Salansan

 

maayos na sana – ang salansan

nitong mga buhay nating hiram

kung hindi nga lang nakialam

‘tong makulit na si kapalaran.

 

image of a cluster of neat desks

May mga salansan na raw na nakasanayan ang bawat tao/ housingtouri.com

 

gigising sa umaga, araw paghahandaan

papasok sa eskwela, dili kaya, sa tanggapan

matapos ang ilang hikab, manananghalian

uupo uli sa hapon, hanggang sa uwian.

 

walang ibang bago, iyon pa rin ang meryenda

kung may tsismis, tungkol sa politiko’t artista

walang ikinatatakot, wala rin namang kaba

maliban sa trapik at kung mahaba kaya ang pila.

 

image of traffic in a street in Makati City

Problema sa araw-araw ang trapiko sa lungsod/ infohiway.net

 

ngunit isang araw, bigla kang dumating

simpleng pagbati, iyong ipinarating

ngiti ang nakita, sa pag-angat ng tingin

‘yon na pala ang umpisa, ano’t di napansin?

 

bakit walang nagsabi, buhay maaring guluhin?

ng kapirasong kaway o mumunting bilin

bakit walang nagpayo, yaring puso’y pigilin?

tuluy-tuloy sa bitag, diretso kamo sa bangin.

 

ayan na nga po, puso’y humihiling

ako sana, ako sana – ang iyong piliin

ang iyong mga mata, sa akin ipaling

pagsuyo ko’y wagas at pagkalalim-lalim.

 

namamalikmata ba ako, sa aking nakikita?

pagtatangi mo’y sa akin, hindi para sa iba

buhay kong nagulo, eto at anong saya

di na bale, nakakasuya man – meryenda.

 

tila bigay ng langit ang mahabang pila

oras para sa kwentuhan, mga biro at tawa

magpakilala sa iyo, makilala rin kita

maghawakan ng kamay, dalawang magsinta.

 

image of two young lovers dreaming

Pinag-uusapan ng magkasintahan ang bukas na sila ay magkasama pa rin/ grayowlpoint.com

 

may mga panahong tayo’y nangangarap

kung ano na ang bukas, atin ang hinaharap

kasama pa rin kita, tayo’y magsisikap

umulan man o umaraw, dumilim man mga ulap.

 

ngunit isang araw, suliranin ay dumating

walang pasintabi, gulong ay napakatulin

sinalikop tayo, niyong malakas na hangin

mahina pala ang hulog – ng pag-ibig natin.

 

naiwan akong nakatungo, umiiyak ng taimtim

mabibigat ang iyong hakbang palayo sa akin

ang pagmamahalan pala, kahit ano’ng gawin

bibigay rin ang tikas – pag takda na at taning.

 

image of a not so neat office desk

Mahirap rin nga bang guluhin ang nakasanayan na?/ ehow.com

 

naiinip ako sa babasahing binubuklat

buhay ng politiko’t artista ang isinisiwalat

iniisip ko – kung di ka dumating at lahat

trapik lang kaya, ang problemang mabigat?πŸ˜‰

 

* Mahigpit na tagubilin para sa mga hihiram at kokopya nitong tula (buo man o bahagi lamang) para sa online publication (Facebook, Tumbler, StumbleUpon, Twitter at iba pa) na kilalanin at ilagay ang pangalan nitong source website at maglagay din ng link o URL pabalik dito. Para naman sa mga nagnanais hiramin, kopyahin at/o ilimbag ito sa hindi online na media, mangyaring sumulat muna sa sasaliwngawit@yahoo.com.

Ang piyesang ito ay Copyrighted. Ipinapaalala rin, masamang ugali ang magpalabas at magpalusot ng sulatin bilang sariling gawa gayong hiniram, pinitik o ni-nenok lang sa iba, ahaha.πŸ˜‰

 

** Ang tula nga pala ay handog sa mga ka-blogs na mahihilig at mahuhusay na gumawa ng mga sulating – sanaysay man o tula – ukol sa buhay pang-araw-araw. Everyday scenes, kumbaga – mga istoryang pantabi-tabi, pangkaraniwan at tipikal, ‘ika nga. May Β twist ng pag-ibig para may konting kilig, ahihi… ^^

 

*** Mga kapatid, may tanong tayong malupit ,Β “Ano nga ang nagagawa ng pag-ibig?” πŸ˜‰

 

156 thoughts on “Salansan

  1. Ang ganda ganda!!!!!!!

    Ang sagot ko sa tanong na malupit…… ANG AKING BUONG PAHINA! hahhahahhahaha

    Pambihira!!!!

    Teka ikumpara natin ha?

    Problema:

    Dati ang problema lamang ay kung anong sine ang magandang panoorin ( may karugtong pa yan, saan tayo susunod kakain?), ilang oras ang traffic na bubunuin, ilang gatang ang isasaing, anong ulam sa umagahan, tanghalian, at hapunan, ilang bills ang babayaran, ilang deadlines ang kailangang i-beat, ilang reports ang gagawin, ilang meetings ang sasagupain….

    Attitude:
    Naku lahat iyan ay SISIW….. “Bring it on, Life!!!!”

    PERO

    Problema:

    Biglaang pagdating ng PAG-IBIG…… (isang linya lang yan ha?)

    Attitude:

    PAMBIHIRA!!!!

    Di mapakali, parang kiti-kiti
    Di makakain, di naman nagdidyeta
    Di makatulog, di naman sabog
    Di makapag-isip, meron namang utak,

    TAPOS

    Pag ang panahon at pagkakataon ay di umayon…

    Ang drama….

    SHOOT ME
    KILL ME

    Huwaaaaahhhhh!!!!

    AHHHHHH BASTA!!!!! ANG GANDA NG IYONG TULA MS. SALIW!!!!

    IKAW NA ANG REYNA!!!

    Bow!!!!

    • hello, chilled honey… ang pag-ibig ay naitutulak ang isang taong mag-blog? sa blog nya sinu-shoot and kill ang sarili? iyon ba ang iyong sagot, kapatid? ahaha, patay na… ^^

      light lang ang treatment para di masyadong marami ang magri-rip open ng mga dibdib, haha. btw, ipinaliwanag ko iyan sa Hello World post – bakit madalang ang lathala ng mga tula at iba pa… ^^

      salamat sa maagap na pagbabasa, sa pag-appreciate at sa paglalahad ng komento, aleng laging puno ng pag-ibig, patatawarin. mahahanap ka rin no’n, kapatid, isang araw… may gugulo ng salansan mong maguguluhan rin ng todo-todo, pramis…πŸ˜‰

      • hihihi!

        Ironically, nang pumasok ako sa WP, napakasimple ng aking hangad, ang kumawala lamang sa pang-araw-araw ng stress ng aking “NAKASALANSANG BUHAY BUHAY”. Sumbungan kumbaga ang WP, sa aking unang tuntunin.

        Ikanga, ala sa aking hinagap na may mangyayaring kakaiba rito, pambihira! hahahahah

        Aba eh, may hiwaga nga sa araw-araw.

        Tulad ng sinabi ko sa aking pahina,

        “oo nga eh….siguro kasi matagal na napahinga,
        ngayong aryahan na naman, di na marunong magdala,
        pambihira itong si kupido, isasama ko sa kaso ni Arroyo,
        di kasi nakasama kay corona, nahuli ang reklamo ko….”

        Anyway,,,

        What I do treasure with the experience here, are:

        1. lumabas ang kakayahang magsulat
        2. nailalabas ko ang mga hinaing
        3. naibabahagi ang ligaya
        4. nakakakilala ng mga taong, “will make a difference in my life” , tulad mo at ng iba pa na nakakapalitan ko ng kuro kuro.
        5. mas malawak na kamalayan…. SA LAHAT, name each experience, WP has it….
        6. nahubad ko ang maskarang suot sa tunay na mundo… hihihi… eto talaga ako… lukaret… pambihiraπŸ™‚

        Yan ang aking mga naka-SALANSANπŸ™‚

        I love this line hihihi:
        “mahahanap ka rin no’n, kapatid, isang araw… may gugulo ng salansan mong maguguluhan rin ng todo-todo, pramis… ”

        Ang sagot ko, HARINAWA!

        Magaling ka Sis. Natutuwa akong magbasa sa posts mo.

        Ang sukatan ko ng satisfaction sa isang binabasa ay ganito:

        Kapag gusto ko talaga, di ako mapakali, talagang comment to the max… ibig sabihin, nakiliti ang aking utak.

        Isang big hug!!!

      • ahaha, halata naman sa site mong nakatulong ng malaki ang blogging, kapatid na honey… you are one of those na very enthusiastic, pansin ko… and why not? marami kang karanasan at marami ring mga pananaw na karapat-dapat tingnan at pansinin at naihahayag mo rin sila sa malinaw at magandang paraan. ayon…πŸ™‚

        sa akin, nakatulong rin ng malaki ang blogging. dito talaga ako naging writer, haha. sa totoong buhay, laging may writing sa trabaho ko, maging sa engagements. pero, never na writer talaga ang designation. usually, ang tawag ay officer – kung minsan, assistant or staff. hindi writer kahit laging may writing and analysis component ang gawain. kahit ang turing din ng mga kasamahan, ikaw ang weird so, ikaw ang writer-in-residence, haha. dito sa blogging natupad na parang officially, writer si ako, whehehe. saka, marami akong na-experiment na paksa at treatments dito which otherwise, hindi ko magagawa sa non-blog writing. ayon…^^

        salamat uli sa pag-appreciate at sa matapat and heartfelt comments, honey…πŸ™‚

        oo, lagi at laging may magtatangkang gumulo ng patas at salansan dyan, take my word for it, sister, hihi. harinawa is ojala in Spanish. that is one of my favorite words in Spanish, ang ganda-ganda…

        have faith, kapatid. mahahanap ka rin, isang araw. hugs din!πŸ˜‰

      • Ay isang pasasalamat naman Sis!

        Malaki talaga ang nagawa ng blogging sa akin. At least, na tame ko ang emotions ko, nakakaligtas ang mga tao sa paligid ko hihihi… naku… kung alam mo lang ang bansag sa akin ng mga students ng Piyo 2005-2009 hahahahah…. mahal naman nila ako in fairness, kasi FB friends ko sila lahat, pambihira!….

        Ikaw pala ay writer-analyst hihihi, kainaman!!! Oo nga, dito honed ang kakayahan at pag narecognize ng mambabasa, naku di ba ang saya? May fulfillment.

        Papayag akong magpagulo basta ang manggugulo ay magdadala ng meryenda hahahaha

        OJALA!!!

        Gracias senyorita Saliw!

        Maayong adlaw sa imo, kagwapa nga daraga. Tani taw-an ka sang malawig nga kabuhi sang Ama naton sa langit.πŸ™‚

      • no problem, sister… kung wala bang blogging, marami-rami na ang nasigawan at ang mga papel na naipabalik? ahaha, nai-imagine ko, aliw… strict kang titser? nakow, kaya ka finriend ng students para may line sila para pakiusapan kang i-reset muna ang exams, haha…^^ ‘di, lab ka nila talaga, as in… ^_^

        nakow, boring usually ang mga isinusulat ko. dito na lang sa blog ako nakakapagsulat ng medyo interesting (sana) at medyo nagagamit ng konti ang creativity ek-ek, hehe…^^

        o, meryenda lang pala, e… hamo, mamaya lang, andyan na yon, pramis… ayiii!

        maraming salamat din…πŸ™‚ like ko ang Spanish greetings mow pero ang sumunod, nakupo… lami lang ang alam ko, lami, as in… halata bang mahilig akong magkakain? ahihi.πŸ˜‰

      • ay hihihi

        Slight lang, sabihin nating ang mandato ko sa sarili ay….”kung dumaan ka sa akin, magalit ka man sa aking paraan, wala akong pakiaalam basta ang mahalaga, di ka papatay ng tao kalaunan…” (nursing kasi sila eh hihihi…. kaya no joke ang pagtuturo, buhay ang nasa line)

        Tsaka, yung “making a difference in other people’s lives”, sineseryoso ko yang malupit hihihi

        Sobrang d-d-k-td ako sa classroom at sa clinical area… work kung work hihihi. Minsan nga kailangan nilang iremind ako na time na. Sabi ko sa kanila, kailangan nilang lubos lubusin ang ibinababayad nila sa akin, samantalahin ang kakayahan ni Ma’am hahahhaha.

        Pero pag outside the school naman, mabait naman ako at nakakabiruan ko sila ( confide kung confide ng kanilang buhay, lovelife lahat) hahahahahah

        Pero, pag aral, gusto ko seryoso, pag hands-on, dapat tama ang gagawin…. di biruan… nagiging lioness si Ma’am hihihi

        Aftre grad naman, pag may bumalik at nagpasalamat, naku kaysarap!

        Kadalasan, yung mga napapaiyak ko, sila ang talagang mahal na mahal ako hahahahahah….(kasi minahal ko talaga sila din, pagkatapos kong pagalitan, mag hug na, may pizza pa, hihihi undoing!)

        Ngayon, di na masyado… ang role ko eh pumirma, manita, kumausap, umikot ikot, magsunog ng kilay sa plano, magtroubleshoot hahahahhahah

        Naku talaga? In fairness, talaga ang feeling ko batikan ka…Sobra! hihihi

        Kakatuwa naman, hehehhe may dalang meryenda? yey!!!

        Ang sabi ko…. Maraming salamat, magandang dalaga. Sana biyayaan ka ng Panginoon sa langit ng mas mahabang buhay… ayun ang interpretation hihihi

        Mwah!

      • hala, owki ka pala sanang titser… salamat sa mga ibinahagi mong kwento sa pagiging istriktong guro… ikaw na…πŸ™‚ oo, may magdadala sa ‘yo ng meryenda, tomo… ^^

        oo, dito na lang sa blog ang literary side of me, kumbaga. mas marami sa naisulat ko ay technical papers ang tawag, comparative studies, ganyan at letters, hihi. lahat ng boring, as in… ^^

        salamat sa well-wishes, kapatid. oo, okey ang nasasabihang maganda, hihi… happy weekend!πŸ™‚

      • hahahahah

        salamat sa iyo…

        kasi very accommodating ka sa iyong pahina…. nakakatuwang bumalik at bumalik…:)

        ako ay maglalakbay na hihihi

        Have a great weekend too!

    • ay siya makikibasa na lang muna ako, hmmm. ang haba ah, nalimutan ko tuloy ang ipupuna ko. ako’y magbabalik na nga lang muna ulit.

  2. Hindi ganun kalalim ang tula. Payak na payak kaya madaling maunawaan.
    Pwede rin ire sa mga kabataan, maging sa mga matatanda.

    Ano ang silbi ng pag-ibig?

    Gumigising pa ako kinabukasan.πŸ™‚

    • simple lang, kapatid, para marami ang makabasa at makapaghayag din ng kai-kainamang onslaught niyang pag-ibig na mahilig manira ng salansan, ahaha. pampamilya at pang-sports pa.πŸ˜‰

      hala, di ko tinatanong ang silbi, kapatid… kako, ano ang nagagawa nito sa buhay ng isang tao, as in… sagutin at huwag umiwas, hihi. ^^

      may nagtutunog cynical sa pag-ibig dito, ahihi – di naman masyadong bagay… umayos ka ng sagot, manong. ilahad mo, dali…πŸ˜‰

    • salamat sa pagdaan at pagbabasa agad, Myr… huwag ka nang malungkot. nagpapatawa nga ako dyaan sa post, see?πŸ˜‰ aantayin ko pa rin ang sagot mo, as in… palagay ko, kapana-panabik ang take mo sa usapin, kapatid… have a great weekend ahead, cheers!πŸ˜‰

      • lol ka rin, hakhakπŸ˜‰ napakashowbiz na sagot, kulisap. iyan ang nagagawa ng pag-ibig – nagiging mala-press release ang sagot sa ordinaryong tanong? naman…πŸ˜‰ parang natasak? shaks… ^_^

  3. Hihihi…Ate San wagas kang tunay!
    Ikaw na!πŸ˜‰
    Simple, madaling intindhin, madaling maka-relate,,,

    Pero sa buhay talaga sa pag-ibig parin babalik ang lahat…hahaha

    sabi nga …1 Corinthians 13:13 “And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.”…kaya kapag magulo ang buhay pag-ibig, ang buhay gumugulo ‘din.πŸ˜‰

    nice one!

    • ahaha, salamat. wagas ka rin, warrior… binabasa ko kaya ang posts mo about teaching and your students? as in… titser din ang late mother namin at may kapatid rin akong isang guro sa high school, ayon.πŸ˜‰ nababasa ko how you give love and attention sa mga batang makukulit, ahaha.

      nagsu-subscribe din ako sa three- in- one combo ng faith, hope and love, hihi. ewan ko, feeling ko, kailangan iyan ng indibidwal na tao at ng mundo rin sa pangkalahatan. sa akin… ^^

      pero, teka, gusto ko ring sana minsan ay may gumulo ng iyong salansan, ahihi. at pag tunay ang iyong natagpuan, ay sus, aayos ang patas, pramis… better than before, as in… balitaan mo ako, ha? pag may gumugulo na, kapatid, hihi… regards sa iyo at sa mga batits!πŸ˜‰

      • hihihi…salamat din ateπŸ™‚ ‘di na ako nagtuturo ngayon pero babalik ako sa academe soon baka hindi na nga lang elementary at high school (pressure eh hehehe). Pero namimiss ko din mga students ko, mga bigla-bigla na lang nagpi-PM sa FB hihihiπŸ™‚

        ay ate sobrang naghihintay ako ng gugulo sa salansan hahaha…kung pwede lang ngayon na eh, pero syempre may tamang oras para dun.hihihi…sige babalitaan kita kapag meron na, kapag natagpuan na niya ako hihihi (sana malapit na talaga.) love love.πŸ™‚

      • hello, ah, di ko napansing di ka pala teaching these days. oo, medyo mahirap atang makakuha ng secure na payroll position ngayon (ewan ko kung bakit). yes, pag di nag-a-ambisyon ng sosyal na buhay, masarap magturo – kakatuwa ang mga estudyante… basta, anuman ang balak mo, good luck.πŸ™‚

        ahihi. sana nga dumating na sya at nang ika’y matagpuan, ayiii! yes, in due time, you’ll get there, kapatid. magulo na ang magugulo at maayos na ang dapat ayusin, hihi. mabilis na lang daw, sabi ng ate mo sa ibaba, kainaman. ^_^ cheerio!

      • nyahahaha…ang kulit nyo both!!!…me ganto na palang thread dito walang akong kamalay-malay…hahaha

        dadating din yun…yeeeheee..ang supportive nyo ah!

        love love mga ateπŸ™‚

      • ahihi, di naman…masyado…πŸ˜‰ basta isipin mo lagi, di ka naman panget, may pinag-aralan ka, di ka naman kasungitan and when properly incited and provoked, mahusay kang magmahal, ayiii! ^_^

        si honey lang ang makulit kasi, sya may recent encounter, parang… ayiii! ulitπŸ˜‰

      • ahahaha…Ate San…oo nga merong gumugulo sa buhay (at puso nyan eh hahaha)..at talagang mahusay magmahal hihihi.πŸ™‚

        Ate honey…ipapakidnap natin? ‘wag na lagi ko naman din sila nakakasama hihihi..πŸ™‚

      • oo nga, eh… parang ang gulo nila, as in…ba’t di na lang kasi magkita at mag-usap ng deretso? nagugulo rin nga ako minsan…πŸ˜‰

        ay, sus, di naman pala get-away car ang kailangan mo, warrior… lubid lang – pang-loop baga, hehe.

        have a great weekend! love, love sa inyo ni ate CH mo…πŸ˜‰

      • ayun maayos na ang salansan, sarap ulit maghalungkat ng mabangong damit sa tokador, muli ito’y magugulo, hahaha.

    • tila nasa lahi natin ang mga titser, ang aking ninuno at lolo, lola, tita, tito , ilang sa kapatid, pinsanin ay mga guro, ako lang ata ang tanging tumaliwas. hahaha. yoko magturo sa pormal na pamamaraan, nais lang magbahagi ng nalalaman. may isa nga dyan β€œmaestro” tawag sa akin (pasintabi at baka magdaldal, hehe), palibhasa taga-trouble shoot dati ng WP site, ang hindi alam parehas lang kami nangangapa, dahil parehas lang baguhan (bagotilyo at bagotilya kumbaga). ako’y magbabalik muli para sa pamuna sa tulang salansan (nagpapakondisyon lamang). gandang gabi po. isasalansan ko muna ang mga damit na pinalabhan.

    • ahaha, salamat sa magagandang pang-uri at papuri, biag… ikaw kaya ang madadamdamin at malilinaw ang mga sulatin? as in… nai-enjoy ko ang pagbabasa sa site mo.πŸ™‚

      btw, sa huling comment ko sa Kayo po ang pipili, special mention ka ro’n, kapatid. ang taong tanging pumili ng Wala kang binitiwang pangako, ahihi. naiibang tula iyon, among the selection. ^^

      magsulat ka rin lagi, kapatid at aantabay akong magbasa… balik ka pala rito sa weekend, ha… magbahagi ka sa amin ng sagot sa “ano’ng nagagawa ng dyaskeng pag-ibig?” ahihi…πŸ˜‰

      • hello po ulit.. pasensya medyo maikling dalaw lang nagagawa ko sa site lately.. medyo abala kase sa kapapanood ng… one piece (anime) hehe..

        wala pa sa kalingkingan ng mga artikulo mo ang mga naisusulat ko, and coming from you, am more than flattered.. salamat sa special mention sa huling comment don sa Kayo Po Ang Pipili.

        if my memory serves me right, your site was the first site I followed when I first created my humble blog site..

        pls. keep it coming kapatid.. still looking forward sa susunod mong tulang ipa-publish ^_^

      • ahaha, no worries, di lang ikaw ang kilala kong nahumaling sa one piece na ‘yan, pramis. ^_^

        ahaha, wala naman yata yon sa length o sa dami ng naisulat, kapatid. ay, sus, you write well at ramdam ang mga sulatin mo, tandaan mo yan, hihi.

        salamat at napansin mo agad ang panulat ko, ahihi. mas flattered ako ro’n, as in… visitor ng site mo si nonoy manga, binabasa at pinapanood ko ang posts nya. ang husay na artist, very creative, as in… ^^

        ahaha, siyempre, ang tapang mo, e. pero di naman ganoon kapait ang tulang napili mo, realistic take lang sa relasyong di nag-work out in the long run, kumbaga.

        btw, next week na natin ila-lathala, ha. salamat sa pagdalaw, dear. have a good weekend!πŸ˜‰

      • haha, yeah I guess so, marami nga kaming buang sa one piece..πŸ˜€

        I already patronize your articles the first time I visited your blog..
        nonoy mangga is quite a guy as well, galing nga ng mga posts nya.. am a fan to be honest.

        be the first to read that poem nxt week for sure, can’t wait…πŸ˜‰

        fyi: sa sulat2 lang ako matapang kapatid, talawan talaga ako sa totohanan na lalo na sa usaping pag-ibig.. pwomis hehe

        have a great weekend rin sa iyoπŸ™‚

      • hello… noted at ime-memorize ko ang info sa itaas, ahaha.πŸ˜‰

        hanga ako kay Nonoy M., ang likot ng imagination nya and ang bilis nyang mag-conceptualize and mag-execute ng ideas, as in… ^^

        hala, tingin mo, matapang ako sa totoong buhay? nakow, ni hindi ko alam kung kelan ako sisingit pag me usapan, haha. ang lame lang… have a blast weekend, biagA…πŸ˜‰

    • hala pa, sa iyong site nga marami ang pag-i-pag-ibig na ‘yan, Gian Carlo, as in… ahaha, iibig muli? nakow, mahirap ‘yon sa pakiramdam… pero, actually, wala namang nagagawa pag andyan na, hihi. andyan na ba, kapatid?πŸ˜‰ magandang araw din!

  4. ano nga ba ang nagagawa ng pag-ibig.. hay naku, kaloka namang tanong yan… napakaganda ng katha mo! kokopyahin ko na sana buti at nabasa ko yung nasa ilalim… eheheheh joke lang… pero yung sa tanong.. pass muna ako… masarap pagusapan yan habang umiinom.. ng vitamin c…

    • hello, pot… pwede mong kopyahin basta lagyan mo ng link pabalik dito. pwede ring re-blog, if feel mo. if feel mo lang, as in. ^^ hala, maghahanap ako sa lumang posts mo ng sagot kung nasa-shy ka rito sa comment, hihi… pag may nakita ako ro’n, pasensyahan – baka i-reblog ko. hindi sa nananakot ako, ha?πŸ˜‰

      salamat po sa comment, sa like at sa dalaw. sana ay nasa maigi ka, kapatid. ^^

      • oo naman.. ilalagay ko ang link ng blog mo kung nanakawin.. este kokopyahin ko ang mga katha mo.. share ko sa fezbuk ko…at wag ka ng mag aksaya ng panahon na halungkatin pa ang mga post ko sa kasagutan sa katanungan mo.. ikaw din ay mag iingat palagi ha.. wag pabayaan ang kalusugan dahil ang kalusagan ang pag-asa ng bayan.. tama ba?

      • ahaha, natawa ako sa mga unang lines, potpot. eh, problema ko na ‘yon kung maghahalungkat ako sa archives mo, hihi. pag di ka madalas mag-post, chances are may mga mabibisto ako ro’n, excited na ako.πŸ˜‰

        tama lagi ang quotes mo, pot. dyan ako naaaliw, kapatid… btw, tag-ulan rin ba dyaan sa kinaroroonan mo? have a great weekend.πŸ™‚

      • naku wag mo ng problemahin… huhuhuhu.. nakakatakot mabisto… naku hindi tag-ulan dito.. summer na.. at juice mio.. ang pawis ko talagang parang gripo… so kakahiya… salamat ng marami!! ikaw din! enjoy the weekend!! woohoo!!

  5. Ito na! Ito na!
    Ang ganda!!!!!! ^_^
    Ang sagot sa tanong mo….tanong din “ano baga ang pag-ibig na iyon? Hhhhehe”.. Mukhang may ilan na nabiktima ni PAG-IBIGπŸ™‚

    Dahil sa napakaganda ng iyong katha… Hmmm kelan ulit ang botohan para mabasa ang susunod mong ilalathala…. Dapat soon.. As in very soon…(nag-demand ng ng bongga! Hehhe)

    Hallo saliw.. Gandang araw…

    • Ito na ang comment mong antay ko, Crazyfrog! salamat, salamat, kapatid…πŸ™‚ hey, ako ang may tanong, bru…πŸ˜‰ sagot ka kaya? naman ‘to… ^^

      ang pag-ibig yata ay ang simpleng hello na akala mo’y life-changing and belief-shattering na… hello lang naman, see? it’s weird… o, kaya, ngiti na ang daming ipinapakahulugan gayong pwede naman tayong maka-encounter ng limang ngiti sa isang oras, di ba? na walang masyadong ibig sabihin…^^

      o, ayan, sagutin mo na ang tanong, kapatid. bawal ang umiwas, hehe.

      may hirit message ako about sa susunod na tula do’n sa last comment sa post na Kayo po ang pipili… aba, salansan nga pala ang ibinoto mo, o, e, hano? ikaw na ang panalo, kapatid…^^

      salamat sa pagdaan, ha… regards sa iyo dyaan and have a great weekend.πŸ™‚

      • Ano bang naggawa ni PAg-ibig? ( kasi naman sistah, ano bang alam dito ni froggy hahha)
        Nababaluktot nito ang bakal na paninindigan… Napapalambot na parang marshmallow ang tuhod,ang taong may attitude hehe… Nagagawa nyang halakhak ang simpleng ngiti… Nagagawa rin nyang pabulwakin na walang katapusan ang luhang kay pait( maalat man talaga un db)… Ngagawa nyang paguluhin lahat pag di ito wasto/naaayon/nkatadha( may tadhana pang nalalaman)… Nagagawa nyang maging baliw ang isang napakatinong nilalang, ikaw na ang makipagtalo sa sarili! Parang isang katawan na may tatlong katauhan( ano ba ito…) parang timang lang, pagnasasaktan pinapagana ang (1)isip, ayaw sumunod kasi si (2)puso/ damdamin makulit panay emo,(3)ang sarili pa rin na nalilito kung ano na talaga ang gagawin… AY NAKU! Wala talaga akong alam sa mga ito.. Panay lang ang tipa para makacommnent uli dito…. =))
        Happy weekend din.. Nawa’y haping -hapi kayo dyan…

      • hala, kakahusay… kuruin mong may smelting capability pala ang pag-big? tapos, nagagawang ala-marshmallow ang tuhod? sya na…nata-transform ang ngiti into a halakhak – dinaig pa ang photocopy machine na may enlarger! ^^

        at sus, parang dam na pwedeng magpabulwak ng tubig? kainaman… at ang di wasto ay pinapagulo pa nito lalo? may muddling function din? naman…at nag-i-induce ng insanity and confusion sa isang matinong tao? patatawarin… ^^

        it is my humble opinion then, that love and loving is pretty dangerous and must be avoided by a being at all cost, kapatid… pakitanong pala ang opinyon ni keyboard who seems to be more knowledgeable on the matter than froggy, hehe. happy weekend sa ‘yow…πŸ˜‰

      • natuwa at natawa ako sa pareho – sa maghahanap muna ng pag-ibig at sa parinig ukol sa “dali” ng tanong, ahihi.πŸ˜‰ aba, ang dami kayang naisagot ni keyboard? very spontaneous pa, as in… ^^

        cheers, kapatid!πŸ˜‰ sana ay pwede ngang rumampa dyaan at madaling humanap, hihi. ingat! ^_^

  6. elow ate san! ano b nggwa ng pag ibig? lahat ata.. ahihihi. at as usual natuwa na naman ako sa mga koments ni honey (peace sis!) hehehe.. ate san, ang ganda ng tula at kasing ganda ng working opis. pangarap ko mag work sa ganyang opis. kaht maliit lang basta may sarili akong mesa at nailagay ang litrato ko. (un lang pala ang habol) hahah!! mag apply kaya ako ng call center ate gnun dn kaya ang mesa ko? heheh..

    • hullow, kayds!πŸ™‚ ang daya naman ng sagot mo – general, as in… ^^ ah, oo, maxed ni ate Honey mo ang space na ina-allow ni ginoong wordpress, hihi. btw, sa google ko lang nahanap ang opis pic, kapatid… pangarap ko rin, usually… pero, one time, naka-work na ako sa ganyang environment – di rin… parang masyadong sanitized, haha. ang corny… computer lang at phone ang nasa desk, as in…actually, pwede ka palang bumili ng ganyang desk cluster… marami nang nabibili nyan ngayon, hehe. di nga… happy weekend! salamat at naaliw ka sa tula…πŸ˜‰

  7. Naks naman! Life story mo ba ito, ate? Hakhak. Hayaan mo, may dadating at dadating na gugulo sa nakasalansan mong buhay. Pero yung magsasalansan ulit sa nagulo mong buhay pag-ibig. Anudaw? Hakhak.

    • salamat sa encouraging words, batopik. pero, sa totoo, life story mo yaan na ninakaw ko, di nga… di mo napansin, last year, panay ang backread ko sa bakuran mo? hakhak. yown… nag-sum up na ‘ko dito sa tula, ahaha. ^^ nagustuhan mo? hihi.πŸ˜‰ joke! ^_^

      • hala sabay joke sa huli? tunay ba yan ate? hahaha. pano kung sabihin kong hindi ko nagustuhan?hahahahaha. ang bully lang? oo naman ang ganda ng tula mo ate. ikaw talaga, nag-abala ka pa! pahampas nga hakhak feeling close, at infairness super effort pa sa pagbackread. ikaw na talaga! teka nirerelate ko naman daw sa sarili ko, seryoso ba yan? ikaw ate nambubully ka na rin ha.

      • sorry naman, mukha bang bully? hindi naman istorya mo lang, kapatid. it must have been culled from several peoples’ story – sa ‘yo, sa ‘kin at sa iba pa, hihi. ang catch lang siguro, usually, na-a-appreciate ko ang kwentong sawi mo, haha. ^^

        oo, naaaliw ako sa posts mo – isa kang creative na timang na maraming angas, hihi… that’s a compliment, kundi man halata… regards, batopik!πŸ˜‰

      • aaah.. hahaha. pero maganda talaga mga tula mo, hindi lang ito.. hihihi. salamat. nakakatats naiyak ako. choss! ang OA. Hahaha. Ikaw ha, mahilig ka sa mga sawing kwento.

      • ah, salamat, kapatid. aliw na na-a-appreciate mo. hmnn, matagal din naman bago uli nabuhay ang interes kong magtangkang tumula. isa pa, editing usually ang crucial sa poetry.

        Salansan went thru 12 (20mins) editing, I think… the last five were for the line that “meryenda” was mentioned a second time, as in. pag di kasi tumama, maiiba ang himig ng buong komposisyon. ^^

        panalo ang mga sawing kwento mo, gives me better view of the word “despair” hihi. hello, batopik!πŸ˜‰

  8. “naiinip ako sa babasahing binubuklat

    buhay ng politiko’t artista ang isinisiwalat

    iniisip ko – kung di ka dumating at lahat

    trapik lang kaya, ang problemang mabigat? ”

    Masaya ako at dito ko binigay ang boto ko.πŸ™‚

    Ano ang nagagawa ng pag-ibig? Mas madali atang sagutin ang tanong na “Ano ang HINDI nagagawa ng pag – ibig?”

    Salamat para dito kaibigan!πŸ™‚

    • hello, learned ignoramus… salamat sa paghakbang ng paws mo rito. asus, ang boto ng pusa ay sa mga panahong naiinip ang puso, as in… ang kay mathtitser ang Salansan, hihi.πŸ˜‰

      paano ba ‘yan, di kita mapapayuhang ibalik natin ang dating trapik lang ang pinu-problema? hihi… sagutin mo pala muna ang tanong, as in… tapos, saka natin sagutin ang tanong mo naman, oks? ^^

      maraming salamat sa pag-appreciate. hope weekend’s going well…πŸ˜‰

  9. hahaha. oo nga pala. nalimutan kong dalawang tao nga pala ako rito sa wordpress! May ganyan talaga akong disorder sa tunay na buhay eh. Multiple personalities. hihihi

    hmmmm. teka . Ano ang nagagawa ng pag-ibig?

    Pinaliliit nya ang mundo. Pinasisimple ang mga proseso ng buhay. Kapag naranasan mo ang umibig, nawawalan ng saysay ang ibang mga bagay nito. Maging kaliit-liitang detalye, umiinog na lang sa’yo at sa taong mahal mo. Lahat may koneksyon. Lahat may ibig sabihin.

    • ikaw na ang sosyal at makabago – may disorder… disorder ka dyan, hihi…^^ complex lang ang nakayanan ko, kapatid… :c

      hala, sige… love has the ability to compress things, to simplify processes, to exclude other people and other objects in the world (di ba make-believe world ‘to? hihi), to reduce, to make connections (the senseless, non-sensical ones? hihi) and to give meanings (to things that otherwise have no meanings? hihi). parang mathematical ang approach, as in… nangingilo na yata ako agad, ahihi. ^^

      hmnn… parang hindi yata kagandahan ang mga nagagawa ng pag-ibig sa paglalarawan ng pusa, ewan ko lang, ha… titser, salamat sa pagdaan nyo rito ng pusa… pakitanong pala if iyan ang final answer nya, thanks. hihi.πŸ˜‰

  10. Hahaha. Parang mas maganda yung sagot ko nung ikaw ang nagsabi. Pasensya na ha. Mukhang wala ata sa wisyo ang pusa ngayong araw na ito. Hindi makahagilap ng mas akmang mga salita. hihihi.

    Sige po. Ipatatanong ko sa amo ni Muning! hihihihi

    • hala, maganda kaya ang sagot ng pusa? as in… may ganoon ngang functions ang love, kapatid. kailangan lang yatang dugtungan pa, i-diretso ang logic to situate love and loving sa context ng buhay at ng society…

      why and how a seemingly private and exclusive pursuit such as love actually help greatly in running and operating the world and the universe, hehe. oo, papuntahin mo rito minsan ang titser na philosophical na amo ni muning… sana nga lang ay di na sya inaalipin ng damdamin, hihi.πŸ˜‰ cheers, learned ignoramus!

  11. hello, Renx, glad to see you, dear…πŸ™‚

    am afraid it isn’t that happy, kapatid. but not a heart-rending poem, either. just fine, i suppose…^^ hmnn…i’ll try, it has 12 stanzas, haha – πŸ˜‰

    STACK –

    1st – the stack of our lives, would have been orderly and well, had fate not so mischievously meddled

    2nd – will wake up in the morning, prepare for the day, to school or office as usual, there to yawn till lunch and sit back again until it’s time to go home

    3rd – nothing new, snacks in the canteen is the same, gossips are all about actors and politicians, nothing to fear and nothing to worry about, just some concerns about the traffic and the long queue

    4th – but one day you came, sent forth a greeting, ’twas a smile i saw upon lifting my gaze

    5th – why did no one tell me that life could be undone by simple waves and little fare-thee-wells, why – no one advised me against falling, went straight to the ravine

    6th – the heart has a plea, please let it be me, let it be me – let your gaze be this way, my affection is deep and for eternity

    7th – am i seeing things, are my eyes fooling me? could it be true that your devotion is mine and no one else’s? chaotic life suddenly turned happiest, hardly matters that the snack’s bad (detestable)

    8th – it is as though heaven has made the queue gift to us, time to chat, joke and laugh together, get to know each other better and hold hands silly

    9th – there are times when we dream together, what does the future hold for us? we’ll still be together tomorrow, be there torrents of rain, be the clouds truly dark

    10th – but one day, the challenge came for us, in wanton disregard, rolling fast, fast, fast – we were held by the wind and then torn asunder, turned out our love’s not the sturdy kind

    11th – i was left forlorn, silently weeping, heavy were your steps away from me, love has its limits no matter what lovers do, it will come apart by its accord, when fate wills to rend it so

    12th – am bored by the magazine on my hand, reveals stuffs about actors’ and politicians’ lives, it occurred to me, had you not come by and all, would the traffic have been the greatest trial ever to befall?πŸ˜‰

    hala, spoiled ka sa ‘kin, kapatid, haha…. next time, magdi-dictionary ka na, Renx…πŸ˜‰ hey, salamat sa pagbabasa at pagdalaw mo, ha… hope things are well. cheers!

  12. Pingback: I came, U saw, WE conquered… « Chilledhoney's Blog

  13. naku napaisip ako dyan sa copyright mo a. paano kaya yung mga sinulat ko na nahahanap nung mga gumagawa ng project or assignment. sinasabi kaya nila ang maiksi at katutubo kong url? huhuhu!

    hmm lately, na-realize ko itong bagay na ito. yung tahimik mong mundo ginulo pero wala namang kinalaman sa love kundi pagkakaibigan. medyo na-hurt ako pero ganun talaga. tuloy ang buhay at pasasan ba’t babalik din ang lahat. traffic pa rin naman e. heheheh!

    malaki ang nagagawa ng pag-ibig para itong magic. hindi mo ma-explain pero nagagawa mo na lang. hohoho! so got to believe in magic? hehehe

    mabuhay!

    • hala, ang ating mga sinusulat ay talagang ninenenok ng bongang-bongga ng mga bata at matatandang ang sipag ay hanggang sa pagsusulung-sulong lang ng mouse, ahaha. hindi naglalagay ng link o url ang mga ‘yon, hihi… ^^

      maski may copyright, ganoon pa rin. ang pagkakaiba lang, the moment they use it for other purposes halimbawa sa masama o kaya, para kumita. pag may copyright, pwede maghabla ang author at maningil ng damages. pero, nenonokin pa rin ng walang pasintabi, ahihi. ^^

      gusto ko ‘yong hirit mo, as in ” traffic pa rin naman e. heheheh!” – wagi.πŸ˜‰

      ahihi, parang nagulo ka, kapatid? kung magic o hindi, hihi.πŸ˜‰ btw, sobra kong nagustuhan ang last movie nina rico yan & klawdin na may soundtrack na got to believe in magic, hehe. gawan mo ‘yon ng review, hoshi… gusto ko pag nagre-review ka – basa kong maigi ang mga gano’n mo… cheers!πŸ˜‰

    • oo, binabasa ko ang mga gano’n mong posts,as in… ang aliw ako ro’n ay ang mga hirit (side remarks) hehe… ah, mahal na rin kasi ng sine these days, hihi… ^^

      hala, tiningnan ko, hoshi. sa Cine Adarna pala. nakow, doon ‘yon sa 2nd flr ng UP Theater. ‘yong room na may projector, hihi… sayang, di pala sa Film Center mismo… salamat pa rin.πŸ˜‰

  14. Ito pala ang nanalo!πŸ˜€ Eh ang bongga naman pala. Medyo malungkot nga lang? Minsan talaga dumadating ang panahon na bigla na lang binabawi ang mga maliligayang sandali. Minsan nakakatakot maging sobrang masaya, kasi may balik ng lungkot. Pero kahit papaano, masakit man, at least nagdulot ito ng kaligayahanπŸ™‚

    Ang sagot sa tanong, haha ang hirap. Para sakin, lahat ay nagagawa ng pag-ibig. As in lahat. Kahit ang mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa mo eh magugulat ka na lang ginagawa mo na pala.πŸ˜€

    Hello Ate San! Happy 1st of August!

    • hello, mary girl, na-miss kita, kapatid.πŸ™‚ haha, bongga ba? o, basta, 12 stanzas ang tula para covered ang enough grounds, hihi. naman, nalungkot ka ba? comedy nga ang attempt ng ate mo, di pala gaanong nagtagumpay, shaks. gusto kong magpatawa sa mga poems na ‘yan…^^ ayon ang point, sistah… minsan, nagulo at sumaya sandali ang buhay-buhay, huhum-hmn… hahaπŸ˜‰

      hala, mas tunog malungkot ang napili mo – sa sangandaan ng buhay. although, comedy rin ang end no’n, somehow. yon lang, di nanalo sa botohan, e…^^

      shaks, parang testimony sa friendster ang sagot nya, hihi… testifying in behalf ng pag-ibig, nyehehe. hihi, parang based on experience… happy first day of the month din.πŸ™‚ salamat sa pagdalaw at sa bati… cheerio!

  15. hmmmm, magandang tag-ulan saliw, ang haba ng iyong tula (o salaysay ba?) hehehe, babansagang ko na nga lang itong tulaysay. Dahil sa sobrang haba ng iyong tulaysay, nauubusan ako ng hininga sa tuwing ito’y babasahin, ngayon lang tuloy ako natapos magbasa (malakas na pagbasa yan ha, gaya ng ginagawa ko sa ibang tula ng ibang blogger).

    Ang iyong itiniwangwang na tanong na, β€œAno nga ang nagagawa ng pag-ibig?”, itoy masasagot ng iyong tulaysay, na tila isang water cycle, nagmumula sa pagtatagpo ng init at ng tubig (ang pagtuklas sa iyong maayos na salansan), at magdudulot ng water vapor sa prosesong evaporation (dahil sa kaligayahan tila naabot ang kalangitan), at tutungo sa paglapat sa kalangitan sa prosesong condensation (ang pagkakabuo ng isang masayang pagsasamahan) ngunit magbabalik muli sa estadong tubig (tila naman panahon ng paglisan, pagkat magdudulot ng pagluha) bilang isang ulan na muling babagsak sa kalupaan (ang paglisan ng isang mahal), at patuloy muling pagtatagpuin si init at tubig…(isang paulit-ulit na siklo na walang puknat).

    kamusta naman ang saliw sa tag-ulan.

    • ahaha, sinadya ko yatang habaan para pagurin ka, hihi. tomo ang tula ni t.s. eliot na lovesong of j. prufrock, three pages ang haba, as in… tapos, ang tula ni baltazar, isang libro ang haba, hehe…πŸ˜‰

      hindi ko po itiniwangwang ang tanong, sir. binalot ko po ng masinop at mabining iniabot sa mambabasa, hihi. ^^ pero, maraming salamat sa maganda at mahusay at mala-epiko(haha) mong sagot.ang epiko ng tubig? ^^ tamang-tama, bagyuhan at ang buong bakuran namin ay kasalukuyang submerged sa baha (lampas dibdib na) at wala na kaming food, hehe. may bigas pa naman pero wala kaming matinong pang-ulam na naiakyat, kainaman… ^^

      btw, may naisulat pa akong isang tula na mahaba rin. parang Salansan din pero, malungkot naman. ang title yata is Sa pagitan ng iyong pagdating at paglisan. isang buong essay, errr, tulaysay din, hihi… hello, Cup! salamat sa masigla mong comment, kapatid. regardsπŸ˜‰

      • hala naman sa aking pag-aakalam ay ikaw ay wala dine, nariyan lang pala at nanahimik, ako tuloy nabulaga. ang totoo, ninanais ko sanang gumawa ng tula kaso mo, medyo antok ata ang aking mga kataga ngayon, wari mantikang natutulog at nahihimbing… ayan tuloy napagdiskitahan ko na lamang ang salansan ng iyong mga salita at kataga. hahaha, ang iyong tulaysay na pagka haba-haba.

      • gano’n talaga, mahaba para buo ang kwento, para masaya. mahirap kung mga pahaging lang at maraming in-between the lines, ‘ika nga. pwedeng maging subject to misinterpretations, hala pa… pero, para sa maiksi ang pasensya at hilig ay mabilisan, pwedeng two or three lines lang ang basahin, hihi. pedi na rin yown…πŸ˜‰

        salamat, kapatid sa iyong sumandaling pagbabad rito sa bakuran. btw, lubog ang amin mismong bakuran, hehe. nasabi ko na ba’yon? nyehehe. goodnight, Cup.πŸ™‚

      • naku, may pag-aalala nga sa iyong pagkasabi kanina, kasi naman bigla ka nawala, wari tuloy ikaw ay biglang inanod, huwag naman sana. mabuti ikay muling nagbigay puna, pagkat meron din iba na sa iyo’y nag-aalala. alam ko yan, hehe.

      • ahaha, pasensya, marami-raming inayos… paanhin, binabaha?πŸ˜‰ heh, walang nag-aalala sa akin maliban sa mga kapatid ko, juice mio, Cup, maghunos-dili ka… ^^ ni hindi nga nagbago ang stats sa loob ng dalawang oras, patatawarin… anyway, eto’t lumulutang pa naman, kasama ng aming bahay, ahaha.πŸ˜‰ kpayn pa, salamat…

      • ahaha, salamat… medyo nakapahinga na. about 60 hrs yatang awake kami, on vigil… pero nakatulog na ako ng five hours yata. bumaba na ang tubig, less than a foot na. di pa nagsu-survey ng damage. magkakape muna, ahaha. thanks, chilledπŸ˜‰

      • naku grabe 60 hrs… mentally exhausting… buti nakatulog ka na… nag -alala kami ni cup kahapon na nakakareply ka pa tapos nawala ka na… sana ok na at sana di ganun kalaki ang damage…

        naalala ko yan noong Ondoy, after na bumaba ang tubig, naglimas kami ng kadiring itim na putik… haist!

        tapos sabi ni mother, hugasan at patuyuin ang mga gamit….

        naku, ambaho na ng mga cabinets, ng sofa, at ng mga telang nababada sa tubig baha…masakit man sa loob, tinapon ko na… baka magkasakit pa kami…derma probs yan kadalasan…

        Tapos ung dalawang container ng toys na nabaha din, we tried to save the favorites pero mailing-mali, kasi kahit nalinisan na, nagka itchy rashes yung two boys sa fingers…. halos 1 year kami pabalik balik sa derma… masakit man sa loob, tinapon na rin kahit favorites…pikit mata, kasi iniyakan nila eh…

        Kung nalubog na sa baha, di na talaga dapat nirerecycle o ginagamit muli. As in the microorganisms abound! Ingat ka ha? As in, super ingatπŸ™‚

  16. ano ang nagagawa ng pagibig?? simple lang.

    ang normal na binata na kahit sa lecture sa pagsusulat ay hindi magawa eto ngayot tumitipa at nagbablog. hahahha..

    pwede bang ipeyborit itong tula mo ..hehe

    tama c tay kuli . reachable . Hindi ko na kailangang magisip pa para intindihin ang nais iparating.
    πŸ™‚

    • so, gano’n? nagagawa ng pag-ibig na paghayagin at pagsulatin ang isang ni pagti-take note sa class ay di magawa? talo ng pag-ibig si titser pagdating sa command? ahihi. pwede…πŸ˜‰

      o, sige, ipeyborit mo, hihi…siyempre, kailangan simple at naaabot, tribute sa everyday scenes, e. saka, ‘yon talaga ang goal – to illustrate that love happens in the most ordinary circumstances, ayiii.πŸ˜‰πŸ™‚ hello, bagotilyo

      • to illustrate that love happens in the most ordinary circumstances < — epic ..

        oo ganun n nga mas sinusunod ang pagibig kesa kay mam , o kay mom o kay dad o kahit kanino pa minsan ..hehhe

  17. Pingback: Anu-ano pa ang mga kwento? | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s