Kanya-kanyang Kaadikan

 

Hello, mga kapatid!πŸ™‚

 

Ang init pa rin, ano? Pero, tatlo o apat na beses na yatang nakaulan ngayong May. Iyong ulang tipong alangan kung papatak o hindi, ‘yong ulang bago bumuhos ay iinit muna ng kai-kainaman at iyong ulang pagkatapos ay sobrang mainit pa rin, haha.πŸ˜‰ Pero, at least, umuulan na. Kaysa sa naman noong April, para lang tayong piniprito, basta nasa lugar na walang air-con, hihi…

 

Image of the supermoon on May 06, 2012

Kakaiba ang liwanag at laki ng buwan noong ika-6 ng Mayo, 2012

Teka nga pala, napansin nyo ang buwan noong isang gabi, nitong nagdaang weekend? Kamakalawa at saka kagabi, parang kakaiba ang full moon, ano? Masyadong expressive ang buwan, ang laki-laki at talagang ini-illuminate nito ang bawat matabihang gusali o puno. Parang ang ganda-gandang i-shoot. Sana, maraming cinematographers ang nag-video at kumuha ng larawan nito. Iyon ang itsura ng buwang magandang maipakita sa mga sine, hindi nga…^^

 

Anyway, dahil nalungkot yata ang marami sa inyo sa huli kong post, poste-postehan muna tayo ngayon, ha? Magaan lang muna para swertehin tayo lahat sa pagpasok ng Mayo. Think positive para naman tumama tayo kahit three-digits lang sa lotto, ahaha. Saka, ano, month na ni Mama Mary, alayan na ng bulaklak sa probinsya. Naku, masaya ‘yon. Iyon ang isa sa inaabangan kong season noong maliit pa ako. Peyborit ko ‘yong mga hapong namamaybay kami ng bakuran ng may bakuran para mamitas ng mga bulaklak na iaalay sa gabi, sa Flores de Mayo. So, positive tayo para katuwaan tayo ni Mama Mary.πŸ˜‰

 

Kung kaya, ang paksa natin ngayon ay mga prutas pag summer. Hindi kasali ang sampalok, ha? Alam ko, marami sa inyo ay tulad ko ring maraming kakilalang mga adik sa sampalok. Iyong tipong may mga sampalok na nakatago sa drawer ng desk, yong tipong kahit maraming dapat ginagawa ay magpapaalam papunta sa canteen para isingit ang pagbili ng minatamis na sampalok (na medyo maasim naman) at ‘yong tipong mga kasamahang ihinihinto ang mga trabaho’t gagawin para magkumpulan at magkainan ng sampalok. Ang aadik lang, di ba? Oo, gano’n sila… Hindi sila ang topic natin ngayon, mga kapatid. Isa pa, sa pagkaalam ko, hindi summer ang panahong mabunga ang mga sampalok, ibang buwan. Ayon…

 

image of mangoes sold in a Philippine market in the South

Pag tag-araw, tag-mangga rin/ blog.travelpod.com

Kaya, doon tayo sa topic na mangga. Siyempre, maraming mangga pag summer. Pagpasok natin sa supermarket, bulaga! May bunton ng mga hinog na manggang nakapatas ng pagkaganda-ganda, sa may bungad pa lang. Naghe-hello na agad sa atin. Tapos, may mga berdeng mangga rin, para sa mga may gustong sa supermarket pa bibili ng hilaw na mangga, maski mas mahal. Pag sa palengke naman, mas lalo na, ang dami roon – bawat sulok yata, may tindang mangga. Maski nagtitinda ng isda, may mangga sa tabi, kainaman. Mas lalo na ‘yong mga nagtitinda ng damit at tela, may tinda ring mangga, ahaha. Tapos, siyempre, yong fruit stands, yong mga stalls o pwestong mga prutas talaga ang itinitinda. Kerami-raming manggang naka-display doon pag ganitong season. Minsan, mas marami pa sa mga saging, as in… At isa pa, paglabas natin ng palengke, sus, sunud-sunod ang mga karitong puro mangga ang laman. Lalo na ‘yong Indian mangoes? Naku, bumabaha niyan pag ganitong panahon…

 

image of ripe, sweet mango

Kasama ito madalas sa piknik pag tag-araw/ angela-akademika.blogspot.com

Siyempre, pag summer, uso ang piknik at salu-salo sa mga Pinoy. Hindi naman halos nawawala ang mangga pag ganoon. May mga manggang hinog agad na nakalagay sa basket, panghimagas pagkakain ng adobo, inihaw na tilapia at pansit, ahaha. Tapos, magvi-videoke. Kantahan na, magkasakitan na ang magkakasakitan, hihi. Iyong iba, dive agad, swimming na walang patumangga, walang pakialam kung mangitim o ano. Tapos, maya-maya, medyo magugutom na uli ang mga tao, maghahalungkat na ng tsitserya at kakanin. Tapos, naturalmente, may nagdala rin ng dyaran! hilaw na mangga! Ayon ang babalatan ng sunud-sunod at siyempre pa, papalibutan ng lahat. Damputan na. Kawawa ang tagapagbalat, hindi makakain…

 

So, ayon, doon na tayo sa pangunahing paksa natin. Ano ba talaga ang magandang sawsawan ng mangga?Β Saan dapat i-terno ang manggang hilaw para ma-achieve ang pinaka-to-die-for moment sa pagkain nito?Β Alam ko,Β may kanya-kanyang kaadikanΒ ang mga Pinoy pagdating dyan. Kanya-kanyang panlasa, kanya-kanyang hilig at kanya-kanyang ka-weirduhan, hindi nga… Sa iisang pamilya, may at least tatlong sawsawan ng manggang kailangang ihanda, pramis. Pwedeng magkasundo sa ibang bagay pero sa sawsawan, hindi. Isa-isahin natin, pili kayo kung alin ang trip nyo, haha —

 

1. Asin lang.

2. Asin at toyo.

3. Asin, toyo at siling labuyo.

4. Asukal na brown.

5. Asin at asukal na brown.

6. Patis at kalamansi (parang sa sinigang lang, haha)

7. Asukal at kalamansi (oo, pramis, merong ganito ang trip)

8. Iodized, refined salt lang (hindi naabutan ang rock salt)

9. Bagoong na isda, hilaw.

10. Bagoong na isdang hilaw at may sili.

11. Bagoong na alamang, hilaw.

12. Bagoong na alamang, ginisang maraming sili.

13. Bagoong na nakabote lang, mabibili sa supermarket.

 

image of sliced mango and shrimp paste

Karaniwang sa bagoong na alamang isinawsaw ang hilaw na mangga/ energychef.blogspot.com

 

Alam ko, hindi kumpleto ang listahang ito. Marami pang ibang kombinasyon. Marami pang mga taong kakaiba ang panlasa pagdating sa sawsawan ng mangga. Tanging ang nanay, BFF o asawa lang nila ang makakaintindi no’n, haha. Ang isa sa medyo naa-artehan ako ay iyong mga ayaw kumain ng mangga kapag hindi ang Nanay o Ate nila ang nag-prepare ng sawsawan… Spoiled, gano’n?πŸ˜‰ Aba, e, kung gusto nyong ma-miss out ang pagkain at pakikipag-agawan ng mangga pag summer, e, di, gowww! Iba kaya ang lasa ng manggang pinag-aagawan kaysa sa doon sa manggang ino-order nyo pag kakain kayo sa restaurant? Iba, try nyo, as in…πŸ˜‰

 

Image of singkamas bunches

Babalatan, hihiwain at palalamigin, bago lagyan ng asin at pigaan ng kalamansi/ article.wn.com

Anyway, ang kwentong summer ko sa inyo, meron akong bagong nadiskubreng masarap. Siguro, ang iba sa inyo, alam na ito. Pero sa ‘kin, bago lang. Alam nyo ‘yong binalatan at sliced na singkamas na pinalamig ng bahagya bago i-serve? O, di ba, ang sarap no’n pag ganitong tag-init? Lalo pa kung iyong singkamas ay hindi sobrang sariwa kundi medyo magulang na, naku! Ayon, mas masarap pala ‘yon kung ang sawsawan ay hindi asin lang. Ano? Asin at kalamansi, yes! Bale, bubudburan ng konting asin saka pipigaan ng kalamansi. Subukan nyo, the best ‘yon, pramis…Β Happy eating on the month of May!πŸ˜‰

40 thoughts on “Kanya-kanyang Kaadikan

  1. Nkakapaglaway naman ang mga mangga mo. Hmmm. Gusto ko yung indian mango na ibababad ko sa tubig na may asin. Ilang oras bago ko kainin. O kaya eh ang sawsawan eh suka na may asin ( asin at kalamansi naman pala sa’yo hehhe). Masarap din yun sawsawan ng bayabas o kamias.. Hmmm sarap! =) ( after mo kumain maputla na labi mo)
    Yung singkamas na itatanim na malalaki tapos may tubo na, sarap bunutin uli sa lupa, itakbo saka ilagay sa ref, saka kakainin sawsawan eh alamang na matamis na maanghang… Ang sampalok ng batangas, yung walang buto, the best yun…

    Pasensya na di ko mapigilan.. Natatakam lang..
    Medyo napadaan lang =))…

    • Ala, pickled na Indian Mango pala ang hilig mo. Ako naman, ang gusto ko nyan, manibalang na babalatan at kakainin agad, sawsaw sa asin – sarap! Ah, oo, may mga kapamilya rin nga akong asin at suka ang paboritong sawsawan – maasim na, aasiman pa, ang aadik lang.πŸ˜‰

      Korek ka ro’n sa maputla na ang labi pagkakain, ahaha. At oo, masarap na sawsawan ang bagoong alamang na medyo maanghang. Tara, uwi tayo sa probinsya at maka-akyat sa puno ng mga prutas, dali!

      Balik ka, ipagpi-pickle kita ng santol, ahehe… Hello, crazy frog!πŸ™‚

      • Ay naku santol!
        Naggagata ba kayo ng santol.. Sarap ‘yon. Tinapa, sardinas, giniling na baboy ( bahala ka na kung ano gusto mo ihalo) ang halo tapos maanghang. Katalo na sa kanin ‘yon!

        Nakakamiss na tuloy.. =((πŸ˜‰

      • Ahaha, may puno kami ng santol, matamis ang bunga. Sige, gagawin ko ‘yang menu na sabi mo. Btw, wala bang nabibiling tropical fruits dyaan sa kinaroroonan mo?πŸ™‚

      • Ang santol dapat kudkurin ( parang niyog)
        Budburan mo ng asin habang kinukudkod ng di mangitim( nawa’y may pangkayod kayo ng niyog ^_^)
        Hugasab at pigain mo( parang naglalaba lang hehe) para di maasim at maalat…
        Tapos gatain mo na. Tapos tawagin mo na ako pagluto na … Hehehe

        Meron naman dito tulad ng mangga( yung parang apple mango, yung di natin kinakain dyan, masyado matamis), saging, pinya( matabang at medyo dry, ang mahal pa hehe), pakwan, melon( masarap yung green, honeydew hihi), atis ( ang lalaki), balimbing( ang mahal din),avocado ( prutas ba yun? Meron dito)… Meron palang dried mango dito from Guimaras, ginto naman ang presyo pag-iko-convert sa peso…

        Yalla! Good day at baka dito na ako magsulat ng blog sa teritoryo mo.. Kahiya namanπŸ˜‰

      • Ahaha, gumawa ako nyang ginataang santol dati, medyo nangitim nga ang bark ng santol, whahaha. matrabaho ring gawin, pero ‘yun nga, ang sarap!

        Hala, mamahal? Pero, at least, meron, hihi. Ay, na-enjoy kong maigi ang mga isin-hare mo, kapatid. matutuwa rin siguro ang ibang makakabasa. Aliw pag gumawa ka ng blog dito… Have a pleasant week!πŸ™‚

      • hala nagkalutuan na dito, kung kelangan nyo ng palayok at uling, pahiramin ko kayo. pwede rin naman kalan o pati microwave oven na rin. hihihi.. napatikim lang sa inyong mga lutuin. ako’y muling magbabalik, dala ang pinakamainit at pinakabagong lutuin.

  2. eto ang post na talagang nakakapaglaway, hehehe pero bago yan, hello muna, saliw…

    namiss ko tuloy ang mga prutas sa probinsya.. yung mga tipong sa puno talaga kukunin at di sa palengke o mall. tapos, ang paborito naming sawsawan ay toyo at asukal,, ibang kaadikan lang, hehehe..

    • Hello, lipadlaya…

      Salamat sa iyong pagbabalik, kapatid. Napalaway ka ba? E, di nga ba at maraming prutas sa probinsya pag summer at ang mga bata at kabataan ay panay ang akyatan sa puno? Tapos, magkukumpulan na sa may terrace para magkainan? Tapos, meron laging isang pinsan na expert sa pag-akyat-akyat? Hihihi… Tropang asukal at toyo ka pala.πŸ˜‰

  3. sinisipon n nga ako sa sobrang init ..haha

    ang ganda nga daw nung supermoon nung isang araw . sayang di ko nakita… hehhe

    kulang pa yung sa sawsawan. patis at asukal… haha ako lang ata gumagawa nun?

    cheersπŸ™‚

    • oo, sobrang init kahapon, ‘no?

      ay, sayang, maganda talaga. we happened to be in tagaytay that night tapos nasa outdoor, pagtingin ko sa itaas, wtf, ang ganda, kakaiba!πŸ˜‰ ayon…

      ahaha, ikaw pa lang ang narinig kong patis at asukal ang gustong sawsawan… pero, nai-imagine kong masarap ‘yan kasi, parang ganyan ang sawsawan ng pork ribs sa Pancake House – patis, asukal tapos may manggang hinog? sarap. cheers!πŸ™‚

      • ala pa, makabili ngang indian mangoes at magawa yang sawsawang ‘yan… ahaha, nai-imagine kong mapapa-emote ka pag nakita mo ‘yon – ang laki at ang liwanag. o, e, asan ka ba no’n, indoor? indoor you much?πŸ˜‰

  4. bigla naman ako natakam sa mangga. at tama ba yung nakita ko 10pesos per kilo!! wahhhh… hehe..

    actually madaming puno ng mangga dito sa SG.. hitik na hitik din sa bunga. kaso bawal pitasin. oh well pwede naman pero patago. hehe.. more on ornamental trees ang turing nila sa mga puno ng mangga kaya usually nakahilera un sa harapan ng flats..

    speaking of mangga, miss s, last week ala una na kami ng madaling araw umuwi ni manong after manood ng avengers. pagbaba namin ng taxi sabi nya mauna na daw ako sa taas kasi maghaharvest daw muna sya sa manggahan namin. hehe.. inangkin na ba. ayun pagbalik nya may isang dosena syang manibalang na mga mangga. kinabukasan ginisa ko ung bagoong alamang na nilagyan ng sili. heaven na heaven, grabe.. hehe..

    da best pa din ang mangga sa tin..πŸ™‚

    • ahaha, sa dipolog market yong nasa pic. 70 pesos per kilo ang kinalabaw at 20 pesos per kilo naman ang Indian mangoes, kapatid…

      hala pa, ornamentals ang mangga? ang ewan naman nila, haha.

      ayon naman pala, competent si manong pagdating sa putting to good use ng naka-display na puno, e. ahaha, ang husay nya, galing-galing kamo. e, di nakapag-mangga kayo, libre pa, hihi. huwag kayong pahuhuli, mahal daw ang fine.πŸ˜‰

      ah, siyempre, the best ang mangga dito sa ‘tin. bumili nga ako kanina. natakam rin ako dahil sa comments ng mga tao, ahaha. shaks na ‘yan… kumusta kayo dyan?πŸ™‚

  5. nuon unang panahon… pag nagkita kita ang barkada. pupunta sa aplaya
    habang nag babaybay sa pilapil ng bukirin na hitik sa tanim na singkamas…
    maghahabulan kami at kunwari madadapa pero bubunot lang ng singkamas… mga adik!

    pag malapit na sa aplya, panahon kasi indyan mango. syempre harvets din kami sa manga
    ng may manga! kesa naman malaglag lang sa lupa di naman nila kakainin!

    tapos bitbit na namin ilang bote gin… syempre adik eh!
    mag umpukan sa aplaya sa pinag babasagan ng alon.

    ano pa kailangan? patis! wala! ano ginagawa ng tubig dagat? daig pa patis harharhar!
    yan ang buhay naming mga adik nuonπŸ˜›

    pero nuon yon! ang mga bata ngayon iba na kina aadikan! as in MGA ADIK!!

    • hala, Haribon, ang sarap naman ng pagpapaka-adik nyo noon, as in…talaga, ginagawa nyong patis ang tubig-dagat?πŸ™‚ di ko pa nasusubukan ‘yon…

      ah, iba na nga ang kinaadikan ng mga kabataan ngayon – digital gadgets and online games. yong adik sa droga (kung tama ang kuha ko) meron na rin noon dati pa, hindi lang siguro singlala o sindami ng sa ngayon. tingin ko lang… ^^ hello sa ‘yow!πŸ˜‰

  6. Ahhh pareho ng kay Dok PT ang naramdaman ko…ummmm sarapppp ng manggang Pinoy. Pinakamasarap na mangga nga raw ang galing sa atin. May mangga rin dito pero galing Mexico at tunay na walang sinabi…mahal pa. Inuulam ko sa kanin ang matamis na mangga…lalo na kapag summer…madalas yan lang ang baon ko sa piknik sa ilog noon.

    Hinintay ko rin ang malaking buwan na iyan…ahhh malaki nga daw ng 8%.

    Mainit na rin dito….nasasabi na rin namin na….ang inittttt naman….hehe.

    • Ahaha, pasensya naman, lolo. Tag-mangga kasi, paanong gagawin?πŸ˜‰

      The best ang mangga natin, alaws sinabi ang Mexican mango maski ‘yan ang mas kilala sa Northern Hemisphere… Btw, sa bandang Florida raw ho, maraming nagku-culture ng mangga varieties natin dito, subukan nyo ho…

      Ah, ang ganda ho at ang dramatic ng buwan noon. 8% bigger lang ho? aba, larger than life ang itsura nito noon. istariray ang buwan, pramis…πŸ˜‰

      Hay, salamat, di lang kami ang naiinitan, hihi…. Regards sa inyo!πŸ™‚

  7. Ehem. Ayun o, na-ispesyal mensyon si Singkamas. Masubukan ngang lagyan siya (yung gulay, hindi si Singkamas mismo) ng asin at pigaan ng kalamansi. Di pa na-try ni Singkamas yun e. Happy weekend, Ate S, mula kay Singkamas!πŸ™‚

    • Naman… special mention, siyempre.πŸ˜‰ Interesting kaya ang singkamas? O, di ba nga, masarap ang singkamas sa lumpia? Tapos, fresh and cold singkamas, pag kinagat ay crispy and succulent – may kalamansi.

      Parang mabait naman ang singkamas na kakilala ko, never ko naisip ang scenario na asinan sya at lagyan ng kalamansi, ahaha. ang kulit ng nakaisip nyan, susmio… ^^

      Sana’y di ka pa tunaw sa init, kapatid. Tumingin ako sa salamin kanina at napgtanto kong di lang ako nangitim (ng higit sa dati), parang naaagnas na rin yata ako, hehe… Cheerio!πŸ™‚

  8. hahaha…gusto ko din yung burong mangga. Nung nagtuturo pa ako, gumawa kami non tapos kapag pala nilagyan mo sya ng konting asukal maglalasang beer hahaha…after ilang days tinikman namin, nung una ayaw nila pero maya-maya nasaubos din.

    • Oo, masarap, nagpe-ferment. Nanay namin dati ang mahilig gumawa nyan – pickled na mangga. Twice kong sinubukang gumawa, not half as good, hwehehe. πŸ˜‰

      Salamat sa pagbalik at sa comment. Regards!πŸ™‚

  9. pwede pa bang magkoment? dami na kasi at medyo naglalaway din ako. tanong ko lang? yung mga dayuhan ba o taga ibang bansa naglalaway din sa hilaw na mangga. Hindi ko pa kasi naitanong at iba naman siguro panlasa nila, Ako, asin at paminta (black pepper) ang dala ko mixed na yun kasama kutsilyo aakyat sa puno ng mangga at doon kakain sa itaas habang nakaupo parang nakasabit sa sanga.

    What a life talaga, na hindi naranasan ng mga anak ko, eww sabi nila. ha ha ha. nice one Ms. Saliw

    • Ahaha, pwedeng-pwede ho. Parang mas tayong Pinoys lang ang ganoon ka-adik sa manggang hilaw. Sa manggang hinog, Asians and Latin Americans, parehong mahihilig rin. Pero sa green mangoes, mas shake ang alam nilang preparation. Tayo lang yata ang parang part na ng diet and ubringing natin ang manggang naaakyat sa puno at nabibilli sa kariton, sa palengke, sa highways at sa mga kainan and restos.

      Ewan ko lang ho sa Thailand and Malaysia, baka they often eat manggang hilaw din (may tanim din sila). Pero napansin ko ho sa Hongkong and Singapore, mas sikat at binibili ang green mangoes para gawing shake (masarap din ‘yon, ahaha)πŸ˜‰

      Hala, asin at paminta – ibang sawsawan naman ‘yon. ^^ Masubukan nga. Hala pa, di ko ho nasubukang magdala ng kutsilyo sa itaas ng puno. Wow, you were too adventurous to do that, haha. Naku, ang mga bata rin ho sa family namin, maski manggang green ang alam ay sa sm binibili, haha. Thank you for reading and for commenting – much appreciated.πŸ™‚πŸ™‚

  10. Hala masubukan nga yang singkamas na may asin at kalamansi. Ayos to ah. Nakakagutom. Dati inaakyat lang namin ung indian mango sa tapat ng bahay namin hahaha nakakamiss kumain ng ganon, dito kasi sa ibang bansa wala e. meron man, matabang. Gusto ko palang sawsawan e yung bagoong na nasa kalsada haha o kaya suka + toyo minsan may asukal din. Nomnom! Pero pwede na asin lang pag tinatamad hahahaha!

    • Oo, subukan mo – masarap! Hala pa, nami-miss ang mangga at bagoong. Maghanap ka ryan, meron dyan, medyo mahal nga lang daw. Sa Florida raw maraming iba’t ibang mangga, pati yong varieties na kinu-cultivate natin dito. Sila ang nag-eexport nito sa Northern Am parts. Hayon… Maggala ka sa markets, pag di ka gaanong busy, kapatid.

      Salamat sa pagdalaw and well-wishes sa ‘yow!πŸ™‚

  11. Pingback: Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw | sasaliwngawit

  12. Pingback: Mga tinig sa panulat | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s