Isang Biyernes ng hapon

 

Makulimlim ang hapon at kapag dumungaw ka sa bintana ay makikita mong may ilang bahagi ng langit na maliwanag samantalang ang ibang mga ulap ay nagkukumpulan sa dilim. Nagbabadya na namang uulan…* May mapupuntahan kaya ngayong Biyernes – may tatawag para mag-ayang gumimik, may mag-iimbita para magkape o uminom o magkakasya sa makikipaghabulan sa sasakyan, bubunuin ang trapik ng Biyernes? Pagkatapos, sa bahay para magbanlaw ng damit, magluto, pupunta sa drugstore tapos, manonood ng Bubble Gang? Alin kaya?

 

image of a highway in the Philippines during the rainy season

Makulimlim na ang mga hapon kapag tag-ulan at madilim naman ang mga kalsada kung gabi/ article.wn.com

 

Noong Lunes ng gabi, habang nasa may labas kami ng pinto ng bahay ng Ate namin, nasabi ng nakababata kong kapatid, walang kamukat-mukat – patay na raw si Maita Gomez, ‘yong beauty queen na namundok. Atake raw sa puso. ‘Bata pa sya, ah?’ Yon lang ang aking nasabi. Sumagot ang kapatid kong oo, 50s lang daw… Mukhang sa balita sa cellphone nya nakuha – sa Twitter o sa Yahoo News. Medyo napatanga ako.

 

image of Maita Gomez in the late 60s, a Filipina beauty queen

Matangkad siyang babae, pronounced ang bibig at malalalim ang ukit ng mukha/ pageant-mania.ephpbb.com

Naalala ko si Maita, una ko syang nakita  sa UP Manila, sa Padre Faura campus sa Maynila. Bumalik yata siya noon sa pamantasan para mag-aral. Year 2000 na no’n o, mas late pa. Andoon ako no’n sa campus, dumadalaw sa mga kaibigan at ilang kakilala. Enrolled daw si Maita, that time. Sa malayo ko lang sya no’n namasdan – matangkad na ale, maputi at mukhang poised. Beauty queen nga ang itsura ng Miss, ibang magdala ng sarili… Gano’n lang ang una kong impression sa kanya. Nanay sya ni Melissa Perez Rubio, one time sweetheart ni Richard Gomez…

 

Ilang taon ang makalipas, masasalubong ko siya uli, malapitan na… Ang alam ko, naka-graduate na siya noon sa college at nagma-Masters na yata. O, tapos nya na ang Masters niya noon?.. Na-engkwentro ko siya sa isyu ng Freedom of Information Act (FOI), 13th Congress. May grupo sila noon, isa sa mga masisidhing nagtutulak na maipasa na ang bill. Ang boss ko noon, advocate ng trasparency in governance kaya kasali ang tanggapan niya sa mga ganoong simulain. Hindi ko na matandaang maigi, pero ang grupo yata nina Maita ang nakipag-set ng meeting sa opisina namin para i-discuss ang agenda nila. Ako ang naatasang dumalo. So, na-meet ko si Maita Gomez at ang mga kasamahan nya.

 

Starstruck ba ako? Medyo siguro… Ang tangkad nya at mestisa sya, oo,  iba ang mga ukit ng mukha. Saka, maganda siyang maglakad. Medyo may edad na rin syang tingnan, pero pagtingin mo, parang alam mong siya iyong aleng pagkakaganda noong araw, haha. No’n, naalala ko si Heber Bartolome – medyo maiksing mama, kulay kape ang balat at native na native ang features, haha. ^^ Ang salbahe ko… Pero, gano’n nga yata, napaisip ako kung ano ang misteryong naglapit sa dalawa. ^^

 

image of Maita Gomez, former beauty queen turned rebel turned activist

Sa pagkaalala ko, makwento syang ale at puno ng energy kung makipag-usap/ remate.ph

Sabi ng ibang taong nakadaupang palad na dati ni Maita, kadalasan daw ay tahimik ang aleng makisig magdala ng bestida… Pero ang na-meet ko, medyo makwento, medyo agresibo at oo, may pagka-gregarious. Siya ‘yong tipong kukulitin kang maigi, parang “Let’s move this,” ganyan… Kung magtalakay siya ng mga bagay-bagay, may pagka-exuberant. Sa isang banda, parang nakakamangha ang enthusiasm nya…

 

Noong time na ‘yon, ang Freedom of Information bill, alam ng mga gaya naming tagapagpastol ng mungkahing batas, medyo malayo pa sa ma-a-aprubahan o maipapasa. Pero parang kay  Maita, hala, parang makakalusot na ito agad, ahaha. Natatandaan ko ring kinuha nya agad ang cellphone number ko, ibinigay sa ‘kin ang sa kanya at sa isa pang kasamahan nya. Two days later, tatawagan nya ako at kukulitin, para bang ako ang nagpapatakbo ng Kongreso ng Pilipinas, haha. Nag-meet pa kami uli nina Maita ng dalawang beses yata, pagkatapos – sa isang meeting tungkol sa FOI pa rin at sa isang symposium sa Crowne Hotel ba sa Galleria o doon sa katabi? Basta…

 

 

Noong Lunes ng gabing iyon, masasaya kami – isa sa masasayang pagtitipong nare-recall ko ngayong taon. Andoon kami sa bahay ng pangalawa kong kapatid, ang kapatid naming pinakamatagal na dito sa Kamaynilaan. Dumating kasi ang panganay naming kapatid na sa probinsya naninirahan, kasama ang panganay niyang anak at ang panganay naming apo sa pamangkin. Itong una naming apo, sa Europa na nakatira. Limang taon na siya roon at doon na rin siya nag-aaral. Ibang lahi ang Nanay nya, hihi (nagkataong ang panganay naming pamangking saksakan ng itim, mahilig lagi sa mga mestisa). Umuuwi si apo rito sa Pilipinas tuwing Hulyo, summer sa kanila at bumabalik sa Europe tuwing August. Masaya kami kasi unang pagkikita-kita namin ngayong taon noong Lunes ng gabi. Shaks, dalaga na siya – magti-thirteen this year. Baby ko ito noong araw, as in…

 

Tanda pa nya ang kanyang Tagalog, nasasabayan pa nya lahat naming usapan. Pero hindi ko na siya mapakanta ng kanta ni Carol Banawa, ‘yong may “iingatan ka, aalagaan ka.” Apat o tatlong taon ang nakakaraan, napapabirit ko pa sya no’n…  Siyanga pala, mas tumangkad na siya, isang inch na lang, kapantay ko na. At may mascara ang mga mata ng bruha! Sabi naman nya, hindi raw siya naglalagay ng ganoon sa school, ayon…

 

image of our eldest grandniece with her friend

Ang apo namin, nasa kanan. Kaibigan nya ang kasama sa larawan. Mas simple syang gumayak sa pang-araw-araw (pam-Facebook shot ‘to, hihi).

Tinanong ko kung nagli-lipstick na sya – kung blue o black, haha. Di raw. Di pa raw… Ay, nakahinga kami ng maluwag. Iyon kasi ang malaki naming fear, baka Gothic na ang precious naming apo, haha. Pero, di pa naman. Pink na pink ang mga pisngi nya, kamukha na sya ng mga kalahi nya, shaks. Iba rin nga pag nahahanginan ng bundok ng Alps, haha. Dati kasi, kitang-kita pa ang Pinay features nya. Di na gaano, sayang…

 

Medyo fluent siya sa English at maging sa lenggwahe ng mga Nanay nya. Tapos, tinanong ko kung may French lessons sya. Oo, raw. E, di, pinagsalita namin siya ng French, trip-trip. Maalam nga… More than 20 years ago, nag-aral din ang lola nyo ng French sa loob ng isang taon, non-credit units. Ahaha, partida ‘yon, French talaga ang teacher namin, visiting professor na lagi naming kinukulit. Pero, since sobrang tagal na, di na ako marunong ng tamang pronounciation, shaks. Tunog Tagalog ang French ng lola nyo, as in…

 

Pero ‘tong si apo, marunong… tama ang grammar, ang pagbigkas at ang diction – kaloka. Tapos, ako naman ang pinagtawanan, feeling nya, saan ko nakuha ang French na pambundok? Ang bruha lang ng bata… Pero, baby pa rin sya – nagpasubo pa sa kapatid ko noong kumakain. Tapos, nagpabalat pa sa ‘kin ng santol. Saka kami umakyat para ipakita nya sa ‘min sa YouTube ang friends nya at ang kanyang “special friend,” haha. Ang laki ng buntong-hininga ng Tatay nya nang marinig na friend at hindi boyfriend si special friend, haha.

 

 

May nabasa akong English blog ng isang American citizen kanina. Tipong musings sa buhay-buhay… Sabi nya, kahit saan daw sya pumunta, she is being marketed to. Parati raw syang pinabibili ng kung anu-ano. Lagi raw sabi ay bumili ka nito kasi ito ang produktong may lifestyle, ito ang kahulugan ng quality life. Bakit daw sa bawat sulok halos na puntahan nya ay inaalok siya ng Coach bag? Hindi raw nya alam kung ano ang simulaing sinusuportahan nya sa bawat produkto o serbisyong binibili nya.  May payo siya, siyempre, na hanggang maari, i-restrain ang sarili sa pagbili-bili.

 

image of a poster saying what will carry humanity through

Mapagbigay raw na puso, mabait na pangungusap at buhay na laan para maglingkod ang magre-renew sa humanity / ashwinikartike.blogspot.com

 

Tapos, sabi nya, matanda na sya (40s) at alam nya nang ang daming mali sa mundo. Na kailangan ay bawasan ang galit at dagdagan ang compassion. Na dapat nating maintindihan na pare-pareho tayong mga tao, magkakaiba lang sa klase ng misery na pinagdadaanan – starvation, psychological isolation o depravation. Sabi nya, she eats way too much daw, she thinks unkind thoughts. Medyo pagod na raw sya, parte marahil ng kanyang moral outrage. Baka raw hindi nya na gustong baguhin ang mundo one person at a time, baka raw gusto na lang nyang maraming makasamang fellow sufferers –  gazing inside and out, para makita gaya ng nakikita nya, nothing but pain and beauty and mystery. Sabi iyon no’ng blogger… ^^

 

Magandang Biyernes ng gabi sa inyong lahat! Happy weekend…😉

 

* Ahaha, di nga pala simpleng ulan – bagyong may kai-kainamang ulan ang dumating, hanggang sa sumunod na araw.  ^_^

14 thoughts on “Isang Biyernes ng hapon

  1. Sa isang maulan (at bumabagyong) araw, ang iyong kwento ay aking nakasama…

    Natuwa at nalungkot sa iyong paglalarawan kay Maita Gomez (parang di ako familiar sa kanya, parang ang beauty queen na narerecall ng aking kabataan ay si Melanie Marquez, hmmmm pero aking iniisip…)

    Mas natuwa sa iyong paglalarawan sa iyong apo. Cute sya ha? Sabi mo nga mana sa mga kalahi, kaya maaring ang kanyang wangis ay wangis mo rin, at least some of the prominent features. Mukhang tama ang aking hula, ikaw ay maganda, sa loob at labas…(ehehmmm… kakagutom)

    Natutuwa akong marunong pa rin siyang mag Tagalog. That way she is in touch with her roots. A Filipina with mixed features but nonetheless, Filipina by heart.

    Ang aking mga anghel ay binabaan ko na rin ng mandate. Speak Filipino inside the home. Kasi Speak English and Mandarin sila sa school (natutuwa na rin ako na may iba silang lenguwahe, tataas ang kanilang market value sa panahong sila na ay maghanap din ng work pero ayokong makalimot sila sa aming kinalakhang salita – Tagalog at Kinaray-a, the deeper Ilonggo. hmmmm… kahit wala na kaming accent, ayos lang at least nakakaunawa ng dayalekto, importante yun for me)…Pinasulat ko pa nga ng essay sa Tagalog ung isa. Ginawa naman pero ako din ang tanungan mga Tagalog words. In short, ginawa nya akong English-Filipino dictionary habang siya ay nagsusulat at ako naman ay may ginagawang kung ano ano. Pero nagawa nya, natuwa naman ako.

    Maulan, makulimlim, medyo sumasabay ata ang aking damdamin… pero depende din di ba?

    Dati, pag umuulan, aliw na aliw ako sa tunog ng bumabagsak na patak sa bubungan, minsan parang baliw lang, nakahiga at sinusubukang bilangin ang patak. tapos ngingiti dahil hindi talaga manalo sa langit. Nakikipaglaro sa ulan, sa langit, sa aking isip…

    Dati, ang sarap tumakbo at damhin ang centralized shower mula sa langit. Malamig man ang dumadamping tubig, di alintana, dahil napakasayang nakikipaghabulan sa mga kaibigang kasing sira ko rin.

    Dati ang laki ng pasasalamat na may ulan dahil makakapag ipon na naman ng tubig sa mga drum, pandilig ng mga halaman kapag mainit, tipid sa Nawasa.🙂

    Ang daming magagandang alaala din naman ang ulan… bukod pa na sa bahagi ng Pilipinas na kung saan ako naroon, tuwing umuulan, may bagyo man o wala, bumababa ang langit…. ang fog ay yumayakap sa lahat ng maybuhay at walang buhay na likha ng Panginoon.. Feeling ko ako ay nasa langit na rin..

    Gandang araw sis!

  2. hello, chilled honey! ang ganda ng narrative mo, di ko na dadagdagan o sisirain… katatapos lang umulan dito sa amin. nahugasang maigi ang paligid. ako naman ay nagsusulsi ng damit, haha. maya-maya ay lalabas para sumagap ng atmosphere ng bagong ulan at magtingin-tingin ng kung anu-ano, hihi… have a good weekend – you and your loved ones!😉

  3. Hello maulang saturday! Ang ganda naman ng apo mo, iniisip ko kung ilang taon ka na. Pero parang ang cool mo na nilalang.

    Gusto kong mag-aral ng ibang lenggwahe kasi nakakatuwa yung mga ibang salita pag alam mo, parang ibang mundo siya. Kasi sa ibang wika, parang ibang kultura, may mga salita sa Tagalog na maaaring offensive sa kanila. In time, makakapag-aral din ako ng ibang salita. Sa ngayon masaya na akong marunong managalog, umingles, at magbisaya.

    • hello, athina! hala, bagyong -bagyo kamo… yan mismo ang ginawa ko ngayong gabi, naglinis ng mga parte ng sahig na natuluan ng ulan, shaks… ^^ cold ako ngayon, ‘indi cool, hehe. ^^

      salamat, oo, medyo maganda sya… lately, better pa than sa pic (mukha pa syang pinay dyaan). mukha na syang foreigner ngayon, kamukha na rin ng friends nya sa europe, nahawahan, hihi.

      oo, masarap na mahirap mag-aral ng foreign language. lalo na sa umpisa, pag conjugation – pahirap, as in… oo, ibang kultura nga, ibang context at ibang ways rin ng mga tao… pag mag-aral ka, better kung tuluy-tuloy – indi one sem or one yr. lang… hah, marunong ka ng bisaya? astig!😉

      • Yes! Dahil ang nanay ko ay taga-Bohol at medyo tumira ako doon mula nung pinanganak ako hanggang nung bago ako mag-grade 1. 5 or six years old ata ako nung lumipat kami dito sa Manila. Tuwa ko lang na hanggang ngayon kaya ko pa rin siyang bigkasin kahit papano, kasi lagi din siyang ginagamit sa bahay namin. Ayoko kasi ng mga nakakalimot ng mga wika/dayalekto, parang ang ungrateful naman sa pinagmulan mo. Kaya maganda kung mare-retain kahit papaano🙂

        Gusto ko mag-aral ng espanyol, kasi matagal na akong nagagandahan sa salita nila, parang lahat madamdamin. Tapos gusto ko rin mag-aral ng nihonggo, kasi para hindi na ako magbabasa ng subs habang nanunuod ng mga anime, hehehe. At French din kasi parang lahat ng salita masarap.🙂

      • oo, nabasa ko ang posts mong may mention ng Bohol, ahaha. iyon ang lugar na sobrang ganda,as in… ang galing, tanda mo pa ang wika ng mga magulang mo. ako rin, payo ko sa mga kapatid ko, turuan ng mother tongue ng parents nila ang mga bata, mga pamangkin ko – kaso, di nila nagawa, ahaha.

        ahaha, aliw, ang dami mong wikang gustong aralin, hihi. okey ‘yon, basta i-program mo kung kailan at paano mo mailulugar… ang spanish, french and italian, magkakamag-anak na languages, kapatid. lahat sila ay latin-based. more or less, pare-pareho ang conjugation, may slight differences lang sa usage, ayon…ang nihongo, medyo mahirap. nag-try ang kapatid ko before. tatlo kasi ang aaralin do’n – ang traditional calligraphy, ang short-hand and long-hand. almost singhirap daw ng mandarin. pero, pero, pag interesado ka talaga at ilulugar mo, any language naman yata, natutunan din, over time. ^^

        salamat sa pagdaan uli, ha. have a great week, dear!😉

    • ah, oo, naaliw at honored din akong ma-meet sya. sila ni nelia sancho na certified kagandahan (hihi) at accepted sa high society pero, have chosen to take non-traditional path, ‘ika nga… nakakatuwa si Maita kasi, nag-aral pa siya uli at nag-take up pa uli ng causes – di na sa bundok pero, lumaban pa rin at may energy and poised pa rin, which is rather unusual, kumbaga… ^^

      salamat sa pagdalaw at sa mga ibinahagi, hoshi… hope things are well, ngayong tag-ulan.🙂

    • oo, nga… bata pa rin ang 50s, di ba? i hope she’s finished what she had set out for herself to do, sana…🙂 ahaha, salamat, pot… ikaw na ang maraming talent, kapatid, hihi… curly brown hair talaga ang apong bruhita. ang nasa pic ay pinalantsa ng half day para ipanlagay sa fesbook, ahihi… ^^

      salamat sa pagsilip uli. spend the week cheerful, kapatid! regards sa ‘yow…😉

  4. Grabe tatlong kwento sa isang hapon ng biyernes. Di ko kilala si Maita, pero gusto ko na din ipasa nila ang FOI, ang tagal na pala nung Bill na yun. Parang RH Bill lang din. Hakhak. Wala na, natalbugan ka na ng apo (?) baby niyo. Hahaha. At bumubruha ka pa dyan. Kaloka. Buti naaalala ka pa niya at taun-taon pa nakakabisita. Waw. Dapat pinasali mo sa Olympics. Hakhak. Maganda yung sinasabi ng blogger na yun, kelangan natin ng compassion para buhayin ulit ang humanity. Yey! Kwento ka pa!🙂

  5. hello, batopik… halata bang bored at walang matinong ginagawa? ^^ beauty queen si Maita noong late 60s tapos namundok shortly after, ayon… ahaha, mas matagal na ang RH kesa sa FOI, dear. 17 years na ito in the making, sa pagkaalam ko (spanning 6 Congresses and 17 regular sessions). sa promulgation nagtatagal at sa opposition ng church, pati… ^^

    ah, naku, wala akong sinabi doon sa apo – kamukha sya ni drew barrymore noong bata and ngayon, si alicia silverstone na, hihi lang. mas lamang sya sa kamalditahan sa ‘kin, no?😉

    aba nga naman, may salespitch din ang isang ale sa compassion, hakhak…😉 o, ikaw ang magkwento sa bahay mo, kapatid. magbabasa me… have a fun weekend!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s