Huwag mong isiping ganoon uli

image of tree branches, viewed from the grounds

Ano nga ba ang binabalikan natin sa nakalipas?/ atributeoflove.wordpress.com

Para ito sa mga mahihilig o kaya ay nangangahas na magbalik-tanaw. Para roon sa mga may gustong hulihin sa nakalipas. Iyong mga nagsasabing Β “maski sa alaala man lang.” Maski sa alaala man lang ay makabalik, matahak muli ng minsan ang daan patungo sa kahapon o, sa kailan lang o, kaya, sa kanina. Hindi madali ang tumuntong muli sa landas patungong ibaba kung malaon nang nakarating at nanatili sa ilaya.

 

Paano nga ba ang bumalik? Saan nag-uumpisa? Sa gitna, sa dulung-dulo o sa pinakamalapit – sa kai-kailan lang? Pinipili ba ang mga bahaging babalikan? O, sinasala – iyong mga magagandang detalye lang ang isinasali? Nilalaktawan ba ang mga parteng pangit, masasakit at mapapait? O, buong pusong tumatalon, lumulusong at nagbababad sa mga iyon?

 

May taning ba ang oras? Maaari bang magtagal sa ilang sulok at mamahinga muna roon? Maglimi-limi, maglungkut-lungkutan, manangis? O, mabilisan lang silang tatahakin? Dagli, para lang pagaspas.

Nakakabihag ba ang nakaraan? Mahigpit ba kung ito’y manggapos? O, mayroon doong bitag – naiwasan dati, baka hindi na ngayon? Kaya bang kalagin ang mga lumang tali? Kayang kalasin ang mga dati pang buhol? Kayang tudlain ngayon ang mga hindi nasapol dati?

 

Sa pagbabalik, anu-ano ang doo’y masisilayan? Sinu-sino ang sasalubong? Mayroon pa kaya? Babatiin ba ang nagbabalik ng mga halakhak at yakap? O, hindi na siya kilala ng mga binalikan? O, wala na rin siyang namumukhaan? Kapwa nangangapa na lamang. Nananantya. Naputol na kaya ang mga ugat, humina na ang hawak, humulagpos na ang kapit?

 

image of wild grasses with blooms

Maaring may naglaho at may bagong tubo/ beyondthefieldsweknow.org

Sa paghakbang pabalik, maaring iba ang sa tao’y tatambad. Marami na sigurong nabago. Iba na. Mayroon doong mga namaalam na. May mga hindi na nakuhang magpaalam. May mga tumakas. May mga naiwan, naiwang nakatulala. May mga naghihintay na sila ay balikan. Mayroon doong kumupas, nanghina at may naglaho. Maaari ring may bago nang tumubo, nag-ugat at lumago.

 

Isasalarawan ba natin ang pagbabalik? Ilalagay sa dokumento? Kukunan ng larawan? Isusulat sa talaarawan? O, huwag na? Ituturing na lang nating isang adventurous meandering into the past? Pasasaan ba’t mahahanap din ang daan palabas, ang pintong puno ng liwanag ng ngayon? O, sasabihin ba nating ang pagbabalik ay isang self-congratulatory endeavor, isang pabuya sa sariling malaong nagtiis? Isa ba itong mission, isang pagsubok na kailangang malampasan bago ibigay sa marapat ang gantimpala, bago ideklara, “Oo, ikaw nga ang panalo!“?

 

Maraming dahilan kung bakit ang isang tao ay nangangahas bumalik. Maaring para doon sa nakalipas ay komprontahin ang mga sa kanya’y ayaw magpatulog. Maaring para kilalanin ang mga pangayayaring nagtulak sa kanyang paglisan o paggaod. Maaring para silipin ng minsan pa ang mga bagay at taong kanyang tinakasan sa isang lugar at panahon. Maari din namang para ipagmalaki ang kanyang mga nalampasan at tinawid. Maaari ring para balikan muli nang sa gayo’y buong tapang na masabi, ” Ganoon nga kasakit, ganoon nga kalalim, ngunit binuhay pa ako ng mga karanasang iyon.”

 

Ang pagbabalik ay isang pakikipag-tuos, an accounting of sort, so to speak. Sa kasamaang-palad, hindi lahat ng naisusulat at natutuos ay nangangahulugang nagugol ng maayos. Anupa at hindi lahat ng bumabalanse ay nangangahulugang ang nilalaman ng tala ay sulit o patas. Maaari pa ring may daya.

 

Sa kabutihang-palad, ang pagbabalik ay maaring pagtahak sa parehong landas ngunit hindi eksaktong pagtuntong sa dati at parehong mga hakbang. Karaniwan, napagtatantong iba na ang landscape ng lugar habang iba na rin ang katauhan ng taong nagbabalik.πŸ™‚

 

image of a meadow teeming with grasses

Parehong daan ngunit iba na ang itsura ng paligid/ performancefootprint.co.uk

 

74 thoughts on “Huwag mong isiping ganoon uli

  1. Malalim man o mababaw ang dahilan kung bakit nais bumalik, isa lang yun paraan para masuri ang sarili. At pagkatapos ng masusing pag-uuri, isang kasiguruhan na nabalikan mo ang mga aral na dapat mo baunin mula sa nakaraan.

    Ang ganda ng paskil mo SSA.

    • hello, diwangtanglaw,

      ang saya at sa ‘yo ang unang komento. oo, tama ka, kanya-kanyang dahilan bakit ang mga tao ay nagbabalik sa mga alaala ng kahapon. isa nga siguro’y ang pagsusuri, gayon din ang paghamig ng mga aral. sa tingin ko, isa pa rin ‘yong para maramdaman muli ang mga karanasan.

      pag ongoing pa kasi ang event, hindi tayo sure sa nararamdaman natin. parang huwido lang at rationality ang usual nating nagagamit. yown…salamat at naibigan mo ang katha.πŸ™‚

  2. Ang nakaraan ay nakaraan. Kung balikan man natin ito, nakaraan pa rin. Nagkaiba lang ay hindi na ikaw ang ikaw noong nakaraan, dahil ikaw ay ang new and improved self mo (labo?). Masyado nang nagbago ang kasalukuyang ikaw kung kaya’t kahit anong pilit mong maging kapareho ng nakaraan, may mga variables na nagpapacontrast. Hakhak. Di ko na alam mga tinatayp ko. May pinaghuhugutan ka ata dito.Hakhak. Easy lang. Daanin na lang sa kasalukuyan, ikaw pa rin naman kumokontrol sa sarili mo, may will ka para piliin ang mga gagawin o di dapat gawin.πŸ˜„

    • hello, batopik,

      natuwa ako sa mahaba mong comment, kapatid. lalo pa at may contrasting variables na nalalaman, hakhak. pero tama ka ryan sa new and improved na sabon, este, self pala, ahaha. we are constantly changed and honed by our encounters and experiences, for the better or for the worse, ‘ka nga… ^^

      hala, medyo lumang essay na ‘to. offshoot lang ng isang mas mahabang formal essay that i did, way back. hindi ‘to reflective ng present mode ko, haha. makulit lang ako in the recent days, as in… sakaling magkita tayo in the future, pag-inuman natin yang free will na yan, hakhak… regards sa ‘yow!πŸ™‚

      • Ayos lang ako at nanatiling nakatapak ang mga paa sa lupa… Hindi lang siguro one plus one sa nakaraan kundi marahil times or multiply pa siguro…kase sa dami ng alaala hindi mo dapat mag subtract or magdivide..” well.. Lets aim for a better future..chill langπŸ˜‰

  3. sa tuwing gusto kong balikan ang nakaraan, isa sa way ko ay buklatin ang mga luma kong diary (fyi 1999 ko sinimulan ito). pero sa pangkalahatan hanggat maaari at madalas ayoko na binabalikan ang nakalipas kahit gaano kasaya iyon. Parang ngingiti lang ako pero mawawala rin. Kahit yung mga lumang kanta na paborito ko dati noong bata ako, ni ayaw ko na ring mapakinggan. pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ha!

    siguro kaya ganun, sini-settle ko ang aking sarili sa kasalukuyan at sa hinaharap. Ayoko ng balikan yung alam kong hindi ko na mapanghahawakan. Kung aalahanin ko ang nakalipas iyon ay para makatulong sa ngayon at sa pag-aanalisa.

    example… maaalala ko si crush tas maaalala ko kung paano siya kunwari nagparamdam sa akin tapos ayun sa ngayon wala na siya. hahaha!

    • hello, hoshi,

      salamat sa muling pagbisita…πŸ™‚ may point ka ryan, kapatid. ako man, generally, hindi rin pala-balik, haha. may episodes pa ngang walang lingon-likod, ahaha. pero nitong nag-blog ako, do’n nagkaro’n ng triggers into remembering, kumbaga. marami palang nakasubi at mismong ako’y namangha sa dami pala ng naitago ng kamalayan, haha. ^^

      mahirap mag-dwell sa tapos na. nakakatali lang ang gayon sa atin at nagpapahirap na gumalaw pasulong, tama ka. siguro, marami sa ating meanderings into the past ay mas para kilalanin pa ang sarili, i-recognize what makes us as persons, i think… ^^

      ah, oo. yang lablab na ‘yan madalas na akala’y limot na pero pag nakabasa ka/tayo ng posts ng ibang kahawig ng pinagdaanan, ayon na, bumabalik, ahaha. regards! :):)

  4. gustong gusto ko ang post mong ito..

    ang lalim, makabuluhan..

    natatakot din akong hindi na maalala ang nakalipas. na minsan pala akong nasaktan, na minsan palang ang buhay ay kay gaan.

    gusto kong magmarka sila sa aking memorya at pagkatao.

    kelan lang ay naisipan kong gumawa ng journal… at dahil tamad ako last january pa ang huli kong update doon .. ok lng at least may babalikan na akong sulatin heheheπŸ™‚

  5. salamat at naibigan mo, bagotilyo.πŸ™‚

    ahaha, lalim ba? buti, di ka nahulog o nalunod. ^^ dati pa yan, noong nagsulat ako ng isang mahabang post para sa dating blog (unpublished pa). ukol yon sa gamit ng context in blogging. iyan naman ay parang short and personalized version noon.πŸ™‚

    afraid of forgetting, huh? ^^ don’t forget to remember, yan din ang drama ko sa lumang blog, haha. yes, there were painful times as well as the good times. gano’n nga yata…

    hmmn… ukol sa pagmamarka sa pagkatao…kapatid, ako kamo’y ewan pagdating sa retrieval ng memories, kainis lang. kaya na-o-obliga akong magsulat ng notes, madalas. hirap akong umalala spontaneously, yown…

    may journal, galing! ‘indi ako nag-ganyan, di ko keribels, haha. notes lang, usually – kung dumaan ba ako sa bookstore, nag-mcdo o nag-groc, ahaha. mga kababawan lang.πŸ™‚πŸ™‚

  6. hi SSNA,

    ang ganda ng tema mo, syempre as usualπŸ˜‰

    at gusto ko lang i-share yung halos kakatapos ko lang na life experience ko
    regarding sa pagbabalik sa nakalipas.

    nuong high-school ako, maliit palang si totoy noon hehehe.
    at kagaya ng karaniwan, pag maliit ka palagi kang paboriti ng mga bullies.
    pati ng pag attend ng JS proms di ako umatend kasi feeling aloof ako noon.
    tila baga mayroong hindi magandang ala-ala na gusto kong talikuran sa aking HS life.

    at makalipas ng halos 25 limang taon, ang nakalipas ay nagpumilit na balikan.
    hindi ko man ninais pero tila baga may kakaibang pwersa na nagtulak sa akin
    upang umatend sa HS grand alumni nitong year 2011.

    at iyong pag attend ko na iyon ang naging mitsa upang gumulong ang mga susunod
    na pangyayari na makapag papabago sa akin maging sa aking mga ka batchmates nuong HS.

    tunay nga naman na bilog ang mundo. ang dating paborito ng mga bully nuon
    ay sya pang naging taga pangulo ng batch upang maisakatuparan ang aming 25th silver anniversary reunion. sadyang walang pagsidlan sa kagalakan ang bawat isa sa gabing iyon. at ganap na napag tagumpayan ang adhikan sa pagtutulungan ng bawat kasapi.

    at ngayon ang masasabi ko, ang kapalaran ay kumikilos upang maganap ang nakatakda,
    naisin man natin ito o hindi basta sumunod lang tayo sa agos ng itinakda.

    mahalaga ay mamuhay tayo ng naayon sa layunin na itinalaga sa atin ng sansinukob. to live a “purpose driven life” ika nga.

    … and eveything else will come into its proper places.

    god bless us allπŸ˜‰

    • hello, 100kpinoy, glad to see you here, kainaman! ^^

      salamat. ikaw nga itong may site re: finances. ahaha, balang araw, gusto ko ring magsulat ng ganyan (ambisyosa!) eniwey, dati, masipag akong magbasa ng blogs nina tsupitero and mark so, medyo nakakaligtaan ko lately. :c

      nalungkot ako at naaliw sa kwentong high school mo. shy ka siguro noon, as in… pero, kamo naman nga, medyo nag-turn na ang table, ahaha. at oo, nabasa ko ang mahaba mong account w/ pics ng inyong HS reunion, ikaw na…πŸ™‚

      gusto ko yang lagi mong sinasabing purpose-driven life. am also trying to reach that phase, yong makita ang sarili in the over-all scheme of things, ‘ika nga at kung para saan ka talaga at saan ka best maka-contribute, naks naman.

      salamat sa pagdalaw, sa pagsi-share and you have my best regards, lagi. sana’y maayos ka dyan and the family sa bagu-bago mong setting.πŸ™‚

      • kainaman nga talaga!

        masyado pala hectic mag maintain ng 3 blogs hahahaha
        pero di bale di naman ako nauubusan ng material sources, kasi life’s experiences and aking pinag kukunan… parang ikaw din!

        saan pa ba? ang mga adik nga naman talaga hahahahaπŸ™‚

        yung main blog ko yun ang naglalarawan ng kung ano ako.
        yung isa naman about my passion of farming at yung isa about financial freedom goals naman…

        sana sa aking munting kakayahan ay maimulat ko naman ang mga kagaya kong OFW sa buting idudulot ng investing, na higit na mainam kumpara sa pag si save lamang…
        at kung magkagayon, masasabing nakatulong ako sa pag papaunlad ng kamalayan ng kapwa OFW upang lalong higit na makatulong sa pag papaunlad ng ating bansa…

        i know deep inside that you are also doing it as well,
        the right time will come that you’ll discover your precise calling,
        and by so doing, in giving and sharing by our own small way….
        may kanya kanya tayong gawain na gagampanan patungo sa final outcome,

        for a better and better lifeπŸ˜‰

      • kainaman nga! teka, di ko yata alam yong isa mo pang blog?

        btw, kaya ako, dalawa lang muna. di ko pa nire-revive yong isa, haha, ‘yong mahilig sa pagbabalik sa nakaraan, hakhak. ^^

        oo, maganda nga ang fin education sa OFWs para naman di lang puro sa pagpapagawa ng magarang bahay, tricycle at tindahan ang savings nila from working abroad…^^

        pag may pera na ako, magsusulat din ako ng ganyan, haha. kakahiyang mag-share re: financial educ pag wala mismong pera, ahaha.

        anik-anik lang muna ang isi-share ko hanggang malaman ko ang aking purpose, nyahaha.^^ salamat sa pagbalik para mag-respond. cheers!πŸ™‚

    • that’s good to hear, kiko man… ay, pasensya na, di ako gaanong naka-chat in the last two weeks ata. hamo, next weekend or next, next week, hahantingin kita sa chat, ahaha. kabahan ka na…. handa mo ang wento mo ^^ πŸ™‚

  7. pana-panahon ang pagkakataon.. maibabalik ba ang kahapon..

    “kanlungan”

    yan ang nasa isip ko habang binabasa ko ang write-up mo..πŸ™‚
    yun di kasi ang tugtog kahapon sa mp3 ko.. pauli-ulit..πŸ˜€

    minsan kasi, masayang alalahanin ang nakaraan.
    yun bang pag pumasyal ka sa isang lugar, matatawa ka sa mga nagawa nyo noon. O kaya matatawa ka rin sa mga maliliit na bagay na iniyakan mo.

    May mga nakaraan na naging dahilan kung ano ka ngayon. At totoo rin na ang iniwan mo noon ay hindi na katulad ng dati sa ngayon..
    Parang dati, buo ngipin nya, ngayon bungi na..πŸ˜€
    JOKE.. heheh

    Anyweiz, nice article SSA. baka mapahaba pa komento ko.. waheheh
    GodblessπŸ™‚

    • hello, mhey, salamat at nakadalaw ka na rin. glad to see you.πŸ™‚

      ah, oo, the best ang awit na iyon ni noel cabangon. akma nga. ilagay ko kaya sa post? ahaha… ^^ kung sakali, sa ‘yo galing ang ideya, ha. at salamat, in advance…

      ah, oo naman. masayang magbalik sa nakaraan. na medyo mahapdi rin, haha. actually, ‘yong site ko dati, dedicated dyan sa pagbabalik na ‘yan. medyo challenge magsulat do’n kasi trek back talaga… anyway, suspended si dating site, yown. :c

      oo, di na tulad ng dati ang nababalikan natin. pero bahagi siguro ‘yon ng kung ano tayo ngayon. basta, huwag lang magbabad doon at magpatali (shaks, sa sarili ko ba ‘to sinasabi? haha). ay, shaks ka, mhey, tinamaan ako sa ipin na hindi na buo, hehe…^^

      salamat sa pagbisita, sa pag-appreciate at sa komento. regards and cheers!πŸ™‚

    • hello, alphredite,

      salamat at napadaan ka. pero di ko balak na palungkutin kita sa unang dalaw mo, kainaman. ^^ hah, for the moment, di ko muna masyadong binibisita ‘yong mga magpapalungkot sa ‘kin, oo. gaya halimbawa ng mga kaibigan kong nasa abroad, di ko muna sila pinag-iisip, haha. saka na… ^^

      may mga masasayang posts dito, sakaling maligaw ka uli… try mo yong Babatiin Ko ng Ngiti at saka Patuloy Kitang Mamahalin. medyo upbeat ang mga ‘yon. yown.

      salamat din sa ‘yo at cheer up ka na!πŸ™‚πŸ™‚

    • lols! that makes sense, pinoy transplant. i mean, that makes one helluva sense. gusto ko ring gawin yan.^^ di ko pa lang alam kung may k na ako, ahaha! ^^

      salamat sa pagdaan and glad to see you around.πŸ™‚πŸ™‚

    • hala, iyang kahapong iyan, puno ng hardship, kainaman. sana nga, there’s a way to live life na pabalik, ano? what say? ^^ pero, parang may movies na ‘atang gano’n, di rin masaya, ahaha! cheers, haribon!πŸ™‚ glad to see your gravatar around. ^^

  8. Masarap bumalik sa nakaraan, kahit may halong pait at hapdi. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko’y dahil parte rin ito ng kung ano ang nakaraan. Hindi mabubuo ang nakaraang iyon kung wala ang mga madidilim na bahagi, gusto ko man o hindi.

    Masarap bumalik sa nakaraan, masarap isipin ang mga pagkakamali, maaaring may matutunan. Maaari ring wala kang matutunan, gusto mo lang balikan.

    Hindi ko alam kung bakit ako gustung-gusto kong bumabalik sa nakaraan kahit pinangako ko sa sarili kong, “I have to live in the here and now…” Maaaring dahil may gusto akong baguhin. Masarap iyon isipin, na may kapangyarihan kang mabago ang mga naganap na.

    Masarap bumalik. Lalo sa masasayang alaala.πŸ™‚

    • hello, akda,

      at talagang may madidilim na bahagi ang iyong nakaraan? hala, that’s interesting, kainaman.

      parang ang bata mo pa, marami ka nang pagkakamali, naman? ^^ devil’s advocate lang, kapatid, may natutunan nga ba tayo pag bumabalik? o, masarap lang talagang mag-review at sabihin sa sarili, nakow! you could have done better… ^^

      gusto ko rin yang living in the here and now na ‘yan, ahaha. ^^ teka, paano nga ba idinudugtong yang nakaraan and the here and now?

      yes, masarap isiping may kapangyarihan kang mabago ang mga naganap na. parang magic? gusto ko rin ‘yong may collection ng magagandang alaala… btw, musta ka?πŸ™‚

    • hello, crazyfrog,

      salamat sa pagdaan at sa comment. pasensya ka na, ngayon ko lang uli nakita ito, ngayon ko lang masasagot. ^^

      yesyesyo, nakakawindang nga madalas ‘no?^^ pero pag sa alaala binalikan, parang comedy na lang, hihi. parang “shaks, gano’n lang pala ‘yon?” probably, because we know better, niri-recall na lang natin. thanks uli for dropping by.πŸ™‚

  9. Madalas di natin sinasadyang balikan ang nkaraan, parang may munting space sa alaala natin na kelan man di mabubura. Minsan ntatawa k n lng, minsan naiinis ka. But whatever it was, it was worth the thought. Kasi kng hindi, i don’t think pag aaksayahan mo pa tong ientertain ulit sa isip mo…

    Sobrang namisssssss ko ang blog mo, Sis! Have a great Friday!:)

    • hello uli sa ‘yo…

      you can say that again, sis. they have a way of coming back, as in. minsan, matatanong mo na lang, shaks, ba’t naalaala ko ‘yon? ahaha.

      ako, medyo expert ako dati dyan sa paglimot-limot na ‘yan. until now, siguro. pero dahil nag-blog ako, na-realize kong marami pala akong limot na ng conscious part pero ando’n pa sa drive ng subconscious. ahaha, naparami ata ang kinalimutan, shaks lang…^^

      na-miss ko rin kaya ang site visits and comments mo? biruin mo, you’ve been away soooo long? kailangan, singganda mo ang ‘yong paliwanag, hihi.πŸ™‚

  10. “Pinipili ba ang mga bahaging babalikan?”

    Minsan kahit gaano mo kaingat piliin na mabalikan lang ang gusto mong balikan, ang mga iniiwasan mong ala-ala ay animo mumunting alikabok na kakapit at kakapit parin sa sapatos mo habang lumalakad ka sa landas ng nakaraan at sa pag-papagpag mo sa kanila, unti-unti nasasariwa mo padin ang mga emosyong hatid nila.

    ‘Di ba kaya lang naman natin sila iniiwasan ay dahil masakit? Ibig sabihin ‘di pa talaga tapos sa atin ang kwentong iyon at dapat lang talaga na alalahanin natin sila para bigyan na ng tuldok kung ano man ang iniiwasan natin para sa pagta-time travel mo sa susunod dire-direcho ka na lang dahil kaya mo nang ngitian ang minsan mong iniyakan.

    love, love, love this! β™₯β™₯β™₯

    • hello, warrior,

      salamat, kapatid sa pagbasa nitong akda. at natutuwa naman ako na na-appreciate mo.πŸ™‚

      natuwa rin ako ng husto sa analogy mong alikabok sa sapatos, ahaha. alikabok na stubborn, as in… hindi makuha sa pagpag, pambihira! ^^

      ayon, ‘yong sabi mo, kaya natin sila iniiwasan ay masakit. pero wari ko, para sa iba, para sa marami actually, hindi lang ‘yon. iyon mismo. hindi kasi yata tayo pare-pareho ng karanasan, ng kakayanan at ng tibay para bigyang tuldok kaa-kaagad ang mga bagay na kamo nga ay dapat tuldukan para makapagpatuloy. iyon sana ang ideal, that we proceed without fear or fervor, ‘ika nga, and we continue searching for the truth about us and our world. pero hindi madali at hindi sabay-sabay. kanya-kanyang kwento, kanya-kanyang pagbabalik. kung hanggang saan, nasasa may-katawan… tingin ko… ^^

      love, love, love your comment! β™₯β™₯β™₯

      • kung sabagay, nakuha ko ang point mo ate…(hehehe alanganin kasi akong iaddress ka sa name ng site mo hihihi). Pero isa lang ang alam kong totoo, na lahat ng bagay ng napagdaanan, dinadaanan at dadaanan natin ay may aral na hatid sa atin at dapat natin matutunan dahil kung hindi uulit at uulit lang din sila,

        hihihi…salamat salamat, ang tatalino nyo nakakatuwaπŸ™‚

      • hello! ate san ang tawag sa ‘kin ng maraming bloggers, kapatid na warrior. tama ka wari ko – dapat nating makuha ang mga padron sa ating mga karanasan, mahagip ang mga aral mula sa mga iyon at matuto mula sa ating mga pinagdaanan sa pangkalahatan. dahil kamo kung hindi, mauulit lang, gagawin natin muli ang mga mali. na siyang madalas mangyari, kung tutuusin. we seem to keep on committing the same mistakes, over and over again. when we know that we could have, we can, do better, ‘ika nga…πŸ˜‰

        maganda rin ang post mo. nakita ko roon kung paano ang isang cheerful take ng the same subject matter. many thanks sa iyo and good day!πŸ™‚

  11. ah, i see. makukwento ang mga ST pipol at marami (lalo na sa mga lalaki) ay mayayabang at mahihilig pumorma, hihi. btw, marami ryang mapapasyalan, di lang malls, kapatid. try mo. ^^

    oks lang. inisip ko, na-curious ka lang sa ganire, dine atbp. hihi.πŸ˜‰

    • oo tama, makwekwento talaga, lalo sa hapag ng inuman, at likas nga ata ang iyong tinuran na mayaya……..uhm. hahaha, ngunit hindi ko naman natikman, pagkat ako’y kanilang ginagalang (bisor daw eh). sa ngayo’y ako ay nagbalik na sa lungsod, nakikipagbuno na naman sa trapik na kakalsadahan, umaga’t gabi. aking ibinaon ang mga bagong karanasang natuklasan at natutunan sa paglalagi sa lugar sa parteng ST, at ang kultura na sa akin ay bumungad, kainaman.

  12. Pingback: Hello world! Kumusta kayo? | sasaliwngawit

  13. Pingback: Parang kailan lang | sasaliwngawit

  14. Hi hi ulit! Hehe, medyo tumambay sa bakuran mo.. at nakapaghalungkatπŸ˜€

    Isa ‘to sa mga peyborit pastime ko eh, ang magmuni2 down the memory lane.. pero piling memories lang, gaya ng nabanggit mo, nilalaktawan ko ang ibang parts haha..

    Sabi nga ng lolo ko, ang mamagandang ala-ala ang pinaka-mainam imbakin at baunin sa pagtanda, dahil at the end of the day, kapag mag-isa kana, masagi lang sa isip mo ang magagandang memorya, magiging masaya ka.. at yung mga bad stuffs? Good lessons parin naman kahit papano..

    sabi nga, everything happens for a reason… kahit pa minsan di natin alam ang rason..

    • hello, uli. salamat, biag, for reading this one. ahihi, aliw yong may nilalampasan na parts pag umaalala, ikaw na… shaks naman kasi, may memories na sobrang sakit at merong sobrang pait.

      ay, gusto ko words of wisdom mo. teynks uli. hope you are well, dear…πŸ™‚

      • Ang tagal ko ngang hindi nagawi dito.. actually iniwasan ko talagang magsulat for how many months.. baka pang maala-ala maisulat ko eh, haha.. Tuloy ang hirap na bumalik, I mean magsulat ulit. Nangalawang na ang kakapiranggot kong utakπŸ˜›

        Hopefully, makabuo na by next week, kahit photographic kinda muna..

        Ikaw, anyare? At ba’t di masyado ok? May pang maala-alang rason rin bah? Yaan mo, pag-uwi ko, sasamahan muna kitang magbilang ng mga bituin hahaha

        Ingat kapatid.. namiss kita

      • hihi, hula ko, may nangyari sa iyong kabilangan ng bituin, shaks. sakali, am sad for you. kapatid…πŸ™‚

        ahaha, walang about lablayp, neng. mas cyberconflict, with bashers ba…

        sige, pag-uwi mo, biag, punta tayo sa UP campus. pasabi ka. punta tayo sa bldg na may pantingin sa stars – sa astrology enthusiasts, haha.

        nami-miss din kita. ay dalaw ka sa other site, sa DPSA. doon likely unang post na lalabas. baka this week. kaway-kaway…πŸ™‚

      • Haha, kabilangan ng bituin.. I’m so gonna use this term more often na.. pero ok na, tuloy lang ang pagbibiilang ng mga bituinπŸ˜‰

        Ay halla, sobrang sikat mo na pala kapatid..palatandaan daw yan ng kasikatan kung may mga bashers ka haha.. kakambal ng fame ang bashers.

        ayan, may pa tour pala ako sa UP campus pag-uwi..hari nawa magkita nga tayo nyan, sa busy ng schedule mo..haha

        cge cge, dadalaw ako sa isa mo pang bakuran.. salamat

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s