buwan ang saksi

 

Di nga… ba’t di na lang iyong mga halaman sa may bakod? O, di kaya, ‘yong kotseng nakaparada sa tapat? O, ‘yong aleng dumaan?

 

image of lovers under the moon

Sa liwanag ng buwan ang sumpaan ng walang hanggan/ bonzasheila.com

 

Bakit kailangang sa liwanag ng buwan ang sumpaan ng pagmamahalan? Bakit? 😉

 

99 thoughts on “buwan ang saksi

  1. Ewan ko lang ha?

    Kasi mas romantic?

    Mas feel?

    At ang pinaka karaniwang sagot…..”SAKSI ANG LANGIT”?

    Ewan ko if tama ako….

    Hmmm di ko naranasan ang magsumpaan sa ilalim ng buwan…

    Pero naranasan kong makipag-break sa kabilugan ng buwan 😦

    Hindi bitter, naalala lamang.

    Hi Saliw.

    • ayon nga, kapatid, ba’t kailangang romantic ang setting nyang pag-i-pag-ibig na ‘yan? ahaha. ^^

      at bakit kailangang gawin pang saksi ang langit, sa tinamaan ng husay? baka naman pwedeng medyo matter-of factly lang ang approach, para pag nag-break up, di masyadong semplang ang pakiramdam? naitatanong lang, dear, kung iyong mamarapatin baga… 😉

      shaks naman, sa kabilugan ng buwan ang break up. kaaasar ah… ^^

      • hihihi… oo nga eh… sagwa naman ng experience ko, kabilugan ng buwan ang pagsumpa…. pagsumpa sa isat isa na huwag nang makita hahahahah! Hmmm kabataan pa noon 🙂

        Oo nga agree, ang tanong ay bakit saksi ang langit? maaring sa pagkakataong yaon, parehong nag nanais na mabiyayaan ng pagkakataon at panahon ang pag-iibigan at tulad ng pagmamahalang di nakikita, nais ipagitan ang Diyos sa kanila upang mas tumagal….palagay ko lamang…

        Pero minsan, kahit sumumpa na sa ilalim ng buwan, ilalim ng araw, ilalim ng puno, ilalim ng tulay at kung saan pang ilalim, kung may mga pagkakataong namamagitan at panahon ay di umaayon….. ayun… ang sumpaan ay nababalewala….

      • shaks na sumpa ‘yan, haha. bata pa naman kamo, volatile pa masyado ang emotions no’n…

        ang ganda ng paliwanag mong gawing saksi ang heavenly bodies para sa hiling na mabigyan ng panahon at pagkakataon ang pag-ibig. at may taga-langit na mamagitan sana… btw, bakit kailangang may mamagitan sa pag-ibig? di nga…^^

        kakatuwa naman ang sabi mong maski saan pang ilalim sumumpa pag hindi meant, wala pa ring mangyayari. natawa talaga ako sa pag-put mo, haha.

        ikaw na, kapatid, ang makaranasan sa mga ganyan… 😉

      • hihihi… puro karanasan, walang kasiguraduhan… ako na nga hahhaha….

        hmmmm ako ay napaisip…bakit kailangang may nakapagitan? Kung ito ay ang Divine Father, He will bind the two. Pero minsan, nasa atin din talaga yan eh. May blessings pero pag ang blessings ay sinayang, balewala rin…

        hihihi salamat at ikaw ay natuwa sa mga ilalim… dudugtungan ko [pa sana sa ilalim ng kama], baka maiba ang rating ng iyong pahina hihihihi

        ako ai iyong mapalo hihihi

      • hanla pa, just keep on loving and keep on hoping, ahaha. ^^

        ah, wari ko, pwedeng divine power, pwedeng heavenly bodies – basta, medyo supernatural ang dating, haha. anyway, basta gano’n, naghahanap ng padrino, kumbaga. pero kamo, minsan ay di sumasapat? medyo gano’n ba, kapatid? ^^

        ahaha, sa ibang sites nga yata mas bagay ang usapang ilalim ng kama, haha. panatilihin nating rated PG ‘tong site, hihi.hamo, sa mga darating na araw, pwede siguro tayong gumawi sa tinatawag na sensual writings. pero, for the future pa yown. basic muna ng usapang pag-ibig para PGng PG, haha. 😉

      • hihihi

        Hmmmm Padrino, kukunin ko ngang padrino si Bro…. ^_^

        PG na lang tayo, tama ka….

        sensual writings?

        kaloka!

        semi… katulad ng aking HALIK hihihi

      • ah, di naman exactly si Bro ang padrino (pero usually, ginagawa rin nga sya ng mga tao), basta supernatural power o kaya, heavenly bodies. ayon ang tanong ko, kapatid, bakit kailangan ng intercession from something or someone na heavenly? ba’t di within earth – halaman, kotse or ale? repost ng tanong, haha.

        may ilang tula na akong nakaimbak na ganyan pero di pa naman sure kung ipo-post. pag maraming nag-comment sa posts about basic ng love-love, baka sakali. pang-later pa ‘yon. parang ‘yong halik post mo pero medyo mas bilog, haha.

        kasama kaya ‘yan sa panitikan? haha… pwera biro, as in… ^^

      • hihihi…

        maaring ang mga naglalagay ng isang supenatural force sa “pagitan” ay maaring naniniwalang kasabay ng pagmamahal na hindi kayang sukatin, may Pananampalatayang maaring maging batayan ng kagandahang asal upang hindi bumitaw sa simumpaan…(ay ang hirap sagutin ng tanong!!!!! pass hihihihi)

        Sige post ka pa ng kagandahang mga akda….malay natin ang “halik” ay isang semi-sensual ngunit malinis na kathang-panimula hihihi

        Hmmm maitanong nga iyan sa Kagawaran ng Panitikang Filipino hihihi

      • magagandang points yan, kapatid – pagmamahal na di kayang sukatin at pangangailangan ng pananampalataya ng magsing-irog…

        btw, saka na ang sensual writings, sa future, pag masaya ang naging discusion sa basics ng love…

        gusto ko ang ideyang isangguni sa kagawaran, hihi. ^^ ang kulit… 😉

      • ay kagandahang ang aking puntos ay tumama hihihi

        ako lamang ay nagbibiro sa sensual writings hihihi… mas nais na iyan ay pribado na lamang hahaha at baka tayo ay ma MTRCB hihihi

        hmmmm ako nga ay magsasangguni hihihi… ito ay dagdag kaalaman rin, sayang

        hihihi

      • opo – pagmamahalang di kayang sukatin at pananampalataya ng magsing-irog…

        btw, isa sa early posts ko rito, Kasya Kaya? iyan ang tema – pag-ibig at heavenly bodies, haha…walang gasinong nag-comment do’n… ^^

      • hihihi…

        subukan mo ireblog SALIW,

        aking taos sa pusong hihimayin, nanamnamin, at magbibigay tugon ng bonggang bongga hihihi

        respeto at paghanga sa iyong katha aking nais iparating…

  2. Sapagkat sinasagisag nito ang paninindigan sa wagas na pagmamahalan. Malayo man ang buwan, ito ay nananatiling tanglaw sa karimlan ng paligid. Hindi rin naman sapat ang liwanag ng mga tala para magsilbing gabay sa magsing-irog. Dahil dito, ang liwanag ng buwan ang saksi sa sumpaan na walang hanggan.

    Hindi maaaring maging saksi ang mga halaman sa bakod dahil natutulog din ang mga ito sa gabi. Ang kotseng nakaparada sa tapat ay patay ang ilaw. At ang aleng dumaan ay malabo ang paningin tuwing sumasapit ang gabi.

    Maraming salamat sa pitak para sa dalawang mamerang puntos ko (kung meron man!).

    Ang tanong ko lang, paano na kung wala ang buwan(sa pagkatapos ng last quarter at bago mag-first quarter moon :D) ?

    • ayon nga, kapatid na AISO4, bakit kailangang wagas ‘yang si pag-ibig?

      at salamat sa napakahusay na paliwanag kung bakit di qualified ang ibang kandidato sa pagiging witness. at naku, di mamera ang iyong opinyon, pramis…

      ah, di ko alam ang alternative pag gabing absent si/ walang buwan. any suggestions, kapatid? 😉

    • hello, PP! o, sige, emotional… ay, inlababo nga, paanong gagawin? 😉 ahaha, di naman sa gabi lang nagtatagpo, may daytime din, kapatid. pero, oo, mas may atmosphere sa gabi, pramis. anyway, di naman sa pagitan lang ng mga puno, sus. marami rin ang sa benches lang. ^^ bench sa ilalim ng punu-puno, haha. 😉

      teka, ‘yun na ang sagot mo – dahil sila ay emotional?… ^^

  3. marahil pag nariyan ang buwan, kumpleto ang universe… merong, bituin, may dilim, meron din liwanag, meron din hangin, merong ulap, may langit, may lupa, nariyan ang lahat ng nilikha sa mundo. samakatwid, saksi ang lahat ng nilikha ng Poon sa mundo, ang kulang lang kung ika’y nag-iisa ay ang kasumpaan. tama ba?

    • haha, kumpleto ba sa roll call? shaks, oo nga… btw, may kilala akong nag-pledge mag-isa sa liwanag ng buwan at sa dilim ng gabi, as in… si Scarlett O’Hara sa Gone With the Wind. sinabi nya ang ma-dramang linyang “I’ll never go hungry again…”

      hellow, noodles! como estas tu, amigo? 😉

      • Hmmmm…

        pedi palang mag pledge mag-isa sa liwanag ng buwan at sa dilim ng gabi… magawa nga iyan minsan, baka paggising kinabukasan….

        Liwanag ng buwan at liwanag ng araw ay magsanib…
        Upang mga kaisipang matuwid ay mag-anib,
        Mabigyang laya ang pag-ibig mula sa dibdib.
        Di alintana anumang kabiguang maaring ihatid…

      • Oo, pwede pag sing-determined ni Scarlett ang tao… ganda ng instant mong tula. iyon lang, sinamahan pa ng matuwid, matuwid, haha. mahirap makakita ng matuwid na iyan, kapatid. mas marami ay masuyo pero di gaanong concerned kung tuwid ba o liko, haha. pasensya naman, di ko agad ‘to nakita… salamat sa komposisyon. 😉

  4. hmmm, kung iyo namang tatanungin kung bakit hindi sa araw (day), kasi mawawala ang buwan sa araw. magkukulang ang kalahok. di ga’t pag gabi andyan ang buwan, kahit wala ang araw (sun), naroon pa rin ang kanyang mga kawangis ang mga bituin, ang araw ay turing na isang bituin. kaya’t sa gabi natitiyak na kumpleto ang sangkap ng likha ng Diyos. hihi.

    Muy bien, gracias senyora. Que tal?

    • Dagdag palagay….

      Ang pagmamahal ay isang “indescribable, overwhelming feeling” kaya ito ay inihahambing sa isang katulad na katangian.

      Ang payapang pagmamasid sa buwan at bituin ay naghahatid ng isang napakagandang pakiramdam, lumulukob sa buong katauhan.

      Di kayang ipaliwanag ng kahit anong kataga o pangungusap…. di ba? di ba?

      (Haisttt Saliw! Ako ay lubos na naaliw….natitigan na ang buwan at namasdan na rin ang pagsikat ng araw sa kakaisip nito, hihihi…..sigh)

      • “Love is an indescribable, overwhelming feeling.” – Chilled Honey, uttered in a hopeful state, wishing for love that once was and longing for the day when it would be made true again – when someone would hold her hand while appreciating the vastness of the universe, the rising of the sun, the kindness of the wind, the mystery of the moon and the brilliance of the distant stars. Sa Tagalog, ang paglalakbay ng isang ale para muling matagpuan ang wagas na pag-ibig, hahaha. Kapayapaan sa iyo, kapatid! 😉

      • salamat… nakow, thesis at grad school paper ang ginagawa, pag minsan. nauusap ng mga ‘langya at walang magawang mga kaibigan… pang-cartoons ang image na naisip ko, honey, pang-Disney, haha. 😉

      • hahahhaha

        Mukhang kung tayo ay magtatagpo, tayo ay mag uusap lamang tungkol sa mga abstracts at sa mga kaisipang sayantipiko…. aruuuuuuhhhh kasakit sa ulo naman… videoke na lang hihihi

        Ay sya, pasaway naman ako, nambubulabog 🙂

        Anak ng tipaklong di makatalon hihihihi

      • ahaha! hinde… sa blog inilalagay ang mga bagay na philosophical, abstract at pa-scientific ek-ek. kasi, sa totoong buhay, ang mga usapan ay tungkol sa traffic, kung masarap ba ang food at syet, ba’t ayaw maalis ang rashes ko? ahaha. 😉

        sige, videoke tayo pero ikaw ang kakanta?… madalas, 66 to 74 lang ang score pag ako ang umaawit, as in – mas mataas pa ang grade ko sa algebra, shaks 😉

    • haha, kailangang ang pledging session, kumpleto ang witnesses ng creation, may gano’n, kapatid? sa ‘kin naman, kailangan, sa buwan at sa gabi para mysterious, hihi. ang mystery yata ay isa sa mga elemento ng pag-ibig na di dapat mawala. sa tingin mo? 😉

      bien tambien. gracias, senor. nada, muchas de nadas… hahaha, ba’t ko ba ‘to naumpisahan? kainaman na 😉

    • hello, haribon! haha, oo, tipid paminsan-minsan. medyo pinagod ko ata ang mga napapadaan dito sa hahaba ng previous posts, hehe. ^^

      o, ano’ng opinyon mo, ba’t kailangang sa buwan, kapatid? 😉

      • abah.. nuong unang panahon pa yata kasi na ilahad yang balangkas na iyan. kaya naman yung mga mag sing irog tatakas sa kabilugan ng buwan at dun mag sisintahan at hahabi ng mga pangarap.

        sa ngayon ba may gagawa pa nyan? daming adik sa paligid hahahaha

      • oo naman marami parin.. kaya nga na inspired ako. na ilahok yan sa tema ng aking engrandeng plano… kolekta pa lang ako ng kolekta ng mga inspiration.. later on pag dating ng tamang panahon… i gather ko ang mga pinag hugutan ko ng inspirasyon upang mapag tulungang habiin ang plano… sa nakatakdang panahon, ito’y magaganap 🙂

      • naku, ikaw na ang maraming plano para sa city of the future, haribon, as in… at nakasali na rin ngayon ang buwan, shaks na ‘yan.

        tomo, marami pa rin ngang nagpi-pledge ng kai-kainamang pag-ibig sa sinag ng buwan. by the powers and grace of the moon, hihi… 😉

    • ah, kahit naman maraming adik, pag dalawa ang magkasamang naglalakad sa gabi, di naman masyadong nakakatakot… anyway, ano ‘yong insight mo at di mo isini-share sa amin? ba’t nga kailangang buwan ang saksi? 😉

  5. aha!

    yung pag balangkas ng master plan thru brainstorming… ay nakatakdang maganap sa panahong bilog ang buwan!

    yan ang ibinigay na insight for now… may parating pa yan.

    i can feel it 🙂

  6. teka nga pala … ni re recall ko yung movie na napanood ko kelan lang. related yun sa temang ito… halukayin ko lang muna sa ilalim ng gunita.

    ‘yun bang tipo na.. susungkitin ko ang buwan at iaalay sa iyo aking irog… “

  7. hehehehe.. o hayan na sis.

    kung bakit kailangan sa ilalim ng buwan pa mag sumpaan. kasama sa panunumpa kasi yung pag aalay ng buwan. pati na rin mga bituin… makamit lamang ang matatamis mong ……. DONUTS!

    hahahaha 😛

  8. Parang dapat tanungin ang mga makata noon at ang mga hopeless romantic bakit nasama ang heavenly bodies… Hehehe

    Susungkitin ang mga bituin, parang mga diamonds na kumikinang sa kalangitan…
    Ang Buwan… may enchanting spell hihi at nagtataglay ng romantic glow…. 🙂
    Halloooo saliw=)

    • ah, marami namang bloggers na makata rin, sila na ang ating tanungin… pustahan? nagsi-sing rin sila ng praises para sa buwan pag ‘ika nga’y may iniindang pag-ibig, nyehehe. 😉

      oo, parang tanga lang, di ba? manunungkit ng bituin, as in… mahaba kaya ang tikin nyang gagamiting panungkit? oo, may spell ang buwan, sapat para gawing waxing poetic ang mga nag-iibigan at magpasakop sa kung anumang kababalaghang mayroon ito… di kaya ailing o maysakit iyang mga taong umiibig, kapatid? tingin mo?… 😉

    • …at nagtatanong sa langit ng, “bakeeeeeeeetttttttt?”, na para bang may kinalaman ang buwan sa ating sariling sipa at diskarte na pasaway minsan…

      napakomento lang po bigla 🙂 natapon ang tinta…

    • iyon nga, kapatid, parating isinasali ang buwan… na kung tutuusin, wala namang kinalaman dahil nasa kalayuan, aba? at pagdating ng panahong nagkakalabuan, buwan din ang tinatanong kung nasaan ang katarungan… at pag pagsusuyua’y naglaho na, ayon! sa buwan pa rin ipapaabot ang mga buntong-hininga at sisi. akala mo baga ang buwan ay talagang kasali… ahaha, hello sa ‘yo! 😉

      • minsan kasi, masakit na sisihin ang sarili…

        kasagwa namang sabunutan ang iyong sariling buhok o sampalin ang sariling mukha di ba?

        Pero kailangang magpakawala ng damdaming nasasaktan kaya maghahanap ng ibang paraan upang mabawasan ang sakit, kasama na dyan ang pagbato ng sisi sa buwan, sa langit, sa bituin, sa hangin, sa tubig, sa buong mundo…. na kung tutuusin ay naging piping saksi lamang sa ating diskarteng pumalpak…:)

        Sa ganoong paraan naiibsan ang sakit, kirot, hapsi at pagdurusa…

        Sa ganoong paraan naghahawakan ang katinuang nais nang lumipad sa alapaap…

      • waaaahhh… oo nga… tama ka…

        pero yan ay ngangailangan ng ibayong tapang at bonggang pagtanggap ng kamalian o kakulangan..

        isang pagsang-ayong ng isang daang porsyento… 🙂

        Good morning Saliw!

      • oo, e… mahirap ngang mahanap ang ibayong tapang, kadalasan ay nasa kabilang ibayo pa, haha. ang bonggang pagtanggap naman ng kamalian, mahirap din. pag emosyunal ang pakiramdam, hirap tumanggap, as in… lalo pa kung kamalian ang ipatatanggap, hahaha. 😉 good day, honeygirl!

      • Sigh…

        Tama ka… ito ay napapag usapan ng ganito kagaan ngunit ang katotohanan, ito ay pagkakataon at panahong maaring sumubok sa katatagan ng katauhan…

        Ngunit ang tao, likas nga atang namamagnet sa mahika na dala ng pag-ibig…

        Nadapa, nangudngod, natibo, natusok, nahambalos, nadurog, ayan pa rin at sugod nang sugod…

        Ay ambot!

        hihihihi

      • ah, kasi nga yata, ang pagmamahal ay isang pagtaya sa bukas na iniisip. kaya rin yata, sa tuwing ito ay matatagpuan, tila lomolobo ang pakiramdam ng isang taong nakatagpo at natagpuan… at sa tuwi ring mababatid na ang pag-ibig na itinuring ay isa lamang bulaan, may pagka life-defining moment din. paano ibabalik ang katauhang minsang nangarap ng matayog at biglang sumadsad, biglang naglaho ang katuwang?

        mahirap ispelingin ‘yang pag-ibig. mas mahirap pa nga yata sa paghahanap ng value of x, isang misteryong mahigit dalawang libong taon nang hinahanap. ayiii! sa mga puma-pag-ibig, gaya mo. 😉

      • hihihi

        oo nga ano… kahirap ispelingin ng

        LAB…

        mali…

        LUV

        mali pa rin…

        LHAB…

        ay sya mali talaga!!!!

        Isa lang ang spelling na tama di ba?

        LOVE…

        Dapat pala pag in love magaling sa spelling… 🙂

        Malamig ang aircon dine kaya nakahalukipkip hihihi

  9. hmm bakit nga ba sa liwanag ng buwan? siguro kasi mas romantic dahil mysterious ang buwan?.. pero actually kahit saan naman pede basta andun yung moment na yun na parang kayo lang ang tao sa mundo.. di ba nga si Manong nagpropose sa kin sa likod ng bahay nila sa probinsya katabi ng kulungan ng baboy at baka? haha.. pero para sa kin parang nagliwanag ang kalangitan nun at di ko nainda yung mabahong amoy ng mga baboy.. hehe… pag-ibig talaga oh. 🙂

  10. Dahil sa buwan, may 30 days. Hindi nauubos ang buwan, patuloy ang siklo. Hakhak. Joke lang.

    Dahil ang buwan, palaging nariyan… Minsan hindi man natin makita, pero andyan pa rin. Parang pag-ibig. Hakhak.

    • “dahil ang buwan, palaging nariyan. minsan hindi man natin makita, pero andyan pa rin. parang pag-ibig.” – ahaha, ikaw na ang quotable, kapatid. pag nagsulat ako uli tungkol sa topic (and likely i will) iko-quote kita, hakhak. cheers! 😉

  11. Pingback: Anu-ano pa ang mga kwento? | sasaliwngawit

Mag-iwan ng tugon sa Haring Ibon Pindutin ito para bawiin ang tugon.