Tinanong Mo Ako Kung Bakit

 

Tinanong mo ako kung bakit

hinayaan ko syang umalis

kung mabilis lang ang paglimot

kung matagal ba akong nanangis?

 

Image of a mask, crying

May mga tanong na mahirap hanapan ng sagot/ http://www.masktales.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tinanong mo ako kung bakit

ganoon naging pasya

kung matapos ang paalaman

nakuha ko pang maging masaya?

 

Tinanong mo ako kung bakit

hindi ko ipinaglaban

bagay na tila sa ‘kin naman

kung meron ba akong pinagsisisihan?

 

Tinanong mo ako kung bakit

hinayaan kong lumipas ang panahon

kung binabalikan – lipas nang kahapon

kung binibilang, nangalalaglag na dahon?

 

Tinanong mo ako kung bakit

hindi pinupunuan ang mga kulang

di nalalagyan ng sagot, ang mga puwang

kung tama na ba ang minsang magmahal?

 

image of leaves fallen on the ground

Binibilang ba ang nangalalaglag na dahon?/ fantom-xp.com

 

 

 

 

 

 

 

Tinanong mo ako kung bakit.

 

* Tama kayo, mga kapatid, single-blessedness ang paksa ng tula. Ahaha, oks ba? Pampasaya lang sa atin itong piyesa. Baka may ilang curious na malaman ang take ko sa usapin.πŸ˜‰πŸ˜‰

 

** Siyanga pala, maaring i-share ang tula doon sa mga nagnanais. Subalit sakaling mayroong gusto muli itong ilimbag, kopyahin o gamitin sa paraang nasusulat o nakalimbag, mangyaring sumulat muna sa sasaliwngawit@yahoo.com para sa pahintulot.

 

Maraming salamat. Cheers!πŸ™‚

 

102 thoughts on “Tinanong Mo Ako Kung Bakit

  1. eh gusto ko ulit hiramin.. mapuso
    ate… gusto ko magtanong ng bakit ?
    haha

    eh gusto ko ulit basta ikaw gumagawa ng tula para akong hinihila
    yan din ang gusto kong sabihin toinks!

  2. Minsan din naitanong, BAKIT?
    Nasagot naman…
    Kaya lang, may kasunod na BAKIT na naman…πŸ˜‰

    **May tanong na mahirap sagutin.
    ….at may sagot na mahirap sambitin* =)
    Shalom sa’yo!

    • hello, crazyfrog! how do you do, kapatid? mainit rin ba ryan sa kinaroroonan mo?πŸ™‚

      bakit, bakit bughaw ang langit? bakit kulay abo ito bago pumatak ang ulan? ahaha, mga gano’n?πŸ˜‰ bakit puti ang mga ulap? bakit tila umaandar ang mga ito pag pinagmamasdan? ^^

      hala, naitanong ko naman, ah? ^_^ sambitin mo ang mga sagot, dali!πŸ˜‰

  3. hihihihi…kaso hindi bakit ang tanong ko… “ok lang ba sa’yong maging single forever ate?”
    πŸ˜‰

    • hello, ani. ba’t may mga taong takot sa isasagot, hey? bakit? πŸ˜‰

      hala, kaybata mo pa para magtanong kung dapat bang bilangin ang mga nalalaglag na dahon, hihi. saka sa ‘yo, di bilangan ng dahon ang usapan kundi anong scientific name at classification, hehe. ‘musta ang puso?πŸ˜‰

  4. bakit nga ba kasi….??

    ………………………..

    pag sakin tinanong to?

    eto ang sagot ko
    * wag mo kong tanungin, alam kong alam mo kung ano ang dahilan* wahhaha bitter??

    • ewan ko nga ba…πŸ˜‰ ba’t nga kasi tinatanong pa, para tuloy nagiging komplikado… ba’t di hugs na lang?πŸ˜‰

      hindi, kapatid, hayaan mong tanungin ka. karapatan nila ‘yon, ang patakan ng konting kalamansi ang sugat, ahihi. hooiiisssst, cheerio! masaya tayo dapat. lagi, ayiii!πŸ˜‰

  5. Mahirap na tanong ang ‘bakit’, walang tama o maling sagot, pero bawat nagtatanong iba ang gustong marinig na sagot mula sa iyo. Bakit ganoon? Hindi ko alam.

    Marami tayong ‘bakit’, sa paggising pa lamang sa umaga hanggang sa pagpatay ng ilaw sa gabi. Isa lang ang alam kong sagot sa ‘bakit’ na solid na solid, si God, marami siyang nasasagot na ‘bakit’. Maraming ‘bakit’ ang siya ang may gawa. Maraming malabong ‘bakit’ ang nabibigyan Niya ng linaw.

    Magandang araw sa iyoπŸ™‚

    • Hello, Akda! Mahirap nga ang tanong pag bakit. Kasi, pag ganyan, ibig sabihin, essay ang form ng pagsagot, as in… E, tula na nga ang ginawa ko para sana tapos na, pero tingnan mo, ang dami pa ring follow-up questions na bakit. Hihi, bakit kaya?πŸ˜‰

      Kumusta na ang aleng nagpapakabait, ha. Kumusta pala ang review mo, ongoing pa rin? ^^ Magandang gabi sa ‘yo, have a good week!πŸ™‚

      • Ah, tapos na pala review ko. Tapos na din exam. Hindi pinalad, pero okay langπŸ™‚

        Aleng nagpapakabait, hahaha. Eto, parang mabait na, pero di ako sure kasi medyo mabilis pa rin ako mabadtrip pag nagmamaneho hahaha!

  6. β€œNapakasarap magtanong-tanong ng mga bagay na walang kasagutan at walang katiyakan, batid mong hanggang doon na lamang at wala ng patutunguhan, hanggang tandang pananong na lamang.”

    ??? hmm, napa-riney, Cup. Isa lang naman ang tanong ko, taga- saan ka ga?

    • Ahaha, sabi ko rin nga. Sabi ko rin nga… Iyong blogger na unang malakas ang loob (hihi) na nagtanong sa ‘kin nyan, pagkatapos malaman ang sagot, tumakbo at naglaho, as in… Ayon, ilang buwan na, mahabang panahon nang di yata nagpo-post. Medyo matanong kasi… ^^

      Hala, di nga baga’t sabi ko’y ako’y taga-roon sa amin? Ahaha, kumusta ka?πŸ˜‰

    • Ahaha, di ata problema yon, PP, di naman ako nagtatanong. Ang concern ko, ako ‘tong madalas matanong kung bakit, shaks na ‘yan!πŸ˜‰ Kumusta you? Makapunta nga sa may inyo bukas…πŸ™‚

      • ahaha, advanced ka wari, kapatid. tanungin mo muna kung sinagot ko ang kanyang mga tanong, as in…πŸ˜‰ tapos, tanungin mo kung nagtanong ako pabalik, ahihi. maunlad talaga ang imagination ng isang bata, writer ka nga.πŸ™‚ good morning… ^^

    • Ahaha, Renx!!! Glad to see you here again, kapatid.πŸ™‚

      Oh, I’ll do a very rough translation for you and then you judge –

      You Asked Me Why

      You asked me why
      I let him go
      If I forgot things easily
      Did I weep for long?

      You asked me why
      I decided that way
      If after the goodbye
      I managed to smile?

      You asked me why
      Didn’t I fight for something
      That looked as though mine
      Were there regrets, in time?

      You asked me why
      I let seasons pass me by
      Do I care visit the past
      Count the leaves falling by?

      You asked me why
      Gaps remain unfilled
      Answers left to the wind
      Is it enough to have loved, but once?

      You asked me why.

      There. It ain’t the best, but you could maybe use it to understand the poem a bit better. Be kind with your interpretation, haha.πŸ˜‰

      • hello, PP… may pangungumusta ka pala rito, ngayon ko lang nakita, shaks… sorry dito, ha… hala, di masyadong mabuti, am afraid… but thanks, thanks.πŸ™‚

        anyway, ang ganda na ng format ng site mo, ang ganda rin ng last 7 entries yata, binasa ko… pero, nawala uli ang WP na like buttons, sayang. at di ko na alam paano mag-comment do’n. ei, wala akong FB, Twitter at iba pang SN accounts, haha. lumang tao here. anyway, ang artistic na uber ng writings mo, kapatid. kainis ka, writer na writer ka nga, as in… musta rin?πŸ˜‰

  7. naligaw lang sa pagbabasa… ganda ng tula mo… nakaka-relax! itatanong mo rin ba kung bakit? dahil bawat salita ay may pinaghugutan, bawat kataga may iniiwang emosyon… galing! galing!

  8. Nalungkot ako bigla…. takot ako sa BAKIT.. at sa parehong tanong dahil alam ko naman ang magiging sagot…. Minsan maaring itago ang totoong diwa ng mga salitang may kulay at may layuning pumawi ng lumbay ngunit dama ito ng puso ng humihingi ng kasagutan lalo na kung ang mata’y siyang nagbibigay ng tunay na buhay!

  9. Hello, Alphredite… Hwag kang gaanong malungkot, kapatid. In a way, tama ka, medyo malungkot ‘yong tula. Kasi, nagawa ko sya in reaction sa isang nagtatanong nga kung bakit. Siguro, ang gusto ko lang sabihin sa kanya noon (a year ago pa itong tula), hindi madaling sagutin ang mga tanong nya. Na kumbaga, gumawi sya sa isang medyo sensitive na territory. That it wasn’t easy reliving those pains. Ayon…

    Salamat sa comment mo. Na-touch ako…πŸ˜‰

  10. eh bakit nga? haha.. kulit ng tanong.. ito na ata ang tanong na mahirap sagutin lalo’t may pinaghuhugutan.. mahaba habang paliwanagan kung bakit… alam ko behind those words, alam mo ang sagot. madami din akong tanong na bakit sa sarili ko. pero mas minabuti ko na lang na mag-move on kesa mauubos lang ang oras ko sa paghanap ng mga sagot sa mga bagay na tapos na at wala na kong magagawa pa.

    musta ang weekend mo, miss S?πŸ™‚

    • ahaha, and she can’t pass up the chance – humirit din ng konting bakit, hihi…mahaba-haba nga ang paliwanagan and yes, may ideya na ako ba’t nagkagano’n ang mga bagay-bagay, haha. tsows ko, by this age at wala pa, susme naman. pampasaya nga lang ‘to, ms. GBP. moving on na, sus.πŸ˜‰

      ayos naman. ang init pa rin dito, as in… hayon, matyaga akong nag-dissemble at naglinis ng electric fans. haha, ayos ba?πŸ˜‰ kumusta kayo, as in?…πŸ™‚

      • heto back to home base, for a week. next week na ulit ang tour of duty… mas mainit dito sa Qatar kumpara sa Saudi… mas humid kasi. Kahapon, na realize kong masyado na pala akong low fitness level. dati kaya kong mag swim ng 1km plus. kahapon, isang tawid lang sa mini pool daig ko pa aatakehin sa puso… shaks! di na pala ako ngayon shark like!

        i miss the old days!😦

    • hello, jeniffer,

      salamat, kapatid at na-appreciate mo. salamat sa pagkaligaw at sa pagbabasa. btw, pasensya na, sa spam napunta ‘tong comment mo, ngayon ko lang nakita… ^^ kind regards…πŸ™‚

  11. Hi! Kamusta na SSA? Di ako makasulat este makapagtype ngayon. Kahit malungkot ang tula mo e nakaka-inspire na magsulat din ng sariling tula. Single-blessedness na naman ang topic. Hehe. Subukan kong makabisita sa blog mo once a month (yun kasi yung allowed time na makainternet ako dito sa kumbento, kahit one hour lang each novice). Ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat at ipagdadasal na rin kita dito sa napaka-prayerful na environment ko dito.

    • Hello, Allen! Mabuti naman at nakasingit kang makapag-internet kahit paano. Akala ko talaga, two years kang walang online life, buti medyo nagluwag sila… Salamat, ha, sa pagdaan dito at sa pag-iiwan ng message. Touched me much, kapatid, haha. ^^

      Salamat sa dasal at ikaw rin, patuloy kang magsulat at mag-spread ng joy saan ka man ando’n – may internet connection man o wala. Good luck sa advocacy and religious life mo. Ingat ka.πŸ™‚

  12. bakit nga ba ngayon lang ako napadpad dini? hohoho

    natanong ko na rin sa aking sarili bakit ko pinakawalan yung mga chance before. pero wala akong makapang pagsisi kung pagbabasehan ay yung mga taong nagpahiwatig. kung sila ay tila mga dahong nalagas sa puno ng aking pag-asa na magkaroon ng bagong pag-ibig. naniniwala akong sadyang mga mahihina lang silang um-absorb ng lights and water at di nila kaya ang mag-photosynthesis. hohoho! Kung may nalalagas, may namumukadkad.

    rock on all single ladies!

    • aba, ewan ko sa ‘yo, Hoshi girl. ^^ busy you much? hihi…πŸ˜‰

      ahaha, iyan naman. ang magsabi sa makulay at mapaglarawang salita ng pangungusap na – “It’s their loss, not mine.” ang astig lang, that’s the spirit, hohoho.πŸ˜‰ sabagay, bata ka pa naman so, marami pang darating at marami ka pang mapagpipilian, ‘ika nga, ahaha. ^_^

      in my case, mas matanda na akong di hamak, kayabangang matindi if i say the same, haha. i really can’t say for sure that none of them deserved my love and affection, hindi siguro. iba lang yata talaga ang priorities ko noon and in many ways, may pagka-dense ako, ahaha. ^^

      but yeah – rock on, single ladies! why not?πŸ˜‰

  13. musta na, saliw?
    ikaw na ang single pero umaapaw naman sa love posts yung blog mo…. may napost ka din dati yung definition ng love… san mo ba hinuhugot yang mga yan? ang husay mo talaga…

  14. eto, mabuti, salamat. ikaw, kumusta rin?πŸ™‚

    ahaha, wala pa namang sampong posts – tingnan mo sa kategoryang Pag Ikaw ang Nasok. oo nga, e, parang ‘yong character lang ni Jack Nicholson sa As Good as It Gets – walang lovelife pero romance novel writer, hihi. ^^

    sa ano, sa telenovelas pag nakakasilip ako ng kapi-kapiraso, sa books at sa movies, marami. saka sa posts ng ka-blogs – naku, ang daming puma-pag-ibig, ahaha.πŸ˜‰ salamat sa pagdaan, LL.

  15. Pingback: Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw | sasaliwngawit

  16. ahaha, mahilig ka ba sa hopeless cases, my dear? shaks, kailan ano… kailan uli pipintig ang buhay, kailan uli bibilis ang pulso? yaaaakkk, dyok!πŸ˜‰ ahaha, di natin alam…πŸ˜‰ regards sa ‘yow. ^_^

  17. Pingback: sa mga panahong naiinip ang puso… | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s