Nalilito, Nagugulo

 

ang gapatak mong pansin

wari’y isang dagat na sa akin

ang mumunti mong hiling

tila  pagpapala mandin.

 

larawan ng isang batang babaeng nalilito

Kung nalilito at nagugulo, ba’t panay ang ngiti mo? Ang gulo! / dslrfilmmaker.com

 

ang kapiraso mong himutok

para namang sinlaki ng bundok

ang pagpapalit ng gupit ng buhok

akala mo naman, kung anong pagsubok.

 

ay, ay, ang iyong bawat ngiti

nagpapaalis ng laksang dalamhati

sa bawat lumbay na iyong pinapawi

paniwala ako,  sa buhay makakabawi.

 

nililito mo ang aking pakiramdam

ano’t ginugulo mo, itong abang isipan

dati’y puno ng lungkot ang kaibuturan

ngayo’y tigib ng sigla, anuman ang masdan.

 

larawan ng batang pag-iibigan

Sa tuwing ikaw ay ngingiti, lungkot ay napapawi / deadlydollies13.deviantart.com

 

sabi nga nila, mahina akong umintindi

hindi yata pwede, sa sabay-sabay at marami

sa tuwing ngingiti ka, habang katabi

animo’y namili lang ng tuwa, dyan sa palengke.😉

 

 

* Ito pong habi ay munting supling ng tulang Salansan, kamunting suloy, ‘ika nga… Inilalathala po ito sapagkat walang ibang mapagpasyahang ilimbag at walang panahon para magsulat ng bago bilang halimbawa ng komposisyong walang editing. Naisulat po ito sa loob ng dalawang minuto at ang draft o borador ay ito na rin mismo.

Ibig sanang ipakita sa akda ang pagkakaiba ng work na walang edit doon sa dumaan sa kung ilang rounds ng editing. Silipin lamang ang mga tulang nasa kategoryang Hagod sa Taludtod, kung nais ninyo silang pagkumparahin. Welcome kayong mag-comment, magbigay ng observations o anumang puna, mga kapatid. Maraming salamat… Cheers!🙂

 

66 thoughts on “Nalilito, Nagugulo

  1. bukod sa laman ng tula, mas nagugustuhan ko ang ganitong estilo mo, mas lalong nagtutugma kasi ang mga bagsak sa dulo ng bawat salita. mas epektibo kumbaga. sa aking palagay at pakiramdam lang yan ha.

    siya nga pala para mawala ang iyong pagkalito, basahin ang bago kong pahina, “pahina ah” hindi katha.

    narito oh. http://25pesocupnoodles.wordpress.com/sino-ba-naman-si-cup/

    magandang pagbabalik kaibigan. mabuti ang iyong mga kataga ay di kasamang inanod ng baha.

    • ay, salamat, Cup. mahilig ka pala sa rhyming sa pagtula… hwag kang mag-alala, di kita pananagutin, haha, dahil sa iyong palagay at pakiramdam. btw, iniksian ko, para sa ‘yow… ^^

      may page na talaga?😉 naks, improving ang mama. congrats! sisilip ako ryan, malaman kung may kasilip-silip, hihi. peace. ^^

      nakow, madakdak talaga akong tao in person. natatahimik lang ako pag may tama sa inom (bibihira akong uminom) o pag galit, haha. kainamang baha ‘yan, ni hindi pa kami nangangalahati sa linisin.

      • oo mahilig talaga ako, kasi naman, binibigkas ko ito habang binabasa, para damang dama ko. sigh, with matching facial expressions pa.

        akin muli naalala, ang ilan sa iyong paskil ay masarap bigkasin kahit iyong mga hindi gawang patula, ung mga essay mo. isa sa mga pumukaw sa akin na magpaskil ng “audio record” ng aking tula (kung minsan na iyong napakinggan kasi may like ka, di ko lang alam – hehe) ang iyong mga piyesa.

      • ah, gumagawa kasi ako at times ng speeches ng public figures, politicians ganyan… sa speech, medyo parang pinapakinggan talaga ang mga salita – paano ang dating at hagod nila when spoken and delivered, kung soft or hard, kung mabigat or magaan. tapos, kailangan, pili ang mga salita. ayon… ^^

        ahaha, essayist talaga ako, kapatid. iyan ang medyo forte ko. may pagka-boring na tipo ng papers or written materials ang usual kong sinusulat, economic or policy-related so, formal. unlike rito sa blog na may pagka-literary at pwedeng personalized daw, ahihi.

        btw, pinakinggan ko ang 21st century clock reading mo, malambing ang ‘yong boses for a guy, haha.^^ kaya pala, nakakabola errr, nakakabingwit ka, whehehe.😉 salamat sa pagbabalik, happy weekend.😉

      • ahaha, usapang bolahan? as in… mas mahusay ka ryan, tingin ko… ah, hindi ako konektado sa speech ni Tito Sen, no… actually, two years ago ‘yata, i applied as one of his speechwriters, ni hindi in-acknowledge letter ko, whehe. nagastusan me, mahal din mailing ng portfolio/samples ta’s di tinugunan, ayon.^^

      • naku, isa kang malaking kawalan sa kanya tignan mo ngayon, iba ang kanyang inabot, hahaha. ako’y bolero nga talaga, aminado, pero nasa tamang lugar wari ko. paumanhin sa pagiging bolero kaibigan. paumanhin.

      • haha, bahala si Tito Sen. anyway, wala ‘yon. basta, di kita binibisto o ano. usually, sa writings lang ninyo ako nangangapa sa ikokomento, di ko alam (at di ko matalute sa personal events unless super close na tayo, haha) ang totoong kwento sa likod ng panulat. hwag ka munang ma-guilty, naman. saka, naku, mahirap akong bolahin, kapatid. gusto ko rin ang binobola pero di ako mabilis maniwala, pramis. basta, chill!🙂

  2. Mapapansin mong sariwa, sabi mo nga’y walang editing. Madami akong naiisip ng sabay-sabay habang binabasa ko ito, mga sitwasyon na kung anu-ano, hindi nga ako sigurado kung naintindihan ko bang mabuti ito dahil sa kaiisip ng mga bagay-bagay.

    Ang sarap ng pakiramdam ko sa tulang ito, parang hindi ko maintindihan, nalilito na rin siguro ako. Hahahaha!

    Hala ka, ngayon lang ako nakadalaw ulit dito, kasi lagi kong nilo-load tong blog mo sa office kaso ayaw lagi magload, yung blog mo lang naman ang ayaw magload, ewan ko ba. Kaya ngayon, susuyurin kong mabuti itong bahay mo, yun kasing mga komposisyon mo hindi ko pa nababasa.

    Kamusta na?

    • hihi, nilito ka ba ng akdang tula? pasensya naman, hindi ko sinadya, kapatid. huminga ka ng malalim, ilang beses tapos, inom ng tubig at mag-relax…. ^^ ano kasi, gaya ng sabi sa tag, pag nagkakagusto ang isang tao, nasisira ang kanyang sense of proportion, nagiging subjective sya and linear ang thinking, patatawarin… gan’to kaya, puntahan mo ‘yong taong ‘yon, lapitan at sabihin, “you confuse me, how dare you? sino ka ba?” ahaha, ano kaya ang magiging reaction? wento mo.

      ey, teka, ang URL mo, dear, pag cinlick na sya recently, hindi na page mo ang lumalabas kundi FP page na ng WP, may nakalagay that the author has already deleted this blog…. nahiwagaan ako. buti, di naman pala…🙂 am not that fine, am afraid. maraming ayusin and barely nakakahabol, as in. marami ring dapat sulatin na di pa nagagawa and ayon, linising dala ng baha. i hope things are better your side of town, akda… glad to see you.🙂

  3. oh sorry, binaha pala kayo, kami hindi naman. sana makarecover na sa paglilinis, go go go! pagclick ko naman lumalabas ang page ko, baka nagloko lang ewan. Hehehehe.

    Alam mo bang lagi kong naiisip na lumapit sa isang crush ko noon at sabihing, “epal mo, pampagulo ka ng pag-aaral ko”. Pero siyempre hindi ko nagawa, hahaha.

    • ah, thanks, kapatid… oo, maraming linisin, lalampas pa yata sa pasko. sabi ng friend kong binaha rin (at pati noong Ondoy, pareho kami), maghanap na raw kami ng malilipatan, di na raw nakakatuwa. after ng Ondoy, nagtingin naman kami, for one year siguro. ang liliit ng condo, ang OA naman sa mahal ng townhouses, haha. ang ambisyosa lang. ^^

      haha, di ako ganyan kaunlad noon, kapatid… kuntento na ako sa patingin-tingin at pasulyap-sulyap, hihi. at superhappy na pag minsang hinahawakan ako ng crush ko in a friendly way, ang pathetic lang. anyway, ba’t di mo ginawa? ba’t hindi?😉

      • Ang haba nung tinype kong comment tapos biglang nag-close ang window ko, anyway…

        Kamusta naman kayo, at okay naman ba kayo pagkatapos ng baha? Ang late ng update ko… Sana ok lang kayo. Unti-untiin ang dapat linisin, kasi kami nung nabaha ganun, dahan-dahan, kami lang kasi nung lola ko at kapatid at kasambahay ang andito. Tumtutulong-tulong ang ibang pinsan, pero saglit lang kasi naha din sa bahay nila. At least tinulungan nila kami. Naalala ko noon, nung pagsubside ng baha, hindi ko malaman kung maiinis, magagalit, manghihinayan, o maiiyak. Gusto ko sana sabay-sabay yung emosyon na yon kasi lito na ako. Mauubos din yan, pero kung makakalipat mas maganda🙂

        Hindi ko ginawa yun noon kasi bigla kong naisip yung mangyayari after kong sabihin yon, baka lalo siyang maweirduhan sa weirdo kong pagkatao. Hahaha! Ok na yung ngingiti-ngiti siya sa joke ko. Hahahaah!

      • hello, athina… how’s Sunday? ahaha, parang medyo (medyo lang) na-figure out ko na saan galing ang akda name. at least, ang ak, sa totoong name nga pala…🙂 hey, yong isang kilometrong reply na biglang nag-perish, saklap lang…

        nakow, pudpod na ang mga kuko, as in…sa mga silyang hugasin, di pa tapos, kainis. siyempre, ang walls, aabutin pa till september, malamang. matrabaho kung sa matrabaho at saka, di nakakatuwa ‘yong pagtingin mo sa paligid, in disarray ang maraming bagay. di mukhang home, whehehe. ^^

        hey, nabasa ko yata ang post mo na ‘yon, yong may mga drums pa, haha. noong Ondoy, we were badly hit, kapatid. walang natirang pics namin at nasira ang kayamanan, este, kalibruhan namin. e, medyo worth a fortune ‘yon. ayon, totalled. nawala ang aming library…and damit and shoes and almost everything, appliances and stuff. basta, di kami nakabawi from Ondoy, sa tinamaan ng magaling. kumbaga, mga pader lang ang natira at pumangit ng husto ang bahay. ^^

        less damage itong aug 7, mala-bagyo lang na ulanan. pero, halos pareho rin ang pakiramdam ng displacement (haha) and linisin, di na lang ganoon ka-shocked siguro…hahayyy. less time for blogging, hihi.

        ahaha, gets ko yata ang kwento mo. ang weird na nagpapatawa lang kasi people usually think na ang weird pipol ay di nagkaka-gusto. gawan mo kaya minsan ng song ang isang malayong episode na ‘yan? parang kanta lang ng Eheads, haha. salamat, ha and regards, regards…😉

      • hehe, joke lang. as i explained above, anak ito ng tulang Salansan (yong mahabang tula na di mo binasa, bestseller ‘yon dito, haha ^^ or, binasa mo? may comment ka ro’n). gan’to… usually, ang composition ng lola mo, nanganganak over time, ahaha. gano’n yata pag tumatanda, nagkakaroon ng karugtong ang thoughts… ^^

        hamo, pag nagka-time, i’ll write an essay – iku-kwento ko kung paano magkakarugtong halos lahat ng love-related posts dito at pati ang sa luma pang site, sa DPSA. wala yata silang koneksyon sa love life ko or lack of, hihi. wish ko lang… kung meron man, likely sa past encounters na (corny). hindi ko nga malalamang tanda ko pa sila or affected pa ako, as in. sa conscious na buhay, kinalimutan ko na ang mga sugat at kirot, whehe… i guess they’re not that bad naman. mas dense yata lang akong tao, myehehe… regards!😉

    • ang panitik ay madalas nasasabik
      maglatag ng mga dalang ligalig
      mailap na puso, may panaghoy at gibik
      nangangarap ng saya, mula sa pag-ibig.🙂

      hello, foobarph. salamat sa iyong taludtod… regards!

    • ahaha, salamat, Myr… ang saya naman ng ‘yong papuri, as in… parang mas kaya mong mag-compose ng biglaan kesa sa akin? mas natural ka… btw, mostly ng ideas ng lola mo for posts, naiisip pag naghuhugas ng pinggan, haha, pag naghahantay ng turn sa CR, pag nagpi-prito ng isda, haha. palagay ko, mahirap talagang mag-compose o magka-ideya pag nasa harap ng PC or phone o may ibang isinusulat. tingin ko, ha? sa experience ko, sa lulls dumarating ang ideas… happy weekend!😉

      • hahaha..ano kaya kung minsan nga maglathala ka ng mga ideya tulad nga ng naghihintay ka sa cr or naghuhugas ng pinggan? paano kaya ang atake sa pagsulat?😉 iniisip ko lang kung paano kayo gaano ang ibang mga naka post..hmm…

      • ahaha, parang ikaw ang tipong di na kailangang bigyan ng tip, mas maalam ka nang mag-blog kesa sa akin, as in…kung tip sa pagsusulat, ilan na ang nagawa ko niyan. may kategorya (sa bandang kaliwa) na Kunwari, May Alam sa Pagsusulat. try mong magbasa roon pag may time ka, andoon ang ilang kwento paano naa-arrive at ng lola mo ang ideas for writing.

        hmnn, alam mo na ang sabi, di ba? wala talagang formula para makapagsulat. ang usual na edge or advantage lang noong nakakapagsulat ng may impact at dating ay dahil mas lamang sa dami ng nabasa at komplikado o di-pangkaraniwan ang mga dinaanang sitwasyon sa buhay.

        btw, may naisulat ako rito, 3-part series tungkol sa Sta. Mesa (Feb 2012 yata). ayon, may kwento ro’n bakit at paano ko siya naisulat. maski ako, di expect that I would be able to write that one – medyo sociological studies type of writing sya. there, I tried to paint that rather ordinary and common place. ayon… ^^

        ahaha, may ilan akong kakilala dati, sadyang pinahihirap ang buhay nila para makapagsulat lang ng interesting at madrama, shaks… kako sa kanila, o, palit na lang tayo, maski di ako makasulat, inyo na ang interesting, haha. happy Sunday!🙂

      • hahaha..di naman talaga importante kung gaano ka interesting or ka drama ang isang sulat. Nasa damdamin ng isang manunulat yan kung paano ang gagawing atake at ilalahad ang bawat kuwento para maging kapanapanabik at kaabang abang. parang may nabasa nga ako dati mong blog about sa avenida recto ba yun? parang naglalakad lakad ka lang ata then nag strike sa utak mo ang walkathon event mo then bigla mo sya naisulat. ambilis ah…Siguro tunay na sangkap sa pagsulat (para sa kin) ay puso na may kaunting karanasan bah..Anyhows mahirap ipaliwanag , may kanya kanya tayong dahilan at gawi ng mga panulat. Kung ano man yun, sa atin na yun as long as nababahagi natin sa ibang tao ang ating mga aral at panulat sa buhay..Kaway, kaway!😉

    • hello, hoshi… na-miss kita, kapatid. pasensya pati sa late reply… nagkukunwaring busy ang sinalanta ng baha, hihi. kumustamos? hala pa, salamat. aliw ang di ka lang napangiti kundi na-exercise pa ang puso, aww… hope things are okey with you. miss ko na rin pati ang tumambay at maghalukay sa ‘yong bakuran… regards.😉

  4. Kahit walang editing wagas padin! Ikaw na talaga Ate! ahaha…habang binabasa ko nag-iisip na ako ng iaasar sa’yo kaso nabasa ko yung disclaimer hahaha…boom!

    • ahaha, talagang wagas pa rin, kainaman. sabi ko naman previously, kay Pablo Neruda nag-practice ng poetry writing ang lola mo, about 18 years back. passionate and in despair usually ang style nya, pag mabasa mo mga gawa nya, parang mai-in love ka na rin kahit hindi, haha.

      gusto ko ang hirit mong nag-iisip ka na ng i-aasar kaso, you thought better, haha. maigi naman. hala, sana nga may object of affection ako, aliw pag gano’n. and pag meron, di ako baliw na ilalagay ang sentiments ko sa blog, haha. salamat sa dalaw at sa mala-asar, warrior.😉

  5. magaling, magaling, magaling…
    hindi magagawa ang ganitong sining…
    nawa’y ambunan ako, ng kapiranggot na talino..
    para magaya sa husay mo at talento…

    hello san!! *kaway kaway*

    • hello, biag… ahaha, sana nga. i mean, it would be awesome if i were… hindi, e.🙂 nice thought, kapatid… but darn, no such luck or misfortune, hehe. salamat sa pag-appreciate, have a good week.😉

  6. Ang lambing naman San nito…wala pa palang editing yan eh ang kung ako yan eh pawisan na ako sa pagbuo. Naalala ko ang aking kabataan na minsay naging ganyan din ako….naghimutok sa gupit ng buhok…hehe. Ah talagang baliw nga daw ang pag-ibig…nakakalito at nagugulo nga sa kabaliwan. Ayyy tunay na masarap ang magmahal. Sana ay maging pagkasalukuyan itong tula mo sa iyo. Musta na lang dyan.

    • haha, natuwa naman ako sa reaksyon nyo, Lo… yessir, it’s one of the craziest happenstance that could befall a person at pag nabigo ay kainaman ang sakit, as in… hala, kasalukuyan ho talaga? hihi, sabi ko nga kay warrior, she has to pray for that really, really fervently, as in… ^^

      dami pa rin hong linisin, dulot ng baha… hope things are well, your side of town. my regards…😉

    • hey, here’s my poor attempt to translate the poem –

      Confused, Unsettled

      a droplet of your attention
      is but like the sea to me
      little favors that you ask
      seem like blessings, indeed.

      a piece of your grief
      appears as huge as the mountain
      just a simple change in hairstyle
      comes out as some challenge, why.

      ay, ay, your every smile
      takes thousands of griefs away
      for you, who erases every woe
      comes the belief that i can pull it thru.

      you confuse my feelings, you do
      you unsettle this poor mind, without ado
      sadness used to fill the core of my days
      now, pure gladness light my ways.

      as they say, am slow to understand
      can hardly tackle plenty and much at hand
      every time you smile by my side
      it is as though, i shopped for joys, i had.

      there, Ren… i hope i conveyed the spirit of the poem, somehow. pasensya na sa nakayanan… hope your days are filled with love, kapatid. cheers😉

    • hakhak, payanig talaga? oa ka, kapatid, payak kaya ang tula – parang damdamin lang ng school girl, ahaha… btw, balang-araw, pilitin nyo ako (ang bad lang) na i-publish ang Yakap sa Kupas na Alaala, yon ang may payanig, adult poem ‘yon, ahihi… ^^

      musta ka na? salamat sa dalaw, dear. have a good week ahead.😉

      • kahit na simple, parang nakakaabot sa bawat mambabasa e. parang kung sino man ang makakabasa e mapapa-“uy minsan sa araw na ginawa ng Diyos naramdaman ko din pala yung ganyan.” hakhak. pipilitin na kita..

        Yakap sa Kupas na Alaala, ilathala!
        Yakap sa Kupas na Alaala, ilathala!
        Yakap sa Kupas na Alaala, ilathala!
        Yakap sa Kupas na Alaala, ilathala!
        Yakap sa Kupas na Alaala, ilathala!

        HAKHAK. PArang welga lang e.

      • naks, salamat… uy, naramdaman nya minsan yong nag-shopping galore ng tuwa, ayiii! alala mo pa ‘yong first year ka sa college tapos, daan ka ng daan sa classroom ng crush mo – baka sakaling tapunan ka ng pansin o mapangiti eksaktong napatingin sa ‘yo? hakhak…😉

        hala pa, welga agad? di ba petition signing muna? pag di nag-work saka magre-recourse sa mas drastic form of protest? haha… btw, ‘yang welga mo ba e ‘yong may placards na bitbit tapos lakad-lakad sa harap ng factory? hihi, kakatapos lang ng Labor Day sa US, dami ko yatang nabasang posts about that.

        haha, di ko sure kung PG ang Kupas na Alaala…😉

  7. Hayan, nagawi ako uli dito at nakapag-blog hop uli kahit paunti-unti lang hehehe.

    Nice, kapareho pala kita, ginagawang borador ang blog post. Ako kapag nakatitig lang sa kawalan, gumagawa rin ng ganito at tatlong minuto naman ang ibinibigay ko sa sarili ko.

    Hindi ako mahilig mag-edit ng post, kaya nga kapag binabalikan ko ang ma blog post ko ay may napupuna akong mga mali. Minsan may misspelled word pa nga, pero deadma lang muna haha. Kung minsan kasi, sa pag-edit ay nawawala na ang essence ng gusto mong sabihin. Kaya type lang ako ng type tapos click post button hehehe.

    Hmn, napansin ko lang ha, parang itong obra mo ay nangangamoy pag-ibig. Yihiiiiiiy!

    • hello, Nortehanon girl… aliw naman at nagawi ka uli banda rito…🙂

      ah, ako naman, usually handwritten muna ang mga sinusulat – mapa-blog man o hindi. saka ko pa lang ita-type sa borador pag buo na. iyong di na kailangan pang i-revise kundi edit-edit na lang… kaya hindi ako mahusay na blogger, hehe. ang blog daw ay nagre-rely yata sa spontaneity, sabi.

      dito sa SSA, kung ilan din ang essays na na-publish ko ng walang edit, though. pero pag tula, usually i edit them. except for this one yata, saka may isa pang na-publish either march or april… hindi ako masyadong inspired magsulat pag diretso agad sa PC, naba-blangko rin, as in… pag sa pen and paper, usually, mabilis lang nabubuo. kanya-kanyang style at ka-weirduhan yata, hehe.

      ahaha, amoy pag-ibig ito dapat kasi, anak ng post na Salansan… iyon ang bestseller Pag-ibig na post dito, whehehe. try reading that one, when you’ve the time, kapatid. regards sa ‘yow!😉

    • hello, lj… pasensya na, di ko nakita agad ito, ibang taon na ang reply – kakahiya. pasensya ka na, kapatid. btw, aling song ng moonstar88 kamo?😉

      kumusta ka… hope this year will be kinder and gentler to you. warm regards…🙂 ~Ate San

      • Senti ng Moonstar 88. Kapatid, wag ka mag-alala, ang mga mabubuting salita na binibitiwan mo ay lubhang nagpapagaan ng loob ko. Unti-unti, babalik ako sa pag-ba-blog kaya ng dati. Baby steps. Tulad ngayon, nakagawa uli ako ng tula at kapopost ko lang. Kapit lang ako. Kapit ka lang din.😀

      • ah, oo, original ng Yano, tama ba? maganda ‘yon… pero tungkol yon sa love na hindi sure. etong post naman, kwentong early pakiramdam sa onset ng infatuation, ahihi. wala lang akong magawa nong time na isinulat to, as in… ay, that’s good to hear, kapatid. oo, bata ka pa – marami pang gagawin, pupuntahan, mamaliin at susulatin. you have a lot to hope for, ika nga. kapit lang tayo, yes. keep well and steadfast, lj.🙂

  8. Pingback: Anu-ano pa ang mga kwento? | sasaliwngawit

  9. Para akong nagbabasa ng lyrics ng kanta ng Up Dharma Down (ang daming prepositions ng sentence na to ah? Ano ba ang “prepositions” sa Filipino?). Antagal na nito pero ngayon ko lang nabasa.

    Ang “pagpapalit ng gupit ng buhok”, aking nakasanayan lang na pagpunta dyan sa barberyahan buwan-buwan. Hahaha!

    Ang sagwa ng tula ko.

    • hello, Kuya Allen… ahaha, Up Dharma Down, salamat sa pag-compare. hey, may time dati na nahilig ako sa band na ‘yan, kasama ng pamangkins (hinihila nila me sa concerts & performances ng UPD). hihi, di ko rin alam sa Tagalog, kapatid. ^^

      ahaha, di naman. mas parang declarative sentence lang. haha, peace! mag-practice ka pa – para tunog tula na. true, practice writing is the key, brother.🙂 salamat sa dalaw at comments, ha…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s