sa mga panahong naiinip ang puso…

 

sa mga panahong pagal at naiinip ang puso

bakit kaytagal dumating ng tamang pagsuyo?

sinusubukan ang tatag ng damdamin at binibiro

ikaw ba, pag-ibig, sadyang nagpapakalayu-layo?

 

cartoon image of a young woman waiting

Ang bilin ay maghintay. Di yata nasabi kung gaano katagal/ temiville.wordpress.com

 

saang kaharian, pinili mong maglalaboy

saang pamayanan, sigla ay iyong isinasaboy?

saang kainan naghahapunan, saka mananaghoy

nilulunod sa alak ang sariling nais – makapagpatuloy.

 

sa mga panahong balais ang naiinip na puso

tanong ay bakit, ang iba’y mabilis makatagpo?

may mga pangarap daw, payak ngunit di makuro

paano nangyayari, may mga pagsintang gumuguho?

 

image of a woman and a man, both waiting at a stop

Madalas ding may mga magkalapit ngunit magkalayo/ boston.com

 

may mga puso nga ba, sa pader ang gawa at yari?

o, di kaya, sa asero –  pag nilapita’y sunog at banli.

may mga puso nga bang nakagapos at nakatali?

kailangan pang pakawalan – anong dami ng pasubali!

 

sa mga panahong puso ay naiinip, puno ng lumbay

nagtatangkang silipin mga sagot – sa tanong ng buhay

kailan kaya darating, magiging kakampi at kaagapay?

isang payak na natatangi – inspirasyon, kapit at gabay.

 

image of a young woman leaning on a wall while waiting

May mga pagkakataon nga namang nakakainip din ang maghintay/ lunar.lostgarden.com

 

sa kasabihang Pilipino, kalabaw lang ang tumatanda

ang puso, isip at damdamin – pirmi lagi ang sigla at bata

sa araw-araw, sa tabi-tabi at sa babasahin, di nawawala

mga signos at bulong ng pag-ibig – maski niyong di makata.

 

kahit pa tag-ulan, ang mga ulap dagling nagpapakita

di rin naglalaho – ang bughaw na langit sa tuwi-tuwina

laging may paalala ng bukas, mga pagkakataong sumaya

may ngiti sa labi ng mga bata – sabi’y magandang umaga.

 

sa mga pagkakataon, tila naiinip yaring puso

wari’y gustong itangis,  buhay na tigib ng siphayo

bulong ay huwag bitawan, pananalig o, huwag isuko

bagkus manampalataya,  pag-asa’y naririyan at buo.

 

sabi ng paham, sa bawat isa ay mayroong nakalaan

may kapareha raw, ang bawat puso at nilalang

mahirap din minsang paliwanagan, itong pusong ilang

sabi’y baka wika lang ‘yan – noong taong di pa nag-aagahan.😉

 

image of a young girl sending message to the wind

Tularan daw ang batang masaya habang naghihintay/ ladyfish.deviantart.com

 

Manalig ka, puso. Bawat pintig ay pag-ibig.

 

 

* Mga kapatid, itong tula ay munting handog sa mga ka-blog na masiglang lumahok sa mga talakayan sa love posts na nailathala dito sa SSA.

Ito ay karugtong o parang sequel ng Tinanong Mo Ako Kung Bakit. Ahaha, naalala nyo ‘yon? Oo, iyong tula ukol sa singlehood na nakaaliw sa marami-rami, kainaman… ^^

 

Tinatangka rin nitong sagutin ang pasaway na tanong, “Pag single ba at lampas na sa kalendaryo, ibig sabihin, nag-give up na sa usapang pag-ibig?” Naman…😉

Ang nag-inspire nito ay ang ang post ni Mrs. GBP, tungkol sa shortage ng kalalakihan na inilathala kailan lang at buo ang loob na nanawagan ng kapareha para sa mga kaibigan nyang singol, shaks… Haaayy, ewan ko lang kung may nasilo na ang desperado, errr, daring and ingenious  nyang bitag, ahaha. ^^ Ay, mali, adverts pala ‘yown… Oo, adverts nga, sus.😉

Nakatulong din ang pagkadaan  sa Video City minsan isang gabi at mahigit tatlumpong minutong pagtitingin-tingin ko ng cover ng DVDs ng Disney movies gaya ng Mulan, Pocahontas, Aladdin atbp. Favorite ko lagi, ang scenes para maghanap o papunta sa taverns, hihi. ^^

 

Maitatanong nyo, bakit pag-ibig sa buwan ng Agosto? Ba’t nga? Anim na buwang advanced para sa susunod na February, ahihi… Wala naman, pasaway lang ang mga ka-blogs na readers, parating interesado sa usapang pagsinta, as in…  ^^

 

Nais kong pasalamatan ang mga mama at aleng dumadalaw dito sa site. Malaking Thank You, the best kayo, as in…😉  At the same time, gusto kong hingiin ang inyong pahintulot na mag-break muna. Marami akong kailangang intindihin at ayusin – mga utang na dapat bayaran, mga sulat na dapat ipasa at sagutin at mga files na kailangang ayusin, as in… Higit pa ryan, binaha kami ng husay na husay nito lang, haha. Mga isang taong linisan siguro, mga kapatid, kainaman. Ayon, I need time, kumbaga…

Gusto ko rin sanang magkapanahon para sulatin ang mga gusto ko talagang isulat. Gusto ko sanang makagawa uli no’ng parang Sa Mabini Tayo Pumadpad, Ibang Silip sa Sta. Mesa o Sa May Kanto ng Avenida at Recto. Pero, tungkol sa kalye ng Nakpil sa Maynila o di kaya sa isang mataong lugar gaya ng Cubao ang inaambisyon ng lola nyo ngayon… ^^

Oo, e, medyo kailangan ng time and concentration sa mga ganoon… Parang nagpipinta, tipong collage, ayon… ^^

 

Tuluy-tuloy pa ring maglalathala ng posts dito. Maaari at welcome kayong mag-comment sa mga sulatin at ipa-publish ang mga iyon, naman… Di ko lang tiyak, mga kapatid,  kung makakatugon agad…

 

Maraming maraming salamat sa inyong pagtangkilik. Mabuhay kayo!🙂

 

68 thoughts on “sa mga panahong naiinip ang puso…

  1. Klap Klap Klap! (Sigh, how I wish I could communicate emotions and messages as good as this was communicated)

    Napakahusay talaga! And to think ang dami talagang magkakasabay na suliranin meron ang may-akda sa kasalukuyan😦 … Dasal ikaw ay makaraos ng mahinusay, sa napakadaling panahon…

    “sa mga panahong puso ay naiinip, puno ng lumbay

    nagtatangkang silipin mga sagot – sa tanong ng buhay

    kailan kaya darating, magiging kakampi at kaagapay?

    isang payak na natatangi – inspirasyon, kapit at gabay.”

    Tila mga kaisipang laman ng aking isipan…. panaghoy at dalangin…🙂

    Ngunit, panahon at pagkakataon lamang talaga ang makapagsasabi, iyon ang paniniwalang sa isip ay hinabi…

    Napakailap ng tunay na pagmamahal… iyon lamang ang aking masasabi🙂

    Hindi ka man maging madalas na nariyan, alam naming ang iyong kaisipan ay aming matutunghayan…….

    HI Saliw! Ingat lagi Sis!

    • hello, chilled honey. how have you been?🙂 salamat sa papuri, sister… hala, mid-july pa, prepared and press ready na ang mga tula, iyong pitong pinagpilian? ayon… ang ini-edit ko lang dyan yong sinabi kong binaha kami, ahaha… ^^

      natutuwa naman ako at nasaling nito ang iyong damdamin baga. ano, ang kwento, magkakasunod ko halos nagawa ang anim na tula, around the time na pinapablis ko ang tulang Buti Pa, Buti Nga. if i remember correctly, same day na-conceptualize ang Buti Pa and Salansan. basta may one week na nakagawa ng marami-raming tula. ang naiba lang sa kanila – ang Labis ang Pangamba – lumang komposisyon na iyon…

      correct, napakailap ng totoong pagmamahal. pag sobra kang mahal, di mo gaanong gusto at pansin. tapos, ‘yong pansin at gustung-gusto mo naman, di naman ganoon kalalim ang pagkagusto sa ‘yo. ahaha, parang gano’n yata…🙂 have a good weekend, dear…

      • OMG Saliw sis, namiss kita, (di OA yan ha? as in totoo!)
        Mabuti naman at ok ka na (kahit papaano) Gandang ganda ako kasi siguro, nararamdaman ko di ba? Post na yung iba pa, sige na, please…:)

        Nalalakungkot kaya… na miss ko ang mga advice mo sa akin, yung mga punang nakakatuwa at yung mga challenges na inbinibigay mo sa malikot kong utak… wahhhh hugggsss!!!!

        OO nga Sis… minsan ang gusto mo ayaw sa iyo… bakit ganun? kalungkutan😦

      • ahaha, na-miss rin kita.🙂 na-miss ko kayo at ang orange button, hihi. what to do, eh? busy-busyhan muna ang drama ko, as in…

        hala, mauumay ang mga mambabasa pag sunud-sunod ang tula. saka, there’s a chance i might do a compilation, kapatid. ikinwento ko yaan sa Hello World article… ^^

        naku, marami naman akong advice-advice, pramis. magko-comment pa rin naman ako. yon lang, miminsanin na likely. medyo mahirap nang i-try na araw-araw, dami kong ayusin, kapatid. ^^

        eh, pasaway kasi ‘yang si puso, tapos may pailang-ilang pang nalalaman, ahihi. hugs, chilled honey.🙂

  2. “Madalas ding may mga magkalapit ngunit magkalayo….
    sa mga panahong puso ay naiinip, puno ng lumbay

    nagtatangkang silipin mga sagot – sa tanong ng buhay

    kailan kaya darating, magiging kakampi at kaagapay?

    isang payak na natatangi – inspirasyon, kapit at gabay.”

    hahaha…sapul! ito nga ba yung sinasabi mong post ate?
    ang galing mo, ikaw na talaga!
    Galingan ang paglilinis para hindi matagalan ang iyong pagbalik.😉
    ingat kayo. God bless

    • ahaha, feeling ko, tanong mo rin yata yaan, kainaman.🙂 hala pa, salamat, kapatid. ay sus, di biro ang maglinis ng powtek at baha, nakakasakit ng kamay at likod, as in… kanina, parang gusto ko nang magpa-pedicure at manicure, ahaha. ni hindi pa kami nangangalahati sa walisin, as in…😉

      hello, warrior!

  3. nga pala, dahil walang pasok nakapag-movie marathon kami kahapon…
    napanood ko yung “Letters to Juliet” sabi doon ni Mang Lorenzo, “When we speak about love, it’s never too late.”🙂

    • ay, pinanood ko, namin, dati sa big screen yang Letters to Juliet, oo. parang gusto ko ngang mag-rent ng DVD at panoorin uli sa bahay? ^^

      ganoon, never too late? hala, can i take your word for that, sister?😉

      • syempre ate San! Habang may buhay may pag-asa hahaha.
        May nagsabi sa akin minsan, “hangga’t may desire na magka-beloved mataas nag possibility na magkakaroon nga.”

        Usapang puso ulit hihihi😉

      • hey, thanks for the visit and the kind thoughts, kapatid. btw, sa sidebar nito, may category na Pag Ikaw ang Nasok, tungkol sa lablab ‘yown. yon muna ang basahin mo, just in case. may naisip na akong sunod na post, baka tungkol sa wika. just don’t know if i could find the time to sit down and buuin ito… anyweys, sana ay nasa maigi ka, warrior.🙂

  4. “mahirap din minsang paliwanagan, itong pusong ilang
    sabi’y baka wika lang ‘yan – noong taong di pa nag-aagahan.”
    boom.😀
    galing-galing talaga po dagdag pa yun ‘tinanong mo ako kung bakit’.
    super awesooooooooooome.😀
    ingat-ingat po kayo. Godbless po. :))

    • o, e, di ba nga, sister? malay ba natin kung isang higanteng myth iyang may laan-laang iyan?😉

      mas awesome ang kind words and appreciation mo, salamat. naku, humihirit uli ang ulan… hope things are well with you, yana… happy weekend!😉

  5. mahirap din minsang paliwanagan, itong pusong ilang
    sabi’y baka wika lang ‘yan – noong taong di pa nag-aagahan.

    Ms. SSA ha ha ha, gutom lang ba?
    Sana ay ok na kayo at wala ng baha, nakapaglinis na rin, naku ang hirap.
    naranasan namin yan nong maliit pa ang panganay ko, di pa pinapanganak yung bunso. Oh my gulay talaga, bitbit ko anak up to dibdib tubig and malakas agos. one can never forget such incidents. sabagay, marami na ako masasakit na pinagdaanan, ano na lang ang bagyo at baha. these are just phases in life that we would go through to make us real strong.

    pagka nagkaganon, madali na pagpaliwanagan ang pusong ilang.

    Keep safe. God bless😀

    • hello, Ms. S… oho, feeling ko, gutom lang, as in…😉

      hala, matagal-tagal ho ang linisan sa amin, medyo malaki ho ang aming bakuran baga. malaking imbakan ng putik at linisin, pati…hala, nag-swim nga ho kami sa bahang hanggang dibdib noong isang araw para makalikas kina Ate (same city). ^^

      talaga ho, a?😉 di na mahihirapang makipagpaliwanagan with pusong ilang?😉 salamat po, kayo rin sana ng inyong mga anak ay pagpalain… ^^

  6. Maraming salamat po. Isa ako sa humiling nito. Kay ganda…

    “bulong ay huwag bitawan, pananalig o, huwag isuko

    bagkus manampalataya, pag-asa’y naririyan at buo.”

    Ingat po palagi sa mabahang bayan. God Bless!

    • hello, Lo! hala, sinuwerte ho kayo, kung gayon, hehe. bale, di ko po sana ipa-publish ito kundi iyon lang Wala kang binitiwang pangako. e, nagbagyuhan ho? parang ang saklap na nga ng panahon, ang lungkot pa ng tulang post? hehe, e, di inilimbag ito para medyo goodwill post naman… ^^

      salamt po at naibigan ninyo. oho, masakit na ho ang kasu-kasuan at kamay sa kalilinis, as in…😉

      • Oo tama ka yung Wala kang binitawan ay talagang sadlak sa baha pero ito naman ay tunay na may pag-asa na humupa at magkaroon ng pag-asa…ahhh basta…hehe. Ingat ulit sa 2nd round ng paglilinis…sana wala ng 3rd round.

      • ahaha. na-realize ko hong ang saklap naman nyang mensahe sa gitna ng baha at sakuna. kaya po, inilimbag ko ang sa mga panahong… pambawi, ahaha (pero di na ho sana for publication online iyang sa mga panahon). ^^

        sana nga po ay wala nang 3rd round dahil gusto ko nang magpa-pedicure at manicure, haha. cheers!😉

  7. mag-ingat palagi san.. at sa iyong pagbalik, asahan maghihintay kami with open arms..<— humihingi ng pasalubong… ehehehehe… nawa'y matapos mo ang mga dapat mong tapusin at nawa'y maayos ang mga dapat ayusin… *kaway kaway*

    • hello, Pot… ay, salamat, kapatid… yes, the other day, may i linis lahat ng kapitbahayan pag-subside ng baha. naki-linis fever din kami. limas, walis, pulot and tapon with a vengeance din, as in… e, di wagi, medyo nakarami ng areang napagtagumpayan, haha. after a while, nakabuhos uli si ulan… :c whahaha, balik sa dati, ganoon uli kataas ang tubig, shaks.

      yesterday, we had to make ulit… pero without a vengeance na, haha. ang masasabi ko? vengeance is not mine, harhar.😉 salamat sa dalaw, happy weekend, kaway-kaway!😉

    • hello, PT… ahaha, di naman… itinuloy lang ang logic noong Tinanong Mo Ako Kung Bakit…ayos na rin, maski paano. medyo suspended muna ang regular buhay-buhay, as in… nakapa-groc na rin kanina. shaks, umuulan nga uli ngayon ng malakas. ibig sabihin, may kasunod pa?

      hala, okey lang gumawa ng tula kahit wala nang bahang kasama, ahaha. ^^ hindi yata gusto ng pusong maipalunod so, parang di naman nangungulit. teynks.😉

  8. ang galing! Sa totoo lang nagiging mahirap lang naman ang paghihintay kapag naiinip na saka kapag parang pakiramdam mo imposible na yung hinihintay mo.
    Pero sa kabilang banda mapalad ang mga naghihintay, nakukuha kasi nilang madalas kung ano talaga yung gusto nila.

    Galing nito!

  9. shaks namen.!! ginawa mo b tong tula n to para patamaan ako?? wahahha

    wew . hindi ako nakailag…

    mejo matagal din akong nanahimnik sa blogging .. eto ako muling ngbabalik.

    hindi ko alam mukang saglit lang ulit ito.

    magiging parang bata na lang akong masayang maghihintay sa pagdating ng tamang tao at sa pagdating ng muling apoy sa pagsusulat .

    cheers🙂

    • haha, ba’t ka naman patatamaan, bagotilyo? iba ang tula para sa iyo, gagawin ko pa lang, hehe. mamili ka pala ng title, kapatid – ang pihikan kong puso o ang fixated kong puso?😉

      maligayang pagbabalik sa iyo sa blog world. hwag ka nang mag-disappearing act, naman…sulat lang ng sulat. hindi kailangang may tamang tao para makapagsulat, pramis. kahit maling tao, hindi rin… you can keep the fire in writing burning with no love around. in fact, your fire kept alive has the chance of bringing love over, looking for warmth… hihi, ‘yan naman. kaway-kaway!😉

      • <– nosebleed sa english … haha .. wala namang kinalaman ang lovelife ko sa katamaran ko sa pagsusulat .. hehe

        pero mas trip kong title yung ang fixated kong puso .wahahha

      • whew, kamo ay tinamaan lang ang puso mong madalas may pa-epek na sawi, whehehe. di ka sawi, kapatid. ikaw ay pogi, tandaan mo iyan.😉 hamo, pag natapos na kaming maglilinis ng walls, baka magawan kita nyang ang fixated kong puso, whehehe. kailangan ba kitang i-send ng advanced copy before publication? ahaha.😉

      • teka teka .. isalibro natin yan… wahahahaha..

        “ako ay pogi” – humarap sa salamin sabihin ng 7 times. Gawin araw araw .

        nakakalimutan ko kasi . who00 .. lakas :p

      • o, sige, librong ang paksa ay ang poging sawi, maski anong harap sa salamin, hirap makabawi, whahaha. joke lang, kapatid…😉

        btw, huwag mo kasing kalimutan, naman… btw, basahin mo nga ang wala kang binitiwang pangako (post before this) and another one earlier, ang Salansan. yehey, gusto kong marinig ang pamatay mong feedbacks sa mga iyown…😉

        7 times – parang mantra lang… hope you are well.🙂

  10. “sinusubukan ang tatag ng damdamin at binibiro
    ikaw ba, pag-ibig, sadyang nagpapakalayu-layo?”
    -tinakbuhan yata hihi
    —-
    Hanggang kailan maghihintay?(naiinip na sobra)
    Masusumpungan pa ba ang pag-ibig na naliligaw?( malapit ng mawalan ng pag-asa ahahahay)
    Makipag-agawan o makipaghabulan ‘gang itoy maangkin at mapanghawan ( desperada na heheh)
    —-
    Hallo saliw… May bagyo na naman😦 ingat uli kayo….

    • hello, crazy frog… hmnn, ang tagal mo uli bago nagawi rito. inulan na kami ng katakut-takot, nabalitaan mo? hayon, nakapag-swimming kami sa baha, napakainam. kasalubong ay mga kama, sofa and dead animals, haha.^^

      hala, ba’t mo ako inaalaska ng ganyan, kapatid? tinakbuhan talaga? pambihira, talagang natakot, whihihi… hala pa, ba’t mawawalan ng pag-asa, naman. sabi ng mga nakakakita sa ‘kin, di naman ako pangit, hihi. sabi ng nanay ko rati, mabait daw ako at masipag – o, di ba? kung ‘yong mga pangit nga at pangit pa ang ugali nagkaka-lablayp, me pah? hahaha. o, ganyan ang attitude, dapat.

      talagang makikipag-agawan? desperada nga yata. huwag gano’n, kapatid. pag para sa ‘yo, sa ‘yo.😉

      thanks, so far, di pa nagpapakita ng bangis itong bagyo…. ^_^ hope things are okay with you…

      • Yan ang attitude! Di pa dumarating ang KARAPATDAPAT, ang ilang dumaan ay di laan. Practice lang kung baga heh heh ( may ganoon eh noh hehhe). Pag dumating para syang nanalo sa lotto o higit pa! Ikaw na! Ikaw ang iisang para sa KANYA…. Naman napakaswerte nya (naks!) Mabait na, masipag pa at syempre, may itsura ( hindi pa kita nkikita pero naniniwala ako sa nanay mo hehehe). Pero feel ko ikaw ay isang mabuting diwata (tao)… ^_^. Ayan di kita inaalaska ha..🙂

        Kaalis lang ni habagat at nandiyan na naman si Helen. ‘Wag na sana kayong bahain. Naianod na ang mga kama at sopa, wala nang iaanod pa :(Nakita ko ang mga pictures ng mga naapektuhan. Pati sa amin, ang kalsada nahati, gumuho… At maaring gumuho ang ilang bahagi pa ng daan..

        (kainaman, mas matanda siguro ako sa’yo saliw hehehe… Desperada? Tama ‘wag nmn ganun. Pwede pang humabol, di ba? Haha)

      • naman… the person has to be of a certain quality, yong kayang sakyan ang mga ka-weirduhan ko at background, siyempre. plus, ang aking magulo at maraming pamilyang puro pasaway. on the other hand, kailangan din makuha nya ang interes ko para isipin at gawin kong paglaanan sya, ng kung anumang mailalaan, nyehehe. anyway, ganoon naman yata sa lahat, as in… ^^

        btw, tingin mo, darating sya say, in 20 years time? haha, ‘yong medyo may eyesight pa ‘ko at nakakalakad pa ng tuwid? para naman may chance pa na ma-enjoy ang aming kswertehan, haha. ^^

        aliw nga, tamed si Helen – hindi nanalasa…:) ma-hassle rin talaga ang tag-ulanan, ang daming nade-derail na activities at kabalakan…o, e, magdo-donate ka baga para maidugtong muli ang nahating kalsada, kapatid? ^^ kawawa naman ang folks sa may inyo…

        hmnn… feeling ko, older ako than you. ka-batch ko pa ang mga humukay ng ilog, hehe. ah, hindi me desperada, sis. kung may darating, di sige. pag wala, di ako masyadong mababaguhan at di mananangis. singlehood has its advantages, haha😉 hope you are well…

  11. akala ko tula about sa habagat, hanging pag-ibig pala. hehehe!

    napapatanong tuloy ako, kailan nga ba? kung kailan at saan ay di ko alam pero kapag dumating alam ko bigay siya ng Maykapal.

    so I’ll sing “God gave me” and “How did you know?”

    • pag-ibig sa panahon ng ulanan, kapatid. haha, inisip ko rating mag-post na lang ng pic ng mainit na sabaw para sa gutom ng mga sinalanta (gaya namin, hihi) pero, baka maka-incite ako ng collective outrage, whaha.baka mapadalhan ako ng virtual sapok, masakit ‘yon… eto, pag-asa sa pag-ibig muna ang hain, whihihi. ^^

      parang may kanta ring kailan, kailan mapapansin? shaks, sa tinamaan ng magaling. maulan kasi… hi, hoshi!😉

  12. Relate naman ako sa tula. Haha! Naaliw din ako sa post ni Ms. GBP.😀 Bakit kaya ganun, mas madami daw kasi talaga ang population ng boys kaysa girls? Life is unfair talaga, unequal proportion.

    • hello, Karen… maigi at napadalaw ka. ahaha, salamat. oo, magaganda ang posts ni Mrs. GBP. aliw nga ang post nyang yown, as in, kakatuwa…

      ahaha, itanong natin sa taga-NSO?😉 saka, marami pa sa men, babies, as in…😉 usapang rearing naman yata… regards sa yow. ^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s