Babatiin Ko ng Ngiti

Sisikat din ang araw

Matatapos din ang gabi

Bukang-liwayway

Babatiin ko ng ngiti.”

image of sun rising, view from a Philippine mountain

Teknikolor rin at magical ang pagsikat ng araw/ flickrhivemind.net

 

Ito ang isang stanza ng kanta roon sa tatlong theme songs ng Storyline, isa sa mga paborito kong programa sa telebisyon. Miyerkules ipinapalabas ang current affairs program na ito, around or past midnight na, ahaha. Basta…

 

Ang bukang-liwayway, isa sa pinakamaganda at pinaka-graphic na salita sa wika natin. Buka na ang ibig sabihin ay open up at liwayway na ang kahulugan naman ay sun rays. Sa akin, ang parang ibig sabihin nito, the rays of the sun open up (and bring with them, joy). Kumbaga, very process-oriented itong salita. Pwedeng sabihin, may pagka-literal. Pero sexy, haha.

Ang mga counterparts nitong salita, magaganda rin – takipsilim at dapithapon. Ang takipsilim, ang ibig sabihin, twilight. Ang pagdapit naman ay pamamahinga ang ibig sabihin. Katulad ito noong pagsampa ng manok sa sanga ng kahoy pag madilim na. Kaya ayon, ang hapon ay dadapit o mamahinga, naman. Ba’t nga naman hindi? After shining its brightest light sa bandang hapon, even the sun could use some rest, ahaha.

 

Image of sunset in the Philippines

Kapag lumulubog ang araw, nag-iiba-iba ang kulay ng langit/ http://www.bhmpics.com

 

Madalas, sunset ang nakakatawag ng ating mga pansin. Iyon kasi ang karaniwan nating naaabutan. O, natityempuhan, pag minsan. At naman, eye-catching lagi ang paglubog ng araw. Makaka-witness ka ng myriad of colors sa langit, transforming right before your very eyes, ha, ha. Pero, mas maganda ang sunrise, pramis. It really is a splendor to behold and to experience.

 

image of early sun rising in a beach in San Juan, Batangas

Madilim rin ang itsura ng sunrise sa umpisa, para ring sunset/ blog.travelpod.com

Para roon sa mga hindi pa nakakaranas magmasid at maging bahagi ng pagsikat ng araw, payo kong subukan ninyo minsan. Hindi kayo magsisisi. Maaamoy nyo pa ang umaga, bukod sa makakita kayo ng mga hamog, ahaha. Oo, may amoy ang umaga. May amoy ang nature announcing the sun’s arrival in the mornings.

 

Kung nasa siyudad kayo, pili kayo ng parte ng lungsod na may greeneries at ang pupwestuhan ninyo, siyempre, facing the east side. Doon nyo abangan ang pagdating ni haring araw. Huwag doon sa inyong porch o sa likod-bahay, lalo na kung ang tirahan nyo ay nasa sentrong-sentro, puro pader na ang paligid at sala-salabid ang plumbings sa ilalim. Iba ang maaamoy nyo pag gayon, haha. Pwera-biro, magandang maranasan ang pagbubukang-liwayway.

 

Pag sunset, ang usual na nakikita natin, ang agawan ng dilim at liwanag. Andyan na ang overcast na clouds pero ang araw, nagpupumilit pa rin sa kanyang pwesto. Pag ganoong oras na papadilim na, ang dami pa ring bahagi ng langit na may golden rays. Kumbaga, the sun making its last bid para ipakita sa santinakpan na siya pa rin ang hari at siya ang mananaig. Kahit pa, andyan na ang gabi, nag-aantay pumalit.

 

image of sunrise in Palawan, Philippines

Nag-iiba-iba rin ang mga kulay ng langit sa pagsikat ng araw/ photos.ferdzdecena.com

Pag sunrise, baligtad na ang equation, ahaha. Nag-i-struggle ang dilim na siya pa rin ang mangibabaw sa horizon habang andyan na’t sumisilip ang araw, nagsasabing siya naman. Tapos, magpapambuno ang dalawa – ang gabing papaalis at ang araw na padating. May wrestling, bale, na magaganap sa langit, haha. Pag nanaig na ang umaga, makikitang silently, nagri-recede ang gabi sa background. Ha, ha, parang gano’n.

 

Pagkatapos noon, ang mga buhay at bagay na andoroon sa setting will be bathed in sunlight, literally. Kung swerte at andoon ka, wala sa higaan, ahaha, maliligo ka ng liwanag. Babalutin ka nito, mula ulo hanggang paa. At kahit marami ka pang proble-problema sa buhay, haha, ika’y mapapangiti. Despite yourself, ang kulit lang.

 

Ang recommended place ko pala para ma-experience ang sunrise, sa gitna ng Binangonan Lake. Habang sakay kayo sa bangka, doon sa gitna ng islets doon, mamamangha kayo, as in… Pwede ring sa Laguna Lake. Actually, magkarugtong ang dalawang tubig na yoon.😉

 

Image of sunrise at Binangonan, Rizal, Philippines

Ang tubig sa Laguna de Bay ay dumadaloy sa Binangonan, Rizal/ http://www.panoramio.com

 

25 thoughts on “Babatiin Ko ng Ngiti

  1. mejo nosebleed ako sa ibang english.. malawak kasi ang vocabulary ko ..hahaha

    gusto ko yung parang wrestling sa langit… astigin lang..

    hehehe

    regards din sa ‘yow kapatid🙂

    • hello, bagotilyo,

      hwag ka nang mag-nosebleed sa englishin. sabi naman sa ‘yo, malalim rin kung um-english ang lola mo rito, ahaha. epekto lang yan ng mga napagbabasa ko, hehe…

      oo, wrestling talaga. try mong manood minsan. at regards na kai-kainaman sa ‘yow!🙂

  2. Miss ko dito ang bukang-liwayway na kasabay ang tilaok ng manok.

    Bawat araw ay lubos ang aking kaligayahan na ma-experience ang sunrise at sunset dahil ibig sabihin ay muling nakabuo ako ng isang parte ng napakandang araw sa aking buhay na kaloob ng Maykapal.

    At kakaiba ang feeling lalo na kung nakikita ko ang sunrise at sunset kapag nakasakay sa eroplano…tunay na hinihintay ko palagi ang experience na ito.

    Kung pinag-uusapan ang ‘the best things in life are free’ ay kasama sa akin ang kagandahan at kaligayahan ng bukang-liwayway at takipsilim sa araw-araw.

    Magandang araw!

    • hello, lolo,

      hala, miss nyo ang countryside experience, ahaha. yes, blessings na maituturing ang makaranas at makakita ng sunrise and sunset, kakaiba.

      shaks, the last time hong nasa loob ako ng plane, makapal ang clouds kaya di ko nakita ang sunset, haha. tapos, wala ako sa window seat, hehe. pero, i was straining my neck para makita ko pa rin. but then, yon nga ho, maulap, sayang…

      yes, lolo, kasama nga ho sila sa the best pero di pa rin natin nasisilayan ng madalas, kainaman… cheers to you!🙂

    • hello, myr,

      shaks na manila bay sunset na ‘yan. one time, nakagawa ako ng isang tula mismo sa pag-upo ryan sa breakwater ng maynila, habang lumulubog ang araw. emong tula, siyempre, bemoaning a love lost, haha. kainaman!

      but yes, there’s the realization that the next one is around the corner and hopefully, better. yan naman… hehe.🙂

    • hello, sphere… ahaha, salamat sa pagkaligaw. backread? naman…🙂

      ei, may bukayo, pakumbo at sweet camote fries dito, hehe. saka, kape.

      yehey! ikaw na ang nagka-time… have fun sa bloghopping. regards🙂

  3. Isang nakahahalinang umaga ang unti-unting malunod sa liwanag ng bukang-liwayway sa gitna ng kabukiran na naliligiran ng mga palay na malapit ng anihin.

    Nakakamiss tuloy ang halimuyak ng bukirin.

    • hala, nai-imagine ko ang imagery na ipininta ng mga salita mo, shaks na ‘yan. doon sa amin, wala ng mga palay, eh. pero naranasan ko ang ganyan noong maliit pa.

      ikaw, you can still enjoy ang ganyan dyan sa malapit. haha, gising ka ng maaga, dear.

      cheers sa ‘yow!🙂

  4. aughh, nakakamiss ang sunrise at sunset ng Pinas. hmm, ang pinakagusto kong sunrise na naexperience ay ung sa Mt.Pulag tapos ung sunset naman ay sa may MOA.😛

    • hala, may mga dagat raw naman dyan sa middle east. hindi nga lang sunset sa dagat ng pinas, hehe… hala, nabasa ko ang post mo re: mt. pulag, about mga adventurous na backpackers, ahaha. regards, aubu!🙂

  5. and i like to take this opportunity…

    upang batiin ka…
    ng may kagalakan at kadalisayan ng adhikain..
    at tigib ng kaligayahan, na sa araw ng mga puso…
    ang aking pagbati na may kalakip na dalangin..
    sa iyong puso at kamalayan…
    ay taglayin😉

    • hello, haribon,

      salamat ng marami sa bati. pasensya na sa nabimbing sagot… ah, wala ako sa kamaynilaan ng mga panahong ‘yan. pero, maayos naman, i survived the season, haha.okey rin ang rose na galing sa airport personnel, hehe.

      ikaw, hope your valentines went well. and your heart, still in the right place. cheers!🙂

  6. maganda yung mga kuha ah, pero what i find most interesting ay yung sort of etymologial stuff sa “dapithapon.” at yung sort of interesting description ng “bukang-liwayway” bilang sexy. ay ang umaga ay bubukaka, pero lilinisin muna ang awkward connotations ng salitang yun, and we’ll make the day pregnant with our poetry and productivity. )

  7. hello, ivan. salamat sa pagkaligaw rito… ah, sa internet lang galing ang pics.^^

    ei, feed of sort na talaga ang discussion about pagdapit, hehe. gusto ko talagang i-impart sa young people ‘yong routine ng manok na dumadapit pagdilim. kakaunti na sa wari ko ang nakakaalam noon… ^^

    ah, buka lang ang sabi ko – parang pagbukad ng bulaklak which is a common occurence naman. iba yata ang pagbukaka, kapatid. hihi. ^^

    basta, maganda ang bukang-liwayway… maganda yaan dyan sa baguio,
    na-experience ko na… salamat sa pag-comment, ha… 🙂

  8. Pingback: Anu-ano pa ang mga kwento? | sasaliwngawit

  9. Pingback: Salamat sa mga sumisilip | sasaliwngawit

  10. Ang recommended place ko pala para ma-experience ang sunrise, sa gitna ng Binangonan Lake. Habang sakay kayo sa bangka, doon sa gitna ng islets doon, mamamangha kayo, as in… Pwede ring sa Laguna Lake. Actually, magkarugtong ang dalawang tubig na yoon.

    >> Teka po.. taga-Rizal ka ba Ate San?🙂 Kasi alam ko yan tinutukoy mo na lugar.🙂

    • hello, uli… ahaha, hindi po taga-Rizal, although may years na napadalas punta ko ro’n. taga-ryan ka ba? or, parents mo? btw, sa Laguna, marami pa kaming kamag-anak. wala na kaming parents, though… teka, maganda nga sunrise do’n, na-experience mo na?🙂 kaway-kaway…

  11. Sang-ayon ako Ate San, mas maganda ang bukang-liwayway. Malamig at maaliwalas ang simoy ng hangin. Pag nasa beach, perfect! Pag sa mountain top or overview naman, romantic!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s