Sa Likod ng Quiapo

Image of the Black Nazarene in procession on the feast day of Quiapo

Parang pilgrim ng mga Kristyano sa Pilipinas ang pagdalo sa prosesyon ng Itim na Nazareno sa Quiapo/ gulfnews.com

 

Dalawang araw ang karaniwang inaabot ng pagdiriwang ng pista ng Nazareno sa Quiapo. Petsa otso ng unang buwan ng taon, sa bisperas at sa mismong araw, sa ika-9 ng Enero. Pero ngayong 2012, inabot ng tatlong araw ang celebration dahil hindi raw makausad-usad ang prosesyon. Ang di-kagandahang nangyari roon ay nasira raw ang tatlong gulong ng karosa o float sa early part pa lang ng procession, sa bandang Quirino pa lang.

 

Naalaala ko pa namang noong isang linggo, iyon ang highlight sa balita. Idine-demo noong architect kung gaano at paano medyo mas hi-tech, mas state of the art, ang karosa ngayong taon. Custom-built daw para kung dumugin man daw ng devotees sa parada ang imahe ng Nazareno, mas kayang mag-endure noong sasakyan. Anyway, hindi rin. Hindi rin daw kinaya, sabi.

E, siyempre, huwag na nating pag-usapan kung paano nagiging enthusiastic ang mga Pinoy pagdating sa pahiran ng panyo sa Poon. Ang sumasagi agad sa isip ko ay ang paglubog ng ferry noong araw sa isa sa mga selebrasyon ng Penafrancia festival. Ganoon din. Nabigatan masyado ang sasakyang-pandagat na kinalalagyan ng poon kaya tumagilid iyon at lumubog .  Ayon…

Anyway, daloy ng traffic lang naman yata ang naapektuhan sa pagka-delay ng 2012 na parada. Wala yatang taong nasaktan o nasugatan. Marami lang siguro ang nainip at siyempre, may mga nagutom. Pero ganoon naman yata palagi, handang magutom at makipagsiksikan ang mga deboto para maging bahagi ng taunang okasyon sa Quiapo.

 

Nasa Quiapo ako sa mismong araw ng kapistahan ng Itim na Nazareno.  Di ko naman sinasadya. Ang nangyari ro’n, nag-dyip  ako sa halip na usual na nagta-taxi. Sumakay ako ng pa -Sta. Cruz. Ayon na ang aking malaking pagkakamali, haha. Magkatabi nga pala ang Sta. Cruz at Quiapo? Inangkopo, ba’t walang nag-remind sa akin, pambihira! At ba’t hindi ko naisip? Rerouted pala ang mga sasakyan sa Maynila. Kung saan-saan dumaan itong sinasakyan ko at ang ending, sa bandang Recto Avenue. Sumuot sa isa sa mga gilid na kalye at iyon, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa Quiapo: likod. Sa mismong araw ng pista ng Quiapo kung kailan may milyong tao sa lugar. Haha, ang saya lang.

Ang ginawa ko ay bumaba na lang at naghanap ng makakainan dahil lunchtime na. Lunes na lunes, ang daming kailangang gawin, andoon ako sa panulukang iyon.  Andoon na rin lang, hindi na ako nag-object. Hindi ko akalaing ang ka-engotan ko’y gayon na lamang, haha. Pero, oks na rin.  Sa isang karinderyang lutong-bahay ako umupo at kumain. Ayos naman, family-business type na kainan, malinis naman. Pwede na ang luto, parang luto ko lang, haha.

 

Habang kumakain, ang dami kong nakikitang dumaraang devotees. May mga pira-piraso rin ng prosesyong napapadaan. Tipong contingents, ba? May representation nga pala ang ganoong prosesyon, may delegation ang bawat lugar at grupo ng devotees. E, di masaya, napanood ko sila. Ang dami ng naka-T-shirt na may design ng Nazareno, ‘yong Hesus na may koronang tinik? Iba’t iba ang kulay, iba’t iba rin ang nakasulat. Mayroong ang nakalagay,  “Ama, patawarin mo sila. Di nila alam ang kanilang ginagawa.” Meron namang ang sabi, “Ama ko, ako ay nauuhaw.”

 

May mga mag-asawang talagang humahangos pero sige, tuloy. Basta, sa itsura nila, mukha silang mag-asawa at panata nila ang uma-attend sa yearly celebration ng Quaipo. Merong magkakabarkadang babae , may mga lalaking mukhang magkaka-tropa at meron din namang barkadahan ng magkaka-kapitbahay. Mayroong mga kalbo, yong mukhang nagpakalbo para sa okasyon? Kamukha ng ginagawa ng ibang Pinoy pag Mahal na Araw, gano’n.  Mayroon ding mga nakayapak, marami. Medyo napatingin ako roon. Mainit kaya noon? Hahaha. Pero, trip nila ‘yon, panata nila. Sino ba naman ako para humusga kung tama ‘yon o mali? Basta ang alam ko, mainit kahapon at siguro, mainit ang yumapak sa kalsada, haha.

 

Image of youngsters queuing for a chance to touch the Black Nazarene icon

Maghapon at magdamagang pagpila ng mga kabataan para makapahid ng panyo sa imahe ng Itim na Nazareno/ allvoices.com

Pero ang dami kong nakita sa araw na iyon. Hindi lang mga taong gustong mag-abang sa imahe ng Nazareno, makipahid ng panyo sa Poon at mag-sakripisyo para sa kanilang debosyon. Ang nakita ko pa at napansin, ang lumang Quiapo. Ang dating Quiapo. Pag sa usual connotation natin, ang Quiapo ay ang simbahan, ang parada at ang Quezon Avenue, ang main street ng Quaipo area. Idagdag pa natin ang Quiapo market sa ilalim, ang kalye ng Raon na bilihan ng lens ng camera, speakers ng sound system at spare parts ng appliances, at ang Carriedo, ang kalsadang nagdurugtong sa Quiapo at Sta. Cruz. Pero hindi rin. Ang Quaipo nga pala ay ang mga bahay, mga residente at samutsaring pamumuhay din ng mga taga-roon. Kumbaga, Old Manila siya, susmaryosep.

Ang likod at mga gilid-gilid ng Quezon Avenue ay representative ng isang lumang era. Mga bahay na luma na na hindi na, hindi pa, ipinapa-repair at ang itsura ay isandaang taon na o higit pa, hinati-hati lang para maging boarding houses. Iyong iba naman, nilagyan ng karinderya sa ilalim, iyong iba ay tindahan na may load para sa cellphones at yong iba, general merchandize stores o tipong krudong business center – may Xerox, may school supplies at may tindang diapers, haha. Anything to supplement the income, kumbaga. Tipong eking a living, medyo nag-concede sa commercialization ng lugar pero pinanatili pa rin ang old way of life nila. Maski ang itsura ng kanilang mga bakod, patungan ng paso ng halaman at gates, marami ay hindi binago. Iyon pa rin, lumang Maynila pero bago na ang mga tao –  ang mga nakatira.

 

image of children in Quaipo with the famous Philippine church as background

Makulay ang Quaipo at gayundin marahil ang buhay ng mga bata roon/ flickr.com

Maraming mga bata at kabataang bading sa Quiapo. Marami ring mga batang babaeng ang liliit pa pero mukhang magkaka-career bilang starlet, haha. Basta, mukhang may future sila sa larangang iyon, ahaha uli. Meron ding siyempreng mukhang magiging big-time criminals pagdating ng araw, ahaha. Iyon ay kung di pa sila nag-uumpisa sa eksena ngayon, habang bubot at trainable pa, haha. Mayroon din siyempreng mga mukhang ordinaryong batang nag-aaral sa eskwela, mga ordinaryong Nanay na naghahatid sa anak at mga ordinaryong Tatay na pumapasok sa araw at naglalasing sa gabi, haha. May senior citizens din, ‘yong tipong walang gaanong pakialam sa itsura ng paligid, basta tuloy lang sila sa nakasanayan nilang routines, may parada man o wala, matao man o hindi, may nanghuhuli mang pulis sa malapit. Basta…

 

Ayon ang Quaipo na napagmasdan at napanood  ko uli kahapon, sa loob ng wala pa sigurong isang oras. Ang hindi ko makakalimutan ay ang mga lumang grills ng bahay, ang beams noong iba – yong ma-elaborate ang designs, parang sa mga bahay sa Crisologo Street sa Ilocos. At ang mga pambakod na tanim, marami pa roon ang bahay na may bougainvilla plants na eksaktong naglalaglagan ang mga bulaklak kahapon. Ang gandang tingnan, parang autumn na hindi naman, haha. Nasa Pilipinas kaya ako?

 

image of a street in the Quaipo area

Ang Quiapo nga pala ay isang piraso ng lumang Maynila/ traveleronfoot.wordpress.com

 

Anyway, noong nasa byahe na ako papunta na talaga sa aking pupuntahan, at sa awa naman ng langit, mabilis lang, saka ko lang naisip: ang mga nakasulat nga pala sa T-shirts ng Nazareno devotees ay ang Seven Last Words. Ahaha. At noong araw ay kabisado ko ang Bible, susme.  Pero, noon ‘yon. Noon.

 

Sa mga namista, nakiparada at nakibahagi sa pagdiriwang ng pista ng Nazareno, sana ay nakauwi na kayo at nakapahinga sa inyong bahay-bahay. Mayroon pa uli sa susunod na taon, ha, ha.

 

Pero next year, sakaling mapunta uli ako sa Maynila sa a-nwebe ng Enero,  mag-i-LRT   na ako, patatawarin!🙂

 

23 thoughts on “Sa Likod ng Quiapo

  1. Pingback: Sa May Kanto ng Avenida at Recto « sasaliwngawit

  2. almost all of my life for 5 long college years… had been part of those souls that roam around Quiapo and its surroundings.
    and i still do if time and opportunity permits…
    i just love reminiscing the memories…

  3. Pingback: Hello world! Kumusta kayo? | sasaliwngawit

    • ahaha, salamat. medyo tama ka, Cup. this is my experiment dito sa SSA na magsulat ng isang malaki-laking eksena, kumbaga. magpinta gamit ay isang medyo malaking canvass at ang subject matter ay sari-saring sights and sounds. may mga ilan pang susunod ditong parang ganito ring pagtatangka. salamat sa pagbabasa ng mahabang post, hihi. how’s your day, kapatid?😉

  4. Reblogged this on sasaliwngawit and commented:

    Manigong Bagong Taon sa lahat! Mgakapatid, ka-blogs, ito ang unang pagtatangka ko rito sa SSA na gumawa ng mahabang sanaysay ukol sa lugar sa Maynila.Ire-reblog ko para sa mga hindi pa nakabasa. Kumusta, sana kayo ay nasa mabuti…🙂

    • hello, Myr… happy New Year uli. sooo glad you dropped by, dito sa Quiapo kahit out of your way ata, hehehe. ahaha, may parte ng Quiapo na changed na, halos di makilala. pero, marami pa ring parts na pareho sa dati, as in… classic ang pamamanata, part na yata ng Pinoy culture.🙂 cheers!

      • oo nga eh..hindi lang ang quiapo ang may big change pati na rin dito sa wordpress.ang hirap na magnavigate pati hindi na separate un tagalog sa english na blog..mas gusto ko un dati compare sa ngayon..la lang , just venting out lang..enjoy..

      • hello, Myr… oo nga, medyo naninibago rin ako sa changes ng WP, mukhang experimenting sila with the features, minsan nakakalito. pero feeling ko, isang araw, matitimpla nila ang mga iyon ng husay. chill lang muna tayo, kapatid… have a restful Sunday. ingat…🙂

  5. hello, happy new year! kahit malaki na pinagbago ng quiapo, pakiramdam ko halos lahat parin ng kailangan mo ay mabibili mo sa paligid at sa mas murang halaga.. suki ata ako ng dvd don tska mga electronics. hehehe. tska pansin ko lang, doon mo talaga makikita ang ibat-ibang klase ng uri ng tao.. may sobrang hirap, mahirap, middle class, upper middle class etc.🙂

  6. alam mo San, Quiapo is one of my favorite place in Manila. Odd no? Very significant kasing lugar para sa akin. For me this is the melting pot of both the sinners and the faithful, where you can find both the unredeemable filths and those who keep on hoping for a better tomorrow. Pag mag-isa ako at galing sa bandang QC pabalik ng Maynila tapos ginabi ako, I make sure doon ako dadaan. Ang ganda niya lalo na pagtapat sa simbahan paakyat sa tulay, pababa ng tulay hanggang Lawton. Kasama na sa ganda niya yung mga magugulong tao, mga manghuhula at nagbebenta ng iba’t ibang klaseng ugat, mga nakakabwisit na dispatcher pati na rin ang mga nag-aalok ng gayuma at kulam (yikes!)

    • ahaha, ang ganda ng description mo ng Quaipo, poetic and literary. sya, gawa ka rin ng post, am sure maganda kalalabasan no’n, hala… ahaha, peyborit ko rin ang view ng lugar from the bridge, coming from Manila naman. may malaking billboard ng Ajinomoto (made from steel) doon noong araw. it was there for decades, nawala na yata… true, it’s colorful, on the move and it has a certain stench or smell all its own, haha. gawa ka ng post, dali…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s