hawi sa tabing ng mga tula

 

Pagbati, mga kapatid! Kumusta kayo matapos ang bagyo at ulanan?  Sana ay ayos lamang…🙂  Sa lugar namin ay mga kapitbahay pa lang ang binaha. Ilang ulan pa siguro at aabot na sa may amin, parang…  Dalawang pares pa lang ng sapatos ang casualties sa bahagi ko, ahaha. ^^

 

cartoon image of curtains

Kaunting hawi para masilip natin ang mga tulang pinagpipilian/ tony4greathomes.com

 

Marami-rami na ang bomoto sa mga nakahanay nating tula. Salamat sa mga bomoto, nagbasa at pati sa mga sumilip – salamat… Ang nangunguna sa botohan, so far, ang tulang Salansan. Sa mga may nais, maaari pa kayong bomoto, kung napapa-ibig. Tumungo lamang sa post na Kayo po ang pipili at ilagay sa comment section nito ang inyong pahabol na boto…🙂

 

Samantala, naririto ang kapiraso, mga unang lupon ng taludtod ng mga tulang nakahanay. Poetry of love and despair ang mga ito, sa mga kapatid na babagong naligaw dito sa pahina… Hindi ko na pala isinama ang patikim sa Salansan dahil nga ito ang leading sa tally, so far. Pwede pang humabol ang mga may gusto…

 

 

Labis ang pangamba

 

Labis ang pangamba

malaman mong mahal kita

Labis ang paghiling

iyo sanang mapansin.

 

 

namumulot sa kawalan

 

Bakit ko binibilang

ang mga araw, minuto at sandaling

wala ka?

Wala na, di na babalik –

Wala kang iniwang pangako.

 

 

Wala kang binitiwang pangako

 

Hindi mo sinabi ni minsan

ang salitang magpakailanman

Hindi mo winikang

ika’y di magpapaalam.

 

 

Sa sangandaan ng buhay

 

Sa sangandaan ng buhay

kita’y nagsalubong

Binati mo ako

ng tawang malutong.

 

 

Sa mga panahong naiinip ang puso…

 

sa mga panahong pagal at naiinip ang puso

bakit kaytagal dumating ng tamang pagsuyo?

sinusubukan ang tatag ng damdamin at binibiro

ikaw ba, pag-ibig, sadyang nagpapakalayu-layo?

 

 

Yakap sa kupas na alaala

 

tulad din ng maong na isinuot, nilabhan, kunuskos ng paulit-ulit

ang pagmamahalan natin ay niluma, nanlabo at kumupas

kahit pa libong beses kong suyuin sa pakiramdam at sa isip

balik-balikan, alalahanin – huminto rin, tumigil at wika nga’y lumipas.

 

Salamat uli, have a great week! 😉

 

Ika-24 ng Hulyo, 2012

Sa saliw ng Awit

 

34 thoughts on “hawi sa tabing ng mga tula

    • ahihi, naiinip ba ang iyong puso, kapatid? ^^ hmnn… bata ka pa naman, dami pang darating at ilang ulit ka pang daranas ng mga saya at sakit ng isang nagmamahal, ahihi.^^ salamat sa pagdaan at sa boto ng pusang nag-iinat.😉

      • hindi naman. medyo nasasanay na rin sa dating gawi na tahimik lang. naa-appreciate ang solace at peace and quiet.

        hahaha. asahan mong araw-araw mong mamamasdan ang pusang nag-iinat/nag-iinarte na yan!

      • kakadami ng magagandang abstract nouns, ah – solace, peace at may quiet pa, ahihi. halatang may damdaming pasaway na pinaglalabanan. ang exciting!😉

        ah, iyang pusa ay kainaman ang posing. kung maka-stretch – akala mo’y right nya ang magpahingalay, hihi…cats are smug creatures, ain’t they, kapatid?😉

      • hahaha. Natawa naman ko sa pagbati mo sa mga abstract nouns ko! Medyo pasaway nga eh. Me konting suntok pa rin. Konting tama. Pero hinahayaan na lang naten.🙂
        Totoo yan. Perpektong gamitin ang pang-uring “smug” sa paglalarawan ng mga kaanak nina Felix at Hello Kitty. Akala mo eh sila ang amo ng mundo! ahahaha. Walang basagan ng trip ang motto.

      • ay sya, wala na akong sinabi, kapatid.🙂 hayaan na lang nating panahon ang magpahilom sa mga sugat ng kahapon, ahihi.😉

        actually, naaliw ako no’ng makita ko ang pusa mong higante, hihi. naalala ko ang inalagaan naming pusang pinaka-artistahin sa lahat – si tinca! ang pusang performer at may attitude, ahihi. but we lost her, she was stolen. pag fully healed na kami sa pagkawala nya, baka gawan ko sya ng post, ahihi.😉

  1. Ay pedi pang magpalit ng vote? parang sang-ayon ako kay D’L.I…. “Sa mga panahong naiinip ang puso”….. tapos dahil mabagal magtatak ung nasa voting precinct, uulit ako ng boto (salbahe hihihi)….”Wala kang binitiwang pangako” ang next vote… at dahil sa aking muling pagbalik, nag break na ang bantay ng presinto, iboboto ko na lahat…. ayun na ang pasaway na tunay….

    I waive my initial decision to waive my vote….

    Hi Saliw!

    • ahihi, sa mga panahong naiinip ang puso then, kapatid na chilled honey. second choice is wala kang binitiwang pangako (ano ire, upcat form, may 2nd choice ng course? ahihi). ah, pasaway talaga ang huling boto. i will move to strike that from the record, kakulit… waive na kung waive!😉

      • hihihi…

        Kainamang botohan!!!!

        Pedi magpapalit palit ng isip…

        Kung ganyan kaya sa ating government, palagay ko ang Pangulo ay si Kris!!!!

        Nanggugulo lang!

        Mwaaaahahhhhh Saliw!!!!!

      • ahihi… sabi ko nga. paanhin? hamo, ako naman ang nag-decide ng extension ng period of voting, hehe…^^

        weh? kaya nga ‘yong kapatid ang naging president. eniwey, hwag kang magugulat pag isang araw, senadora na sya, hihi…magaling naman sya, sa pagkaalam ko – sa usapang lab lang ‘indi, hihi. ^^

        di ka pa naman magulo, makulit pa lang, hihi. mwah, mwah, sister honey!😉

    • hello, kayds🙂 glad to see you around, sister. ah, sa post na Kayo po ang pipili, may 7 na tulang naka-line up, pipili ang reader ng isa para siyang ipa-publish this month. ang intro stanza ng 6 poems, andito naman sa post na hawi sa tabing. ayon… kumusta ang beauty mo?😉

      • oeh, may reason ka naman, likely… summer dyaan at may lablayp ka pang pagkaka-busyhan, ahihi… ayon, walang gimik at walang lablayp, teynks…. owki lang ako sa walang lablayp pero ang gimik – gagawa ako, hehe… hello!😉

  2. hahaha, ngayon ko lang ito nabasa, at tila nasiyahan ako pagkat ang aking pinakiramdaman pala ay nangunguna sa botohan. sana’y sa lalong madaling panahon ay amin nang masilayan. gandang-gabi-SaLiW.

    • ahihi, leading nga ang salansan, kapatid… kung ilan daw ang nai-intriga sa pasaway na pamagat. medyo hawig ‘yan ng tulang Buti Pa, Buti Nga. very light ang treatment sa mga taludtod. hello!😉

    • hello, Myr… kumusta ang pagpupuyat at ang tagay-tagay? haha.😉 yes, sir, leading pa rin ang salansan… hope i’ll find the time to tally the scores today. pag matapos, ila-lathala na ang napiling tula bukas. naka-lay out and press ready na ang salansan at pati ‘yong second choice, ahihi… ^^

      good day sa iyo, kapatid. hope you are well and in top shape. ingat…😉

  3. Ang husay mo talaga, ate! Kahit isang verse lang, pwede na. Ramdam na ang mensahe ng buong tula. Peborit ko yung may maong. Hahaha. Nakakaaliw lang ang paggamit mo. At ang lungkot pala nung napili ko, yung namumulot sa kawalan. Hahaha. Galing! Galing!

    • salamat, dear… ahaha, pag-inuman natin ‘yan, pag umuwi ka rito, hakhak. siguro, in five years’ time, uuwi ka, hano? ^^ ah, ang tulang may maong, medyo pang-adult, haha at mahaba… iyan yata ang personal na tula, somehow… malungkot ang namumulot sa kawalan pero, comedy ang ending. lahat sila ay attempts at humurous poetry except Wala kang binitiwang pangako… thank you for the kind words, kapatid. hope weekend’s well…🙂

    • hala, sabi mo lang ‘yan ngayon dahil bata ka pa. antay ka ng 8 years, ganyan, you’ll be hankering for your good old country like some addict, ahaha. ^^ medyo mas malapit nga sa totoong buhay at sa events of recent years ang tulang may maong, hihi. ang Salansan is, more or less, everybody’s story of early loves, baga…maulan dito. thanks and hope you’re having a blast, kapatid…😉

      • ano ba address mo ate at sa bahay niyo ako dederetso galing erport. hakhak.😄 onga nabalitaan ko may bagyo daw, tas nagbbrown out pa. God bless!

      • ahaha, address ko? ayon, ikinuwento ko dati sa dpsa, sa isang post. may specs pa gaano kalapit ang mercury drug, haha. one and a half hrs from the airport – airport cab ang sasakyan, hehe😉

        oo, several times nag-brown out kagabi. mukhang sinalanta bakuran namin after three days and nights ng ulanan. hmnn, buti-buti na, sumungaw naman ang araw, maski paano… thanks, dear…🙂

    • ahaha, akala ko yakap sa kupas na alaala ang gusto mow? labis ang pangamba is about young love, younger than Salansan pa. it talks about early experience of love ng isang tao – usapang early fears and joys ng isang sumisintang puso, ayiii…😉 kumusta ka, sister? ^^

      • E kasi parang nakakatuwa yung pasilip ng labis ang pangamba, pero gusto ko pa rin yung yakap sa kupas na alaala. Hindi ba pwedeng marami iboto? Hahahahaha!

        Ok naman ako, sinipon, inubom nilagnat ng kaunti. Ewan ko kung dahil sa ulan o dahil sa sigarilyo. Hahahaha! Samin wala masyadong ulan🙂

      • ahaha, nakakatuwa ba, nag-declare agad na mahal, as in… paanong gagawin? batang pag-ibig, naman. bru, tapos na po ang botohan – nanalo na ang salansan. ang susunod na ipa-publish, a toss between wala kang binitiwang pangako or sa mga panahong naiinip ang puso (in-explain ko sa last comment sa kayo po ang pipili na post). ayon…^^

        hala, medyo sick ka? hindi lagnat-laki? ay, ang daya, walang ulanan sa inyo? about two weeks nang ulan ng ulan araw-araw. nakakainis na minsan ang mga lumot, hehe. saka, mahirap magbyahe pati. tapos, minsan, madulas na sa streets pag naglalakad (hehe,dami angas)…

        ei, better na ang sipon-ubo-lagnat combo mo? ahihi. magpagaling ka… regards!😉

  4. nung isang araw pa ko nagpunta dito pero di naituloy magkomento at bumoto dahil sa log in requirements ng WordPress. eto napilitan akong maglogin gamit ang twitter account ko. ngok.

    anyway, ang boto ko dapat ay yung sa sangandaan ng buhay.🙂 gusto ko yung serendipity kaya lang parang malungkot ang ending. sana merong serendipity, pero may happy ending pa rin sa kanilang dalawa.🙂

    • hello, ate kaye… oo, napapansin ko naman pag dumadalaw ka, thanks.😉 maigi’t naka-log on ka this time. para ngang nagkaka-problema si ginoong wordpress from time to time sa log in-log in, ano? anyway, e, di, nakita ko ang Twitter account mong kagandahan ang pics ni Cassie (oo, si cassie ang mas maganda, kaya nga sya ang maraming pics, tama ba? peace.😉

      ahaha, okey naman ang sa sangandaan ng buhay. ah, malungkot yata ang body noong poem pero medyo comedy sa ending. all six (6) poems are attempts at comedy, whehe. ang Wala kang binitiwang pangako lang ang hindi. pero, hindi rin naman tipong one side order of suicidal, please, hehe.

      hala pa, alaala mo ang dose-dosenang chick flicks? ahihi… serendepity is memories of encounters that a person cherishes simply because they happened once – maganda – pero di na mauulit at di na maitutuloy. so, lagi syang fond of those memories. may ribbon ang box, ahihi. and, yon, walang ending… ^^ ang nagri-recall ang naglalagay ng ending sa tuwing aalalahanin nya, ayiii.

      hala, pinagkwentuhan natin ‘yan dati sa email re: your comment sa old essay post – Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko. o, tanda mo? o, yon… regards and cheers. thanks for coming by.😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s