Doon Po sa Amin, balik-tanaw

 

Nasa ikatlong taon yata ako sa high school, noong unang dumating ang ideyang isulat ang kapaligiran, mga tao at pangyayari sa aming baryo. Lilipas pa pala ang 24 na taon bago iyon magkaroon ng katuparan kahit paano, sa pamamagitan ng mga sulatin sa Doon Po sa Amin (DPSA). Kung distansya ang isang malaking kailangan para makapagsulat, ang layo pala ng kinailangang tawirin para maisatitik ang mga batang karanasan. Ikalawang anibersaryo sana ng Doon Po sa Amin noong ika-27 ng Agosto, 2012… Sa totoo lang, nag-umpisa ang pagsusulat sa site sa kagustuhang magsulat ukol sa lokal na kakanin, bago itinuloy sa ideyang gawing balik-tanaw sa luma pang pamumuhay. Mula roon, nabuksan ang planong gawin itong isang full-pledge chronicle ng kanayunan sa ilang piling taon noong 80s.

 

image of two kids up on a tree

Isa sa aliwan ng mga bata sa nayon ay umakyat sa mga puno/ flickr.com

Matapos ang walong sulatin, ipinihit na nga ang site para sa isang mas seryosong pagtatala ng mga pangyayaring sa kalakhan ay lipas na, kung tutuusin. DPSA became a project on my part, to go back to the place I come from, kahit sa papel at sa panulat lamang. Bale, babyahe ako ng 26 hanggang 30 taon, para silipin ng minsan pa ang mga buhay at kagawian noon, sa dalawang magkatabing baryong sinilangan at nilakihan namin  ng mga kapatid, pinsan, kalaro at ko mismo. Ilalarawan ko ang mga pangyayari at bagay  noong isang panahong bata pa ang lola nyo at babagong nagkakabait, ‘ika nga… Ang tagal at ang layo na, it was an ambitious and crazy plan from the outset. Bakit? At, bakit pa? Para ano?

 

Ang setting ng DPSA ay malapit lang – sa Southern Tagalog kami. Wala na yatang tatlong oras ang byahe paparoon ngayon, mula sa Cubao. Dati, kalahating araw o higit pa ang gugulin para makarating sa lugar kung magbibyahe lang sa bus. Nitong mga nagdaang taon, may Calabarzon na at ang dami na ring express roadsHalos wala nang hirap para makabalik, physically. Nitong mga huli, mas madalas pag umuuwi kami, naka-pribadong sasakyan, mas mabilis pa. So, hindi sana problema, technically. Wala sanang issue – umuwi kung gusto at kung kailan magustuhan. Pwedeng punta at uwi rin uli agad. Balikan, sa loob ng isang araw…

 

image of dawn in a remote place in the Philippines

Tahimik at mahamog ang bukang-liwayway sa nayon/vapostoljr.multiply.com

 

Sabi ng isang Ate ko noong una nyang mabasa ang first batch ng posts sa DPSA, gusto ko lang daw sermunan ang mga pamangkin kong spoiled, mabababaw at matitigas ang mga ulo – hinahabol ko raw sa onlineIn a way, totoo naman. Para sa mga pamangkin ko nga ang DPSA… Gusto kong iguhit para sa kanila – anu-ano ang mayroon at anu-ano ang wala noong unang panahon – ’80s. Para malaman nila – saan galing ang kanilang mga magulang, ang mga kapatid ko… Iba na kasi ang kanilang naabutan – ibang kabuhayan, ibang buhay at ibang age, ‘ika nga. Lahat yata sila, ipinanganak na sa panahong  mayroon nang remote control. Isang pamangkin ko na lang yata ang nakaabot pa ng black and white na TV.

 

image of a creek in the Philippines

Nasa gawing itaas ng sapa sa may amin ang kuluong na kuhanan namin ng tubig-inumin noon/ michaelandemilie.blogspot.com

Ipinabasa ko rin ang early posts sa mas bata naming kapatid. Pinilit ko sya, kumbaga. Ang sabi nya pagkatapos, “I don’t know, sister. I’ve seen your other writings. You write better in English. At saka, ba’t gano’n ang topics mo? Dapat ‘yong masasaya. I don’t know…” Haha, hindi gaanong encouraging, di ba? Ang tinutukoy niya nga pala, ang posts tungkol sa tubig. Dalawa ang sinulat ko noon sa DPSA tungkol sa water source – ang kuluong, kuhanan namin noon ng tubig-inumin, nasa ibaba iyon ng bangin at ang isa pa – ang tunggaan, posong pampublikong igiban namin noon ng tubig panlaba, pampainom sa mga hayop, panghugas ng pinggan at pampaligo. Hayon… Ewan ko, pero parang ang gusto ni kapatid, mas cheerful and upbeat na topics

 

May isang classmate rin ako noong elementary na pinabasa ko ng early posts. Na-meet ko siya uli 2005, nang nag-reunion kami at siya ang ka-close ko noong elementary days – panahong tinatalakay sa DPSA. In a way, natutuwa itong kaibigan ko… Sabi nya sa email, mga bata pa lang daw kami, magaling na akong kumwento (Haha, di ko natatandaan. Ang alam ko, madada ako pero di ko alam kung mukhang kwento ba ang mga ‘yon). Sa kabilang banda, sabi nya, bakit kailangan ko pang balikan?  ”Tide na ang ginagamit ng mga tao roon ngayon, hindi na Superwheel, haha. ” Ang Superwheel, sikat na sabon dati, napakatapang ng amoy at sabong pangmahirap, sabihin na natin… So, in another way, indirectly, nasasaktan din si friendKailangan pa bang ungkatin gaano ka-backward ang pinagmulan? Sa kanya, kung maaari, huwag na lang…  ^^

Isa sa nauna kong posts, ang Sabong Mabaho – tungkol sa detergent bars na panlaba, panlinis, pansabon sa katawan namin noon at minsan, pag walang gugo, siya na rin naming pang-shampoo. Ang bawi, humor ang approach na ginamit sa sulatin. Pero siguro, dahil nakakabili na pare-pareho ng bath soap and shampoo noong time na isinulat, parang ang sakit nga rin namang alalahaning may isang panahong pare-pareho kayong amoy-sabong panlaba – mula sa suot na damit hanggang sa katawan at sa ulo. Noong nabuksan ang paksa sa isang usapan, ang isang kapatid ko, parang maiiyak. Hard times nga naman… Pero isinulat ko iyon, ako na ang pasaway.

 

image of women washing clothes in the river

Parang katulad sa larawan ang eksena namin noon maliban sa sa sapa, di sa ilog, kami naglalaba gamit ay sabong mabaho at palu-palo/ panoramio.com

 

Sa biglang-tingin, marahil, tama nga sila – para saan? Saka, ang layo na ng babalikan… Papaano lilikhain muli sa imahinasyon, isasatitik  sa papel at ititipa sa keyboard ang isang panahon at buhay na lipas na? Wika nga ng kapatid ko, parang ang daming effort na kailangan dyaan at masyadong belabored… Pero, iyon siguro ang point – may mga bagay na hindi madaling makuha, na kailangan pang paghirapan bago makamit o maabot. Siguro rin, may mga kailangang balikan para makatuloy sa susunod na pupuntahan – ng walang pagtutumpik-tumpik at kaba. To make peace with the past, in a sense.

Maari nga namang mahirap… Or, at least, matrabahong gawin… Pero, sa isang banda, ang proyekto ay pagkakataon para magamit ko ang relative na kasanayan at practice sa research. Ahaha, paano ba? Let’s say, advanced ng kaunti ang skill ng lola nyo, kesa sa mga karaniwang nagsasaliksik sa pamamagitan ng Google search. Parang ganito, mabilis na kaysa sa karaniwan ang kakayahan kong ma-access ang best materials (with fairly high degree of accuracy and aptness) sa isang paksa, gamit ang internet. Nauna ko baleng naintindihan (parang) ang research function ng internet, bago ang iba pa nitong gamit at kapakinabangan, kahit walang formal input or training sa search engine optimization(SEO). Ayon… ^^

 

Noong nag-umpisang magsulat sa blog, hot topic pa ang recession sa major economies at kinunsider kong magsulat tungkol sa nasabing paksa. Hifalutin, totoong nosebleed ? Totoo… Pinag-isipan, pero di ko ginawa… Ano ang karapatang magsalita sa world crisis, hindi naman ako authority? Isa pa, in recession din ang personal economics ko, mahirap na, ahaha… Ang unang naging attempt sa DPSA na mag-discuss sa usapang pangkabuhayan on a macro scale ay sa sanaysay ukol sa metric at sa English system at sa mga tradisyunal na panukat – dangkal, tumpok (ng kamatis) at kimis (ng sitaw). Sukatin Mo ang pamagat ng akda, isang pagtatangkang i-locate ang lagay ng Pilipinas – sa metriko ng sinasabing world standards sa trade and commerce.

 

Sa linya ng Social Sciences nga pala ang kurso ko, hindi Economics. Pero, may times dating rumaraket ako ng data gathering. Ano iyon, parang underground economy ng mga nagsusulat behind the scenes. Karaniwang  data about import and export sa different industries ang ipinapahanap – kukuhanin ang mga impormasyon sa NSO, hahanapin ang particulars sa SEC at pag minsan, may detalyeng kukunin sa BSP. Haha, coolBoring at kapagod na gawain, sa totoo lang – sinusuyod ang makakapal na libro, gano’n. Saliksik kung sa saliksik…. Larangan yaon ng mga timawang writers and researchersgaya ng lola nyo. ^^ Investors and consultants ang usual na nagpapahanap ng data, para i-determine ang viability ng bubuksan o isasarang negosyo.

May ilan akong kaibigang may grad studies sa Economics at ang iba sa mga lekat, may P.h. D. pa. Anyway, sa mga kwentuhan namin, natitilamsikan paminsan-minsan ng konti-konting alam ang lola nyo, ahaha. Pasaway ang role ko sa grupong iyon ng certified nosebleed people (Sila ‘yon, hindi ako, kung alam nyo lang…). Bunso ako sa grupo at kaisa-isa ring nagpaulit-ulit ng Algebra at Calculus  sa college, haha. Pag nagkikita-kita kami ng mga buwang at timang, sagot ko ang joke, whehehe… Sample? O, sige… “Tapos na sa usapang development or lack of? O, sya, proceed na tayo sa ills of society… ” Hala, natatawa sila, pasensya naman… Usapan at alaskahan iyon ng mga taong marereklamo, wala rin namang malinaw na naiaambag sa development ng bansa, ahaha.😉

 

image of farmers removing insects from plants

May mga pananim sa bukid na sadyang pambenta/ thephilsouthangle.com

Ang exposure sa data gathering at ang impluwensya siguro nitong mga marurunong mag-crunch ng numbers, matatalas at malalandi ring mag-isip, ang ilan sa mga dahilan bakit fascinated ang lola nyo sa paksang balance of trade (BoT) ng isang bansa. Hala, nosebleed, may import and export receipts, ganyan… Inisip ko ring magsulat tungkol dyan mismo, ang ambisyosa lang… Pero wala ngang karapatan at gusto ko rin namang puntahan ng ibang bloggers ang site (lampas sa nang-iilang lang ng bloggers, haha). Ukol sa mga prutas at gulay na itinatanim para gawing kalakal at sa mga byaherong namimili at nagdadala sa mga iyon sa pamilihan, ang isa sa mga isinulat sa DPSA. Bentahe ng Nabebenta ang pamagat, ginawa para ilarawan ang cash crop farming sa munting pamayanan.

 

Haha, trade na rin kako iyon, sa maliitang scale nga lang… Trade nga naman, kung tutuusin. Sa kalakhan, ganoong klase ang agricultural trade na mayroon tayo sa Pilipinas… Kaysa sa mag-discuss na parang technocrat lang, hindi naman, baka kako mas magi kung illustrative ang handle sa usapin sa blog … Marami pating ibang taong mas gamay ang paksa, mas authoritative din bilang practitioners o experts at marami-rami na rin naman ang mga diskusyon – graduate school or conference papers – na nasa internet – uploaded and downloadable. At, siyempre, ang mga sulatin sa DPSA ay para sa mga pamangkin – di ko gaanong maisip na mae-engganyo sila sa babasahing may charts and graphs na hindi school assignments. Baka sa title pa lang, magsitakbuhan na sila, patatawarin. Ayon, parang case study and micro ang ginamit na approach sa Bentahe ng Nabebenta…

 

image of a young man watering the plots in the barrio

Walang irigasyon doon sa amin kaya pag walang ulan, kailangang diligan ang plots ng mga halaman/ article.wn.com

 

* May karugtong…😉

 

45 thoughts on “Doon Po sa Amin, balik-tanaw

  1. Medyo nasa transition era siguro ako, ako natutuwa ako sa mga posts na binabalik-balikan ang nakaraan. Naabutan ko pa kasi ang mga black and white na tv, ang paglalaro sa bukid ang paliligo sa sapa. Pero hindi masyado kasi lumipat din kami agad ng Maynila, at pagbalik ko dito sa probinsya de-remote na din lahat, at wala ng naglalaro masyado sa bukid, wala na ring naliligo sa sapa. Ako din mahilig magkwento ng tungkol sa nakaraan. Minsan nabubwisit na nga yung isa naming kapatid kasi hindi naman niya naabutan yon. Masaya yung may nababasa akong bago na luma. Yung mga hindi ko alam na nagaganap pala yon dati, na yun pala ang ipinanliligo niyo, na merong sabong mabaho. At hindi ko na pala naabutan ang gugo.

    Sa DPSA ko ata nabasa yung pag sa umaga kailangang magparingas tapos pupunta kayo sa kapitbahay na may matatanda o lola niyo ata sila, para makisindi. Ang cool kaya noon.

    Sabagay yung Tatay ko kapag lasing na at nagkukwento nung buhay nila dati naiiyak din siya. Yung ninanakaw nila yung troso sa tulay para maibenta at may makain sila sa hapunan, ipinapadaan daw nila sa sapa yung troso kasi mabigat para yung tubig na ang bubuhay. Di bale na daw maubos ang tulay hindi naman daw sila dumadaan doon. Pero sabi niya, mali daw iyong ginawa nila na iyon kasi pagnanakaw iyon, pero kailangan talaga kasi kung hindi nila gagawin, matutulog silang gutom. Tapos cue niya na yon para umiyak.

    Magandang gabi! Kamusta?

    • hello, akda… kaya pala nakikita kita noon sa DPSA, kahit paano pala ay nakaabot ka ng mga lumang gawi at pamumuhay. glad to know that, kapatid… oo, masaya ang maglaba at maligo sa sapa. iyon ang isa sa masasaya sa childhood memories ko – mahirap pero masaya. pati na rin ang paglalaro sa bukid na nakakaitim, haha. pero kakaunti ang time namin noong maglaro – maraming gawain at kailangan naming tumulong – sa bahay at sa taniman pati. pag walang pasok, most of our time spent sa tarbaho, ganoon… hirap ang sitwasyon noon, kailangang laging nagkakahig… ahaha, gets ata kita roon sa di nakaka-identify ang isang kapatid. ang kapatid kong mas bata (nasa itaas), di nya raw matandaang may difficulty ang pagkuha ng tubig (dahil exempted sya no’n sa pag-igib)..

      oo, sa DPSA nga ang tungkol sa kahoy na panggatong at pagpaparingas nito. hala pa, di cool ang manghingi ng baga ng apoy, kapatid. cold ‘yon, cold… around 350 am ‘yon, haha😉

      oo, ganoon nga, parang kwento ng father mo. may mga panahong nagpo-forage ng food kasi hindi all year through ang food supply sa nayon. hirap ang buhay pag panahong walang ani. kami noon, naghahanap ng mga ligaw na kamatis sa may gubat para siya naming maipang-ulam pag lean months. tapos, ang binibili naming itlog, ‘yong luno? ang itlog na luno ay walang outer shell kaya 1/3 lang ang price compared sa regular egg. pag may ulam kaming itlog na luno, happy na kami noon.😉 kumusta ka? magandang araw…

  2. Nakaka-relate ako Ms. SSA, resonate pa, sa tutuo lang. in our high school reunion puro kahirapan ang topic ng usapan which for me is not really kahirapan but dictates of the times, ang alam ko lang shampoo noon ay palmolive saka gugo pero mahirap katasin yun kahit mas maganda sa buhok kaya palmolive na lang, saka yung paglalaba sa ilog, naranasan ko yan sabay paliligo at picnic. it was fun. Yung classmate naman taga Bayan, sa centro pa walang ganong experience kaya hindi sya umakyat sa puno, hindi naglaro sa ilalim ng buwan at maraming iba pa. sad nga siya, she missed experiencing all those funny things we did (kahirapan term ng isa but for me, it’s not)

    We were very grounded because of what we’ve gone through, yun nagpapasaya sa amin ngayon saka it was not unusual and it was play. love ur musings😀

    • hello, Ms. S… salamat ho. ewan ko lang din ho kung matter of perspective ba iyang mahirap na buhay sa bukid noon. pwedeng mahirap, pwede rin namang ‘yong sabi nyo – dictates of the times, something that people have to go through at some point. btw, marami ho sa contemporaries namin doon ay nabubuhay ng kapareho pa rin ng dati, kaparehong buhay at kakapusang naranasan ng mga magulang nila. baka nga ho, i look at things differently kasi may nakita na akong ibang mga buhay at gawi at may pagkukumparahan na, so to speak… ^^

      can’t really say that we’re very grounded, haha. karamihan ko sa mga kapatid ko, pinalaki ang anak nilang di pinagagawa at ibinibigay halos lahat ng gusto dahil ayaw nilang maranasan ng mga anak ang naranasan nila. ayon… ah, salamat po. site ko hong luma ang DPSA, yon ang original baga.😉

  3. I like the pics you pasted here. ( That’s all I can do, he he he ) I did understand a little though. You want to go back to your childhood escapades. That would be a difficult task. It would be good if you could provide photos or samples, just like the photos here. I love most the picture of that boy who is watering the plants. I felt emotional when I saw that. Almost misty eyed. He looks so young. Over here, the young just play video games. I think I’ll copy that, if you will allow it.

    • hello, Renx. ahaha, thanks for liking the pics. no, they’re not escapades, dear. am talking here about the old site, Doon Po sa Amin, where i first saw (and met) you, okay? ^^ the site is about life in the olden times, as it was. it was suspended by Automattic last November so i came up with SSA – as the substitute site.

      oh, am afraid there are no pics. we had very few pics back in the days. there was only one photographer in town and he used to come over only during special occasions. btw, it was and is ordinary for children to work in the fields in the remote areas. we used to fetch water for the plants when we were small – they need plenty of water and there was no irrigation… yes, you may copy the pic (i just borrowed it also, haha), dear… cheers!😉

  4. Bumalik naman ang memories ko pagbumibisita sa probinsya, sa mga lolo at lola ( sa probinsya din naman ako nakatira hehehhe). Gustong gusto ko ang sapa, lalo na pag maglalaba( hindi na kailangang magsalok at magbitbit ng balde para lang punuin ang planggana ^_^) sawa sa tubig kung baga. Doon din natutunan paano naging bigas ang palay(hindi na dudurog pagminumule hahha namangha talaga sa kainosentihan). Pinakanakakahiya at gusto kong magtatakbo ay nang minsang sinama ako ng lolo para kumuha ng niyog… Ang niyog pala ay dating mura(buko) hihi.. Kainaman! Wagas na wagas ang sambit ko ng AY! Niyog pala!…

    Ang hirap nga ng buhay noon… Manu-man
    lahat.. Kaya lang masaya din namang balikan minsan…

    • hello, froggy… ang saya naman ng kwento mo at lapat na lapat, ‘ika nga…ay sows, di mo alam dating ang buko o mura ay batang bunga ng niyog? ahaha… di bale, alam mo na ng bongga, hihi.

      oo, kapatid, mahirap ang buhay noon, as in… sa probinsya kasi, lalo pa pag sa remote na lugar, halos lahat ng bagay na gagamitin at kokonsumuhin ay sa pamamahay mismo gagawin. kumbaga, malayo sa kinagawian sa bayan at sa sentrong pag may kailangan ka, bibilhin mo lang, as in… ^^

      pero, oo, masaya rin. mahirap na may saya din naman… kumusta ka?😉

      • Mainit dito… =} ayos na ayos na naman.
        Sa init naalala ang plantsang de uling hehhe. Ang bigat nun. =( Ang hirap magpabAga ng apoy at magtanggal ng abo hihi( nkakita pala ako ganung plantsa dito, tuwang tuwa naman ako, manghang mangha hahhaha..ang babaw ng kaligayahan ko ^_^). Meron din palang plantsang ganun dito.
        * sabong panlaba sa buhok lalagyan ng kalamansi(conditioner) para lumambot…aysus!
        *masakit sa katawan magbakasyon sa probinsya noon lahat kailangan mo mag-exert ng todo effort… =)

        Gandang gabi po.

      • hello, froggy… talaga, mainit ryan? summer pa ba, parang sa US and Japan? may winter ba pala ryan? ahaha, talagang may i inquire ng topography, kainaman. pasensya sa kakulitan… ^^

        oo, may plantsang de uling din kami noon – saksakan nga ng bigat. ang isang ate ko dati ang mahusay at masipag magplantsang ganoon ang gamit. i often wonder how she managed to do it. sabagay, siya talaga ang homekeeper type among us. kasi ako, kahit sa modernong plantsang mas magaan, di gaanong nag-i-enjoy, haha.

        oo, parang sa pagkaalam ko, ganoong klaseng plantsa rin ang gamit noong araw sa ibang lugar at kultura – bago nagka-koryente… hala pa, sana pinicture-an mo, kapatid. btw, alam mo bang isa iyan sa gusto ko sanang gawaan ng post sa DPSA – ang plantsang de uling, bow… ^^

        haha, ba’t mo alam na kalamansi nga ang conditioner namin noong araw at ang hair leave on naman ay coconut oil, hihi.😉

        oo, mahirap nang mabuhay sa bukid pag galing lungsod na, yes. naranasan ko, noong maysakit na ang Inay namin at nagpauwi sya roon, sus… ang hirap – tinanong ko nga ang sarili kung paano ko, namin, na-survive ang mamuhay doon dati, haha. ^^

        i hope you are well. good day and regards, dear…😉

      • *plantsang de uling, syempre di palalagpasin ang picture….🙂 aliw na aliw ei.
        *kalamansi… Si nanay kapag sinamahan ko maglaba sa balon at walang dalanh shampoo, nakikipitas kmi ng kalamansi ng may kalamansi.. (turo yun ng nanay ko, para daw mawala ang amoy ng “sabong mabaho(panlaba)”. Heheh
        -‘yong gugo, curious ako at nabula kapag pinipitpit kaya lang hiram tanggalin sa buhok nung malilit na part ‘pag di sinala hihi.
        *gata ng niyog ang the best hair treatment namin plus coconut oil.. Talaga namang silky long black straight black hair ang dating( salamat sa sipag ng tatay ko magkudkod) hehhe…
        … Hmm sabi sayo di yta tayo ngkakalayo ng edad shhhhhhh…
        Yalla… Napakwento na… Gandang gabi uli…..

      • ano ka, i appreciate your stories, ang ganda at ang galing. lapat talaga, kapatid… shaks, di kaya tayo provincemates? tapos, kamo pa, baka contemporaries tayo? shaks pag ganoon… ^^

        basta, ang mga ikinwento mo, ganoon nga. ganoon talaga ang ways noong una. mahirap din, kung tutuusin… sa papel, parang magandang i-recall pero sa actual na pamumuhay, mahirap kaya? ^^

        btw, hindi ko natutunan ever ang pagkukudkod ng niyog. pero, sinubukan ko ng maraming beses, as in… gandang gabi ryan sa iyo, froggie.🙂

    • haha, Myr, masarap at masaya ang buhay sa nayon pag magbabakasyon lang. pero pag doon ka titigil o titira, ay sows, ang hirap! maganda ang nature, ang view, oo, pero walang gaanong ready-made products doon… kayo mismo ang gagawa ng mga bagay na kailangan ninyo. ayon… hellow😉

      • kaya nga eh..napaka payak lang ng buhay nila..pero kase kung survivability lang ang paguusapan mas mataas ang chances kase nasa nature un ibang kailangan natin..pero siyempre iba pa rin ang buhay sa lungsod mabilis at hindi dapat paiwan…matanong ko lang po, anong probinsiya ninyo?😉

      • hmnn, payak kung sa payak pero ang hirap. pag doon ka lang lagi titira, okey lang. pero pag nakatira ka na sa lungsod na mas mabilis ang pace ng buhay, pag nagtagal ka sa barrio, wari ay mahihirapan ka at maninibago. hala, ibubulong ko sa ‘yo.😉 good evening, Myr.

  5. hahaha, nag-enjoy naman ako sa pagbabasa nito…hmmm medyo naisilang ka sa ‘kin ng mas maaga ate pero naabutan ko yung black and white na TV, at iba pang nabanggit mo…hahaha pero yung superwheel hindi ko na yun nakita, habang binabasa ko ito tinatanong ko yung boss ko kung alam niya pa yung superwheel (hahaha tropa kami sa pagba-blog eh) at wagas ang ngiti niya nung nabanggit ko yung sabon hahaha…sana magka-kilala kayo dito sa WordPress🙂

    • hello, warrior… oo, mas maaga akong ipinanganak sa iyo – ang ka-batch mo ay ang mga pamangkin ko, haha. ah, speaking of black and white TV, may nephew ako, na 14 ata ngayon. noong first time syang nakakita ng black and white na TV na gumagana pa (sa bahay namin, bale TV iyon ng Inay na luma), hindi sya magkaintindihan sa tuwa, as in… masayang-masaya ang mokong.

      haha, alam ni boss mo ang Superwheel, ‘no? kulay asul na matingkad yong sabon at ang tapang ng amoy, patatawarin. haha, sana nga, ano’ng link ng blog nya? hey, regards sa ‘yow, salamat sa pagbabasa.😉

      • hahaha oo ‘te alam niya, yung TV naman namin ngayon colored naman dapat kaso ewan ko ba yung channel 2 sadyang black and white sa kanya hahaha…natatandaan ko yung TV pa namin dati yung pula yung kaha tapos ‘di pihit yung channel haha lagi pa naming pinanonood kapag thursday Maala-ala tapos kapag friday yung Are You Afraid of the Dark hehe.

        Perla na lang ata yung naabutan ko saka Mr.Clean tapos yung shampoo Vidal Sasoon (tama ba spelling?) haha

        ito yung link niya http://maidapulido.wordpress.com/

      • haha, sabi na, e…😉 hala, e, di may channel kayong black and white, dramatic ang dating, di ba? parang artistic ang rendition pag black and white, lalo na pag movies, ang kulit… ^^ hihi, alam ko rin ang TVng pula ang kaha, meron kami dati, whehe. oo, MMK at Are You Afraid of the Dark, katuwa… ^^

        may perla soap pa yata ngayon, sa certain groceries and supermarkets, maski ata sa palengke. may mga kilala nga ako, loyal sa perla – panlaba at panligo, as in… ^^ Vidal Sassoon, dagdag ng isa pang s, whehe. oo, famous hairdresser si V.S. noong araw, sya ang nagpauso ng wedge bob hairdo, haha. ^^

        teynks, sisilip ako sa site … spend the rest of the week smiling, sister… salamat sa pagbalik at pag-comment uli.😉

      • Anong sabi mo na? hehehe

        Anyways, oo dramatic talaga ang effect lalo na kapag MMK ang pinanonood hahaha (madrama na yung palabas dagdagan mo pa ng black and white TV iyakan na!!) Meron pa nga pong perla. Yung VS hehe, ginagaya ko dati yung commercial na may nagwawasiwas ng buhok hahaha.

        Hello sa’yo ate😉

      • a, na alam ni boss mo ang superwheel. actually, bibihira ang di nakakaalam noon sa nakaabot. saka raming advertisements yon dati… ayon.

        haha, parang nai-imagine ko ang family mo na nakatutok sa pinapanood na MMK. tapos, pag parteng madrama na, tumatahimik, shaks lang…

        oo, may perla pa, off-white ang kulay tapos madulas sa kamay pag naglalaba. but then, hindi ‘yon mabula kaya di ko masyadong gustong ipanlaba, hehe.

        haha, natawa ako sa iwinawasiwas ang buhok the vidal sassoon way. oo, ganoon nga ang commercial no’n, as in… buti alala mo pa. ako ang tanda ko dati, ang shampoo na Gee. “Gee, your hair smells terrific.” haha hello, dear…😉

      • hahaha luma na pala yung Gee? kala ko bago lang yun..ahaha…oo nga ‘di mabula yung perla, meron ding blue eh.🙂

      • yes, as in. maliit pa lang me, may Gee na – kulay pink ang lalagyan, hehe. oo, di mabula ang perla. pero, weh, may blue na talaga no’n? di pa yata ako nakakakita. mahanap next weekend, haha… hello, warrior…😉

      • oo ‘te meron, yung yung ginamit namin nung nagcarve kami nung high school eh🙂 hehehe…happy weekend

  6. para sa akin, masarap ang mag balik tanaw… sabi nga nila, hindi mo mararating ang posisyon mo ngayon kung hindi sa mga naranasan mo nung ikaw ay uhugin at walang salawal… gusto kong mabasa yang DPSA mo.. message mo naman sa akin ang link ng mabisita ko.. hayaan mo, hindi ako mag-iiwan ng comment na pasaway.. ehehehehe.. hello san!! *kaway kaway*

    • hello, Potski… hala, naaliw naman ako nang makita ko uli ang gravatar mo at comment. haha, musta? hala, salamat sa encouragement about the balik-tanaw… oo, uhugin nga ata ako noon pero usually, may salawal naman, di nga lang kagandahan, hihi. ay, payatot pati ako dati sobra, as in…

      ay, sorry, kapatid. suspended pa ang DPSA. na-virus daw ang last post – Mga Tahi at Paso. ayaw pa nilang ibalik, e. nakailang sulat na ako asking WP ano ang dapat kong gawin para ma-restore… hamo, ita-try ko uling sumulat sa WP technical pag may time. sana, pansinin na nila o kaawaan, haha. hello sa ‘yo, kaway-kaway!😉 hope you are doing okey…

      • hi san!! i am doing ok!! medyo sa gabi na nga lang ako makakapag basa at comment sa mga blogs kasi nagpaka bibo yung boss namin tungkol sa paggamit ng internet sa office.. pero ok lang.. aalis alis na lang ako sa upuan para mag surf sa iphone.. hihihi… papalitan ko na yang gravatar na yan.. yung malandi kong pose para bongga… sana maibalik yung DPSA mo.. parang gusto kong makabasa ng mga kwento na tulad niyan.. lalo na sa iyo kasi laking bukid ka.. kaya iba sa tulad kong laking lansangan… aabangan ko yan.. pasensya na at di kita matutulungan dahil engot pa rin ako pag dating sa technical churva sa internet.. hihihi.. naghapunan ka na ba? masaya akong bumabati sa iyo ng magandang gabi kaibigan!! *kaway kaway*

      • hello, Pot… oks lang, naman… ang cool ng bagong gravatar, parang makulit na geeky, hehe… oo nga, batang lungsod nga you. pag na-revive ang dpsa, makakabasa ka ng kwentong kabukiran, haha.

        salamat. naka-dinner na po, thanks. ikaw ba? have a great weekend ahead (friday na uli bukas, kainaman). kaway-kaway!😉

      • salamat… tawag diyan ay the incredible bulk… at uu nakapag dinner na rin ako.. salamat.. aabangan ko yang kabukiran na yan.. pero teka.. thursday pa lang bukas.. ayan nasabik tuloy akong mag weekend.. ehehehehe *kaway kaway* hello san!!

      • hello, Pot… nahalata bang gusto ko na agad mag-weekend? hehe.😉 hello, incredible bulk (nge, mas para ngang upbeat version ng isang big bang theory character, ahaha. nakanood ka ba noon?) ^_^

      • haha, wish mo. yong Indian ata, yong may parents na laging kausap sa Skype, hihi. gusto ko ang scene na biglang may sinabi si Penny na super scientific, haha. pero ang fave ko talaga ‘yong bida, yong OA sa taas ng IQ tapos, pag kumakatok kay penny, “Penny! Penny! Penny!” ang OC lang, haha😉

      • ahh si sheldon.. ehehehehe… enjoy akong panoorin, kasi feeling ko ang geek ko kasi naiintindihan ko yung mga terms nila.. ako na ang nerd.. ehehehehe… si raj ba ang kamukha ko? parang hindi ko naman siya kamukha.. hihihi…

      • haha, it’s one of my favorites. tuwang-tuwa ako sa physics and chem at sa mga katalinuhan nila. naalala ko gaano ako kasemplang sa sciences, gaano ka-slow. basta, mas si raj ka muna… kwento mo next week kung sino ang mas bagay sa ‘yong character… have a restful weekend, Pot. cheerio!😉

  7. Aww. Sayang nga yung DPSA. Pero okay lang yan, kumbaga ni-reboot ng SSA ang DPSA. Hakhak. Matagal-tagal na rin pala naghihikahos pa rin tayo sa kung anong maibablog. Hakhak. NAGHIHIKAHOS HAHAHAHAHA.

    • haha, salamat sa pakikipag-commiserate, kapatid. hala, iba naman ang SSA sa DPSA. themed kasi ang DPSA while SSA is halu-halo lang, hihi. ^^ hala pa, ang lagay na ‘yan, naghihikahos ka pa? sus, kakatuwa nga ang posts mo – makukulit, ang iba ay nagmamaldita, hakhakhak… hello!😉

  8. bye bye DPSA na ba ito? gustong gusto ko yung sagot mo sa tanong na bakit kailangang balikan? para saan –“may mga bagay na hindi madaling makuha, na kailangan pang paghirapan bago makamit o maabot.”

    Yun nga siguro ang pinakapunto kung bakit kailngang balikan ang mga bagay na bumuo satin. Para ipaalala na we are the product of our past🙂

    Na sa henerasyon nila ngayon na nasanay na ang bawat bagay ay “instant” , maappreciate nila ang pinaghugutan at pinagmulan ng bawat salita , ng bawat pangyayari at ng bawat taong nabuhay nung ang panahon ay hindi kasing dali gaya ngayon.

  9. hello, bagotilyo… ahaha, nabuhay ang mamang pogi, naman…😉 hala, hindi. i won’t give up dpsa.:)

    parang mas gusto ko ang mga sinabi mo, kapatid, lalo na ‘yong we are the product of our past, hehe.

    oo, ang mga pamangkin ko, walang EQ, as in… kung makapag-expect, kung makapag-demand, asap lahat… saka akala mo, permanent fixtures sa buhay ang malls – yong lahat, pwedeng bilhin at makuha agad? yown… ay sus, noon ay halos lahat ng kailangan, sa sariling kusina at backyard lahat gagawin – half day o whole day ang ipaghihintay para matikman ang isang bagay…😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s