve come a long way mula sa tahimik at mahiyaing blogger. e, anong gagawin, matapos ang ilang sulyap sa posts mo, napagtanto ko agad na ikaw ang tipong tagapagpasok ng betamax, vhs at porn magazine sa seminaryo tapos ni kailan e, hindi naisip pagsuspetsahan ng paring nagmo-monitor? hahaha. mukha kang silent na promotor ng kalokohan, as in…

        pero, natutuwa ako sa maiiksi mong comment. sana, balang araw, matutunan ko rin ‘yon. mas maganda raw, sabi…

        ah, from the record, marami-rami nang tahimik ang na-transform kong maging ma-tsika, hahaha. sa totoong buhay kasi, mas mga tahimik and seemingly passive na tao ang nakaka-close ko.usually, it turns out na marami rin silang kwento at mas maaangas pa, hihihi. ayon…

        thanks to you sa pagbabalik, Pot. natuwa ako sa five days na lang, weekend na, lol. hakhakhak, ikaw na ang positive, loko ka talaga…😉 warm regards…

  13. eh na tats nama ako sa pag banggit ng pangalan ko dito. whahahah

    Nagpapasalamat ako sa DPSA kasi isa iyon sa mga blog na nababasa ko nung nagsisimula pa lang ako . In a way , hinubog din ako nito kung anong klaseng manunulat (?) ako ngayon. Kya nga hindi din ko din lulubayan ang mga blogs niyo kasi alam ko marami pa kong matututunan sa inyo.(mangagamit???) Marami pa kong kakaining bigas at babasahing libro bago marating ang level niyo. hehehe

    pag nagparty party ang lovelife ko ibablog ko din…wahahha … kala nito. tnt

  14. whahaha, may na-tats na isang bata… masaya kayang magbasa sa may inyo? kwentong sawi pero comedy, saan ka pa?😉

    “pag nagparty party ang lovelife ko ibablog ko din…wahahha … kala nito. tnt” –😉🙂

  15. Hindi ko natapos basahin ang post na ‘to pero sa mga part na nabasa ko, masasabi kong pang-OTEP at BAGOTILYO ang level ng blogger na to. Nakz di ba? Ako nga pala si Loadplus (wala lang, nagpapakilala lang po). Pangako dadaan uli ako dito…

  16. Medyo nag read back ako sa mga post mo ate san…and twice ko binasa talaga to..pwomis. Ewan ba , parang may humalina sa kin at basahin ng dalawang ulit ito. Nakakatuwa lang yung mga katangian na nakita mo sa ibang kapwa blogger…napa “keen” mo to know each of their strength in terms of writing….marami talaga ako natutunan sa iyo. Or siguro may mga kanya kanyang ways or atake lang talaga tayo sa pagsulat but what matters is we both have this courage and we’re brave enough to reveal of who we are…. Dito sa mundo ng blog… Meri xmas na nga lang te san…salamat.

    • ahaha, salamat, Myr. am so touched…🙂 a, nao-observe lang, sa kakatingin sa mga sinusulat ng ka-blogs. di naman ibig sabihin e, kilala ko na sila talaga. konti pa rin siguro… pero, in a way, may pagkagano’n ata, when we read kablogs’ works, parang inaaninag natin ang pagkatao ng nagsusulat, hoho.

      true, importante ang courage sa pagsusulat. marami ata tayong karuwagan sa tunay na buhay at sa writings and attempts man lang natin, makapag-dare tayong magsabi na we can do more, ahaha.

      hope your Yuletide season went well at sana, maganda ang pasok ng 2014 sa iyo, Myr. have a restful yet fun weekend, kapatid. regards…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s