Sa mga siwang at pagitan

cartoon image of a sad person

Naalala mo rin kaya ako kung minsan?/ kiiwi.deviantart.com

 

 

Sa mga siwang at pagitan

Ng diwa mong tampalasan

Hwag sanang pagsarhan

Bigyan, kahit munting puwang.

Huwag sanang magdamot

Buhay mong walang lukot

Abala ma’t nagmamadali

Tapunan ng ‘sang sandali.

Alaala ko sa yo’y dadampi

Walang tumpik o pasubali

Mga tingin ko, sa iyo’y babati

Anupa’t ika’y tatapiking muli.

Iniisip ko kung ika’y maiiling

Kung di man mawari

Mangingiti Β mandin

Dagli, iyong aalalahanin.

image of pollens carried away by the wind

May mga pagsuyong tinatangay ng hangin/ johncbuchanan.blogspot.com

 

 

Makuha mo kayang bumuntong-hininga?

Manghinayang sa bagay na lipas na

Sabihing sana’y naging mabait ang tadhana

Sana’y andyan ako at kapiling mo pa.

Sa mga siwang at pagitan

Ng puso mong bulaan

Pilit iwinawaksi

Pagsuyong sinayang.

54 thoughts on “Sa mga siwang at pagitan

    • ahihi, salamat sa sympathetic at poetic na comment, myr. ^^para namang personal sentiment ko ang nasa post, hindi ah… tsika lang ‘yan, naaliw lang ako sa word na pagitan. kumusta na u?πŸ™‚

  1. i like the sketch.. ahihih..

    ganito naman ang aking katanungan.
    kailan kaya ako mapapansin ng aking ginigiliw?? tawiwit.. ahahahah..

    kalongkot naman yan SSA..
    nakakarelate aku ee.. ahihihπŸ™‚

      • ahaha, shift gear si dok? ^^ ang background ng post: sympathy piece ‘to do’n sa gf no’ng singer na si jason mraz. he proposed to her tapos di nya pinakasalan. nagsabi pang ba’t sya mag-i-expect ng married life? last sunday, we watched the spurned gf’s video (wawa sya, di pa sya over…) and it turned out, maganda ang girl for such a j___, ahaha.^^ ayon…

        at any rate, methinks most of us have been there, one way or the other. ‘yong meron pa sa ‘yo pero wala na sa kabila. sob story, hehe.πŸ™‚

  2. Alam mo, ang sarap-sarap magbasa ng mga ganito. Mga tulang Filipino na may damdamin, may puso. Ang sarap humiga lang at basahin nang paulit-ulit. Patuloy ka lang sanang lumikha nang lumikha. Maraming salamat sa mga ganitong lathalain.

    • salamat ng marami. nakakatuwa at naibigan mo… dati bihi-bihira akong makabuo ng tula pero no’ng nag-blog ako’t nakakabasa ng mga damdamin, saya at hinagpis ng ibang bloggers, nakagawa na ako ng mas madalas, ahaha. baka may gestation period din, feeling ko lang. ^^ salamat uli.πŸ™‚

  3. Ahihi.. May sadness at regret ang tula ng Ale. Natural na din siguro sa tao ung mg isip ng ganito. Mga what ifs, mga Sana nanghinayang din sya, Sana mas mabait ang tadhana. Ika nga.. been there, done that nman ang sa kin. May konting bahid ng pagsisisi pero thankful pa din nman on how things worked out for a better today for me. Lahat may dahilan at kng hihimay
    himayin natin to, nandun lhat ng sagot.

    Nagsesenti ang Ale ah. Hope you’re doing well:)

    • hello, mrs gbp! ahaha. actually, intervening post pa rin ‘to do’n sa post discussing a part of manila uli… eh, alam mo naman ang daya ko, pag walang mailagay agad, fall back lagi ang lablab topic para pakinabangan ang mga nabasa’t napanood, hehe… ^^

      gaya ng sabi ko sa taas, di ko recent experience ang nag-trigger ng post. ayos lang me by way of lab – wala, ahaha… but yes, sis, pag babalikan mo ang lab episodes that didn’t quite work out, ang conclusion lagi, it’s all for the better or for the best na di nagtuloy, na hanggang do’n na lang. that somebody better will hopefully come along and that you’d be in better shape when he does, ‘ika nga…

      ayos lang me, teynks. maraming kailangang asikasuhin but di naman malungkot, ahaha. sanay nang walang lablab, hihi… hellow and regards sa inyo ni manong!πŸ™‚

  4. gustong-gusto ko ang tula.

    nakarelate? ewan.. hahaha! ako na sumagot sa tanong ko. . lahat naman sigoro ng tao darating sa point na ganito. muni-muni sa mga nangyayare. Nakakabuti din sa tao ang balikan ang mga nangyayare minsan yon pa ang dahilan bakit ka nakangiti.

    • ahaha, salamat, enya.πŸ™‚

      yes, it does happen – muni-muni, senti-senti, paawa sa sarili tapos, tatawanan lang. hmph ang ending, ahaha. i guess, normal lang naman na malagay sa sitwasyong hindi ikaw ang nagdadala, hindi ikaw ang nagde-determine ng conclusion. but the thing is, you survive. we survive at may happy face pa sa dulo, ahihi… ^^ thanks sa dalaw. best regards!πŸ™‚

    • hello, haribon,

      ah, marami-rami na kasi matagal nang walang bagong post, kainaman… ^^ hala, kapirasong tula laang, pampasaya sa ka-blogs at sa mga naliligaw sa site. salamat sa laging pagdalaw, ha. have a good week!πŸ™‚

  5. Nice. Naka-relate ako. Haha! May background story pa pala. May kinalaman kaya yan sa bagong kanta ni Jason Mraz? Hehe. Sayang! Ang ganda pa naman ni Tristan Prettyman (pangalan pa lang, di pa ba obvious?). Patanaw naman ako ng vid na tinutukoy mo. Hehe. Parang patas na ata sila ngayon. Dati, si Jason Mraz ang wasak. Reference yung kanta na Please Don’t Tell Her. Ngayon ko lang nalaman na split na sila. Halatang di ako updated. Haha! Lumayo na ako sa tula mo. Haha.

    • hello, allen,

      natuwa naman ako sa masigla mong comment. ahaha, pareho kayo ng sibling ko, mraz’s fans, hihi… gusto nya ngang mag-comment dito sa post para itama raw ang falsehood na ikinakalat ko about jazon m., aba naman. ^^

      oo, pretty nga si Tristan, maganda para kay Jason, hihi… naririnig at nababasa ko sya dati pero last week ko lang mismo nakita. check mo na lang ang video sa dot com nya. iyon ‘yong vid ng new single nyang may gan’to sa lyrics, “you say you love me but you can’t right now.” ahaha, ang senti, di ba? ayon, nag-cold feet daw si mraz after mag-propose… πŸ™‚

  6. Napadpad ako sa tumblr account ni TP. May post siya about sa statement ni JM sa isang LGBT magazine. Dun ko naramdaman yun “bogoom”. Haha! At least, nabasa ko yung stance ng both sides. Haha! “How about communication?”, sabi nga ni TP. Tama nga naman. Sa halos lahat na problema sa pag-ibig, miscommunication lagi ang dahilan. Hahaha! Teka lang, check ko nga muna yung song na tinutukoy mo. Hehe

  7. ahaha, mahabang kwento ‘yaan. last year pa sila nag-split. si girl, di pa over. si guy na nag-cold feet, out of his element. recently, he was interviewed in that lgbt magazine where he said that the girl should know that he isn’t marrying until same-sex marriage is enacted unto a law. ayon, that raised a lot of reactions…

    as in, ano’ng connect? unless he intends to marry a guy from his band, hehe. ^^ that is, he isn’t furthering the cause of lgbt by not marrying. some logic he got there, sabi ng ibang fans. ahaha, basta, ako, naka-identify ako ro’n sa sentiment ni girl… kumusta?πŸ™‚

  8. Pingback: Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw | sasaliwngawit

  9. Pingback: Anu-ano pa ang mga kwento? | sasaliwngawit

  10. kung minsan,
    sa katiting na siwang at pagitan
    maaring matuklasan,
    ang hanap na mga kasagutan,

    β€˜di lamang alam!
    kung magbibigay saya!
    o di kaya ay lumbay sa aba!
    maige pa rin ang sumilay,
    sa katiting na siwang at mga pag-itan.

    • hala, Cup, may tula ka pala rito, akalain mo yon?πŸ˜‰ ahaha, ngayon ko lang na-realize, naghi-hint pala ang title nito – parang tungkol sa pamboboso? hihihi. anyway, di gano’n ang intensyon, when i wrote this. ginaya ko lang title nito sa post ng isang ka-blog, nagdi-discuss sya ng spaces in between and distances that separate, yon…

      talaga, maaring nasa kapirasong siwang ang pagkakataon? hmn… tapos, pwedeng saya o lungkot ang idulot? siyanga, sabagay…πŸ™‚ sa akin, mas yon sadya ang ibig sabihin ng tula – does it ever occur to you to think of me, even just a little? hahaha. kaway kaway…πŸ˜‰

      • naku gusto ko ang pagkahabi ng tulang/tugmang inialay ko sayo dine, mas malalim pa sa literal na kahulugan ang nais nyan. parang alamin ang katotohanan kahit anong mangyari at kahit anong magiging epekto.

      • hello, Cup… ahaha, wala akong naintindihan, parang masyadong vague yata, hehe. ano yaong tula kamong alay mo… talaga naman, nagpupuyos yaang damdamin mo diyan, kainaman na…πŸ™‚ have a good week, kapatid.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s