liwanag, lugod at ngiti

 

 

Maligayang kaarawan sa iyo, K.T.!πŸ™‚ Ahaha, ayan umabot ako. Noong nakaraang taon, nahuli ang bati, pasensya na… Ang tagal kong naghanap ng Youtube entries ng mga kantang gusto mo, wala akong nakitang maganda o malinaw. Ito na muna, mahilig ka namang tumawa at ngumiti, haha. Saka, iyon ang natatandaan ng mga tao sa ‘yo – ang sarap mo raw tumawa. Ikaw na…πŸ˜‰

 

Ang kwento ko sa ‘yo, medyo matagal nang walang Bay Walk, ‘yong madalas nating puntahan natin noon? Andoon pa rin naman ang lakaran pero wala na ‘yong mga kainan, inuman at tugtugan. Sayang, ‘no? Anyway, naaalala mo ang kainang may videoke sa bandang Maynila? Oo, doon sa pinagbibiritan mo ng mga kanta nina Anthony Castello at Basil Valdez? Ayon, andoon pa rin siya, pareho pa rin ang itsura, as in… ^^

Naalala kita tuwing nadaraan ako ro’n. Doon ka sobrang nag-i-enjoy, patatawarin. Siyanga pala, liwanag, lugod at ngiti ang title ng post para positive, parang ikaw lang, ahaha. Hamo, iisipin ko lagi ang mga salitang iyan para madala ko sa makalawahan, haha. Araw-araw sana pero susko, ayokong mangako, haha. Pipilitin ko, pramis. ^_^

 

O, sya, sana’y happy ka at marami kang kahuntahan. Sana ay may lapis at papel, videoke at beer dyaan, saan ka man naroroon… ^^

 

Happy, happy birthday! Mwah! Sa kabila pa… Mwah! LabyuπŸ˜‰

 

22 thoughts on “liwanag, lugod at ngiti

      • nakakamiss ang mga kaibigang talagang kahit di makita o makaniig sa tuwina…

        naroroon pa rin ang pag-aalala, ang pagngiti sa tuwing binabalikan ang mga nakakatuwang pinagsamahan ….

        reminsicing lang po hihihi!

      • ah, reminisce on, kapatid. salamat at dumaraan ka rin dito.

        ah, ganito. wala na sya, nauna na. medyo matagal na. ako lang itong medyo nahihirapang mag-move on. kasama sya roon sa mga di ko pa kayang ikwento ng diretso.

        yeah, him and me had good and wonderful times. pero meron sya dating itinuturong karinderyang malapit sa amin na gusto nyang kainan, di ko sya napagbigyan (ang ewan ko lang, haha). dinala ko sya mga thai, vietnamese, american atbpng kainan para kako may ibang lasa naman syang matikman. when he went suddenly, it was one of the things na naalaala ko, di ko naibigay ang request nya… huhum, mga gano’ng ek-ek, ipagpaumanhin mo.

        salamat and have a great day.πŸ˜‰

      • nakakalumbay ang ganitong mga pahayag. kahit gaano mo itago, ako’y muling nalumbay, at ang ibang ala-ala ay muling nanariwa sa aking isipan. bakit kasi may mga bagay-bagay na hindi natin nagawa bago pa sila ay tuluyang mawala. nakakalumbay talaga, pagluha ay di mapigilan, hinayaan na lang umagos, baka sakaling lumbay ay mawala ng tuluyan. ayan pati ilong lumuluha na rin. mmm, pahiram nga ng panyo. ang saliw ng iyong musika tila may bahid ng luha.

      • hello, cupnoodles. salamat dahil naka-identify ka sa ala-tribute na post (hihi) at salamat din sa sympathy, kapatid.πŸ™‚ i guess, bibihira naman ang taong ready sa sudden death (at kahit sa hindi sudden). no one is prepared to accept it. and i suppose, it happens na it’s harder on the bereaved, ‘yong mga naiwan. baka nga – he’s happy sa kinaroroonan nya, malamang. masayahin ‘yon.πŸ˜‰

        i guess, things are a bit better these days, i hope. ‘yong last year post ko ang malungkot. essay w/ pics yon. yown… ^^ teynks uli and cheers na tayo!πŸ˜‰

      • tunay na nakakalumbay ang mawalan ng taong mahalaga…

        ngunit sa kanyang pagpanaw, nag-iwan siya ng napakagandang alaala na hindi kailanman mabubura sa isipan…

        sa kanyang paglalakbay sa kalangitan, maaring siya ay nakangiti tuwing sa isip mo siya ay sumasagi,

        sapagkat ang kaluluwang kasama na ng Maykapal ay napakaligaya….

        ang pagkalungkot ay walang puwang sa Kahariang namamasdan…

        tayong mga naiwan, di maiwasang malumbay, ngunit maari din namang turuan ang puso at isipang makidiwang sa kanyang tinatamasang banal na kaligayahanπŸ™‚

        Cup at Saliw….Aking dasal… ngiti sa inyong labi ay mamutawi sa tuwing alaala ng minamahal ay sumagiπŸ™‚

      • saliw aking tinangkang puntahan ang last year post mo na iyong binanggit, kaso wala naman akong nakitang bakas, hehe, pagkat ang pinaka-una mong buwan ng post ay Nobyembre 2011, wala naman HUnyo, hehe. nagtatanong lang at naghahanap.

  1. chilled honey, salamat sa comments mo. oo, sa isang banda, may isang parte ng pagkalungkot at pananabik sa yumao ay dala ng pagkamakasarili, alam mo ‘yon? iyong ikaw ang tipong ayaw bumitaw, hindi pa handang magpatawad sa mga pangyayari at iniisip mo pa ring ang pinakamabuti ay iyong nasa tabi mo siya? samantalang hindi na pwede at wala rin namang kasiguruhang pinakamaiging sitwasyon ang siya ay nabuhay at nanatili. simpleng pansariling paghahangad siguro – understandable kahit paano pero irrational and impractical. ayon… :c

    kako nga, pipilitin ko. kahit pa, maski na at sabihin pa… salamat uli sa kind words moπŸ˜‰

  2. cupnoodles, salamat sa masipag mong pagdalaw dito. ahaha, wala rito yon sa ssa site. doon iyon sa dating site na kasalukuyan pang suspended. medyo naikwento ko iyang lumang site sa page ditong ang pamagat ay Para Saan ang Awit? ayon…πŸ˜‰

    pasensya na, kapatid, sa late response. out of town ako nitong mga nagdaang araw. btw, sana ay nasa maigi ka. have a great week!πŸ™‚

    • naku, isa syang mamang mahusay mag-drowing at mahilig magkakanta. dinadala ko sya sa mga ganoon kasi, ‘yong mga gano’n ang nai-enjoy nya, haha… ayos lang, low maintenance akong kaibigan, haha. kailangan lang, matitiis ang mga simangot ko at pagkunot ng noo at rants pag sobrang dami ng problema. haha, hindi rin pala…πŸ˜‰ kung sa food and drinks at lugar na pupuntahan, low maintenance ako, hihi πŸ˜„πŸ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s