Buti Pa, Buti Nga

image of lovers about to go their separate ways

Maraming dahilan para di magpansinan/ goten-courtney.deviantart.com

Buti pa noon, walang araw ang lumilipas

Na di mo sinasambit, pag-ibig na wagas

Abot hanggang langit at kamo’y di kukupas

Lumindol o bumagyo, mundo man ay magwakas.

 

 

Buti nga ngayon, kita’y pinalalampas

Istilo mo’y bulok, panay ang iyong iwas

Walang kadahi-dahilan, ‘ka’y kumakaripas

Sa FB nakatutok, naglalagay ro’n ng angas.

 

 

Buti pa dati, di ko ang gan’to nararanas

Ang maghintay na parang wala’t nababanas

Gusto ko yatang magwala at magwasiwas

Ng gulok na inihasa, para ipantabas.

 

 

Buti nga’t pasensya ko’y mataas ang patas

Ang mga palusot mo’y para lang sa batas

Damdamin ko’y nilalaro mo, ng walang habas

Pasensyahan tayo, pag pasensya ko’ng nangalas.

 

 

Dalawang linggo, dalawang araw at oras

Ano’t nagpakita ka ng ganitong dis-oras?

Dinaig mo pa, ย isang presong takas

Tapos na kaarawan ko, pati bisperas.

 

Buti pa, magpahangin ka muna sa labas

Ilalagay ko sa kusina, suhol mong prutas

Mag-i-FB rin sandali, ย para sa pahimakas

Ilalagay ko’y paalam sa iyo – wagas na wagas.๐Ÿ˜‰

 

 

image of cross rails of a rail line in Colorado

May bahagi ng linyang ang dalawang riles ay nagsasalubong at mayroon ding naghihiwalay/ flickr.com

* Sa mga hihiram ng munting tula, paalalang kilalanin itong source site at maglagay ng URL/link pabalik dito, sa inyong post. Marami pong salamat.๐Ÿ™‚

** Pasasalamat kay Ginoong Gary Granada, ang kwelang singer-songwriter. Istilo nya ang ginaya ko rito. Huwag nyo akong itatanong sa kanya, wari ko ay ni hindi nya tanda ang aking pangalan, haha. Pero, kilala nya ako sa mukha. Maraming pagkakataon na rin kaming nagkasama nitong mamang ‘to. Wala lang, usually, audience nya ‘ko – tagapakinig, taga-tawa, ganyan…

Sa pagkaalala, natatandaan nya ako bilang isa sa pinakatangang aleng nasalubong nya, haha. Dati kasi, may bago syang release na CD and DVD, lecture kunwa-kunwarian, haha, pieces of wisdom ng isang Gary. Sa NGOs at bars na tambayan ng mga taga-NGO ang bentahan ng produkto, hihi. At siyempre, sa mismong backpack ng mamang musikero, parang busker na singer lang ang dating, haha. Pagkatapos ng isa nyang performance, nag-alok na siya ng CD sa mga nandoroon sa venue. E, di bumili me, apat na DVD yata at tatlong CD, panregalo. Kulang ng P300, baka kako pwede saka na lang ibigay. Pumayag sya, siyempre, ang iba naman yatang kumuha, payable in the future din.

Nagkita uli kami, mga tatlong linggo na ‘ata pagkatapos. Parang meeting ‘yon, legislative chuvah-chuvah ng isang advocacy na hindi ko na matandaan. Palabas na ako ng venue, paalis, nasalubong ko sya – papasok naman. So, hinarang ko ang mama at iniaabot sa kanya ang balance na P300. Ni-remind ko sya, para saan. Pagka-recall nya, bumunghalit sya ng tawa. Tuwang-tuwa, hinahampas-hampas ako sa likod. Kakaiba raw, ako lang daw na-meet nyang gano’n – nagbayad pa, gayong pwede na raw na hindi.

At hindi pa sya nasiyahan, hinila pa ako papasok at ipinakilala sa mga tao, sus. Nagbayad raw ako sa kanya, halos lahat daw ng iba ay lista na sa tubig, haha. Ayon, ang smart ko lang, sa paningin nya. … Hindi kami close, as I said, pero sa pagkaalam ko, masayahing tao si Ginoong Gary Granada in person. Mahilig siyang humagikgik, pasimple ang mga hirit at nakakabilib sa sinulat nya dating libretto ng musicale na Lean, Lean.

 

Andoon ย sa librettong yon ang formal na Gary, ang titser na Gary, iba ng konti sa unassuming na ย Gary na pwedeng masalubong mo lang, naglalakad – sa may UP Shopping Center. Siya ang isa sa kilala kong manunulat na mahusay sa paglalarawan ng maliliit na pangyayari, maliliit na tao at maliliit na pakiramdam. Everyman’s writer, kumbaga.๐Ÿ™‚

 

 

 

75 thoughts on “Buti Pa, Buti Nga

  1. ganda ng tula hihihi!!!

    parang gusto kong sumabay sa paghuhuramentado…

    kaya lang wala akong “Ng gulok na inihasa, para ipantabas.”

    ang ngiti ko kay ganda,

    nakakatakot ang banta ng mga talata,

    ngunit para akong nilalaro ng lapat ng mga kataga

    ganda! ganda!

  2. favorite ko si Gary, ikaw pala Ms. SSA ang ale sa Sarangola sa Ulan, “Kanina lang sa aking tabi may aleng lumiko, At sa pagmamadali nasagi ang aking puso” ahahay! ingit ako๐Ÿ˜€

    • hello, Ms. S! favorite ko rin sya, ‘yong kanyang “limang dipang taong nag-uunahan,” sa pagsakay ng dyip yata, ahaha. saka, yong kanta nyang, “buti pa ang lapis, mayroong papel,” hakhak. ang mushy lang ng kanta. ^^ hala pa, wala ho akong kinalaman sa pagsagi ng kanyang puso, hihi.๐Ÿ˜‰

  3. Waaaaaw! Ang ganda ng tula. Ganyan na ganyan kami noon nung kami pa. Di nagpapansinan, at sa FB nagpaparinigan. Kanya kanyang gantihan, ngunit sa huli magbabati rin naman. AHAHA . namiss ko tuloy ang ungas na yon.
    Salamat po dito (;

  4. HAHA. si ungas? Wala na. Tinapos ko na ang kung ano mang namamagitan samin. kakatapos nga lang eh. adik kasi ako ngayon dito sa “BAWAL” ko. Hehe.
    Sa FB kami lagi nagkakaproblema ng ungas na yon. kesyo, kelangan daw siya lang kaCHAT ko, Kesyo dapat alam niya password ko, tapos lahat ng nagkokomento tinatanong niya kung sino. Pag may komentong nakakataba ng puso, agad agad inaaway ng ungas na yon. para bang lahat ng bagay sa FB kelangan ALAM niya. HAHAHA. nakakainis diba?..hmmm

    Maganda talaga ang post mo. my bigla akong narealize kahit hindi akma sa tula mo. HAHAHA Thanks,
    Ahhm,
    Sa ngayon, masaya nako kay “BAWAL”.. kahit hindi pa confirmed kung kami nga ba talaga? HAHAHA. nagkwento?

    Salamat!

    • ahaha. ayon pala. naku, he probably, likely doesn’t want to share you with others, hihi. sa kanya ka lang, naman… he loves you a lot, pero possessive pa sya. di pa nya alam kung alin doon sa praises na natatanggap mo ang friendly lang at alin ang flirtations (haha). so, nag- ala mtrcb sya, haha. ^^

      medyo iba naman ang point ko yata sa post. that for women (kahit di ako masyadong feminine, ha), importante ang attention and warmth sa relasyon. the moment a woman feels neglected, dapat kabahan ang lalaki, haha. may maghuhurumentado, hihi. ^^

      maybe, just maybe, hindi gano’n ang sa inyo. you had too much of his attention, medyo na-constrict na ang pakiramdam mo. hihi, may tumatama kaya sa pangingialam at hula ko, sister? ^^

      hello and regards sa ‘yo.๐Ÿ˜‰

  5. hihihi hangkyut ng tulang ito ate San…matapos ang isang seryosong akda ito naman napaka-light lang…hihhi…๐Ÿ™‚

    • yes, kapatid. yown nga ata ang objective ko – to lighten things up bit, kumbaga. salamat sa pagparito, ha. hamo, makakasilip naman siguro ako sa may bandang inyo mamaya. hope things are well on your end. cheers!๐Ÿ˜‰

      • hihihi…seryoso at mabigat yung last kong post..yun pa yung ni-like mo hahaha…tama kelangan ko din gumawa ng lighter ang mood…hahaha…

        thanks thanks…enjoy your blessings๐Ÿ™‚

    • hey, Myr, pasensya, ngayon ko lang ito nakita… hindi lumabas sa orange button, kapatid. :c

      salamat sa pagdaan at sa komento. hala, hindi ginagamit ang gulok, nagmi-message na lang sa FB, hihi… wala akong FB, medyo lumang tao pa ang lola mo rito. salamat for thinking na i-add ako. hamo, balang araw…. happy Sunday!;)

  6. Napakabait naman niya, at napakabait mo rin kasi naalala mo pang magbayad, hehehe. Natuwa ako sa paggamit ng FB. Saka gusto ko na rin tuloy ngayon ang salitang ‘gulok’, parang antalim.๐Ÿ™‚

    • Ahaha, cool syang tao in person, very unassuming tapos, andaming alam. Hindi sya nakakailang… Sa pagbabayad, sa isip ko, dapat talagang bayaran – art nya ‘yon, thoughts nya ‘yon at may production costs… Para may pang-finance din sya ng next project… Ang siste pala, do’n sa circles ng NGO pipol at mga kakilala nya, uso ‘yong free. Hindi ko naman alam. So, na-weirduhan sya sa akin, parang uncool ako, haha. ^^

      Ah, yong FB, pangungulit lang. Wala akong FB account, nakiki-FB lang, haha. Gulok, gulok kasi ang tawag sa amin, hindi itak…. Sa ibang lugar, mas itak ang gamit. Basta, bolo, matalas, hihi.๐Ÿ˜‰

  7. Ang galing nito Mam. Magpapaalam na agad ako sa iyo upang lapatan ito ng musika. Susubukan ko. May refrain na nga ako….eto

    Buti pa dati, di ko ang ganโ€™to nararanas

    Ang maghintay na parang walaโ€™t nababanas

    Gusto ko yatang magwala at magwasiwas

    Ng gulok na inihasa, para ipantabas.

    Ahhh sana mabigyan ko ng hustisya ang iyong magandang tula. susubok lang po.

    Tutal idol ko rin talaga si Sir Gary.

    SA totoo lang karamihan ng poste ko sa aking youtube channel ay kanta at komposisyon niya. Naito ang isang sample mula sa aking youtube channel(libangan lamang):

    Musta na lang po dyan sa atin.

    • ahaha, salamat, Lolo sa pagdalaw dito sa site at sa pag-appreciate ng kapirasong akda. my pleasure and honor, ‘ika nga… oho, pwede nyong hiramin at lapatan ng musika, ikalulugod ko.

      hindi ho ako maalam nyang lapat-lapat ng tunog na ganyan, e. and everytime i meet people na gaya nyong maalam at mahilig sa paglalapat ng tunog sa isang komposisyon, napapahanga ako ng wagas na wagas, haha. go on! make some music. and let us hear it… ^^

      salamat ho dito sa youtube video na share nyo. mabuti-buti naman ho rito, tag-ulan na, medyo matrapik na, haha. regards ho sa inyo at sa inyong mga anak. plenty of cheers!๐Ÿ˜‰

  8. Pingback: Anu-ano pa ang mga kwento? | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s