Bonus Track: Shooting ng The Bourne Legacy sa Sta.Mesa

image of Jeremy Renner for the movie, The Bourne Legacy

Tough guy na hinahabol sa isang Third World country si Bourne/ thewutzup.com

Akalain nyong sa mismong linggo matapos kong isulat at ilathala ang article tungkol sa lugar ng Sta. Mesa sa Maynila, noon pa mismo nag-shooting doon ang prod team ng The Bourne Legacy? Talk about paglalagay ng Sta. Mesa sa mapa, ahaha…๐Ÿ™‚

 

Siyanga pala, noong 2010, may nag-shoot sa Sta. Mesa ng isang full film tungkol sa lugar. Yes, isang US-based na Pinoy ang nag-direct ng indie film, ang istorya ay umiikot sa vicissitudes of life, ‘ika nga, sa Sta. Mesa… Ang title ng movie? Santa Mesa mismo. Yes, you heard it right. Sa riles ng tren kinuhanan ang maraming shots ng pelikula, noong bago inalis ang mga bahay sa tabi nito. Batang lalaking Amerikano ang bida sa movie. Ron Ramirez naman ang pangalan ng indie film director. Hindi ko lang alam kung ipinalabas din itong indie film sa Maynila…๐Ÿ™‚

Kung sa pagsusulat naman about Sta. Mesa, may nauna na rin. Dito sa WordPress mismo, oo. Ang blogger na si urbanroamer, pirming may dalang camera at nagpi-piktyur-piktyur ng mga eksena sa Kamaynilaan. Tapos, ย ipino-post nya ang mga bunga at ebidensya ng kanyang interesting forays, ahaha. ^^ ย Ayon, doon sa site nya ako namingwit ng ilang pics at doon ko rin yata nalamang ang Sta. Mesa ay isang settlement ย ng mga obrero o workingmen, maski noong noong araw pa.ย Medyo ma-English si urbanroamer, tunog urbanite, ahehe. But he’s telling his stories with less words and more pics, yown.๐Ÿ™‚ Maraming salamat sa kanya at sa informative and interesting site niya.

 

Anyway, tungkol sa kwentong shooting natin. Dalawang beses nag-shoot sa Sta. Mesa area ang The Bourne Legacy. Una, noong February 4 and 5 at nitong huling weekend, Feb. 11 and 12, 2012. Pasensya na, out of town ako nitong mga huling araw kaya luma na ang kwento ko, haha. Pero, ayon nga, nakanood ako ng shooting noong kabilang linggo. Ako na ang usi …

Noong weekend na ‘yon, may okasyon kami sa pamilya, ginanap sa isang restaurant sa bandang E. Rodriguez Ave. Ang nangyari, ‘yong isang niece ko, late na kai-kainaman. Sa bandang Sta. Mesa kasi ang daan nya at naipit sya ng husto sa traffic dahil sa shooting. Eh, shaks na malagkit, na-excite ako pagkarinig ko no’n. Pauwi na sana kami sa bahay ng sister ko for the party after the party, haha, nang maisip kong bumaba ng sasakyan para maki-usyuso, siyempre. Hinatak ko si pamangking na-traffic, para anuman, may kasama ako sa makulit na adventure, haha.

 

Punta nga kami. Sa kagustuhan kong masilip maski batok man lang ni Edward Norton, kesehodang i-declare kaming missing in action ng mga kamag-anak, haha… Si pamangkin palang nahila, may dalang T-square noon, habang ako nama’y may bitbit pang sombrerong Barney at balloon, haha. Btw, children’s party po ang aming okasyon. Si balloon ay naharang ni Manang Guardia sa LRT2 V. Mapa station, hindi raw pwedeng iakyat sa train platform. Ayaw nya ring paiwanan sa deposit desk, baka raw sumabog (?*!<). Pero, pinilit ko pa ring iwan, ahaha. Tip naman ni Manang na nagtitinda ng adobong mani, andoon daw sa perimeter si Edward Norton. Excited me much, as in…

So, ayon, nakipaggitgitan kami sa iba pang mga usisero, pumasok sa loob ng cordon ng production staff ng Bourne at nakipag-Jaworski sa kung sinu-sino para first hand and up close naming ma-witness ang pagsu-shoot. Owkey naman. Wagi kami, nakahanap ng magandang pwesto sa Lumanog Store, along R.M.Magsaysay, bago mag-V. Mapa. Napanood namin ang shooting, kami na ang determined, ahaha. Btw, kayrami ng miyembro ng production staff, sindami yata ng mga usisero’t usisera. At sabi ko nga, “keraming ‘Merkano,” haha, Caucasians na mukhang babad sa outdoors, haha. ย Siyanga pala, car chase ang Sta. Mesa scene ng movie, para sa mga di updated sa chizmax, haha.

 

image of Ramon Magsaysay Blvd cor. V. Mapa in Manila

Ilang hakbang una rito ang umpisa ng car chase scene ni Bourne/ .panoramio.com

 

Ang ginawa ng prod team doon, kinuha at inilibre for the shoot ang isang lane ng avenue o boulevard. Mula iyon doon sa may SM Centerpoint (kabilang side) hanggang sa Nagtahan Bridge. Mahaba-haba nga naman ang stretch ย na ‘yon. Anyway, sabi nga ng mga nakaranas ng aberya sa byahe that weekend at pati ng mga nag-post tungkol sa shooting, nagka-windang-windang ang totoong traffic sa area. Rerouted ang mga sasakyan. Ang ginawa nga pala ng prod, ย tinakipan ang V. Mapa and Stop and Shop intersections para magmukhang isang dire-diretsong kalsada lang ang R.M. Magsaysay, ang kulit…๐Ÿ˜‰

 

Image of men conferring about the space that would be taken up in  the car chase scene of The Bourne Legacy

Men from the movie production team, a police officer and locals confer about the space that would be traversed by Bourne’s motorbike in the car chase scene/ ph.omg.yahoo.com

Doon sa nasabing boulevard nakikipaghabulan ang bida, si Jeremy Renner, bilang character na si Bourne. Sakay siya ng isang motorsiklo. Tapos, ganoon pala ‘yon, as in, the production simulates the real traffic of the place. Bale, may sari-saring sasakyang nagda-drive sa kalsada – may mga kotse, may delivery truck, may vans at may jeepneys – ย umaandar sila habang kinukunan si Bourne sa kanyang pakikipaghabulan. Choreographed lahat ng movements, siyempre. Parang ang hirap gawin kasi, ang dami ng mga sasakyang nasa eksena at kailangan magmukhang totoo ang daloy ng trapiko, hehe. Ang trabaho ng directorial team, parang nagpapasayaw sa sangkatutak na tao, mapwera, mga sasakyan ang participants, haha. Sukat ang distances ng bawat kasali, siyempre, pati ang speed ng driving.

 

Tapos, ayon, paulit-ulit palang kinukunan ang gayon. Kailangan daw mailarawan ang parehong eksena mula sa maraming anggulo. So, pagkakasulong ng mga artistang sasakyan, haha, maya-maya, uurong uli sila ng isa-isa. Tapos, sulong uli, action na naman. Ang kulit tingnan, as in, mukha lang silang matchboxes. Toy cars, kumbaga. Parang silang mga salagubang na ihinihilera at nilalaro ng isang bata. Except ang naglalaro ay directors, foreign and local, na tila baga hindi makuntento sa bawat takes, haha. So, kasunod ang sangkatutak na cameras, mga kable, sari-saring tools, paulit-ulit nilang kinukunan ang eksena. Ang mga tao naman, panood na mai-maigi, haha.๐Ÿ˜‰

In between takes, makikita lang na palakad-lakad ang mga artista ng pelikula. ย ย Anyway, eto, wala roon sa shooting si Papa Edward Norton, shaks na ‘yan! Hindi lang sa nanghahaba ang leeg ko ko noon para makita si idol, talagang tinatalasan ko ang pakiramdam. Ayon, wala sya… Wala naman yata kasi syang parte sa eksenang ‘yon, kainis lang.ย Andoon si Rachel Weisz, oo. Maganda sya, pero di ko gaanong natitigan ang mukha nya. Mas sa gilid at likod namin sya nabistahan. Mabalakang syang ale at may pwet, haha. Btw, hindi naman pala sya ganoon kalaki, pag sa malapitan… Sa tv o sa big screen kasi, parang ang laki nyang babae, di ba?๐Ÿ™‚

 

Ang nakita namin ng maraming beses na malapitan at nakuhanan ko pa ng video sa cellphone camera, ang bida mismo, si Jeremy Renner. ย Hmmn, hindi sya ganoon ka-papa, haha. Medyo maliit sya, for a white guy. Cute naman sya pero, marami nga kasing mga Amerikano sa shooting at ang iba sa kanila, mukhang mga artista rin, haha. Magaganda ang kanilang mga katawan, parang nagwo-work out at kako nga, tanned, haha. So, kung hindi mo alam na si Jeremy ang bida, hindi mo sya gaanong mapapansin. Sa akin, ha? Peace.๐Ÿ™‚

 

Image of Jeremy Renner walking on the street of R.M. Magsaysay in Sta. Mesa in between film takes

Plakad-lakad lang sa kalye ng R.M. Magsaysay sa Sta. Mesa si Jeremy Renner pag walang take sa The Bourne movie/ http://www.popsugar.com

Anyway, ang striking dito sa lead actor, sobra syang malikot. Pag walang rolling na camera, lakad sya ng lakad at kausap ng kausap ng directors, staff at utility men. Tila nagko-confer sila kung paano makukuha ng mas maganda ang eksena. Tapos, muwestra ng muwestra ang kamay nitong bida, para syang Italian. Akala mo’y kiti-kiti itong si Jeremy Renner. Bitbit ang windbreaker at helmet, paparoo’t paparito siya. Pag kinukuhanan ko sya ng litrato, about ten steps lang ang layo, ha, pagpindot ko ng cam, nakaharap pa sya. Paglabas ng still image, nakatagilid na sya o nakatalikod, haha. ย He just kept on moving, as if he’s sizing up and feeling every step of the way. So, iyon naman, mukha siyang mahusay na aktor at wari’y ninamnam nya talaga ang karakter na ginagampanan nya.

 

Mukhang exciting talagang i-shoot ang ganoong eksena. Well, for one, may LRT2 sa itaas. Nai-imagine namin ng pamangkin ko, ang ganda noon pag sa movie na – may car chase sa ibaba ng kalsada tapos, may speeding train sa itaas. Parang magra-rush talaga ang adrenalin ng mga manonood ng pelikula, haha. Kaya lang, paano ika-capture lahat ‘yon on cam – mula sa Third World ambience ng Sta. Mesa main road, hanggang sa emotions ng bida at hanggang sa nuances ng traffic na maiistorbo ng habulan. Naku, the devil is in the details nga siguro. Siyempre, masusungit ang tunog ng nagdi-direhe sa ย eksena, lalo na ang mga punong abalang Pinoy, haha. Siyempre, kayo na ang mag-coordinate ng ganoon ka-metikolosong logistics and techniques, kainaman.๐Ÿ™‚

 

image of a store selling guitars along R. Magsaysay cor. V. Mapa in Manila

Andito sa may Magsaysay kanto ng V. Mapa ang mga tindahan ng gitara/ reuters.com

So, ‘yon, for the first time, makikita ng buong mundo sa isang big time movie ang isang mahalagang parte ng Sta. Mesa sa Maynila – live, up close and larger than life, haha. Hindi ko lang alam kung mahuhuli sa film ang music stores na nakahilera sa boulevard. Oo, iyon ang nalimutan kong i-discuss sa Sta. Mesa post, ang corner V. Mapa at R.M. Magsaysay na hub ng musical instruments stores – bilihan ng gitara, ukelele at score sheets dito sa Kamaynilaan. Sana nga, maisali ang detalyeng ‘yon. Pero, baka hindi rin. Doon kasi naka-pwesto ang mga pasaway na manonood, gaya namin, haha.

Anyway, na-miss ko ang shoot nitong last weekend, sayang. Mas sa bandang Nagtahan Bridge na raw ang take noon, magpapasabog ng sasakyan. Haha, iba na lang siguro ang magkukwento, ‘yong mga nakapanood mismo.

 

Trivia – doon sa napanood naming shoot, may dalawang jeepneys (na may pasahero, siyempre), byaheng Munoz-Remedios Circle at byaheng Rosario (Pasig) – Cubao yata. Ha, ha, parehong out of line ang Philippine symbol. Hala, hindi na siguro iyon mapapansin sa pelikula. Sa dami raw ng mga tao’t sasakyang kailangang kunin ng casting staff, random na rin ang mga nakuha’t naisali. Anyway, salient feature kasi ng Sta. Mesa traffic ang mga “patok” na dyip byaheng Cogeo at Antipolo – mga sasakyang sobrang makukulay ang designs, blaring ang music at daredevil magmaneho ang mga tsuper, haha. Mas maganda siguro kung patok mismo ang nakuha nila para sa pelikula…๐Ÿ™‚

 

Anyway, piniktyuran ko ang isang kulay ubeng Honda Jazz na kasali sa eksena, haha. Titingnan ko kung mahuhuli at lalabas iyon sa final version ng The Bourne movie, ang kulit lang.๐Ÿ™‚๐Ÿ™‚

 

Image of Jeremy Renner and Rachel Weizz riding a motorbike in the streets of Manila

Kuhang larawan ng car chase scene sa ikaapat na installment ng The Bourne Legacy series/ http://www.pinoyshoutouts.com

 

Mga dagdag na impormasyon —

 

Para sa info ukol sa pelikulang Santa Mesa –

http://www.answers.com/topic/santa-mesa

Para masilip ang site ni urbanroamer ย –

http://urbanroamer.wordpress.com/

Para sa isa pang write-up ukol sa Sta. Mesa –ย http://officiallyphilippines.com/article/27-mrt2-v-mapa-the-treasure-trove-that-is-v-mapa

 

* Maligayang araw ng mga puso sa lahat ng mga kapuso, kapamilya at kapatid! Happy Valentines!๐Ÿ™‚

 

20 thoughts on “Bonus Track: Shooting ng The Bourne Legacy sa Sta.Mesa

  1. Akala ko pa naman kaya mo naisulat yung mga naunang post tungkol sa mahal nating Sta. Mesa ay dahil susundan mo ng ganitong post na tungkol sa shooting ng Bourne Legacy. Nakakalungkot lang talaga na sobrang abala ang nilikha ng shooting na iyan. Malaking perwisyo talaga. Pero sana naman maging maganda ang kahinatnan ng lahat ng pahirap. Sana lang talaga.

    • hello, paranoia,

      ah, sinulat ko ang sta. mesa post as part of the manila series here sa site. about mabini and nakpil street sana ang balak ko muna. but then, naligaw nga ako sa bandang v. mapa nitong early feb. so, ayon, nauna kong naisulat ang sta. mesa post. i wasn’t aware of the shooting in the area until na-late nga etong pamangkin ko, haha. ^^

      ah, pasensya ka na. i’ll differ with you ryan sa epekto ng shooting sa traffic. sa ‘kin kasi, palampasin na muna ‘yong naging aberya kapalit ng na-feature ang lugar sa isang film that will be seen worldwide. medyo one time exposure lang kasi ang gano’n, we shouldn’t miss, kumbaga. tapos, weekend naman so, iba sa kung nangyari ng weekdays… para sa ‘kin… ^^

      however, i’ll agree with you that the traffic authorities could have planned and executed a better strategy for managing the traffic in the area on those days. parang kulang sila sa notice sa drivers and commuters. wala ring signages na nag-a-advise sa motorists saan dadaan. gone awry talaga ang daloy noon… saka until evenings, tapos na ang shootings, wardi-wardi pa rin ang traffic, nahirapan kami mismong umuwi after our pakiki-usyuso. i can imagine the hassles doon sa mga nagmamadali at sa mga taga-roon. oh, well… :c

      hey, let it slide na lang muna, hingi ko na sa ‘yo. ^^ regards and cheers!๐Ÿ™‚

  2. Parang gusto ko tuloy lalong makitang muli ang Sta. Mesa. Galing Quiapo, sakay ng jeepney, bababa sa Stop and Shop, tapos tatawid ng Ramon Magsasay, aakyat patungo sa Post Office doon, at sasakay ng tricycle papunta sa amin doon sa Sampaloc (iyan ang dati kong biyahe araw-araw). Gusto ko ring dalawin muli ang SM Centerpoint, na bago pa lang bukas noong ako’y nasa kolehiyo pa. Kilala ko rin yung tindahan ng gitara na nasa V. Mapa.
    Salamat sa mga ala-ala.

    • ahaha! ang saya naman, talagang you traced your steps back. alam mo pa talaga ang mga dadaanan at sasakyan, kainaman.

      may katagalan na ang SM Centerpoint, eh. in fairness, the owner has done a lot of renovations so, mas maganda pa sya kaysa sa dati. the thing is, ang dami na kasing bagong malls sa M.M. at saka commercial hubs and pasyalan kaya in a way, hindi na ang Centerpoint kasingkinang noong araw, haha. but of course, pag uuwi ka, it’s worth your while siguro to go there once more. ayon.

      walang anuman. balik ka from time to time. i intend to feature other places in manila. and, salamat din, pinoytransplant, for appreciating the write-up…๐Ÿ™‚

  3. Napadaan kami ng tito ko sa Sta Mesa habang ginagawa shooting nong 11 pero malayo pa lang ay pinalihis na ang sasakyan namin kaya gustuhin ko mang makasilip gamit ang camera ay di ko nagawa..

    tungkol naman sa Sta Mesa, natatandaan ko lang dito na ang unang sakay ko sa tren ng PNR ay sa Sta Mesa nong 2005.

    • hello, venjo,

      hala, isa ka sa maswerteng di-natrapik noong shooting day, haha. ‘yon lang, di ka naanggihan ng amoy-hollywood na shooting, whehe.^^

      di pa me nakakasakay sa PNR lines, luma man o bago. ikaw, nakasakay pa bale, sa lumang tren ng PNR. hala, sakay ka uli, maganda raw ‘yong bago. malay mo, magkasabay pa tayo, ahaha. salamat sa pagdaan at sa comment… ๐Ÿ™‚

  4. Hala grabe asenso sa pinas na nagshushooting! woohoo! tapos next yr din ata dyan yung olympics gaganapin? o panaginip ko lang yun? hahahaha! bakit naman sa sta. mesa di pa ata ako nakakapunta dun, pero may mga kalesa. haha.hassle nun lalo pa’t mga chikadora ang pinoy may kahit anong kamera lang makiki-ekstra na. wala lang.

    • hello, batopik,

      oo, sa pinas nag-shooting. ah, di ko pa narinig yong about olympics, hehe. ah, magbasa ka ng showbiz features. ando’n ata ang kwento ba’t sa sta. mesa ang napili nilang shoot ng car chase, haha.

      ah, ganito… medyo maayos naman sa shooting, may mga tanod and local officials around to see to it na hindi maiistorbo ng mga chikadora ang shooting. ang siste, ang traffic at rerouting yata ang napabayaan nila, hakhak … thanks for dropping by!๐Ÿ™‚

    • hello, enya, salamat sa pagdaan…

      ah, oo, ganoon yata talaga … dati, nakanood na ako ng shoot ng local commercial ng sabon ahaha. 30 sec-ad lang ang sinu-shoot nila pero three days ang shooting. paulit-ulit tapos, ang sungit ng director na babae, haha.

      pero, ang galing, napagmukha nilang may damo-damo at flowers ang surroundings kahit ordinaryong walking grounds lang ang location, ang kulit…. eh, usisera me kaya nagtyaga sa panonood ng the bourne shoot… regards sa ‘yo.๐Ÿ™‚

  5. ang saya naman nito. gusto ko rin sanang manood dahil sa maraming pagkakataon ay kinakausap ko si ed (ng primal fear at fight club, lalo na), kaya lang sobrang tamad ko lang sumiksik sa mga ganyan.๐Ÿ™‚

  6. ang galing naman at sakto sa post mo ang pag shooting doon ng bourn legacy..

    at talagang susuungin mo ang lahat para lang makita ang kanong artista ah ..hehehe

    napangiti ako dun sa “nakipag-jaworski” hahahha ^_^

    sana makanood din ako ng shooting… sana international din. sana ako ang bida..bwahahahhaha

    • oo nga, e. swerte lang, ahaha. ^^

      ah, si edward norton talaga ang hinahanap ko noon. meron syang mga pagganap na gustung-gusto ko, he he… ready ako no’n to do more than jaworski para makita ko sya, ahaha.๐Ÿ™‚

      magsu-shoot pa raw uli rito sa pinas ‘yong director, sabi… baka ikaw na ang hinahanap nyang artista, kapalit ni leonardo di caprio, ahaha. ikaw ang papanoorin namin sa shoot, naman… ^^ astig!๐Ÿ™‚

  7. Ahahah ! My dad is obssessed with this shooting ! he’s always on the Internet, checking out if there are new videos of the shooting. I understand coz he’s a fanboy of the Bourne legacy franchise. He’s wondering though why it isn’t Matt Damon anymore.

    Hey Cheers !

    • hello, renx,

      mabuti’t nadalaw ka uli, ang saya! ahaha, love ko na ang Dad mo, pinoy na pinoy ang mga interests nya, nakakaaliw… ay, kamo, fan din akong malala (haha) ng The Bourne series, twice ko pinanood ang cds no’n, ang iba ro’n thrice pa, as in… and yes, lab ko rin si matt damon. ^^

      hindi raw yata pwede ang sched ni matt d. kaya sya mismo ang nag-recomm na si jeremy ang kuning kapalit (nakuha ko lang yan sa write up, haha). regards and cheers!๐Ÿ™‚๐Ÿ™‚

  8. Wow! Namiss ko naman ang Sta. Mesa … 4 years din ako pabalik balik sa lugar na yan! Kung estudyante pa ako nung panahon na yan malamang kasama din ako sa mga miron sa shooting. Can’t wait to see the movie… tingnan ko kung mavisualize ko mga detalye mo sa post na ito.๐Ÿ™‚

  9. Ewan ko ba pero ang nag iisang alaala ko sa Sta.Mesa ay ung SM dun hehe. Kasi nung College kmi un lng ung mlapit na mall sa Mapua. Sasakay kmi nung G-liner na bus ba yun (lumang bus type) papunta dun. Other than that, di ko pa nalibot ang lugar. Salamat sa trivia about Sta.Mesa. Interesting din pla ang lugar na to. Yaan mo kasama sa plan ko yan na libutin ang Manila at buong Pilipinas someday.. one day:)

    Excited na din ako mapanood ung
    Movie. Lagi kasing napifeature sa TV Patrol yun dati.

    Ingat lagi, Miss S.๐Ÿ™‚

    • hello, bell, musta u? kainaman, nabuhay ang beauty ng aleng busy, ahihi… ^^

      ah, ako rin, may friend dating from UST, two years younger pa sa ‘kin. pero sya at ang mga barkada nya, dyan din sa SM Centerpoint noon gala after their classes. ayon pa lang noon ang mall sa Manila, matagal pa bago magkakaroon ng SM Manila and SM San Lazaro, hihi..

      hmnn, bago na ang lines ng GLiner, hihi. May iba na ring bus lines plying that route. Ah, sige, dalaw ka ng Sta Mesa area… Excited na rin me na nood ang The Bourne, ahihi.

      ikaw, miss ang mag-ingat.. saan ka nagsusuot at 1960s pa yata last post mo? ^_^ ๐Ÿ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s