Pusikit ang Dilim

 

Pusikit ang dilim, ang hangin ay banayad

Pumasok na sa bahay, mga batang naghahabulan

Humimlay na sa puno ang mga manok at kilyawan

Kanina pang namaalam itong si haring araw.

 

image of sunset in the Philippines

Maagang magpaalam ang araw pagdating ng hanging amihan/ pranzkaeno.tumblr.com

 

 

 

 

 

 

 

 

Di ko na naabutan, paghalik ng mga butiki sa lupa

Di ko napansing gabi na, kung magpakita ang mga tala

Hinahanap ko ang mga alitaptap na iilaw sa daan

Hinahantay ko ang mga ulap na maghahatid sa buwan.

 

Pusikit ang dilim

kislap ng iyong mata

ang tanging tanglaw.

 

4 thoughts on “Pusikit ang Dilim

  1. sadyang naiiba ang takip-silim gaya ng bukang liwayway sa lahat ng oras sa buong isang araw. Ang pusikit na dilim na dala nito ay parang mahika sa paningin. Magkagayon man hindi lamang ito natatapos sa paghahatid ng kagandahan kundi nagsasaad din ito na ang lahat ay may oras.

    Oras ng umuwi kundi may kurot sa singit. hehehe

    mabuhay!

    • hello, hoshi,

      naaliw akong na-incite ng tula ang iyong may pagka-makatang damdamin, haha. ikaw na ang figurative at may imahinasyon, kainaman… ^^

      nakakainis nga yang oras na ‘yan, laging kulang, ahaha. ^^ buti na lang, tumanda na ako at gumaradweyt na sa nakukurot pa ang singit, hehe.

      aliw talaga ako sa pitch dark. nagtataka ako every time makakaranas ako no’n. musta u?🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s