Doon Po sa Amin, balik-tanaw – usapang pag-unlad

image of humans and their vision of sustainable development

Dapat ilugar ng tao ang pag-unlad na kayang ipagpatuloy/ tesd.cesie.org

Development talk. Uso ito sa grupo namin, mga taga-UP na nag-kolehiyo noong late 80s. Sariwa pa sa pakiramdam ng mga tao noon ang sinasabing euphoria ng EDSA, kaya in parati sa usapan ang pag-unlad. Sa mga tambayan noon, makakarinig kayo ng terms –  panacea for progress (haha, OA ba? Tingin ko rin, masyadong poetic, hihi) and trickle down effect – iyong bababa raw ang benefits ng political upheaval sa mas nakararami, sa masa. Magkakaroon daw ng democratization sa iba’t ibang aspeto ng buhay, hindi lamang sa kabuhayan at politika, kundi maging sa kultura ng mga mamamayan. Siyempre pa, sa mga estudyante, karaniwan ang tanungan –  ano ang maiaambag ng bawat isa – para mapaganda ang bansa. Cool pag-usapan ang nationhood noon, hindi lamang sa mga aktibistang panay ang sigaw at may bitbit laging banner, kundi maging sa neat and well-mannered na mga istudyanteng tila wala namang pinu-problemang mabibigat sa buhay.

 

Image of people converging at EDSA in 1986

Sariwa pa noon sa alaala ang mga ipinaglaban sa EDSA/ http://www.egguevara.com

 

Gaya ng naikwento ko na dati,  doon ako galing  – sa munti naming baryo. Ni hindi ko nga sigurado kung village level ba ang pamumuhay na mayroon kami noon. Maliit lang ang aming lugar at makipot din ang buhay na inikutan namin. Nang mag-high school, sa isa sa noo’y dadalawa pang city ng probinsya naman ako tumira –  sa kamag-anak. Pero dahil nakikitira lang, wala ring gaanong exposure sa city life na nakuha. Walang pera at luho sa buhay, kapos na kapos… Miyembro ako noon ng choir sa eskwelahan at iyon na marahil ang masasabi kong cultural exposure na nagkamayroon. Iyon na rin ang socialization na kahit paano ay nakuha sa ganoong setting. Idagdag na rin siguro iyong mahilig akong magbasa – mga panitikang Kanluranin ang marami. Kumbaga, para na ring umaalis pag nagbabasa – nakakarating ng ibang lugar, nakakakilala ng ibang tao at nai-expose sa ibang pamumuhay at kultura… ^^

 

Image of the UP Oblation

Ang UP Oblation daw ay sumisimbolo sa pagnanais ng taong maabot ang kanyang buong potensyal/ darthkix.deviantart.com

Pagtuntong sa Kamaynilaan, matapos habulin ang hininga sa kalalanghap ng  maruming usok pag papasok, na-engkwentro ko na ang masayang atmosphere ng pamantasan. Ang mga guro noon, multi-lingual ang marami at wala pa silang multiple consultancies, haha. Kupas ang mga suot nila madalas at kung minsan, tastas ang laylayan, haha. Ang mga kaeskwela naman, karamihan ay urbanites and middle class. Ilan lamang kaming dayo from the province, as in… Maski noon pa, mas middle class and rich na ang mga estudyante sa UP. Uso dati ang poor look, haha – cool ang naka-maong lang at puting t-shirt. Pero siyempre, pag tiningnan mo sa malapitan,  di maiiwasang mapansin – makikinis ang kanilang balat, mabibini silang gumalaw at may twang ang kanilang English, hahaha. Iba ang kanilang level of confidence, sabihin pa… Sa  exclusive schools galing ang karamihan sa schoolmates o graduates sa Science high schools ng mga probinsya. Kaming mga promdi na poor, nag-i-stand out sa crowd, ahaha. Halata pa naman ang punto ng lola nyo, Tagalog na nag-uumi-English, pambihira…

 

image of a paper where cynicism's definition is written on

Habang dumarami raw ang karanasan ng tao, nadaragdagan ang kanyang cynicism/ searchquotes.com

Anyway, background lang – para maitsurahan nyo ang panahon, para may context, ‘ika nga… Nagkikita-kita pa rin kami from time to time nitong mga kaibigan at kakilalang ito, ang first batch of friends ko from UP (kung mag-istrikto, di sila ang first batch, kundi friends sa block section). Siyempre, karamihan ay may mga pamilya na, mas malalaki na ang income (nila) at uso na sa grupo ang bilbil at double chin, haha. Hindi na kasing bibibo at singpi-pretty ng dati, maraming cynicism na ang na-ingest sa sistema at pangangatawan, haha. Pinag-uusapan pa rin ang development pero, mula sa ibang perspective na. Hindi na bilang mga estudyanteng nagpapagalingan sa logic at nag-uunahang makapagbigay ng best example. Pare-pareho nang nakapagtrabaho sa pribado at sa gobyerno and at some points, naging parte ng malalaking institusyong may say sa mga patakarang binubuo at ipinapatupad sa bansa. May wrinkles na yata lahat kami sa mukha…

 

Noong araw, uso ang slogan na tutulan, ilantad at pabagsakin. Haha, ang sistema, oo. Ang mga estudyante noon, hati sa dalawa – ang magre-reporma ng sistema at ang magpapabagsak nito. Bakit? Kasi nga raw ay bulok. It could use some change for the better, sabi… Fast forward tayo sa kasalukuyan, mahigit 20 taon, marami ba ang nabago? For the better ba? Passé na ba ang manawagan para sa pagbabago? Naitatanong lang… Noong magsulat sa DPSA, nagkataong mas kabisado ng lola nyo ang international events and issues (haha, ganyan ka-weird, oo). Pero, ayon, I would be talking above peoples’ heads, kung ukol doon ang ipagsusulat. Next choice, tungkol sana sa national events and issues. On several instances, naging bahagi ang inyong lingkod ng review and revision ng mga batas at patakaran sa bansa. Pero largely behind-the -scenes ang participation sa mga isyung iyon, hindi ko maisip kung anong public credential ang pwede, paano magsasalita ng kapani-paniwala sa mambabasa.

Doon yata pumasok ang ideyang talk locallyfrom the ground level – paano ang  village level na pagtingin sa mga usapin. Una, may credential, hehe – nakatira, nakaranas at isinabuhay ko mismo ang buhay sa kabukiran. Dagdag pa, andoon siguro sa larangang lokal ang challenge, bukod sa makakapagsanay ding magsulat sa wikang Tagalog… Ipinanganak nga ang DPSA, sa umpisa naman ay tungkol lang sana sa lokal na kakanin. Tapos, nagka-suloy, nagkaroon ng mga akda ukol sa kaparaanan ng pamumuhay ng mga tao sa nayon. Hanggang unti-unti itong lumago, nagkasanga at namunga na rin, ‘ika nga… Sa paglikha, sinisikap ng inyong lingkod na may lohika ang mga sulatin – maaaring sang-ayunan o di-sang-ayunan sila ng mga mambabasa. Hopefully, andoon din ang regular na requirements – kaakit-akit, malikhain at may relevance sa readers. Sinusubukan ko laging i-develop ang paksa – hindi spoon feeding at hindi rin take-it- or-leave-it. Kahit pa batid na tila itong huling approach ang uso – nitong mga huling panahon.

 

Kumbaga sa pagkain, acquired taste ang mga talakayang rural. Mas marami ang bloggers na taga-lungsod at di pamilyar sa paksa. Anyway, tulad rin ng iba pang bloggers, naglakas-loob ang lola nyo – hindi naman bawal, wala namang gaanong mawawala at baka may iba ring makuha ang interes… Saka, kung tutuusin, hindi rin naman ganoon ka-conscious ang bawat sulatin at paksa sa DPSA at maging sa mga sumunod pang blogs… Malaki at marami rin ang parteng pagsubok sa sarili, tipong “Tingnan nga, tingnan kung kaya…” o di kaya, “Pwede kaya ‘yon?” at mayroon ding ” Malay mo, baka sakali…” Kasi, kahit sabihin pa nating mas inire-rekomenda, mas maganda raw at mas matibay kung conscious ang pagsusulat, may malaking bahagi pa rin nitong umaasa sa spontaneity –  sa pagbibigay-laya sa diwang namamasyal, naglalaro at tila naghahanap ng kung anu-ano sa kung saan-saan. At sa kalakhan, di natin hawak ang ganoong tendency ng panulat…

 

image of a young woman writing away excitedly

Ang pagsusulat daw ay pagtuklas ng ating mga pinaniniwalaan kahit pa ang paksang isinusulat ay ukol sa kawalan ng paniniwala/ seo-hacker.com

Sabi ng matatagal na sa larangan, ang pagsusulat daw ay hindi lamang pag-abot sa publikong mambabasa. Ito raw ay paggigiit din ng ating mga saloobin at isipin sa sangkatauhan. We are writing to make a point and to impose our views about life, living and the world upon our audience. Gaano man daw kahinay, kalambot o ka-inosente at unobstrusive ang ating mga sulatin. Kahit pa, tila suggestion lang ang ating hain o kaya ay parang nag-o-offer lang ng kakaiba at payak na point of view. O, iyong madalas nating sabi – gusto lang nating ihayag ang sarili, magtala ng kapiranggot na pangyayari o magbato sa langit ng munting pakiramdam. Lampas daw doon ang abot ng pagsusulat – isipin man natin o hindi, limiin man natin o hindi at tanggapin man natin o hindi… Ito raw ay pirming may agenda, punto ng mga batikan. Gayunpaman, ang pinakamagandang ani raw mula sa pagsusulat ay ang malaman at malinaw ng may-akda mismo sa sarili – anu-ano ang kanyang mga saloobin, isipin at pinaniniwalaan sa buhay. In this sense, writing is an inner journey. Iyon ang sabi…

 

In this vein, isinulat ang mga sulatin sa DPSA na kahit paano, layon ay tuklasin – Ano na ang kalagayan ng aming nayon sa usapang pag-asenso? Umaandar ba? May naabot? Nasaang punto na sa mga sukatang pag-unlad o development measures? Umangat ba ang kabuhayan ng mga tao? Gumaan ba ang pamumuhay? O, bumilis lamang? Masasabi bang mas lamang kaysa sa dati? Nasasaan ang mga bara sa pag-unlad, kung mayroon? Bumubuti ba ang lagay o lalo lamang napapasama? May maaari pa bang gawin? O, mas maiging hayaan na lamang? Maari bang pakialaman ang buhay ng mga tao sa nayon, in the first place? O, ang pangarap na umasensong magkakasama ay mananatiling pangarap na lamang? Bakit hindi ganoon kadaling ilikas na lang sa lungsod ang mga kamag-anakang nasa baryo? Bakit ang kapamilyang nagtrabaho at tumira na sa lungsod o sa ibang bayan, karaniwang di na bumabalik at nanirahan muli sa nayon? May kompormiso bang maaring maabot sa pagitan ng lumisan at mga iniwanan? O, dadalhin lamang sa loob ang sakit ng pagkakawalay?

 

image of young girls at play in the rural area

Sa Pilipinas, ang buhay sa bukid ay karaniwang nangangahulugan ng pagiging malapit sa kalikasan at maging sa kahirapan/ matadornetwork.com

 

Bago tayo pare-parehong maiyak sa mga usaping inilatag, nais kong ipaalam sa inyo – wala rin akong sagot sa mga nabanggit na mga tanong. Walang tiyak na kaalamang maibabahagi sa mabibigat na usapin. Katunayan, karamihan sa mga isinulat sa DPSA sa paksang rural development ay mga paglalarawan o illustrative pieces. Isinulat ang Kahit Munti, isang recall sa bahay-kubong una naming tinirahan sa bukid. Hindi namin iyon pag-aari, nakitira lamang kami, kumbaga. Mayroon ding Usong Yari ng Bahay, ang bahay na naipatayo ng aming ama – yari sa semento at kauna-unahang konkretong bahay sa aming lugar. Sa biglang-tingin, tila may kaya na kami noon sa aming baryo, haha. Pero ang totoo, ang sumunod doon, serye ng pangungupahan namin sa lunsod – pagtira sa kung saan-saan, pakikisama sa kung kani-kanino, bago pa ang mga pangyayaring may pirming nang mga bahay, nitong huling 15 taon.

Isunulat at inilathala din ang Maglalako, isang akda ukol sa iba’t ibang itinerant peddlers na gumagalugad sa magkakalayong bahay doon sa amin at nagsilbing ugnay ng mga tao sa buhay at kalakalan sa labas ng aming nayon. Nandoon ang mga ale at mamang naglalako ng kutsinta, ng dirty ice cream, ng kumot at kulambo at ng labaha at tari, doon sa amin… Ang Bentahe ng Nabebentaisang silip sa pangangalakal ng gulay at prutas – paanong ang mga ani ay nakakarating sa malalaking pamilihan ng lungsod at umaayuda sa kabuhayan ng mga magtatanim sa amin at sa kanilang pamilya… Ang Kwento ni Nine, isang fiction story na naglalarawan kung paano lumakad ang balita sa lokalidad – sa kalagayang wala pang two-way radio, walang telepono at wala ni anong makabagong paraan ng pakikipagtalasan. Samantala, ang Kinig, Sagap… ay ukol naman sa panahong transistor na radyo ang pangunahing aliwan ng mga tao sa nayon at siya ring tulay ng mga tao para malaman ang mga kaganapan sa Kamaynilaan at upang makasagap ng news around the world.

Sa Busy ang Linya, dalawa ang paksang tinalakay – una, ang panahong naka-depende pa sa sulat sa koreo ang mga tao at ang tagahatid ng sulat ay itinuturing na mahalagang tao sa malalayong lugar. Ikalawa, ang mga dekadang ang pagtawag sa telepono ay isang importante, pinaglalaanan ng panahon at kinasasabikan pang activity ng mga tao, long-distance pa noon lahat ng tawag at operator-mediated pa, hahaha. Those were the days… Iyon yata ang panahong ang laki-laki pa ng mundo, malayong-malayo  pa ito sa fingertips. Kabaligtarang-kabaligtaran ng salespitch sa ngayon – abot na raw ng sinumang electronically-connected ang lahat, sa kahit saan… Ang Baku-bakong Kalsada sa Aming Nayon ay isang pakikipag-tuos sa sarili, maaring sabihin… Dito ko inilatag ang mas malaking tanong ukol sa sama-samang pag-unlad – bakit rugged and uneven ang paths to development? Kung madrama, pasensya naman, mga kapatid…

 

image of an unpaved road in the Philippines

Limitado ang access sa kalakalan at edukasyon sa mga lugar na wala pang maayos na kalsada/ brommel.net

 

Dalawa ang undercurrents sa sulatin – ang personal at ang political. Sa personal, sinubukan kong i-pose ang tanong – Bakit may mga naiwan pa kaming kaanak at kasamahan sa baryo? Nakaalis ba talaga kami sa nayon kung saan at kailan halos lugmok kami sa kahirapan? O, akala lang namin iyon? Sa political, itinanong sa sulatin kung bakit dekada ang binilang bago naipagawang konkreto ang kalsada sa aming lugar? Bakit ang haba ng panahong ipinagtiis namin sa maalikabok at maputik na daan, habang naglalakad ng kilo-kilometrong walang sapin sa paa o malaki pa sa limang pisong barya ang butas ng tsinelas? Kumbaga, alin-alin doon ang sakripisyong dala ng personal and family circumstances and limitations? Alin-alin ang mailalagay at masasabing dictates of the times – mga kahirapang dulot ng kalumaan at pagka-atrasado ng panahon? Looking back, tila kapwa sila may timbang…

Isa sa mga huling pagtatangkang magtalakay sa usapang rural sa DPSA, sa posts na tinawag kong Gulay series – mga artikulong naisulat noong Hunyo 2011. Nine-part series ang sulatin, parusa sa mambabasa, haha. Lima yata ang nai-edit at nailathala, may apat pang unpublished. Food security and malnutrition sa kanayunan sana ang gustong tumbukin ng serye. Hindi sila madadaan sa isang bagsak na pagtalakay, tingin ko… Kung gusto lang tumawag ng pansin, kumuha ng simpatya sa isyu o mang-antig ng damdamin, pwedeng post lang ng isang larawan ng malnourished na bata at lagyan ng isang paragraph – kwento sa personal circumstances niya. Kung gayon, malamang, ang dami ng sympathetic na komentong makukuha. Naging bahagi ako dati ng ilang hearings and technical groups ukol sa food security at nakapagsulat na rin ng policy papers ukol sa malnutrition sa bansa. Pakiramdam ko no’n I will be selling the audience short, kung isang article na papansin at “simple” lang ang isinulat. Tingin ko, iba ang simplistiko kaysa sa simple

 

Anyway, ayon, lahat tayo ay nagsusulat dito sa blog at nagbabahagi, sabi natin… Ang isini-share natin – kung ano ang mayroon tayo, kung saan tayo mahusay at kung saan, may tsansa tayong pansinin – sapagkat ang ibinabahagi natin sa mambabasa ay ramdam. Nagre-resonate sa readers, sabi sa English… Maaaring iyon ay kwento ng araw-araw na buhay ng isang estudyante, humor pieces ng isang blogger na magaling talagang magpatawa in real life o kaya ay drama ng isang individual na pinalad na puno ng ligalig at kalungkutan ang buhay. Anuman iyon – mukhang may sense man o wala, kaintindi-intindi man o hindi ang pagkakahayag o masyado mang dry or factual, nakakabato, pero isinusulat pa rin natin at inilalathala. Naniniwala tayong somewhere out there, may makakarinig, may magsasabing, “Kapatid, hindi ka nag-iisa, dinaanan ko na rin ‘yan.” O, kaya, “Kapatid, ganyang-ganyan din ang iniisip ko…“At nagagalak tayo sa tuwing mangyayari ang ganito, tila tayo ay affirmed – gaano man ka-boring, ka-unfair o kasaklap – ang buhay na mayroon tayo…

 

cartoon image of a man running in a grassfield

Kapag random ang mga bagay, walang patterns at maliit ang tsansa ng pangmatagalang ugnayan/ sandbox.yoyogames.com

Sa panahon ngayon, tila ang prevailing na paniniwala, na siya ring dala-dala ng marami at itinataguyod ng karamihan sa traditional na media, ay random ang mga bagay-bagay at pangyayari sa mundo at buhay ng tao. Na ang best nating magagawa ay to skim the surfaces and to make the rounds in the swiftest way possible, without breaking – parang ganyan ang kuha ko… Under the said conditions, lalabas ngang pasaway at kontrapelo ang mga sulatin sa DPSA. Hindi na raw uso ang maghalukay pa ng mga isyu at wala nang silbi ang silipin pa ang social dimensions ng mga bagay-bagay. Na nasa individual daw ang kapangyarihahang magpasya anumang oras, sa iba’t ibang pagkakataon. Hindi rin… Bakit? Sapagkat ang individual ay nakapaloob sa lipunang kanyang ginagalawan, doon umiikot ang kanyang standards, choices at pagpapasya, maging ang limitations. Hindi pa siya fully autonomous.

 

Totoong inspiring lagi ang makabasa at makarinig ng kwento ukol sa spectacular individual na nalampasan ang mga balakid at panghuhusga at naabot ang di-kapanipaniwalang antas at pagkilala sa buhay. Subalit dapat pa ring i-consider ang background at context – kung bakit at paano naabot ang kagila-gilalas na achievement. Sa ganang akin, hindi random ang mga bagay-bagay kundi may patterns… At ang credit ng exceptional na individual ay maaga niyang na-figure out ang patterns at kanyang nagamit para sumulong, manaig at magtagumpay sa buhay bilang siya. Sabi, it is the times that make the hero… Mismong mga bayani ang nakababatid, hindi sapat at hindi sasapat ang achievement lamang ng isa o ng iilan… Na ang sukatan talaga ng pag-unlad at pananagumpay ng tao ay kung maipalalaganap ng mga naunang umangat ang kanilang kasanayan, husay at pagtitiwala sa kakayahanIn this light, it probably makes sense –  silipin ng minsan pa ang lumang daan – para magbigay-pugay sa pinagmulan, magbalik sa mga dapat balikan at kalimutan ng tuluyan ang mga sakit ng hindi madaling kahapon.

 

Ang kwento ng grupo naming taga-UP, post-EDSA dreamers – mga nangarap ng magandang Pilipinas na maaring maipagmalaki kahit saan… Noong araw, nagtatalu-talo lang kami tungkol sa industrialization, bakit ang Pilipinas ay hindi naka-take off kumpara sa mga kasabayang bansa at paanong ang technology and know-how ng agriculture natin, several centuries behind – kumpara sa ibang agricultural countries. Ang consensus namin noon – hindi nagkaroon ang Pilipinas ng land reform, totoong land reform na talagang namahagi ng lupa sa tillers of the land, gaya ng ginawa sa US at Japan. Ang pinag-uusapan, social policies na dapat gawin – para paramihin at palakihin pa ang middle class ng bansa o mga pamilyang may purchasing powers. Isa pa, ang tax system sa bansang masyadong skewed in favor ng mga may properties na at conducive para gawing idle lamang ang marami sa mga ari-arian. Anyway, marami sa amin ay nakapagtrabaho na sa gobyerno at alam namin – first-hand – hindi ganoon kadaling baguhin ang mga kalakaran at bagay-bagay

 

image of a poster saying that things will one day fall into their proper places

Darating din ang panahong lilinaw ang usaping human interconnectedness/ http://worldofrush.com

Pero ang usapin pa rin – May dapat pa bang gawin at kung may gagawin pa tayo? O, isasalong na natin ang tabak at sasabihing tapos na ang laban? Na nakarating na tayo sa ating mga dapat puntahan? Bilang tao, bilang indibidwal at bilang bahagi ng lipunan at ng mundong kinabibilangan natin… Ito na ba ang best na mai-o-offer natin at kung anong meron at nakukuha tayo sa ngayon, iyon na ba ang best? Sasabihin ba natin, “I’ve scanned the world and that’s the best by far, I’ll take it?” Tila madali lang mag-settle, ang makontento sa makipot, kakaunti pero manageable na buhay at mundo – ang isipin ay pansariling kapakanan lang at mag-pokus sa kasalukuyan. Madali lang kalimutan ang kahapon, kung tutuusin… Katunayan, dumaan din sa panahong  expert ako ryan, haha. Pero sa buhay, sa tingin ko, darating din sa puntong mag-iisip ang tao tungkol sa sariling binubuo ng mga karanasan at pangyayaring hindi lamang siya at hindi lamang kanya… May kabahagi, may karugtong. At tila, hindi natatapos…

 

Bukod sa boring at sinauna ang mga paksa sa DPSA, may mga nagsasabi ring marami sobra ang inputs sa posts at parang masyado raw literate. Sa panahon ngayon, mas practical na maiiksi at magagaan lang ang mga sulating i-offer bilang babasahin online. Nakukuha ko at nasasabayan itong argumento. Subalit, hindi naman siguro masama o kasalanan kung hindi sumabay sa trend. After all, nag-a-apply pa rin naman dito ang rule – basahin lamang ang posts na nakakuha ng personal na interes. Wala pa ring pilitan… At sakali mang “literate” masyado ang dating ng mga isinulat, iyon ay sa pagtatayang kayang basahin, unawain at intindihin ng mga kapatid na manunulat at mambabasa ang mga paksang tinatalakay. Ahaha, panatag ang loob ko – kaya nyo ‘yan… Isa pa, ang background ko, malayo sa literacy na binabanggit – second year high school lang ang inabot ng aming ama, hindi pa nya natapos… Ang mga kamag-anak doon sa amin, ang mga taong ikinukwento ko sa inyong ang huhusay magsalita, karamihan sa kanila – di man lang nakapagtapos ng elementary…

 

Ang pagsusulat daw ay isang paglalakbay para kilalanin, unawain at tanggapin ang sarili. Para kahit paano ay masagot – may iniunlad ba mula sa dati?😉

 

45 thoughts on “Doon Po sa Amin, balik-tanaw – usapang pag-unlad

  1. naglaan talaga ako ng oras para dito. walang makaistorbo, ang sagot ko sa nagtatanong o may sinasabi. “mamaya na”🙂

    Marami pala akong hindi nabasa sa inyong sulatin noong panahon ng DPSA. Pasensya naman po.

    may pagunlad nga ba pagkatapos ng mahabang panahon? may iuunlad pa ba pagkatapos niyon? Paano natin nasabi? Hindi kaya katulad na lamang ng baku bakong kalsada na kung tawagin sa amin ay lumang pangako?

    “Maipapagawa na din natin yan, pangako” – pulitikong lakas tama lakas uga🙂

    Marahil kung nasundan ko ang iba nyong lathala, madali kong mauunawaan sapagkat parehas lang tayo pala ng pinagmulan, parehas ng kinamulatang paniniwala na binabago ng ating paglalakbay.

    Ang husay nyo po talagang sumulat, malinis at diretso sa nais n’yong ipabatid.

    Kumusta na po🙂

    • hello, Banjo… pasensya ka na, isang linggo palang nasa spam folder itong komento mo sa post na nangnguna pa naman. sayang… salamat sa masusi at concentrated na pagbabasa, ha…

      ayos lang na may na-skip kang posts, kapatid… mahirap namang i-expect na nasuyod talaga ng isang mambabasa ang kayrami yata at kahahabang sulatin, ahaha…

      hindi pa rin ba yari ang kalsada sa may inyo? dapat siguro, mayroon na ‘yon. malamang, may pondo na ‘yon… actually, periodically, pwede mong i-check sa site ng DBM – naka-upload doon ang projects na aprubado nang i-release ang pondo. ayon…

      narinig mo na ‘yong sabi na ang elected officials natin ay reflection ng sentiments ng constituents? ayon, pag pumapayag ang nasasakupang pa-bulastog ang performance ni representative or halal na pinuno o kinatawan, hayon – reelected kahit walang nai-deliver.

      pag nagma-mature ang nasasakupan, napipilitang tumarbaho ng ayos ang namumuno. pag ang constituents ay di lang kapos sa aral, sa tiwala sa sarili at passive – pumapayag na hawshaw ang pamamalakad, iyon mismo ang mananatili. sa tingin ko…

      salamat sa iyong papuri, kapatid. ikaw man ay kahanga-hangang magsulat – ang husay mo lalo na sa fiction, as in…

      marami-raming problemang personal banda rito. pero sana naman ay magliwanag at umayos din.

      salamat ng husto sa ramdam mong comment. magandang araw, Banjo. cheers…😉

  2. ang haba po hehe, 1/3 pa lang ang nabasa ko ng masinsinan at ini-scan ko pa lang ang natitirang 2/3, balikan ko sila…nakakapagpalawak ng perspektibo ang mga ibinabahagi n’yo dito. kung tutuusin, parang wala rin namang masyadong ipinag-iba ang noon sa kasalukuyan.

    marami pa rin ang tumatawag at naghahangad ng pagbabago…sa pakiramdam ko’y nahahati pa rin sila sa mga positibong repormista at mga nais magbagsak ng kasalukuyang institusyon.

    nauunawaan ko rin yung unti-unting pagiging cynical habang lumilipas ang panahon. pero para sa akin, importanteng magkaroon ng matibay na personal na paninindigan at i-refresh ang sarili sa mga sariling prinsipyo at kung kailangan mag-adjust, maga-adjust pero hindi kelangan mag-conform sa lahat ng bagay na naging kalakaran na sa lipunan.

    kuntento na akong may maibahagi sa pagbabagong pinapangarap ko kahit na gaano ito kaliit. kahit mamatay akong hindi nakikita yung pagbabagong hinangad ko, may mai-contribute lang ako, masaya na ako. maraming salamat din po sa pagiging bahagi ng demokrasyang ini-enjoy naming mas nakababata (ng konti) na henerasyon.

    • hello, patriot… una sa lahat, hwag na ang po. di masyadong bagay at saka, di talaga ako kagalang-galang sa totoong buhay, hihi… hala, take your time sa pagbabasa, kapatid. alin ang kamo ay walang masyadong ipinag-iba, inequality, you mean? or, backwardness ng pamumuhay?…

      marami pa rin, hati pa rin ba sa dalawa? ba’t mo pala nasabi ‘yan?

      ahaha, oo. medyo inevitable ang makalanghap ng cynicism, parang usok lang sa Kamaynilaan, hehe. ay, siyempre, mas maganda sana kung matibay ang personal na paninindigan at may prinsipyo sana hanggang maaari. parang gusto naman ng marami sa atin, ganoon… i think, may adjustments being made naman kasi kung wala, parang nakakamatay, hehe…

      pero, gaya nga ng sabi sa post, we have been led to believe na fully autonomous ang individual, na kaya nya laging mamayani sa mga sitwasyon, that he can bend the situations at will and prevail. or at least, make things happen, introduce necessary changes, kumbaga. but then, hindi rin… marami pa rin ang mga bagay – forces of nature man or societal constructs or social impositions na hindi ganoon kadaling baguhin or palitan. na kahit mismo andoon ka na sa corridors of power, so to speak, hindi pa rin. marami masyado ang requisites for real and felt changes to take place…

      aye, tama ka, mostly ng hinahangad or ina-aspire nating changes, hindi magiging visible or ramdam during our lifetime. that the most we can do is to take part, to engage in making changes with the hope that they will affect the next generation, ‘ika nga… hala, nasa high school pa lang ako sa probinsya noong mag-EDSA 1. two years after na ang nire-refer ko, ahihi. there are a couple of laws na naging part ako ng pagbubuo, yon siguro… btw, ‘indi anti-cybercrime law, ha… ^^

      salamat sa heart-felt mong komento at mga ideya… happy weekend, patriot…😉

      • hello san, ang hahaba din ng mga comment ng ibang nag-comment hehe

        sa mga nababasa at napapanood kong balita at base sa reaksyon ng mga nakakausap kong pilipino, meron pa ring mga gusto ibagsak ang kasalukuyang pamahalaan at marami pa rin ang mga uhaw sa pagbabago.

        meron pa ring mga hindi abot ng kaunlaran sa ating bansa, wala pa ring kuryente ang ilang lugar sa probinsya ng mga magulang ko o baku-bakong lupa pa rin ang kalsadang daanan. mga lugar na hindi nache-check ng national government. magtataka ka na lang saan napupunta yung pondo para sa lugar na iyon.

        nararamdaman pa rin ang walang kamatayang inequality ng mahirap at mayaman pagdating sa batas at pagkamit ng katarungan.

        mahirap nga ipatupad ang lahat ng gusto mong pagbabago kahit andun ka na sa mismong lugar kung saan pwede kang gumawa ng pagbabago. naging konsehal ako ng student council nung college years ko para makagawa sana ng mga pagbabago pero wala rin akong masyadong nai-contribute ng malaki😀

        grade 2 pa lang ako nung EDSA 1 pero alam ko na kung gaano kaimportante ang pangyayaring iyon dahil sa kwento ng mga magulang at titser ko.

      • hehe… oo nga, nahawa nga ang ka-blogs sa haba ng post, whehehe. ^^

        ah, eh, palagay ko, inevitable na may protests and may dissents – kasi, marami pang kulang, kapos at di-natutugunan. saka, in any country, developed man o hindi, mas maigi ang may nag-o-oppose. kasi, corrupting naman talaga ang positions of power and corruptible ang mga tao and parating kailangang paunlarin ang state of things, ‘ika nga…

        ah, oo, tama ka, marami pang lugar ang hindi abot ng electrification. medyo mahal kasi ang infrastructure sa pagsi-set up noon at karamihan pati sa remote areas, walang budget ang households para pambayad ng bills. okey ang ginagawa ng ibang private groups, solar source ng energy and other alternatives – nagagandahan ako roon.

        anyway, maibahagi ko lang. sa hierarchy of devt priorities, pang-apat o panlima pa lang ata ang electrification ng malalayong lugar. paglalagay ng tubig ang nauuna and proven (na sa studies) na immediate and felt ang changes sa buhay ng naninirahan – inumin, health, water for plants and livestock and hygiene ng mga tao, ganyan.

        importante rin ang kalsadang tuluy-tuloy (pansin mo, andaming politicians na fixated rito? di lang sa sinasabing commission sa pondo but usually grateful talaga ang constituents pag naayos ang kalsada). pati ang health service delivery (problema ito sa remote areas). then, eskwelahan and availability of teachers. saka pa lang yata ang electrification.

        marami talaga ang needs na kailangang matugunan para maramdaman ng mga taong kasali at bahagi sila. if unmet, people in the far-flung areas feel na limot na sila ng mundo. medyo ganyan ang pakiramdam namin when were growing up – parang wala kaming access sa lahat. parang puro lupa, damo, halaman at dumi ng baka ang nasasalubong saka sunlight, hehe. ^^ ayon…

        big part ng changes, sa gobyerno pa rin expected na manggaling. kumbaga, the effectiveness and efficacy ng pamumuno, makikita at mararamdaman depende sa dami and quality of service provided that could make the people feel that they are part of the goings-on – economic devt, opportunities, exchanges and know-how. a matter of bringing the people to the fold, ‘ika nga. kasi pag hindi, di lang discontent ang magdi-develop, insurgency pati. and we have that…

        pero may bahagi rin that rests on the shoulders of the may pera, may pinag-aralan and may skills na citizens – private efforts and contributions. lalo siguro sa usapin ng pagti-train ng tao sa kanayunan paano gawing sustainable ang livelihoods nila o paano mag-market ng products, mga ganoon…

        some of these are being done na naman. the thing is, mas prevalent pa rin ang thinking na pag umasenso ang isa, sya at pamilya nya na lang ang aasikasuhin, kesyo, mahirap man ang bansa, basta siya ay hindi, haha. basta, napansin ko, among the SEA countries, tayo ang di developed ang common weal consciousness. mas Westernized and individualistic yata ang sense natin ng pag-asenso. parang… cheers!😉

      • haha, naman… mapa-frustrate ka lang, muntanga lang ang lola mo. bungisngis lang ako, hehe. sana, ma-meet rin kita at sana, magka-time akong mag-backread sa bakuran mo…😉 spend the rest of your Sunday happy. tulugan na ata rito…

  3. ang una kong reaksiyon, mang-aasar ako: nagkolehiyo ka noong late 80s? kakaumpisa ko pa lang sa elementarya noon hehe. (pssst, saan nga kayong bayan/lalawigan, bulong mo sa akin sa email ko) ayan, dumaan ako ha.🙂

    • hala, ganoon, dumaan para mang-asar? tapos, para man-tsismis? tingnan mo nga ang ugali mo, kapatid, pambihira… sya, ikaw na ang bagets na bagets . tingnan ko pag nagkita tayo, baka mukhang kuya pa kita, hihi… oo nga, may utang pa nga pala ako sa ‘yong sagot sa email, shaks na ‘yan. i hope i could drop you a note this weekend. tapos na ang sem? happy weekend😉

  4. Hello! Salamat sa pagdalaw sa aking blog (isang verified at updated, at ibang luma at hindi ko na maalala ang password).

    Ilang ulit ko munang binalik balikan itong “usapang pagunlad.” Tamad akong magbasa ng masyadong mahahabang babasahin, kaya madalas ay yung umpisa lang ang talagang naiintindihan ko -__-

    Pero hindi man masyadong naunawaan ng kamote kong utak🙂 ang lahat ng iyong inilahad, may dalawang bagay akong kinatuwaan dahil parehas ang ating karanasan.

    (Pasensya ka na sa pagpupumilit kong managalog. Ansarap lang gamitin muli ng ating lengwahe lalo na’t dito sa lugar na aking tinitirhan ay Ingles ang pangunahing salitang ginagamit. At kahit maraming mga kababayan dito, may mangilan ngilan din na naguumigles kahit alam nilang Pilipino naman din ang kausap….ooops…)

    Unang ikinatuwa ko dito ay ang iyong paglalahad ng karanasan sa kolehiyo na kung saan ikaw ay “probinsyana” o sa pagkakaintindi ko ay bagong salta sa Maynila, naka relate ako dahil ang pagtunton ko din sa kolehiyo ang hudyat na madudumihan ang aking malinis na lungs dahil sa polusyon ng Maynila he he. Bagaman hindi tayo parehas ng Unibersidad na napasukan,ako ay nanggaling sa Pamantasang may rebolusyonaryong dugo at tila lahat ng tao ay apo ni Gabriela Silang o ni Andres Bonifacio na walang ibang nais ay ang pagbabago. Malamang ay naiisip mo na kung anong Unibersidad ito, madalas na nasa Mendiola ang mga estudyante kesa sa loob ng silid aralan. Kami yung mga estudyanteng nag memegaphone agad sa quadrangle ng eskwelahan magtaas lamang ng piso per unit ang tuition. Nakakalungkot lamang isipin, na gaano man kadami ang mga taong nagkakaisa ng diwa para sa pagbabago ay tila napakahirap pa din makamit ang ninanais.

    (pinapaalalahanan ko na ang sarili ko ngayon na nagkokoment lang ako dito dahil feeling ko nakikiblog na ako sa blog mo at nangaagaw na ko ng personal space baka ma Cyberkulong ako he he)

    Pangalawang bagay na ikinatuwa ko ay ang paglalahad mo ng lugar na iyong pinanggalingan. Tulad mo ako din ay galing sa pook, hindi man ito talagang probinsya…. mini probinsya ito na dalawang oras ang byahe papunta sa aking Unibersidad sa Maynila, kasama lahat ng trapik at paglalakad at pagpila sa LRT. Isa itong lugar na hindi masyadong natatanaw sa mapa kahit na ang lugar na ito ay ipinangalan sa ating Pambansang bayani, mas madalas ay walang nakakaalam o nakakakilala sa lugar na ito. At kahit ngayon dito sa ibang bansa, pag tinatanong ako ng mga dayuhan na nakapagbakasyon na sa Pinas kung saang dako daw ako nanggaling sa Pinas ay palagi kong sinasabi ang aking Lugar, at kasunod nito ang paliwanag na isa o dalawang oras na byahe sa mula sa Maynila para lang mawala ang kalituhan sa kanilang mukha dahil wala silang ibang alam na lugar sa Pilipinas kundi Manila, Cebu at Boracay. Ang lugar na ito tulad ng sa iyo, ay baryong- baryo ang setting sa loob ng napakahabang panahon. Umabot ako sa dalawampung taon bago kami nalagyan ng gripo at buong buhay ko ay lumaki ang maskels ko sa braso sa pag iigib sa poso. At ilang taon pa lang ang nakakalipas mula ng naisipan ng gobyerno na ayusin at sementuhin ang mga kalye. Hanggang ngayon ay wala pa ding ilaw ang ibang mga eskenita, o lagyan man nila ay mas madalas pundido ang ilaw at isang beses lang sa isang taon bago nila palitan.

    Ayoko talagang mang agaw ng blog ng may blog, pero kapag nasimulan ng magisip ng mumunti kong kukote ay dire-diretso na. Hala, maraming salamat muli! Hapi weekend!

    • hello, kapatid… walang anuman. maganda at nakakatuwang sumilip sa blog mo – nakaka-engganyo ang entries at maraming magagandang pics, hehe. ^^

      ahaha, oks lang. kakonti lang naman ang matiyaga ngayon sa mahahabang basahan. puro shortened na ang kausuhan. saka, oo, gets ko na may certain frame of mind or mood para mahirating magbasa ng mahaba-haba. salamat sa pagbabalik-balik, ha…

      haha, oo, napansin kong ingles ang blogs mo. tsaka, ba’t common complaint ata sa mga andyan sa Middle East ang Pinoy na nag-i-ingles kahit kapwa Pinoy ang kausap? talaga, uso ‘yon? ^^

      oo, promdi me, bagong salta no’ng time na ‘yon, as in… buti, may mga mas matatanda na akong kapatid (apat) na naunang nag-Maynila. so, nakatulong sila para di sobrang hirap ng adjustments. ahihi, natawa ako sa kahit piso lang ang i-increase ng tuition, nagme-megaphone na agad, haha. btw, ilang taon ka na sa UAE at ano’ng larangan ang work mo dyaan, if i may ask… ^^

      mahirap nga pag sa remote area nakatira. oo, pahirap ang tubig, kalsada at halos lahat-lahat na ordinarily, meron sa city. katunayan, sa DPSA, ilan ang sinulat ko about tubig, hehe. halata bang in-isyu? halatang nahirapan sa pag-iigib? kainaman na…

      may ilaw na doon sa amin nitong mga huling taon, kailan na lang… medyo naglakas-loob akong mag-discuss about infrastructures, nag-work ako ng Congress several years – taga-sulat ng speech, taga-singit sa agenda, hehe, taga-pastol ng legislation, ganyan… may idea somehow how projects and funds get approved, get derailed, get entangled, get messed up, hehe…^^

      salamat sa mga kwento at ibinahagi mo, kapatid. babalik ako isang araw sa may inyo. happy weekend…😉

  5. naku, ingles ang mga blogs ko kasi natutuwa akong sumali sa mga Weekly Photo / Writing Challenge ng WP at kung ano ano pang challenge. Gumagana kasi ang utak ko pag ganoon at nakakakita din ako ng iba’t ibang mga larawan at kwento ng iba pang mga bloggers. May mga tagalog din naman akong isinulat at meron pa nga akong naiisip isulat ngayon.

    Uso talaga dito sa UAE ang mga Pinoy na mahilig mag ingles. Hindi man lahat, pero may ilan ilan din na nakaka imbyerna minsan. Anim na taon na ako dito at sa Hospitality Industry ako kabilang. Nagsimula ako bilang serbidora sa isang Casual Dining Restaurant, at nagpalipat lipat sa ibang hotels at sa kabutihang palad ay umangat nang konti at napunta sa Admin.

    Sa trabaho ko ay kinakailangan talagang mag ingles dahil puro dayuhan ang kaharap ko at mga nakakausap. Pero nakakatawa naman ang ibang Pinoy na kahit alam nang kababayan nila ang kausap tulad na lang sa telepono, hindi maikakaila na Pinoy ang kausap mo dahil sa accent pero ipinagpipilitan pa din mag ingles. Mas malala naman dito ay yung kaharap mo na at nakikita namang Pilipino ka din ay pinagpipilitan pa din mag ingles kahit masakit naman talaga sa tenga. Sa sobrang imbyerna ko minsan, nagpapanggap akong Indonesian(dahil mukha akong Indo), nag iingles din ako pero ginagaya ko ang punto nila makapang asar lang (sarkastik ako minsan).

    Ayus naman ang iyong naging trabaho sa Congress. Sa totoo lang, matagal ko na ding ninais malaman kung anong nangyayari sa loob ng gobyerno dahil sadyang nahihiwagaan ako sa mga nangyayari. Hindi ko pa din mipaliwanag kung bakit may kalsada sa amin (napakaliit naman nito) na ilang buwan bago matapos at nagdudulot ito ng sandamakmak na trapik. Hindi ko din maintindihan kung bakit may mga subdivision na naaprubahan na maitayo sa riverbed. Sinong matinong tao ang gagawa nyan? Natural babahain sila tuwing uulan. Hindi ko alam kung kanino dapat itanong ang mga bagay na yan at ang napakarami pang iba’t ibang isyu.

    Sya nga pala, totoo yung sinabi ko tungkol sa pagtaas ng tuition fee namin ng piso per unit. Naabutan ko yun noon at talaga namang ipinaglaban nila na huwag itaas ang tuition. Wala pang limang daan ang binabayaran namin per sem noon, ewan ko lang ngayon kung magkano na.

    Salamat muli! ^__^

    • nakakatuwa naman pala, nae-engganyo kang sumali sa pakontes. nakow, tamad ako sa ganyan dahil hirap ako sa pag-intindi ng instructions and medyo mahina sa technical aspects, hehe. pero, okey rin ang mga patimpalak-patimpalak pag siyang nakakahiligan, aliw din…

      ay sows, hrm – ma-poise ka siguro, maliksi and matangkad, hano? exciting ang field/industry mo. balita, maunlad ang service sector sa UAE. maganda ryan, hano? parang prosperous ang ambiance, hehe. parang iyon ang impression ko… saka, masisipag raw ang karamihan sa Pinoy na naandyan, sabi…

      ahehe, di ko alam kung ano ang reaction ko sa Pinoy na ma-ingles kahit Pinoy ang kausap… pwedeng sabihing TH, pwede ring they want to remain formal sa kausap o simpleng nagpa-paandar na they are better situated (jobwise and status?). ewan… basta, kung carry naman at di sobrang nakakangilo, ayos lang siguro. ang mahirap i-take ay ang karumal-dumal ang englishin tapos sobrang feelingera/feelingero, hehe… ^^ may mga kilala rin akong Pinay bloggers na nag-a-assume ng ibang nationality kunwari, pag banas sa kausap na Pinoy na englishin, hihi.

      ahaha, mahiwaga talaga ang mga pangyayari sa government contracts. anyway, di ko rin masyadong pinag-aaalam ‘yon kasi, masakit sa pakiramdam na matalos ang mga totoong pangyayari, hehe. sa simple, may formal and procedural side of it and may informal and backdoor part of it, kumbaga… mas formal and procedural ang alam ko, whehe. pero, siyempre, alam ko na ring mas interesting and kadalasang mas binding ang mga pangyayari sa backdoor, ahehe. ^^

      anyway, mas alam ko ang legislation and policy-making. i hope darating ang panahong makakapagsulat ako about those sa posts. ‘yong kamo ay subdivisions na naipapatayo sa delikadong lupain, baka may masipag na financiers and kontratista na alam ang lahat ng “lakad” sa concerned agencies, hehe – NHA, DPWH, City Hall, HUDCC atbp. also means na may nag-grant ng permits who decided to look the other way, pagdating sa usaping hazards, hehe. baka lang, ha…

      anyway, my two cents on the matter – hindi lang sa may inyo problema ang housing projects na parang di-pinag-isipan o di man lang isinaalang-alang na may mga totoong taong titira at mamahay sa itatayong structures, as in… sa aming city man ay may ganyan ding realtors, matitinik… nakabenta ng full, nakakuha ng partner banks and partner govt agencies (GSIS, SSS or Pag-ibig) at nagtayo ng mga “bahay” na ang ewan na ng locations, walang maayos na supply ng tubig at sewerage, walang tuluy-tuloy na kalsadang dudugtong sa main road at kung anu-ano pang deficiencies. isa pa, mukhang matchbox lang ang bahay – 18 sqm yata pero presyong sky high… nakakabilib ang mga gumagawa, pati nag-a-apruba, ng proyekto – makarma sana sila, hehe… ^^

      hope your Sunday is going on fine. may pasok dyaan pag Sunday, hano? malamig na ang klima?😉

      • sali nga ako ng sali, wala namang napapanalunan..ha ha..naeexercise lang kasi ang utak ko kaya ako sumasali, wala din namang mawawala….

        hrm nga ako, ha ha…ma poise ba kamo?May dalawang personalidad ako. Sa hotel ay kagalang galang ang itsura dahil posturang postura at naka high heels pa! Pero pag nasa labas na, hindi ako makilala ng iba naming staff, kasi parang teenager pa din na naka jeans, naka sneakers o tsinelas, naka t shirt at naka body bag. Hindi ko talaga kasi nakasanayang mag ayos, kasi ayoko ng nakakatawag ng pansin. Mas gusto ko nga ang trasher look para feeling invisible. Mas gusto ko din and naka flat shoes dahil wala itong ingay kapag ako ay naglalakad at pwede kong gawin ang aking mala-ninja moves ha ha.

        Totoo ngang maganda ang hotel industry dito. Pagandahan ng disenyo ng hotel, pabonggahan ng features at tabi tabi ang mga hotels. Mas marami pa atang hotel kesa sa turista. Ang bilis din ng mga proyekto dito, ang mga lupa ay ginagawa nilang dagat at ang dagat ay tinatabunan nila ng lupa depende sa maisip na design. Sa isang iglap makikita mong tapos na ang isang proyekto. Madalas kong naikukumpara ang construction dito at dyan sa Pinas. Kung ikukumpara sa atin o sa ibang bansa sa Asia, napag iwanan ng husto ang UAE pagdating sa teknolohiya at sa marami pang bagay pero ang bilis nilang nakahabol. Hindi ko alam kung may nagaganap ng mga kwentong backdoor din, pero hindi masyadong hayag. O kung may back door stories man, ay hindi na din mapapansin dahil makikita ang pag unlad ng bansa.

        First day of the working week ngayon at tambak ang papeles ko sa lamesa (pero nakuha pa din mag internet) ha ha…Lumalamig na nga at masarap ng maglakad lakad sa labas🙂

      • hello, aysabaw…. pasensya na, ngayon lang uli ang reply. hala, you’ll win in the contests, eventually. kasi, you’ll get good at it and do your entries better and better, tamo… ^^

        haha, medyo gets ko – well-made up, maayos ang buhok at smarte habang naka-blazer at day-time. tapos, paglabas, pormang estudyante pa rin, haha. kahawig siguro ng get-up ng niece kong newly grad sa PUP – about a year na rin sa work pero feel pa ang pormang body bag at canvass shoes – pa-cool ang bruha…hmn, am sure di naman trasher look ‘yan, pa-rebelde lang siguro ang ‘yong pa-epek, kapatid, peace😉

        oo nga, kwento ng ilang bloggers , tuluy-tuloy daw ang pagtatayo ng buildings sa UAE and yes, marami silang innovations lagi sa services. may isang blogger, si nadia (nadiamasood.com), dyaan based – usually about dining and travel ang posts nya, review kadalasan… madalas, may humor ang mga isinusulat nya, pag minsan, may lait, haha. do visit her blog sometime, she knows Tagalog, btw… ^^

        ah, ang alam kong story other than sobrang dami nilang earnings – petrodollars, hehe… for several decades or more, behind ang middle east pagdating sa education of citizens. kaya starting in the 70s, ipinambili nila ng ofw, manpower, hehe ang petrodollars nila, to do constructions. ayon mass recruitment sila ng engineers, draftsmen, service workers to rebuild at para sila ay makahabol, so to speak. also, para mag-technology transfer din sa citizens nila, hehe. basta, in the last three or four decades, significant ang contribution ng overseas talents and workers sa paglago ng economy nila – malaking porsyento raw noon ay mga Pinoy, sabi…

        isa talaga ang Pinas sa bansang kokonti ang economic activities in the way of construction and building. medyo mahabang discussion yaan, kapatid… isa lang yaong issue na mahirap, mahaba ang proseso at may hokus-pokus daw, hehe, to secure permits to build dito sa atin, sa pagkaalam ko… anyway, if you go, see almost all of Philippines’ neighboring countries, mas masigla (if not boom) yata lahat ang construction nila, ahaha… medyo iwan talaga tayo. ^^

        haha, hope nakaka-break ka sa work. have fun sa paglalakad-lakad ngayong lumalamig na, kapatid… cheers!😉

  6. nakakatuwa naman ang usapan ng mga promdi dito sa comments section, hehehe..

    well, isa rin kasi akong promdi… at mahirap na promdi kaya talagang nakakarelate ako sa mga kwento mo..

    ayun,, minsan, naiinggit ako sa mga martial law babies (yung ba yung tawag sa batch na iyun) yung mga nation-building na usapan, madalas kasi mga cool na gadgets at movies o kung anu-anong trends lang ang napag-uusapan ngayon ng mga kabataan, hindi naman ako kabataan pero ewan ko kung bakit ganito ang madalas na usapan namin ng mga nakakausap ko..
    tuwing pumupunta ako dito, parang parati akong may bagong natutunan… kahit medyo mahaba, hehehe at alam ko naman talagang mahaba ang mga posts mo, isa ito sa parati kong binabalik-balikan..
    magandang araw, san…

    • hello, lipadlaya… asaang country ka nga, bandang middle east rin? ahaha, oo, tanda ko pa ang kwento mo sa tatay mong matiyagang naglalako sa may inyo. saka, ang eskwelahang pinasukan mo, doon din nag-aral ang apat kong nakatatandang kapatid. kaya noong feb, nakasulat ako ng series about sta mesa. basahin mo ‘yon pag may time ka. improve on it, hehe… nai-imagine kong dumadaan ka rati sa Fernando’s, hehe… Mighty Mart at Jollibee na ang naandoon. tapos, may Chickboy sa tapat, ahaha. o, ‘yan, me updates… ^^

      hala pa, kakapanganak ko pa lang yata noong mag-Martial Law, pambihira ka… ang alam ko namang ML fighters, sina pete lacaba, conrado de quiros, lualhati bautista, joanne maglipon atbp. older namang di hamak ang mga ‘yon. ang kasabay pa nila, sina rene saguisag ‘ata (older yata si saguisag). ang nakikita ko dati & halos contemporary, yong oldest ni saguisag na lawyer na rin. yong lawyer na anak ni lagman, kasabayan ko and his youngest daughter, kaklase ko before. ahaha, ang oldest ni mirriam na congressman na, hehe, kasamahan namin before sa tambayan. hala, me honorable na sa name nya, whehe. basta… ^^ hamo, basta, kung tatagal pa ako sa earth, baka makasulat about the network of political, economic & cultural elite ng pinas, hehe. joke lang…

      ay, sows, sadya namang tungkol sa gadget ang usual na usapan sa totoong buhay. or about youtube, twitter and yahoo news. hindi naman katulad ng mga pinagsasabi natin sa blogs, hihi.

      haha, salamat. marami kaya akong nakukuha sa blog mo? may dalawa pa nga akong iba-backread – yong balangay at saka ‘yong isa pa bago ‘yon, hihi…. ah, ganto kasi, usually ang mga isinusulat ko ay maiiksi – briefs and summaries ang tawag, kapatid… kaya, sa blog ko inilalagay ang mahahaba (rants ang entries, bale). it makes sense, tingin mo… hehehe… ^^

      happy Sunday, kapatid.😉

  7. whew..pinagpawisan ako sa pagbabasa natin. mahaba man pero siksik sa impormasyon… halos natalakay mo na lahat un mga naisulat mo nuon ah..Grabe, bow talaga ako sayo pagdating sa pagsulat..galing! Yun sinabi mo na We are writing to make a point and to impose our views about life, living and the world upon our audience. very true! tumatatak.. natutuwa ako sayo, ang dami mo talagang kwento at hindi ka rin nahihiya na galing ka sa isang kanayunan na dumayo at makipagsapalaran sa magulong lunsod na ito. Napaka narrative at descriptive….napa pa wow na lang ako sa yo…Galing!😉

    • hello, Myr… haha, salamat sa iyong tuluy-tuloy na pagtangkilik at sa matyagang pagbabasa. hala, mutual admiration society kitang dalawa, paano ba ‘yan?😉 mas magaling ka sa prose, no kidding. mas lamang siguro ako sa ‘yo sa nabasa at na-experience pero, mas maalam ka. ikaw ang pag nagtuluy-tuloy sa pagsusulat, may mararating, as in… ahaha, papa-ice cream-in mo ako? ^_^

      oo, nag-i-impose tayo, as in… basta written daw ang message, impositions, shaks… hala, e, doon nga galing sa nayon – namumulot kami noon ng niyog, ng kape, ng luya at iba pang mga tira-tira matapos ang ani – para may pandagdag sa pambili ng bigas, yown… o, pambili ng palmolive para di kami laging amoy superwheel or ajax, whehehe.

      hala pa, di naman gaanong malayo ang narating sa lungsod. medyo marami lang nakilala – yown. basta, sulat ka lang lagi at habang tumatagal, mas susustansya at tatalas ang panulat. cheers!😉

      • salamat. lalong tumataba ang puso ko sa mga nasambit. Ikaw talaga ang isa sa mga tinitingala ko dito. Hnding hindi ako magsasawa magbasa kahit gaano pa yan kahaba..Marami pa akong kakaining bigas..malayo pa un experience kumpara sa mga napagdaanan mo na….Anyway, ajax pa pala sabon nun at mr clean, superwheel di ako masyado pamilyar eh. Lalo akong nacucurios sa iyong pinagmulan, masyadong klasik😉 see yah then !

      • ah, wala ‘yon. maalam ka naman talaga. feel ang mga isinusulat mo. saka maalam ka ng Tagalog. ako, dito pa lang sa blog nag-attempt managalog. matagal na akong nagsusulat, Myr – trabahong opisina or commissioned writings – sa English lahat ‘yon, sadly… ahaha, oo, pero as we go through life, nadadagdagan naman hopefully ang tools sa pagsusulat. and do read more, para kaya mong magtimbang ng other points of view. ah, superwheel was a leading brand for so long, as in. mr. clean din, kilala – mga sabong pangmasa sila. Tide na rin ang high end noon, hehe. classic local girl story, oo. hindi naman kakaiba… spend the rest of the week busy and happy, kapatid. see ya…😉

  8. Habang binabasa ko, nailalarawan ko sa aking utak ang mga ginawa mo noong ikaw ay isang kolehiyo. At grabe kung makakausap kita sa nakaraan, sasabihin kong wag kang maintimadate sa mga estudyanteng galing sa science high schools, may mahihirap din doon. Yun nga siguro, mataas lang ang confidence.. Kaya pantay-pantay lang kayo. Isipin mona lang di nila kaya yung dayalekto niyo. Hakhak.

    Ang daming impormasyon. Siksik! Muntik na akong magnotes, kaso wala akong mahagilap na bolpen. (palusot) hakhak. Balik sa sulatin mo, naaaliw ako sa mga side comments mo at sa kwento mo syempre. Naiimagine tuloy kitang malapit na lumuha kahit hindi naman. Hakhak. Naalala ko din dati pag nagkkwento magulang ko, payak ang pamumuhay, pag nasa probinsya maginhawa (maginhawa in a sense na nakakakain 3x a day at may matinong matitirhan, ngunit walang luho) ayon akala ng ilan nasa maynila ang ikauunlad dhail sa mga oportunidad.. Pero pagdating sa Maynila, ganun nga nakikipagsapalaran pero parang halos lahat na nasa Maynila nagsiksikan. Yung ibang matiyaga, nakakasurvive.. Pero yun nga ang katanungan, hanggang survive lang ba hindi ba magth-thrive? Yung iba nakikipagsapalaran sa ibang bansa at yun. HAHAHA. Parang ganun din. Hindi ko rin alam kung umuusong ba ang bansa natin, parang stagnant lang..kahit na hopeful naman ako na isang araw lilipad din tayo. HAHA lilipad talaga!

    Dito kami sa ibang bansa ngayon nakatira, at sa tuwing nakakarinig ako ng mga magagandang balita patungkol sa Pilipinas, nagiging proud ako. Yung mga Pilipino nagiging tanyag, o kaya yung mga simpleng mabubuting komento lang ng mga banyaga sa ating mga Pilipino, nakakataba ng puso. Parang naiisip ko, parang yung Pilipino lang ang umuunlad, hindi yung Pilipinas. O baka hindi ko lang masabi ngayon dahil wala akong pamantayan?

    Ayun…Sabi naman ng aking guro noong hayskul, we write to express, not to impress. Hakhak. Natutuwa ako dito sa post mong ito. Daming nagflashback, naaalala ko lola ko. Saka naiimagine kita… hehehe. “Kapatid, hindi ka nag-iisa, dinaanan ko na rin ‘yan.” O, kaya, “Kapatid, ganyang-ganyan din ang iniisip ko…“At nagagalak tayo sa tuwing mangyayari ang ganito, tila tayo ay affirmed – gaano man ka-boring, ka-unfair o kasaklap – ang buhay na mayroon tayo… <<< HAKHAK. TAMA!

    Ngayon kasi ang tamad na magbasa ng mga tao. Hakhak. Guilty ako doon, ayoko noong hayskul magbasa at gumawa ng mga book reviews. Pero ngayon naeenjoy ko na, iba lang siguro ang pokus ko noon, ibang interes. Hehe.😄

    • hello, batopik… salamat for going over the article at sa masigla mong comment, kapatid. aliw… ^^

      hala, ano’ng nai-imagine mo? mas payat, mas maputla at mas makinis daw ako noon, sabi. laging may dictionary sa bag at madalas tumambay sa library para magbasa ng journals of professions. napaka-square kong tao, as in… pumapasok ako kahit pa may kudeta lagi. pag labas ko ng library, pagdating sa classroom, naihagis na pala sa labas ang mga silya at wala nang klase, hahaha. ang saya… uso no’n ang mag-aral ng 2nd, third & 4th language para di mapahiya sa mapanlait na professors, haha.

      di naman ako intimidated sa mga galing sa science high schools. cool nga sila – ang tatalino. ang favorites ko, ang mga naging seatmates ko from PhiSci – OA sa bilis mag-isip at parang di na mga tao, 140 and up ang IQ, haha… teka, Tagalog kami, walang ibang dialect. punto lang… ^^

      ah, di na naman kami singhirap ng dati. may tatlo lang kaming kapatid na bumalik pa DPSA para roon manirahan. mas marami na sa aming magkakapatid, sa city nag-stay – meron sa city sa probinsya at tatlo kami sa MM. mas komportable na kesa sa dati ang buhay – di na nag-iigib, nangangahoy at mas may access na sa facilities and utilities na parang imposible dati. yon…

      mahirap ding sabihin – may iisa bang formula sa pag-unlad? parang wala… may topics pa sana akong nais i-discuss sa DPSA like ano ang alternative livelihoods sa kanayunan pagkawala ng mga palayan at maisan, support system, training and insurance sa mga magtatanim, microfinance and establishing local market for locally-produced goods and diversifying use of OFW remittances and perang padala galing sa relatives sa Maynila. mga ganoon…

      ang isa sa nagiging problema sa remote areas, everytime na dadausdos ang farming, walang pamalit. so, nagiging dependent sa kamag-anaks sa cities or abroads, nalululong sa tambay, alak and even drugs. so, wala na ngang kabuhayan, degenerates pa ang labas. and the children and women suffer. they suffer like so… saka dumadausdos din ang morals, kamo nga, stagnation. may terms dyan sa development – marginalized, left behind and forgotten. sila yaong parang nawawala na sa orbit ng regular na buhay sa isang interconnected (supposedly) na society. and the kamag-anaks in the city, nawawalan na rin ng loob na ituloy pa ang padala at communication. ignore na…

      ah, naman kasi, sa atin, we make too much of the individual na nag-succeed ala Manny Pacquiao. kailangan ganoon kalaki, kasikat at kayaman? tapos, marami gusto na lang maging hangers-on niya at ng mga tulad nya, yata… kumbaga, focused tayo sa success of the exceptional individual, parang escapegoat na natin. medyo Westernized tayo sa idea ng success gayong di naman ganoon ang structure, values and kinasanayan natin. saka, mahina pa ang sense natin ng collective welfare. kung meron man, mas focused pa lang sa family or sa clan. pero di rin nga… bibihira sa atin ang nag-iisip magbalik at bumalik sa pinanggalingan. mas uso ang mag-cut ng ties… ^^

      hala, marami rin ang natutunan sa pagbabasa at pag-o-observe. pero better if one could talk things out with similarly-interested people or acquaintances. ‘yon yata… have a happy Sunday, batopik😉

      • Naiimagine ko lang na simple, nerdo, masaya, saka walang pakealam sa mundo basta makaharap lang ang libro. HAHAHA, parang ganyan din ako. JOKE! Dati inaaraw-araw kong basahin ang diksyunaryo, kasi mahina ako sa vocabulary, pang elementary lang ang English words na alam ko. Pero di nagsink-in sakin yung ibang words. Haha. Dapat ngayon din tinuturo ang ibang banyagang wika. Para masaya. Hakhak. Adik ka talaga ate, binobomba na ang UP nagbabasa ka pa rin, hahaha. Baka nakatulog ka sa library minsan at di mo namalayang sarado na. Hakhak. Grabe! Ano bang course mo ate? Naabutan mo ba yung Martial Law?

        Aah.. E saan probinsya niyo? Oo nga, mas madali na mabuhay sa siyudad. Naalala ko dati noong nagbakasyon kami sa lola ko, naubusan ng inuming tubig, nag-igib pa kami sa sentro dala maraming galon. Nakakatuwa lang alalahanin hahahaha! Pero pag iniisip ko ngayon, parang okay lang matrabaho lang masyado. Yung as in makalumang pamumuhay. Hakhak. Pero umuunlad na din naman siguro sa mga probinsya. Hehe.

        Bakit dito idiscuss mo din dito ang mga alternative livelihoods, andami mong impormasyon ate. Nakakatuwa, parang may online course ako sa developmental studies at economics. Hakhak. Kasi minsan akala nila na kapag nasa ibangbansa mayaman na agad, so feeling nila mayaman na din sila porke may mahihingan sila. Kulang nga din sa morals, ewan ko ba sa mind set ng mga tao. Yung iba hindi marunong mangarap, saka mabilis ma-down..mahina pa ang loob. Hakhak.

        Ewan ko ba. Sa sobrang diverse ng kultura natin, parang halo-halo na rin ang mga na-impose na morals, tapos ang weird pa na Catholic country tayo. Ang hirap siguro ng pinag-aaralan mo. Kelangan talagang obserbahan at kumalap ng madaming statistics at facts, parang pag di mo pinag-isipang mabuti sasablay na.

      • hello, batopik… belated ang reply ko rito, ha…hindi naman nerd ang itsura ng lola mo, may one year lang akong nagsalamin sa mata. otherwise, plain jane lang… yun lang, tambay ako no’ng araw ng library – sa reference section, haha. tapos, maraming library cards, as in – libraries ng different embassies, public libraries and national library, patatawarin… masaya sa german library (goethe institute), may parang CD na sila non, parang MP3 device na pwede kang makinig ng music sa upuan, sa british lib ang daming books, haha at pati sa thomas jefferson (US emba lib), sa makati na rin ito noon – ang ganda at doon pinakamasarap matulog, haha. oo, my idea of fun then was the library, sobrang abnormal… sa UP main lib (and most college libraries sa UP), allowed na matulog ang estudyante. and i made good on that, haha. ^^

        most of my elementary days, ML pa. hindi ko pa naman masyadong naiintindihan kung ano iyon noon.

        shaks na galong pang-igib ng tubig na ‘yan. oks lang pag bakasyon lang gagawin, pag araw-araw, sus, hindi…sa southern tagalog kami. nakow, several years back, umuwi kami sa probinsya ng matagal-tagal. may faucets na noon do’n pero irregular ang supply ng tubig. no’n ko naisip, shaks, di talaga nakakatuwa ang pag-iigib, as in… ^^

        eh, kasi, hindi yata tamang naghahagis lang ako ng kung anu-anong reklamo sa sphere ng blog, hehe. more or less, may ideya na ang lola mo about policies and kung alin-aling sectors ang maaapektuhan. so, the more decent thing to do siguro is to venture din, mag-share, kung ano ang possible courses of action sa problems tackled or discussed. sasabihin ng iba, ang tanda-tanda ko na tapos lantay na rants pa rin lang laman ng blog, haha. so, may peep din sa alternatives. ayon…

        microfinancing sa rural areas is one interesting venture, one that would be good na tingnan, kumbaga. ano ito, lending to the poor sans the usual mabusising requirements ng mga bangkong nagpapautang. small capital ito para may puhunan sa mga nagtitinda, naglalako, namumuhunan ng maliit. barefoot banking ang tawag ng iba. livelihood training, maganda rin… ang point, ilayo sa stagnation ang mga taong willing namang gumawa pero kulang o walang opportunities lalo na sa remote areas. mga ganoon… para di masyadong dependent sa relatives at sa remittances ng kamag-anak na di naman namumulot lang ng salapi abroad, ahaha. ^^

        ah, naku, noong araw, halu-halo din lang ang alam ko, ahaha. nadagdagan na no’ng mga policy reviews and policy studies ang sinusulat. nag-improve rin ng konti ang logic and approach. ahaha, madalas, ang dami munang babasahing technical papers bago makagawa ng sinasabing policy recomms. natutunan naman, di naman ka-level ng physics, haha… happy weekend sa ‘yow at sa family mo…😉

  9. Hallo saliw…
    Ay! ngayon ko lang natapos ito… Nagloko pa internet (buti napagkatuwan ko screenshots ito hehhe adik noh ^_^). Haba! Tapos na agad ang pahinga? Hhehe

    Naalala ko lang noon, musmos na musmos sa bayan ako pinag-aral ng magulang. Alas kuwatro ng madaling ginigising na para maligo, kumain at maghanda pagpasok sa school. Ang aga flag ceremony at araw araw pa. Ang daan galing sa amin, sa kabundukan ng tralala noon ay ginoo, rough road. Dahil di sementado grabe mahigit 30 minutes ang byahe. At kung umuulan , hilahan ang sasakyan… Bilang bata ang hirap, mapapaisip ka bakit napabayaan na yata ang lugar namin. Bakit isa ako sa kailangan gumising ng sobrang aga dahil sa kalsadang di maayos ayos. Bakit di ipasemento agad? Bakit wala kaming gripo sa bahay at kailangan ko pa sumalok sa drum na inigib ni tatay sa balon bago ko mapuno ang timba sa banyo… ^_^
    Tapos wala pang kurtente, makikikabit pa sa kampo noon. Ang hirap bumangon sa umaga na nangangapa habang pupungas-pungas pa… Daming reklamo noh!
    Minsan naalala ko pa ang tatay ko na ikinabit sa baterya ng jeep ang black and white naming tv, maparaan, minsang nawalan ng kuryente pero nakakapanood kami ng tv. Transistor ni tatay(binata pa sya noon transistor na yun), luwa na ang tyan ganun ko tawagin iyon. Nasa labas kasi ang lalagyan ng baterya, hininang lang ng aking ama sa panghihinayang sa mga baterya na ginamit sa kampo na itatapon na, magagamit pa daw iyon sayang naman… ^_^… parang walang pag-unlad noon… Ngayon marami ng pagbabago, sumasabay na rin… Kung hanggan saan ang pagsabay at pag-unlad, sinong makakapgsabi di ba…

    Napakwento na tuloy ako… Sensya n kahit wala sa hulog🙂 baka minsan mapadaan ka sa kabundukan namin, sariwa pa naman ang hangin pagkakaalam ko doon, makapal pa ang fog sa taglamig, may mga resort, zipline etc…(amenities).🙂

    Good morning saliw. (tulog mode na dito)
    Nawa’y ok ka kahit ano pa ang pinagdaraan mo sis… Regards…

    • hello, froggy… mahirap ang nagpapahinga ng matagal. saka, andoon pa man ang problemang OA sa laki at bigat, kahit paano ay nahimasmasan na ang lola mo. sanay na yata pati akong magsulat under all weather condition, ahehe… ^^

      ah, your parents had big dreams for you – sa bayan ka pinag-aral agad…oo, ganoon nga ang landscape ng schooling days sa rural areas – rough road, walang supply ng tubig, walang koryente. actually, wala halos lahat, haha. pero medyo mas maganda na ang sitwasyon nyo – may kampo na malapit (connotes stability, rule and order and normal na daloy ng buhay), may dyip kayo at sariling balon. saka, parang persevering and may discipline din ang father nyo…

      pasaway na point of view – actually, okey lang naman ang ganoong sitwasyon pag di mo alam na may ibang paraan para mabuhay. kung di mo alam kung ano ang nangyayari sa labas, you’ll take such life, however poor, deprived and difficult, as it were. in your case, umaahon ka sa bayan, so nagka-ideya ka that other people were living differently and more comfortably. in my case, nagbabasa kasi ako, haha at saka, nakakatuntong din ako ng bayan lagi, kasama ng mother namin. so nagka-ideya rin ako, haha. tapos, noong grade four, nakarating na ako ng city, patatawarin. kumbaga, nakakita ng ibang mundo. and for an inquisitive, young mind, may naitatanim… ^^

      sa amin, ang hardworking and industrious, ang mother namin… ang father namin plus the uncles and aunts, hindi. hindi sila inclined to think of the world outside the confines ng barrio… saka, very submissive ang orientation – ang uso roon, ang mga babae ay dapat hanggang grade six lang ang schooling. our mother was from the katabing probinsya, well-off ang background and a town dweller. contrast sya sa kagawian at paniniwala ng mga tao doon sa amin, sa lugar ni father… sya ang nag-push na mag-aaral kami lahat kahit predominantly girls ang offsprings nya. all through the years, pinag-aawayan nila ‘yon. ayaw ng father namin at partido nya na natututo ang kababaihan. paglalaba, pagluluto, pananahi at paglilinis lang ng bahay dapat. natutunan naman namin ‘yong mga ‘yon but we also learned mother’s side of things – nagbabasa, nagsusulat, nakikipag-usap…^^

      marami na ring changes sa may amin – technology-wise and ease ng pamumuhay ng mga tao. may tubig, koryente, kalsada na at pati telepono at internet. haha, actually, ikinwento ko yaan sa post na Ang Baku-bakong Kalsada sa aming Nayon – parang compare and contrast ang treatment ng article. ang findings, hindi pa rin umuunlad at wala pang signs na mukhang sustainable ang buhay na hinahabi ng komunidad. bakit? sapagkat hindi internally-generated ang incomes na sumusustento sa pamayanan – heavily dependent sa infusions ng relatives outside the village. hindi properly husbanded ang lupa at nag-rely na masyado sa cash crop farming na di predictable. at nalululong sa cellphones, internet at iba pang makabagong trend na walang pagtataya sa paano patitibayin ang ganoong bagong lifestyles. at least, sa amin, medyo ganoon… ^^

      i suppose, sa ibang lugar na mas independent at mas hardworking na ang mga tao at di na masyadong amateur sa citified existence, mas may leverage or better-situated, mas kayang i-handle ang mga makabagong technology and privileges, ika nga… ayon… just my thoughts, dear.

      hope your week is going on fine, kapatid. warm regards and ingat…😉

  10. writing is an inner journey. yan ang unang tumatak sa aking pansin sa iyong pagsususulat and it resonates with me na isa ring promdi at hindi naman sa pagyayabang ay hindi ko naisip na isang disadvantage yun sa dami ng karanasan na aking maihahayag. sa tutuo lang, sana maranasan ng aking mga anak ang masasayang araw ng aking kabataan at kahit noon pa man o ngayon hindi ako nangimbulo o nasindak ng sino man ano man ang antas ng pamumuhay. hala, katipunera ang lola mo and I knew my rights since I was a kid kasi hindi ako nasa sulok while naguusap ang matatanda at talamitam pa.

    I always love reading your blog Ms. SSA at like na like ko ang style mo pati ang paglalahad sa mga nakaraang panahon at pagaanalisa sa mga sitwasyon. keep on writing. happy week ahead. God bless!

    • hello, Ms. S… salamat po sa matyagang pagbabasa at sa comment. ahaha, di ko rin ho ikinakahiya ang pagiging promdi. sabi nga ho ng mga naging kaibigan ko sa MM, ‘yon daw ho ang isa sa kakaiba sa akin – di itinatangging sa rural area galing, sa ganoon kahirap na sitwasyon. hindi po ako masyadong citified at di rin oozing with confidence pero di naman po ashamed of my background. hindi rin po ako mabilis mag-absorb ng “ways and styles” sa big city. yon lang…

      natutuwa ho ako sa word nyong talamitam. nai-imagine ko hong parang leader-type kayong ale, haha. parang ang lively nyong tao. may hawig po ang personality nyo sa mother namin… have a good week rin ho. salamat sa pagdaan lagi at sa suporta. keep well…🙂

  11. naalala ko dito yung napanood ko sa krusada tungkol sa mga tulay tungo sa tagumpay na proyekto ng expangulo.. di ko na matandaan anong petsa yung episode na yun, tinatamad akong i-check paxenxa na hehehe.. pero doon, tinalakay ang mga tulay na nagkakahalaga ng kung ilang milyones, tipong 19.something million, around those digits halos lahat ang allotted budget.. at ang nakakalungkot, di man lang nama-maximize ang usage dahil kung hindi dead end ang karugtong na daan, di rin madaanan sa kadahilanang maputik at masikip na paglampas sa mga nasabing tulay. may isa pa do’n na parang pond lang yung pinagpatungan nong tulay. isa lamang yun sa mga kwento sa kapaki-pakinabang sanang proyekto ng ating gobyerno kung lamang at napupunta talaga sa tama at nasasaliksik muna ng wasto. maraming anumalya ang proyektong yun, at ‘di na nakakapagtaka… di dumaan sa public bidding, masyadong mahal ang ginamit na materyales, masyadong matagal ang pagconstruct, mali ang lugar na pinaglagakan, at kung ano-ano pa. ano pa bang bago, diba?

    isa rin ako sa mga idealistic studs nong araw, (nag polsci ako for a year :P), pero naumay na ako sa sistema ng ating gobyerno. malaki parin naman ang bilib ko sa mga organisasyon at indibidwal na tila walang kapaguran sa pangangalampag sa bingi na yata nating gobyerno, at manhid naring mamamayan, na kahit sa mahabang panahon, ay hindi parin nawawalan ng pag-asa na magkakaroon rin ng pagbabago sa ating lipunan.

    naniniwala parin ako sa pag-unlad… dahil habang may mga taong kagaya mo, habang may mga grupo at organisayon kagaya ng DPSA, maipagpapatuloy ang nasimulang hangarin.. at maaaring balang-araw, ‘di man natin alam kung papaano at kung kelan, the twist of faith will take it’s toll.. just like how the old faithful plow triggered the making of the modern civilization (James Burke connections – the trigger effect).

    salamat sa pagbabahagi…

    saludo!

    • hello, biag… kumusta ang iyong weekend? kumusta ang paglaglag ng mga dahon? ah, may kwento ako sa ‘yo… btw, sa peyups ka rin ba pumasok, kapatid? kasi, may isang banda roon, yong street from Faculty Center bldg going to UP Film Center, may fire trees do’n na pag laglagan na ng dahon, mukha na ring fall, ahihi. and gandang pagmasdan, paborito kong maglakad do’n at mag-feeling-feelingan na nasa abroad, hehe… ^^

      a, oo, parang may napanood rin akong feature na ganyan sa TV, parang “road to nowhere,” tungkol sa local politicians na nagpapatayo ng tulay at roads sa mga kwestyunableng lugar at pundasyon, on the belief na iyon ang magdadala sa kanilang pangalan ng “immortality, ” haha. yon lang, alinman sa shaky o dumadausdos ang lupang pinagtatayuan o kaya ay hindi naidudugtong sa highway kaya white elephant ang kinahihinatnan – walang silbi, nakatiwangwang pero ginastusan ng buwis na marami-rami. i think, kamag-anak iyan ng mga overpass na wala namang pedestrians na gumagamit, shaks. pero, aabot sa P20 millions to P50 millions ang ginastos, pambihira…

      hmnn, paano ba? matagal nang kwento ng ating so-called banana republic ang anomalous infrastructural projects, kapatid… as i said above, may malaking parte rin nyan na nasa shoulders ng constituents na masyadong passive at ihinahalal pa muli ang apelyidong syang nakasanayan kahit pa below par ang performance or hindi talaga nag-deliver ng matitinong projects. ayon yata…pero over time, matututo rin ang mga nasasakupan, i guess. pag nagma-mature ang electorate, napipilitan ding umayos ang mga politiko (nababawasan ang out and out corruption)…

      hmnn, manhid ba ang mga mamamayan? hindi naman siguro. marami lang yatang crushing effects ang dire poverty sa kanayunan, ang squalor and grimes [and crimes]sa urban poor areas at ang indifference and insensitivity ng relatively-educated and upwardly mobile citizens. pag pinicture-an mo ito as a whole, ang makikita ay disconnect, unspoken discord and unarticulated deep needs. parang pareho pa rin ang mga suliranin – kahirapan, isolation and sufferings na dala ng exploitation, so to speak… ganoon pa rin yata – gap between the haves and the have-nots – in terms of economic opportunities, access to information, access to technology at iba pang gaps or divides. ang tanong pa rin, maglalagay ba ng tulay o tatalikod na lang at lilipad mag-isa. parang gano’n… ^^

      i humbly think that may spaces in between ng kasalukuyang prevailing “civilization,” ways, in which to grow and develop the alternatives – yong development na hindi masyadong mataas ang social costs – sa mga tao (having significant number of paralyzed, parasites and impaired members), sa environment (masyadong extractive at mabilis ang pagsira ng irreplaceable resources) at sa social structures (pagdami ng extremist groups and harmful deviants). having dissents, protests and oppositions in a society is one side of it – importante, oo. para maipakitang ang laki at ang dami pa ng dapat gawin collectively and to foster unity and cohesiveness ng large group. may other side pa – ang pagbi-build ng opportunities where “civilization” could nestle and develop na may continuity and sustainable sana… ang pagpapasok ng capital, introduction of new skills and training sa kanayunan, pagre-retool ng labor force, training for livelihood projects – ilan sa mga halimbawa ng “strengthening” ng habi ng ating so-called sibilisasyon. maybe…

      ahaha, salamat, kapatid. pero sa dami na rin ng issues na kinabilangan ko, di ko sure kung alin doon ang nakatulong ang lola mo at alin ang nagpalala pa, ahaha. seriously, may pagkagano’n yon… anyway, di organisasyon or group ang dpsa, kapatid. salamat for thinking of it as such. pero, musings lang ‘yon ng lola mong napasobra yata ang nabasa at na-observe, ahaha.

      have a good weekend. warm regards sa iyo…🙂

      • …… and I drowned. haha… pasensya na, andami palang issues to tackle when it comes to these, at di pala org ang dpsa😀..

        btw, ‘di po ako nag peyups, sa bandang Mindanao ako nag kolehiyo kapatid.. pero opo gawain ko rin yan noon, iniisip ko ang unibersidad namin ay isang malawak na rancho hahaha!

        tama, kung tutuusin malaking parte talaga ang nakaatang rin sa balikat ng mga constituents kase sila naman talaga ang naghahalal kung sino ang uupo. but more often, the electorates have so little choice because of the fact that hierarchy is so rampant especially sa municipal at provincial government, yung tipong wala narin nagtatangkang humarap pagdating ng election coz’ of the obvious reasons (takot, kulang sa makinarya, at nabibili rin naman ang boto kadalasan). so kung hindi man manhid ang mamamayan, marahil nasanay nalang rin siguro sa baluktot na sistema.. nakakalungkot mang isipin, pero gaya nga ng sabi mo, malaki parin ang gap between the haves and the have-nots. hindi ko alam, mababaw lang ang alam ko pagdating sa community service, at sa lawak pala ng problemang kinakaharap ng ating bayan, sa dami pa pala ng kailangang gawin, it takes one to be educated enough to understand the complexity of things and to be able to educate the masses; to be dedicated enough to endure the long and winding process, and to be man enough to come up with an idea or ideas on how to solve the said problems… and it takes one to be more than man enough to be able to pursue and take action I guess. but hopes are still high, I still believe in us, the Filipino masses..

        Election is near again, sana nga mapalitan na ang mga lumang apilyedong matagal naring nagpakasasa sa buwis ng bayan na wala namang matinong serbisyo publikong nagawa…

        on that note… tatakbo kaba kapatid? hehehe…

        happy weekend🙂

      • haha, pasensya naman, nilunod ko ang isang ale. sorry po…😉

        hala, tama ka sa feeling na rancho ang university grounds, alam mo… most of the campuses ay dating malalaking estates or ranches na either d-in-onate sa eskwelahan as land grants no’ng araw or ibinenta dahil abroad na ang may-ari. kaya they really look like huge gardens, kapatid. haha, ayan ang trivia ko sa ‘yo.😉

        guns, goons and gold ang typical description sa sistemang yaan ng halalan na characteristic ng maraming remote areas and even sa ibang urban areas. bale, dalawa ang cina-capitalize ng candidate sa ganyang instance – ang economic despair ng mga tao at ang patronage system or bata-bata or ward system. naka-base din sa ignorance ng mga tao, in a sense. kumbaga, electorates are being conditioned na ganoon talaga ang takbo ng halalan at kailangan na lang nilang pumili sa pagitan ng mas kinatatakutan, mas papakinabangan at less jeopardy for their family and kabuhayan, ayon…

        hala, paano ba… kabit-kabit yan, e. pag mas komokonti ang economically desperate na constituents, nag-iiba ng diskarte ang politiko. pag dumarami rin ang educated na bomoboto sa lugar, nababawasan din ang pagka-sagad-sagaran ng mga tumatakbo, hehe. pag may running na young bloods na hindi sobrang trapo at sincere pa, haha, nag-iiba rin ng approach sa electorates ang old families na tumatakbo. ayon sa pagkaalam ko…

        tingin ko, most of the changes, sa electoral system and beyond (governance proper), sa local level talaga dapat mangyari. kung reforms man iyan ng vision ng pamamahala, improvement ng methods of administration (technical competence and use of new approaches) and the so-called political culture, doon ita-tackle at ipiplay-out. kasi, sa national level, ang isini-set ay yong mga tinatawag na policy directions i.e., priorities (as reflected in the budget), schedule (when projects are supposed to touch base and to meet completion as set in the logistical plan) and highlights and low downs of projected plans (as reported na lang ng departments or ministries concerned). largely, ang monitoring and coordination, through designated agencies na lang. so, ang meat of the matter, nasa lokal na pamahalaan talaga at kung paano rin siya nakikipag-relate sa regional and national agencies and sa constituents (na siyang affected ng plan or project at siyang beneficiary). may pagkaganoon yaon, i guess…

        isang problema sa atin, method-wise, sa pamamahala, paano aabutin ang malalayo at mahihirap na lugar (ang hirap puntahan ng iba, grabe ang terrain) so, medyo hirap talagang i-administer from the center (MM). halimbawa, paano ang delivery ng mga gamot sa health center, paano ang monitoring kung napapabigay ba, etc. tapos, may particularities ang bawat lugar na ang makakapag-contextualize, ang local politicians. halimbawa, sa bandang Mindanao, isa sa serious problem lagi ay ang rido or family feuds ng local ruling elite. and, hindi ito problemang negligible or i-i-ignore na lang…

        more than 10 years na, as far as i know, na sa Mindanao nakabuhos ang international and regional funds for the Phils. bale, most of the aids, grants and projects, doon naka-concentrate para pahabulin ang regions do’n na historically marginalized and left behind. ang hinahabol yata, health ng mothers and children kasi di na biro ang toll ng gera and poverty. nasa Minadanao yata ang 16 sa poorest municipalities ng bansa – walang water source, walang kalsada at walang health service delivery. wala ring kabuhayan gaano ang mga tao at siyempre, wala pang koryente. ayon…

        anyway, sabi sa news, karamihan sa funds – both galing sa national govt and sa international donors, hindi nakakarating sa beneficiaries, itinatakbo raw or mina-magic ng officials, admins at iba pang nakakaalam. billions of money ang pinag-uusapan dito, ha. redirected, missing or being investigated pa. sa kabilang end, andoon ang mga bata at magulang na umaasa sana ng assistance or konting opportunity to better their lot, ‘ika nga… so, ang lalakas din ng loob ng nag-i-sprint away ng pondo, parang… ayon… ^^

        malaking bagay if the young professionals will come back to their localities and introduce some changes how things should be run – kung hindi man sa vision (pangmatagalan kasi ito), at least, sa methods man lang ng governance, makapag-ambag kahit paano. tingin ko, may ganoong component…

        oo nga, marami uling mangangako at magpapapako, hehe… anyway, ang pang-combat sa sinasabing ignorance and gullibility ng mga tao ay education and assertion nila. over time, na-a-achieve din naman, di nga lang agad-agad…

        nye? hindi po. hindi ko feel, di rin bagay sa lola mo, hehehe.
        salamat sa malaman mong comment, kapatid na biagak…😉

  12. Hay Ate San! Ako ay napadaang muli, bigla ko kasing napanood kagabi ang Ina, Kapatid, Anak. Sa UP ang setting at si Kim ay ang promding estudyante…hala naalala ko itong blog mo…hi hi hi

      • ha ha ha..at dahil napanood ko un…crush ko na si Enchong…. ha ha ha ulit

        .-__-….may pasok ako ngayon….andito pa sa opisina…

        hapi weekend sa inyo🙂

      • ahaha, ikaw na ang may crush na crush ng bayan.😉 ako nga, naging crush ko dati si ryan seacrest, patatawarin…

        hala, kakasipag ng isang blogger dyaan. ba’t saturday ang may pasok ka, ang iba sa uae, sunday naman ang opis day… yehey, uwian mo na, now na😉

    • pasensya, anong pase-pasensya, ha? ayon, hihingi rin ako ng pasensya kasi nga, may kautangan pa ako, shaks na ‘yan – andami ko nang email na di naasikaso, nangkupo…. nyay, kinakabahan na me, kapatid. mukhang ang tangos ng ilong mo, medyo pango lang ako, haha.😉

  13. Pingback: Hindi na maputik ang daan sa amin, last part | doon po sa amin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s