Kayo po ang pipili

 

Hello, mga ka-blogs!  Kwento ko sa inyo… dito na sa blogging na-revive ang interest ko sa tula-tula. Oo, noong early 20s ang lola nyo, isang daang taon ang nakalilipas, hehe, 18 years ago, hilig kong gumawa ng tula-tula sa Tagalog.

 

image of the poet, Rainer Maria Rilke, known for his imagery and diction

Maraming mga kabataan noon sa pamantasan ay nagbasa ng mga sinulat ni Rilke/ paratheatrical.com

Ang uso ng panahong iyon ay sina Pablo Neruda, isang Chilean poet na sikat at Rainer Maria Rilke, isang German poet na mahusay sa imagery and diction. Maraming estudyante at kabataan no’n, nagbabasa ng Rilke at may mga dala-dalang libro ni Nerudang Twenty Love Poems and a Song of Despair.  Saka, ang iba noon, may casette tape pa ng recorded reading ng mga tulang iyon. Haha, oks ba?

 

So, nakikibasa rin ako ng Rilke, haha. Cool no’n ang magbasa ng German authors – kaylalalim. Tapos, ang mga tula naman ni Neruda, ginagawan ko ng sariling version, ahihi. Ambisyosa ba? Medyo nga… Ang katwiran ko, di naman ipa-publish – sa mga kaibigan ko lang ipapakita. Ganoon nga ang nangyari. Pana-panahon, kukulitin ko ang mga kaibigan kong walang magawa kundi pagbigyan ako, haha.

 

image of the Chilean poet, Pablo Neruda

Madadamdamin ang mga tula ni Pablo Neruda kaya mabilis makahatak sa mga kabataan/webdesignstuff.co.uk

Mga dalawang taon siguro ‘yong ewan kong attempts. Marami-rami rin yata ang naisulat. Pero, ilan lang ang mga kopyang nag-survive…  Tapos, naging magulo na yata ang buhay ko, haha. Basta, kinalimutan ko muna ang pagtula-tula. At least, ‘yong ganoon ka-conscious na pag-upo at seryosong pagsusulat ng mga tula.

 

May ilang pagtatangka pa rin naman within 16 years, siguro… May taong makakagawa ng tatlo hanggang limang tula, may mga taong maski isa, wala. Walang output. Nada, as in… May limang taon pa yata roong wala talaga. Di ko maalaala kung busy ba ako noon talaga, sa buhay kong liko na pilit itinutuwid, haha, o wala lang…

 

Basta, dumaan sa feeling ko, mahirap ang tula bilang isang anyo ng sulatin. Di siya kagaya ng prose o essay na sandaling panahon lang, kinakayang makapaghabi agad kahit paano. May mga panahon pang inisip kong wala na talaga – di ko na maibabalik ang kakayahang tumula gaya noong early 20s. Frozen ability na, kako. Medyo ganoon ko siya itinuring…

 

image poster saying poetry is hard and sometimes could be pulled off by rhyming

Dumaan din sa mga panahong tila walang matinong taludtod na maisulat/ mysterywritersunite.blogspot.com

 

Noong bandang huli ng 2010, blogging na ang lola nyo – naalala uli ang paggawa ng tula. Nakakakita kasi ng ka-blogs na may posts na tula. As in, tula! So, sumubok uli ang inyong abang lingkod… Himalang nakagawa, yehey! For some reason, hindi yata gaanong mahirap. Parang natural na dumadaloy ang mga taludtod, ewan ko… ^^ Tapos, ayon, nagtuluy-tuloy na. Simula late 2010 hanggang ngayon, nakagawa na rin ng ilang dosena. Sa Tagalog ang mas marami.

 

image of rain droplets symbolizing the writer's ideas for poems

Kung minsan ay mas madalang pa sa patak ng ulan ang pagdating ng mga ideya/ damiengwalter.com

 

Naging in touch yata ako sa poetic side of me, nyehehe… Basta, naaaliw din akong nakakabuo na pala ng mga komposisyon sa paraang patula.  Isinusulat ko sila sa papel, gamit ay lapis, ahihi… Kaya ayon, medyo itinuturing kong miracle na naihatid pabalik ng blogging ang interest kong humabi ng mga tula.

 

image of two chickens talking about poetry

Hindi rin yata tuwid at makinis ang daan pabalik sa bahagi ng sariling tumutula/ hispirits.blogspot.com

At least one-third yata ng mga naisulat kong tula, nailathala na bilang blog posts. Noong una, hindi ko talaga sila balak ilathala, pansarili pa rin lang sana. Lalo na ang mga tulang ukol sa love realized at piyesang dreams come true? Nakow, gusto kong itago at ipagbabaon, haha…  Pero, nakakatuwa  ring medyo marami naman yata ang nakaka-appreciate ng love poems na inilathala dito sa blog.

 

Ayon, may ilang pamagat ng tula akong ihahanay dito. Love poems, siyempre. Iyong malulungkot at mapapait para windangers ng konti – ang sama…😉 Actually, mayroon ding hindi love poems sa imbakan.  Pero, sus, mas gusto nyo ang may himig at tinig ng pag-ibig, patatawarin…^^  Kaya ayon, mga kapatid,  ang hiling ko, kayo sana ang pumili kung alin ang ililimbag natin ngayong buwan. Isa lang ang pipiliin, ang makakuha ng pinakamaraming boto, siyang ilalathala –

 

namumulot sa kawalan – inspired ito no’ng Korean film na may lake. ukol ito sa pag-ibig na di kayang ibalik, huhu. nananaghoy ang drama ng mga taludtod. ang take-off  ay ang tulang Nananawagan na inilathala sa suspended site.

 

Sa sangandaan ng buhay – sa tunog pa lang, halatang serendipity ang plot nito, haha. chance meeting na tumuloy sa naging sila. sa dulo, hindi na rin sila.

 

yakap sa kupas na alaala – pagbabalik sa mga pasaway na alaala ng pagmamahalang akala ay panghabambuhay ngunit hindi rin naman pala.

 

sa mga panahong naiinip ang puso – pagtatangkang ilarawan ang pakiramdam ng isang naghihintay na naiinip, ng isang nagnanais makatagpo at matagpuan.

 

Wala kang binitiwang pangako – isang pag-iibigang nakasulat sa kasaysayang isang araw ay mabibigo, tutuloy sa hiwalayan.

 

salansan – tungkol ito sa buhay-buhay sa araw-araw na minsang dinalaw ng makulit na pag-ibig upang sa huli, ibalik  sa dati – loveless. shaks…

 

labis ang pangamba – isang paglalarawan paano ang batang pag-ibig, anu-ano ang dinaraanan nito at paano ito dinadala. lumang tula pa itong medyo ni-retouch lang. ‘yon lang, di ko sure kung maganda ang kinalabasan, haha.

 

Pili kayo ng isa lang, mga kapatid. Ang pinakamarami ang makuhang Ayiii! iyon ang ililimbag natin. Pakilagay sa comment section ang pamagat ng tulang inyong napupusuan. Maraming salamat po.😉

 

109 thoughts on “Kayo po ang pipili

  1. sa mga panahong nainip ang puso, labis ang pangamba sa sangandaan ng buhay. habang namumulot sa kawalan, ang mga yakap sa kupas na alaala ay salansan.. subalit wala kang binitiwang pangako.

    hahaha, anudaw? lahaaaat na po!😀

  2. Nais ko sana mailatha mo ang lahat-lahat (pasaway talaga ako). Bakit tila ata lahat ay sinasaklawan ng kabiguan? I-share ko lang ha, nang nakaraang nag start ako mag-blog, nitong marso taong kasalukuyan (actually last week of february 2012 pero wala pang entry), nais ko lang sana pakawalan ang ilan sa aking mga saloobin. Ang totoo un bang mga mabibigat na saloobin lamang, ngunit tila naiba ang hihip ng hangin. Sa aking palalakbay sa ibang WP blog, nagbago ang aking pananaw, nakita ko at nadadama ko ang iba’t-ibang mga katha na may mabigat na kalooban. Ayun, sabi ko sa sarili ko, “iba pala ang dating ng panulat, maari makapagpa-alab (aggravate) ng isang masidhing damdamin”, kaya nagpasya ako na baguhin ang tema. At dahil dyan ang sabi ko, “pipilitin kong huwag na huwag mag susulat ng mga negatibong pananaw at damdamin, hanggat maari, kasi baka pag nabasa ng ilan, lalo na ng parehas na pinagdadaanan, mas lalong maka-apekto sa kanilang kalooban.” at iyon pilit na pinu-puno ang “cup ng noodles” ng mga kasiya-siya at kaaya-ayang mga tugma at mga kaisipan. ngunit may mga panahong nalilihis talaga sa “nais”, sigh. kaya kung iyo ring mapapansin paiba-iba na rin tema ng “noodles” ko, may matamis, may maasim, may maalat, may mapait, at may maanghang. pero anu’t anu paman, lahat iyon ay mula sa aking malalim na kaibuturan, ang pagtatagpo ng isip at puso, iba ang kapangyarihan.

    siya nga pala, ito ang isang halimbawa ng isang negative view, alam nyo bang ang tagal ko itong itinago bago inilathala, kung gaano ko ito kabilis nagawa ay siyang sobrang tagal bago ko napagdesisyunang ipaskil, actually nauna pa ang remake nito na inilathala ng isang paru-parong marikit, ito ang aking orihinal na katha:

    https://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/06/13/balatkayo-nga-ba-ang-buhay-ng-iba/

    at narito ang remake (remake na naunang nailathala, kakaiba ano, nauna ang remake, hihihihi – parang ung sequel ng star wars lang, nauna ang dapat mahuli, tama ba?)

    http://chilledhoney.wordpress.com/2012/05/06/balatkayo-nga-ba-ang-buhay-ng-iba/

    dito na lang muna. masyado napahaba, ewan ko ba.. at nais ko itong iwanan, isang halaw sa isa sa aking mga katha:

    “Ang bugso ng damdamin, mabilis pabigla bigla, madaling isatitik bago mawalang parang bula.”

    • hello, Cup… glad to see you around again, kapatid… ahaha, di pwede, e… medyo naipaliwanag ko iyan doon sa Hello world – bakit pana-panahon lang ang mga tula bilang posts.

      ang dahilan naman bakit nakawiwindang na love poems or more accurately, poem of despair, ang selection – ipinaliwanag ko na sa post sa itaas, kapatid. ^^

      hmnn… ukol naman sa sabi mong negative view, hindi naman, wari ko… basta, “tempered” sila. maski ukol sa relasyong di nag-work out. hala, di ko rin hilig ang spite… ang medyo pasaway ko nang nagawa ay ang post na Kwentong Tabi-tabi, ahaha. ^^

      salamat sa paalala, kapatid. oo,sa blogging – spread cheers around ang bilin… ^^ actually, sa mga tulang nakahanay, ang medyo mabigat lang ay ang Wala kang binitiwang pangako… generally, medyo funny pieces sila… 😉

      much appreciated ang paalala at maging ang mahabang comment. regards and cheers!😉😉

      • siya nga pala, sorry, di ko nais hadlangan ang iyong mga naisin ipaskil ha, isang paglilinaw, nais ko lang mai-share ang aking ideya, iyon lamang po, wala ng iba. at dahil ako’y pasaway, nais ko rin talagang mabasa ang lahat-lahat.

      • ay, no problem, kapatid… basta di negative ang mga komposisyong nakahanay sa itaas. maging iyong Wala kang binitiwang pangako, may pagka-informative post – it is actually about finding the definition of love – ayon… pag natuloy na ilathala ko sa ibang medium ang compilation ko ng mga tula, siguro, baka mababasa mo rin, ahaha. hello, Cup!😉

  3. siya nga pala, ang katha mong tabi tabi ay aking nilakdangan, di ko muna talaga binasa, haha. kaya pala nagpahiwatig sa akin na wag muna basahin kasi may bitbit pala iyong “pasaway” na bagahe, sa iyong pagbibigay ng babala, hindi ko muna ito babasahin sa ngayon.

    • ahaha, ayos lang. di naman ako ang pasaway sa Kwentong Tabi-tabi kundi iyong bida – si Teh. maraming nagiliw down… nalagay siya sa bandang itaas ng Freshly Freshed, kainaman… ^^ di rin yata sya bagahe. tingnan mo na lang isang araw, pag feel mo, ahaha… have a good day, Cup.🙂

  4. Gusto ko pa naman ng mga dreams come true. Yakap sa kupas na alaala, nakaka-relate ako, joke… Kasi emotera ako, echos! Hahaha!

    Ako din nagtutula-tulaan, tapos nawala, tapos meron ulit, tapos nawala na naman, ayon inabandona ko na yung tambakan ko ng kaechosan ko, hehehe. Tapos nahihiya na ako, ewan ko. Hindi pa ako nakakabasa ng madaming tula. Si Edgar Allan Poe, meron ako kaso natatakot ako kasi parang malulunod ako.

    Magandang umaga!

    • ahaha, di pa yata ako nakapag-publish ng tulang dreams come true dito sa SSA. sa DPSA yata, meron… pero ang alam ko, di lang may mga ka-blogs na kinilig sa mga ‘yon, may ibang mga nag-blush for me |mga salbahe ;)| ah, yes, Yakap sa kupas na alaala is a rather long and mature piece, may pagka-adult contemporary poem – it’s about coming to terms with a failed relationship – yown…

      ahaha, sulat-sulat ka pa rin ng tula – why not? nagbasa ako dati ng works ni Edgar Allan Poe – prose and short stories. ang galing nya pero medyo eerie talaga ang works nya, as in… ^^

      hello, akda! kumusta you?😉

  5. ako sana ay mananahimik ngunit ang tema ng usapan ay nagsabi sa aking bumangon at tumipa. Mas di ako matatahimik kung ako ay mananahimik. Kaya aking babasagin ang aking disiplina at paninindigan.. Magpasaway na lamang.

    Sa aking pananaw, pasensya na kung sala ha at kasalukuyang di rin sigurado sa pagtipa, ang paglalathala ng mga akdang bunga ng pag-iisa ng isip at damdamin ay pagbabahagi ng mga kaisipang sa aminin natin at sa hindi, ay maaring ikasiya ng iba o maari ring magdulot ng negatibong reaksyon at damdamin. Kung paano ito tatanggapin ng mambabasa, di natin talaga malalaman kung hindi mag iiwan ng bakas ang bumubisita sa ating pahina. Kadalasan, nakakatanggap tayo ng papuri, pagdamay, pag sang ayon… Minsan may nagbibigay ng paalala at dis-gusto.. Ano man ang bakas, hindi natin saklaw ang damdamin ng mambabasa, gayunding di saklaw ng mambabasa ang damdamin ng may akda.

    Kung kaya’t sa aking abang pananaw, ano man ang ilathala, ano man ang istilong gamitin, ang paglathala ng akda ay ipinakikipagsapalaran natin at talagang ‘subjected’ sa ibat ibang opinyon, damdamin at pagtanggap ng mambabasa. Ang pinakamahalaga lamang ay ang may akda ay nagkaroon ng laya sa pagsasatitik ng kanyang karanasan, damdamin, kaisipan, at alam niya ang tunay na kahulugan ng kanyang ginamit na mga kataga, hinabing talata, parirala, at pangungusap.

    Ang paglikha ng tula ay maaring isang blessing kung ito ay nagagawa spontaneously – dumadaloy ng malayang malaya ang mga salita at tila sila na ang naghahanap ng kanilang lugar upang mailapat ng kagandahan -ano man ang dalang damdamin. Mayroon namang hindi ito ang gamay, mas nakakapaglabas ng ideya kung ito ay sanaysay, may structure o freeflow man. Depende ata sa istilong mas kinagagaanan.

    Ano man ang iyong ilathala na tula, ako ay magbabasa.

    Salamat sa espasyong ito na aking nagamit, Saliw.

    • hello, chilled honey… glad that you visited, kapatid. sus, no problem na mag-impart ka ng pagtingin sa usapin – kung nakakapagsabog ba ng negative o positive na pananaw ang mga sulatin sa blog. well-appreciated lagi ang ideas mo, sister.🙂

      una ang pagbabahagi. tama ka – ang laki ng sharing as objective ng blogging. to share and impart experiences, views and opinions to readers in a personal way. possibly, to find identification and affirmation sa ibang makakabasa. to validate – ‘yon yata ang usual na term… ^^

      ikalawa, pag tayo naman ang nagbabasa, bumubukas din tayo sa possibility na maka-identify sa isini-share at ini-impart ng iba. we also affirm and validate the other bloggers’ experiences, views and opinions through our comments and likes. nakiki-share din and we do it in a personal and very public way. we make our opinions, preferences and tastes public, kumbaga..

      ang ganda ng sabi mong ang blogging ay isang pakikipagsapalaran. agree ako sa ‘yong malaki, as in…^^ sabi nga sa old wisdom, one cannot please everybody. so, paglathala mo ng isang sulatin, alam mo na agad na may makaka -identify sa mga pinagsasabi mo (haha) at merong hindi. posibleng may mag-oppose strongly. meron ding maiinis lang silently o kaya, magtataas ng kilay.

      also, magkakapareho at magkakaiba ang mga tao – sa backgrounds, sa pananaw at sa pagpapahalaga, ‘ika nga.that’s what makes blogging both interesting and risky as an endeavor. a blogger makes his experiences, views and values public and they are also praised, criticized, shamed (at times) and tested publicly. na malaking pagkakaiba kung isinulat o sinabi lang sila privately or sa limited consumption ng mga kamag-anak, kaibigan o kasamahan.

      may times na ang mga isinusulat natin ay mapupusyaw, oo. pero, may mga pagkakataon ding matapang at radikal – strong opinions… in that case, posible talagang may maantig ng husto – negatively and positively. pwedeng i-rehistro rin ng reader (na blogger) ang strong opinion niya sa certain posts strongly in favor of or strongly against the views written and held by a blogger.

      level-headed and pluralistic discussions and discourses sa blog?marahil,oo, kung mag-i-stick tayong discussion on the plane of ideas…kumbaga, pwedeng i-condemn o i-praise to high heavens ang espoused ideas sa post/s pero hindi kasama ang blogger na nagsulat. may pagka-academic and clinical… pero, mahirap ‘tong gawin at i-achieve…kasi yata, blogging is personal – nakasalang pareho sa posts natin ang ating ideas at maging ang ating personal na pagkatao at pakikipag-ugnayan. ayon… ^^

      kumareng honey, sa lumang site na DPSA, regularly meron do’ng blogs about blogging. madalas i-tackle ng lola mo ro’n ay issue of liberty versus licentiousness sa pagsusulat (dyan ko yata unang nakuha ang nosebleed tag, haha). dito, isa pa lang ang naisulat na related sa topic – sa page na may pamagat na Awit, Laban at Pag-ibig – 7pages, haha. ang salespitch sa article, magsulat pa rin tayong bloggers kahit na at kahit pa may cyberconflicts na nade-derive from blogging. ayon, silipin mo minsan, pag relaxed mode ka…^^

      am afraid i disagree that we have absolute liberty pagdating sa pagsusulat sa blogs. may limits pa rin, may consideration pa rin sa iba, wari ko, kapatid. medyo baguhan pa kayo ni Cup, relatively speaking, but in due time, makikita at mararanasan nyo rin siguro and you would learn the ropes, somehow… feeling ko, ha? ^^

      hey, i always appreciate your saying your views and knowledge in a straight, clear and caring way. ahaha, ‘yong huli ata ang importante – ramdam ko lagi…😉 have a good day, sister… daming salamat, mwah😉

      • Wow I thank you for the appreciation… really really encouraging, sister… your words are strengthening my resolve not to stop writing.

        I am sorry, am not a sure writer right now but I know you would understand my ideas though it has no order…

        “tama ka – ang laki ng sharing as objective ng blogging. to share and impart experiences, views and opinions to readers in a personal way.”

        We share ourselves. Others may hide their identity, but the ideas cant hide the type of characters there are behind the gravatars….

        “we make our opinions, preferences and tastes public, kumbaga..”

        We would then find out that we have people within and outside our circle who have taken, in one way or another, the same path that we have threaded on… circumstances may be different, but the process and the lessons may be the same

        “ang ganda ng sabi mong ang blogging ay isang pakikipagsapalaran”.

        It is truly “pakikipagsapalaran”…We are subjecting ourselves to criticisms…positive or negative, we have to be ready…others are not that kind….

      • hello, honey, sister. natuwa akong bumalik ka to reply. baka kako, na-off ka sa long and winding response ko… aliw at hindi naman pala…

        basta, kapatid, all am hinting at, hindi absolute na pwedeng i-discuss maski ano in the kahit paanong paraan din sa blog posts. lalo na pag strongly worded ang views and opinions, chances are, may magri-react at magri-react. and some, not so kindly, as you say…

        hay, naku, kapatid. from experience, things could sometimes get nasty, vicious and out of hand, once disagreements set in. nagkakabatuhan online ng kung anu-ano – allegations, singilan atbp.

        ang malungkot na parte, usually, it happens among people who are seemingly close na. parang ganito, kung sino mismo ang ka-close, yon pa ang likely candidate na maging katalo sa online squabbles. sad… ^^

        pero kamo nga, it’s a risk we take when we write blogs and when we interact. dito tayo at ang ating mga opinyon naisasalang at natatabas din, ahaha. ayon…^^

        siguro, it’s how much one loves writing and what he or she is willing to undergo and go through to make his or her views known to as many… regards, dear😉

      • I will never get tired of reading your posts nor your comments, gaano man ito kahaba… I do appreciate long responses kasi ang feeling ko, my ideas were taken in a context na ito ay naging kapaki pakinabang o ito ay makabuluhan… Very few ang nakakapag comment ng tulad mo. Nakahanda naman ako, tuwing pumupunta sa pahina mo, may dala nang gamot para sa nosebleed…

        Minsan naiisip ko bakit nga ba ako nandito? Nagsusumbong sa pahina sa tuwing ako ay malungkot, nagdiriwang kung ako ay masaya…

        Nung una, sabi ko lang, ang mundo ng blogging para sa akin ay, “an AVENUE for expression of thoughts… a SPACE for someone who is always restricted… a SOLACE when the going gets rough and tough…a BOARD to post reasons to be happy about…. A PAGE WHERE I CAN BE “ME”
        http://chilledhoney.wordpress.com/2012/04/27/para-kay-cupnoodles/

        Isang paraan to get hold of yourself and to be always in check.
        Isang paraan upang saloobin ay matagumpay na maibahagi…

        Baguhan pa nga pareho and yes, we will be able to learn how to hold the ropes or let it go, depending on the situation…Makailang beses ninais isara ang pahina, marahil dahil sa maraming bagay na nakakapagpalumbay. Ngunit, napagtanto, kapag isinara ko ang pahina ay parang inalisan ko ang sarili ko ng kalayaang magpahayag ng mga saloobin…. Tamad akong mag kwento verbally ng paulit ulit kaya mas pabor sa akin na narito ang pahina, naghihintay lamang kung kelan maramdaman ang damdamin, titipa, ayun kathang naglalayag na…

        Hi sis Saliw! Sana ganyan din ako mag isip at mag sulat sa iyo…. tsk tsk, batid kong marami rami pang sako ng bigas ang isasaing….

      • ahaha, salamat. bibihira ang gaya mo, kapatid. most people want the message short and sweet na ngayong mga panahong ‘to. kaya nga, parang tinanggap ko na ring limited audience ang makukuha nitong blog ko… langya ka ryan sa nosebleed, blood transfusion mong ‘yan.😉

        teka, ibabalik ko lang, marami rin kayang sense and interesting ang posts mo? minsan, i have to pause and relax muna bago magbasa sa site mo, ahaha. kasi, may days na tatlong heavy kaya agad ang posts mo? as in… sabi ko, ang taas naman ng energy ng aleng ‘to… saan kaya galing?… ^^

        ako naman, may classmate sa college na sya dating madalas magsabing dapat raw may blog ako sa dami ng aking opinion – walandyo ang aleng ‘to… nang mainggit ako sa asian food channel features, naumpisahan ko ngang mag-blog. so, tungkol sa local foods ang una kong posts, ahaha.

        in another sense, naisip ko rin, it’s a chance to make my views and our family’s life or lives known to my pamangkins. para alam nila saan kami galing… kaya ang una kong site, tungkol sa life in the barrio. ngayon, nag-expand na, sari-saring topic na ang nadi-discuss, di na lang rural ways…

        parang mas marami kang alam sa totoong buhay kasi nag-asawa ka na’t nagkaanak. ako, kokonti lang ang alam ko sa praktikal na buhay, kapatid. mas theories and opinions pa rin ang mas marami… ^^

        naaliw ako sa ating exchanges, as in… btw, alin ang boto mong tulang ilalathala, sister honey? ahaha😉

      • Salamat sa pagkaaliw, Sister Saliw🙂

        Nawiwili ako sa site mo dahil hindi ka madamot magbigay ng tugon. Reply kung reply, punto por punto.

        Actually nagulat din ako sa dami ng views sa site ko. Siguro maraming nakakarelate pag ang topic ay Love (at nakatulong ng malaki ang linking to another familiar site, palagay ko). Un kasi ang mga naunang topics ko. Ang pagsusulat ko kasi ay bugso ng damdamin. Damdamin ang pinaghuhugutan. At there was a time na ako man ay hinahabol ko ang aking mga posts, sa bilis ng pagkakahabi ng mga tula, ako man ay nalulula. Siguro nga dahil inspirado. Sa ngayon, sigh lang muna. Parang biglang nagliyab at biglang naapula, ganun. Malamang matatagalang muli ang parang tren sa bilis na posting. At dahil hindi na love ang topics ko, maaring bumaba na rin ang stats ko, wari ko lang.

        Gusto ko yung mga topics mo dito. Nakaaliw, minsan nakakabaliw din. Informative ang approach mo pero ang pagkakalahad, halo, may light and heavy. Tama ang timpla. Magaling ka. Nakakatuwa. Di ako usually nagbabasa ng mahahabang posts kasi mabilis man ako magreply o maghabi ng posts minsan, yun ay nagagawa sa pagitan ng isang bundok na trabaho sa opisina, isinisingit ko lang talaga dahil baka ako masiraan ng bait kung puro work ang aking aatupagin. (nagjustify ba?). Pero kung maikli nga at di ko naman makuha agad ang message, tabi din muna, pero nagla-like ako matapos kong basahin, parang “thank u” sa nagpost na nagbasa ako ng post nya..

        Marami napagdaanan sa maagang panahon. May katangahan din naman at may pagkacareless, yung sinasabing, di na natuto, parang sa akin ay highly applicable. I consider my self young kasi halfway pa lang naman talaga ako sa buhay ko. Kung may chance, nais ko ring tumatakbo sa tabing dagat, magtampisaw at walang pakialam. Minsan naiinggit ako sa iba na, at this age they are enjoying the freedom of being young, at times. Ako I have to go heavy on responsibilities, sa bahay at sa work. Ang experiences ko, something na sa iba, sa isip lamang nangyayari. Minsan ang tanong ko rin ay bakit kailangan akong durugin? pedi namang hampas-hampas lamang. Ano kaya ang meron para sa akin sa dako pa roon?

        Ang pangarap ko nga sana eh napakasimple, maging plain housewife…gumawa ng anak (gusto ko nga girl, at isang boy pa kung maari, aba sayang naman ang matres kong aktibo), magsisilbi sa mga anak at magsilbi sa lalaking mahal, sa palagay ko kasi, yun ang magbibigay ng lubos na kaligayahan. tsk tsk tsk…

        Maganda ang nagbabasa ng blog posts na swak sa panlasa. Tapos very accommodating pa ang host sa site. Nakakatulong magpagaan ng araw. Kasi di naman peding makipag usap ng ganito sa totoong buhay kung kailan mo gusto… At least dito, pede kahit anong oras mag-iwan ng message tapos, pag may time nang magbukas, parang regalo lang, excited kung ano ang tugon.

        Naku paumanhin ha kapatid? Ayoko sanang magcast ng vote dahil alam kong lahat ng iyong tulang ilalatha ay sasaling sa aking puso sa panahong ito. Baka nga hindi ko muna basahin sa oras ng iyong paglathala, dahil alam kong makakarelate ako at baka masaling ang sugat na aking pinaghihilom. Kaya kung ok lang kapatid, di ako pipili. Tutal alam kong kahit ano pa man ang topic, maganda ang iyong pagkakalapat. Ang problema ay nasa aking damdamin, naiwas muna sa ganyang usapin. (Tahimik akong magbabasa ng mga magiging palitan, pero sige lang, malay natin, mahina ang aking kontrol sa panulat. Kung maramdamang kayang makisawsaw, ako ay makikigulo na rin).

        Ang haba na naman tsaka hmmmm, ang seryoso ko naman….wait lang konti makarecover at sa muling pagdulas ng mga pangungusap, sasamahan din muli ng kulit at ngiti….

        Gandang araw kapatid🙂

      • haha, salamat sa nakakaaliw at nakakabaliw na paglalarawan. hmnn… i like that. 😉 ba’t mahirap i-achieve ang simpleng pangarap? kasi yata, panahon ngayon ng komplikado kaya ang payak ang mahirap abutin…^^ noted, kept and will be treasured ang mga ikinwento mo, kapatid, ha… at ang bruha, nag-abstain talaga sa voting, kainaman…that will also be put on record, your honor, together with the explanation of the vote, ahaha. good day, sister chilled honey!😉🙂

      • Salamat kapatid… emo pa ang lola mo sa paglipas ng mga araw… pasaway pa.
        Di ako makatipa ng may saya ngunit di rin naman napipigilan ang paghahayag ng saloobin…Palagay ko nga, ako pa ay nakakasakit paminsan, paumanhin, mea culpa…

        Darating ang panahong aking babalikan lahat ng pinagsusulat ko dito, dahil ang iyong pahina ay mukhang naging hingahan ko…siguro, mapapailing na lamang at mapapakamot ng ulo…sabay sabing, “tsk tsk tsk, yung lang!”….

        Gandang araw Sis….

  6. Ang ibig sabihin lang niyan e pinanganak ka para sumulat. Kita mo, maski ang tagal mo nang hindi nagsusulat ng tula, parang sisiw lang sayo kasi dumadaloy sa dugo mo. Hakhakhak.

    Namumulot sa kawalan na lang, parang ang lungkot may huhu pa. Hakhak.

    PS. Babasahin ko din yang si Rilke, recommended mo e.😀

    • hala, di ko alam kung tunog blessing o curse ang sabi mong “fated” akong magsulat, hakhak…😉

      ah, cool ang namumulot sa kawalan – certified nakawiwindang (about loss) pero may humor, ahaha. kung nabasa mo ang tulang Nananawagan (light poem ito), dugtong ‘to ro’n… ^^

      ah, oo, magaling si Rilke. classic writer… may friends pa ako noong itina-translate sa Tagalog ang works nya – mga taong mas baliw pa sa ‘kin, hakhak…😉 hello, batopik. ^_^

  7. sa sangandaan ng buhay – para kasing malapit sa amin itong lugar na ito.. ayy hindi ba lugar ito??.. eheheh pero gusto ko siya eh.. eto ang pinili ko!! may premyo ba kapag napili? kahit white rabbit lang?

    • ahaha, malapit kayo sa may sangandaan dito sa Pinas? ahaha, ang cool…😉 okey na pili yaan – sangandaan ng buhay at salansan ang medyo kwentong pang-everybody baga… wala, e. ‘yong mapiling tula ang ipa-publish. hmn… pwede kitang padalhan ng isang supot na white rabbit na pwedeng kainin ang balat, ahaha. ‘yon lang, mas mahal pa ang shipping … kung ikaw kaya ang magpadala dito? hahaha.😉 hello, pot. ^_^

      • ahahahha.. mahal din ang padala mula dito papuntang pinas.. hayaan mo, sa setyembre naman ay uuwi ako.. ambunan kita ng grasya galing sa lugar ng mga sakang.. yun nga lang puro mall tour ako kasi kasama ko mga junakis ko…

  8. hello, pot… oo, nga, mahal ang shipping maski saan ang destination… hala, sa sept. ka na uwi? ang galing naman… maski wala kang pasalubong basta makauwi lang. good news lagi, basta may OFW na makakauwi, as in… ahaha, may sambit pang sakang ang lolo… ^^ o, paano, MOA-MOA ka likely sa september, ahaha. regards…😉

  9. Naaliw ako sa post mo na ito kapatid. Napakanatural. Iba ka gumamit ng conversational. Talagang dama.🙂 Gusto ko yung “Salansan” kapatid! Gusto ko yung “loveless” – shaks.. Haha.😀

    • ahaha, salamat at nag-comment ka, lyndon… ikaw ‘tong natural na poetic, kapatid. ang ganda no’ng recent post mo – akala mo naman, hexpert ka na sa usapang iwanan e, ang bata mo pa kaya? hakhak. basta, magaling…😉 ahihi, oo, cool ang salansan poem. may hawig ‘yon sa last na tula rito – yong Buti Pa, Buti Nga. it’s about love and the everyday. regards sa yow…🙂

  10. Haha. Feeling hexpert sa lurve kapatid e noh? Hasus kapatid, ikaw naman, hindi naman natural na poetic. Gusto lang lamanan ang blog.🙂 Oo kapatid, natuwa nga ako sa outcome ng recent post ko. Naisip ko yan habang nakasakay sa bus pauwi galing sa umaatikabong magdamagang toma kasama ang barkada. Hahaha. Bata pa ko tanggero na. Hihi.🙂 Kapag hindi napublish ang Salansan poem kapatid, itext mo na lang sa akin. Hehe. Thanks!😀😀

    • hala, partida pa pala yown? naglalaman lang ng blog, kainaman… at ang lagay, produkto ng kalasingan ang letting go chorvah chenes ek-ek na pagkalalim at feel na feel, hihi… ikaw na…😉

      so far, kokonti pa naman ang nag-comment pero lamang ang vote for salansan. so, we’ll see… malay, baka ‘yon ang mapili. parang na-intriga ka sa title, hano? hihi😉

  11. yakap sa kupas na alaala – pagbabalik sa mga pasaway na alaala ng pagmamahalang akala ay panghabambuhay ngunit hindi rin naman pala.

    siguro hindi ko na explain kung bakit yan choice ng isang nag-akala ng panghabambuhay, naiwan naman mag-isa. isang umasa ng me kayakap pagtanda ha ha ha love this Ms. SSA.😀

    • haha, naiintindihan ko po. or, at least, i’d like to believe i do, hihi…😉 basta, one vote for Yakap sa kupas na alaala. am putting it down… happy weekend, ms. S. thanks for swinging by…🙂

  12. Sa pagba-blog din ata ako nabuhayan na gumawa ng tula… pero madalas ang tawag ko sa akin monologue o freestyle. nakakatuwa rin na yun pa ang madalas na mataas ang hits at maraming comment. minsan nakakataka rin sa part ko pero yun nga nakakatuwa pag na-appreciate.
    masaya yung masaya ka sa ginagawa mo then napapasaya mo rin ang ibang tao.

    (dream ko magawa ng awit mula sa mga tula ko. sana mag-contact na composer para umareglo. hahaha pangarap lang naman e. puwede naman matupad di ba?! )

    at nakakatuwa na nabalikan mo ang pasyon mong ito sa pamamagitan ng blogging! more power kapatid!

    • ah, nabasa ko ang marami sa mga tula mo, hoshi… nag-iwan pa ako ng comments sa iba, hihi. okey lang ang free style. ganoon naman yata sa umpisa… over time, ikaw na rin mismo ang susubok na gawin silang measured, metered and rhymed. mas maganda raw ang mga tula pag taut, pointed and deep, sabi. mas may tama raw… ^^ hala pa, marami ka naman talagang readers, as in… pero nakakatuwa pag binabasa ng iba ang tula, ano? aliw…😉

      pwedeng malapatan ng music ang mga tula, oo. and yours, why not? mahilig ka naman sa music, di ba? actually, for hundreds of years, mostly ng songs na tinatangkilik ng mga tao ay galing talaga sa tula… bale, dati, tula muna bago maging kanta. that was the idea behind bards and busking in town, ayon… ^^

      oo nga, salamat, kapatid… ikaw rin, magsulat at tumula-tula ka pa, ahaha. gano’n talaga, sa umpisa ay malaking trying hard lang at gaya-gaya… later, umaalam din, kahit paano… ^^ regards!🙂

      teka pala, balik ka, miss, at boto ka aling tula ang ipa-publish natin, hala… ^^

      • aabangan ko ‘yan, kapatid, hala… btw, okey ang nilalaman ng mga tula mo – kapansin-pansin at may humor, usually… baka, baka lang, ang kailangan pa ay iyong tinatawag na pagsusupil, iyong paghihigpit para gawing mas maigting or taut ang mga taludtod. ayon, ahaha. ^^

        ei, bru, alin ngang tula ang boto mo?🙂 happy Monday!

  13. Hala! Ang hirap naman mamili!!!! Hmmm!

    Bago ang lahat, naalala ko ang mga araw na ang paggawa ng tula para sa akin ay para lang pagbigkas ng salita. Noon kaya ko yun, pero ngayon, parang hirap na akong humabi. Lalo na kapag tungkol sa sawing pag-ibig, ayan, arangkada talaga ako dyan.. pero gusto ko muling subukan.. Kaso lang, saka na lang. Ahaha! Ano daw.

    “Sa sangandaan ng buhay” ang aking palang napili🙂

    • hala, naiintindihan kita somehow, kapatid. ayon nga, ikinwento ko na sa itaas ang aking meandering ways pagdating sa tula-tula. baka phase din or stage ng buhay, haha. baka, later, pag di ka busy sa usapang kabuhayan, you’ll get your groove back sa pagtula-tula, ‘ika nga, hihi. from time to time, subuk-subukan mo pa rin… ^^

      hala, sangandaan ng buhay is it. salamat sa boto, kapatid. hmn… maganda ‘yon, makulit… pero, dalawa pa lang yata kayong pumili nyaan…🙂

  14. SALANSAN! Nakakaintriga kung alin ang dapat isalansan. Honest ako ah! Di ko sinilip yung boto ng iba. Tsaka marami rin akong mga usapin sa buhay ko ngayon na kailangan ko nang isalansan at tuluyang ikandado sa aparador. Pero request naming fans mo, sana sa susunod eh mailimbag mo rin dito yung iba! hihihihi. Ayos tong pakulo mo ah!🙂

    • ahaha, alin sa tingin mo ang kasala-salansan, kapatid? ba’t bigla yata ang reflection mo, kainaman… may pagkakandado pa sa aparador na nalalaman, patatawarin.😉 pasaway talaga ‘yang pag-ibig, ang gulo! ^^ titingnan natin kung alin ang mga pwedeng ilathala, a few siguro, pero di lahat. baka gawa ako ng compilation, hard copy, not online, ayon… spend the rest of the week cheerful… salamat sa pagdaan uli, titser, at sa boto.🙂 salansan, ahihi… ^^

      • Hahaha. Kasi naman yung pamagat ng tula mo eh! makapukaw-gunita! hahaha. Ang totoo mga seatwork na hindi ko pa naiwawasto ang dapat kong ikandado at iparador!
        naku! kung nagkataon pala pag hardcopy na tapos maisipan mong ibigay sa isang publisher at mailimbag ang mga tula mo eh magpapapirma na lang kami sa’yo.🙂
        Salamat! Have a nice week as well!🙂

      • ay, sorry naman po, pasaway pala ang pamagat. ikaw nga, di ko malimutan ang tula mong paanong di kita maalaala?, as in… naiiba ‘yon, pramis… isang araw, baka gawan ko ‘yon ng post, i-highlight ko ba’t worth mentioning ang kainamang tula, as in… ^^

        ahihi, wala pa namang mga gano’ng details, rough plan pa lang.. medyo marami na ang mga tula, kung sa tula… hamo, baka makipagkape na ako sa isang mamang editor, hihi… pero, hiya pa me. sa blog lang ako ma-epal, sa personal, di rin… ^^

        salamat sa pagbalik, titser na bagong tito – cool! good morning.😉

      • NAKO NAMAN (Aksidente kong napindot ang caps lock pero okay na rin para mas may emphasis)! Walang ganyanan. Baka sumabog na puso ko nyan. Madali pa naman akong utuin. hihihi. Mga akda mo ang tunay na kainaman.
        Basta kung anu’t ano pa man, kung sakaling dumating nga araw ng pakikipagkape mo, eh mag-aantay kami.
        ako rin shy type sa personal! hahaha
        tenks tenks sa palaging pag welkam!

      • ah, totoo yon. ang poetry ventures ko in the last two months, one way or the other, affected ng mga nabasa ko sa blogs mo, ni lyndon, ni PP at ni singkamas, as in. yong mga creative nyong pag-emote, emote, as in…

        am thinking of doing a post about how reading writings of fellow bloggers can affect the write-ups of another. ipinaghehele ko pa ang idea but am considering doing a post about it, hehe. hope it’s alright.😉

        oo, ako ang nagsusulat talaga sa totoong buhay na may sangkaterbang issues and reservations sa pagsusulat, hehe. not that shy naman pero, di kasinglakas-loob dito sa blog…

        salamat sa laging pagdaan, ha. sa pagsisingit ng bloghopping sa pagitan ng pagtsi-tsek ng mga quiz, hihi. regards, kapatid.😉

  15. sabi ko dati sa isang binibini, ‘akala ko sapat na yung wagas na yung pagmamahal.. ‘
    hindi pa pala sapat yon, dahil don marami akong natutunan.

    sabi ko uli sa kanya, ‘huwag mo akong bigyan ng dahilan para antayin kita magpakailanman (don’t give me the reason to wait for you forever).. – original composition ko ang quote na yan.
    wala pa akong nabasa, o narinig sa mga dayalogo sa mga pelikula na sinasambit ang katagang iyon..

    i’ll go possibly with unpopular.. ‘yakap sa kupas na alaala’
    stay pretty San..

    • ay, sus, may nakatago pala sa aparador ng alaala si manong, as in… kapirasong kwento mo pa lang, kokoy, nalulungkot na ako, naman… ^^ ay, paano? pag usapang pag-ibig ay sadyang kasali lagi ang salitang magpakailanman – ay, paanong gagawin?😉

      ei, maganda rin for me, ang yakap sa kupas na alaala. medyo mature take sya sa usapang pagmamahalang di nag-work out in the end… salamat sa pagdaan at pagboto, kapatid. tingnan natin kung yaan ang mailalathala… thanks and cheers!🙂

  16. eh paano pa yan ate ko wala akong itulak kabigin eh…pero teka basta kasi tula galing sayo nanunuot hanggang kaibuturan haha eto nalang pwede ba tatlo?

    Yung salansan, Wala kang binitiwang pangako , saka yakap sa kupas na alaala

    wag mo na itanong kung bakit alam mo na yan hahahaha mwah

    pasilip lang andito kasi ang pusa ang kawawang daga pasilip silip lang at alipin ng trabaho ahahaha

    • ahaha, hello, lambing, sister… na-miss yata kita, ah?🙂 at may papuri pang intro, naman. salamat.

      so far, most requested ang salansan… wala kang binitiwang pangako, first vote, as in… ano ‘yon – simple, clearly-worded but medyo heavy ng konti – defining love by its absence, ahihi. yakap sa kupas na alaala is making peace with memories, hala… good choices, kapatid.🙂

      ahihi, alam ko ba? shaks, pipilitin kong hwag malumbay – inhale, exhale na laang. ^^ hugs, pati…:)

      have a happy week, aliping masipag na nakikipag-galit sa rice, ahihi. ingat lagi…

  17. olah! pasensya na po medyo nangangapa pa ako sa comment eh.. boto ko yung “Wala kang binitiwang pangako” sa kadahilanang… hmmm.. di naman bawal ang mais dito, diba?😛
    isa kase ako sa mangilan-ilang binulag ng paniniwalang ang pag-ibig ay hindi sinusukat sa pangako, o kahit na sa commitment o expectations.. bagamat parang malungkot naman ata lahat ng choices, ang “wala kang binitawang pangako”, kahit nagbabadya ang kabiguan, mukhang magiting parin itong susubukan ng tauhan sa eksena.. at gusto ko yun hehe..

    kudos kapatid! looking forward sa kung ano man ang mapipili ^_^

    • hello, kapatid….🙂 salamat sa pagbalik, ha… comment away, as in. owki, wala kang binitiwang pangako ang pili mo. ahaha, di naman. di yata masyadong mais ang piyesang ‘yon. feeling ko nga, it happens to the best of us – ang umasa maski pa ang kabila’y wala namang ipinangako, shaks.😉

      hala, magiting nga ang iyong pili. medyo windangers yaan. ^^ but we’ll see, kapatid… di sya gaanong napipili, e. salamat sa well-wish… btw, nai- enjoy kong basahin ang entries mo, as in… ingat lagi.🙂

  18. namumulot sa kawalan…gusto ko kasi iyung mga drama ng korean films, hehe

    halata bang senti ako at marami nang pinagdaanang pag-ibig na tinubuan ng lupa at nauwi din sa wala matapos ialay sa mga tala…hopeless romantic ako at matapos ang sandamakmak na heartaches ay may asawa’t anak na ngayon pero hindi nawala ang pagmamahal ko sa poetry at prose.
    keep on writing at salamat sa laging pagdalaw sa site ko, hehe

    • hello, kamalayang nanay… namumulot sa kawalan ang boto ng aleng hopeless romantic… salamat po sa comment at sa pagboto…🙂 no problem po, dadalaw sa may inyo from time to time, ms. rhomsky🙂

  19. gusto ko to, sis, sa mga panahong naiinip ang puso.. hihi.. napagdaanan ko din kasi dati yan and i’m glad i’m over it.. excited ako sa masterpiece mo.. Binibining Makata. hihi.. ingat lagi, miss S🙂

    • hala, natagpuan na ang iyong puso, as in… excited? nakow, di naman masyadong kaka-excite, oks lang… medyo funny piece ‘yon, nagtatangkang magpatawa. seryoso rin naman, sa isang banda… hello, salamat sa boto. sana’y nasa maigi kayo ni manong sa SG. good morning!😉

    • hello, Lolo! aliw at nag-comment kayo at bomoto… sige ho, noted na sa mga panahong naiinip ang puso ang boto ninyo.🙂 alam ko? hmnn… sige na nga, alam ko na kahit hindi talaga, ahihi… mas magandang araw ho dyan sa inyo! summer pa dyaan, di ho ba? regards…😉

      • Opo maganda pa ang araw, minsan ay nasasambit pa rin na ang init naman at ninanamnam pa rin ang mahabang araw. Ang lubog ng araw ay halos 9pm na. Haha..di pala alam…basta may panahong naiiinip ang aking puso. Salamat Mam. Aba congrats pala sa iyong bloghay ang daming kabayang dumadalaw.

      • hala, hanggang 9pm? ang kulit naman… di ang ganda hong mag-view at mamasyal sa may bridge, overlooking the skyline, ahaha…🙂 dito ho ay halos 7pm ngayon ang oras na medyo maliwanag pa, as in… pero maulan ho. saka, matrapik…

        ay, salamat ho. opo, medyo nag-improve ho ang number of visits ng site. pag minsan, inaabot nya na ang average no. of views ng dpsa dati… pero, medyo malayo pa rin. happy na ho ako in many ways sa performance nitong SSA na di naman talaga predesigned gaya noong nabalahong dpsa.

        salamat ho sa pagdaan uli, Lolo. am glad. i’ll try to tally the scores of voting today and baka i-publish na tom ang tulang napili ng mas marami… cheers!🙂

    • hello, snake! salamat sa boto, kapatid… labis ang pangamba is it. teka, do you mean, malapit sa iyo o sa ‘kin? ahihi… kung sa ‘kin, hala, ay ‘indi po… kasi, medyo matagal na ang tula so wala nang proximity sa pangyayari sa lovelife or lack of ng lola mo ngayon, hihi… pero, kung dumaan ako dyan, oo naman, a few times… oh, owki na ba ang paliwanag na yown?…😉

    • salansan is it! hmnn… gusto ko sanang maging salbahe at hulaan kung bakit. pero, papakabait muna ako, hihi… oo, maganda ang salansan, tingin ko – simple, pang-araw-araw at may attempt at humor.😉 salamat sa boto, kapatid. cheers!😉

  20. labis ang pangamba – isang paglalarawan paano ang batang pag-ibig, anu-ano ang dinaraanan nito at paano ito dinadala. lumang tula pa itong medyo ni-retouch lang. ‘yon lang, di ko sure kung maganda ang kinalabasan, haha.

    gusto ko ang batang pag-ibig, mapusok, maharot, may pangamba pero malinamnam parang gatas ng kalabaw sa umaga.

    • haha, kainaman ang iyong pili, kulisap… bigla ko tuloy sinilip sa drafts folder ang labis ang pangamba – baka tunog malandi, ahihi… ayon, di naman kasing-pusok at kasing-harot ng iniisip mong bruho ka… just enough kilig lang… sus, kung maharot kaya ang lola mo, she’d end up single? naman… whehehe… ^^

      naku, ilan lamang kayong pumili ng labis ang pangamba… likely, di mapa-publish, as in… salamat, kulisap – sa pagdaan at sa pagboto… antayin mo bukas ang salansan, medyo batang pag-ibig rin yown… ikaw na, biased ka lagi sa maharuth… ^^😉

  21. Magandang umaga sa inyo… Na-tally na po ang resulta ng botohan sa mga tula. Maraming salamat po sa mga namili at lumahok, sa mga dumalaw at nag-komento kahit di pumili at sa mga nagbasa at dumaan dito sa site nitong mga nakaraang araw. Salamat…🙂 Narito na po ang resulta –

    Nanguna po ang Salansan. Pinakamarami pa rin pong bomoto rito.

    Pumangalawa po ang sa mga panahong naiinip ang puso. Medyo humabol po ito sa extended period ng botohan pero nanatili sa ikalawang pwesto.

    Pumangatlo at magkapantay po sa dami ng botong nakuha ang yakap sa kupas na alaala at ang labis ang pangamba.

    Pang-apat at magkapantay rin po sa dami ng botong nakuha ang Sa sangandaan ng buhay at ang namumulot sa kawalan.

    Panglima at pinakahuli po ang Wala kang binitiwang pangako. Isa lamang po ang magiting na bomoto para sa tulang ito.

    Ilalathala na po natin ang tulang Salansan ngayong araw. Isa po itong tulang may rhyming, binubuo ng 12 saknong o stanzas na may apat na linya bawat saknong. Payak at magaan ang istilong ginamit para ilarawan ang mga unang karanasan ng isang tao sa larangan ng pag-ibig. Sana ay maibigan ninyo…

    Maari pong sa susunod na linggo ay maglathala muli ng isa pang tula. It’s a toss between sa mga panahong naiinip ang puso (na pumangalawa sa pilian) at sa Wala kang binitiwang pangako (ang kulelat sa botohan, hihi). Bukod po sa mahilig ang inyong lingkod sa underdog, mahilig rin po akong magbasa sa mga sulatin ni biagAkunada, isang aleng nakabase sa bandang Hilagang Amerika at isang munting pabuya po kung sakali ang matapang ang loob niyang pagpili sa nasabing tula.

    Ang Wala kang binitiwang pangako maybe a bit of a shocker (bit lang, mga kapatid) pero sa bahagi ko, ito rin ay isang eksperimento sa pagsusulat, isang pagtatangkang ibigay ang kahulugan ng isang bagay – pag-ibig- by its absence…Bale, karugtong at kabaligtaran po ito ng post na buwan ang saksi – usapan bakit kasali ang magpakailanman sa paksang pag-ibig. Titingnan po natin next week.

    Maraming salamat. Have a good read, folks! Have a great weekend ahead. Regards.;)

  22. Pingback: Doon Po sa Amin, balik-tanaw – mga kwento at tulang pumapag-ibig | sasaliwngawit

  23. Pingback: Anu-ano pa ang mga kwento? | sasaliwngawit

  24. Hello San! Nabasa ko na. Pwede dalawa? Maganda kasi yung “namumulot sa kawalan”, tagos hanggang buto, nabitin nga lang. Tapos yung isa ay “labis ang pangamba” kasi it reminds me of childhood memories, parang puppy love lang ang dating pati secret crush na rin, hihihi. Unfortunately di pa rin nakahabol. Anyway, love ko pa rin si “Sangandaan”. Sarap gawan ng kwento. Pano ba i-link yun? Just in case makagawa ako gusto ko sana i-link itong tula mo. Pwede ba yun? Pano? (*walang alam mode).

    • hello, biatch…thanks for reading. at bomoto talaga sya belatedly, hakhak. hihi, paano mo na-sense na sawing-sawi si namumulot sa kawalan? at ang mas malaking tanong, paano ka naka-identify ng husto – di ba may husbandry ka na, kapatid?🙂

      a, oo. makulit ang labis ang pangamba, parang istorya ng loving – full circle, hakhak. komposisyon yon ng isang adik.

      at talagang biased sa sangandaan ng buhay? aliw… marami kang serendipity stories before you settled down, hula lang, hehe.

      a, madali lang. sa draft ng post, makikita mo sa itaas ng draft page ang logo, sign na chain. click it tapos may lalabas na form. sa unang blank, i-copy paste mo ang page ko (ng post na sangandaan), tapos lagyan mo ng title (second blank). tapos, click the command na apply yata. yon…🙂

      • Hello San! Mahilig kasi mag-imagine ng story. Dadamahin ang kwento at magsusuot ng sapatos ng may sapatos para maramdaman pano nga ba ang umibig at maging sawi, umasa at mabigo o di kaya ay kiligin at hanggang kilig na lang. Things like that. Para pag humabi ng storya, kahit kathang isip lang, mabubuhay. hihihi.

        Ang tanong, pano ang EROTIC?! hahahaha. Pramis, dadalaw ako dyan sa gym malapit sa iyo!

        p.s. bago nakilala si husbandry ay dumaan ako sa mga tula mo. CHAROT!

      • ahaha, pansin ko nga, mayaman sa imagination at mga salita ang isa ryan… yong hanggang kilig na lang, parang story of my life ata, hakhak.

        btw, sa paglalagay ng link. i-bold mo muna ang phrase or sentence na gustong i-link pala then highlight it, saka i-click ang chain sign…

        aysows, madali lang ang erotic. interview-hin mo si husbandry. after, i-weigh mo with your own, your own version. kayang-kaya mo ‘yown.

        maraming erotic sa english blogs sa wordpress, minsan may nasasalubong ako. YA types, dami…

        but naman, you can hold your own. may husbandry na nga, e. hahaha, peace!😉

        sa mga tula ko, shaks na yan! have a happy week…🙂

  25. Naisip ko San di ko talaga forte ang erotic kahit pilitin ako, hahahaha!. Pang suspense lang talaga. At pag si hubby ininterview ko baka batukan pa ako nun at sabihing “kiringkikay!” hahahaha!

    Uy, excited ako sa link. Pramis. Uupuan ko ito isang araw. May email ka?

    • hindi naman forte pero, kaya mo yan, kapatid. pag romantic ang tao, tila madali nang pumaroon when the situation or the writing assignment requires, haha. hala, he’d like it – asking his opinion on how to approach a writing? baka ma-surprise ka, haha. try mo… mas madali pati para sa guys ang subject, di nga. mas madali sa kanila, mas visual sila, e. opinyon ko lang, ha… ^^

      haha, di ka pa pala naglalagay ng link, aliw. parang ako, seven months nang blogging bago naisipang magpi-pindot sa icons ng page ng wordpress – ang stiff lang. yessum, it’s sasaliwngawitatyahoodotcom.🙂

  26. Pingback: Salamat sa mga sumisilip | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s