Kasya Kaya? (reblog)

 

Bilang pagbibigay sa hiling ng isang ka-blog, ilalathala natin ito muli bilang related post sa lathalaing buwan ang saksi… Mas masaya kung magko-comment kayo, mga kapatid.πŸ˜‰ Tulad ng dati, salamat…

sasaliwngawit

Kulang ang mga salita para ilarawan ang aking nadarama

Kulang ang mga bituin para sa iyo’y ialay

Kulang ang lamlam ng buwan para tanglaw sa β€˜ting pagmamahalan

Kasya kaya ang langit, para balutin ako ng iyong pag-ibig?πŸ˜‰

View original post

53 thoughts on “Kasya Kaya? (reblog)

  1. At dahil ako ang humiling, ako ang unang magbibigay puna hihihi….

    “Kasya kaya ang langit, para balutin ako ng iyong pag-ibig?”

    Tila pag-ibig na alay sa irog na naghihintay ay tulad ng isang napakalaking bahagi ng kalawakan na sa sobrang lalim at katapatan… nais ibalot ng buong katapatan…

    Pahiram nga po ng “Kainaman!!!!”

    Napakasarap marinig iyan sa isang nagmamahal ng wagas at tunay… Kung ako ang magbibitaw niyan, aking ibig ipakahulugan….

    …ikaw ay yayakapin sa tuwina
    …ikaw ay hindi hahayaang masaktan
    …ikaw ay laging papahalagahan
    …ikaw ay pagsisilbihan
    …ikaw ay paliligayahin sa araw araw

    Talagang kainaman!!!!

    Nawa, marami pang nilalang na ganyan magmahal….at ang pagmamahal ay ganyan din suklian…

    pag nagkataong nagkatagpo… ang kalawakan ay yayakap sa buong mundong kanyang iniikutan….

    • hello, honey! haha, ang pamagat nito dapat – Ang Pag-ibig na Napakalaki… ^^

      ang ganda ng kahulugan mo sa pag-ibig – katapatan… at ang iyong mga pakahulugan – comfort, protection, high regard, service and happiness. tapat ngang tunay! ^^

      at ang iyong conclusion sakaling magkatagpo ang dalawang tapat kung magmahal – ang kalawakan ay yayakap sa buong mundong kanyang iniikutan.πŸ˜‰ ikaw na… ^_^

      • Isang pangarap Saliw…

        Maaring isang perpektong pang-unawa sa isang usaping ang utak ay hindi ginagamit ng isang daang porsyento…

        Palagay ko, ang aking puna ay hinugot sa mga karanasang napagdaanan, nakita ang kahinaan ng nangangako gayundin ang kakulangan sa kayang ibigay at sa kayang tanggaping damdamin…

        Ang pagtagpi-tagpi sa mga karanasan ay bumuo ng isang pangarap na nais makamtan… isang pag-ibig na ang kahalagahan ay panghahawakan ng magkatipan, hanggang sa kanilang kamatayan…(The Notebook uli, hay naku bonggang iyak ako sa movie na iyon, talagang mugto ang mata ko paglabas ng sinehan… hihihi)

        Ito ang kabuuan ng nais ipakahulugan sa iyong katha…

        “ang kalawakan ay yayakap sa buong mundong kanilang iniikutan.” …

        Magandang umaga Saliw!!!!

      • hello, chilled honey… ang romantikong pag-ibig yata ay talagang isa lamang pangarap hanggang hindi nakakakita ng kaulayaw na siyang magpapatotoo. pangarap lamang, ngunit siyang nais paniwalaan ng sinumang naniniwala sa ideya ng wagas na pag-ibig, ho ho ho… ^^

        sadya raw na di natin nagagamit ang isang daang porsyento ng kapasidad ng ating utak. tatlong porsyento lamang sa karaniwan o average, ang nagagamit natin. sadyang kulang ang ating pag-unawa sa maraming mga bagay-bagay. kung kaya nga, ang mismong pagtatangkang umunawa para palawakin ang ating kabatiran ay kapuri-puri na… ^^

        sa usapang pag-i-pag-ibig, maaring ang paggagap natin nito ay galing sa kawalan o absence nito sa ating buhay. maaari rin namang dahil kapos o kulang ang naranasan natin banda rito. o, di kaya, naranasan mismo ng isang nilalang ang buo at wagas na uri ng pagmamahal – isang bibihirang pangyayari at pagkakataon. alinman diyan, lalaging may paggagap na makukuha ang isang tao – kung ano ang papel ng pag-ibig sa buhay at pagkatao…

        anupaman, ang lohika raw ng pag-ibig ay laging humanap ng katapat at katugon sa damdamin. dahil ang mga tao ay may iba-ibang karanasan, pinagmulan at pangarap, logically, hindi rin pare-pareho ang landas na tatahakin para matagpuan ang taong iibigin at iibig sa kanya ng wagas. isang taong magtutulak sa kanyang magsabi, “ang mga bagay, kasama na ang buwan, bituin at langit, lumagay na sa dapat nilang kalagyan. at ako ay nakauwi na.”

        siyanga pala, ang The Notebook ang isa sa pinakamagandang love film na naipalabas, wari ko. nahuli niya ng buo ang ideya ng romantic love. huling-huli, ahaha. magandang araw sa iyo!πŸ˜‰

      • Hala!!!! lahat ata ng peding duguin, dinidugo na ako….

        Mabuti na lamang at walang laman ang aking sinapupunan, kundi tiyak ako ay naagasan! hahhahah

        Ako ay naghahanap ng kaisipang magpapa-short circuit ng aking utak…

        Ayan eto na nga hihihi

        Ipinapauna, ito ang sinasabing “SWEET PAIN” ! ^_^

        Saliw quips… “ang romantikong pag-ibig yata ay …….. siyang nais paniwalaan ng sinumang naniniwala sa ideya ng wagas na pag-ibig”

        Sabe ko…Eh kasi nga, “Happiness is a state of mind”… Kung gustong maging maligaya, maaring bumuo ng isang kastilyo sa ulap, makipaghabulan kay Kupido, at isipin na ikaw ang Pinsesa na pinag-alayan ng isang tapat na pag-ibig ni Prince Charming… Kung gustong maging masaya, maniniwalang ang pag-ibig na wags ay darating… aasa, maghihintay, at magdarasal…makapangyarihan!

        Saliw Quips…”sadya raw na di natin nagagamit ang isang daang porsyento ng kapasidad ng ating utak. ……. kung kaya nga, ang mismong pagtatangkang umunawa para palawakin ang ating kabatiran ay kapuri-puri na..”

        Sabe ko… Tama talaga… ang pagtatangkang umunawa at makita ang kahulugan ng mga pangyayari, damdamin, at bagay bagay ay tunay ngang kapuri puri na sapagkat ito ay isang EFFORT na bongga!!!

        Malalaman nating tayo ay nag-isip ng malalim na may kabuluhan kung…

        1. Sumakit ang ulo natin sa kakahagilap ng mga salita
        2. May nabuo sa pagtatagpi ng mga kataga
        3. Binasa at ating naibigan ang sariling pagtatapon ng tinta dahil may SENSE ang ating ginawa.
        4. Sa pagtakip ng bolpen, tayo ay nakangiti….

        Malalaman nating tayo ay nag-isip ng malalim na walang kabuluhan kung…

        1. Sumakit ang ating ulo sa kakahagilap ng sabog sabog na kaisipan hihihi
        2. Naunat na ang buhok, sa kakatahi, wala namang nangyari…
        3. Nang binasa, ayun nabigla, papel sa basurahan ang punta hahahhaha
        4. Sa pagtakip ng bolpen, ang hinanap, kusina… kaldero ay patataubin!!!

        Saliw Quips…”sa usapang pag-i-pag-ibig, maaring ang paggagap natin nito ay …. kung ano ang papel ng pag-ibig sa buhay at pagkatao…”

        Sabe ko…
        Totoo😦
        Kung ano ang nais ng pusong damhin, kung ano ang nais ng utak na isipin…
        Pag nagmahal, bulag, pipi at bingi nga, di ba?
        Iyon kasi ay pangangalaga ng kung anong sa sarili ay mahalaga…
        Kahit sabihin pang “Hangad ko ay iyong kaligayahan”… naroroon ang kasabay na dasal, “HUwag mo sana akong bitawan”…
        KAINAMAN!!!

        Saliw Quips….”isang taong magtutulak sa kanyang magsabi, β€œang mga bagay, kasama na ang buwan, bituin at langit, lumagay na sa dapat nilang kalagyan. at ako ay nakauwi na.”

        Sabe ko…

        Ang taong yaon ay darating kung may patnugot ng Ama, sa tamang pagkakataon at sa tamang panahon…Sa kanyang pagdating, ang araw ay magsasayaw, ang buwan ay ngingiti, ang mga ibon ay huhuni at ang buong mundo ay makikibahagi sa pagdiriwang ng pag-ibig na walang pasubali…

        I love the Notebook hihihi!!!

        HIngal ! HIngal! HIngal!!!!

        Sigh (relief)

        Natapos ko rin ito hihihi! Palagay ko naman ay may sense dinπŸ™‚

      • haaiyy, hwag maaagasan, kapatid. mahirap ang raspa, haha – isa sa primary causes ng maternal deaths, haha… mas alam mo ‘yan kesa sa ‘kin, hihi… ^^

        anyway, state of mind nga ba ang happiness? basta ang alam ko, masarap ang pakiramdam ng isang tao sa onset ng pag-i-pag-ibig na yaan… iba ang nagiging pagtingin nya sa mundo at sa paligid at pati sa sarili – ang tsansa nyang mapaglabanan ang mga sakit at balakid ng buhay, ika nga, tumataas by geometric proportions, ahihi… ^^

        ang sweet pain yatang binabanggit mo ay pagkatapos na, senga? doon sa mga pagkakataong nakasilip ang isang tao ng tsansang makamit ang ideal nya ng true and genuine love, sandaling napagbigyan tapos, nauwi rin sa wala. at sa ganoong pagkakataon, kailangang maghiwalay. ngunit dahil nandoon pa ang pakiramdam o hinuhang baka maaari pang isundo o ituloy ang pag-iibigan at gawing totoo pa rin ang ideal, kasabay ng pagsasabing, “pinalalaya na kita,” ay ang kamo ngang “huwag mo akong bitiwan.” na maraming sunud-sunod na “please!” sa loob, nyahaha.πŸ˜‰

        wari ko, sa tuwing bumubukas tayo sa isang pagmamahal, sumusugal tayo at umaasa. tila isang taya para sa bukas na iniisip natin – ang taas ng odds! tanging ang may katawan at isip ang nakababatid kung paano nya pupunuin ang mga kakulangan. sa pagkakataong nagtitiyap ang mga damdamin at pananaw sa bukas na magkahawak-kamay, tila madali lang magpuno ng mga kulang. ngunit sa pagkakataon namang di-tiyap, lalong lumiliit ang pagtanaw na iyon sa bukas at hinaharap, sapagkat isa lamang sa pares ang magpupuno at maglalaan para gawin iyong totoo.

        ano at anuman, mas madalas tayong hopeful, naniniwalang huwag lang di malingat o mapatid o may makabangga lang sa atin (haha, desperate?), posibleng andoon ang tsansa nating umibig at mainlab ng bonggang-bongga, ahihi. ^^

        o, hinga muna tayo at cheers!πŸ˜‰πŸ˜‰

  2. hindi kasya! ahaah chos! ah basta sa painting nlang ako magkokoment.

    magnda sya! hahaha

    nahiya nmn ako sa koment ko dto..prang title lang sa haba ng koment ni sis honeychilled ahahhha

    • eh, kasi, may napapagsabihan ka directly ng wagas mong pag-ibig, haha. pag dito sa blog, your lips are sealed na lang, tsos!

      hala, kay chilled honey ka magpaliwanag bakit sobrang lengthy ng comment mo, hihi… hello, kaydee, mag- juice ka muna…πŸ˜‰

      • bwahhhh. cge ako ng my npagssbhan ng wagas kong pag ibig ahhihihihi..

        ewn ko nga e san nkukuha ni chilledhoney ang mga koment nyang prang isang libro at mga post na walng tigil.. gifted child ata si honey e ahahah.

      • haha, ikaw na ang may wagas na pag-ibig. don’t you think sometimes it’s unfair, kapatid? ampeyr, ampeyr!πŸ˜‰

        ah, sabihin na nating si chilled honey ay minsang nakaranas ng matamis na pag-ibig na sa kalauna’y nalagyan ng pait. minsan lamang dumating ngunit hanggang ngayo’y dala pa sa damdamin, ‘ika nga, at patuloy na nangangarap na isang araw, iyon ay muling magkakatotoo, magiging ganap at wagas, hahaha.

        ‘langya kayong dalawa, mga bruha… maski ako’y natatawa sa mga pinagsasabi ko rito. kayo na ang may puma-pag-ibig, shaks! may ini-edit ako, ang kukulit nyo, lablab…^^ hey, thanks for dropping by, ha πŸ˜‰

    • hmmmm… madaya ka sis, padugo ka rin ng utak… ako nga ay nakapila na sa blood bank, magpap transfuse na, katatapos ko lang maglagay ng tugon-puna hihihi…

      hello Kayedee and Saliw!!!!

      • hello, honey… hala, kapatid. hwag mong ipagsabi ang blood transfusion pag naparine, baka ano’ng maisip nila, haha… ay, sila yata mismo ang nagpapadugo. hala, they come over to bleed themselves, as in… blood donation yata ang tawag, hihi. windangers naman kasi ang piping saksing buwan, may misteryo at sekreto lagi, sworn confidante ng lovers, ahihi… howdy, chilled honey!πŸ˜‰

  3. first impression ko sa image… naalala ko si Vincent V. G…. “starry starry night..”

    hmmmm bilog parin ba ang buwan?

    • ahaha, painting nga ‘yan ni Vincent Van Gogh. rendition nya ng “star starry night.” actually, ang kantang Vincent, inspired nyang painting – dedicated to someone who looked at the world with innocent eyes, loved so purely and died so young… yown!

      ah, daytime pa rito, e… titingnan natin pagdilim, mamaya kung kabilugan pa ang lovers’ moon, ahihi.πŸ˜‰ hello, haribon!

  4. yes! yun ngaπŸ˜›

    Vincent looked the world from a different abstractive point of view, and he was deeply maligned for that. only long after his life did he got the proper respect…

    oh well, the magnetic pull of the moon did have some effect on the fluids that envelopes the human brains as well as the animals…

    it’s like a rising of the tides… and the brain gets too much fluids that it tend to think beyond logic.. to the extent of offering the moon and the stars to a beloved lass…

    kung kaya nga ang utak ng tao “binubuwan kapag kabilugan ng buwan”πŸ˜›

    i think that’s the scientific explanation to that, though i only pulled it from my imagination hahahaha

    • ahaha, ang gaganda naman ng info na isinhare mo, haribon, salamat… ano ka, parang gano’n nga, ganyan din ang pagkaalala ko – kay Vincent at sa effect ng moon sa mga tao…

      but hey, the heart has a reason of its own daw naman, ah?… πŸ˜‰

  5. hahahahaha!

    kalokohan naman yang heart has it’s own. illogical.
    pwede pa sabihin, the spirit or what other says soul (conscience) siguro.

    scientifically ang blood pupunta sa brain from heart in circulatory cycles kaya they are interconnected. pag ang brain neurons nag spike up out of normal patterns the electical impulses connected to all bodily parts are affected and sending weird senses back to the brain.

    ah basta un na yun! ewanπŸ˜›

    langyang full moon naman yan, kung ano ano tuloy dumadaloy sa utak ko hahahaha

    • ah, yes, thalamus ang talagang nakakaramdam ng kakaibang pakiramdam na tinatawag ng mga taong pag-ibig at ito naman ay di located sa heart kundi nasa bandang brain, ando’n na tayo, haribon… ^^

      pero, you have to grant that when a person “falls,” he or she isn’t thinking straight, tama?πŸ˜‰

      oh, eh, isisi ba naman sa full moon ang mga angas sa pag-ibig? shaks, kainaman…πŸ˜‰

      • oo na sis agree nako.
        minsan may mga hormones at neural imbalance dba. gaya ng animals. sa scents lang ng opposite species like urines left behind nag trigger na ng kung ano ano. ganun din naman humans i suppose, mga indyano nga mas erotic daw pag may putok hahahaha ewww!!!
        sa iba naman animalistic na amoy daw! at kung abkit ang pawis during mating lalong nakakapag bigay ng sensual spikes…

        may epekto nga ba sa takbo ng hormones yun amoy?

        hehehehe kaya ayun… spurt of the moment nabubulabog and utak. epekto parin ng buwan similar… neural imbalances imbalances tsenes…

        saka lang malilinawan ang epekto pag nag calm down o subside na ang emotions….

        ay teka. nasang lupalop na ba ako? alam ko engineering ako hinde medicine o psychology hahahaha…. shaks na kainaman!!!

  6. at basically, the heart is just a pump. to pump blood in and out of other human bodily systems.

    echos lang yang puso pinapairal hahahaha

    • mi corazon, Dios mio, Haribon… chill, bossing, tsikahan lang naman, sus.πŸ˜‰

      yes, saanmang kultura, saan mang lugar sa mundo ay may tinatawag na puso na siyang responsable sa usapang pag-ibig. at tama ka, kapatid, may mga pagkakataong ito ang pinaiiral at nanaig, ahaha. ayon lang…πŸ˜‰

  7. ang sa akin naman, simpleng lohika sa nag-iibigan, kung sa isang kumot maging sa isang unan, ang nag-iibigan ay nagkakasya, siguro marahil mandin sa buong kalangitan pa, naku, diga’t pagkalalawak nun. (nag-effort ako nyan ha) sa pag-iisip ng pinakasimpleng puna at sadyang ninais kong ilahad sa pinakapayak na aking makakaya. ayos ba?

    • hello, hoshi! salamat sa pagdaan at sa mensahe. (pasensya na, girl, napunta sa spam ang short and sweet comment mo, kainaman…)

      ay, sa dyaskeng ‘yan, wala namang nagsasabi ng ganyan kaya nga dinadaan na lang sa tula, hahaha.

      oo, ang usual na sinasabi ay kung saan-saan magsa-shopping, trips at anu-anong okasyon ang pupuntahan, as in.πŸ˜‰

  8. “Kasya kaya ang langit, para balutin ako ng iyong pag-ibig?”

    ahahay.. ang cheesy naman ni miss S. hehe. pero sa taong umiibig minsan naitatanong mo nga ang mga ganito. parang lahat sa paligid ay makulay at makabuluhan. well ganun talaga pag in-love. gusto mo ibigay lahat sa mahal mo mapasaya mo lamang.. ahihi..

    musta ka miss S?πŸ™‚

    • bru, lumang post pa ‘yan. one of the first few posts dito sa SSA. wala pa akong mailagay no’n, kaya naghanap sa old write-ups sa notebook, yown… reblog lang ‘to kasi related ang heavenly bodies sa buwan ang saksi post…. ayon, kinu-confirm ng lolang gano’n ang feeling pag inlababo, ahihi… thanks, ayos naman… hope things are well over there.πŸ˜‰

  9. Starry Night ni Van Gogh.

    Naaalala ko ang painting na yan na ginawang modelo ng teacher namin nung High School para gawan daw ng tula. Inspirado akong gawan yan ng tula noon, kaso wala na yata akong kopya. Sayang, ahaha.

    Naman sa ka-mushy-han, Ate San!πŸ™‚

    • ikaw na ang napatula sa painting ni Vincent Van Gogh – poetic, as in… gawan mo kaya uli ng tula isang araw? why not? ^^

      hala, old post ‘to, kapatid… ni-reblog ko lang dahil related sa sinundang post – buwan ang saksi, my shortest entry, so far. ahaha, paminsan-minsan na lang ako mushy sa ka-pag-ibig-an, kapatid. or, sa lack of, ahaha.πŸ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s