KM3: TINIG (Kaninong Tinig ang Pakikinggan?)

 

May kaluskos, may lagaslas at may lantay na di-mawawaang ingay. May nagsasapawan, may nag-uunahan at may nagsasalimbayan. Nakabibingi.

 

May dumadagundong, may dumadaluyong at may sumasadsad. May gumuguhit, may sumusugat at may gumugurlis.  May sumasargo, may bumubuhos at may tahimik na dumadaloy.

May gumigibik, may nanangis at may nagngunguyngoy. May nakikiusap, may nagmamakaawa at may nananalangin. May sumisigaw, may humihiyaw at may nagpapapalahaw.

May dumaraing, may humihiling at may tila nangingilin. May humihimig, may naghehele at may marubdob na umaawit. May nagtutungayaw, may pumupukaw at may nag-aapoy ang bitaw.

 

May matinis, may mababa at may katamtaman. May gumagaralgal, may nag-aantabay at may  sumasalipawpaw. May paputul-putol, mayroong tuluy-tuloy at may tila nanghihingi ng abuloy.

May mabini, may malamyos at may malambing. May parang nandadagit, may tila lamang paningit at may pabulong ang banggit. May nanlalandi, may nanlalansi at may simpleng nananaghili. May nakayayamot, may nagpapalimot at mayroon ding nagpapatulog.

May kapos, may paos at may kung bumigkas ay tagos. May nangangapa, may naninimbang at mayroong may katiyakan. May parang inaanod, may tila nakalulunod at may waring nag-aalis ng pagod. May nagdadala ng hapis, mayroong  singlinaw ng batis at may nagpapabaon ng tamis.

 

May kaiga-igaya, may kahali-halina at may kaaya-aya.  May nag-aanyaya ng pagtalima, may humihikayat magpakumbaba at may humihimok na mag-aklas. May nanlilinlang, may naggagahis at may nananakop. Mayroong ang dala ay ligalig, may tila payapang hangin ang hatid at mayroon ding puno ng himig ng pag-ibig.

 

May babagtas sa dawag, may susupil sa tanan at mayroon daw, gagawa ng bagong bukas. May maghahati, may magdadala ng pighati at may sasalikop sa mga damdaming tuliro, watak at sawi. Alin kaya ang magwawagi?

 

 

Tinig – tunog na galing sa loob. May saysay, may salansan at may palaman. Gagamitin ng nilalang para magpahayag, magpaabot at maghatid  ng pang-unawa sa loob at sa kapwa.

Kailan kaya – diwa at tinig ay magsasanib? Kailan matatanggal ang bikig? Malaki ba ang maitutulong ng bibig o ng panitik? Kakayanin bang humimig sa gabing walang katarungan, pusakal at pusikit?

 

Nasaan ang tinig na maghahatid ng lugod at kapayapaan sa mga damdaming pinaglayo at nasasabik?😉

 

81 thoughts on “KM3: TINIG (Kaninong Tinig ang Pakikinggan?)

      • hihi, malamang nga… btw, nasa ibang time zone si fancy face, mulat sya no’n, whehe. hinahanap ko nga site nya uli, di ako makabalik doon ay magaganda pa naman posts nya… ^_^
        alam ko ba’t mo tinakpan – nabingi ka? hihi, sinadya kong lagyan ng libong sounds para i-test ang eardrums mo, hoho. joke.😉

    • ah, dyaan sa tabi-tabi, sa mga suluk-sulok. tomo, dami ro’ng sights and sounds…😉

      salamat ng marami, lipadlaya. btw, shortly after midnight na na-post,e. suporta na lang… good luck sa entry mo at sa entries ng iba pang kalahok.🙂

  1. Pingback: KM3: TINIG | Kayumangging Damdamin

  2. next time di ko na kailangan mag hagilap ng mga katagang hango sa kalipunan ng “taal na tagalog” na anyo nga wika.

    mangongopya na lang ako sayo sis!😛

    shaks naman talaga! So deep!🙂🙂🙂

    • anla pa, haribon. may ire-recomm akong sites sa ‘yo for malalalim na tagalog – kay lipadlaya, kay alimbukad saka ‘yong isa, yong tatay na taga-rizal. ayon, pramis ko sa ‘yo, kakawindang ang mga tagalog words do’n, hihi.😉 doon ka mag-aral, as in… ^^

      salamat sa pag-appreciate at sa sangkatutak na smileys.🙂

    • ‘yan ka na naman, kailangan ka bang dalahin sa clinic o papatingalain lang saka panyo? hoho😉

      ayan, may papuring bawi. yon, yon ang maigi, hihi… oks lang, supurtahan si kulisap, yehey!😉

    • hekasi nga, kumuha pa ako ng shoes sa repair shop, haha, at may iba pang errands. 11 past na ako nakaupo para magkabit-kabit ng sentences, shaks na ‘yan. ayos lang, na-publish din naman.😉

    • ahaha, alin-alin ang malalalim? lagaslas, lantay, gumugurlis, gumigibik, sumasalipawpaw, hapis, kaiga-igaya, pagtalima, nanggagahis, dawag, susupil, tanan, pighati, tuliro, pusakal at pusikit – ang mga ‘to?😉 kaya mo ang mga ‘yan, kapatid. ‘yong dawag at tanan lang talaga ang malalim, hihi.😉

      • ngih! nagmukha bang fishing for compliment? kakahiya. what i meant was, di ako singtapang ng mga sulatin ko, as in… happy weekend uli, singkamas. maggawa ka ng posts, ha? wala na akong ma-backread sa may inyo…😉

      • Ah, no worries, Ate San! Hindi yun compliment, hahaha. Kidding. Of course, it is.🙂 Happy weekend rin po. By the way, may bago po akong post, di nga lang sa banaag. Andun po siya sa kabila, dun sa photoblog. Baka gusto niyo ring dalawin, hehe, if you haven’t already.🙂

      • haha, i know somebody could be cruel… nasalubong ko ang comment nya re: carotid artery, alam mo ‘yon? i’ll visit your site at maghahasik din ako ro’n ng lagim, errr, compliments pala, hihi.😉 cheers!

  3. ala naman eh, naubos na yata ang mga kataga ng papuri, napakahusay talaga eh. ninamnam ko ng husto. magaling, magaling (commercial ata yun😀

    have a great week ahead, mabuti na laang at ako’y napasinsay sa iyong pahina.😀

  4. Kaninong tinig ang pakikinggan? Mas masarap siguro kung tinig muna mula sa loob hanggang sa unti-unti nang dinidinig ang tinig sa labas. Kahit malapit na malapit na ang tinig sa loob, tila ito ay huni ng aswang- malayo at sinasadyang hindi pakinggan. Minsa’y guni-guni, minsan nama’y matapang na pinakikinggan. Ang minsan ay minsan madalas madalang…parang tinig. Iba-iba, gaya ng iyong isiniwalat.

    Maraming salamat sa suportang ito, hindi umabot pero ‘yong maibahagi mo ang tinig mo ay panalo na po para sa akin.🙂

    • Hala, kulisap, ba’t may tinig kang tila huni ng aswang sa loob? Pag ganyan, parang ayaw ko ring pakinggan, hihi😉 Ah, ‘yong tinig na magdadala ng lugod at kapayapaan ang boto ko, haha, sa gitna ng sari-saring tunog, ingay at mga boses. Palagay ko, ang blogging ay isang paraan para palabasin ang ating kanya-kanyang tinig at sana, sa dulo, makabuo tayo ng nagbi-blend na himig.

      Walang anuman. Ikaw na ang nangalampag sa kalagitnaan ng linggo tapos nagtataka ba’t kayraming tinig na nagsipaglabasan, ahaha. Sus, binola mo pa ako, tsos!😉

  5. Sana nga makabuo tayo ng nagbiblend na himig sa katapusan, kung hindi man para sa atin, eh di sa mga aswang, hahahaha, joke lang..para sa salinlahi kung may susunod pa…pwede ga ire?

    bakit nambobola, labis akong naliligayahan sa inyong mga lahok. Ipinagmamalaki ko po eh.

  6. Ang husay! *palakpak na may kasamang standing ovation*
    AYOS! At ang sarap pakinggan/basahin ang mga malalalim na Tagalog na ginamit. Nakakamiss ang mga ganyang salita.

    • hey, batopik! kakaway lang muna ako sa ‘yo at kailangan kong umalis, ha. nakita ko na ang comments and likes mo, kapatid. mamaya na ako makaka-reply, pasensya na. salamat sa pagbubuklat-buklat dito. hope things are shakin’ dyan sa kinaroroonan mo. happy weekend…😉

  7. Pingback: Parang wala lang… | sasaliwngawit

  8. Ayos naman po ako maraming salamat, kayo po?🙂

    Sa tingin ko, tama ang aking unang desisyon na hindi basahin ito dahil ito ay isang “kalapastanganan” para sa likha at sa inyo na rin po. sa totoo po ay hindi ko gaanong naintindihan ang inyong akda. hindi po dahil sa salita na inyong piniling gamitin ngunit siguro katulad ng sinabi ko noon ay medyo may problema ako pag dating sa sining. hindi ko alam, marahil ay dahil kulang pa ang aking kaalaman.

    Marahil ay dapat hindi ako maghanap ng “ibang” ibig sabihin sa akda na ito at tignan na lang ito sa kanyang “face value” gayun pa man, hindi ako makakapag komento kung ito ba ay isang “maganda” o “hindi maganda” na akda sa dahilang hindi ko kayang gumawa ng ganito.

    at dahil diyan, kailan kaya magsasanib ang diwa at ang tinig? marahil ay sa dulo ng bahaghari.

    • ahaha, hello, snake… ayos lang ‘yon. wala namang pilitan, kako nga… medyo malalim at pang-adult nga kasi ang content at method ng post sa itaas. pwedeng daanan mo lang at di na pansinin, pwede ring titigan at lapitan, at pwede ring huminto ka pa at magtagal at pag-isipan kung ano nga ba ang ipinapatungkol ng akda. nasasaiyo… ^^

      eh, ang isang sining, nasasa tumitingin, ika nga. may sining na parang nag-aanyayang lumapit, may sining na nagtutulak palayo at mayroon ding parang nagsasabing dito ka lang, samahan mo ako. mga gano’n… ^^

      oh, ayon naman pala, may sagot ka sa tanong ukol sa pagsasanib-sanib na ‘yan, haha. medyo imposible bang magkita at magtagpo ang ating consciousness at ating voice? ahaha, medyo philosophical, mapag-isipan nga…😉 regards.

      • Ganoon na nga po, kaya nga po napasulat ako sa aking blog dati something like “Art is troublesome” sa kasagsagan noong brouhaha sa CCP. ngunit may naisip na kong bagong teorya kung bakit may problema ako sa “sining” at balak kong isulat ulit iyon sa aking blog pag sinipag.

        Tama po kayo, ang sining ay nasa tumitingin. kaya siguro nahihirapan ako.

        Philosophical? ah, kakain na lang ako ng maalat na kamote. hahaha,😀

        Pero dagdag ko lang, kaya nakakatuwa talaga ang kaisipan ng bawat tao sa mundong ito. “That’s what makes us humans” sabi nga siguro nila. regards din po sa iyo.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s