Ibang Silip sa Sta. Mesa, last part –

image of LRT Line 2, plying the route of Sta. Mesa in Manila

Naging modern kahit paano ang Sta. Mesa sa pagkakaroon ng LRT2/ freezeurmind.blogspot.com

As a place, maari sigurong ihalintulad ang Sta. Mesa sa isang downtown noong araw – puntahan ng mga tao kapag tapos na ang pasok o pasyalan mismo, kapag walang pasok. Sa Sta. Mesa magliliwaliw, magtingin-tingin at magpapalipas ng oras. Kahit pa kung tutuusin, noong mga panahong iyon, hindi pa rin  mismo ako ipinapanganak, wala pa naman talagang gaanong magaganda’t malalaking commercial establishments sa lugar – bazaars pa lang o kaya ay stalls. Iyong tipong may eskaparate pang bubog sa mga tindahan at ang stocks ng sapatos o damit ay nasa mezannine at ihinuhulog sa isang butas sa kisame pag magsusukat ang costumer? Iyon, gayon… Noon yata nakilala ang Sta. Mesa at ang Stop and Shop.

Ang malaki-laking pamilihan noon sa lugar ay andoon sa ilalim ng tulay ng Sta. Mesa mismo, sa nililikuan ng mga pampasaherong dyip dati. Pagkatapos ng kanto ng Altura, iyon, palengke na. Kahawig sa palengke ng Quiapo ang set-up doon. Bale, pagbaba ng mga pasahero, diretso na sila sa pamilihan sa ilalim ng tulay – may mga pwesto roon ng prutas, gulay, isda at karne – galing Divisoria at Quiapo ang mga paninda. Maputik, malansa at makulay ang palengke. Masasaya ang mga nagtitinda. Naka-shorts naman at naka-tsinelas lang ang marami sa mga namimili. Dalawampong taon rin sigurong naging sikat na pamilihan ang lugar na iyon…

 

Doon sa RM Magsaysay corner Stop & Shop, may parte roong pataas mula sa kalsada, matarik. Elevated part talaga iyon, dati pa. Sa ngayon, ang pahilig na lupang iyon ay pinuno ng mga bato, tinaniman ng ilang halaman at mukhang seryosong abutment na, haha. Site iyon ng Sta. Mesa Post Office noong araw. Medyo madilim at maruming tingnan iyon, sa mahabang panahon, excuse me po…  Sa tuwing magpapalit ng mayor ang lungsod dati, asahang maiiba ang itsura ng dahilig, haha. Nitong huli’y parang permanente na ang pagkakagawa. May pagka-anomaly pa rin ang dating, ewan ko,  pero, mas maganda na, haha.

Sa likod noong elevated abutment, Sta. Mesa pa rin, Sta. Mesang ang mga kalye ay pangalan ng mga prutas – Mangga, Pinya, Santol at iba pa. Ha, ha, oks ba? Mas maaayos na ang mga tirahan sa gawing ‘yon – may rows ng apartments, may condos at may buildings na tipong series ng studio-type units. Generally, residential area na itong bahaging ito ng Sta. Mesa. Tipong middle class, lower middle class pa rin ang mas marami, pero mas serene na itong parte ng lugar, kumbaga.

Pag doon, parang hindi ka na gaanong kakabahan sa peace and security mo, haha.  Sa bandang ito,  iba-iba na ang ambience kumpara sa Stop and Shop, haha. Isang sakay ng tricycle mula roon, maari nang makarating sa E. Rodriquez, ang daan ay sa pa-PCSO o di kaya naman, papunta sa SM Centerpoint, para mag-shopping o mag-grocery. Kalimutan mo muna ang mga eksena sa may Teresa o ang traffic sa may V. Mapa. Ang kulit lang…

 

Tatlong bloke ang layo mula sa ilalim ng tulay, malapit sa kanto ng Santol, andoon dati ang Discovery, isang building na may beerhouse at kainan sa ibaba at sa second floor naman ay isang malaking bowling alley. Sikat iyong gusali noong araw dahil maganda ang bowling lanes. Nakapag-bowl rin ako roon ng kung ilang beses. May kalapit ang building na iyong fruit stand corner, para siguro sa mga nakatira sa condo sa di-kalayuan.

Tapos, may isa pang maliit na palengke nearby, Sta. Mesa Market yata ang tawag. Ito ang isa sa natatandaan kong wet market na dry, haha. Andoon pa rin yata ‘yon sa ngayon. Siyanga pala, matagal-tagal na ring naipagiba ang Discovery, ang nakikita ko na lang sa gawing ‘yon ay ang Bible House at saka Calvary Church, magkatabi. For some reason, madilim ang stretch na ito, mula sa gasolinahan sa may kanto ng V. Mapa hanggang sa kanto ng kalyeng Santol.

 

Ang isa pa nga palang landmark sa Sta. Mesa dati, ang Unciano Paramedical College sa Guadalcanal corner Victorino Mapa Street. UP Sta. Mesa ang joke na tawag ng mga tao, Unciano naman para sa mas marami. School ito para sa mga nag-aaral maging x-ray technician, nursing aid, midwife at iba pang auxiliary health practitioners. May mini-hospital din yata sa loob ng compound nito. Hindi ko lang alam kung bukas pa ito sa ngayon, parang hindi na. Pag minsan, may mga nakikita pa rin ako roong mga estudyanteng naglalakad, naka-uniporme ng puti. Pero, wala na yata sa V. Mapa ang Unciano, ang eskwelahang parang ang liit, pero parang ang daming mag-aaral.

 

Malapit sa V. Mapa, pag diniretso ang lakad pagawing Cubao, andoon ang SM Centerpoint, also known as SM Sta. Mesa. Noong unang limang taon ng mall na ito, medyo pinasikat nito ang lugar ng Sta. Mesa. Iyon kasi noon ang mall na naging puntahan ng halos lahat ng kalapit – mula sa  mga kabataang nag-aaral sa katabing UERM at CCP, maging ng mga estudyante sa UST at sa iba pang unibersidad at kolehiyo sa kahabaan ng University Belt.

Maski ang nearby Quezon City residents at mga taga-San Juan, doon din ang punta dati. Doon yata lahat nagkikita-kita para sa pasyal at panonood ng sine. Wala pa noong SM Manila at wala pang SM San Lazaro. Sa pagkakaroon ng SM sa lugar, tila sandaling naiba ang reputasyon ng Sta. Mesa. Medyo naging glossy ng konti, kumbaga. Naging in, haha.

 

image of a mall in Sta. Mesa

Nakadagdag din sa kinang ng Sta. Mesa ang pagkakaroon ng mall dito/ skyscrapercity.com

 

Ang SM Centerpoint, nasa kabilang side ng San Juan River, isa sa tributaries ng Pasig River. Geographically, ang lupang kinatatayuan nitong mall ay mukha namang karugtong ng Sta. Mesa area sa Maynila. Tila nga…  Pero, sa tax declaration, nasa QC jurisdiction ito. Ironic lang, in a way. Bakit kaya hindi sakop ng Maynila ang nasabing mall? Parang kailangan ko ng mapa, ahaha…

So, ‘yon nga. May SM Sta. Mesa na katabi ng LRT2 V. Mapa Station, pero hindi raw naman sakop ng Sta. Mesa, Maynila. Pero, kahit paano ang presence nito, nagpa-iba sa tunog at dating ng Sta. Mesa.  Iyon lang, luma na rin ngayon ang SM Centerpoint at ang Sta. Mesa ay nangangailangan na ng bagong luster, kumbaga. Kamakailan, may itinayong apat na condo towers ang SM, sa kanto ng Aurora Boulevard at Araneta Avenue. A stone throw away lang ‘yon mula sa nasabing mall, pero, Q.C. na talaga ang ginamit na address – ginawang parte ng Sta. Mesa, Q.C.  Hindi na nadawit ang Sta. Mesa, Manila, shaks na yan.

 

Anyway, a few years back, may itinayo namang isang condo ang isa pang real estate company, sa may pagliko matapos ang V. Mapa. Kalye ng P. Sanchez na yata ang nakakasakop nito, doon sa bago mag-Kalentong sa Mandaluyong, kahilera ng Lourdes Hospital. Tapos na ang construction nitong condo last year at aliw ang building – napapalibutan ng asul na ilaw. Kitang-kita iyon sa malayo pag gabi. Iyon din mismo ang pangalan ng gusali – maliwanag – kung ita-translate natin sa Tagalog, haha. Maganda naman, nasilip na rin namin minsan noong nag-inquire kami ng unit, haha.

Matapos ang construction nitong condo, mapapansing medyo nag-commercialize ang strip na ito ng Sta. Mesa. Kung ilan ang itinatayong bagong establishments sa area. Since nag-privatize na ang Lourdes Hospital, ipina-renovate, medyo gumandang tingnan ang hilerang iyon. Doon ‘yon, sa bago sapitin ang Bacoor, isang parte ng Sta. Mesang hindi ko gaanong na-explore. Ang Bacoor, by the way, nasa border na ng Maynila at Mandaluyong. Residential area din ito, nasa may likod ng Lourdes. Ang nasa harap naman ng ospital, Bagumbayan area ang tawag. Ito ‘yong Sta. Mesang ang mga kalsada ay madamdamin ang mga pangalan, haha. May kalye roong ang pangalan ay Salamisim. Haha, oks ba?

 

Kung tutuusin, ang Sta. Mesa ay isang bahagi rin ng Lumang Maynila. Old Manila, as people are fond of saying. Ang Maynila bilang isang lungsod ay mahigit 400 taon na ang edad. Isang siyudad na matagal nang past its prime., ‘ika nga. Napaglipasan, malaon nang naabot ang lundo at humahapay na sa ilang bahagi – ganyan ang madalas na mababasa nating paglalarawan sa Maynila. Marami na raw itong kulubot, bali-bali na ang ilang parte at may amoy na, amoy ng isang matanda.

Napakarami na raw ng mga kakilala at estrangherong nagpalipas ng mga gabi sa kanyang piling – mga anak na sumubok ng kapalaran at di-nagtagumpay, mga panauhing nakitulog at di na umalis, at mga kriminal na doon naghanap ng mapagtataguan at katagalan, doon na rin humimpil. Doon na lahat sila sa lunsod nagsipamuhay. Ganyan ang siyudad ng Maynila, to put it graphically and dramatically.

Sa ibang bansa, pag ganyan na ang sitwasyon ng lungsod, ang mga tao’y karaniwang nanawagan ng city or urban renewal. Usually, ang ganito,  isang socio-civic, long-term campaign – to decongest and to allow the city to take another breath and to regrow its resources, kumbaga. Ginagawa ang ganito kalahok ang policy makers, city and national planners, local executives at siyempre, ang mga naninirahang maapektuhan.  Wari ay kailangan na rin ng Maynila ang ganyang the moves. Ahaha, nakiki-opinyon lang po…

 

Sa Sta. Mesa yata makikita ang marami sa signs and symptoms ng isang aged city. Sa biglang tingin, pangita agad sa lugar ang tinatawag na pathos of development – mga sakit ng pag-unlad. Andyan ang mga nakatambak na basura sa bawat kanto, ang mga karinderyang inokupa na ang sidewalks at ang mga sirang sasakyang nakahimpil sa pwesto ng tatlo, lima o pitong taon na. Di man lang naalaala o pinaglalakasang-loob na alisin o i-tow, maski pa nakakaabala sa traffic. Sabihin pa, masakit din sila sa mata. Parang fixtures na ang ganyang mga tagpo, mga eksenang one has got to live with, ‘ika nga.

 

Ang bulto ng ganitong pangitain, doon makikita sa Old Sta. Mesa, iyong area bago ang tulay na matagal na pinaniwalaang historical at pinag-umpisahan daw ng Digmaang Pilipino at Amerikano. Mahabang kalye talaga ang Old Sta. Mesa, nag-uumpisa sa hangganan ng Maynila at San Juan, sakop ang parteng nag-i-intersect sa V. Mapa, tuluy-tuloy sa may Stop & Shop. Pakisilip nyo na lang sa mapa… Ang lugar na iyon, tila Tondo sa Maynila, tila Bahay-Toro sa Quezon City at tila Payatas bago nag-landslide ang bundok ng mga basura, hindi nga… Karamihan sa mga bahay doon, gawa sa makeshift na lumang tabla at yero. Anong dami ng mga tao sa lugar, parang mga langgam!

 

image of clothes hanged in front of a house in Sta. Mesa

Parang mga banderitas na nakasabit sa kawad ng koryente ang mga damit/ panalongkuha.wordpress.com

Ang mga naninirahan doon, sa labas ng bahay naglalaba, naliligo at nagsasampay ng mga damit. Sa kalye nagluluto ang mga nanay, naglalasing ang mga tatay at sa kalye rin naglalaro ang mga bata. Parang pista lagi ang ambiance. Maski saan ka sumuling, may nagtatawanan, may nagmumurahan at may nagsisingilan, haha. Parang doon magandang mag-OJT ng street lingo at kumuha ng lesson para maging street smart, hihi. Pwera biro, very colorful, festive and intense ang setting. Ire-rekomenda ko ito sa mga artists at artistic souls na naghahanap ng inspirasyon at variety, ahaha. Anyway…

 

So, ano nga uli ang kwento natin? Kung may masisilip bang iba sa bandang Sta. Mesa sa kasalukuyan bukod sa unbelievably cleaned up na ang tabi ng riles? Meron bang bago bukod sa balitang mas maganda ang LRT2, plying the route ng Sta. Mesa, kumpara sa LRT1? At iyong pangyayaring ang LRT2 ay kulay purple? Ahaha, lumang balita na rin ‘yon, pramis. Bago pa ang LRT2 noong nag-shoot si Judai doon ng isang indie film, yong liberated woman ang character nya (di ko maalaala ang pamagat). Matagal na ‘yon, mas recent pa yong nag-shoot sina John Lloyd sa may Pureza, para yata sa eksenang kumain ng fish balls, ahaha.

 

image of an Sta. Mesa strio, with Makati City as background

Sta. Mesa ang bahayan sa harap, siyudad ng Makati ang background/ blogster.com/rica/photo-life-in-contrast

Wala naman yatang bago, to be honest. Kung tutuusin, ang Sta. Mesa ay isang lugar na daanan. Nakarinig na ba kayo noong lunang hindi destinasyon kundi passageway, a way thru, kumbaga? Ganoon ang Sta. Mesa. Isa siyang mahalagang ugat ng lungsod ng Maynila, daanan mula sa inner city of Manila patungo sa mga kalapit na lungsod — pa-Quezon City, pa-Marikina, pa-San Juan, pa-Mandaluyong, pa-Makati, pa- Pasig at papuntang Rizal. Daraanan din ang lugar na ito pag papunta sa mas matataong parte ng mismong siyudad  – Divisoria, Quiapo, Dapitan at Tayuman – mga sikat na pamilihan sa lungsod ng Maynila.

 

May sangkatutak na mga estudyanteng nag-aaral sa Recto, Espana, Intramuros at Taft Avenue na ang pinagmumulan at inuuwian ay Pasig, Marikina, Taytay at Quezon City. Sa Sta. Mesa dumaraan ang karamihan sa kanila, sa halos araw-araw. Ganoon din ang ponglibong kawaning pumapasok sa iba’t ibang tanggapan sa Maynila. Isa pa, sa Sta. Mesa rin ang likuan ng kakaraming pampublikong sasakyan. Sa Stop & Shop karaniwang nagga-gasolina ang daan-daang tsuper ng dyipni – dyan din sila humihinto para kumain, magpa-vulcanize ng gulong o kaya, simpleng mag-recharge ng lakas. Sa Sta. Mesa ginagawa ng marami ang kanilang unfinished business – para makatuloy pa – sa lugar na sadya nilang pupuntahan.

 

image of PUP Main campus entrance in the present

Pinaganda na rin ang pasilidad ng PUP Main campus/ urbanroamer.wordpress.com

 

So, hindi kagandahang stop-over ang Sta. Mesa. Isa itong lugar na abala, matao, at marumi, sabihin na natin. Pero puno ito ng pakinabang, ng saysay at ng buhay – para sa maraming Manilenong dito nakatira, nag-aaral at naghahanapbuhay. Gayundin, para sa milyong sa tuwina ay nakikiraan dito.

 

29 thoughts on “Ibang Silip sa Sta. Mesa, last part –

  1. wow!namiss ko bigla ang sta.mesa kung saan madalas akong gumala nung elementary ako hihihi! sa san juan ako nag-aral at kung d ako nagkakamali, nilakad ko yan hanggang broadway, trip ko lang noon bagong salta kase🙂

    • hello, twistedme,

      ahaha! gala ka pala sa sta. mesa… from v. mapa to broadway, quite a distance din yon, ah? okey ang trip mo… ^^

      years back, nanonood pa kami ng sine sa broadway, noong may tropical hut pa ro’n, haha. nood ng the gremlins. may greenhills na rin no’n at virramall, pero di pa gaanong developed. yon naman, kumwento na, hihi. ^^

      hope over na ang winter sa middle east. regards sa inyo ng pamilya mo…🙂

    • hello, bagotilyo,

      ah, oo, medyo natandaan ko ang lugar kasi, ilang kapatid ko nga ang tumira ng matagal dyan. since bata pa ako noon, easily impressed sa akin ang itsura nito. tapos, nadadaan pa rin naman ako, kami, sa sta. mesa.so, yon.

      dati ko pang binalak na maging tourist guide, haha. ‘yon lang, mahina ako sa hintayan, ahaha… 🙂

    • hello, paranoia,

      aliw naman at na-appreciate mo ang kwento ng sta. mesa. taga-roon ka sa condo sa may bandang pinya st? haha, biro lang. ^^

      ewan ko lang kung ano pa pwedeng asahan in the years to come… depende rin sa appreciation ng real estate developers – if they see the importance of the place as a major artery going to other places of business, idi-develop pa ‘yan, i guess.

      sakali man, there should be low-cost housing components. hindi na rin kasi maiaalis – bastion ng workers and employees ang lugar, a place should be made available to them, siguro. matatagal na sila and they make up the bulk of the work force, as well as the pintig and buhay that is sta. mesa… ey, regards sa ‘yow. 🙂

  2. Masarap basahin ang iyong sanaysay kabayan. Kilalang-kilala ko ang lugar ng Sta. Mesa at Stop and Shop. Para akong nagbalik sa panahon sa pagbasa ko nito. Siguro hindi ko na makikilala ang lugar na ito sa dami ng mga pinagbago dito.

    • hello, pinoytransplant,

      salamat at naibigan mo ang sanaysay, kaibigan. ahaha, you’re a local! ^^

      makikilala mo pa, siguro. hindi ganoon karami ang nabago, kapatid. mas maraming features nito ang retained. few and far between pa rin ang construction and changes, kung ikukumpara mo sa other parts of manila.

      hope you are doing well, sa locale mo. daan ka uli, minsan. cheers!🙂

    • hello, allen,

      sya, pag-uwi mo, daan ka sa sta. mesa. across centrepoint, may itinayo ang sm na condo, may supermarket at merong mga kainang medyo sosyal sa ibaba. foreigners and expats ang maraming nakatira at tumatambay, haha.

      but generally, hindi pa naman gaanong nabago. ganoon pa rin ang mga tindahang bilihan ng gitara. hindi pa masyadong nagbibihis ang lugar, yon. ^^

      thanks for coming over, allen. 🙂

  3. The LRT looks cool. These trains are all over manila , right ? I only rode the buses , jeeps and trycycles when I was there. Quite an experience, I must say. They’re such good places as observation points for people watching.

    Cheers !

    • hello, renx, pasensya na, napunta nga itong comment mo sa spam… :c

      ah, yes, cool sumakay sa lrt. actually, there are three train lines – lrt 1 (oldest), mrt (the length of edsa) and lrt 2 (latest). they ply different routes within Metro Manila but they do intersect at some points thus, making things easier for the regular commuters. yown… ^^

      oo, masarap ngang mag-people watching pag nagbi-byahe i.e., pag hindi nagmamadali, haha. kumusta ka na? cheers din sa ‘yow!🙂

  4. i once stayed at sta mesa, almost 3 yrs, nang ako’y nasa kolehiyo.. hahaha. tagal ko ng di nakakadaan dyan. sa lugar na iyan nahubog ang aking kamalayan sa pakikisalamuha sa hamon ng isang lungsod. daming experiences, masaya, malungkot, at kung minsan nakakatakot.

    maraming salamat sa pagbisita sa aking tambayan.

    • hello, 25pesocupnoodles,

      sa PUP ka nag-aral? ^^ ah, oo, interesting na lugar ang Sta. Mesa, may character, ‘ika nga… kailan ka pa huling nagawi sa may Stop and Shop? pag-uwi mo, dalaw ka, sakay ka ng tren, bago na ang PNR line. marami pa rin do’ng lugawan. ^_^

      walang anuman. salamat din sa pagdaan at sa mga comment. regards!🙂

      • tama ka, nagtapos ako sa “sintang paaralan, tanglaw ka ng bayan, pandayan ng isip ng kabataan” hehehe.. i hope im in tune. matagal na rin ng masubukang kong sumakay ng tren, isang beses lang kc lubhang nakakakaba. nawa’y magkita-kita tayo sa ating alma mater sometime..

      • ahaha, alam pa nya ang kanta ng eskwelahan.^^ pero hey, di ako grad sa PUP. naikwento ko sa sta mesa post, may apat akong kapatid na nag-aral dyaan kaya pamilyar ako sa lugar…

        o,e, sana’y magawi ka uli sa bandang teresa, tapos kontakin mo ako – magkita tayo. ilibre mo ako ng lugaw, kwekkwek at samalamig, haha.^^ hellow sa ‘yow🙂

  5. Pingback: Hello world! Kumusta kayo? | sasaliwngawit

  6. Pingback: sa mga panahong naiinip ang puso… | sasaliwngawit

  7. Ate San…………..hindi ko mahanap ang tulang salansan kaya dito ako napadpad….hahaha..

    anong ginawa mo sa Sta Mesa…namiss ko ang lugar na ito…waaaaahhhhh….dyan ko binili ang pangalawang gitara ko sa may Lumanog sa VMAPA………….asteeeeeeeeeeeeegggggggggg

    #SuperHanapModeNgTula
    #NapadpadSaStaMesa
    #HindiItoTwitterPeroMayHashTag

  8. hello, patulog na talaga me (at dapat kanina pa dahil pangako ko sa sarili ay maaga ako mamaya dahil magde-dentist ang lola mong bungi, haha), sasagutin muna kita. four-part series itong sta. mesa post, di naman sya mahabang kewento, haha. inubos lang naman nya ang space for february. nasa first part yata, ba’t ako naligaw sa hotel-hotel, haha.

    btw, july yata na-publish ang tulang salansan – yon yata ang best seller dito. warning – 12 stanzas yata yon, haha. good morning, kapatid. good night…😉

    • yahaha…sige hanapin ko nga ulet….anyways….

      noong college ako…pag sinabi kong sa PUP ako nagaaral, agad nilang tinatanong ung mga hotel na nakapalibot…hay kaloka….at syempre kahit HRM ako, hindi ko pinasok ang mga yon…hihihi…..kahit site visit hindeeeee….

      good nyt na po ate…….

      • ahaha, interesting kaya ang hotel clusters na ‘yon? hamo, pagbalik mo ng Pinas, di ka na hamak na estudyante – adult ka nang may income at paying tax, hehe. pwede ka nang mag-educational site visit sa lugar, haha, as in…. ^^

        good evening sa iyo… regards😉

  9. Noong early 70’s ang Sta Mesa Market na kinatatayuan ng SM Centerpoint ngayon ay may mga stalls na nagtitinda ng PX, shirts, shoes. Naalaala mo pa kaya kung anong tawag sa lugar na iyon?

  10. Grabe nabasa ko lang to parang binalik mo din ako sa childhood town ko salamat taga sta.mesa din dati malapit sa iglesia ni cristo sa domingo santiago st if remember mo yun now naka base ako sa germany

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s