Pag-awit, Pagsusulat at Pagmamahal

imageof a G Cleft

Simbulo/ pcadvisor.co.uk

… Sa madaling salita, hindi ako sumikat, hindi yumaman at hindi nag-asawa. Dahil nga ako ay nagsusulat, hayaan nyong ako na ang magsabing ang tatlong scenario ay pwede lahat gawan ng kwento – maski tig-lilima. Mas madali yata ang gumawa ng kwento kesa sa matuto ng isang buong kanta? Hmmn… at least, para sa akin. Pero, lagi-lagi pa rin akong nakikinig sa mga kantang hindi ko naman alam at hindi nakakabisa. May nagagawa yata ang kanta sa taong tila hindi kayang ipaliwanag ng mga salita lamang?

At siyempre, kumakanta pa rin ako, maski puro chorus o refrain lang naman. Tulad din ng pagsusulat, iyan ang isang bagay na hindi ko binibitawan o iwinawala. Paniniwala ko, hanggang nakakahimig pa ako, ako’y nasa katinuan pa. Dito sa mundong magkakasama’t nagkakasalubong sa araw-araw ang mga taong nabubuhay sa pamumulot ng basura at iyong mga bored na bored kung paano gagastusin ang kanilang mga pera, mas maigi kung may pinaniniwalaan pa.

image of a pen and a notebook

Ang pagsulat ay pag-abot/ wribie.blogspot.com

Naniniwala pa rin ako sa pagsusulat kahit pa sabihin ng ibang marami sa mga nakalimbag na salita ay basura lamang – mga kasinungalingan at pagpapanggap. Nagsusulat ako para tingnan kung kaya ko pang maghiwalay, magbago ng mga ayos at kung kaya ko pang magbigay-hugis. Kasi, para sa akin, ang pagsusulat ay isang uri rin ng pagmamahal.

Hindi na raw uso ang harana. Wala nang sumunod na nanligaw na nag-concert para sa akin. Hindi ko alam kung okey rin ba ang pakiramdam ng pinapadalhan ng video message at kung nakakakilig ba ang haranahin sa YouTube.

 

image of a lyric sheet

Iilan lang ang lyrics na alam/ zedequalszee.com

 

11 thoughts on “Pag-awit, Pagsusulat at Pagmamahal

  1. ako din para manatili ang katinuan, dinadaan ko na lang paminsan minsan sa pagkanta, o pagsusulat o pakikinig at pagkanta habang nagsusulat, pwede naman yun e.🙂

    • hello, ate kaye! anla, ang tagal bago ka nagawi rito… glad to see you around.🙂

      at talaga namang sa post na may pagmamahal agad lumanding ang lola ko, as in… ^^ pag may time ka, silipin mo ‘yong patuloy kitang mamahalin at babatiin ko ng ngiti. ang mga ‘yan ang naaalala kong masasayang posts dito. ^^

      oo, ah? daanin sa kanta at sa pakikinig ng kanta. at pagsusulat, naman…

      best regards!🙂🙂

    • ahaha, on the other hand, ikaw ang isa sa nakikita kong parang natural about it, kapatid. you have the words, if i might say… salamat, ha… possibly, ang kailangan mo pang dagdagan ay ang sinasabing writer’s tools – content and methods. sa reading naibi-build up ang tools ng panulat. ^^

      hala pa, blogging is largely about the imagination – ng writer and ng reader. so, kumbaga, equipped ka na, bru. bale, dadagdagan mo na lang over time… sabi ko nga sa DPSA balik-tanaw, first part, it took me 24 years to finally write about the place i came from – patatawarin…

      salamat for reading back, ha… hope you’re spending the week fine.😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s