Walang bukas

 

There is no tomorrow. Iyan ang motto ng isang fraternity na nakasulat sa mga kalsada ng Kamaynilaan mahigit dalawampong taon ang nakalilipas, noong ako’y babagong salta pa lang sa Maynila. Nag-marka ang pangungusap sa batang maputla’t payating nag-aalam pa lang noon kung saan-saan ang mga kantong sakayan ng bus at dyip sa pinakamalaking lungsod. Ano kaya ang ibig sabihin? Bakit kaya ganoon ang kanilang paniniwala sa buhay? Wala nga bang bukas? Puro ngayon lang? Naitanong ko sa sarili at sa iba pang tao, nang magkaroon na ako ng mga kakilalang laking Kamaynilaan mismo.

 

image of a wall with same writings all over

Bali-balita, paulit-ulit lang daw ang bukas. Siyanga? / janchristensen.org

 

Marami raw iyong ipinapakahulugan, sabi. Maaari raw na ang ibig sabihin ay malupit ang mundo, tila isang gubat, kaya walang dapat na asahan. Maaari rin daw  namang ang ibig sabihin ay gawin na natin ang lahat ngayon, sapagkat ang bukas ay di sigurado. Pangungusap rin daw iyon ng kawalang-pag-asa o iyong sinasabi sa English na despair. Pero ang tanong ko sa kakilala kong mamang late 20s na, “Bakit, mukhang bata  pa naman sila?” Ang tinutukoy ko ay ang mga kabataang miyembro ng fraternity na iyon, na nakikita kong madalas ay nagkukulumpon noon sa mga kanto-kanto ng komunidad o kaya ay sa gilid-gilid ng mga campus, madalas ay nakasuot sila ng damit na kulay-itim.

 

Ano kaya ang dahilan para sila ay maging desperate? Kung titingnang maigi, mas marami  nga sa kanila ay tila laking-mahirap at mula sa sinasabing urban poor communities. Maiilap lagi ang kanilang mga paningin, iyon ang isa pang bagay na napansin ko sa mga kasapi ng organisasyong iyon.

 

Huling mga taon ng dekada otsenta noon, ilang taon matapos umupo ang bagong gobyerno, ang kapaligiran ng Kamaynilaan ay may kakaibang sigla. May kung anong panibagong enerhiyang gumagatong sa mga tao, tila nagsasabing masarap mangarap at mayroon noong – bukas. Iba ba ang mundo ng mga kabataang nakasuot ng itim? Wala nga bang bukas para sa kanila? Sino ang nagkait sa kanila ng hinaharap at bukas? Hindi ba maaring hingiin o kunin muli o agawin kaya? O, baka hindi lamang nila iyon makita, baka pwede silang paliwanagan o papaniwalain? Kapatid, bansa natin ito, dito tayo ipinanganak at lumaki, sama-sama tayo ritong gagawa ng bagong bukas…

 

Pero, kako nga, maiilap ang kanilang mga mata. Hindi sila basta-basta nakikipag-usap. Lalo na, kung ang pag-uusapan – ang paksang bukas.

 

image of a young person who isn't hopeful about tomorrow

Mayroon din nga bang bukas para sa kabataang tila tinakasan na ng pag-asa?/ blackroseanarchy.wordpress.com

 

Siyanga pala, hindi ko na nakakakitang nakapinta sa mga sahig at gilid ng kalye ng Kamaynilaan ang motto ng nasabing organisasyon ngayon, pati na ang kanilang logo. Natagpuan na kaya ng mga kabataang iyon ang bukas o tama kaya sila – wala talaga nito?😉

 

35 thoughts on “Walang bukas

  1. ako ate naniniwala pa din ako na sa kamay ng bawat tao ang ika uunlad or kahahantungan ng bukas nila. maaring walang sino man ang gustong ipanganak na walang masyadong kaya sa buhay pero na sau iyon kung gusto mong baguhin ang buhay na kinagisnan mo..

    naiinis ako sa mga taong, mahirap na nga marami pang anak, maaga nag aasawa, isusugal pa ang kakaunting barya na nasa bulsa, laging nakatambay sa kanto, nakikipag tsismisan sa kapitbahay, plain housewife daw e halos d na sya mapakain ng asawa nya. pwede ka naman gumawa ng pagkakakitaan kahit nasa bahay lang..

    tapos karamihan pa sa knila isisisi sa gobyerno, mahilig pa maki rally.. tulungan ang sarili para umasenso hindi maghintay ng tulong pra umasenso..

    napansin ko lng, ang mga bansang mahihirap ay ang mga bansang makikita mong ang dami sa bawat pamilya.. kasama na ang pinas, mexico, africa. etc. pero kung titignan mo ang mga bansang asenso ay kaunti lamang sa isang pamilya. 1-3 lamang kadalasan. at katulad dito sa america prehong mag asawa ang natratrabaho at nag aaral pa lang ang mga bata may mga part time job na.

    kung may tyaga may nilaga ika nga😀

    yeheyyyy!! finally mahaba na ang koment ko ahahah!! hi ate san!🙂

    • hello, kayedee… panalo ang mahaba mong comment, sister. howdy!😉

      anomie- pakiramdam ng isang kabataang wala siyang lugar o di siya kasali sa mga nagyayari at pwedeng mangyari…adolescent feeling, isang stage na dinaraanan ng youngster – awkward, misunderstood and hostile. bawat tao, wari ay dumaraan sa ganito…

      natuwa ako sa comment mo, pramis…😉 thanks!

      • chos! hahahah.. nkakainis db ung ang haba ng txt mo tpos issgot k. hahahah… kc nmn c ate oh hnd nlng ako pinanalo sa pnakamahabng koment sa araw nato hahaha..

      • imagination mo lang na mahaba ang reply. mirage lang yown… o, asan na ngayon ang sinasabi mong mahaba? ‘yong comment mo ang banner for the day, haha.😉

        btw, has it occured to you na magsuot din ng itim at gawing feel ang pagiging emo-emo? at one time or another, kapatid… hellow!😉

      • wahahahahahaha!

        naaliw naman akong magbasa….

        para akong nasa loob ng classroom at nababasa ng lecture na isinulat ni Prof ng buo sa white board🙂

        hmmmm….

        kelan ang exam date nito?

        makapag gawa ng outline for review mamaya…

        at dahil jan, mamaya na ako mag comment…

        pasilip silip lang muna at gabundok pa ang nagpapa autograph dito… ang hirap ng sikat (haaayyyy….)

        hihihi!

      • titser, mag-concentrate ka muna sa pagtsi-tsek ng dapat mong check-an dyaan… ahaha, walang exam dito. friday kaya ngayon? ^^

        nakita mo ang panalong comment ni kayedee? sya na…😉

    • Tama ka Saliw, minsan lamang bumirada ang katotong kayedee ngunit wagas ang dating!!!!

      Isang maramihang palakpak!!!

      Ako rin ay papalakpak sa iyong equally wagas na tugon!

      Kagagandang mga paliwanag!!!

      Tapos na po ang gawain…

      Paikot ikot na lamng dito sa lamesa, naghahnap ng ibang gagawin… at ito ang nakita… ang pagtipa! hahhahaha!

  2. Sana nga nakamulatan na nila at napagtanto na may magandang bukas pang naghihintay. Kaya nga siguro nwala na un mga pinta sa pader na sinasabi mo. Pero magpasaganon pa man, naniniwala ako na ang bawat isa sa atin ay may mga kaakibat na pag asang darating..Siguro masasabi nga nating pare pareho lang ang nangyayare araw araw pero darating din ang panahon na mag-iiba rin ang takbo ng kapalaran…maging positibo nawa sana lahat tayo😉

    • hello, Myr! hindi ko sure kung na-realize na ng mga kabataang iyon kung may magandang bukas ngang naghihintay. na- observe ko, karamihan sa kanila ay nangagsipag-asawa na. teenagers and older pa, ang mga anak nila ngayon… hala, tila inuulit lang ng mga anak nila ang kaparehong sitwasyong dinaanan ng magulang nila noon.

      bale, ang youngsters na nakasuot ng itim noong araw, may mga anak na rin ngayong naka-all black na damit and feeling alienated. iba yata ang org o fraternities na sinalihan nitong next generation pero tila mayroon pa ring mga gano’n… so, parang may pagka-cycle yata, as in…

      ang malaking tanong ay kung naibi-break ba itong cycle? naiaalis ba sa kalye at sa hostility nila ang mga kabataang ganito? kung sakali, papaano?… happy Friday, kapatid!😉

      • tama ka jan..well for me siguro lack of education kaya nauulit ulit lang ang mga pangyayare sa kanilang buhay..ung mga magulang naman masyado nagiging maluwag sa pagpapalaki sa kanilang mga anak..kaya marami na talga ngayon kundi out of school youth mga nakapag asawa ng maaga..haysss..iba na talaga takbo ng panahon ngayon…happy friday the 13th..hihihi..

      • oo, nga, ‘no? friday the 13th pala…tama, kapatid, malaking factor ang education o kakulangan nito sa pagiging lisya o wayward ng kabataan dito sa atin.

        hmnn… sa kabilang banda, masyado rin kasing complex ang gapos ng kahirapan sa mga bansang mahihirap o Third World countries, kumbaga. masyadong kabit-kabit ang mga problema, sus. kaya parang madaling magsalitang ito at ito lang ang solusyon pero alam naman nating sa actual, hindi ganoon kadali or ka-effective ang ating mga Rx o prescription. Ayon… Haha, happy Friday, cheers!😉

  3. Hello Saliw…. (pati na rin kay Myr at kay sis Kayedee… ^_^)

    Bilang miyembro at opisyal ng isang Confraternity (combined ang Frat at Sorority) nais ko itong talakayin sa mata at pag – iisip ng isang FRATMAN…(kahit na ako nga ay sosority member. Nevertheless, ako ay kasapi at ako ay kasaping kumakapit ng mahigpit sa aking palagay ay tamang paniniwala ng aming kapatiran)…

    “There is no tomorrow…”

    Positibo at Negatibo sa aking sariling palagay….

    Una, Bakit sumasama sa isang sanahan, tulad ng Frat o yung ang nature ay “kapatiran”?

    Ang mga kabataan , ay dumaraan sa “period of storms” na tinatawag…Ito ay Period of Stress and Strains”… Intense ang emotions, masaya man o nalulumbay…. di maintindihan, parang kahit kumpleto naman, parang laging may kulang…

    Ito rin ang panahong ang palagay ay nasa tamang gulang na upang maging malaya ngunit di naman binibitawan ng mga magulang sa kakapaalala (sa kanila ito ay sermon).

    Curious sa lahat ng bagay, masyadong adventurous….

    Dagdag kaalaman:

    http://www.sacklerinstitute.org/cornell/people/bj.casey/publications/publications/Casey.et.al.DevPsychoBio.preprint.pdf

    According to Sigmund Freud..(Psychosexual Development Theory)

    Adolescents are in the Genital Stage – a period where he or she attains sexual maturity and learns to establish satisfactory relationship with the opposite sex

    Ang pagsali sa isang samahan, tulad ng iyong nabanggit ay nagbibigay ng pagkakataong makakilala at makipagsalamuha sa miyembro ng opposite sex, na walang masyadong restrictions dahil nga ang turingan ay “kapatid”…. peding maglambing at ang pakiramdam mo, ikaw ay napakahalaga, sa kahit sinong kasama… Ang ganitong pakiramdam din ang nag sa satisfy sa need for “SENSE OF BELONGINGNESS” according to Maslow’s Heirarchy of Needs…

    Sabi naman ni kumpareng Erik Erikson sa kanyang Psychosocial Theory:

    Fidelity – Identity vs. Role Confusion. Yan ang Psychosocial stage ng Adolescent (12 years till 20).
    Nariyan ang “Questioning of self. Who am I, how do I fit in? Where am I going in life? ”

    Erikson believes, that if the parents allow the child to explore, they will conclude their own identity.

    However, if the parents continually push him/her to conform to their views, the teen will face identity confusion.

    O di ba?

    Ano ang aking sinasabi dito?

    Sinasagot ng mga teoryang inihayag kung bakit sumasali ang isang kabataan sa isang samahan, kahit nga hindi Fraternity… They have this need to explore, they this need to belong and they have this craving for discovering who they are….

    Ngayon mabalik ako doon sa “There is no Tomorrow”

    Sa positibong pananaw, maaring ito ay nagsasabing, hindi naman natin talaga alam kung tayo ay may bukas pa…kung kaya’t LET US LIVE OUR LIVES, THE BEST WE CAN, ONE DAY AT A TIME… Di natin kayang burahin ang pagkakamali ng kasalukuyan ngunit kung ito ay gagawing aral sa kinabukasan, ang unang ipagdasal ay magkaroon nga ng KINABUKASAN….

    Maaring tahimik na naglalakad, biglang mahahagip ng rumaragasang sasakyang di mo alam kung saan nagmula, bigla na lang (tulad ng kaso ng isang 12 year old kid nitong nakaraan na naglalakad lamang kasama ang magulang upang ihatid sa paaralan, nahagip, patay)…

    Maaring sa pag-inom ng tubig, kahit isang baso lamang ikaw ay malunod… (mag choke) … simple di ba? pero maari…

    Maaring sa pagtayo sa ilalim ng building may biglang bumagsak, tinamaan ka… aba eh sa ulo pa, e di di na rin nagising…

    Maaring buong husay na nagtiuturo sa loob ng paaralan, may isang mamang walang kaabog abog na papasok at bigla na lang papakawala ng bala, tama sa puso… eternal rest na ang kasunod…

    Sa negatibong pananaw…

    Maaring ito ay nagsasabing, walang bukas. Lahat ang tuldok ay ngayon. Hindi ko lang mapagtanto kung ito ba ay kawalan ng pag-asa rin, pero palagay ko, maari.

    Ay kung ito ay debate, dun na ako sa positibong ibig ipahiwatig. Kahirap pala ang maging negatibo…

    Mwahhhhh!!!!!

    TRansfusion please!!!!!

    • hello, chilled honey… buti, pinakawalan ka na ng mga nagpapa-autograph dyaan…😉

      member ka pala ng confrat. hmmn… sa ‘kin ay paulit-ulit din akong nire-recruit noon sa sorority, mga kakilala ko pa ang lumalapit. di ako nag-join… ewan ko lang kung dahil asiwa ako dahil promdi nga, tapos karamihan sa kanila, mga taga-city, ahaha. ang sinalihan ko’y religious org, as in…ewan ko, kasi siguro, may religious org din ako noong high school so, siguro, di malaki ang magiging adjustment, kumbaga… okey naman, halo ro’n – may city folks at barrio folks, haha. medyo parang kahawig din ng confrat, kung tutuusin – brod and sis din ang tawagan, haha. ^^

      yes, correct ka sa sense of belongingness na ‘yan, kapatid… masaya pag may org, laging may activities, lakad, tsika at kung anu-ano pa, haha. may napapagsumbungan, nauutangan, hihi. ^^

      ah, yong frat na ikinukwento ko sa post, negative ang pakahulugan nila sa there is no tomorrow. medyo anarchist ang orientation nila, as in… kapareho din sila yata noong mga naka-itim na damit na out of school youths na nakikita natin sa ngayon…pessimistic sila about the future. the term tomorrow hangs heavy on their head, kumbaga…

      iba ‘yong kanila sa optimistic na seize the day na kawikaan… ahaha, at bakit ka nag-lecture? di ba si kayedee nga ang sikat today, aber? ta’s call for transfusion ka dyan! prof… walang grading dito, ha, ma’am?😉

      • hahahah!!!!

        Ako ay nakaluhod na sumasamba kay kaydee ngayon Sis Saliw (hihihi…sorority na ito!).

        Akin lang nasilip ang pagkakataong ipaunawa sa iba ang dahilan kung bakit ang ibang kabataan ( na aktibista ang puso tulad ko) ay nahahalina sa tawag ng Artificial Fraternal Ties…

        Ang akin lang naman noon, walang choice dahil dukutan talaga ang sa Iskul… Pasok ka ng CR, pag ala kang katunayan na ikaw ay Frat member na, dun mismo initiation ng bongga… uulitin ko, sa CR… tapos paglabas mong iika ika, sabay akap at kamay? tsk tsk tsk!

        Pero ako naman ay dumaan sa regular na prosesong may kasakitan rin… pero mga aral ay tumimo…at hindi sa CR hihihi… Kaya’t mahal ang samahan, katunayan ako ay umiikot ikot upang ilinya ang mga patakaran sa Anti-hazing Law…. ganyan ka die hard hahahahah… paano ba naman, ako ay nakatapos din naman sa tulong nila… sa mga panahong ang aking ama ay WW (walang wala)…🙂

        Kakalungkot na ang ibang kabataan na iyong nabanggit, naku ako naman ay natakot para sa aking dalawang anghel…

        Harinawa ang aking paggabay ay maglayo sa kanila sa ganyang paniniwala, dahil kung hindi, naku… baka ako ay maging isang zombie….

        Naku, ikaw pala ay very religious…Nakakatuwa naman… Isang kaluluwang biniyayaan ng pananampalatayang di matinagtinag… Apir Sister!🙂

      • oo, naman… social commentary ang kay sis kayedee. lumabas ang pagiging ate nya, as in…nakow, kung ate ko ‘to, malamang-lamang nakukurot nya ako, hehe…

        kayedee, di naman ako nag-member no’ng org ng mga naka-itim. although, curious ako sa mga gaya nila, then and now… parang ang tanong ko, saan kaya sila umiigib ng pait at galit, as in… tapos, suot nila at bitbit ‘yon sa katawan at expressions. ayon… ^^

        oo, nga, chilledhoney, parang must noon ang may org sa estudyante, ano? ngayon yata, hindi na… hindi talaga ako nag-soro, e. although, may friends ako from soro and frat. mas marami nama’y ayos. may ilang kakilala rin akong na-involve sa hazing, na-tv, kainaman…

        anyway, kung ang boys mo naman, pinalalaki mong may enough security and confidence sa sarili, maliit naman siguro ang tsansang ma-alienate at maligaw ng landas ang mga ‘yon. tingin ko, ha…😉

        ahaha, sa pagiging religious? di naman masyado. di ako gaano sa rituals-rituals. need for spirituality ng isang tao, check. rituals, di gaano.😉

  4. hmmm, ako naman, nagsusuot ng itim na Polo o di kaya itim na polo shirt tuwing sabado, sa kadahilanang, ayaw kong magwork during saturday, hahaha. pero wala akong choice, ito ang aking pinagkakakitaan, kaya every saturday, i celebrate, ang tawag ko dito ay “black saturday” (totoo every saturday for me is -black saturday-), minsan may print ang damit, minsan plain black lang, basta lahat black, pati socks, panyo, atbp. maliban sa pantalon. hahaha. tomorrow is a black saturday again, welcome bukas. makapag-gitara nga muna, hihihi.

  5. Isang makapukaw damdaming sulatin.

    Para lang siguro yang mga mentalidad ng ibang tao na pag naholdap sila patay patay na. (Isa ako dun.) Ngunit habang tumatanda ka ay sigurado maiisip mo rin na maaring hindi yon ang mas magandang daang tahakin. (ayokong sabihin na tama, dahil sobrang subjective para sakin ng salitang yan. at masyado ring malawak ang ibig sabihin.)

    Ngayon, nasaan na kaya sila? dekada otsenta noon, kasagsagan ng mga taong bigla na lang nawawala. (pero hindi pa ko buhay niyan, nagiimbento lang ako). sana nga ay nakita nila ang hinahanap nila.

    • hello, Snake… 88 to 89 ang panahong binabanggit ko sa post, kapatid. medyo masaya noon sa Kamaynilaan, may hang-over pa ng euphoria ng EDSA people power ang mga tao. hmnn… marami nga sa kanila yata ay the usual, nagsipag-asawa at ang naging concern na matapos ay daily survival… kaya palagay ko, naisantabi na rin ng marami sa kanila ang tila philosophical na tanong na kung totoo nga bang may bukas. kung may isasaing ba mamaya o bukas na ang naging tanong, wari ko…^^ btw, early 80s yata ang panahong maraming nangawawala ng bigla na lang. 😉

  6. mahirap din tlagang ispelinging ang henerasyon ngayon. May mga paniniwala at pinaglalaban silang sila lang din mismo ang nakakaintindi.

    Hindi ko massabing mali o tama ang pinaninndigan nila. Dahil nga gaya ng sinabi mo baka nga wala ng bukas.

    oo nalilito na ko .. sumama na kaya ako sa kanila sa saturday? :p

    • hmnn… bawat generation naman yata, may ipinagre-rebelde. parang puro naman may dahilan at pinanggagalingan, kumbaga… ang mahirap lang yata ngayon, masyadong pronounced ang pagkakaiba ng mga haves and have nots. medyo mahirap sa isang lipunan pag gayon ang sitwasyon, nagiging ripe for conflicts, kumbaga… ayon. 😉

      shaks, may ipapa-repair pa naman akong pants mamaya pero bukas ko pa balak kunin, as in… tingin mo, antayin ko na lang din dapat mamaya? ^^ tapos, ready na ang susunod kong post pero ilalathala ko sana sa makalawa pa. dapat, bukas na rin o mamaya na?😉

      ahaha, ba’t sa Saturday pa? mamaya na, wala na ngang bukas, e. hohoho.😉 asan na post mo?

      • ayos nga ‘yon. sana lang, sing-athletic pa ang lola mo no’ng dati, ahaha. kung sakali, now lahat – bring it on!😉

        di naman siguro, superachievers ang labas natin pag nagkataon at parang masaya, as in…😉

  7. Haha. Baka nga kaya wala sa Kamaynilaan ang graffiti nila dahil natagpuan na nila ang “bukas” HAKHAK. Aliw ay. Haha. May kanya-kanya tayong kahulugan diyan. Responsibilidad na lang ng kabataan kung gagawin nila itong positibo o negatibo. E siguro naman may muang na yung mga yun. WALANG BUKAS. Kung walang bukas, e di walang alalahanin. Hakuna Matata. It’s a wonderful world. Hihihi.

  8. haha, ang kulit mo talagang bata ka…😉 sabagay, Hakuna Matata – yan ang greetings message sa isang cellphone ko, as in… sana lang nga, nai-imbibe ko, haha. hindi rin… medyo worrier type ako, kapatid. the kind who wonders what tomorrow’s gonna bring us… ^^

    on the other hand, may point ka… parang gano’n yata ang sentiments noong alienated kids in black… na di sila dapat gaanong magpa-apekto kahit nililibak sila ng lipunang mapangmata dahil mahirap at dugyot lang sila. kumbaga, the society can’t hurt them kasi they’ve steeled themselves not to feel too much… basta, maraming movies na ganyan ang topic… luka-luka ka, hakhak.😉

  9. Pingback: Parang kailan lang | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s