Sana ay masaya at maganda ka pa rin…

 

Hagkan at yakapin kaIyan ang matagal ko nang gustong gawin sakaling magkikita pa tayo. Alam ko rin namang parang hindi na, pero kahit paano – malay mo?…πŸ™‚

 

cartoon image of a mother and child in embrace

Araw araw ka naming naalala, sana ikaw ay masaya. / pinoyculture.flyingcart.com

Tandang-tanda kong ayaw mo ng amoy ng lupa kapag bagong ulan, lalung-lalo na ang unang patak ng ulan sa Mayo.

Gustung-gusto mo namang pang-ulam ang seafoods, lalo na ang malalaking alimango at alimasag. Pati na rin ang hipon… Sosyal talaga ang panlasa mo, ba’t gano’n?πŸ˜‰

Ayaw mo ng amoy ng chlorox, zonrox at iba pang matatapang na detergents. Naiinis ka kapag nakakaamoy noon ng mahigit sa limang minuto. Pinapaalis mo ang cleaning guy sa kwarto sa mga pagkakataong ikaw ang hindi pwedeng lumabas …

Gusto mo lagi ang poncan at siyempre, mas masaya ka kapag may nag-uwi sa iyo ng grapes. Feeling mo, ubas ang marapat na pasalubong. Pag ‘yon, grateful ka at nakangiti – naalaala ka kamo…πŸ™‚

Ayaw mo ng nauusukan kapag nakasakay sa dyip. Tingin mo, parang inaapi ka pag ibinabyahe ng sa dyip lang at hindi taxi. Pero ang alam ko, pag mag-isa ka naman, sumasakay ka rin ng dyip. Ba’t gano’n?πŸ˜‰

Mahilig ka sa Fita crackers. Ahaha, alam ko ‘yon. Ilang lata kaya ng Fita crackers ang nabili ko sa ‘yo noon? Naalala ko lang, ngumunguya ka ng Fita pag nanonood ng palabas sa telebisyon…

Ayaw mo ng nagsasakay sa sunud-sunod na escalators. Parang tanda ko, hanggang dalawang magkasunod, okey pa sa ‘yo. Sa pangatlo, naaasar ka na, naghahanap ka na ng hagdan, hihi. Dalawang taon siguro pagkaalis mo, pinaganda nila ang mga hagdan dito sa mall na malapit. Sayang, di mo naabutan.

Mas gusto mo ang mamili tayo sa tyangge o kaya sa fairs. Mas at home ka sa mga ganoon. Gusto mo ba ang pakiramdam pag sa ground level lang namimili? Pero, tanda ko, ayaw mo sa palengke ng Divisoria at Quiapo, nararamihan ka kamo sa mga tao. Gusto mo, ‘yong steady lang ang stream ng mga tao…

Ayaw mo ng pinapatay ang TV na binuksan mo. Kahit wala ka roon sa lugar at nasa kabilang kwarto, halimbawa, alam mo pag may gumalaw ng TV mo, ahaha. Ikaw na ang marami ang pares ng mata at matalas ang pandinig…

Gusto mo ang Chiz Curls lagi. Ewan ko, para sa ‘yo, iyon ang masarap na tsitserya. Hindi ka ba uncomfortable na dumidikit ‘yon sa kamay at nagkukulay-dilaw ang bibig matapos kumain? Ahaha. Basta, Chiz Curls…πŸ˜‰

Ayaw mo ng may nagkukwento ng marami at mahaba habang nanonood ng TV. Para sa iyo, pag nanonood, nanonood lang. Saka na ang kwento. Sabagay…

Gusto mo laging naka-sleeveless at naka-palda ng mahaba o pencil cut. E, di ikaw na ang pa-girl. Ikaw lang naman ang laging may korte ang katawan. Oo, may karapatan ka, shaks na ‘yan…πŸ˜‰

Ayaw mo ng nagpupuyat. Para sa iyo, gabi na ang alas-diyes at dapat ay tulog na lahat ng mga tao sa ganoong oras. Di ka naniniwalang iba ang body rhythm ng mga tao sa Kamaynilaan…

Gusto mo ‘yong binibilhan ka madalas ng mga bagong damit at sapatos. Okey lang naman sa amin ‘yon. Ang hindi ko masyadong makuha, ba’t madalas mo ring ipamigay ang mga iyon sa iba, pag nakatalikod na ang nagbigay, ahaha.πŸ™‚

Ayaw mo ng ang mga tao ay lumalabas ng bahay nang di nag-aagahan man lang. Sabi mo lagi, importante ang almusal. Saka mas mabuti ang may laman ang tiyan para kung saan man makarating o abutin. Ikaw na ang segurista palagi…πŸ˜‰

Gusto mo kami laging lagyan ng pagkain sa bag, maski noong malalaki na kami, as in… Hindi ka ba naniniwalang marami naman sa mga lugar ay may canteen na? Di nga… Tawa kami ng tawa pag naaalala namin ang mga surprise skyflakes o kaya nilagang itlog sa aming bag, haha.πŸ˜‰

Ayaw mo ng maraming salitaan at maraming argumento. Alam mo bang hindi lahat ng tao, simbilis mong gumawa ng pasya? Na hindi lahat, kayang panindigan agad ang mga dapat gawin? Na okey lang naman ang minsang magtalo at di-agad magkasundo? Feeling mo, disobedient kami pag nagpapalitan na. Ahaha, ang ginagawa namin pag minsan, nagtatalo pa rin kami, di lang namin ipinaparinig sa ‘yo…πŸ˜‰

Gusto mo, samahan ka pag nanonood ng TV. Hindi ko alam kung naka-quota kami rito, ahaha. Ba’t naman kasi, English pating mga palabas ang mahilig mong panoorin noon, shaks na ‘yan! Ah, basta, nabuo ko ang Betty La Fea rerun dahil sa ‘yo. Β O, ha?πŸ˜‰ Sorry, wala akong napanood maski isa sa telenovelas ni Thalia, maski Marimar. Hindi pa talaga ako nagnonood ng TV noon. ^^ Ah, ayon pa, nakanood ako ng ilang episodes ng Pangako sa ‘Yo (kahit ang ewan ng pag-arte ni Kristine Hermosa, napabilib naman ako kay Eula Valdez), haha.πŸ˜‰ Ba’t nga kaya ang hilig mo sa TV, feeling ko, parang fireplace ang dating sa ‘yo noon…

Ayaw mo ng may bukas na ilaw pag tutulog na. Kailangan, lights off na talaga. Para sa iyo, pag pahinga na, pahinga na. Wala nang pero-pero…πŸ™‚

Gusto mo si John Lloyd. Ikaw na ang mahilig sa clear-skinned, pretty boys. Sa ‘yo sya, hihi, wala kang makakaagaw, pramis. Saka, kilala mo lahat ng cast ng Tabing-Ilog, tama ba naman ‘yon? Β Ikaw na ang updated sa showbiz…πŸ˜‰

Ayaw mo ng maraming drama. Sus, ay kay drama kaya ng buhay ng pamilya natin? Pero ayon nga, ayaw mo nang gawing mas dramatic pa, ‘ika nga. Actually, may point ka ro’n, di nga… Pero, madrama ka pa rin sa mga drowing at pagsusulat mo, haha. Ikaw na ang malikhain, wala akong masabi…πŸ™‚

Gusto mo pag binibigyan ka ng bulaklak. Feeling mo, special ka pag gano’n. Special ka naman nga. Oo, Inay, hindi kita binobola. Hindi lang ako ang nagsasabi, as in…πŸ˜‰

 

image of a birthday cake for a mother

Gusto mo pag ipinaghahanda ang iyong kaarawan/ pinoyexchange.com

 

Marami pang iba. Pero, ang mga ito na lang muna. Gusto ko lang sabihin, naalaala ka namin, Inay – birthday mo kamakalawa. Maligayang kaarawan sa iyo. Sana ay masaya at maganda ka pa rin, saan ka man naroroon. Hugs na marami at Happy Mother’s Day! Lab, lab, lab…πŸ™‚

 

59 thoughts on “Sana ay masaya at maganda ka pa rin…

  1. What a beautiful post in memory of the most special woman in your life! This was written in a humorous way, yet there were tears in my eyes. This was truly beautiful, San. I’m sure she’s proud of you!

    • Why, thank you, Nadia. Hay, my mother would probably love to meet you had she been still around. Gusto nya ‘yong mga gaya mong warm tapos desidido sa buhay, ahaha. ^^

      Before she passed away, may nabasa syang isinulat ko, sa laptop (not one of my best, am afraid). Tungkol ‘yon sa tag-ulan and how I miss the pipino planted in our yard and how I could look forward to tag-lansones in September. She appreciated it, for some reason.

      Nag-usap kami that if she’d get her health back, we’d write together. Sya mostly ang magsusulat and I would edit the works, haha (di ba nga kasi, galit sya sa punctuations?) Ayon, her ailments got the better of her… ^^ Wala pang personal blogging noon. Pero feeling ko, kung naabutan sya noon, she would have enjoyed it. Blast sya kung magsulat.πŸ˜‰

      Thanks, sister, for your kind words and for the visit, finally. Glad you can steal some time to sneak peek. Ang inniiitttt din dito!πŸ˜‰

  2. Natuwa naman ako, ang sweet talaga ng mga ina ano, yung mother nature ko din lagi na lang may surprise sa nilalagay sa bag.. Minsan naalala ko, gutom na gutom na ako habang pauwi ako, pagkapa ko, may Magic Flakes coated sa bag ko. Favorite na Favorite ko yun. Sobrang touched ako halos maiyak ako hahaha.

    Happy Mother’s day sa iyong ina! At sa iyo?πŸ˜€ At sa akin sa hinaharap? haha!

    Maganda pa rin sya, sigurado!πŸ™‚

  3. Ahaha, ganyan talaga ang kananayan, di nagsasawa sa kanilang thankless job and underappreciated role, as in… ^^ Baka magkamag-anak ang mga nanay natin, tingin mo?πŸ˜‰

    At na-touch ang isang ale, as in… ^^ Aliw na aliw ako pag tinatawag mong mother nature si Mommy mo, ahaha. Ang kulet!!!

    Ipapaabot ko sa kanya, hamo…Ay, nakow, malabo ang prospect na ‘yan, ‘Ineng. Sa ‘yo na lang ako tataya, parang llamado, ahihi. Peace!πŸ™‚

    Ay, oo. Maarte yon saka vain (Peace, Inay!πŸ™‚ ). Salamat for swinging by and for your uplifting comment, Merry. Happy Mother’s Day din sa Mother Nature mo. Hugs, mwah!πŸ˜‰

  4. ayun oh… masaya naman ang pagkakasulat ngunit bakit ako nalulungkot? Siguro ay pareho lang tayo ng gusto mangyari at gawin.. gusto ko rin yakapin ang aking ina kapag ako’y nalulungkot at masaya.. gusto ko sya laging yakap kasi sya ang lakas ko.. siguro nag tataka ka bakit wala akong alay sa aking ina ngayon buwan ng mga ina.. mayo mayo.. kaarawan din ng aking ina.. hays ate.. kapangalan mo si mama haha….

    yan .. ayaw ko na mag emote… pareho pala kami ng taste ng madir mo.. gusto si papa JohnlloydπŸ™‚

    nakikiraan , nakikiemo, at naglalambing

    na miss kita totoo yan..

    pasensya….

    mwah!!!!!!!!!!!!!

    • Ah, manghuhula ako kung bakit – kasi nami-miss mo si Nanay mo, gusto mo syang akapin at maramdaman ang pagmamahal nyang walang kapares at walang tanung-tanong. Ahaha.πŸ˜‰

      Wala kang post siguro kasi hindi mo pa tapos ipunin ang mga nararamdaman mo tungkol kay Madir. Gusto mo maganda at coherent ang isusulat mo tungkol sa kanya? ^^ At sa ngayon ay ambivalent pa rin ang iyong pakiramdam, shaks na ‘yan… Hula lang.

      Ako rin, no’ng first three years pagkawala ni Inay, hindi ko alam ang pakiramdam ko. Usually, maaga akong umuuwi hoping na pagdating ko, makikita ko syang nakaupo sa may dining area, ahaha. Tapos, yayakapin ko sya. Ang adik lang, di ba? ^^

      Ahihi, usap kayo ni Inay tungkol kay John Lloydie at sa Tabing-ilog.πŸ˜‰

      You’re always welcome dito, kapatid. Na-miss rin kita, mwah!πŸ™‚ Teka, di ko makita ‘yong bago mong kape sa grocery. Ilang beses na akong naghanap. Haha… um-agenda? ^^

      • ate ko ang lalim.. ambivalent ahahays mwah! meron nako dati nasulat tungkol sa kanya.. eh nasabi ko na yata lahat doon.. o kung hindi pa baka nga sa mga susunod na araw kapag inspirado nako magsulat haha…

        Iyong kape? kopiccion kopiko… sya pero mayron nanaman ako bagong natikman nyahahah yung creamy latte ng nescafe walangjo… hilig tumikim ng kape eh.. ahaha mwah!

      • ahaha, sorry naman, hugs! isang hapon, pag di gaanong busy ang iyong kapaligiran at di ka masyadong ngarag sa mga kautusan at requests nila, upuan mo ang ‘yong naisulat at i-edit, kapatid. pwede namang series, kung di kasya sa isang post lang. ayon…πŸ™‚

        hala, hahanapin ko ang mga ‘yan, as in… usapan baga ire ng mga adik sa kape. tingin mo, kung babawasan natin ang kakape, mag-i-improve ang ating lablayp? ahaha, dyok lang. warm regards sa ‘yo, mwah, mwah!πŸ˜‰

      • haha.. ay gay-on ga… hindi naman ako nag iinom ng kapeng barako… yun di ko pa natitikman.. sa tingin mo ba bawasan ko na talaga ate ko? nyahaha eh kasi naman kape nalang ang nagpapasaya saken nyahaha.. aagadin ko na iwasan ng mag ka lablayp naman haha mwah!

    • ahaha! at ikaw, boy kanto pogi, hindi personalized ang post mo para kay Madir mo, pambihira…πŸ˜‰ talaga! sila lang ang gano’n ka-unconditional magmahal sa mga indifferent at minsa’y abusado pang mga anak, haha. salamat pows!πŸ™‚ sana ay masaya rin si Mommy mo noong Mother’s Day…πŸ™‚

  5. nadagukan naman ako sa sinulat mo. parang si inay pala nanay mo. natuttuwa talaga ako sa mga sinusulat mo, nahihiya din ako minsan sa grammar ko parang sms lang kasi ako magsulat walang pakiaalam at ikaw bilib ako. Saludo ako sayo kahit natamaan ako❀

    • Hello, Ms. Sjanima, salamat ho sa pagdaan uli…πŸ™‚

      talaga ho? may pagka-character din ang inyong ina? ahaha. talaga naman ang mga nanay, as in… ewan ko, pero ang mga nanay noon, parang sure sa sarili nila. alam nila ang mga gusto nila at hindi, haha.

      hala, okey lang ho sa akin ang magbasa ng mala-sms na write-ups. am surrounded by people na ganyang magsulat at mag-text, hihi. nakasanayan ko na rin, di naman grammar ang lahat-lahat.πŸ˜‰ salamat po ng marami sa pag-appreciate and regards to your daughters! belated happy mother’s day, too – to you and to your mother…πŸ™‚

      • hello again. talagang character ang Inay ko. Dami kong natutunan sa kanya at me pagka aristokrata pa kasi naman 75% na Kastila ang Lolo ko namana siguro yun. Mahilig sya sa maganda at pag gwapo at gwapa approved sa kanya, ayaw nya malahian kami ng hindi maganda. Mapili din sa food at pati sa dress, shoes and bag and of course she expects only the best in everything. Pero super magmahal sa mga anak, we are not rich and she did everything, nagsasanla lupa, working also to send us to college pumupunta pa sya Manila to bring our allowance. Sosyalera din talo pa ako until I learned to dress properly and of course laging alaga sa food anak. She said hindi sya magaalaga ng apo pero yung anak ko and the tall one sa picture in my post parehong apo na inalagaan nya ayaw nya kasi hayaan na maid magpagpapalaki sa anak ko. Di ba dami kong utang sa kanya?

        Salamat ha kasi talagang what you wrote resonates with me. Marami akong naging realization, ha ha ha

      • Hello po uli. Ahaha, magkahawig nga ho ang mga nanay natin. May kaya rin ho ang family nina Inay pero napakasal sya sa tatay naming rich peasant ang lahi pero impoverished na, ahaha. Pero nadala pa ng Inay namin ang pagiging preppy nya at pagiging poised (na di nya naipamana sa amin, shaks lang). Maporma ho sya lagi maski wala na kami halos makain and as you say, she wants only the best, haha.

        Ayaw rin daw ho nyang mag-alaga ng mga apo pero ‘yong mga nauna kong pamangkin, maka-Lola lahat, magsusumbong sa Lola pero sa magulang, hindi, haha. Ipinaglaban nya rin hong makatuntong sa kolehiyo lahat ng mga anak nya maski hindi iyon ang kalakaran sa lugar namin. Highly individualistic syang tao pero ma-sakripisyo pagdating sa mga anak. Ayon…

        Ahaha, talagang naalaala at na-miss nyo ang inyong Ina. Am thinking, nauunawaan naman nya siguro kayo… Mothers are wise and understanding beyond beliefs, I’d say. You’re welcome ho and I appreciate what you shared. Cheers!πŸ™‚

  6. Ayoko rin ng amoy alimuom. Hay! Happy super belated HAPPY BIRTHDAY sa iyong ina! Sosyal ng grapes! Ayaw ng banana? Mas mura yon kaya yun lang ang laging nabibili ko para sa lola ko. Hahaha! Parehas sila ng lola ko, gustung-gusto din niya ng mga damit at sapatos, halos hindi na nga maisuot lahat sa dami. Nakakatuwa kung ako man ay masurpresa ng nilagang itlog sa bag. Hahaha!

    The best talaga ang mga nanay!

    • Ahaha… Talaga? Ako, gusto ko ang amoy ng lupa sa mga unang patak ng ulan, as in…πŸ˜‰ Oo, grapes ang ini-expect nyang pasalubong noong magsilakihan na kami maski ang pasalubong naman nya sa ‘min noong maliliit pa kami ay Mang Kepweng at kropeck, haha. Mahilig sya sa japorms, kainaman… Winner ang mga nilagang itlog sa bag, say?πŸ˜‰

      Sinabi mo pa! ^_^ Belated Happy Mother’s Day din kay Mommy mo at sa Lola mo!πŸ™‚

  7. Ang saya naman magkaroon ng mother na gaya niya. Yung nanay ko di nanonood ng tv, walang interes sa showbiz, walang celeb crush, nagagalit pag kumakain kami ng chichirya.😦 Sana ay masaya at maganda pa rin siya. Happy bday sa kanya.πŸ™‚

    • Masaya nga. Not a dull moment with her. Hindi sya masalita pero alam mo pag di nya gusto ang ginawa o sinabi mo, haha. Hala, your mother must be special in different ways – all mothers are, I say.πŸ™‚ Salamat sa iyong bati, makakarating…πŸ˜‰

  8. honga, ito pala una kong pagkakaligaw dito. parang technically pangalawa na, technically. wahaha, technically ba?

    maraming salamat pala sa laging pagdaan sa crib. hindi na kasi ako kasing-aktibo gaya ng dati. ngayon medyo nakakareply na sa mga comments sa sarili kong site. at nakakapag-bloghop na ulet kahit pakonti-konti lang. phone lang kasi gamit ko, walang pc o laptop, poor eh.

    nga pala, kaw nagtanon dati kung nakabasa na ako ng james joyce, philip roth at talcott parsons. kinalikol ko ang google at nakita ko naman sila pero mukhang wala namang sinabi ang bayag ko sa mga gawa nila, anlalaking tao mga yun pero hindi ko kilala, hahaha. bakit mo pala natanong na ganun?

    • ahaha, basta natuwa ako that you did… fan ako ng writings mo. among the guys who rant and write angsty stuffs, ikaw at may isa pa akong paborito. naaliw ako ng malamang principal pala si Meh mo? ahaha.πŸ˜‰

      hay naku, poor din me, as in. naranasan ko na ring magkapera and to afford the latest gadgets and all, pero poor ako sa ngayon, hehe. but i do think you should write more often, di nga, kapatid. ^^

      james joyce and philip roth, maangas magsulat ang dalawang ‘yon. saka, they formulated their own lingos pa, sa kanilang mga sinulat, ang original lang ng mga lintik, haha. ilan din lang naman sa mga sinulat nila ang nabasa ko – hirap intindihin, e, haha. Joyce is more the literary type while Roth is the pop reading type, sa pagkaalam ko… May hawig ang writings and angas mo sa kanilang mga sulatin (kill me now!). O, di ba? ^^

      si talcott parsons, iba. literary figure sya sa field ng social science. he expounded on the theory of anomie (hebigats to, haha) or the individual’s dislocation in a society, displacement and alienation ba? he discoursed further on emile durkheim’s work. the latter laid down the theory explaining suicides in societies.

      tungkol sa societies crumbling down, individuals losing grips and anarchy in societies ang writings ni Durkheim, kapatid. Parsons, for his part, discoursed on family, kinship and social structure. medyo mahirap unawain ang works nya – pang-may utak, hihi. ayon… ^^

      pasensya naman kung naitanong ko. the allusion to them is a compliment, by the way… ^^ salamat sa pagdaan uli. have a good weekend ahead and cheers!πŸ™‚

  9. at sorry po pala kasi akala ko nung una ay lalake ka, ate, hehe. ^^ inassume ko yun nang magcomment ka sa isang post ko na may patungkol sa being blinded by hate and not seeing the love.

    maraming salamat sa mga matatamis na salita. i appreciate the appreciation.

    oo yun ang una kong naisip. pero halo-halong kung anu-ano lang kasi sinusulat ko. i never even knew it was satire i was doing until a friend told me, hahaha.

    mabuhay ka po! =p

    • no problem. i’ll take that as a compliment , tunog lalaki raw or sexless ang mga babaeng mahuhusay magsulat (ako na ang mayabang, hihi). ahaha, sabi lang naman. ^^

      you’re welcome. trying hard din lang ako sa pagsusulat ng blogs pero pagdating sa pagbabasa, medyo seasoned na ako ro’n, tsos. ibig kong sabihin, i can spot good readsπŸ˜‰

      satire ngang masaya ang mga sulatin mo – may sense at may feelings. oh, hwag kang tatalon, ha. ^^ curious ako sa background mo, magba-backread ako to find out. ang alam ko pa lang, guro ang nanay mo. btw, gusto ko yong style mong parang collage ng scenes and feelings ang ‘yong compositions. ayun, ha… ^^

      mabuhay ka rin. cheers!πŸ˜‰

  10. hahaha minsan ang mga nanay hindi nila alam na praning din sila ;))

    natatandaan ko hindi mahilig manood ng TV si Nanay, mahilig sya sa Radio, sa music mga ganun hehe naririnig ko sa kanya na pawang mga kasinungalingan ang lahat ng napapanood nya sa TV at hindi nya market yon hahaha ang adik lng tlga at namana ko yon di ako mahilig manood ng TV lalo na yong mga local na palabas ganun din naiisip ko feeling ko walang totoo sa kanila hahaha peace naman!

    • ahaha, oo, tama ka ryan – praning din, as in…πŸ˜‰

      ah, hindi si Nanay mo mahilig sa TV? eh, para kasing independent-minded masyado si nanay mo. parang I can imagine that, na ayaw nyang ini-spoon feed, haha. e, ewan ko, ang Nanay namin, sorely independent din naman pero yun nga, kakampi’t kasama nya lagi ang TV. i don’t think naman that she believed or subscribed to most of the ideas na napapanood nya. hilig nya lang yata…;)

      ahaha, no problem. hindi rin ako masyadong giliw sa mga palabas sa TV… ^^ thanks for dropping by, anne.πŸ™‚

    • Thanks! Yes, it’s a happy birthday and a happy mother’s day message rolled into one. ^^ Btw, our mother passed away already, several years back – the big C…πŸ™‚ I feel a bit better about it na. Hey, thanks for liking the post. Cheers!πŸ™‚

  11. touch naman ako dito sobraπŸ™‚ sigurado akong nakangiti ang nanay mo ngayon at sana mabasa niya itong likha mo…

    • hey, salamat.πŸ™‚ sana nga, nangiti sya. medyo mahirap pangitiin ang nanay namin, may pagka-artista ‘yon, eh. pero siguro naman, natuwa sya rito… ^^

      salamat sa pagkagawi banda rito, ha. have a good day, shuniegirl…πŸ™‚

  12. Pingback: Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s