Madali raw magsulat?

 

Talaga? Di nga?… ^^

 

May nabasa akong blog post dati, tila may inirereklamo ang isang blogger na ka-blog. Kesyo sabi raw ng kapwa blogger, madali lang magsulat. Tapos, nag-rant na si blogger ukol sa mga hirap nya bago maisulat ang kanyang posts. Pinagbubuhusan nya raw ang mga iyon ng pagod, oras, talino at iba pa kaya sigurado raw siyang mahirap na gawain ang pagsusulat. Parang sinasabi nya sa kanyang rant post, “Pwede ba, kung madali lang sa ‘yo, pwes, sa ‘kin hindi!”

Siyanga pala, mahusay magsulat ang blogger na ‘yon, sa pagkakatanda ko. Madamdamin ang kanyang mga panulat, with feelings, ‘ika nga. Nakailang dalaw na ako sa site nya dati, noong aktibo pa ang aking suspended site. Nagla-like ako roon. Nag-iwan na rin ako roon ng comments. Pero, wala akong natatandaang instance na sumilip o dumalaw sya sa site ko. Kalaunan, nagsawa na rin akong pumunta sa bahay nya, ahaha. ^^

 

image of a hand writing on paper using a pencil

Ang pagsusulat ba ay madali o mahirap?/ definitelyfilipino.com

Madali nga bang magsulat? Sino’ng may sabi? May mga kaibigan akong dating editors sa campus papers na kalaunan, mga naging manunulat at editors din sa mga dyaryo at magazines. Hindi ko sila narinig magsabing madali lang ang pagsusulat. Iyong authors na binasa ko ang marami sa mga nobelang naisulat, binasa ko rin ang interviews sa kanila – ukol sa kung madali ba ang magsulat. Kabaligtaran ang karaniwan nilang sinasabi. Marami raw munang pagsubok, pagkabigo, pagbabasa at pagsasanay magsulat bago nila nagamay ang craft.

 

Higit na marami raw muna ang pagkadapa, panlilibak at pagtitiis nilang nakamit bago nila nakuha iyong sinasabing “hulog” o bago sila naging in their element magsulat. Dumaan muna sila sa maraming mga taon ng pag-aalinlangan sa sarili at sa kanilang kakayahan bago nila nakapa ang bahagi ng pagkataong mangangahas magsulat at magsulat kahit anupa ang mangyari, kahit anupa ang sabihin ng ibang tao. Siyanga pala, iba pa iyong phase na naka-breakthrough sila sa paglilimbag o publication ng kanilang mga sinulat. Ibang pakikihamok raw iyong how to get oneself published. Ayon…

 

May kapatid akong mahilig magpasulat sa akin ng kung anu-ano, haha. Noong araw, letters sa opisina, ganyan, o kaya, excuse letters ng mga anak sa eskwela. Katagalan, speech ng asawa nya sa civic clubs at iba pang engagements tapos, business letters naman. Ang nakakainis sa kapatid kong ito, sinasabi nya laging madali lang daw. O, ay kako, baka maaring kayo na ang gumawa, kapatid, madali lang naman pala… E, hindi raw, madali lang daw para sa akin kasi, ako raw ang marunong magsulat. Siyanga? Kailan pa kako naging madali ‘yon? Basta raw…

Minsan, magkasama kami sa loob ng sasakyan, ipinaliwanag ko sa kanyang hwag syang gayon, hindi madali ang magsulat kahit pa ‘yong mga piyesang mabilis ko lang naisulat. Hindi kako ‘yon parang naghulog ka lang ng coins sa jukebox tapos, may kanta nang tutugtog.” Talaga?,” sabi nya habang hindi nya ma-contemplate sa buhay nyang may hirap daw ‘yon para sa akin. Kasi raw, kahit bigyan daw sya ng isang linggo, hindi pa rin nya maisusulat ang ganoon. Since daw naisusulat ko sa loob ng isa o dalawang araw matapos nya akong “abalahin,” (pestehin) ibig sabihin daw, madali. Hanggang ngayon, hindi pa rin nya naiintindihan, dose-dosena na ang naipasulat nya sa akin sa kauuto sa aking madali lang daw, sige na.

 

Sa usapang iyan, ang posisyon ko ay gan’to – kayang pabilisin ang pagsusulat pero kahit kailan, hindi siya madaling gawain. Paano ang sinasabi ko? Dito sa blog, karamihan ng naisusulat kong hindi umaabot ng limang pahina ang haba, isinusulat ko lang sa loob ng tatlo, lima o pitong minuto.  Ganoon kabilis. Pero, wari ko, hindi naman ako mag-isa sa ganyang feat o kakayahan. Ilan din ang kakilala kong bloggers na ganyan din ang speed pagdating sa pagsusulat at may mas mabibilis pa nga. Ang kaibahan, kung may kaibahan mang masasabi, matagal ako sa post-production, as in. Ang isinulat ko sa loob ng limang minuto ay karaniwang umaabot ng limang oras ang fact-checking at editing, kasama na ang oras sa paghahanap ng larawang ikakabit.

Sobrang laki ba ng pagkakaiba ng una kong naisulat sa final version na inilimbag? Kung sa mga salitang ginamit, ang sagot ay hindi. Halos iyon na rin, magdagdag-bawas lang siguro ng lima hanggang sampong salita. Asan, kung gayon, ang pagkakaiba? Sa pagkakasunud-sunod, sa pagkakasalansan ng mga ideya at salita. Ang sequencing na iyon ng logic at ordering ng thoughts ang malakas komunsumo ng oras at pagod na rin, haha. Para sa akin, iyon din ang nag-i-spell ng difference ng isang tight and effective na sulatin, mula roon sa hindi. Kumbaga, pag nagsusulat, hindi lang nagkakabit-kabit ng mga salita kundi tinatahi mo sila sa paraang maide-deliver mo ng epektibo ang mensaheng gustong ipaabot sa babasa.

Ilan na rin ang nagtanong sa akin kung anu-ano raw ba ang mga alituntunin sa pagsusulat na sinusunod ko. Para namang meron, ahaha. Actually, meron din naman nga. Dalawa lang, so far, sa pagkaalam ko. Una, iwasan hanggang maaari ang mag-ulit ng salita sa komposisyon. Hanggang maaari… Ikalawa, gumamit ng tuldok. Ang pag-iwas na mag-ulit ng salita ang nagtutulak sa aking magpayaman ng talasalitaan, to build vocabularies as wide and as varied as possible. Ang paggamit naman ng tuldok ang naglalapit sa akin sa mga paalala lagi sa pagsusulat – simplicity, brevity and clarity. Idagdag na rin ang readability ng sulatin. Isa pa, mahirap panghawakan ang compound and complex sentences, lalo na kung hindi gamay ng nagsusulat ang paksa. Kumbaga, pinakaligtas pa ring panuntunang ihayag ang isang ideya gamit ang isa lamang pangungusap.

 

Parang ganito yata iyan – mas madalas kang magsulat, mas dadami ang alam mong isulat at pati ang paraan ng pagsusulat. Mas marami kang nabasa, mas marami kang nakaimbak na ideyang pwedeng paghanguan ng material na gagamitin sa sulatin. Mas marami kang observations o pagmamasid sa paligid, mas yayaman ang lalamanin ng sinusulat mo. Mas marami kang karanasan, mas mahigpit mong mahahawakan ang paksang tinatalakay mo sa write-up. Kaya ayon, pagsasanay magsulat, pagbabasa lagi, pagmamasid sa paligid at pagdanas o pamumuhay ng aktibo ang ilan sa time-tested na paraan para pag-igihin at pabilisin ang kakayahan ng isang taong magsulat. Walang instant formula para makapagsulat. Palagay ko, matagal nyo na rin ‘tong alam… Para naman ito’y mapabuti, ang daming paraan.

 

image of a hand reaching out

Ang pakikipag-ugnayan sa mambabasa ay mahalaga sa blogging/ mindthebeginner.net

Sabi, ang pagsusulat daw ay paramihan ng ideas – mas maraming idea, mas maraming maisusulat. Siguro nga, maari nga. Pero gan’to, kung pagsusulat sa blog, ang sabi ay ang paghusay ng blog, hindi  nasusukat sa dami o originality ng nilalaman ng blog posts. Sabi, ang content daw ng blog ay pangatlo lang yata sa isinasaalang-alang sa blogging. May nauuna pa – ang pagpupundar daw ng relasyon sa mga mambabasa at sa mga sumusunod sa site at ang personalidad ng blogger na nasa likod nitong site. Bale, parang sinasabi, maski hindi kasama sa liga ng pinakamagagaling magsulat ang isang blogger pero masipag naman siyang makipag-relate sa readers and followers at lalo pa kung palakaibigan ang kanyang personality, malamang na maging matagumpay at manguna ang kanyang site.

 

Tulad rin naman ng merong bloggers na ang huhusay magsulat pero hindi gaanong nakikipag-ugnayan at nakikipagmabutihan sa mambabasa at sa kapwa blogger kaya posibleng katamtaman lang ang bilang o kakaunti mismo ang following at influence ng kanyang blog at ideas. Sa English sites, ilan ang nakikita kong parang ganyan – brilliant ang ideas na inilalagay ng bloggers sa posts nila pero, hindi bukas ang comment section. Ang iba naman, bukas nga sa comment pero hindi naman sinasagot ang mga komento. Mayroon ding sites na ang huhusay nga ng laman pero hindi nakikipangapitbahay ang may-ari, hindi nagba-bloghop, as in… Bale, talo pa ang site nila noong nangongopya lang ng contents o kaya ay nagre-reblog lang madalas ng posts ng iba, pero masipag at mahusay makipag-relate sa mambabasa at ka-blogs.

So, ayon. Wari ko, pareho lang halos ang tsansa sa blogging ng mga dati pa at marurunong nang magsulat at noong mga babago pa lang at nangangapa pa kung magsulat. Katunayan, ang laki ng room for improvement ng mga baguhan dahil kadalasan, mas masipag pa silang makipangapitbahay at sa gayon ay matuto sa pagsusulat ng blog, mula sa iba. Pero, mas gaganda pa rin ang kanila o inyong laban kung sila o kayo ay magsasanay, magbabasa at mag-integrate ng observations and life experiences sa mga sulatin. Ang laki ng promise ng isang blogger na gustong paunlarin pareho ang ugnayan niya sa mambabasa at ka-blogs at maging ang content ng kanyang mga likhang-sulatin sa blog.

 

Mabalik tayo sa usaping nilalaman ng akdang-likha at kung madali nga bang mag-ipon ng ilalagay sa sulatin. Doon sa lumang suspended na site, may naisulat akong ukol sa ritwal nating mga Pilipino at ang ating pagiging makabansa. Ang pamagat noon ay Ipamahagi ang mga Tuwa at Sakit, isang mahabang sanaysay na nag-guest post sa Blog ni Lolo noong Disyembre ng nakaraang taon. Pagkalabas nito, marami-rami raw ang ka-blogs na natakot sa akin, haha. Ang dami ko raw content at ang lalim ko raw magsulat, nagmukha yata akong phantom na galing kung saan, haha. At dapat na iwasan, patatawarin. Madali kanyo? Labing-anim hanggang labingwalong taon ang data gathering para sa akdang iyon. 16 to 18 years ng pangangahoy, kumbaga. Fair enough, mga kapatid?  ^_^

Kung sa ngayong uso na ang mabilisang pagsusulat at paghahayag ng saloobin, medyo kakaiba nga o out of place siguro ang mga sulating kaytagal ng the making, ahaha. Pero, pagbigyan nyo na ako, nauna akong ipinanganak, hihi. Katunayan, may naisulat akong sanaysay na mas matagal pa ang pagkakalap ng material na ginamit – 24 na taon, hakhak lang. Di nga… Di ako nagbibiro. ^^ Tungkol iyon sa romantic thoughts, isang pagtatangkang buuin at ilarawan ang romanticism sa panitikan gamit ang wikang Tagalog. Kaya yon, todo na,  haha – lahat yata ng romantic novels, movies and kwentuhang pag-ibig sa madaling-araw na nasalubong ko, nagamit para mabuo ang nasabing akda. At isang araw nga, naisulat iyon ng mabilis lang, parang dumating lang.

Mga Tahi at Paso ang pamagat niyong likha. Iyon din ang huli kong post sa lumang site na sabi nga ng Automattic, na- virus daw. Iyon yata ang ipinagmamalaki ko sa lahat sa aking mga naisulat na sa blog…

 

Gusto nyo bang mabasa ang Mga Tahi at Paso? Gusto nyong isang araw ay mag-guest post dito si Doon Po sa Amin?😉

 

gravatar image for http://may11apr1940.wordpress.com

Doon Po sa Amin website at WordPress

 

69 thoughts on “Madali raw magsulat?

  1. Hi Saliw!

    Ganda ng post! Buti gising pa ako… nakapag like hihihi… at dahil ala akong mabasang komentaryo, ako ay mag mamaganda nang mag lagay ng puna….

    Ang likas na manunulat, sa aking palagay ay nakakabuo ng talata, parirala o pangungusap sa isang kisap…

    Sapagkat sa aking paniniwala, ang bugso ng damdamin, masaya man o may lumbay ay pinaghuhugutan ng mga kaisipang inisasatitik…

    Minsan, ang isang manunulat ay bumubuo ng katha di para sa iba kundi para sa sarili niya…

    Isang paglalarawan ng karanasan na sa tingin nya ay may hatid na aral o mga damdamin at kaisipang sadyang gusto lamang pakawalan ….

    Sa akin…. Ito ang kahalagahan ng pag-iisa ng puso at isipan:

    Boom!!!…. sa akin ito ay tugmang tugma….
    sa bawat maisip…dagliang tumitipa…
    pilit hinahabol, agos ng salita…
    bilis…bilis…baka makawala!

    Isip at damdamin, pinaghuhugutang tunay,
    mga kataga, mga titik na may sariling banyuhay,
    minsan matalas, matalim, may dulot na anghang,
    minsan nama’y magaan, nakakaaliw, pa-cute lamang…

    kaisipang pilit umaagos, dagliang isatitik,
    kunin ang laptop, wag magpatumpik tumpik
    bugso ng kalooban, dagliang pakakawalan
    malugod na ibahagi sa iba, abang karanasan….

    http://chilledhoney.wordpress.com/2012/05/19/kaisipang-buong-layang-umaagos/

    • hello, chilledhoney,

      salamat sa iyong pagla-like, sa maagap, maganda at malaman mong comment, kapatid. pasensya na, galing ako sa out of town kahapon, ang nagawa ko pa lang ay isulat at ilimbag ang post… :c

      oo, may mga pagkakataong ang bilis ng dating ng ideas, parang may sariling buhay at tayo ang naghahabol na mahuli at maisulat agad ang mga ‘yon. pero meron ding pagkakataong mabagal o kaya, walang dumarating. parang dry season, kumbaga.

      meron nga tayong kanya-kanyang pinag-iigiban. ang sa iyo yata ay parang sa ilog, tuluy-tuloy ang agos, ahaha. ^^ pero meron ding sa dagat kumukuha at kung minsang malakas ang daloy, ang umiigib ay naaanod o di kaya ay hinahampas ng mga agos. meron yatang sa balon kumukuha at pag summer, natutuyuan din ito o kaya ay sobrang lalim ng water level at kinakapos ang lubid…

      anupaman, laging hamon ang magsulat at sumalok sa kanya-kanyang pinagkukunan at mula roon ay lumikha ng akdang may buhay at magbibigay-buhay. ayon yata… salamat sa dagliang tula (galing), salamat.🙂

    • hello, crazy frog… ahaha, bilang mambabasa mo, pwede ko bang sabihing hindi halata sa posts mong nahihirapan ka? parang natural lang ang mga nakasulat doon, di nga… salamat pero bilib din ako sa mga gaya mong malinaw, nakakaaliw at medyo philosophical pero magaan ang mga sulatin. cheers!😉

    • “mga pagkakataong ang bilis ng dating ng ideas, parang may sariling buhay at tayo ang naghahabol na mahuli at maisulat agad ang mga ‘yon. pero meron ding pagkakataong mabagal o kaya, walang dumarating. parang dry season, kumbaga.”

      Hi uli saliw!

      Agree naman ako to the highest level sa iyong tinuran… ako nga ay kinabahan sapagkat after ng aking comment, ang karamihan ay nagsabing “mahirap” …(except ata kay sister kayedee ^-^)… na OP (Out of Place) ako hihihihi….

      Pero tama ka… may pagkakataong parang ilog lamang itong umaagos…. lalo na kung ito ay isang tugon sa panahon at pagkakataong kumakalabit sa malikot nating isip…

      Ngunit paminsan, sa ating malalim na pagmumuni-muni, at nais nating panulat ay maging makabagdamdamin, makahulugan…makabuluhan… nagpapakita ng malalim na kaisipan o maipakita ang matalinhagang pamamaraan ng pagbabalangkas ng pananaw…. o di kaya ang panitik ay nais tumitimo sa puso at isipan….oo…. ang hirap simulan… kailangang nasa “mood” talaga upang di maghagilap ng kataga, talata, parirala o pangungusap….parang ang utak ay napakahirap itaktak… ^_^

      magkaganun pa man… isa lang ang masasabi ko, nakawala ng sakit ng bangs ang pagsusulat hihihi!

      hmmm… napakabusy (busy pa ang lagay na yan wahahahhaha) ko kasi kaya puro bugso lang ng damdamin ang nailalathala ko hahhaha (quickie quips kumbaga)… di kaya ng powers ko ang napakahabang mga akda…gustuhin ko man… minsan lang… ia-achieve ko nga yan…^_^

      • hahahhaha…. napansin ko nga ala pa reply ang iba…ang nasa isip, malamang sa alamang nagsasatitik pa ng mga tugon-puna hihihi…. ako ay mananahimik muna, saliw… pramis pramis pramis!! ^_^

      • hello, chilled honey… oh, e, sa pangkalahatan at sa mas madalas, mahirap naman ngang magsulat kasi kailangang mag-isip, magsalansan ng naisip, lagyan ng flavor ang isinusulat atbp. – mahirap, ‘ika nga. pero may mga pagkakataon ding inspired ang panulat, kumbaga, parang nagsusulat mag-isa at may sariling isip at pakiramdam, haha. ^^

        kung magkaminsan naman, meron tayong nararamdaman sa loob na gusto nating isatitik, kumbaga, at bigyan ng buhay. pero kamo nga, tila tinatakasan tayo o mailap ang mga salita, pangungusap at parang ayaw mabuo ng mga parirala, haha.

        pero kamo nga, we usually enjoy it – paghabol man sa mga salita o paghahanap sa mga ito. nawawala ang sakit ng ating bangs, hihi.

        ay, tila ganyan naman sa umpisa – kung ano lang maisip o matisod na ideya, iyon ang isusulat. katagalan, nakakagawa rin ng mas well-considered or researched pa ngang mga sulatin. yown.😉

      • tama, tama, tama…

        mas maganda kung researched… may substance and truth….makahanap nga nyan… ^_^

        Siguro ako, tama na muna sa pasundot-sundot na panulat… kung ano maisip, yun muna…

        lilingon lingon, naghahanap ng inspirasyon…kahit anong tema, kahit anong topic…katalo na…^_^

        Yun na lang muna…. wala pang panahong maghalukay ng subtantial info para sa isang evidenced-based writing…”title” nakatago pa….^_^

        Salamat Saliw!!! ^_^

    • ….. pero meron ding pagkakataong mabagal o kaya, walang dumarating. parang dry season, kumbaga.

      “Performance Plateau”

      kahit saang larangan ng buhay… mapa sports, economical activity at maging pagsusulat, ito’y mararanasan… kapag nasumpungan ito ay mas mahirap malampasan , mas ibayong pag pupunyagi ang gugulin upang muling magkapag lakbay sa ibayong bahagdan ng kagalingan… upang tuluyang matupad ang adhikain at mithiin…

  2. Very informative! Sana mabasa lahat ng blogger sa pilipinas to.. Siksik, malaman na may halong opinyon… Teka, maiba ako hindi ko mabisita ang site ni doon po sa amin.? Medyo parang hindi ko nakikita na aktibo pa siya. Ang gaganda at makabuluhan pa naman sya mag post. Anung nangyari?

  3. Ang lalim nga, ang ilong ko ay nagdurugo…😀

    Pero sa katunayan, ganyan ang aking mentalidad aaminin ko. sa tingin ko ay madali na lang sa mga katulad ninyo po ang magsulat.

    pero hindi po kita bibigyan ng “basta” na dahilan para naman mas kapanipaniwala. ibabase ko po ito sa sinabi niyo na “Labinganim hanggang labingwalong taon” na pagsusulat.

    May isa pong amerikanong manunulat na nagsasabing para maging eksperto sa isang tao sa kahit anong gawain, ay kelangan mo ng sampunlibong oras para ikaw ay maging bihasa. kung sabihin natin na dalawanpung oras sa isang linggo, sa loob ng sampung taon ay naka sampunlibong oras ka na. ng pangalan niya ay Malcolm Gladwell, ngunit sa tingin ko ay alam niyo na yan. (sa totoo lang, nabasa ko lang yan kung saan dahil hindi naman ako mahilig magbasa ng libro.)

    So in short, kayo po ay bihasa na sa paglimbag ng mga sulatin. Sa likuran ng aking isip (subconcious mind), sinasabi na “Ah, oo madali lang talaga sa kanila yan.” pero sa harapan ng aking isipan. alam ko na hindi ito madali dahil kelangang pagisipan ang lahat ng aspeto nito.

    Tungkol naman doon sa hindi mahilig mag bloghopping, guilty ako roon at wala ng sasabihin pa.😀

    • hello, snake… hala, pahiran natin ang ilong mong nagdurugo, kainaman…😉

      sa isang banda, may mga pampadali na pagsusulat sa gaya ko at ng iba pang matagal nang nagsusulat . kumbaga, mas marami nang laman ang internal library – libro at CD ng knowledge and experiences, methods and approaches (parang operating systems and softwares) and errors, marami na rin… ^^

      ah, hindi pa yata ako nakaka-10, 000 hrs sa pagsusulat so, baka kulang pa. pero, oo, nababasa ko’t naririnig si Malcolm Gladwell. hindi ako bihasa sa paglilimbag, kapatid. dito pa rin sa blog ang mas marami kong published works. kasi, outside of blog, hindi ganoon kabilis at karami ang publication, ang dami pang daraanang deliberations, meetings and approval bago mailimbag ang isang akdang naisulat na… and usually, team na pagsusulat ‘yon or group writing…

      kumpara siguro sa ibang bloggers na hindi pagsusulat ang linya, relatively speaking, baka advanced na rin nga. hindi naman expert, shaks na ‘yan. magre-reklamo sa ‘yo ang mga nakakilala sa aking writers talaga sa tri-media. sila yown…😉

      hwag kang masyadong ma-guilty, pwede ka pa namang mag-bloghop ng mas madalas. cheers!😉

  4. Magandang araw..
    Ito ang unang beses na ako’y magkokomento sa iyong blog. napapawika tuloy ako ng filipinoy. hindi ako sanay. trying hard ako Ü
    Matagal ko ng binabasa ang iyong mga sulat. at hindi ko maipagkakailang magaling kang magsulat. indeed, Ü
    sa totoo lamang ako ay magaling magbasa. ngunit ako’y mahina sa pagsusulat. bakit ganon?
    sino bang may sabing madaling magsulat? ayon sa aking kaalaman, para lamang iyon sa mga taong dalubhasa. hindi katulad ko, nagsisimula pa lamang.. aww.
    Sabi nila, kung ano nasa isip mo, isulat mo. ngunit paano kung ang isusulat mo ay hindi kaaya aya sa mga mambabasa? magsusulat ka pa rin ba? Ako? hindi ko alam ang sagot..
    Kung sa bagay, may kanya kanya naman tayong pananaw sa pagsusulat. HAHAHA
    San ba talaga tutungo ang aking pagkomento? isa lang naman ang nais kong ipabatid, ito ay ang sundin ang pagsambit ng aking bibig na nagsasalaysay na ipahayag ang aking pasasalamat sa iyo. iniidolo kita. maraming salamat sa pagsulat mo at naiinspire ako. HAHAHA . yun lamang . salamat.

    • hello, Abriilicious Beybe U, kakaaliw ang name, ang haba, hihi… ^^

      salamat sa pangangahas na mag-comment at sa kamo’y matagal mo nang pagsubaybay sa site. thank you, kapatid.🙂

      parang bata ka pa, ah… gan’to – noong 20s ako, mas reader din ako than writer. nagsusulat na pero hindi ganoon kabilis at karami ang output. maski pa noong tumuntong na ng 30s, medyo bumilis lang ng konti pero ang layo pa rin sa speed, efficiency and effectiveness noong professional writers. isa sa mga dahilan kaya ako nag-blog para makapagsanay pa. lalo pa at sa blog, pwedeng i-publish kaagad na hindi sobrang dami ng kuskos-balungos. yown… ^^

      hindi pang-dalubhasa lang ang pagsusulat, kapatid. pag ganoon ang thinking natin, wala nang susulpot na bagong writers. puro ‘yong dati na lang… pwedeng magsanay at baka balang araw, maging bihasa rin, di ba?

      kung ano ang nasa isip, iyon ang isulat. iyon ang parang spirit kapag bago pa lang. katagalan, malalaman mo rin through experience na kailangan considered sa sinulat mo ang maaring maging isipin, damdamin at palagay ng iba. at kailangan ng respeto at pagsasa-alang-alang. wari ko…

      salamat at nakapagdala ng inspiration sa ‘yo. sana’y marami kang maisulat at maging inspirasyon din sa iba pa. damay-damay na, haha. regards!😉

    • hmn, sino’ng magsasabi kung may saysay o wala ang isang sulatin – ang nagsulat o ang babasa? ^^

      dangan kasi, noong 20s ako, nagsusulat na ako pero ang baba pa ng confidence sa sarili, haha. ang groupmates, barkada, kaibigan at kasamahan ko usually ang nagki-keep ng file copy ng final kong naisulat. ang mas itinatago ko noon, ‘yong rough drafts o notes o seminal ideas ng mga sulatin ko. sa aki’y importante ‘yon noon. kung sa ngayon, mas mabilis nang mag-formulate ng thoughts, semi-final and final copy na ang kini-keep ko at importante sa akin…ayon ^_^

      just my thoughts, dok PT… na-virus daw si dpsa kaya lumabas ang subaltern, si SSA.🙂

  5. nice points. pares ako sayo na magsasabing hindi madali magsulat lalo na kung spiritually constipated ka (tulad ko :lol:). pero kahit mahirap magsulat, masarap itong gawin at higit sa lahat mahirap pigilin!

    • ahaha, salamat sa pagdaan uli at sa ibinahagi mo… ano ‘yong spritually constipated ay kay dalas nga ng post doon sa bakuran mo, PM? ahaha, parang kahulugan ng pag-ibig ang paglalarawan mo ng pagsusulat. ang kulit! ikaw na…😉

  6. Kailan kaya mabubuksan ang “Doon po sa amin” na blog?
    Hay naku, gusto ko sanang pasyalan yung mga lumang post mo doon dahil bumabalik ako sa pagka bata.
    P.S.
    Hindi nga madaling magsulat, pero may taong “gifted” sa pagsusulat.

    • hala, titingnan natin. magpapakita uli ‘yon when it’s good and ready.😉 ikaw na ang nagti-trip down the memory lane, kainaman… ^^ meron bang “gifted” sa pagsusulat? parang ang mas alam ko, marami sa naging kilalang writers, sensitive and observant and masipag mag-practice magsulat. kung gift man ‘yon, kailangan pa ring hasain and to work on it. hindi ready-made, wari ko…^^

      just my thoughts, kiko. ikaw, ba’t di ka sinisipag mag-praktis? ahaha, naningil…😉

  7. HIndi madali ang magsulat…waaaahhh…kahit gaano ka kagaling pag-iisipan at pag-iisipan mo padin naman yung isusulat mo eh. Masarap magsulat pero hindi madali mukha lang madali minsan pag feel na feel mo namang tunay ang sinusulat mo hehehe🙂

    ganda nito ate😉

    • at may kasama pang waaaahhh… for emphasis.😉 oo, hindi na nga… tama ka, each time, kailangan mong magpasya kung alin ang isasaling material at alin ang etsa pwera kumbaga. saka, paano ang approach sa sulatin – high or low, casual or formal, fast or slow – mga gano’n…para nga, pag feel at alam ng nagsusulat ang subject matter nya, parang may aid kaagad, parang may tulak? swabeng point, titser wwb 😉

      • oo ka, inspirasyon nga – pwedeng tao, pangyayari, bagay o isang makulit at ayaw magpatulog na ideya. ahaha, siyanga, pag inspired ang writing, mas may sense. hmn, makes sense! regards…😉

  8. Kung madaling magsulat eh di wala sana yung tatlumput-pitong entry sa draft na di ko matapos-tapos.. Hihi..
    Nice post San.
    Stay pretty..

  9. ahahaha ayun oh!

    Hmmm madali lang magsulat… Ang mahirap eh yung magsulat ng may katuturan yown… sulat ka nga ng sulat kung hindi naman nakakarelate ang mambabasa . Pero kahit ano pa man yan kapag gusto mong magsulat at i express ang sarili mo go lang ng go.

    Tinatamaan ako sa di na dumadalaw at di sumasagot sa comments hahaha
    pasensya naman po eh busy busyhan. Pero kahit ganon pa man nagbabasa rin naman ako dinadalaw ko din ung mga dumadalaw saken nga lang di ako madalas mag comment kasi gusto mag comment ng may katuturan din. Baka mag comment ako hindi naman talaga nagbasa mas nakaka inis yun mas mabuti nalang na mag like ka.. thanks to wordpress may like button na hahaha…

    at isa pa.. ayan ang haba nanaman dati masipag ako mag blog hop nung bago bago pa ako.. tunay na nakakagaan ng loob kapag may mga bago kang nakikilala na blogger at dumadalaw sa iyong pook sapot pero yun nga medyo nararamdaman ko na napapabayaan ko na trabaho ko sa kaka blog hop eh nakonsensya ako kaya yun… at nag explain daw ba…😆

    Kapag magaling ka magsulat kahit di ka mag comment at bumisita sa mga bloggers na bumisita sayo kapag naramdaman ng mambabasa mo ang mga sinulat mo tyak yun mag cocomment yown.. tulad ngayon hehehe… mwah!

    Salamat sa panibagong post… natuto nanaman ako😉

    onga.. sige na nga hindi madali magsulat…

    • hello, sister lambing…😉

      sa akin, pag babago pa lang ang nagsusulat, hindi ako istriktong may katuturan o saysay dapat ang sinusulat. makapaghayag or express lang muna at makuha ang habit na nagkakabit-kabit ng sentences… sa tingin ko, pag keen naman ang blogger na pagandahin ang site nya, over time, kayang i-develop ang sense at paunlarin ang creativity doon sa posts. katagalan, kakayanin ding timplahin at sabayan kung ano ang hilig at ipinupunta (pabalik ) sa site ng mambabasa.

      ahaha, aminadong mas madalas nagla-like lang ang isang ale. turuan mo kayang mag-blog si boss? joke…😉

      ayon, doon sa site mo nakaka-engganyo laging mag-comment. sigurado ako ro’n. masarap din doong tumambay, makinig ng music at maghalungkat ng mga kasentihan, hihi. ^^ ibig sabihin, feel ng marami, namin, ang mga isinusulat mo. ayon naman. ^^

      sa iyo, parang madali lang. parang natural na natural kung magkwento’t mag-discuss ka sa posts. spontaneous pero may sense at ika nga, nagre-resonate. yun, oh!😉 mwah ^_^

      • kapag ganyan eh nakaka inspire mag sulat hahaha kaya ate gaya ng sinabi over time gusto na rin paunlarin ang pagsusulat ng may ayos meaning tamang style wahahaha… yun oh.. sana marami ka pang masulat tungkol sa writing yun madaling maunawaan hihi mwah!

      • yeah! kaya mo ‘yon, ah? subukan mo minsang mag-edit-edit ng dati pang published na post, tingnan mo kung kayang gawing mas tight, alisin ang ilang unnecessary words. pag medyo maalam ka nang mag-edit, tomo, mag-iimprove at dadami rin ang styles ng mga bago mong sulatin. yown… regards and mwah!😉

  10. This EAGLE badly missed those days…. of flying and dropping by… at the wayside, at the farm, at the green fields… of everything that’s within…

    Oneday, one moment in time… i’m sure, i will be flying by again ….. upthere…. “doon po sa amin”

  11. Para sa akin ay mahirap ang magsulat…lalo na nga yung sabi nila sa itaas…kung may katuturan ay mahirap. Unang-una ay hanggang ngayon ay pinag-aaralan ko pa ang maayos na pagsusulat…lalo na nga kung alam kong may mga taong bumabalik upang magbasa. Nais kong di masayang kahit papaano ang kanilang pagbisita sa aking blog at iyon nga tunay ang sabi mo na isang mabuting patakaran sa blogging ang bigyan ng katugunan ang mga komento…yun daw ang isang criteria upang tawagin isang blogger. Salamat po Mam at marami akong natutunan sa istilo ng pagsusulat mula sa inyo.

    • hello, Lolo! waving, waving…. naku, antagal ko na kayong di nasusulatan (gaya rin ng iba) hehe, pasensya na… ^_^

      mahirap ho, para ding pagkanta. di ba ‘yong mahuhusay na singers, sabi ay lagi silang kinakabahan sa umpisa ng bawat performance? parang ganoon din ho ‘ata, paglaki ng kagustuhan mong makapagsulat ng maayos at maganda, mas maraming kaba at mas maraming effort ang kailangan. mas maraming praktis at pagpipino na hindi makukuha ng bigla-bigla o minsanan lang. mapwera siguro kung sobrang gifted ka, ahaha. bibihira ho ‘ata ang ganoon… ^^

      and yes, over time, nagiging conscious na tayo at considerate sa mga bumibisita. kumbaga, we want to make it worth their while naman… walang anuman ho at salamat sa pagbisita. regards.😉

  12. Mahirap magsulat, tuldok. Hello Ate San! Itong awesome post na ‘to, parang kadugtong lang nung last mong sulatroniko sa ‘kin, about sa pagsusulat.

    “Kumbaga, pag nagsusulat, hindi lang nagkakabit-kabit ng mga salita kundi tinatahi mo sila sa paraang maide-deliver mo ng epektibo ang mensaheng gustong ipaabot sa babasa.” Natawa ako nung nabasa ko ‘to, kasi madalas, nagkakabit-kabit lang ako ng mga salita pero hindi naman sila natatahi sa paraang effective ang message. Anyway, maraming praktis pa at mawawala rin ‘tong hilig kong gawin kapag nagsusulat (sa dalang ng mga yun, kelangan ko talagang magsipag).

    And speaking of kasipagan, “masipag naman siyang makipag-relate sa readers and followers”, nakikipag-relate naman ako pero di nga lang masipag, haha. Tsk. Ang tamad ko talaga. Isang masayang weekend sayo, Ate San!🙂

    • hellow, singkamas girl! mahirap nga… hala, ni-lecture-an ba kita sa last email ko sa ‘yo? ahaha, medyo matagal na ‘yon, ah? kawawa ka naman, patatawarin, pasensya po….😉

      ah, kasi naman pag nag-college na ang isang tao, on the average, may literacy enough na siya para mag-string ng sentences, ‘ika nga. so, pag magsusulat tayo na may intention na ipabasa rin sa iba, dapat ay interesting and to the point ang pagkatahi ng points. pag mga notes to self, sige, pwedeng mas mababa o walang standards, haha. tutal, may kakayanan naman tayong i-decipher ang kung anu-ano’ng na-jot down natin, haha. pero minsan, nangyayari ‘yong notes to self natin mismo, di natin maintindihan, di ba? parang iba ang nagsulat, ang kulit lang… ^^

      ahaha, shy yata at selective ang may-ari ng bahay mo, e. paano’ng gagawin? ^^ hamo, pag mas marami ka nang gustong linawin sa sarili, pag dumami na ang issues mo sa buhay, sisipag ka, tomo. 😉 happy, happy weekend din sa ‘yow… ^_^

  13. hahaha. nakaka-ouch naman yung mga blogger na hindi nagbbloghop. haha. hirap kaya magsulat, minsan madali pag alam mo na ang isusulat mo. pero mahirap din pala, kasi gaya nga ng sabi mo, kelangan pang salansanin. sa sobrang hirap nga ang iikli ng blog entry ko hahaha katamaran lang. pasensya na ngayon na lang ulit ako nagbloghop. hihihi.

    *at romanticism pala yung mga tahi at paso. kaya palaaaaaa. haha. akala ko life in general. wololong!😄

    • hahaha. may ilang bloggers na ganoon, ‘yong parang nag-i-impart or nagkukwento lang at walang balak o abala masyado para magbasa rin ng mga sinulat ng iba, haha. meron ding too private yata kaya parang gusto lang ay magsulat at maglagay – they want to be left alone, generally. ayon…^^

      minsan, may mga sinusulat tayong nagpo-flow naturally, pag kabisado at feel natin ang paksa, di ba. .. pero, kailangan pa ring ayusin, i-present in such a way na hindi lang ikaw ang babasa, may iba… hayon, nakakaubos rin ng brain cells at nakaka-eyebags, parang taping, ahaha. meron din akong ilang naisulat na bahagya lang ang editing – yong mahahaba na parang nagku-kwento lang ng diretso, haha. mahirap magpa-iksi ng komposisyon. kailangan, mas maraming time, ahaha. ^^

      oo, kapatid. medyo linyang love is the answer yon, haha. basahin mo ang tula ni matthew arnold na dover beach. parang gano’n… but yes, the essay tries to depict life in general, tipong kaya mo bang mag-reach out despite your sorrows and pains? naks naman, shaks lang, hihi.😉

  14. nakakapagtaka lang nung baguhan pa ako, parang napakadali lang magsulat promise! walang apprehensions, sulat lang ng sulat kahit anong maisip pero habang tumatagal may mga rules na akong sinusunod unconsciously. Saka ko pa lamang nasabing ang hirap magsulat. Mahirap mag-ipon ng salita, mahirap silang tahiin mas lalo ang pagtagpuin.

    Mahirap nga talaga ang magsulat pero may pagkakataon na parang napakadali lang nila kelangan nga lang habulin para di mawala.

    magandang araw ate san.

  15. hello, ani… nag-iiba yata pag nagiging conscious na tayong may ibang babasa? nilalagyan na natin ng context at sa gayon ay nagiging less self-indulgent? haha, di ko alam. pero may nababawas din yatang spontaneity habang nagti-trim tayo ng writings for a public audience? hihi, di ko pa rin alam.

    mahirap, usually… ang ginagawa ko ryan, pagkakasulat, tinitingnan ko, sinisilip – mukha bang may sense ang mga pinagsasabi ko? ahaha. minsan, nangyayaring parang ‘yong sinasabi nyong humuhulagpos ang panulat at parang nagsusulat ng kanya, haha. ang eerie lang…^^

    have a great week, kapatid.😉

  16. Pingback: Parang wala lang… | sasaliwngawit

  17. Mas nakakatuwa actually yung post production, hehehe. Tulad siguro sa movies, post production ang matagal. Pero nandoon ang masarap na trabaho. Minsan pag sinisipag ako mga isang linggo bago ko ipublish yung mga posts ko, kapag hindi masyadong sinisipag, next day, or same day. Kasi nakakatawa minsan yung mga mali ko. Mga typo errors, mga maling sentence, minsan pa yung mga off-topic na nasisingit ko e nakakatawa. As in pinagtatawanan ako ng mga kapatid ko habang pinagtatawanan ko ang sarili ko na nakakatawa naman talaga. Ewan ko. Ang sipag mo nga e, ang hahaba ng posts mo.

    Siguro madali magsulat, ng walang sense. Tulad din ng sa movies, madali gumawa ng movies, pero siyempre kalidad ang nagiging ending ng usapan.

    Hello!🙂

    • Ahaha, tama ka, nakaka-aliw ang post-production. Nakaka-aliw makita ang sariling mga mali. Medyo ganyan din ako, at least one week bago i-publish ang naisulat na – matagal sa polishing. Yong idea, yon pa rin naman, ‘yong original na na-concieve o naipag-dalantao, haha… ^^

      Mahahaba ang posts ko – wala akong masyadong time and patience na magpa-iksi. Ang mas madaling mga isinulat ay ang mahahaba, haha. Ang maiiksi rito usually ay ang poems. Medyo matatagal ang editing ng mga ‘yon, at least isang dosenang beses ng rework and editing. Matagal bago mapagtama, as in…

      Ang medyo mabilis ko lang ipinablish na tula ay ang Sa Mga Siwang at Pagitan, within 24 hours pagkasulat. Ang usual, gumagawa lang ako ng poems tapos naka-imbak lang. Pag nakakakuha ng time, edit. Edit ng edit, haha.

      Hmnn, sa blog daw, hindi masyadong naghahanap ng quality sa writing, haha. Although, better kung quality writing din, siyempre. Ang importante raw ay relationship, sabi. Kung ilan at gaano kadalas ang return visits ng readers. So, pwedeng di masyadong tama ang grammar or di super ayos ang paragraphs o lay-out, basta tinatangkilik, haha. ^^

      Iyong sa ‘kin na inaayos pang maigi, pina-polish, etc. medyo counterflow nga yata iyon sa bilis ng traffic at saka pagiging approachable ng site, haha. Pero, nagsusulat rin ako outside of blog, parang inconsistent and irresponsible naman kung bara-bara lang ang mga ilalagay ko rito… Ayon.

      Hmmn, nasa blogger pa rin siguro ‘yon – kung ano ang gusto nyang i-serve na menu…😉

  18. sakto! ang isang blog nga raw ay parang living organism, kailangan ding i norture, kailangan ng social life para mag grow🙂 salamat sa mga paskil, it wakes me up from being a lazy blogger sometimes.. keep it coming😉

  19. Pingback: Ang Madali sa Hindi Madaling pag Susulat | Wild Card ni Eric

  20. Pingback: mga ideya para sa panulat | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s