Patuloy Kitang Mamahalin

image of a plate of love

Ang pag-ibig daw ay isang pag-aalay/ wentokoto.blogspot.com

At dahil mahal kita, handa akong magparaya. Kahit katumbas nito’y kasawian.” Iyan ang madamdaming awit na naulinigan ko kaninang umaga, courtesy ng kapitbahay naming masipag magpatugtog, haha. Ito ang isa sa mga lumang kantang pinapahaba ang boses, Beegees style. Kung bagbagan at bagbagan ng damdamin ang usapan, winner ang piyesang ito. Sabi talaga sa umpisa, “Ika’y patuloy kong mamahalin. Maging sino ka man, di na magbabago ang pag-ibig ko.” Naman, panalo, di ba?

 

Iyon daw ang totoong love, generous na, unconditional pa. Walang hinihinging kapalit, hindi nagbibilang and makes or asks for no excuses. Saan ka pa? Ahaha. Kaya masarap din ang feeling ng nai-in love, nagkakaroon ka ng chance na maging selfless, ‘ika nga. Wala kang cares, makapagbigay lang, maipaabot mo lang sa mahal mo ang iyong pagtatangi. Maski magmukha kang tanga, okey lang. Hahamakin mo ang lahat, maging ang sarili mo, ha, ha. Actually, higit at una sa lahat, ang sarili mo ang iyong hinahamak, pag inlababo, patatawarin.

 

E, ano’ng gagawin, dumarating ang mga ganoong pagkakataon? Pag gayon, tatakbuhan mo ba, iisnabin, iiwasan? Madalas, oo. Pero may mga panahong hindi, haha. Hinaharap mo, tinatagpo. In short, nangangahas ka at nagbabakasakali. Baka isang araw nga naman, ang once-in-a-lifetime chance mo ay andyan na, ha, ha. Iyan ang tao – laging nagmamahal, laging umaasa at laging vulnerable.

 

Kasi, sabi sa isa pang kanta, “Kung di ako magmamahal, sino ako?” Naman.

 

Maaring i-click at pakinggan ang video sa ibaba:

 

 

26 thoughts on “Patuloy Kitang Mamahalin

  1. wow naman, makabag-kabag este makabagbag-damdamin talaga!

    Mukhang wala pa akong total deep love (as in bf-gf) dahil wala akong maalala na hindi ako naging cautious na mapahiya at magmukhang tanga dahil sa isang lalaking minamahal ko.

    pero malay natin baka nandyan na sya. hohoho!

    Mabuhay sa iyong bagong tahanan!

    • hello, hoshi,

      nabagbag ba? kainaman!

      hala, habang february, samantalahin mo na, haha. magpa-apekto ka kasi. ^^ hwag all business, all serious stuff. masarap ma-in love. yon lang, mukhang tanga, hehe…

      maraming salamat sa pana-panahon mong pag-bisita. hope you’re doing well.πŸ™‚

    • hello, ani,

      ahaha, di naman requirement ang magmukhang tanga, hihi… kako’y “maski.” but yes, that is usually the case when one is badly smitten, haha. kumbaga, always going out of his/her way maipaabot lang ang sakdal-langit na pagsinta, ahaha. what to do, eh?

      hey, hope you are well. ^^

    • hello, joyo!!! aliw naman at na-paste dito ang iyong gravatar.

      oo, dear, hindi halatang ika’y passionate na tao, kainaman. ^^ hey, di pa ba tapos ang pangingilin mo sa dati? aba’y habang february, umpisahan nang magmahal muli.

      bilin: bumukas sa bago. ahaha, how are you?πŸ™‚

  2. Gusto ko lang ibahagi itong quote na galing sa The Notebook…

    “I am no one special. Just a common man with common thoughts. I’ve lead a common life. There are no monuments dedicated for me and my name will soon be forgotten. But in one respect I’ve succeeded as gloriously as anyone who ever lived. I’ve loved another with all my heart and soul, and for me that has always been enough.”

    Ako madalas na umiiwas. Nakakatakot nga kasi. Pero kailangan nga talagang mag-take ng risks, saka na lang pag di na ko busy. Hahaha.

    Ang nostalgic nung kanta. Lagi ko tong naririnig sa radyo dati. Kumakanta nga yung utak ko habang pinapakinggan ko. Wagas! Ito ang wagas na pagmamahal!
    πŸ™‚

    • hello, akda,

      alam mo yang The Notebook, isa sa movies na nag-exceed ng expectations ko, as in… yang pagmamahal na ‘yan, with all of one’s heart and soul, similar na rin sa monument, hmmnn… enough? hmn… pag siguro kayong dalawa ang nagkatuluyan, i think. pag hindi kasi, nanatili siyang soft, tender part sa loob – partly fond memories, partly hurts and pains, haha. yown!

      pero, yes, it’s hmmn… like that. pag gusto mo talaga ‘yong tao, nilalampasan mo ang takot. usually, the takot consists of agam-agam that you’ll not be loved as much or more. pag mahal mo talaga, wala ka care, haha. and, and, you make time for it, sus.

      kailan kaya ako uli mabibiktima err, makakaranas ng pag-ibig na wagas? hahaha!

      hope your valentines went without untowards incidents, haha. ^^ o, meron?

  3. hindi requirement ang maging tanga.. pero mangyayari yon sa yo pag in-love ka..πŸ™‚ isang mapagpalayang araw sa lahat..πŸ™‚

    • hello, tsinelas, maraming salamat sa pagdaan-daan dito at sa comments.πŸ™‚

      bakit parang spoken from experience ang sinabi nyo? ahaha, parang kwento nyo ni misis ang pinagbatayan, tama ba? ^^

      regards to you and your family!πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s