Eksenang Kalye

image of a dog

Mas maganda at mataba ang alaga namin/ squidoo.com

Noong isang gabi, naalaala kong ilakad ang aso namin. Parang ganito ‘yon, halos regular ko naman syang inilalakad. Nagkataon, medyo gabi na no’n at inaantok na rin ako. E, biglang pumasok sa isip kong medyo madalas nang i-reklamo ng kapatid kong ang taba-taba na raw ng doggie namin. Medyo mataba naman nga sya – bilog. Err, okey, bilog na bilog. Ang siste kasi, di sya masipag gumalaw, haha. Pero, ang sipag naman nyang kumain. Kaya, ‘yon…

 

To make the long story short, pinaglabanan ko muna ang mga hikab ย at lumabas pa rin kami para maglakad. Lakad, lakad nga kami. The usual route lang, sa malapit, mga 10 or 12 minutes kasi, inaantok na ang taga-lakad, hehe. Noong pabalik na, tatawid kami sa may kanto, may ilang kabataang biglang sumulpot sa may tabi namin. Tapos, may humiyaw, isang teenager na lalaking hubad-baro. Ang sinisigawan pala nya, isang teenager ding naka-bisikleta. Akala ko, kung ano lang, tutuloy pa rin kami ng dog sa pagtawid.

 

Humahakbang na kami patawid nang biglang tumakbo ang kabataang sumisigaw kanina lang. Tumakbo sya papunta sa nagba-bike, may dala pala syang timba. Ang timbang bitbit nya, ‘yong puti na dating pinaglagyan ng langis panlinis ng makina ng sasakyan – yong matigas at mabigat? Tapos, ibinalibag nya roon sa nagba-bike na mas maliit sa kanya, kung tutuusin. Tumama ang timba sa binato, ย pero hindi sapol. Ako ‘tong si engot, akala ko, nagbibiruan sila. Akala ko, ‘yong usual na harutan ng mga kabataan sa kalye – maingay at may konting sakitan. Mali.

 

Sa mga sandaling ‘yon, nagsulputan ang mga tao, galing sa yata sa gilid-gilid – may matatanda, may ilang mukhang nanay at may kung ilang mga kabataang lalaking mga hubad-baro rin. Tapos, may mga nami-miron na. Biglang parang may kaguluhan na. ย Ang nangyari pala, parang slow mo, as in… Pagkabato, tumama ang timba sa target na nakasakay sa umaandar palayong bike. Tapos, hindi pa nakontento ang nambato, tumakbo pa sya palapit sa batang tinamaan nya at akmang susugurin pa nya. Umandar pa ng konti ang bike.

 

image of a dark road at night in the city

Minsan, mahirap sabihin kung anong sorpresa ang iluluwal ng gabi/ article.wn.com

 

Tapos, di ko masiguro kung yung naka-bike was trying to break o nawalan na sya ng balanse. Tumilapon sya paunahan, sumadsad sa kalye, kamukha ng pagtilapon ng taong nagda-drive ng motorsiklong nabangga. Tumilapon din sa may unahan nya ang bike na sinasakyan, medyo malayu-layo. Mabuti na lang, walang dumaraang ibang sasakyan nang oras na ‘yon. Main road ‘yon ng siyudad namin, kadugtong ng main road ng katabing siyudad. Tapos, nagmumura na sya, akmang lalaban. Mukhang nalamog sya sa pagkabagsak, pero may lakas pa para sumugod. Tapos, may pumipigil na sa nambato. Noon ko lang nakuhang mukhang away pala ‘yon. At, seryosong away. Tipong tinambangan ang dumaan. Kaya pala maraming ibang kabataang lumabas din – ang iba ay para manood at ang iba ay para magsilbing reinforcement. Ng kung aling panig, di ko na inalam.

 

Medyo nag-panic mode din ako. Nakakita na ako dati ng gang wars sa lungsod – bayolente, pramis. Parang di kayang pigilan ang mga ganoong kabataang galit, nakatonong mang-away at handang makipag-bugbugan. May ilang sandaling hindi ko alam kung saan kami susuot ng kasama kong aso. Hindi ko sya pwedeng kargahin dahil malaki at mabigat at kinabahan ako dahil dalawa kami. Palagay ko, kung ako lang, kaya kong mag-figure out ng split-second decision kung saan sisingit o kukubli. Pero, ayon nga… Nakatabi rin naman kami, may nag-cover sa amin. Matapos ang ilang sandali, nakatawid kami ng medyo matiwasay. Haha, nakatawid kami ng kinakabahan at medyo dumadagundong ang dibdib.

 

Noong mga naka-labinlimang hakbang na siguro, saka pa lang ako medyo nakahinga. Nilingon ko ang spot kung saan tumilapon ang batang binato. Na-realize kong gabing-gabi na nga pala. Makailang hakbang pa, naulinigan ko ang boses ni Mike Enriquez na pumapailanlang. Sabado yata noon.

 

55 thoughts on “Eksenang Kalye

    • Hello, Snake… Ahaha. Gagamitin ko nga sana ang salitang testosterone sa post, hihi. Ah, di naman ako natatakot sa maaring gawin nila sa ‘kin. Hindi naman sila gano’n, wari ko. Mas ang nakakatakot, ‘yong batuhan at habulan sa ganyan. Incidentally, pwede talagang tamaan at masaktan ang passersby. Kadalasan, bote at tanikala ang ginagamit sa ganyang away saka pana, as in… ^^

      Salamat sa concern at sa pagdaan at pagbabasa. Ingat din…๐Ÿ˜‰

    • Hihi… Oo nga, medyo gising na naman ako noong lakad pabalik. Noong papunta, ayon, medyo pupungas-pungas pa ako, haha. Inisip ko nga, kung mas maigi pang di kami nag-walk noon… Pero, hindi rin, talaga naman yatang laging may ganyang occurences sa big city…

      Yes, tama ka – ang kailangan ay mag-ingat (Salamat!) and to keep one’s wit about her, hihi.๐Ÿ˜‰

    • Hala, mahirap tumakbo, medyo maiipit kami. We were right smack in the middle of the happenings, tough luck… Oo nga, e. Usually, hindi naman sila nanakit ng iba pero there’s the chance na matamaan kami sa batuhan and hampasan. E, naawat naman sila. Nag-disband din kaagad. Parang flash lang lahat, haha. ^^ Salamat, Alla, sa pagdaan and for your concern. Good day.๐Ÿ™‚

    • Haha, oo nga,e. ‘Yong ibang lakad-lakad namin, uneventful naman. That night, biglang meron, hihi. Parang flash fiction nga ang dating… Thanks! Kadalasan, sa umaga ko naman sya inilalakad o kaya, early evening. Weekend kasi at naglinis-linis ako no’n, kaya nalimutang gawin earlier, haha.

      Salamat sa pagdaan and for your kind words, kapatid na Akda. Ingat ka rin.๐Ÿ˜‰

  1. dahil dyan daanin na lang muna natin ang pangyayari sa pag-wait sa saliw ng musikang, โ€œyouโ€™ll be safe here, close your eyes, dry your tears, tatatatatattttt. sincere, youโ€™ll be safe here, oohhhh..โ€…hmmm, moral lesson, turuan si bantay tumakbo.

    pasasalamat at walang masamang nangyari sa iyo.

    • Ahaha. Ang sweet ng kanta, as in… Salamat!๐Ÿ™‚ Nakow, ang doggie naming ito ay wala ni katiting na aggression sa katawan, sorry. Sobrang agreeable ang disposition nya, as in… Yong isa naming dog dati (na nag-pass away na) na mas maliit ang siyang feeling house dog at bantay, haha.

      Oo nga, masakit matamaan ng timba o dos por dos, haha. Salamat, kapatid.๐Ÿ˜‰

  2. naku umaatikabong action pala ang na-witness nyo ni doggie. pero i think tutulungan ka nya just in case. ganyan naman ka-loyal ang aso lalo na pag malapit sa amo. pero siempre ikaw na amo mas trip mo ang siyang magligtas sa aso.

    sa amin uso rin ang mga ganyang gang war, yung mga dati ang involve pa ay ang isa ko pang kuya. naalala ko tuloy itong post kong ito.

    http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com/2009/11/05/nakapanood-ng-gang-war/

    • ahaha, nakakagulat na aksyon kamo… pero binasa ko na ang lumang post mo – parang mas action-filled ‘yon. nagpalitan kamo ng mga batuhan? ‘tong na-witness namin, nasawata naman…๐Ÿ˜‰

  3. wow…nakakinspire ka naman…mapagmahal sa hayop…hehehe
    galing naman….inaantok ka pa nun sa lagay na yun ha? at naikwento mo pang kayganda at buong-buo….hehehe

  4. oo, inaantok talaga ako no’n katoto. sa totoo lang, mas masipag ako sa lakaran kaysa sa doggie namin. mahilig akong maglakad whereas sya, the first 100 steps lang masigla tapos, napipilitan na lang, haha. ewan ko ba’t ko nakwento, mukha nga kasing flash fiction yong nangyari, out of the blue… ^^

    salamat sa pagbalik, ha, at sa pagbabasa. ingat ka, kabayan…๐Ÿ˜‰

    • ahaha, baka dati pang mapupusok ang kabataan. feeling ko, mas marami ang out-of-school-youth sa ngayon. mas prone silang mainip at mabuyo sa gang-gang… ah, wala naman. salamat, Myr… kumusta?๐Ÿ˜‰

    • tinamaan sya pero not enough to get him down. hindi sa strategic na parte sya natamaan, kumbaga. which was good, kung tutuusin, kasi mukhang ang sakit ng tama ng gano’ng klaseng timba (hindi ‘yong Orocan types, e).

      ah, I wouldn’t say that. i wouldn’t know, kapatid. kasi, parang mga out-of school youths sila. e, para sa kanila siguro, hindi corny ang gano’n…๐Ÿ˜‰

  5. Hello , Ate !

    I feel weird I’m the only one commenting in English.

    Ah So you witnessed a fight, huh. I never witnessed something like this, but I did witness a teenager getting arrested right at our driveway. It embarassed the whole family coz neighbors might think it was one of us getting arrested. You see, about a mile or so from our house is the Youth Detention Centre. It so happened a guy escaped. Our area is very quiet, so I guess that’s where he wanted to hide . The side of our house didn’t have a gate yet, so it was open sesame for everyone to enter , bad or good…. and that’s where he decided to hide, at our backyard , inside the tool shed. I really don’t know how the cops found out he was in our property. Wow ! they were good ! Funny thing is, while this was going on, we were not aware of it. I was watching TV at the family room…. there’s a glass sliding door that opens to the backyard , and so, then to my great surprise, I saw 2 cops at our backyard….. they didn’t even ask permission from the owners of the house to enter the property. And I was like, what the ! ! Why are there cops here ? And then the cop saw me and signalled to stay put.
    So yeah, that’s what happened. ha ha ha. Oh, well.

    • Hello, Ren,

      Hey, ayos lang ‘yon. Alam naman nilang US-based ka. Saka, minsan ay nag-u-um-English din ako rito, haha.๐Ÿ˜‰

      Hala, maiging di ka pa nakakakita first hand ng ganoong away. Pero okey din, if and when you do, hwag ka lang sanang madamay, haha. Btw, ang ganda ng kwento mo, parang na-visualize ko – may mga pulis na sa loob ng bakuran at may takas pala sa loob, haha. Parang pang-movie, ang galing. Tipong who disturbs your peace? Ahaha… ^^

      Okey rin naman kung paminsan-minsan nakaka-engkwentro tayo ng ganoon. Para alam natin that all is not well, that we live in a setting na may conflicts and security is beyond what we can secure for ourselves. Basta huwag lang madalas at paranoia-inducing na pag gano’n, haha. Oh, well… ^^

      Salamat for dropping by and reading, kapatid. Hope you are doing okey despite the frenzy of your upcoming trip. Ingat kayo, lagi…๐Ÿ˜‰

    • Haha, oo, mataba sya pero hindi pa naman critical, makukuha pa sa lakad-lakad… Hihi, ang sexy kaya ni Lara Croft? Sana nga, mala -gano’n, ang saya ko lang…๐Ÿ˜‰ Safe naman, thanks. hihihi๐Ÿ˜‰

  6. Buti di nagwala si dog sa nangyari.๐Ÿ˜ฆ Sa panahon ngayon mahirap na talaga, di mo masasabi kung anong pwedeng mangyari.

    • Ah, hindi naman, halatang kinabahan lang sya – naging restless dahil karibok ang kanyang paligid. Panay ang tinging di-magkaintindihan sa akin, haha. Medyo mahirap nga pero, okey-okey pa naman, ahaha.

      Kumusta ka na, kapatid?๐Ÿ™‚ Salamat sa pagdaan. ^^

      • Kase di ba minsan yung aso nagugulat tapos nagwawala? O akala ko lang? Hehehehhe.

        Ok naman ako kapatid.๐Ÿ™‚ matagal tagal ding hindi nakapagwordpress. Ikaw?

      • Ah, oo. Pero si doggie namin, di masyadong nagre-react ng gano’n unless pusa sa kalye ang nakita nya, haha. Di sya aggressive na type, hihi. Oks rin, salamat… Oo nga, tuwing sisilip ako, ayon pa rin ang post. May blog ka sa ibang site, kapatid?๐Ÿ˜‰

  7. ngayon lng nging english blog ko… mybe 2 yrs ago na din.. dati tagalog blog aq.. kc dati paiba iba ako ng site,,, nasa painuminmoko.idlip.net ako dati tapos kinuha ko lng yung mga blog entries ko at nag sync ako sa site ko ngyon… yup decade blogger na.. on and off sa blogworld…

    • talaga? nakakatuwang makasalubong ng gaya mong beteranang blogger, as in… ako, less than two years pa lang sa blog world. it’s an honor na nasalubong kita, galing…๐Ÿ™‚ iba ang matatagal nang bloggers, astig. salamat pala sa pagbalik dito sa bakuran. happy weekend, jennifer!

    • oo, kapatid. ganyan mismo ang nangyari, kung tama ang recall ko. di ko malimutan ‘yong itsura ng timba at ang pagtilapon noong youngster sa kalye, pati ng kanyang bike. sadsad sya, as in…

      di naman ako hinimatay, parang may moment do’n na nag-freeze ako, haha… ayon.

      hello, Madam C!๐Ÿ˜‰

  8. there was a time.. nuong nag alay lakad kami pa akyat ng Church ng ANTIPOLO.

    nuong malapit na kami sa church, biglang nagkagulo mga tao. yun pala may nagka kursunadahan na mga grupo grupo. habang nagtatakbuhan, may biglang tumakbo sa lugar namin at hinahabol sya ng ilang kabataan. dahil may kadiliman di namin gaano maaninag ang mga nangyayari. ang naririning nalang namin at mga pahalaw na angasan at walang ano ano, isang pagibik na palahaw ang umalingawngaw sa paligid kasabay ang tunog na tila isang patalim na bumabaon paulit ulit sa isang kalamnan.

    nakakahilakbot ang sumunod na ungol magmula sa isang bumulagtang anyo. tila baga, kami’y nabuhusan ng malamig na tubig at nanatiling nakatayo sa isang tabi at walang magawang aksyon…

    makalipas ang ilang saglit, nagawa din namin tumakbo palayo sa lugar na iyon.

    kinabukasan, nabalitaan nalang namin…. isang nilalang ang pinanawan ng buhay.
    nuong isang malungkot at malagim na gabi…. ang pag aalay lakad ay nauwi sa pag aalay ng buhay. walang saysay na pag-aalay ng buhay๐Ÿ˜ฆ

  9. hello, 100kpinoy,

    anla pa, ang lungkot naman ng kwentong ibinahagi mo. sayang ang buhay na ‘yon, sinabi mo pa. may mga kwento rin akong ganyan, close encounter with senseless deaths pero, parang hindi ko pa kayang i-share online. btw, salamat sa pagsi-share mo. kumusta ka na?๐Ÿ™‚

  10. Pingback: Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw | sasaliwngawit

    • Nasawata ang ramble at ang aso ko ay medyo pumayat na, haha. Baka nga pumayat pa lalo at iiwan ko nitong mga darating na araw, shaks. Si Mike, ahaha, ewan ko. ^^

      Btw, pasensya na’t di ko agad ‘to nakita at nasagot. Pati ‘yong last comment mong nasa KM3 post gayong tungkol naman sa tag-araw at tag-ulan, hihi. Ayaw mag-apir as published, Kiko. Kung ano, paulit na lang, pls. (if you feel like). Salamat sa dalaw, ha. Regards…๐Ÿ˜‰

  11. hmm.. quite an experience.
    me mga na-encounter na rin akong ganyang sitwasyon..
    kaso kasama ko sa gulo.. hihi..
    minsang umuwi na ring putok ang nguso, maga ang isang mata galing ng school.. hahahahaha..
    medyo matagal-tagal na rin yon..

    TIP.. para di madamay..
    pag natiyempo uli.. gumilid ka lang.. with that, alam ng mga yon na hindi ka kasali.
    hahahaha..

  12. Sikat, na-telebisyon pa. Nakakatakot naman yan. Hindi ko nga alam kung bakit bata pa lang e matindi na ang galit sa kapwa. Kaya hindi umuunlad ang pilipinas e. Hahaha! Buti hindi kayo naano ng aso mo. At buti timba lang, hindi baril. Ayan ang moral dito ay wag nang ilakad ang aso. HAHAHAHA. E X C U S E S.

    • ahaha, may photojournalist na naipit sa war zone, hakhak. ^^ ay, sus, mga batang community sila, kapatid, out-of-school youth yata. siyempre, pag ganoon, hirap masyado sa buhay at di strong ang support system sa pamilya. marami-raming hostilities sa katawan ang mga ganoon, as in… on the other hand, i suppose sila ang neglected sa development equation ng Pilipinas, haha. ^^ oo, buti nga, timba lang. noong una akong naka-encounter ng ganyan, improvised na pana at punyal ang dala-dala nila, shaks! di rin ako nasaktan no’n, aha. ^_^

      di ko nga gaanong nailalakad si doggie in the last two weeks, hihi. di rin husay ang feeding nya. nag-lose ata ng five pounds ang pet recently… ang sama ko…๐Ÿ˜‰

  13. Pingback: Walang bukas | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s