Lagi mo rin ba akong mamahalin?

image of two hands entwined

Ang magkahiwalay ay pinagdurugtong ng iisang damdamin/herryantiherman. wordpress.com

Singilan na ba? Ba’t ganyan ang tanong ko? Ahaha, pampasaya lang ng linggo, mga kapatid. Maaga lang akong nagising at lapis agad ang nahagilap…  So, let’s state it once again – Lagi mo rin ba akong mamahalin? Ayan, walang kurap, ha?

Naaasar ka ba, nayayamot  o napapangiti? Pambihira. Minsan lang ‘to, pagbigyan mo na, sige na… Malay mo, andito ang ikauunlad ng bayan, haha. Andito ang susi sa pag-asenso, hihi. Ang kulit lang…

 

Hayaan mong hawakan ko ang iyong kamay, let’s review the basics. Una, ang pag-ibig daw, hanapin mo man o hindi, dumarating. Parang bills lang, o kaya, sakuna, haha.  Ikalawa, you or I have little say on the matter. Susunod lang tayo, parang sleepwalking sa panaginip, shaks na ‘yan! Ikatlo – at ito ang malupit –  ang pagmamahal daw, once naumpisahan mo na, tuluy-tuloy, mahirap pigilan o ampatin. Ang saklap lang, di ba? Hindi na nga inaasahan, hindi pa ma-kontrol at wala pang preno. Sino nga bang naka-imbento nitong pag-i-pag-ibig na ito, aber? Wala bang return policy? Hello, hindi ba panahon na ng consumer rights? ^^

So, ano pa ba? Ano’ng mga nakalimutan natin? Ah, ayon… ‘Yong isa pang importanteng provision – walang guarantee.  Mas mabuti pa ang appliances, meron. Pag maagang masira, alinman sa papalitan ng manufacturer ang parts o bibigyan mismo ng bagong unit ang bumili. E, sa usapang pag-ibig, walang gano’n, kaasar lang… In fine prints ba ang pagkakasulat ng provisiong ito? Kung oo, isa-suggest ko, gawing bold, di nga… Mahalagang malaman ito ng bawat consumer. Napapanahon, sa totoo lang.

 

Ang mga iba pang sabi – Love moves in mysterious ways, kainaman. Gusto sana natin, kung pwede lang, yong de-susi na sana. O, kaya, may program para medyo predictable naman ang outcome, as in… Ang kaso, itong si pag-ibig, parating may mga galaw na tanging siya at siya lamang ang nakakaalam, sus. Hindi man lang sinasabi sa mga taong siya mismong sangkot. Kung minsan, akala mo, lipas na ang sakit, pero hindi.  Andoon pa rin, may kirot pa rin. Kung minsan, akala mo, limot mo na pero hinding-hindi pala. Huwag lang di may dumaang hangin, naaalala mo agad uli, patatawarin. At madalas, akala mo, wala na talaga, pero ando’n. Ando’n as in, present na present. Gano’n ka-misteryoso, parati tayong di nakakasiguro. Lagi ring may surprises, may magandang pangyayari bigla kung kailan akala mo, time for moving on na. Ayon…

Love is a many-splendored thing, sabi. Sa experience natin, tugma naman, di ba? Una, may splendor nga. May kakaibang pakiramdam na dala ang malamang may nagmamahal sa ‘yo at mahal mo rin ang taong ‘yon, ayiii… Parang gamot na pampa-high, nagiging intense at may kulay ang mundo, susmaryosep. Ikalawa, maraming pagkakataong nagpapakita ang splendor na ‘yon, for some reason. Katagalan, nadadagdagan pa, sa tinamaan ng makulit na ‘yan. Nararanasan natin ito sa pinakapayak na ngiti, sa pinakakapirasong sandali at sa pinaka-imposibleng sitwasyon, as in… Nababalutan tayo ng splendor pag in love o tayo ang nagbabalot sa sarili natin nito? Ah, basta!

image of a river where water flows vigorously

Tulad ng isang ilog, hinahanap ng pag-ibig ang puwang para sa kanya/ illusionlens.blogspot.com

Ang huli, love always finds a way. A way to what? Follow-up question. A way to where? Ire-reinforce natin ng konti. Ahaha, ang premise yata nito, ang umiibig ay tila naliligaw. Sabagay, parang ganyan nga, hihi… Anyway, hindi mo alam? Seriously? Alam mo ‘yon – Love always finds a way to its love. It constantly finds ways to be loved back. Ahaha, ‘yan naman. To be loved in return, ‘yan daw lagi ang object ng love.  Iyon ‘yon. Di ba sabi nga sa kanta, Like a river flows, surely to the sea…  Ayon, di raw mapipigilan, pupunta sa natural na dapat puntahan. Kaya makulit ‘yang pag-ibig na ‘yan. At papansin. At dyahe, haha… Mahirap itago, nahahalata…

 

So, ayon. Pwede na ba tayong bumalik sa tanong ko sa iyo kanina? Lagi mo rin ba akong mamahalin? Di nga… Ba’t ko tinatanong? Ba’t hindi? Ayaw mong malaman? O, hindi naman, ayaw mo lang malaman ng iba? Sabagay, mas magandang top secret natin.

 

Pero gan’to… Sa akin, alam ko na. Tumama man ako o hindi sa lotto, mamuti man ang buhok ko o makalbo, magpagupit ka man o kumulubot ang balat, magkasunog man o baha, lumindol man o bumagyo – mahal kita.  Iyon na ‘yon.

 

Lagi mo ba akong mamahalin? Sa aking palagay, oo. Sa alam mong paraan, oo. Maski hindi mo sabihin, oo. Nararamdaman ko ‘yon at mararamdaman ko lagi. Sa bawat masigla’t masuyo mong pagkausap, sa bawat mong pananahimik at maski sa bawat mong pag-iwas, alam kong andoon ang iyong pagmamahal, pagkabighani at paggalang. Sa bawat ngiti, sa bawat bati at sa bawat kabig, alam kong ang aking pagtatangi ay may kapalit  sa ‘yong loob. Sa bawat tawanan, tampuhan at sa bawat pakiramdaman, alam kong ang damdamin ay nasusuklian. Sa marami at iba’t ibang paraan, hindi ko man kayang ispelingin o hindi mo man ihayag ng malakas. At iingatan, igagalang at mamahalin ko ‘yon lagi. Andoon ang kasiguruhang lagi mo akong mamahalin.

Lagi mo rin ba akong mamahalin? Oo, naman. Maski hindi mo pa bigkasin. Oo, naman. Ramdam ko sa iyong pagmamalasakit at lambing. Oo, naman. Sapagkat batid mo at batid ko – lagi kitang mamahalin.

 

image of a river in Palawan with water running deeply

Pagtagal, tumitining din ang ragasang tubig ng ilog/ http://www.flickr.com/photos/adcristal/3855595702/ copyright 2009 by ashley d. cristal

 

* O, mga kapatid, huwag masyadong seryosohin, ha. Inihahanda ko pa lang ang post na gusto talagang ilagay dito. Maymai ito – may mailagay lang…^^ Kumusta kayo?🙂🙂

 

11 thoughts on “Lagi mo rin ba akong mamahalin?

  1. gusto ko yung “maymai”. magandang ipangalan sa isang karakter. nakakatuwang post, dahil d’yan babatuhin kita ng sabi ni barthes: “i-love-you has no usages.” ahaha.

  2. hello, ayer,

    ahaha, nagustuhan mo? sige, aantayin ko ang maymai sa compositions mo, hihi…

    batuhin ba? ahaha,depende siguro… kung napakarami ng sinasabihan mo no’n, mawawalan nga ng saysay. sa piling tao lang, sus…^^ maski maya’t maya, hahaha. 🙂

    • hello, myr,

      salamat at nalibang kita, haha. ang ideya for this, galing doon sa “will you still love me tomorrow?”, haha, shaks na ‘yan! ^^

      Shaan ang theme nitong site. salamat uli sa dalaw at sa pag-appreciate. regards!🙂

  3. Sino bang hindi magmamahal sa isang magsasabi nang…”Tumama man ako o hindi sa lotto, mamuti man ang buhok ko o makalbo, magpagupit ka man o kumulubot ang balat, magkasunog man o baha, lumindol man o bumagyo – mahal kita…”

    Tunay na siguradong sasagot nang…”Oo palagi kitang mamahalin.”

    Para sa akin ang love ay…

    “Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails.”

    At muli…”Oo palagi kitang mamahalin.” Ayyy ang sarap sambitin at pakinggan. Miss ko na ang mga salitang ito.

    *pwedeng seryosohin…haha…Musta rin!

    Paborito ko rin yung nabanggit mo na kanta…yun ba yung kay Carole King?

    • ahaha! wishful na composition ‘yan, lolo. wala yata akong nari-recall na nagsabi ng ganyan sa ‘kin, kainaman. ang na-experience ko lang, merong mga umiyak sa harap ko, shaks na yan.. pero walang ganyan ka-romantic ang sinabi, naman… ^^

      ah, mataas ho ‘yang definition ng love sa Bible. but yes, i agree with you. walang masama if we aspire sa ganyan kataas o ka-romantic na pagsasabuhay ng pag-ibig. kainaman.

      nakow, marami ho sigurong love prospects strolling dyan sa SF Bay area, talasan nyo ang inyong pakiramdam, ahaha. peace! ^^

      yon hong can’t help falling in love? kay elvis presley ho ata ang original. marami nang nag-cover nito after him. based ho ito sa isang French song, sa pagkaalam ko… regards!🙂

  4. lapis pla ginagamit mo pangsulat ako pentel este bolpen ..hehehe..

    Ang pagdescribe ko du nsa nararamdaman mo na akala mong wala na ay parang ipis na hinampas mo ng tsinelas .akala mo patay na yun pla buhay pa pala..wahahaha…

    Love always finds a way to its love <— peyborit ko to :)))

    • hello, bagotilyo,

      whahaha, tanda ko ang post mong ‘yon. actually, halos lahat ng love posts mo, tanda ko. tawa ako ng tawa pag nagbabasa ng narration mo ng ‘yong masasaklap at lesson-filled na karanasan sa pag-ibig, haha. love guru ang tawag ko sa ‘yo, da ba? hihi…^^

      ahaha, salamat. para sa young ones ngang gaya mo ang paragraph na ‘yon. let’s unravel the mysteries, kumbaga, hihi… ‘kala mo naman, alam ko, shaks lang… glad you visited.🙂

  5. Pingback: Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s