Kwentong Tabi-tabi

 

Kwento ito tungkol kay Teh. Si Teh na kung tutuusin, mukhang mas bata sa akin ng mga sampong taon, haha. Nakiki-Teh lang,  subok lang… Anyway, na-engkwentro ko si Teh noong kabilang Sabado, galing ako no’n sa talipapa, malapit sa amin.

 

Mag-a-alas otso siguro ng gabi noon. Pauwi ako ng bahay galing sa talipapa, lakad lang at bitbit ang pinamiling dalawang supot na plastik ng mga pagkaing panluto ng gabing iyon at para sa kinabukasan, Linggo. Two blocks siguro bago ang sa amin, may nakita akong tindahan. Ordinaryo – mga isang dipa kwadrado ng mesh wire na may mga nakasabit na tsitserya sa loob – yon. Ang kaibahan, may bangkong maliit sa gilid, ahaha.

So, ‘yon, tamang-tama, mainit at ako no’y pinagpapawisan. Ika nga’y time for happiness, haha. So, bili ako ng 8 ounce na softdrink at bonggang in-avail ang munti at natatanging bangko. Tambay-tambay, inum-inom at nood-nood ng mga dumaraan sa main road. Itinabi ko muna sa gilid ang mga pinamili.

 

image of a typical sari-sari store in the Philippines

Anu-ano nga ba ang mga batayang pagpapahalagang dapat ituro sa bata?/ mytripolog.com

 

Makaraan ang mga dalawang minuto siguro, may dumating. Isang aleng naka-fuchia blouse, black bloomer-type shorts and yes, tama ang hula nyo – rebonded ang kanyang buhok.  Oo, medyo isini-sway, sway nya ‘yon patagilid, every so often. Gano’n talaga, kayo naman… Medyo mataray syang tumingin pero, hindi rin naman masyado. Tipong five seconds lang at d-in-issmiss nya na akong di katingin-tingin, haha.

May kasama nga pala syang bata, babae. Medyo cute, bata, e. At least, mas cute kesa doon sa Nanay, sure ako. Mga mag-a-apat na taong gulang siguro yong bata. Oo, nga pala, si Teh na nga ‘yang adult, oo. At saka, may dala nga pala syang cellphone na pinipindot-pindot nya habang tumitingin sa harap ng tindahan ng kung ano’ng pwedeng bilhin. Tapos, display sya ng expressiong parang bored, haha. Oo, gano’n si Teh, pramis…

Anyway, after a while, parang wala syang na-decide na bibilhin so, bigla syang dumaan sa harap ko, papasok doon sa pinto ng bahay (ang tindahan ay tipong nasa loob ng bahay, sa may harap ng pinto nito nakapwesto ang aking happily-found bangko). Sunod bigla sa kanya si maliit, nagmamadali, bitin sa shorts ni Mama. Parang bigla lang silang nag-dash sa may harap ko…

Paghakbang ni Teh sa loob ng bahay (elevated ng one foot  ang platform), parang medyo naihagis  ng humahangos nyang bewang ang anak nyang nakabitin nga pala sa kanya. Parang natapon patagilid ang bata, swak ang isang paa nya sa pinamili kong nanahimik sa sulok. Haha, ang saya ba? Oo, medyo mabilis ang pangyayari, mga kapatid. Lahat kami – si Teh na nasa loob na ng bahay noon, ang bata na in mid-step, ang aleng may-ari ng tindahan at ako – medyo na-shock kami lahat, haha.

Inihakbang na ng bata papasok sa loob ang isa pa nyang paa. Iwan sa loob ng plastik ang tsinelas na pink, yong mabigat… Tapos, ang bata, nabigla – mukhang iiyak. Tumitingin siya sa Nanay nya, tapos sa tsinelas, tapos sa ‘kin. Inalis ko ang tsinelas, iniaabot ko sa kanya, ayaw tanggapin ng batang anghel. Hinihila nya ang shorts ni Teh tapos, medyo umiiyak na. Inilagay ko muna ang tsinelas sa lapag, sa tabi ng plastik, saka ko in-inspect ang loob ng supot. Ma-tsek kung ano ang naapakan o naipit doon.

Ang worry ko, baka iyong isang piling na saging o kaya, iyong ipinadaing kong bangus. Pero, hindi naman pala. Ang nakawawa ay ang supot ng itlog, haha. Gan’to, bumili ako ng mga itlog, ipanto-torta ko sana sa almusal kinabukasan. Pag-angat ko ng plastik nito,  ahaha – pisak ang mga kawawang itlog – as in… Pati ang aleng may-ari ng tindahan, napatawa. Nanonood pa pala noon ang bata at pati si Teh. Umiyak bigla ang bata. Si Teh naman, walang sinasabi o ano. Naghihintay yata kung magagalit ako. Pero, bored pa rin ang kanyang expression. Saka, nasabi ko bang medyo mataray sya? Ahaha, oo, ‘yon…

Sa kabilang banda, habang ibinabalik ko sa supot ng pinamili ang mga bagay na napisak, nakikiramdam din ako kung magso-sorry si Teh, maski kapiranggot. Kahit pabalat-bunga sana, slight lang, kumbaga… Wala. Itinabi ko na sa mas gilid pa ang mga supot. Dinampot uli ang pink na tsinelas at iniaangat ang tingin. Ibinibigay ko uli sa bata ang pink na mabigat. Ayaw nyang kuhanin, panay ang hila nya sa shorts ni Mommy.

Takot ang bakas sa mukha ng bata, alam nya na sigurong may kasalanan sya. Nakita nya ang nadurog na mga itlog… Feeling ko, naghihintay syang may isang magalit – si Mama nya o ako. Si Teh, deadma look, as in… Ako, parang di ko naman maisip na pagalitan ang bata, halata namang aksidente ang nangyari. Pero, oo, nasabi ko na bang for a moment there, nag-wish akong mag-sorry ng konting-konti si Teh? ‘Yong kahit pa-pleasant effect lang? Hahaha.

Hila pa rin ng hila sa shorts ang bata, mukhang guilty. Walang effect kay Mama, parang tumapang lang ng konti ang expression ng mukha, haha. Hindi sya nagsasalita… Tapos, umiyak uli ang bata. Yumayakap na sa isang hita ni Mommy. Nagpipiksi lang si Teh. Matapang lang ang itsura ng mukha nya tapos, mukha pa ring bored, as in… Pumasok sya sa loob ng bahay ng may-ari ng tindahan at iniwan ang batang guilty sa harapan ko.

Binaitan ko ang expression ng mukha ko, haha, at sinenyasan ang batang okey na. Iniaabot ko uli ang tsinelas. Nag-hesitate sya sandali tapos, tinanggap din. Huminto na siya ng iyak pero, parang pigil lang. Parang tuliro pa rin. Kawawa naman, actually… Medyo sumisinok-sinok pa rin ang bata at medyo bewildered pa rin ang kanyang expression. Pero, isinuot naman nya uli ang tsinelas. Pareho na kaming happy, haha.

Si Teh, di pala nagtagal sa loob ng bahay. Lumabas din agad at bumalik uli sa harap ng tindahan, sa may harapan ko. Nagpipindot-pindot siya uli doon ng cellphone. Nilapitan siya uli ng anak. Parang may left-over ligalig pa yata si bunso. Hinihila na naman ng pakonti-konti ang shorts ni Mommy at umiiyak ng mahina lang. Sabagay, makabasag ka nga naman ng isang supot ng itlog tapos, walang nagalit sa iyo? Deadma si Teh, pindot pa rin sa cellphone nya.

Nakatingin na lang ako noon sa mag-Nanay, less than half na ang Coke na iniinom ko…  Bigla kanyong nagsalita si Teh, “Heh, hindi ako lumabas ng bahay para mainis lang, ‘noh?” Parang sa batang anak nya ‘yon sinasabi, pero parang sa may-ari din ng tindahan… Actually, parang ipinaparinig nya rin ‘ata sa akin? Hahaha, ang taray ng expression ng mukha nya. Pero, mukhang bored pa rin, ahihi… Siyanga pala, mga 4’10” siguro si Teh, medyo may itsurang ale at bilugin.

 

Ay, teka…  ginisang gulay at pritong isda nga pala ang ulam namin nang gabing ‘yon. At saka, marami-raming pritong itlog.😉

 

36 thoughts on “Kwentong Tabi-tabi

  1. Ay ba’t kaya bigla akong nanggigil? Parang gusto kong hilain ng bonggang bongga ang rebonded na buhok ni Teh at ipalunok sa kanya ang kanyang cellphone?

    Bakit kaya?

    Siguro kasi Ina din ako at kahit ano pa man ang sa akin ay mahalaga kung ang aking dalawang anghel (isama mo na ang aking aso) ay maglambing o mangailangan, baba lahat ng ginagawa, cancelled lahat ng kahit anong appointment.

    Kawawa naman yung batang babaeng cute ba ikamo?

    Pedi mo bang balikan? Pakisabi kung di nya kayang alagaan, akin na lang hehehehe.

    Pangarap ko ang magkababy girl.
    Ay sya, pakisabi, kung di nya kayang maging ina, nandito lang ako sa QC, pakihatid ang anak nya sa akin hahahahaha…
    Kawawang baby girl… Kung ganyan ang ina ngayon, ano kaya ang kinabukasang naghihintay sa kanya?

    Pambihira! Naiinis ako ha? Pramis!

    Maraming ganyang babae. Maganda lang sa paningin, pero hanggang labas lang ang kagandahan.

    Sorry ha pero nariyang nagpakasarap, di naman handang panindigan ang naging bunga ng pagpapakasarap…

    May naalala tuloy ako. Isang pasyente. Dinala sa Hospital, emergency, ako ang Nurse on duty.
    Walang kasama. Dry labor, putok na ang panubigan, in distress na ang baby sa loob. Pinaanak namin. Laking gulat, macerated (having undergone reddening, loss of skin, and distortion of the features during retention in the uterus) ang newborn. Mukhang tinangkang ilaglag, di nagtagumpay.
    Wala daw pera kaya habang naghihintay ng mga kamag-anak, binilhan (patak-patak ang staff) namin ng kabaong at inilagak sa conference room ng hospital. Si nanay, ayun, kukuha daw ng gamit, malapit lang ang bahay, kasi alang kamag-anak, nag disappear… di na bumalik… Pinahanap, di makita, nagpasya na kaming kumuha ng permit para maipalibing. In short, wala syang paki.

    After 1 month, nakita namin itong dumaan sa harap ng hospital, naka shorts na maikli, naka seksing blouse…Ay, ako at ang guardiang sundalo ay nabigla. Sumakit ang aking bangs! Gusto naman siyang barilin ni kuyang guardia na nagngingitngit dahil naging saksi din siya sa nangyari. Pinigilan ko lang si Kuya. Sabi ko, madudumihan ang kanyang kamay ng dugo ng isang walang kwentang nilalang. Ipinagdasal na lang.

    • hello, honey… huwag ka nang manggigil, kapatid. noong kabilang Saturday pa ‘yon nangyari, haha. naalala ko uli last Saturday evening – bumalik sa ‘kin ang mga pangyayaring wagas, haha… ‘kaloka si Teh, as in… at may Teh ka ring naalala, kainaman. worse ‘yang Teh mo, wari ko…buti napigilan mo si Manong gwardya, naman… 😉

  2. Hindi ko siguro palalagpasin yang si Teh na yan.. Hindi pwedeng sya lang ang maldita no😀 Bilang anak nya ang may kasalanan, kahit aksidente lang yun, dapat may pagkukusa syang humingi ng paumanhin..

    Kainis inpernes..

    • hihi… buti hindi kayo ni Teh ang nagkasalubong, girl.😉 may pagka-prima donna talaga si Teh, haha. ^^ btw, di rin yata kasalanan no’ng bata, Nanay pa rin nya ang maysala, wari ko… may i hakbang ba naman sya ro’ng parang wala lang? di ba nya naramdamang nakabitin sa kanya si baby girl? sya ‘yon and no other… actually, dapat nag-sorry lang sya to clear the air siguro… di naman ako nag-ask na bayaran or palitan nila ang mga itlog… e, sus, di nga sya lumabas ng bahay para mainis, ‘noh? with emphasis on “noh?” haha.😉 hello, merry! ^_^

      • ahaha, salamat pero di na… karakter si Teh, am sure she’ll meet her match sooner than later, hihi… ^^ hoy, bru, do’n sa post na Kayo po ang pipili, punta ka’t bomoto, pili ka… owki?;) sana makapahinga ka today, kapatid… tamang tama, masarap mamaluktot, ahihi.🙂

      • Linggo pero araw ng trabaho😀 Nakapagpahinga naman ng dalawang magkasunod na araw noong Huwebes at Biyernes.. Sana ikaw din Ate San🙂

        Ay sorry naman, ako’y magtutungo na sa Kayo po ang pipili.. nakatakda yun sa mga ibabackread ko eh, buti naman at napaalala mo😀

      • oo, nga pala, kakaiba ang sked sa work mo. pero, at least, kamo ay nakakapahinga ka pag off day, that’s good… salamat, medyo pahinga saturday to afternoon ng sunday. pero, after that, stressed na uli, ahaha.😉

        ay, ang bait ng isang bata. salamat sa pagbalik, ha?🙂

  3. may mga tao talagang hirap mag-sorry.. at kadalasan, sila yung mga taong maraming hinanakit at hindi masaya sa buhay-buhay nila.. wawa naman yung bata, at yung mga itlog, nadamay sa pagmamaktol ng ale.. buti napakinabangan pa din yung mga itlog?😀

    • oo nga, e. feeling maganda at importante sya, hihi… actually, may itsura naman ‘yong ale, no problem sana in that department. pero bakit tila kailangan pa nyang i-rub in, ewan ko sa kanya, haha. ang malinaw, di sya sensitive na nanay. di man lang sya nag-effort na i-comfort ang anak nya, kainaman…😉 ah, nakapusod ang plastik ng itlog. inalis ko lang ang mga balat at pumwede pa naman, thankfully… ^_^

  4. Pingback: Ikaw ba yan Teh? « Chilledhoney's Blog

  5. hahha naaliw ako sa pagkakadescribe mo kay TEh.

    bawing bawi ka na din sa palagay ko :p

    sana pinauwi mo na lang kay teh yung mga nabasag na eggs kasi hindi mo din naman kamo magagamit. Nakakahiya naman kamo sa kanya.wahhaha

    • ahahay, salamat at naaliw ka, kapatid… mahirap ka kayang aliwin?😉

      ah, tama lang…makatarungan lang ang naging paglalahad. di ko nilagyan ng unnecessary adjectives and adverbs. tama lang… ^_^

      nakow, parang di sya ang tipong magtityagang mag-alis ng durog na balat sa mga itlog na nabasag. ‘yoko nga, masabihan pa akong cheap!😉

  6. hello Ms. SSA, mas naaliw ako sa kwentuhan nyo sa comments ha ha ha. tama kayo maraming tao insensitive at meron ding walang puso. malungkot talaga ang buhay pag sineryoso pa. kaya aliw na aliw ako ke Ms. SSA, mas matindi yung dedma mo sa katarayan ni Teh. hintay kasi nya react ka, and when u did not mas nainis yun pramis.

    overanalyze natin with empathy, kawawa yung mataray na nanay kasi hindi pa ready maging ina and wala pa maturity as in ikaw pa at fault, bakit kasi andon ka sa store naman nakatapak tuloy ng itlog yung girl, ayan ha, over emote na rin for teh ha ha ha.

    ayun naka comment tuloy ako. sana lagi ka magsulat para ma aliw din ako😀

  7. ahaha, hello, Ms. S… actually, ang problema, nag-umpisa sa hilig-hilig kong maglalakad. kung sumakay ba naman ako o, e, di, eight pesos lang? samantalang ang coke ay ten pesos? do’n ho nag-umpisa ang problema – ko. palagay ko lang… ^^

    pero ang problema ho wari ni Teh, nag-umpisa sa di sya full time ready na maging nanay, as in… para kasing irritant ang turing nya sa anak. tila naghahanap sya ng kaligayahan mula sa cellphone, sa tindahan at sa kung saan pa… ayon, tuloy, may gusto nang humingi at mag-ampon sa baby nya.😉 salamat po sa pagdalaw… regards!😉

    • medyo some kind of an encounter nga sya, hihi.. ah, di naman ako nahirapan, older ako so, dapat magtimpi. tapos, may bata sa scene… kung wala siguro, nakatikim ng irap sa ‘kin si Teh, haha. ^^

      ayon, na-feature sya rito sa Sa Saliw ng Awit, ‘ala nga lang picture, sayang…😉

  8. Nakakairita si Teh! Parehas kami ng tatay kong inis sa mga ganyang nanay, yung pinababayaan yung mga anak, saka tinuturuang maging walang modo. Kahit man lang pa-echos na ‘ay sorry, pasensya na po’, wala? Bastos na bobong nilalang! Ay sorry, nadala ng emosyon. Ang bait mo naman at di mo man lang siya inirapan, kawawa naman yung bata, tsktsktsk.

    Isang beses sa mall, nagyosi kami ng tatay ko sa labas, tapos may dumaan na mag-nanay at isa pang kasama nilang ale, umiiyak yung bata kakahabol sa kanila habang di nila pinapansin at tuloy lang sa chika. Tapos sa pagkandaugaga nung bata na habulin sila, nabangga niya yung may nakatayong board malapit sa entrance na advertisement ng pizza hut. Natumba na yung bata hindi pa rin pinansin, at tuloy sa pagchichikahan ang dalawang ale. Nagulat ako kasi bigla na lang tinapon ni Papa yung yosi niya at sinabing ‘nakakainis tong mga ganitong nanay!’ Itinayo ang bata, at inayos yung board ng pizza hut. Tapos sinutsutan niya yung ale. Natakot ako kasi akala ko ico-confront niya yung ale, e monster yung tatay ko kapag nagagalit, pero sinutsutan lang pala niya para mapansin yung bata, ayun nagulat pa yung ale, para bang nakalimutan na yung batang kasama niya.

    Hay buhay, sarap pumatay ng tao, lalo na yung tipong ‘oy, aliwin nyo ako, ha. galingan nyo’. Andami ko lang tawa, umabot sa kabilang building. Hay good morning!

    • hello again, athina kristell… ahaha, you said things well for me, my dear. medyo ganyan din siguro ang dating sa akin. di ko lang makuhang i-word ng diretso, ahaha. ganyan din wari ang mga pakiramdam ko, except doon sa bobo part, ahihi. ^^

      naniniwala rin akong medyo walang modong ale si Teh. pero kung bobo sya, di ko alam. parang hindi, e. mukha nga syang street smart na naghahanap ng away, ahaha. yes, kawawa ang bata. over time siguro, mai-imbibe nya na rin ang etchos na attitude ng kanyang nanay, sadly… ^^

      generally, hindi yata ako confrontational na tao … pag nauubos na ang pasensya o kaya, sobrang epal na ang pinagsasabi o ikinikilos ng kaharap, doon pa lang ako nagmamarakulyo, ahaha. at pag nagkakagano’n – ay, di ako nagmi-mince ng words. the person will hear it from me, ‘ika nga… ^^

      ang ganda ng kwento mo sa encounter nyo ng kananayang may kasamang bata pero walang paki sa mall… at natuwa ako sa sabi mong monster si Papa pag nagagalit, ahaha. it seems, he feels strongly about mga pabayang nanay, as in… actually, medyo marami tayong nakakasalubong na ganyan sa palengke at sa malls. lalo pa ‘yong mga magulang na sa harap ng maraming tao ay pinapalong maigi o ipinapahiya ang mga anak? ako ang nagwi-wince pag nakaka-witness ako ng gano’n… isip ko, sobra bang hirap ng buhay nila para ganunin nila ang bata sa publiko? yown… ^^

      naaliw akong napatawa kita sa kwento, kapatid, as in… good day din sa ‘yo! ingat…😉

      • Yun pa pala, yung mga kinukurot at pinapalo in public, I see nothing but pure evilness. Sa pagkakaalam ko kasi hindi kami ginanon ng nanay namin, kapag galit siya, pag-uwi saka kami pagagalitan. Walang eksena sa mall kasi parang KSP mo naman kapag gumawa ka ng eskandalo sa public place.🙂

      • ah, oo, medyo screwed up nga ang parents na nananakit at nagpapahiya ng bata in public. but we see them, di ba…ang Inay din namin, hindi, e. sa bahay kami kinakagalitan pero few words lang na masasakit, haha.😉 eh, iba na yata ngayon, feeling ng iba, bahay na nila ang mall at palengke, haha, pwedeng doon magalit – dinig ng iba, haha… ^^ sorry, dear, di ko nakita agad ‘tong comment na ‘to. kung saan nagsusuot…😉 have a good weekend!

  9. Ewan ko ba natatawa ako sa pagkwento mo, ni hindi ko magawang bigyan ng empathy ang mga itlog at ikaw at ang batang guilty. Hahahaha. Grabe. Dapat binigyan mo ng PRIDE itlog si Teh. Grabe siguro hindi kumakain ng PRIDE chicken o itlog si Teh. Hindi malunok-lunok ang PRIDE chicken o itlog. Hakhakhak. Pero naaliw ako dito. Hakhak. Katuwa.

    • hahaha, ikaw talaga… where has your empathy gone, ha… gone away, gone wayward, gone to the dogs? timang ka….bored nga si Teh, ano ka ba… di siya magpapa-apekto sa iyak ng anak nya, di sya maiinis sa incident na may mga itlog na nabasag, as in… mas concern nya kung may bagong nag-send sa kanya ng text message. saka, sana, mas may interesting na mga tinda sa tindahan ng isa pang Teh, ahaha…😉 aliw at natuwa ka – batopik na makulit!😉

  10. Pingback: Parang kailan lang | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s