Wala kang binitiwang pangako

 

Hindi mo sinabi ni minsan

ang salitang magpakailanman

Hindi mo winikang

ika’y di magpapaalam.

 

image of wild flowers saying that life makes no promises

Sa buhay na di-tiyak, dapat bang ang tao ay mangako?/ crinago1172.blogspot.com

 

Hindi ka sumumpa

sa liwanag ng buwan

Ang taong minsan, iyong dinatnan

Hindi mo pinangakuang di iiwan.

 

Hindi mo inalam, aking nakalipas

Ano ang dahilan, paano ako tumakas

Hindi mo binanggit ang salitang bukas

Wala kang binitawang lantay at wagas.

 

Hindi nagtagal,  usapan sa kahapon

Wika mo’y limutin na, mga bagay noon

Ang mahalaga kamo’y  pumaroon

Isipi’y pasayahin, ating maghapon.

 

Hindi mo inalam – aking mga pangarap

Kung minamasdan, paglalaro ng mga alapaap

Hindi ka nag-alay hawiin, yaong mga ulap

O, punasan mga luha, sa matang umiiyak.

 

Hindi ka nangakong di ka aalis

Kamo sa akin, buhay napakabilis

Walang panahon, para manangis

Kamo sa buhay, mahirap magmintis.

 

Hindi ka madalas magsabi, ako ay iyong mahal

Paminsan-minsan lang, pag banayad ang buhay

At sa pagkakataong hawak mo, aking kamay

Iyo’y para alamin, kung sinabi ko’y tunay.

 

Hindi mo itinuring, pagtatangi ko ay totoo

Kamo lagi, walang katiyakan sa mundo

Maging masaya, habang magkasama tayo

Ang suliranin, huwag gawing komplikado.

 

Hindi mo pinaghandaan, isang araw

Lilisanin mo ako’t lalayo sa pananaw

Sabi mo pa rin, sadyang ganyan ang buhay

Mang-iwan o iwanan, saklap ay pantay.

 

Hindi mo kaya,  makitang ako ay lumuluha

Lalo’t mabatid ang dahilan, iyong pagtatwa

Nais mo lamang, simpleng pag-unawa

Ginawa ang bagay na matuwid, at sadya.

 

image of rocks by the seashore

Ang paglalayo raw ay isang bagay na sadyang laging nagaganap/ http://www.flickr.com/photos/yaragad/

 

Hindi mo sinabing may tayo sa dulo

Madalas mong wikain, buhay ay di piho

Humangin ng malakas, dumating ang bagyo

Walang bagay managhoy, bagkus ngumiti  tayo.

 

Hindi mo sinabing lalagi ka riyan

Hindi mo inaring banal ang pagmamahalan

Hindi mo ibinukas ang saradong pintuan

Tingin mo’y walang pag-ibig, na di bulaan.

 

62 thoughts on “Wala kang binitiwang pangako

  1. Basta naluha lang ako… may dalang pait na alaala ng kahapon, kurot ng pangyayari hatid ng ngayon, at kaba para sa walang kasiguraduhang bukas….:)

    Pero ang ganda ng tula sis!!! Kaya siguro ako nahaplos, kasi ang ganda ng pagkalahad….

    Hindi ako makasagot ng mahaba…

    HINDI KASI KASYA ANG BUO KONG PAHINA bilang tugon puna dito🙂

    • pasensya na, kapatid… malungkot nga ang tula. naikwento ko na ito sa iyo sa isang comment sa post mo, dating-dati pa… ^^ it is actually the opposite of the post buwan ang saksi. naisip ko ‘tong gawin after that post, kabaligtaran ng logic, kumbaga… ^^

      salamat at pasensya na, nabagabag ka… 🙂 btw, baha sa ‘min, halos hanggang dibdib, patatawarin.

      • naku mag ingat ka ha?

        naranasan kong ma trap sa 2nd floor ng bahay noong nakaraang ondoy for 24 hours… nakakatakot kasi hanggang kisame ng ground floor ang tubig na maputik, mabaho at maraming nakalutang…kasamang nakalutang ang aking tv, ref, cabinets, etc….

        dasal ay maging safe ka at iyong mga mahal sa buhay kapatid…

        OO nabasa ko ang iyong puna dati at halos lahat ng kataga ay mukhang pamilyar sa akin…

        nakakalungkot Saliw…. pero sa pagtingin ko sa labas, ang nasa isip, di baleng sugatan ang puso, buhay pa naman at nagpapahinga ng maalwan, di tulad ng mga binabaha ngayon…..baka mamaya ng kaunti, lalabas at tutulong sa mga rescue operations….

        huhuhu

      • salamat, sister. naku, ganyan din kami noong Ondoy, na-trap sa 2nd flr without any food, drinks, warm clothes for 24 hrs nga! tapos, wala pa kaming exit pt kung sakaling tumaas pa ang tubig. haha, lumutang lahat sa amin noon dahil sa baba kami based for years and vacant lang ang second flr, as in… maski kutsara o tinidor sa itaas, wala.

        pero now, meron na, hihi. may kubyertos na kami, hot water, bigas, rice cooker at mga pinggan. saka, jacket and medyas, hihi. siyempre, kasama namin sa taas si doggie, whehehe. ayon lang, ayaw gumana ang cable so, wala kaming tv pero, at least, may koryente pa at may connection pa ang internet, mabuhey.. hanggang dibdib ang tubig, di kami makalikas sa sister ko who lives 1.5 km away -ayokong mag-swimming sa baha. although do’n, kumpleto ang facilities, walang baha at masarap ang food, ahaha. pag baba ng tubig, may i likas kami..

        salamat, oks pa naman ang pakiramdam basta may koryente pa.😉

      • Grabe ang loss ko noon. Kakalipat lang namin that time, 7 days lang, naka box pa lahat ng gamit mula doon sa condo na dating tinirhan, naka box din yung lahat ng computers, printers, fax, photo copiers scanners from the center sa binondo na sinarado ko, lahat binaha, lahat nasira, ang na save ko lang laptop, kaya parang start sa simula kami noon ng mga bata…. sigh grabeng experience un😦

      • sya, apir nga over something as horrendous as Ondoy. totalled kami no’n, kapatid… and, hindi kami nakabawi, as in…ahaha, namuti ang mga buhok namin ng sister ko no’n, patatawarin…pila kami for hours for batteries, pila for hours for sabon. tapos, ang di ko makalimutan, it took us one week bago nakahanap ng mabibilhan ng asin, ahaha. we had to forage for food kasi, walang mabilhan nearby and we had no clothes to go far. ahaha, about 3mos yata kaming mismatched ang mga damit lagi saka shoes. and yes, nasira lahat ng appliances (except laptop din) and lahat ng family pics – walang natira, pati passports and diplomas, ayon… ^^ mabagsik si Ondoy…😉

      • hello, honey… hoho nga, lampas dibdib na ang tubig, giant swimming pool na dilaw ang bakuran namin, parang di na kami makakalikas papunta sa mga kapatid ko, huhu. pang-ngayong gabi lang ang food namin at kape. may bigas pa pero di kami nag-akyat ng lulutuin kasi nga, ang alam namin, lilikas kami. medyo delikado nang bumaba, mataas na talaga ang tubig di bale, may tatlong garapon naman ako ng asin dito sa itaas, haha, saka bigas, pwede pang mag-survive, hakhak.;)

        ang lakas ng lightning, grabe…malungkot nga yata…am sure, there are people out there who are in much worse na kalagayan at basang-sisiw talaga, walang masilungan… :c

      • naku… saan kayo banda? may tulong na bang pupunta? may contact pa kayo sa labas? naku… napakahirap… dasal ang aking nais ibigay… di rin ako makalabas, ang langit ay masungit… lubog ang karamihan ng lansangan…. mag ingat kapatid… dasal ko kayo ay makalikas pa rin… safe ba kayo?:(

      • salamat, honey. pero we have to wait it out na. di na kayang lusungin ang tubig, delikado na, ang taas. may drinking water, kandila, bigas at asin pa naman. mabubuhay pa kami till tom, yata -haha. salamat sa pag-aalala at dasal.. ingat rin, sister.🙂

      • salamat! i’ll take you up on that pag nangailangan, hihi. marami ka bang relief goods dyan – sardinas, jasmine rice (haha, sosyal? joke lang) and old clothes saka baby oil? baka mamaya, umandar na ang pulikat at arthritis ko, hihi…teynks! i’ll keep that in mind.😉

      • I will find ways…. just tell me sis….we are safe now, spared…. but we were in that dilemma during Ondoy and the fear I have felt that time was overwhelming😦

    • malungkot ba? shaks! kung alam ko lang na magbabagyuhang ganito, di iyan ang inilimbag ko, kainaman. ulan ritong matindi, kapatid. in fact, submerged ang buong bakuran namin. buti na lang, di pa nila kina-cut off ang power. kawawa na naman ang maraming kababayan, kasama na ako (haha). kawawa ang mga nawalan ng bahay, as in… ^^

      btw, nag-iisip akong mag-publish ng something na masaya sa ganitong malungkot na pagkakataon. ang siste lang, paano ako makakaisip ng masaya ay lubog kami? pambihira…😉 hello, batopik!

      • oo nga napanood ko sa balita saka sa mga litrato sa internet. grabe sa baha lang, tsk. hayaan at dadating na rin ang araw dyan. Oo yan, makakapag-isip ka ng masaya, Pilipino likas na masiyahin. Hakhak. Iwas sakuna. God bless ate!

      • hala, three weeks of continuous rain na kasi… haha, inisip ko tuloy na i-publish na ang Sa mga panahong naiinip ang puso, hihi – special feature do’n si araw na ‘yong na-mention, hakhak. ^^ thanks, kapatid.😉

  2. hi kapatid.. nahuli sa comment, nabitin kase basa ko kahapon..

    sana ok kau jan, keep safe po.. kakalungkot ang mga balita, sa Luzon baha… sa Mindanao, gyera na naman, tapos may nagbabadya pang pagputok ng bulkan sa may amin.. haaayyy.. dasal nalang po tayo, at magpakatatag.

    ganda ng tula as expected, medyo malungkot nga lang talaga. tingin ko, meron rin namang pag-ibig na hindi bulaan, at least for the time being. yun nga lang, we are all subject to change.
    mahirap nga’ng ilarawan ang tunay na pag-ibig.. pero sabi nga nila, malalaman mo lang yan pag naramdaman mo na. yun nga lang, hindi parin kasiguruhan na pag nagmamahal ka ng tunay ay tutugunan rin ng tumbas na pagmamahal ng taong iyong minamahal. mahiwaga ang pag-ibig, ito nga marahil ang pinaka mahiwagang damdamin sa lahat. at sa palagay ko, ang kapangyarihang taglay nito ay di kayang sukatin at ilarawan ng anumang salita.

    ang pagbitaw ng pangako, minsan nakakapagbigay ng pag-asa sa taong pinangakuan.. ngunit gaya ng lahat ng bagay sa mundo, lahat nagbabago.. coz’ even the word ‘forever’ is never accurate.

    salamat ulit sa magandang tula…

    cheers!

    • ahaha, okey lang… nakow, kainaman nga ang naganap na ulanan. three weeks na downpour. nag-peak nitong last three days and nights. LPA lang daw ‘yon?

      binaha kami, kapatid. not as bad as Ondoy na biglaang may dumating na 9ft of water… etong last, 5 to 6 ft lang ang inabot. kabababa pa lang ng tubig, less than a foot na. have yet to survey the damage. magkakape muna, ahaha.

      malungkot talaga ang tula. conceptually, iyan ang opposite noong post dating Buwan ang saksi ang pamagat. hindi bulaan ang pag-ibig, tingin ko, ha? by its very nature, it should be true and genuine. the post above is an illustration of what happens when it is not.

      tingin ko ang pag-ibig ay dapat na nangangako, that’s the point yata. because when there is no pledge na ang pag-iibigan ay magtatagal at pangmatagalan, it will not stand. after a while, it will go the way of hiwalayan and iyakan, i guess…

      hala pa, walang anuman. kumusta and regards sa ‘yo…😉

  3. napadaan at nabasa ang post ng may bakas ng luha ng kahapon hehehe
    isang makabagbag damdaming hello sa gitna ng hapong maulan…🙂

    • ei, salamat sa pagdaan at pagbabasa, sis warrior. hala ka, di ko experience yan, kapatid. wala pa akong naranasang ganyan kasaklap, ahihi. kahapon ng ibang tao yata yan… ^^

      ayiii, nabagbag ang damdamin ng isa dyan, ahayyy. hamo, pag ikaw, di ganyan, hwag papayag.😉

      • happy weekend san.. sorry late reply ha.. bangag pa ako kakalaro eh.. ehehehehe sige tulungan kita.. supervise kita kung saan magwawalis… *point point sa floor*

      • uu naman, tutulong din ako.. sa pag supervise… mahusay ako sa ganyan.. *nakapamewang habang nagsusupervise ng paglalaba* hello san!! sana ay ok na ang inyong tahanan!! *kaway kaway*

      • hihi, talagang supervisor lagi, pambihira… ikaw ang pagba-brush-in ko ng rugs na medyo malalaki.😉 hala, isang taong linisan pa nga… hello, Pot. kaway-kaway… have a great week!😉

      • ewww… my delicate hands… pwede bang mag use ng washing machine… i don’t like holding big na basahan eh.. <– konyo… hi San!! *kaway kaway* have a great week din, kahit alam kong pagod ka na kalilinis…

      • ay, sows, delicate ka ryan… ay sya, magpa-pedicure na lang ako at saka manicure sa ‘yo, pagkalabas mo sa hopis, hihi. ^^

        parang matatagtag nga ako sa kapupunas ng mga dingding at kabubuhat ng anik-anik. btw, may bagyo rito today. bagyo na, hindi na LPA na mala-bagyo, kainaman…^^

        thanks and hope things are well sa ‘yo…🙂 waving…

      • ano ba yang pinas.. magnet ng typhoon at habagat… lahat ata dapat ay kumanta ng “rain rain go away”.. kung nasa pinas lang ako ay natulungan na kita… pero nagchecheer ako para sa iyo… go go San!! ok naman ako.. naiinip lang sa weekend dahil namimiss ko ang humilata sa kama… *kaway kaway* gusto ko rin palang may caronia ha.. hihihi

      • oo, 19 typhoons a year, what to do, eh? padala ka ng rain man dito – iyong gumagawa ng ritual para palayuin muna ang ulan? hehe… kauumpisa pa lang ng week, gusto mo nang humilata at maging intimate with the kama, patatawarin…^^

        ahaha, oo, may coro-ni-a ako rito, sabihin mo lang pag andito ka na, hihi. paglilinisin muna kita saka pagpe-pedicure-in, kainaman. hello, Pot.😉

      • mag rain dance na lang tayo para matigil ang ulan.. at bukas ay middle of the week na.. o di ba ang bilis.. makakapiling ko muli ang aking malambot at masarap na kama.. *insert porn music* ahahahay!! gusto kong kulay ay yung bloody red o di kaya yung orange dalandan color na caronia.. hihihi <—kalandeh!! Hello San!! *kaway kaway*

      • hello, Pot! kumusta ang kama? ikaw na ang mid-week ang pahinga… sadyang gayon dyaan? hay, nakow, kainis ka – sa lahat ng kulay, puta red and malanding orange ang mga di ko carry, kainaman ka… usually, beige and tan lang ang colors ng nail polish, sus. sa blog lang parang bold, kapatid. sa totoong buhay, mapusyaw at walang latoy ang lola mo. malamang tan ang kulay ng cutex na ipapalagay ko, whehe.😉

      • hindi ako naniniwala sa iyo San na sa blog ka lang bold… teka.. maling bold ata yung nasa isip ko.. hay naku.. kung ano ang nasa blog, yun din naman ang saloobin ng may akda.. kaya alam ko na loka-loka.. este makulay ang iyong pag-iisip… hello San.. hindi rin ako makapag pahinga dito sa office.. tambak ang trabaho.. pero pansin mo nakakapag comment pa agad.. hehehehehe…

      • haha, ang kulit. oo, nagsa-sando at short shorts din ako sa bahay. pero sa loob lang ng bakuran namin. pag lumalabas ako ng gano’n, nasasabihan ako ng younger na mga kapatid ko, hihi. eniweys, sa ordinaryo, pag umaalis na ng bahay, usually plain lang ang get-up, as in. pati me, plain din. hindi self-styled na tao ang lola, contrary sa makulay mong projection, whahaha.

        kung minsan, dressed up ako pag importanteng meeting or dinner. pero wala – earth colors lang usually ang suot, not bloody red or stunning orange. wish ko lang carry ko’ng gano’n… haha, na-miss ka ng kama? btw, di ko napansing mabilis ka lang naka-reply, hihi. kaway-kaway, Pot…😉

      • pareho pala tayo.. ehehehe.. t-shirt na puti or black lang ako… at maong… hindi kasi ako sinanay ng nanay ko na mag suot ng mga pangpormal.. kaya minsan hindi ako sanay kapag may formal event na dadaluhan… at ang totoo niyan, ang hirap maghanap ng size ko… xxl or xxxl ang usually na size na kasya sa akin na walang pumuputok na sangkatabaan… at sigurado kapag nakita mo ako in person.. iisipin mo na isa akong goon dahil mukha akong rapist sa kapal ng balbas ko… hihihi… yung kama ko? naku.. hindi naman ako namimiss nun.. pinagsasawaan niya ako kapag sabado at linggo… at mabuti hindi mo napapansin na nakasagot ako agad.. ibig sabihin niyan, busy ka pang nagkukuskos ng pader jan.. hihihi.. good afternoon San!! *kaway kaway*

      • hello, Pot… ahaha, di ako nagkuskos ng pader kahapon, kapatid. pagkagising ay naglinis ako ng nails, haha, di ko na natiis. then off para mag-ayos ng kabu-kabuhayan (kailangan) tapos, did errands na – pay bills, bili ng mga kailangan, etc. i think somewhere there, nakasingit akong sumilip ng blog, hehe. ^^

        anyway, ako naman, medyo natuto na ring magsusuot ng pormal. hindi gaano lately pero there were years na kailangang pumormal sa work so medyo na-acquire na rin kahit paano. pero sa pang-araw-araw and given the choice, oo, maong and white shirt din hanggang maari… mas komportable baga?

        hehe, ang stereotype mo, kapatid. ang dami namang rapists and goons na di malaki at di balbas-sarado, hehe. so, anyway, malaki kang tao, gano’n? hala pa, sa kakain at sa tulog yaan, ahaha. na-find out ko na whenever problemado ako or stressed at di makakain, talaga palang pumapayat, hihi. ^^

        anyway, hwag ka namang magpa-stress pero, whenever you can, bawasan ang kain, kapatid. medyo mahirap pero gano’n yata talaga, hihi. saka, take walks often and regularly para matagtag at hwag masanay na stationary ang muscles. ayan po ang payo ko… regards,regards!😉

      • San!! hello hello!!! so maganda na ang mga finger nails!! bonggacious!! ayy tama yan.. importante ang pangkabuhayan showcase.. at talagang nakapagbayad ka pa ng bills at nakapanilip.. ng blogs.. ehehehehe

        ako kasi ay hindi talaga nasanay mag pormal.. pero ngayon parang ang ayos tignan pag nakapormal.. parang kagalang-galang… kaya nga kapag nakahinga ang budget, medyo bibili-bili ng mga sangkapolohan para magmukha namang tao.. hihihi…

        uu.. kakakain.. pero kakatulog, hindi masyado.. siguro yan din ang dahilan kung bakit bumagal ang metabolism ko… ang laban ko sa puyat ay kain.. kaya ayan.. boom! instant dambuhala… at oo.. napatunayan ko na ang stress ay nakakapayat talaga… pero lumulubog ang mukha ko kapag pumayat ako ng dahil sa stress… mukha akong bangkay.. hihihi…

        opo.. hindi po ako magpapaka stress… actually, ginagawa ko na ang pagdiet at pag ehersisyo… hindi na rin kasi ako bata para hindi pansinin ang aking kalusugan… maraming salamat sa payo.. doc.. ehehehehehe ikaw na san!! *kaway kaway* malapit na ang weekend!! woohooo!! enjoy enjoy!!

      • hello, Pot… ahaha, di naman maganda, nilinis lang. di na muna nilagyan ng polish kasi masisira din naman. ayoko lang na mukha rin silang sinalanta, hehe. oo, medyo na-enjoy ko ang errands nitong last three days. kahapon at ngayon, di na masyadong maulan at super-kulimlim. medyo may mga na-accomplish, ayon… ^^

        ahaha, oo, masarap din ang feeling pag bihis. medyo di lang ako masyadong nagpo-porma after naming ma-Ondoy noong 2009. di ako gaanong nagbibili kasi ganoon pala yon, mabilis ding mawala, whehe… ^^

        hwag ka ngang pa-stress. moderate eating pa rin (maski masarap magpakatakaw, haha). ang tulog naman, maski 5 or 6 hrs lang basta rested, okey na. better daw yon kesa 8 or 9 hrs na balisang tulog, pakiramdam pa rin ay di nakapahinga. ayon… have a fun weekend, Pot. cheerio!😉

      • mabuti naman.. maganda yan, laging malinis para madaling madistingush kung nadumihan uli.. hihihi

        nakakalungkot nga ang Ondoy kasi ang daming affected.. sana bumalik ang iyong pagiging “fashionista”.. hihihi

        opo.. ginagawa ko po yan.. kaya lang, itong weekend na stress ako.. saka ko na kukwento.. medyo adventurous ang sabado ko.. kapag may oras, kwento ko.. pero hindi pwede sa blog, kasi may nagbabasa nun na hindi dapat makaalam ng kaganapan.. ehehehehe cheers San!! *kaway kaway*

      • hihi, oo. pero madalas, pudpod ang mga kuko ko, recently dahil sa kakukuskos. tapos, may times na chipped off pa, ang sad lang…😉

        ah, oo, nakawawa kami ng todo noong Ondoy, di lang halata ng mga kapitbahay dahil sagana ang place namin sa pader, haha.we lost almost everything dahil sa sakuna, di kami nakabawi from that. :c

        hala pa, di naman ako fashionista, bruho ka.mas marami lang akong branded na damit na binibili noon. after Ondoy, medyo generic na ang kasuotan ng lola mo, hihi.

        hala, ikaw na ang maraming adventures lately. positive stress ba ang mga dala nyan? ay, sige, ikwento mo minsan in the future sa email… haha, wala ka namang stalkers sa blog at FB, kapatid? ang hirap talaga ng sumisikat, hano?😉 kaway…

      • manunubalik din ang sigla ng iyong kuko.. manalig ka.. ehehehehe

        awww.. nakakalungkot naman… hopefully this time around eh makabawi na kayo…

        ikaw na ang branded ang binibili noon!! ehehehehe sosyal ka talaga san!! ano bang kalseng generic yan? yung mga generic branded ba? ehehehehehe

        ahahaha.. sana nga positive adventures, pero lately puro kamalasan ang beauty ko… meron akong isang stalker, ewan ko kung natigil na siya.. nasobrahan yata ang hithit nia ng ajinomoto.. to the point na napagkamalan kaming “kami”… kalurkey… sa fb naman ay wala rin.. kasi kung magpost naman ako dun, puro kalokohan din, saka walang magtitiyagang mag-stalk sa akin sa fb, juice mio.. bakulaw lang makikita nila sa mga pics ko… at wish kong sumikat pero mukhang malabo na yun ehehehehe.. heloo hello san!! *kaway kaway*

      • haha, gusto ko ang term mo, manalig.😉 parang ang seryoso… wala namang namatay pang kuko (fingers crossed), napupudpod lang. importante ang length (medium) and shape ng kuko, kapatid, hihi. may connection sya sa level ng self-confidence.😉 pangit kasi ang nodes ng kamay ko – kulubot…

        salamat… oo, unforgettable iyang si Ondoy. btw, di masyado ang damages sa ‘min nitong huling bahaan. marami pa rin ang linisin pero mas linisan lang talaga, tapunan and pag-aayos. ayon… ^^

        ahaha, di naman. parang ganto – kung dati, ang blouses, from P900 to P1500 usually, ngayon okey na ang P250 to P450, haha. basta pwedeng maisuot ng three to five times, pwede na… hindi na masyadong advocate ng good clothes ay investment ekek… kagagawan ng bahang Ondoy. ^^

        hala, may stalker nga ang mama. hihi, ikaw na ang ma-appeal. btw, teka di baga kamo ay may naiwan kang family in the phils? pasaway rin ‘yang interactions online, may kung anong nadi-develop na parang film lang, hehe. ^^

        o, e, teka, matagumpay mo naman bang naipagpag ang nalinlang, errr, ang ajinomoto interlude? teka, ang bad mo, naaliw lang sa ‘yo yong tao, bansagan ba naman ng ajinomoto. hooey, pasalamat ka’t napatunayan mo ang bangis at bagsik ng beauty mo, hakhak. ^^

        peace, Pot! sana ay malusutan mo ang mga suliranin…🙂

      • may ganun pa pala.. depende pala ang level ng confidence sa haba ng kuko.. *sulat sa diary* ehehehehe.. dami ko natututunan sa iyo ah… hihihi.. kulubot, siguro dahil nagbabanat ka ng buto… gamit kang lotion para mawala ang kulubot….

        sana matapos na kayo sa paglinis.. parang 2 weeks na ata kayong naglilinis.. malupit talaga yung habagat…

        oi hindi ako ma appeal ah, talagang pasaway lang yun… ahahahaha… wala yang mga yan.. kwentuhan lang naman para maaliw ang isa’t-isa.. saka mas masaya si kumander kapag sa babae ako nakikipag-usap.. takot yun kapag sa lalake ako nakikipagchika.. ahahay!! saka walang developan… dahil walang film.. hihihi..

        nanjan pa rin siya sa tabi-tabi, pero bihira na niya akong guluhin.. at hindi ako bad ha.. nakakatakot lang talaga kasi nandun na sa point na gusto niyang i-add ang lahat ng kamag-anak ko sa fb… kaloka… hindi na kaya ng powers ko yun…

        peace!! salamat san!! wala namang suliraning hindi kayang lusutan.. hihihi.. *kaway-kaway* good afternoon!!

    • ang sakit naman yata ng term ng pusa, huhu. stating facts lang po – masakit ang magmahal ng totoo at suklian ng kakapiranggot, as in.😉 hala… parang sa kwento, sila naman -magkaiba lang sila ng pananaw sa pag-ibig? tingin mo?😉

  4. Sumikip ang dibdib ko aba!
    …walang binitiwan at ipinangakong kahit ano
    …aasa at mghihintay
    BULAAN… Huh! Bulaaaaaan!! ^_^
    ____
    meron din namang nangangakong lahat, nakakaunawa, nagtatanong, binibigay lahat, isa pala ang di pinangako… …ang maging Tapat…😉

    • hihi, sumikip talaga, froggie? kainaman… bulaan nga, what to do? naman kasi, ang hinang rumamdam. di alintana ang signs, parang kanta lang ni Michael V na sinaktan mo ang puso ko at ginawang barbeque, hihi. ^^

      ah, iba pa yata iyan… titingnan ko, pero parang may naisulat na akong essay before na medyo tungkol ryan sa katapatang iyan. di ko pa ipinapablis, ingat rin kasi ako sa ill feelings na pwedeng ma-generate ng ganyang write-ups. parang makatotohanan kasi at masaklap basahin, hihi.😉

      • Nadadagdagan na ang timbang ko kaya yata sumisikip na ang dibdib🙂
        Manhid? Di makaramdam? Deretsahin na kaya at ng magkaalamanan hehhhe
        Nasaan na ba ako at anong sinasabi ko! Hehhe ang init nalulusaw na yta ako🙂
        Hallo saliw…
        Dyan naman nabagyo.. Ingat kayo…

      • haha, hindi ‘yan, di ka tumataba, sister. malamang sa malamang, may nasaling lang na kapiraso sa luma pang alaala, as in… anyway, luma na naman ‘yon so let it stay there. the person does not deserve you and your love, ahaha. ^^

        hala pa, sa mailathala ko ba naman, chances are, hindi blogging ang mga taong tinatalakay ko roon sa article na di naging matapat. mas ang worry ko pa in publishing the piece, likely, marami-rami ang bloggers na nakaranas din ng kaparehong sitwasyon. baka maibalik sa kanilang alaala ang masaklap na kahapon o kai-kailan lang at wikaing ang sama ko, haha. ^^

        medyo mabait yata talaga itong bagyo ngayon. salamat sa pag-aalala, froggy. hope things are okey with you. hwag kang malusaw. btw, iyang mga alaala, lumalabo rin ‘yan, over time, pramis…😉

  5. gustong gusto ko yung last line . lols.

    eto tlg yung pinakanakarelate ako. yung gusto ko takpan yung monitor ng computer kasi nahihiya ako sa nababasa ko . pakiramdam ko ginawa para sakin ang tula. o ginawa ko ang tula (pilingero) wahhaha

    Vulnerable me :p

    • ahaha, ikaw ba ang naging bulaan dati o bulaan siya sa iyo? huhu.😉

      hala, ano ‘to, kapatid. opposite ng post na Buwan ang saksi. kumbaga, what happens when walang pangako – leads to heartaches and pains, aguyyy… i stole your thoughts, btw. vulnerable you, e.😉

      • hala pa, wala siyang ipinangako? sinamantala nya lang ang company at kapogian mo? naman, you have a strong reason to be bitter, pambihira… ^^

        ikaw na ang vulnerable, sa tinamaan ng makulit… cheer up, may makakasalubong kang bago, as in. better pa at di ka gagawing bitter🙂 regards…

  6. Pingback: Anu-ano pa ang mga kwento? | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s