Doon Po sa Amin, balik-tanaw – ikalawang bahagi

Documentor, organizer and coordinator ng fora and technical group meetings ang madalas na papel ng lola nyo, naaambunan ng materials about the pressing economic and political issues. At may bonus din – nakakarinig first-hand ng presentations ng sinasabing subject matter experts o SMEs. May instances na ring nag-ghostwrite for consultant ng international financial institutions (IFIs). Medyo masalimuot ipaliwanag ang ghostwriting, mga kapatid, iiksian ko… Essentially, dalawang klase ito – ang pagsusulat na naka-payroll at ang pagsusulat na independent contracting, kumbaga.

image of a notebook, pen and pencil

Samutsari ang mga paksang ipinapasulat sa isang ghostwriter/ tccl.rit.albany.edu

Pag naka-payroll ang tagasulat, maaring sa gobyerno at maari rin namang sa tanggapang pribado. Ang kadalasang ipinagsusulat niya ay ang pinuno ng opisina o tanggapan, may regular reporting din – di nga lang istriktong 8am to 5pm – at ang nagsusulat ay marami ring iba pang administrative tasks, parang sa regular na opisina. Sa isang nasa ganitong larangan, may mga taon at panahong naka-payroll at mayroon pang indie na pagsusulat at engagements. May mga panahon din namang wala, oo. Taghirap, iyong sinasabing timawang-timawa lang, ahaha.

 

Pag sa independent na pagsusulat, karaniwang ito ay  subcontracted work, may mimicry involved (parang stand-up comedians lang) sa lengwahe at kultura ng organisasyon, malaki ang hamon habang maliit ang bayad, walang credits at walang accountability sa publiko (sa nagpasulat lang). Mas madalas ding confidential ang nature ng work… At gaya nga ng nasabi ko, ang multo ay malamang – marunong magsulat, marami-rami ang nabasa, magulo ang resume at kadalasa’y walang pera, haha.

Sa isang stint dati sa ghostwriting, tungkol sa harina ang ipinasulat at ipina-analisa. Usapan yaong policy recommendation – ang ipinapahanap, saang parte ng production ng flour products and product lines ang most and least efficient. Ang kadugtong noon, ire-rekomenda for tax incentives ang most efficient habang ang least efficient naman ay ihahaing bigyan ng tax sanction o parusa. Haha, nosebleed ba? Oo, pati ako, na-nosebleed as in.. Nahilo ako sa dami ng charts and graphs at sa mga pakahulugan ng matrix-matrix, hihi… Anyway, ang natatandaan ko, ang conclusion, huwag bigyan ng sanction kundi incentives – ang manufacturers (or industrial consumers of flour) na may kakayahang sumunod sa nilalayong patakaran. Higit pa, gawing voluntary lang at hindi mandatory ang compliance o pagsunod. Haha, ang bait ba? ^^

image of wheat plant and grains, and of wheat flour

Ang harina ay galing sa trigo, isang damong hindi angkop sa klima ng Pilipinas/ howisitmade.org

 

Sa post na Bago Makapag-ani, sulating nagtalakay ng requirements sa rice production sa community level, ginamit ang ilang impormasyong galing sa nasabing study ukol sa harina. Bale, may bahagi ng post na nagpaliwanag bakit hindi kakayanin ng Pilipinas na mag-shift sa pandesal ang agahan ng mas nakararami – mula sa kinasanayang kanin sa almusal. Hindi lamang dahil mahal na rin ang pandesal at karamihan sa mga tao ay kulang o walang pambili nito, kundi kahit mayroon pang pera o pambili, hindi kakayanin ng kasalukuyang suppliers ang ganoon kalaking increase in aggregate demand. Sa post, ikinwentong ang harina ay galing sa trigo at itong huli ay hindi itinatanim sa Pilipinas. Ipinaliwanag ding isang dosena lamang ang kompanyang importers ng wheat at tanging may kakayahang mag-refine ng trigo upang gawing harina – para sa buong bansa.

image of palay plants with grains not yet ready for harvest

Ang palay ay isang tipo ng damong namumunga at nakakain/ agriculture-ph.com

Huling quarter ng 2010 isinulat ang Bago Makapag-ani, panahong tinatayang may padating na rice shortage. Nais ng post na mag-ambag ng kaunti sa diskursong developing pa lamang ng time na iyon. Sa sulatin ay hiniling na tingnan sana natin ang kanayunan, lampas sa karaniwang niro-romanticize natin ang luntiang bukirin, sariwang hangin at pagkain at ang simpleng pamumuhay ng mga tao sa nayon. Sinasabi sa panulat na may kagutuman sa kanayunan, sapagkat marami sa mga pamayanang pansakahan ay nawala o dumausdos na ang pansariling kakayahang tugunan ang food security. Ipinahihiwatig din – gawing robust muli ang palay production, dahil naroroon ang pag-asang maibalik ang kalusugan ng mga taong rural, ang dangal ng pagtatanim at ang kasiglahan ng nayon sa pangkalahatan.

image of unmilled palay in a warehouse

Magkaugnay ang panloob na kakayahang magtanim at mag-ani ng palay ng isang bansa sa dami ng bigas na aangkatin para sa taon/ businessmirror.com.ph

In several ways, DPSA was also an attempt to localize the seemingly complicated sets of information about national policies and world developments. Sa munti at alam na paraan, nais sana roong gawing kayang nguyain ang mga malalaki at tila malalayong usapin, ngunit may kaugnayan sa rural, maliliit at pang-araw-araw na mga buhay. Mahahaba, seryoso at tila impersonal ang marami sa posts sa DPSA. Bibihira itong nagtatalakay ng personal issues and developments sa buhay ng blogger sa maiiksi, magagaan at casual na paraan, ang karaniwang format ng mas maraming sites. Ipagpaumanhin ninyo, mga kapatid, ang take ng inyong lingkod sa usapin – sulatin ng blogger kung alin ang mga paksang malapit sa kanyang loob, kayang isulat at ibahagi sa interesting na paraan at maging mindful sa target audience ng blog. Sa wari ay naging matapat kahit paano, sa ganitong frame ang DPSA.

Sa isang banda, kung ang blog ay personal na account, personal na pagtingin ng blogger, personal rin siguro ang DPSA… Bukod sa nile-lecture-an ko roon freely, haha, but indirectly ang mga pamangkin ko, doon ko rin ipinapakilala ang sarili sa mismong mga kapatid. Siyanga pala, for most of our lives, hindi ko nakasama ang aking mga kapatid, ayon… Magkakahiwalay kami noon dahil sa pag-aaral at dahil sa kahirapan ng buhay, hanggang sa halos lahat sila ay nagsipag-asawa na. Sa kalakhan, masasabi kong hindi alam ng sarili kong mga kapatid kung ano ang aking mga ginawa sa buhay-buhay, kinahiligan, binasa at lalo na ang mga sinulat, sa maraming taong nagdaan. Sa blog ako nagpapakilala sa kanila, on the slim chance na isang araw, babasahin sa kanila ng mga pamangkin ko ang entries sa DPSA.

Sa mga nagbasa at sumubaybay sa DPSA, maaring inakala ninyong simpleng recall ng better days ang mga sulatin doon. Hindi ko iaalis, maaari ngang yaon ang maging impression, lalo na kung sa unang basa. Karaniwan yata yaon, lalo pa sa mga kababayang doon din sa nayon nagmula ngunit nitong mga huling taon ay sa sentro o sa lungsod na naka-base – isipin ang the good, old days – noong isang panahong simple pa ang buhay at mga pangangailangan ng tao, pati mga kaligayahan, ‘ika nga… Sa isang banda, nag-effort din ang inyong lingkod na gawin ang mga sulating full of atmosphere at ma-recreate ang mood ng lipas nang panahon at sitwasyon, sa abot ng kaya.

Sa kabilang banda,  I wanted the readers to have a realistic but kind, second look at the countryside – ang makitang ang buhay sa bukid ay karugtong ng buhay sa lungsod at ang buhay noon, karugtong ng buhay sa ngayon…

 

image of milled rice grains

Tinatarget daw ng kasalukuyang gobyerno ang sufficiency sa bigas sa taong 2012/ talakayanatkalusugan.com

 

May isinulat sa site, Bakuran Natin ang pamagat, ukol sa mga alagang puno at mga tanim na halaman sa loob ng bakuran. Ang gusto ko sanang gawin, ipakita – paano ang domestication of plants, ang backyard farming na sinasabi at paano ang mismong lay-out ng bakuran (parang blueprint). In some ways, there I was really talking about a past gone by. Way of life pa ba ng mga tao ang may tanim na gulay sa gilid at likod ng bahay para pang-ayuda sa araw-araw na uulamin? Sa ilan-ilang upper middle class yata, advocates ng healthy and organic living, oo. Sa mga mahihirap, sa malalayong lugar din siguro… Pero doon sa amin mismo, isang farming community sa loob ng ng daang taon kung tutuusin, parang hindi na… At sa ganang akin, mainam para sa mga tao kung ang kagawian ng pagtatanim sa likod-bahay ay maibabalikboth on practical and normative considerations.

image of yerba buena plants

Maraming sakit at karamdaman ang nagagamot ng halamang yerba buena/ thebignm.net

Sa Bakuran Natin, tila isang imbentaryo ng mga tanim ang ginawa. May kwento roon – ukol sa medicinal plant corner ng bakuran. Hindi ko na talaga tanda ang mga iyon, ang tagal na rin… Nag-Google search sa gayon ang lola nyo – isa-isang tiningnan ang itsura ng acapulco, yerba buena, pansit-pansitan, aloe vera atbp. Nag- countercheck din sa sites na nag-e-specialize sa horticulture at sa medicinal plants. Sa dulo, nagtingin din ng ilang international conference papers, para mas precise, kumbaga. Siguro, sa mga nagbasa, parang recall lang ng lumang pamumuhay ang sulatin. Kasama na iyon, sabi ko nga. Pero ang nais  sana, maitsurahan ng mga pamangkin ko at ng ibang babasa na rin – gaano ka-dependent sa mga tanim na gulay at prutas ang buhay ng mga tao noon – namin mismo.

image of the green cicada and its dried skin nearby

Ang mga kuliglig ay nagpapalit ng balat kapag gumulang na at naluma ang dati/ pestcontrolrx.com

Sa post namang Sabado ng Kamusmusan, parang taxonomy ng mga hayop, ligaw na halaman at kulisap ang gustong ipakita. Tungkol ito sa weekends, noong kami ay maliliit pa at nais ilarawan sa sulatin ang isang panahong ang mga tao ay nabubuhay pa ng malapit sa kalikasan. Maraming mga kulisap ang extra sa post na iyon, ahaha. And I put in special care, sapagkat ang outdoor ng mga pamangkin, sa malls na… Wala na yata sa kanilang sa burol, sa parang, o sa gubat ang destinasyon, pag weekends. Kung ilang oras din sa pangkalahatan ang nagugol sa pagkukumpara ng cicadas – yayay, turukakak at kuliglig – habitats and habits nila. Natatandaan kong isinisingit-singit noon ang pagsasaliksik sa nasabing paksa, sa gitna ng ibang gawain at sulatin, ahaha. Ang baliw lang, kung titingnan…

Pero, enjoy gawin ang mga ganoon, as in… Natuwa ako, halimbawa, noong nagri-research sa bignay, isang currant na matatagpuan sa mga gulod, bangin at gubat at siyang bida sa childhood namin. Hindi namin kinakain noon ang bunga ng aratiles, kundi laruan lamang. Di tulad ng  bignay na sinasadya pa namin sa mga dahilig at liblib na lugar – dahil noo’y isa pa itong wild plant. Hindi sa gustong laitin ang aratiles bilang domesticated plant at sa gayo’y mas lame (maraming blog posts na ukol sa aratiles ang aking nabasa), hindi naman… Nais lamang marahil na ipinta ang richness ng surroundings sa kanayunan, 30 taon ang nakakaraan. Mas diversified talaga ang flora at fauna noon, di lang siguro doon sa amin, kundi sa kabuuan ng bansa…

image of bignay fruits

Maasim-asim ang bunga ng halamang bignay. Ginagawa ito noong suka. Ngayon ay itinatanim na rin ito sa bakuran at ginagawang alak/ pinoy-entrepreneur.com

 

Para sa mga pamangkin, gusto ko sanang ma-imbue sila ng sense of wonder and awe sa kalikasan kahit paano, na maipakita sa kanilang minsan – naging posible sa mga taong malalapit sa kanilang maranasan, malapitan at mahawakan ang mga hayop at halamang sa cable TV programs na lang nila napapanood at sa mga libro na lamang nila nababasa…   ^_^

May karugtong ito, mga kapatid, pag makahanap ako ng oras… Kumusta kayo?😉

 

29 thoughts on “Doon Po sa Amin, balik-tanaw – ikalawang bahagi

  1. naka relate na naman ako Ms. SSA, parehas kasi ang pinang galingan natin sa southern luzon at pati ang kultura, malawak ang aming bakuran at nasa national highway, noong bata pa ako lahat yata ng klase ng puno at gulay ay meron kami. kilala ko yung bignay, pati mga herbs na nakatanim at yung wild tea pang gamot sa mga sakit meron din kami, kinakain ko pipino pagkatapos pitasin ipupunas lang sa damit kasi meron yung dust parang mabolo, at yun mapulang mabolo. tawa ng anak ko when I tried pulutin yung nalaglag na bunga dito sa kampo. I missed the good life and you are right kasi halamang gamot, gulay at basic needs di namin binibili pati manok, free range and we have other animals pa. now, we buy everything at ang mahal pa when there are vacant lots pati yung bakuran namin na wala ng tanim.

    nakakatuwa yung front yard flowering plants at marami kaming sampaguita na parang roses, suson-suson not the one layer petals. sa likod bahay at paligid are herbal plants, trees, and vegetable plots, yung iba like the black pepper sa mga puno gumagapang ganon din yung other vegetables, pati coffee meron, sampalok. bayabas. ang saya ng pag-akyat sa mga puno. so life was never hard, siguro for my children ibang perspective but i am glad to to have lived in such an environment,

    happy weekend😀

    • hello, Ms. S… pasensya na po, i was out of town in the last few days, ngayon lang makakatugon. ^^

      kakatuwa ho ang kwento nyo. medyo ganyan rin ho ang inihayag doon sa post na Bakuran Natin. iyon nga lang, mas maganda ang pagkakwento nyo, hihi…oho, may mga halamang pambakod, may pang-meryenda (fruit-bearing trees na hindi pambenta,haha) and yes, ma’am, alam po ang mabolo also called talang… at opo, ang pipino ay pinipitas lang, ipinupunas sa gilid ng damit tapos kinakagat na, hihi. july at august ho ang tag-pipino, di ba…

      ahaha, may bulaklak nga hong parang sampagita. dalawang klase – ang kampupot at may isa pa. kamukha sila pareho ng sampaguita pero di singbango. iyon hong isang variety na di kampupot, iyon ang nakikita kong tanim sa front ng buildings dito sa kamaynilaan… tanda ko pa ho ang amoy ng bulaklak ng mga puno ng kape at ilang post din ukol sa kape ang isinulat dati sa DPSA … and yes, pag may nakikita ho akong bunga ng mga puno rito sa MM, pinupulot rin ho at kinakain, hehe.

      ours po happened to be a hard life pero, like you said, i appreciate having gone through tough, rural experiences… maraming salamat ho sa masiglang pagbabahagi and have a good week, ms.S…😉

      • ahahaha.. isa ka ng mestisang negra.. hihihi.. hi san!! ako din! na miss ko ang kulitang sagutan natin sa comment.. kung lumarga ka noong weekend, ako naman ay nagapakaburyong sa bahay.. ehehehehe nagkasakit kasi ako… pero medyo ok na ako.. *kaway kaway*

      • haha, hala pa, dati na akong may pagka-negra, kapatid. except medyo matangkad ang lola mo. na-dry ang skin ko, Pot. directly nag-shine ang kaarawan sa di-makinis kong balat, hehe… karaming naka-tangga at naka-two piece. hanggang beach dress lang ang kinaya ng powers ko, whaha. hala, ba’t ka nagkasakit, naman? may gano’n, tinatalo ka ng virus? whehe… nagre-rest ka pa o pumasok ka na rin? pahinga, kapatid. pahinga pati sa pag-inom, harhar… kaway-kaway!😉

      • dati ka bang basketbolista san? ehehehehehe.. wala bang picture ng mga naka tangga at two piece jan para naman makita ang ebidensya.. ehehehehe… meron bang beach dress? long gown ba yan?

        at oo naman san, nagkakasakit din naman ako.. tingin mo naman sa akin, immune sa lahat ng virus.. pero ang laging sakit ko ay yung sakit ng katamaran.. ehehehehehe… ok na ako, at kahit naman masama pakiramdam ko ay kailangan pa ring pumasok.. medyo mahigpit ang mga hapon pag dating sa absent.. hanggat nakakalakad ka pa, pwede ka pang pumasok sa opisina…

        hello san!! saya naman ng weekend mo!! *kaway kaway*

      • ahaha, hindi ako basketbolista, hindi rin mahilig sa basketball, hihi, volleyball, ayan, nanonood ako nyan…^^ hala pa, sila ang nag-tangga at two-piece, di ako, shaks lang. short dress ang sinuot ko, kapatid. eto ang kwento, noong first day, kami ng kapatid ko, naka-shirt and pants tapos tsinelas. tapos tambay kami sa may coffee house sa may beach front. pagtingin namin, kami lang pala ang ganoon ang get up, haha. lahat yata ng ibang tao, scantily clad, ang saya lang… ang daming guys na magaganda ang katawan, hihihi. pang beach bod ba? hindi naman ako masyadong nagpahalatang tumitingin, hehe… ay, okey naman pala at nakapasok ka na. buti na lang at istrikto ang mga hapon, hehe. btw, ako rin, unless trangkaso ang sakit, ayaw ko ng nakahiga lang pag sick. nalulumbay ako pag gano’n, haha. pahinga ka pa rin, Pot… ako naman ay inaantok pa till now although i have lots to do, as in… kaway-kaway… mag-dinner ka na pows…😉

      • MADAMING BOYS?!?!?! ehem.. *ayos composure* nais ko ring magka beach bod tulad nila.. kaya lang talagang mailap ang tadhana.. ehehehehe… so dun kayo natambay ng kapatid mo ah.. wala naman kayo binoculars nung nag boy watching kayo? ehehehehehe.. so ang saya naman… hindi ba kayo nagtampisaw?

        oo ako din.. ayoko talagng mag absent dahil nga madaming trabahong mabibitin.. buti naging strong ang work ethics ko dito sa japan kaya medyo nasasanay na..

        kaya mo yan.. inom ka ng softdrink or kape para magising gising.. kaya mo yan.. aja!! tapos na kaong mag dinner san.. nag onigiri lang para hindi kumalam ang tiyan… *kaway kaway*

      • mhen, Pot, mhen, hihi… at least, physically, mukha silang men. eh, siyempre pa, mukha silang yuppies na nagwo-work out. ahaha, di kailangan ng binoculars, pramis. up close mamamasdan ang kanilang pande-pandesal. pero, mas magaganda pa rin ang katawan ng mga bangkero at mangingisda, haha. pwera biro, wala sa mga itsura nila pero pag naghubad, shaks, malamang mamamatay ka sa inggit, Pot. ^^

        wala kaming nakitang Pinay na bombastic ang katawan, sayang. yong foreigners naman, maski naka-two piece, parang ang linis lang tingnan, hindi head-turning. hindi nakakamatay sa inggit, haha. parang clinical na lang pag tiningnan mo sila…

        anyway, ang isang di ko nagawa, mag-cutex before going. may pagka-must pala ang malanding red na nail polish sa ganoon, haha. parang… parang ang boring ng beauty na hindi naka-cutex ng striking color sa gano’ng setting. tatandaan ko ‘yon para sa next time, haha.

        btw, nag google ako ng images ng onigiri -parang ang sarap. wari ko, may version din nyan ang mga Intsik dito sa atin… hehe, nagkape nga ng ilang beses, wala rin naman akong nagawa, haha… o, sya, good night, kapatid…🙂

      • ahh mhen pala.. pamhenta… ehehehehe siguro kung bata bata ako, nagwork-out na rin ako.. yun nga lang baka kumukulot na rin mga daliri ko.. ehehehehe… ayos pala, hindi na kailangan ng binoculars.. yan ba yung tipon kahit malabo ang mata eh lumilinaw dahil sa nakikita? at naku, matagal na akong inggit sa mga may pandesal, kaya lang yan talaga ay parang pangarap na lang… mahirap maabot yan…

        ayy walang mga chicks jan.. ayoko na… booo! ehehehehehe at clinical lang talaga eh no…

        ayy bakit di ka nag cutex… sayan ang nails… sa susunod paghandaan mo para bonggacious ka… o di ba…

        masarap ang onigiri, at depende sa palaman sa loob.. sa tingin ko nga rin meron ng onigiri jan sa pinas.. thanks san!! have a great day!! *kaway kaway*

      • haha, mukha silang Mark Nelson type. ewan ko lang kung paminta, hihi. oo, maganda kayang makanood ng marami noon? maiba naman sa mga usual na mukhang butete lang (parang ako, whehe) ang nai-encounter. parang sculpted ang katawan ng iba, ang vain lang siguro ng mga iyon…anyway, di lang naman sa katawan ang sukatan, agree naman ako… pero syempre, nakakatuwa rin pag nakakita noong magaganda ang hugis, hihi. mahilig ako sa mga lalaking magaganda ang dibdib, hehe.

        maraming women and girls, Pot… pero as I said, wala kaming nakitang tipong hot mama, haha. ‘yong mukhang “maglaway kayong lahat sa akin” na type. wala, sayang. nakakainggit lang ang iba dahil hindi ata uso sa kanila ang puson, kainis.

        may nakita kaming isang babae, French ata, maganda ang pwet nya, haha. kasama ang boypren na may korte rin (triangle ang shape ng kaha, haha) pero mas pansinin ang butt ng GF. pero, ang linis pa rin lang tingnan. hindi ‘yong tipong sisipulan ng guys.

        sabi ng kapatid ko, Pinays daw ang usual na nakaka-pull ng pa-hot effect, hindi raw masyadong ganoon ang foreigners. ewan ko lang kung exotic ang ibig nyang sabihin, haha.

        kailangan may cutex as in. parang pang-contrast sa kulay ng dagat at sa kulay ng paligid (earth colors) at saka, para party mode, hehe. ^^

        sige, maghahanap ako ng onigiri dito. alam ko, three times na akong nakakain nyan e. kaway-kaway, Potski.😉

  2. Nagpabalik balik ako dito.. Di ko alam paano magcomment ;)… Shaks ako! Naka-bookmark pa to ha…

    Ang nasa isip ko nung binabasa ko ito… Ay ito:
    Dahil isa kang batikang mananaliksik… Ewan ko ba bakit ito pumasok sa kapiraso kong utak hihi
    ANG tungkol sa CORN PRODUCTION sa pinas. ^_^.

    -may tanim palang oregano ang nanay ko sa bakuran.Pantapal sa sugat. Lalo na kung di maampat ang pagdurugo.. At kapag namaga na.
    – noon madami kaming gulay. Kompleto na ang pakbet at bulanglang. Hindi na kailangan lumabas ng bahay.. Ngayon…😦 wala na.. Hindi n tulad noon…

    • hala pa, comment away, froggie… ano kasi, ang DPSA, informative site talaga ang format at kilo-kilometro ang haba ng posts, haha. pero, mas marami iyong readers kesa sa SSA…

      ay, sus, pipitsugin lang, sister. ang mga batikan ay iba, hehe. ismol taym lang ang lola mo. btw, alam mo, naabutan ko pa ang maraming maisan doon sa amin. ngayon, pag pumunta ka roon, ni isang maisan, wala na… anyway, isa iyan sa mga pangarap ko for DPSA – makapagsulat ukol sa mais at tag-mais. hindi ko nagawa, for more than a year na in existence ang DPSA. di ko alam kung dahil wala akong gaanong ma-research na material noon or dahil putul-putol ang alaala ko about it…

      ahaha, oo, may oregano rin kami dati. pagtapal nga ata sa sugat, yes… ay, masarap ang bulanglang. matagal-tagal na rin akong di nakakapagluto nyan. ang mahal ng gulay sa manila ngayon dahil tag-bagyo. oo nga yata, people in the barrios have lost interest in growing vegetables in their backyards. parang mas umaasa na lang sila sa padala ng kamag-anaks abroad. sana ay mauso uli ang tanim-tanim sa bakuran, ano? hello sa iyo. best regards…😉

      • Sana mabuksan na ang DPSA.. Mahabahabang basahan to , walang kurapan hehhe
        Kung bakit di ko nasearch ‘yOn dati..😦
        ( hindi naman kasi ako ngahahanap ei hheh)

        Ingats… *nag-aabang ng karugtong… ^_^.
        pero phinga ka muna…

      • ahaha, oo, mahahaba nga, dear. kailangan mo ng tubig at skyflakes pag nagbabasa ro’n, hehe. november isinara ni automattic ang DPSA. blogging ka na no’n?😉

        salamat. oo nga, gusto ko nang gumawa ng bagong post pero antok pa me. ingat ka, kapatid…😉

  3. hmmm ganun pala ang ghostwriting sa mas malalim na kapaliwanagan. hindi ko pa naiisip kung kaya ko yan sino kaya ang puwede kong gayahin. hehehe. pero di ba, puwede naman tatanungin mo yung ghost este yung nagpapa-ghost write kung ano ang gusto nyang sabihin at ikaw lang ang magsusulat.

    naniniwala rin ako sa sinabi mo. na magkakarugdong ang kaganapan sa probinsya at dito sa Maynila. Gaya ng maaaring magmahal ang presyo ng gulay sa Manila kasi sira ang kalsada na daraanan sa mga probinsyang panggagalingan nito (may explanation daw ako).

    mabuhay sa dpsa at sa ssna!

    • ahaha, ipagsusulat ng ghostwriter ang isang public figure o taong may katungkulan at palalabasing si figure mismo ang nagsulat kahit iba naman or delegated, kumbaga. para syang pagko-cover ng kanta, kapatid. except, wala pang original na kantang pagbabatayan, hehe.

      hmn, bibihira sa nagpapasulat ang alam kung ano ang gusto nilang sabihin in writing, sadly… bale, idine-delegate not just the writing but the thinking as well at pati pagbubuo ng posisyon sa usapin, ayon. doon naman sa alam ang gusto nila, sasabihin nila in one or two sentences lang. bale, si writer ang bahalang mag-develop ng thoughts at maghanap ng arguments in support of. ayon… ^^

      tama ka, pangita nga sa presyuhan ng gulay, kapatid. pero, ang isa pa sigurong argumento about magkarugtong is dahil lahat yata tayo, may kama-kamag-anak sa mga probinsya at mga bukirin. at kahit ano pa ang effort nating itanggi o itago ang ating pinagmulan, connected pa rin. ayon… ^^

      salamat, hoshi. mabuhay rin ang kwento mo at paniniwala at ang hoshilandia.com!😉

  4. ang makitang ang buhay sa bukid ay karugtong ng buhay sa lungsod at ang buhay noon, karugtong ng buhay sa ngayon… — epic🙂

    Nagnonosebleed ako sa figures , graphs and mga charts na gay-an. Pang mga what’s the shape of a watermelon? lang ang level ko eh ..wahha

    • haha. epic ka dyan…😉 e, kapatid, ang uso kasi ngayon, gayahin lahat ng fads and to outdo ang mismong trendsetters, haha. tapos, taken to the highest level ang pagka-cosmopolitan na para bang di man lang nakaamoy ng hanging probinsya, hehe. kailangan ng pam-balanse, siguro… ^^

      heh, magtigil ka. kabisado mo nga dati ang laman ng anatomy book mo – yong OA sa kapal? hakhakhak 😉 good evening, kapatid…

      • hindi totoong saulo ko ang anatomy book .. kasi nasa page 352 second to the last line nakalagay na ang “Every human has 206 bones.” .. hahaha

        Ni hindi ko n nga maalala kung anong itsura nung libro ko sa anatomy. lels.

        basta epic yun. wag k ng kumontra… whehehe

      • hindi nga, di mo nga saulo at di rin naman halata, hehe.

        ‘lam ko ang anatomy book kasi di ba, may mga pamangkin ako, isang nar-es and isang med-tech. feeling ko, malaki ang nagawa nong libro para pakubain sila at bawasan ang poise, hehe

        epic na sa kung epic. maniwala? weh?😉

      • hala, anlagay ang kapogian mong yan, damaged pa ng heavyweight na books, hehe. wala akong masabi…

        basta, aliw at may post ka na. aantayin ko ang tungkol kay JK Rowling. favorite ko sya though wala akong binasa sa Potter series, hehehe. kaway!😉

      • sana nga tuloy tuloy n ang pagsusulat ulit … haha..

        para kang salamin sa kwarto . binobola ako sa itsura ko . pagpicture naman ang panget lang. lolz.

        wala pa din akong nababasa sa harry potter series . nood nood lang .. hehehe.

        Kaway back! :p

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s